Você está na página 1de 335

Pilipinas

Introduksyon
Ang Pilipinas ay tinawag na Perlas ng Silangan o Pearl of the Orient
Sea dahil sa angking kagandahan na tinataglay nito. Ang ganda ng
Pilipinas ay inihambing sa kagandahan ng isang perlas na matatagpuan
sa gitna ng karagatan. Ang kintab at ang kinang nito ay ang dahilan ng
pagkahumaling ng mga dahuyan sa bansa.
1 | Panitikang Asyano-Pilipinas

Ang bansang Pilipinas ay mula sa Felipinas, na unang ipinangalan


ni Ruy Lopez de Villalobos sa bansa sa karanganlan ni Prinsipe Felipe na
naging Haring Felipe II ng Espanya. Sa pamamagitan ng Presidential
Decree 940 na ipinalabas noong ika-24 ng Hunyo, 1976, ang Maynila
ang kabisera ng bansa.

Demograpiya
Ang Pilipinas ay tila tatsulok ang hugis na matatagpuan sa pagitan
ng Taiwan (sa Hilaga) at Borneo (sa Timog). Napapalibutan ito ng
malalaking bahagi ng katubigan: ang Dagat-Celebes sa Timog, at Dagat
Tsina sa Kanluran. May 300,000 kilometrokuwadrado ang laki nito na
halos kasinlaki ng Italya at dalawang beses ang kalakihan sa Gresya.Ang
Pilipinas ay may kabuuang lawak ng lupa na may 115,707 milyang
kuwadrado. Ang pinakamalaking pulo o isla ay ang Luzon (40,420
milyang kuwadrado), sumusunod ang Mindanao (na may 36,537 milyang
kuwadrado) at ang huli ay ang pulo ng Visayas. Binubuo ang bansa ng
higit-kumulang na pitong libo, isang daan at pitong (7,107) mga pulo.
Ang lupain ng Pilipinas ay mataba kahit na ito ay mabundok. Ang
mga hanay ng bundok ay may makakapal na kagubatan na pumipigil sa
baha at pagguho ng mga lupa. Mayroon din itong malalawak na
kapatagan. Ang pinakamalawak ay iyong nasa kalagitnaang kapatagan
ng Luzon at ang kapatagan sa Mindanao. Naniniwala ang mga
siyentipiko na kung makabagogng paraan ng pagtatanim ang gagamitin
sa mga kapatagang ito, makakasapat ang ani para sa pangangailangan
ng bansa. Ang ating bansa ay mayroon ding malalawak at masasaganang
lambak, tulad ng Lambak ng Cagayan. Mayroon din itong masasaganang
talampas na matatagpuan sa Bukidnon. Maraming burol ang
matatagpuan sa iba't ibang panig ng kapuluan. Ang mabababang
bundok na matatagpuan sa mga gilid ng pulo ay nagsisilbing lupa para
sa pagpapastol. Ang Bundok Apo sa Mindanao ay may pinakamatas na
taluktok samantalang ang Bulkang Taal sa Batangas ang may
pinakamababa.

2 | Panitikang Asyano-Pilipinas

Ang Pilipinas ay binayayaan ng mahahabang baybaying-dagat. ito


ang dahilan kung bakit ang mga naninirahan sa malalapit sa mga ilog at
dagat ay paningisda ang ikinabubuhay. Bukod sa mga dagat, mayroon
din itong mga ilog, lawa, look at golpo na pinanggagalingan ng iba't ibang
pagkaing-dagat tulad ng hipon, alimango, talaba, halamang-dagat at
mahigit na dalawang libong iba't ibang uri ng isda.Kabilang sa mga uri
ng isda ang pandaca pygmea o sinarapan na matatagpuan sa Lake Buhi
sa Camarines Sur. Ito ang kinikilalang pinakamaliit na uri ng isda sa
buong daigdig.Kilala rin ang Pilipinas sa pagkakaroon ng pinakamalalim
na karagatan, ang Philippine Deep na may 32,000 talampakan ang lalim.
Klima

Ang Pilipinas ay isang bansang tropiko. Mainit at maalinsangan ang


klima ng Pilipinas tuwing tag-araw na magsisimula mulang Pebrero
hanggang Mayo. Samantalang mahalumigmig kung tag-ulan na
sumasapit tuwing Hunyo hanggang Setyembre. Magsisimulang umihip
ang hanging amihan pagdating ng Oktubre, bagaman ang ilang bahagi
ng kapuluan ay makararanas ng paminsan-minsang pag-ulan. Angkop
na angkop ang naturang klima para sa pagsasaka, paghahayupan,
pagbubuo ng industriya, at kahit sa paglalakbay.Humigit-kumulang na
nasa 26.5 sentigrado ang temperatura ang umiiral sa buong taon.
Watawat

