Escolar Documentos
Profissional Documentos
Cultura Documentos
May apat na magkakaibigan sa kuwentong ito, sila Malikh Malikhain, Lino Matalino, Sinang Usisera, at si Kaloy
Makakalikasan.
Si Malikh, ay kilala sa paggawa ng mga bagay na mapakikinabangan, kaya nga lang ay nasasayang ang ilang
bahagi ng mga bagay na ginagamit niya, halimbawa: kung nais niyang gumawa, pumuputol siya ng isang buong
puno para makabuo ng isang kuwaderno. At hindi niya pinapalitan ang mga punong kanyang pinuputol.
Si Lino naman ay marunong gumawa ng paraan sa mga bagay bagay, ngunit madalas siyang mag aksaya ng tubig,
katulad ng sa paglilinis, ay hinahayaan lang niyang umaapaw ang tubig sa kanyang baso, o ang kanyang balde at
nasasayang ang mga ito.
Kilala sa pagiging matanong si Sinang, mahilig siyang mag usisa sa mga bagay na ginagawa ng kanyang mga
kaibigan o kahit sinong tao na gusto niyang makaalam ng bagong impormasyon.
At si Kaloy naman ay nakilala sa kanyang pagiging masinop, at mapag-alaga sa kalikasan.
Isang araw, may isang diwata ang nagpakita sa apat na magkakaibigan. Kailangan ko ang inyong tulong!!! wika
niya, Ako si Diwatang Pina mula sa Kaharian ng mga Kawayan, sa aming kaharian, ay mayroong nagbabadyang
panganib! -Si Bondoy, ang isang halimaw mula sa karagatan ay nagbabadyang atakihin ang aming mumunting
bayan.
Maari ba kayong tumulong para mapaghandaan namin ang mangyayaring pag-atake ni Bondoy? ito ang
pagmamakaawa ni Diwatang Pina.
Maaari akong gumawa ng mga sasakyan at kasangkapan, upang makatulong sa inyong paghahanda. wika ni
Malikh.
Ako naman ay tutulong sa pag-iisip ng mga paraan para makaiwas tayo sa mga posibleng panganib. alok ni Lino.
Ako naman ay kakalap sa ng mga impormasyon tungkol kay Bondoy, at sa mga kaya niyang gawin upang
mapaghandaan natin., sabi naman ni Sinang.
Tutulong na lang ako, kung anu pang mga kailangang gawin, ito na lang ang itinuran ni Kaloy, nang maisip niyang
wala na siyang halos maitutulong, dahil kayang gawin ng kanyang mga kasama ang lahat.
Natuwa ang diwata sa apat na magkakaibigan kaya sa isang senyas lang ng kanyang mga kamay, ay napunta na sila
sa isang mahiwagang kaharian, ang Kaharian ng Kawayan. Doon sa kanila tumambad ang isang napakalawak na
lupain, mayroon maliit na pamayanan, at sa paligid nito ay maraming malalaking puno ng kawayan, at hindi
pangkaraniwan ang mga laki at tibay ng mga ito.
Ipinakilala ng diwata kay Reynang Pili ang kanyang mga kasama, at nangako naman ng gantimpala ang reyna sa
apat na magkakaibigan, sakaling malampasan ng kanyang mga sinasakupan ang darating na pag-atake ni Bondoy.
Maari ninyong gamitin lahat ng mga yamang likas ng aming kaharian, upang magawa ang lahat ng dapat gawin.
Inalagaan namin ang mga yamang likas na nandito, upang sa pagdating nang panahon, ay kami naman ang kanilang
alagaan. ito ang utos ng Reyna ng Mahiwagang Kaharian.
Lumubog sa baha ang malaking bahagi ng Kaharian ni Reynang Pinas, ngunit hindi ang bahagi ng gubat na
inaalagaan ni Kaloy. Hindi ito tinablan ng hanging ibinubuga ni Bondoy, dahil yumuyuko lang ang mga kawayan sa
mga malalakas na hangin. Maging ang tubig-baha ay sinisipsip lamang ng ugat ng mga punong ito.
May isang bahagi sa gubat ang inaalagaan ni Kaloy! ito ang naalala ni Sinang, Hindi iyon aanurin ng tubig baha.
Agad nag-utos ang Reyna na dalhin ang lahat sa bahaging iyon ng gubat.
Agad namang nagsipuntahan doon ang lahat ng naninirahan ng kaharian. Ang malaking bahagi ng bayan na
nawalan ng puno ay nakita nilang lumambot ang lupa, dahil wala na ang mga ugat ng puno na sumusuporta dito.
Wala na din ang mga ilog na dating daluyan ng tubig, inagos ng tubig baha ang lahat ng mga bahay. At dahil na din
sa malambot na lupa, ay nadulas sa kanyang tinatapakan si Bondoy, at tumilapon siya pabalik sa dagat kung saan
siya nanggaling.
Laking tuwa ng mga naninirahan sa kaharian ng makita nilang nawala na ang higanteng halimaw. Ngunit nalungkot
sila ng makita ang kinahinatnan ng malaking bahagi ng kanilang kaharian. Marami sa mga bahay ay inagos ng tubig
baha, ang ilan naman ay nababad sa putik.
Ang maliit na bahagi ng gubat na iyon ang tanging nagligtas sa kanila mula sa kapahamakan, at iyon ay ang
bahaging inalagaan ni Kaloy.
Nagpasalamat ang Reyna sa ginawang iyon ni Kaloy, at binigyan silang apat ng mga ginto bilang gantimpala. Ngunit
higit sa mga gantimpalang kanilang tinanggap ay ang mga aral na kanilang natutunan mula sa nangyari:
Hindi na ako ulit magpuputol ng puno, at papalitan ko na ang mga punong pinutol ko. Lubos na nagsisi na sinabi ni
Malikh.
Hindi ko na rin hahayaang mag-aksaya ng tubig, upang hindi masira ang tamang pinagdadaluyan nito. ito naman
ang sinabi ni Lino.
Higit sa paglilikom ng impormasyon, akoy kikilos na lamang para mas makatulong sa pag-aalaga ng likas na
yaman. ito naman ang natutunan ni Sinang sa mga nangyari.
At nang makabalik na sila sa tunay na mundo, doon nila naalala ang mga katagang sinabi ng Reyna ng Kaharian ng
Kawayan:
Inalagaan namin ang mga yamang likas na nandito, para sa pagdating nang panahon, ay kami naman ang kanilang
alagaan.
Pinagkuhanan:
https://mgamaskara.wordpress.com/2010/10/11/ang-kaharian-ng-kawayan/