Você está na página 1de 2

Mga Uri ng Tayutay:

1. Pagtutulad (simile) - ginagamit sa paghahambing ng


dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa.
Gumagamit ng mga salitang tulad ng, gaya ng, para ng,
kawangis, atbp
2. Pagwawangis (metaphor) - katulad ng pagtutulad
ngunit hindi ito gumagamit ng mga salita gaya ng sa
pagtutulad.
3. Pagmamalabis (hyperbole) - lubhang nagpapalabis sa
kalagayan ng tao, hayop, bagay at halaman
4. Pagpapalit-saklaw (synecdoche) - maaari dito
banggitin ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan at
maaaring isang tao ang kumakatawan sa isang grupo
5. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng
mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
6. Pag-uyam - mga pananalitang nangungutya sa tao o
bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa
tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa
tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam.
7. Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o
kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa
patungo sa pinakamataas na antas.
8. Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi"
na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y
may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig
sabihin.
9. Pagbibigay katauhan (Personipikasyon) - Pagsasalin
ng mga katangian ng Tao sa mga karaniwang bagay.
10. Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na
pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit
ang pang-uri
11. pagsalungat o epigram - ang mga salitang pinaguugnay nito ay pinagsasalungatan sa kahulugan.
12. Pagpapalit tawag - Ito'y ang paggamit ng isang salita
sa halip ng ibang salitang kaugnay nito
13. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap
sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
14. Pagtatambis - ang tayutay na itoy bumabanggit ng
mga bagay na magkakasalungat upang mapabisa at
mangibabaw ang isang kaisipan.
15. Pag uulit - Ang pag-uulit ng salita o parilala ay
nakalilikha ng musika o ng isang padron na maganda ang
dating sa tenga. Maaaring makatulong ito sa pagkakabisa
sa tula o sa pagbibigay-diin sa isang konsepto o aksyon.
16. Pagdaramdam (Exclamation) ay nagsasaad ng dipangkaraniwang damdamin, ginagamitan ng damdam (!) sa
dulo ng pangugusap.

1. Pagtutulad :
*sasakyang parang ipu-ipo sa bilis
*babaeng parang pagong sa bagal
2. Pagwawangis :
*Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
*Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
3. Pagmamalabis :
*Pilit na binuhat ang sandaigdigan
Upang ang tagumpay ay kanyang makamtan.
4. Pagpapalit saklaw :
*Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak
*Ayaw kong makita ang mukha niya!
5. Paghihimig :
*Ang busina ng bus ang nangingibabaw sa kalye
*Ngumingiyaw ang pusa sa ibabaw ng bubong
6. Pag-uyam :
*Kung anong iginanda mo siya namang ikinapangit ng ugali mo.
*Bagay na bagay sa iyo ang damit na iyan, nagmumukha kang
suman sa ibus.
7. Pasukdol :
*Tumilapon na sa pagkakalaglag ang dilim
*Humagis na sa pagkakabagsak ang takipsilim
8. Pagtanggi :
*Hindi sa ayaw ko siyang pasamahin ngunit puno na ang van.
*Hindi niya magawang magsinungaling sa panahon ng kagipitan.
9. Pagbibigay katauhan :
*Tik-tak na orasan ay naghahabulan
*Masayang umihip ang hanging amihan
10.
Paglilipat wika :
*Ang ulilang silid ay naging masaya sa pagdating ni Lucy.
*Ang mapaglingkod na payong ay maingat na tiniklop ni Eleanor.
11.
Pagsalungat :
*Ang iyong kalakasan ang iyong kahinaan.
12.
Pagpapalit Tawag :
*Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.
13.
Pagtawag :
* O tukso! Layuan mo ako!
14.
Pagtatambis :
* Nalulungkot ako sa pananalo mo
Sa pagwawagi mo, hustisyay natalo.
15.
Pag uulit :
* ipinanganganib ay baka mabigla, matuloy hiningang mapatid
16. Pagdaramdam :
* Aking nadarama ang kapighatian
Sa pinapasan kong sobrang kalungkutan!

Você também pode gostar