3 | Panitikang Asyano-Pilipinas

Ang watawat ng Pilipinas ay unang nasilayan sa Kawit, Cavite


noong Hunyo 12, 1898 nang winagayway ito ni Heneral Emilio Aguinaldo
sa kanyang balkonahe nang ideklara niya ang kalayaan ng Pilipinas. Ito
ay tinahi nina Doa Marcela Marino de Agoncillo, ang anak niya na si
Lorenza at si Gng. Delfina Herbosa de Natividad, pamangkin ni Dr. Jose
Rizal. Ang disenyo naman nito ay galing kay Heneral Aguinaldo na
ibinigay sa kanila sa Hong Kong noong panahon na pinaalis siya ng mga
Amerikano sa Pilipinas.
AngPUTI ay nagpapahiwatig ng kalinisan habang anghugis nito na
TATSULOK ay nagpapahiwatig ng pagkapantay-pantay. Ang kulay
ASUL ay sumisimbolo sa kapayapaan at pagkakaisa. Ang PULAnaman ay
katapangan ng bawat Pilipino na ipaglaban ang sariling bansa. Ang
ARAW ay sumisimbolo sa malaking hakbang na ginawa ng mga Pilipino
upang makamit ang daan patungo sa kaunlaran habang ang 8
SINAGnito ay ang Manila, Bulacan,Pampanga, Tarlac, Batangas, Laguna,
Cavite at Nueva Ecija. Ito ay ang 8 probinsya na unang nag-aklas laban
sa Espanya. Ang 3 BITUIN naman ay ang Luzon, Visayas at ang
Mindanao, ang 3 pangunahing pulo sa Pilpinas.
Ayon sa seksyon 12 ng batas, kapag ang watawat ng Pilipinas ay
itataas kasama ang iba pang watawat, at kung ito ay parehong
pambansang watawat, ito ay dapat itaas sa magkahiwalay na poste o
lalagyan, na may parehong sukat at parehong laki ng watawat.
Kinakailangan din na kapag ang watawat ay nakabitin o nasa
nakatayong posisyon, ang asul na bahagi ay dapat na nasa kanan (nasa
kaliwa ng tumitingin). Dahil sa kadalasang makikita ang watawat ng
Pilipinas sa mga paaralan, opisina at entablado, nararapat lamang na
ilagay sa kaliwa ang watawat (kapag nakaharap sa entablado) o kaya
naman sa kaliwang bahagi ng opisina sa pagpasok.Kapag ang asul na
bahagi ng watawat ay nasa itaas, nangangahulugan ito na payapa ang
bansa. Kapag ang pula naman ang nasa itaas, nangangahulugan ito na
may giyera.
Pambansang Awit

4 | Panitikang Asyano-Pilipinas

Ang Lupang Hinirang o Marcha Nacional Filipina, Pambansang


Awit ng Pilipinas, ay isang marcha na binuo ni Julian Felipe at unang
pinatugtog sa Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite noong 12 Hunyo 1898.
Ang komposisyon, na unang naisulat sa salitang Espanyol, ay
inilathala

noong

Setyembre

1899

sa La

Independencia,

isang

pahayagan ng rebolusyon.
Noong ika-5 Hunyo 1898 ay kinomisyon ni Emilio Aguinaldo si
Julian Felipe, isang kompositor ng Cavite, na gumawa ng isang marcha
para sa mga rebolusyonaryo. Ginawa ni Felipe ang komposisyon sa loob
ng anim na araw, at noong ika-11 ng Hunyo, itininanghal ni Felipe ang
musika sa harapan ni Aguinaldo at ng kanyang mga tinyente. Pinatugtog
ng bandang San Francisco de Malabon ang marcha ng pambansang awit
habang iwinawagayway ang bandila ng Pilipinas.
Ang titik ng awit ni Palma ay isinalin sa Ingles ng mga edukador
na sina Camilo Osias at M.A.L. Lane noong 1920.Sa ilalim ni dating
Presidente Jose P. Laurel, isinalin ng Surian ng Wikang Pambansang
titik ng pambansang awit sa salitang Ingles at Pilipino noong 1943.
National Ideal ang naging pamagat nito sa Ingles at Diwang Bayan
naman sa Filipino.
Noong 1956 isinalin muli ang Espanyol na bersyon ng
pambansang awit ng isang grupo ng mga Pilipino, binubuo ng mga
musikero, manunulat at ilang opisyal ng pamahalaan na binuo ng
Kagawaran ng Edukasyon. Ang naging pamagat ng ginawa nilang
pagsasalin ay Lupang Hinirang, na siyang inihayag na opisyal na titik
ng pambansang awit noong 19 Disyembre 1963, sa ilalim ng
Proklamasyon ng Presidente bilang 60.

