Você está na página 1de 1

Ang konsentrasyon ng mga spartans ay nasa pakikipaglaban at pagiipon ng lakas, o tungkol sa

depensa ng sparta at sa athens naman, ang konsentrasyon ay nasa academics, pagaaral o paghahasa
ng intelektwal na galing.
Sa madaling salita, sa sparta, pisikal at sa athens naman, mental or intelektwal na aspeto ng sarili.
Maraming magagaling na siyudad-estadong lumitaw sa Gresya subalit ang sumikat sa lahat ay ang Athens
at ang Sparta. Magkaibang-magkaiba ang dalawang ito at sila ang naglaban sa karangalang matawag na
pangunahin sa lahat ng mga siyudad sa gresya.
Kapag binabanggit ang Gresya, karaniwang ginagamit ng mga manunulat ang mga salitang luwalhati o
glorya upang tukuyin ang taas at kaunlaran ng kulturang nakamit ng mga griyego. Higit sa lahat, ang
Athens ang siyang kapat-dapat na bigyan ng kredito dahil sa mga ganitong papuri para sa kulturang
gresya.
Ang Athens ang pinakamalaki sa lahat ng siyudad ng Gresya at sa isang panahon ay umabot nang halos
isang kapat ng isang milyon ang bilang ng mga mamamayan doon. Maayos ang komersyo ng Athens at
labas-masok dito ang mga ideyang banyaga dahil bukas ang pinto nito sa mga manlalayag mula sa ibang
bansa.
Samantala, ang mga Spartan ay galling sa tribong dorian na pumasok sa Gresya noong bandang 1100 b.k.
ang siyudad na itinayo nila sa Laconia ay ipinailalim nila sa mahigpit na disiplinang siyang naging tatak
nila sa buong mundo.
Bukod sa pagiging disiplinado, matatag, at handang mamatay para sa bayan, nakilala rin ang mga Spartan
dahil sa malakas nilang puwersang militar.
Nang dumating sila sa bayan ng Laconia na nagging himpilan nila, yaong mga dinatnan nilang Achaean at
Ionian ay ginawa nilang mga alipin.
Sa Sparta, ang lahat ng mga batang lalaki ay pag-aari ng estado. Sa edad na pitong taon, inihihiwalay sila
sa kanilang mga ina at pinatitira sa mga kampo kasama ang iba pang mga batang maagang hinuhubog
upang maging magagaling sa sundalo. Walang luhong natikman ang mga Spartan sa kanilang buhay.
Bagkus, lahat ng pahirap na matitiis ng katawan upang lalo itong maging mahusay na makina na
maaring gamitin ng estado para sa digmaan ay ipinatikim ditto. Maging sa pagsasalita matipid ang mga
Spartan at hindi katulad ng mga Athenian na mahilig sa talakayan.
Bagamat parehong bihasa sa digmaan at disiplina ang mga Athenian at Spartan, higit na maluwag ang
mga Athens kaysa Sparta. Mas maraming panahon ang mga Athenian para sa ibang bagay bukod sa
digmaan at disiplina.

Você também pode gostar