Você está na página 1de 1

Ang Alamat ng Bundok Kanlaon

Sa bahaging Bisaya ay may isang bundok na humahati sa Silangan at Kanluran. Ito ang bundok
Kanlaon.
Noong unang panahon ay may isang malupit na namiminsala sa mga tao. Ito ay ang ulupong na may
pitong ulo. Nagbubuga ito ng apoy. Wala itong patawad. Waring walang makakagapi sa ulopong na ito
na nakatira sa bundok. Marami na siyang napatay dahil sa pagbubuga ng apoy apag nagagalit.
Kumunsulta si Haring Matog sa mga pantas. May mang-gagamot na nagmungkahing mag-alay sila sa
ulupong ng isang magandang dalaga upang matigil ito sa pamiminsala. Ipinaabot naman ng kura
paroko sa mga mamamayan ang balita. Sa takot ng mga kababaihan na baka sila ang ialay ay
pinintahan nila ang kanilang mga mukha. Pumangit ang mga hitsura nila dahil sa mga pinta.
Malipas ang isang buwan,bigong bumali ang pari. "Wala na pong natitirang magandang dalaga.
Nasunog po ang kanilang mukha nang abutin sila ng binugang apoy ng ulupong."
"Matapang ka, binata. Kung mapapatay mo ang salot na ulupong ay ibibigay ko sa iyo ang kalahati ng
aking yaman. At ipakakasal ko sa iyo ang kaisa-isa kong anak na si Prinsesa Talisay,"may paghangang
wika ng hari.
Naglakbay si Laon ang binatang banyaga. Sa paglalakbay niya papuntang bundok ay nakasalubong
niya ang isang langgam.
"Hoy langgam, ako si Laon. Pakisabi ninyo kay haring langgam na may utos ang panginoon ninyong si
Laon.Lahat ng sundalong langgam ay papuntahin n'yo sa bundok. Papatayin natin ang namiminsalang
salot na ulopong.Ito ay para na rin sa ating kapayapaan."
Gayundin ang sinabi ni Laon kay Haring Bubuyog at kay Haring Lawin na handa ng tumulong. Lahat
sila ay nagtungo sa bundok.
Doon naganap ang umaatikabong bakbakan. Halos matabunan na ang ulopong sa rami ng
umaatakeng mga langgam. Pinagkakagat nila ang ulopong. Tinusok naman ng bubuyog ang mga mata
ng salot. Hindi nila pansin ang ibinubugang apoy ng ulopong. Patuloy sila sa laban nila.
Samantala sa kaharian ay hindi mapalagay si ang mga tao. Umiiyak si Prinsesa Talisay. HUmingi siya
ng tulong sa kanyang amain na si Datu Sagay. Nagpasya si Datu Sagay na sundan si Khan-Laon upang
pilan ito sa iba pang binabalak. Ipinasisigawan naman ng mga tao na si Prisesa Talisay ang ialay sa
ulupong kapag nabigo si Khan-Laon sa labanan.
Nakarating sa bundok si Datu Sagay at ang kanyang mga kawal. Kitang-kita nila na dinudukot ng
Lawin ang mga mata ng halimaw at pinag tatagpas ni Khan-Laon ang mga ulo ng ulupong.
Tuwang-tuwa ng bumalik sa kaharian si Khan-Laon at ang kanyang mga kaibigan. Tuwang-tuwa rin si
Datu Sagay na ibinalita ang kagitingan ni Khan-Laon.
"Ang lahat pong ito ay hindi ko kayang gawin kung wala po ang aking mga kaibigan,Mahal na Hari.
Kaya ang hiling ko lamang ay wag silang patayin sapagkat tulad din natin sila na nilikha ng
Dios,"pakiusap ni Khan-Laon.
Agad naman ibinigay ng hari ang kanyang ipinangako. Ipinakasal din niya ang anak na prinsesa kay
Laon. Mula roon ay masayang nagsama ang mag-asawa. Tinawag nila ang bundok na Kanlaon bilang
pagkilala sa kabayanihan ni Laon.

Você também pode gostar