Lupang Hinirang

5 | Panitikang Asyano-Pilipinas

Bayang magiliw, perlas ng


silanganan
Alab ng puso, sa dibdib mo'y
buhay.
Lupang hinirang, duyan ka ng
magiting,
Sa manlulupig di ka pasisiil.

Philippine National Anthem

Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong
bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.

Land dear and holy,


Cradle of noble heroes,
Neer shall invaders
Trample thy sacred shore.

Ang kislap ng watawat mo'y


Tagumpay na nagniningning;
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma'y di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati't
pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya na pag may nangaapi
Ang mamatay nang dahil sa iyo.

(salin sa Ingles)
Land of the Morning,
Child of the sun returning,
With fervor burning,
Thee do our souls adore.

Ever within thy skies and


through thy clouds
And oer thy hills and sea
Do we behold the radiance, feel
the throb,
Of glorious liberty.
Thy banner, dear to all our
hearts,
Its sun and stars alight,
O, never shall its shining field
Be dimmed by tyrants might!
Beautiful land of love,
O land of light,
In thine embrace tis rapture to
lie,
But it is glory ever, when thou
art wronged,
For us, thy sons, to suffer and
die.

6 | Panitikang Asyano-Pilipinas

Ang
Panitikan ng

Pilipinas sa
Ibat ibang
Panahon

Panahon Bago Dumating ang mga Kastila


Kapaligirang Pangkasaysayan
1. Ang mga negrito o Ita

Ang kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas ay ang Negrito o


Ita. Walang sariling kulturang masasabi ang mga Ita. Wala silang
nalalaman sa agham, sa paghahanap buhay, sa pamahalaan, sa sining,
sa pagsusulat at sa pamumuhay. Sa panitikan ay wala silang nalalaman
kundi ilang awitin at pamahiin.
2. Ang Pagdating ng mga Indonesyo
Ang unang sapit ng mga Indonesyo ay may lahing Mongol at
Kaukao kayat silaymapuputi at manilaw-nilaw ang mga balat. Walang
masasabi gaanong kultura ang kanilang dinala rito liban silay
marunong nang mamahay ng sarili, marunong magtanim ng mga
halaman at marunong nang magisda. Pagkaraan ng 4000 taon ay
dumating naman ang ikalawang sapit. Iba ang mga hitsura nito kaysa
mga unang Indonesyong nandarayuhan sa atin. Ang mga Indonesyong
itoy nakahihigit ng kalinangan kaysa doon sa una. Silay may sarili nang
sistemang pamahalaan, may mga hanapbuhay, marunong magluto ng
pagkain at may dalang panitikang gaya ng epiko, kuwentong bayan, mga
alamat, mga pamahiin at pananampalatayang pagano. Sila ang mga
ninuno ng mga Ifugao.
3. Ang Pagdating ng mga Malay
Tatlong pangkat ng mga Malay ang nakarating sa Pilipinas. Ang
unang pangkat ay nakarating dito noong kumulang humigit sa 200 taon
bago namatay si Kristo at 100 taon pagkamatay ni Kristo. Ang mga
Malay na itoy nagdala ng kanilang pananampalatayang pagano at mga
awiting pangrelihiyon. Silay nangagtira sa kabundukan ng Luzon at sila
ang mga ninuno ng mga Igorot, Bontok at Tinguianes. Ang ikalawang
pangkat ay dumating dito mula noong 100 hanggang 1300 taon
pagkamatay ni Kristo. Sila ang mga ninuno ng mga Tagalog, Bisaya,
Ilokano at mga iba pa. Silay may dalang wika, alpabeto, awiting bayan,
kuwentong bayan, mga alamat at mga karunungang bayan. Sila ang
nagdala ng Baranggay. Ang ikatlong pangkat ay ang mga Malay na
Moslem. Nagdala sila dito ng epiko, alamat, kuwentong bayan at ng
pananampalatayang Muslim.

4. Ang mga Intsik


Ang mga Intsik ay nagdala ng kanilang wika- kayat mahigit sa 600
salitang Intsik ay bahagi na ng wikang Pilipino. Ang mga salitang gusi,
susi, mangkok, talyasi, kawali, kawa, bakya, tingi, Ingkong, Impo, bayaw,
inso, kuya, diko, sangko at mga iba pa ay nanggaling sa
Intsik.
5. Impluwensiya ng mga Bumbay
Nagdala sila ng pananampalatayang Bramanistiko at panitikang
epiko, awiting bayan at liriko. Marami ding mga salitang Bumbay o
Hindu na bahagi na ng wikang Pilipino. Ang mga itoy, guro, bansa,
mukha, likha, hukom, dukha at iba pa.
6. Mga Arabe at Persiyano
Nagdala sila ng mga epiko, kuwentong bayan, dula at alamat.
7. Impluwensiya ng Imperyo ng Madjapahit
Ang Imperyo ng Madjapahit na ang pinaka sentro ay Java sa
Indonesya ay nagging napakamakapangyarihan at maraming mga
kalapit bansa ang nasakop. Kabilang dito ay Indo Tsina, Cambodia,
Siam, Anam, Tonkin at Pilipinas. Kayat ang Pilipinas ay nagkaroon ng
impluwensiya ng mga bansang nabanggit lalo na sa panitikan. Ang mga
kuwentong bayan ng Cebu, Panay, Negros at Palawan ay katulad ng mga
kuwentong bayan ng mga nabanggit na mga bansa.
8. Ang Imperyo ng Malacca
Nagtatag sila ng pamahalaang pinamumunuan ng mga Sultan o
Rajah. Sinasabing ang karaniwang pahayag na Alla-eh sa Batangas ay
impluwensiya ng Imperyo ng Malacca.
B. Mga Bahagi ng Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga
Kastila

1. Panahon ng mga Alamat at Mga Katangian Nito


Ang panahon ng mga alamat ay sumasakop mula sa panahon ng
pagdating ng ikalawang pangkat ng mga Malay. Ang kanilang panitikan
ay pasalita lamang na binubuo ng mga mitolohiya, alamat, kuwentong
bayan, mahiya, seremonya sa pananampalatayay sumasamba sila sa
punongkahoy, sa araw at sa iba pang mga anito. Naniniwala rin sila sa
pamahiin.
a. Bulong
Ang bulong ay isang uri ng tradisyonal na dula at itoy labis na
pinaniniwalaan ng mga unang Pilipino. Isa pang pagbulong ay paghingi
ng pahintulot sa pinaniniwalaan nilang nuno sa punso.
b. Kasaysayan ng Alamat
Bago pa dumating ang mga Kastila ay mayaman na ang mga
Pilipino sa alamat. Angalamat ay isang uri ng panitikang tuluyang
kinasasalaminan ng mga matatandang kaugaliang
Pilipino at nagsasalaysay ng pinagbuhatan ng isang bagay, pook o
pangyayari. Ang pangyayariy hindi makatotohanan at hindi
kapanipaniwala.
2. Ang Mga Kuwentong Bayan
Bago pa lumaganap ang panitikang paulat ay laganap na sa
Pilipinas ang kuwentong bayan. Itoy isang tuluyang kuwentong
nagsasalaysay ng mga tradisyong Pilipino. Karamihan ng mga kuwentong
baying Pilipino ay tungkol sa kanilang mga Diyos, at mga ispiritu na
siyang nagtatakda ng kapalaran ng tao.
Ang mga kuwentong bayang itoy naglalarawan ng mga kaugalian,
pananampalataya at mga suliraning panlipunan ng panahong yaon.
Kahit na ang mga kuwentong itoy may mga kababalaghan at di
kapanipaniwalang mga pangyayari, marami ang nagbibigay ng aral.
3. Panahon Ng Mga Epiko
a. Mga Katangian ng Panahong Ito

Sa panahong ito dumating ang mga Malay na may sarili nang


alpabeto na tinatawag na Alibata. Sila ang mga Malay na Muslim na
maalam nang magsulat. Ito ang alpabetong Arabe na hanggan ngayon ay
ginagamit pa ng mga Muslim sa Mindanaw at Sulu. Hinalinhan ng
Kastila ang tawag sa alpabetong ito at tinawag na Baybayin at ngayon ay
siyang tinatawag na Abakada. Ang epikoy isang tulang pasalaysay na
ang karaniwang paksay tungkol sa pakikipagsapalaran, katapangan at
kabayanihan ng mga tao noong unang panahon. May mga pangyayari
ditong hindi kapani-paniwala at maraming kababalaghan. Maraming
mga epikong isinalin ng mga misyonerong Kastila, gayon din ng mga
pokloristang Amerikano ngunit marami pa rin ang hindi naisalin sa
kakulangan ng mga mag-aaral sa lingguwistika. Kayat ang marami sa
epikong Pilipino ay nakikilala lamang sa pamagat.
4. Ang mga Awiting Bayan
Ang awiting bayan ay isang tulang inaawit na nagpapahayag ng
damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain o
hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook.
Maraming mga uri ng mga awitin. May mga awit tungkol sa pagdakila sa
kanilang Bathala, pagawit sa pagsisisi sa kasalanan, pag-awit upang
sumagana ang mga ani, pag-awit tungkol sa katapatan ng pag-ibig, pagawit sa pakikidigma, pag-awit sa tagumpay, pag-awit sa pagpapatulog ng
bata, pag-awit sa kasal, pag-awit bilang pagpuri sa kanilang mga
ninuno. May mga awit namang malaswa ang sinasabi at may
kagaspangan ang mga pananalita.
5. Ang mga Karunungang Bayan
Ang mga karunungang bayan ay binubuo ng mga bugtong,
salawikain, sawikain, kasabihan at palaisipan. Karamihan ang mga itoy
nanggaling sa mga Tagalog at hinugot sa mga mahahabang tula. Ang
mga unang salawikain at sawikain ay may pagkakatulad sa ma tula ng
Indiya, Indonesya, Burma at Siyam. Itoy nagpapatunay lamang na
noong unang panahon ay nagdala ang mga bansang nabanggit ng
impluwensiya ng kanilang panitikan sa Pilipinas.
a. Ang Bugtong

Ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.


Itoy binibigkas ng patula at may lima hanggang labindalawang pantig.
Ang mga Tagalog ang pinakamayaman sa bugtong.
b. Ang Salawikain
Ang salawikain ay isang patalinhagang pahayag na ginagamit ng
mga matatanda noong unang panahon upang mangaral at akayin ang
mga kabataan sa mabuting asal. Itoy patulang binibigkas na may sukat
at tugma. Ito ang nagsilbing batas ng magandang kaugalian at pagkilos
noong panahon ng ating mga ninuno.

k. Ang Mga Sawikain


Ang sawikain, bagaman patula rin at may sukat at tugma ay iba
kaysa salawikain sapagkatt itoy nagpapahayag ng katotohanan at
nagpapakilala ng gawi o ugali ng isang tao.

c. Ang Mga Kasabihan


Ang mga kasabihan ay karaniwang ginagamit sa panunukso o
pagpuna sa isang gawi o kilos ng ibang tao. Itoy patula rin.
d. Ang Palaisipan
Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Itoy gumigising sa isipan
ng tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin. Kahit na sa
paaralan ngayon ay ginagamit na ang palaisipan sapagkat itoy isang
paraan upang tumalas ang isipan ng mga mag-aaral.
g. Ang Mga Unang Dulang Pilipino
Ang unang dulang Pilipino ay patula rin ang usapan. Nang
dumating ang mga Kastila ay may nadatnan na silang mga dulang
ginaganap sa ibat-ibang pagkakataon. Ang mga itoy ginaganap na

kaugnay ng mga seremonya sa pananampalataya at pagpaparangal sa


kani-kanilang mga pinuno at bayani.
Mga Akda sa Panahon Bago Dumating ang mga Kastila
Ang Punong Kawayan
Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang
katangian. Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak
ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng
bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.
Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.
Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal
ako ng mga bata.
Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at
hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga.
Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at
pulang-pula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.
Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon
at mabunga,wika ni Niyog. Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan.
Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang
kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.
Nagtawanan ang mga punungkahoy.
Punong Kawayan.

Pinagtawanan nila ang

Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy.


Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang paghiip. At isang oras
niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga
at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang
mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas
na hangin ang nakatayo at di nasalanta.

Nakalbo ang Datu

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May


katutubong kultura ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa.
Sa kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang
dalawa o higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang
pakakasalang babae at ang magiging pamilya nila.
May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa
kanyang mga nasasakupan. Lagi siyang abala sa pamamahala ng
kanilang pook. Nalimutan ng datu ang mag-asawa. Siya ay pinayuhan
ng matatandang tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang
magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya.
Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay.
Naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa
pinamumunuang pamayanan. Sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng
matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu.
Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang
dalagang maganda na ay mababait pa. Dahil sa wala siyang itulakkabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal kaya pinakasalan
niya ang dalawang dalaga.
Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay
batang-bata at napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal
ni Hasmin ang asawa. Mahal na mahal din siya ng datu kaya
ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin niya. Dahil sa pagmamahal sa
matandang datu, umisip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata
ang asawa.
Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganito,
magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.
Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang
datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito,
madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing pa.
Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda,
mabait si Farida ngunit kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida
kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu. Kahit maganda siya,
ayaw niyang magmukhang matanda.

Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na


ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa.
Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa
buhay ang datu. Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya
kung bakit di kaagad siya nag-asawa. Ngunit gayon na lamang ang
kanyang pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala
ang kanyang sarili.
Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu.
Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.

Ang Kalabasa at ang Duhat


Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat.
Gusto niyang makita kung papano magsilaki ang mga ito. Dahil si
Bathala ang nagtanim, kaydali nilang lumaki. Si Duhat ay lumaki
pataas na ang itinuturoy kalangitan, at ilang araw pa ay nakahanda na
itong mamunga.
Sabik na sabik na akong mamunga, wika ni Duhat. Si Kalabasa
naman ay humaba, ngunit hindi tumaas. Gumapang lang ito nang
gumapang, hanggang sa itoy nakatakda nang mamunga.
Ngunit hindi malaman ni Bathala kung anong uri ng bunga ang
ipagkakaloob niya sa dalawang ito. Matamang nag-isip si Bathala.
Ang duhat na nilikha koy malaki, nararapat lamang na malaki rin
ang kanyang bunga. At si Kalabasa naman ay gumagapang lamang, at
walang kakayahang tumayo, nararapat lamang na ang mga bunga nitoy
maliliit lamang. Wika niBathala.
Ganyan nga ang nangyari. Si Duhat ay namunga ng sinlaki ng
banga. Agad niyang nakita na hindi tama ito, sapagkat nababali ang mga
sanga nito dahil sa bigat ng bunga. Si Kalabasa namay hindi bagay
dahil maliit ang bunga. Di pansinin ang mga bunga nito lalot
natatakpan sa malalapad na dahon.

Muling nag-isip ng malalim si Bathala. Tunay na hindi siya


nasiyahan.
Napagpasiyahan niyang ipagpalit ang mga bunga ng mga ito. At
napatunayan niyang tama ang kanyang ginawa, sapagkat ang kalabasa,
mahinog man itoy hindi malalaglag dahil ang puno ay gumagapang
lamang. Samantalang ang duhat, malaglag man ay magaan, hindi
masisira at ginawa naman niyang kulay berde ang kalabasa sa dahilang
itoy malayo sa araw. At kulay itim naman ang duhat. Pagkat itoy
malapit sa araw.
At sa kanyang ginaway nalubos ang kasiyahan ni Bathala.
Mga Bugtong
Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo. (aso)
Kahit hindi tayo magkaano-ano, ang gatas ng anak ko, ay gatas din ng
anak mo. (baka)
Ibon kong saan man makarating, makababalik kung saan
nanggaling. (kalapati)
Bagama't maliit, marunong nang umawit. (kuliglig)
Dala mo't sunong, ikaw rin ang baon. (kuto)
Hulaan mo, anong hayop ako. Ang abot ng paa ko'y abot rin ng ilong
ko? (elepante)
Kung manahi 'y nagbabaging at sa gitna'y tumitigil. (gagamba)
Kulisap na lilipad-lipad, sa ningas ng liwanag ay isang
pangahas. (gamugamo)
Isang uod na puro balahibo, kapag nadikit sa iyo ang ulo, tiyak
mangangati ang balat mo. (higad)
Isda ko sa tabang, pag nasa lupa ay gumagapang. (hito)

Panitikan ng Panahon ng Kastila


(1565 1872)
Kaligirang Kasaysayan
Maagang nagtatag ng mga paaralan ang simbahan. Sinumulan ito
ng mga misyonaryosapagkat ang pangunahing layunin ng mga kastila ay
mapalaganap ng pananampalatayangkatolisismo ang edukasyong
ibinigay sa mga Pilipino ay balot ng mga araling panrelihiyon.
Ang mga Imlpuwensiya ng Kastila sa Panitikang Pilipino
1. Ang pagkakapalit ng alibata sa alpabetong Pilipino
2. Ang pagkakasulat ng aklat pambalarila sa ibat-ibang wikaing Pilipino
gaya ng Tagalog, Ilokano, Cebuano at Hiligaynon.
3. Ang malaking ginawang pagtulong sa simbahan sa pagsulat ng ibatibang uri ngpanitikan.
4. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana.
5. Ang pagsisinop at pagkakasalin ng mga makalumang panitikan sa
Tagalog at sa ibangwikain.
6. Ang pagkakadala sa pilipinas ng mga alamat sa Europa at ng
tradisyong Europeo na naging bahagi ng panitikang Pilipino sa
ngayon, gaya awit,corridoat moro-moro.
7. Ang wikaing kastila na siyang wika ng panitikan nang panahong yaon
at marami sa mgasalitang ito ang nagging bahagi na rin ng wikang
Pilipino.
Uri ng Panitikang Lumaganap
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.

awit
corrido
duplo
karagatan
comedia
moro-moro
cenakulo
sarsuwela

Mga Unang Aklat


1. Doctrina Cristiana by: Padre juan de plasencia at padre
domingo de nicua
2. Nuestra Se.ora del Rosario by: padre blancas de san jose at juan
de vera
3. Ang Barlaan at Josaphat isinalin ni padre Antonio de borja
4. Ang Pasyon by: gaspar aquino de belen, don luis guian, padre
aniceto de la merced at Padre mariano pilapil
5. Ang Urbana at Felisa by: padre modesto de castro ay tinawag na
ama ng klasikong
tuluyang tagalong Iba pang isinulat niya:
-coleccion de sermons tagalog
-exposicion de las siete palabra en tagalog
-novena de san isidro en tagalog
6. Ang Dalit kay Maria- flores de mayo by: padre mariano sevilla
Mga Akdang Pangwika
1. Pag-aaral ng Barirala sa Tagalong
2. Talasalitaan sa Tagalog
3. Mga Barirala sa mga ibang Wikain
Mga Kantahing Bayan
Bago pa dumating nag mga kastila mayroon nang mga awiting
bayan ang mga Pilipino at ang mga itoy isinalin nila sa mga sumusunod
na salin lahi. Nang dumating ang mga kastilay lalo pang nadagdagan
ang mga kantahing bayan ng mga Pilipino. Ang mga kantahing bayan ay
bunga ng kulturang silangan at kanluran narito ang ilang halimbawa :
1. Kundiman- awit ng pag-ibig
2. Paghehele ng bata- awit sa pagpapatulog sa bata
3. Balitaw- awit sa paghaharana
4. Paghahanapbuhay- awit sa pagtatrabaho
5. Paninitsit6. Colado- awit ng mga taong hindi inaanyayahan sa kainan
7. Panunukso- awit sa mga bata kung nagtutuksuhan
8. Pangangaluluwa- awit sa araw ng mga patay
9. Panunuligsa- awit laban sa mga babaeng masasagwa
10. Pananapatan- awit ng mga binata sa dalagang pinipintuho.

Mga Aklat Pangwika


Upang ang mga pilipinoy maturuan ng dasal, ang mga misyonaryo
ay nagsulat ng mga aklat na pangwika gaya ng :
1. bokabularyo
2. balirala
3. nobela
4. dasal
5. talambuhay ng mga santo
6. misteryo

Ang mga Awit at Corrido


Corrido
Ang mga paksa ng corrido ay galing sa Europe na dinala sa
Filipinas ng mga kastila.
Karamihan sa mga corridor ay walang nakasulat ng may akda.
Ang mga manunulat ng corridor ay sina: jose de la cruz, ananias zorilla
at Francisco balagtas. Ang corridor ay may 8 panting bawat taludtod.
Ang mga corridor ay:

Doce pares de francia


Rodrigo de villa by: jose dela cruz
Bernando del carpio by: jose dela cruz
Dona Ines by: Ananias zorilla
Ang haring Patay
Principe orentis

Awit
Ang corridor at awit ay magkatulad ng paksa, ang pagkakaiba
lamang ay ang awit ay binubuo ng 12 panting at ang corrido ay may 8
panting bawat taludtod. Ang mga sumusunod ay mga popular na awit:

Florante at laura
Doce pares sa kaharian ng pransiya
Salita at buhay ni segismundo
Bernando carpio
Principe florino by: ananias zorilla
Se don juan tenorio
Principe igminio
Francisco Balagtas
Wala pang makakapantay ng kalagayanginabot ni balagtas sa
Panitikang Pilipino. Mgasinulat ni balagtas:

La India elegante y el negrito amante


Oarsman at zafira
Don nuno at zelinda
Clara balmori
Nudo gordeano
Almonzar at rosemando
Auredato at astrono
Abdol at miserena
Mahomet at constanza
Bayaceto at dorlisca

Ang mga dulang patula


Hindi totoong ang pagpasok ng relihiyong katoliko sa pilipinas ay
napawi dahil ang mgaritwal at seremonya sa pagkamatay ay isang tao ay
nagpatuloy padin. Dalawang uri ngseremonya:
Karagatan
Ang karagatan ay nanggaling sa isang alamat tungkol sa isang
dalagang nawalan ngsingsing. Ang mga binatang maghahanap ng
singsing dapat sasagot ng patula kapag nahanap angsingsing matutuloy
ang kasalkasalan kapag hindi malulunod ang binata.
Duplo

Isang madulang pagtatalong patula karaniwang ginaganap sa


maluluwang ang bakuran.
Ang Tibag
Pagsasadula ng paghahanap ng krus na pinagpakuan kay kristo
nina reyna Elena at Principe constantino. Ito ay ginaganap sa buwan ng
mayo.
Ang Panunuluyan
Isang prosisyong ginaganap kung bisperas ng pasko. Isinasadula
dito ang paghahanap ng
habay na matutuluyan ni maria para sa nalalapit niyang panganganak.
Ang Panubong
Ito ay isang mahabang tulang paawit
pagpaparangal sa isang dalagang may kaarawan.

bilang

handog

at

Ang Karilyo
Isang dulang ang mga nagsisiganap ay mga tautauhang karton.

Ang Cenaculo
Isang dulang naglalarawan ng buong buhay sa muling pagkabuhay
ngating panginoon.Ito rin ang pasyon. Dalawang uri ng cenaculo:
Hablada- hindi inaawit kung hindi patula
Cantada ito ang inaawit katulad ng pasyon.
Ang Moro-Moro
Dula-dulaang ang usapan sa moro-moro ay patula at karaniwang
matataas ang tono ni Amedato at Antone
Adbal at miserena
Rosalona, mohamet at constanza

Dona ines cuello de garpa at principe nicanor


Dona beatriz at Haring Ladislaw
Cleodovas at Felipe
Arasnan at Zafira
Rodolfo at Rosamunda
Clavela at Segismundo

Ito ay nag mula sa Europa. Ang mga banyagang pamagat ng mga


moro-moro. Lumaganap ang moro-moro kaya ang mga negosyante
naman ay sinamantala ang pagkahilig na ito at nagpatayo ng mga teatro.
Ang mga unang teatrong natatag ay:
-teatro cornico
-tondo teatro
-primitivo teatro
Ang manunulat ng moro-moro ay ang mga sumusunod:
Jose dela cruz o huseng sisiw
La Guerra civil de Granada
Hernandez at Galisandra
Reyna encantada
Rodrigo de vivar
Honorato de Vera
Do.a ines cuello de garga y el principe nicanor
Juan crisostomo o crisot na taga pampangga
Ang sultana
Parla
Zafiro at rubi
Padre Jorge Fajardo kilala sa Panitikang Pampangga
Vida de gonzalo de cordova
Nicolas Serrano na taga-Bikol
Pantinople at aduana
Orentis orantias

Eriberto Gumban ama ng panitikang Bisaya taga-Ilo-ilo


Carmelina
Felipe
Cladones
Zarzuela
Isang dulang musical o isang melo dramang may tatlong yugto na
ang mga paksa aytungkol sa pag-ibig, panibugho at paghihiganti. Itoy
naglalarawan din ng pang araw-araw nabuhay ng mga pilipino. Sa
makatuwid ang zarzuela ay iba sa moro-moro sapagkat buhay Pilipinona
ang tinatalakay. Upang lalong magustuhan ng mga manonood ang
zarzuela ay may kasamangkatatawanan na lagging ginagampanan ng
mga katulong sa dula. Nagmula sa Europa.

Mga Akda sa Panahon ng Kastila


Ang Ibon ng Hari
Hari: Simulan na ang laro. Bumilang kayo.
Mga Bilyaka: Una, Ikalawa, Ikatlo.
Mga Bilyako: Una, Ikalawa, Ikatlo.
Hari:

Tribulasyon!

Lahat:

Tribulasyon!

Hari:

Estamos en la Buena composicion.(Titindig)


Ang komposisyon ng tanan
ay paglalarong mahusay!

Ang magulo ay mahalay


Sa mata ng kapitbahay.
Mga binibini at mga ginoo,
Matatandat batang ngayoy naririto,
Malugod na bati ang tanging handog ko
sa pagsisimula nitong larong duplo.
Ang hardin koy kubkob ng rehas na bakal,
Asero ang pintot patalim ang urang;
Ngunit at nawala ang ibon kong hirang,
Ang mga bilyaka ang nuhat nagnakaw!
Mga Bilyaka: Hindi kami ang nagnakaw.
Hari:

Sino ang nagnakaw?

Bilyako 1:

Kagabi po, hari, maliwanag ang bwan;

May isang aninong aking natanaw;


Hindi sinasadya, nang aking lapitan
Isang babae po, iyang natagpuan.

At kitang-kita kong ikinubli niya.


Siyay naririto at nasa tribuna,
Nagnakaw ng ibon ay isang bilyaka!
Hari:

Diyatat bilyaka?
Sino sa kanila?

Bilyako 1:

Sa unang hanay po.

Bilyaka 2:

Hwag paniwalaan.
Siyay bulaan!
(Magkakaingay)

Hari:

(Sa lahat) Katahimikan!


(Sa Bilyako 1) Mapatototohanan?

Bilyako 1:
Bilyaka 2:

Akoy nalalaan!
Kung kagabi lamang ang sinabi niya,
Hindi maaarit kamiy magkasama;
Kamiy namamasyal ng irog kong sinta,
Panong mananakaw ang ibon sa hawla?

Hari:

Kung hindi nga siya, sabihin kung sino


At pakaasahang parurusahan ko.

Bilyaka 2:

Ang nuha ng iboy sa ikalawang hanay,


Doon nakaupo nang buong hinusay,
Walang iba kundi kanyang kasintahan (Ituturo.)
Kung hindi ay bakit ipinagsasanggalang?

Hari:

Pinararatangay hindi umiimik,


Tila nga may salat dilay nauumid. (Mag-iisip)
Sapagkat may sala
Heto, palmatorya! (Akmang papaluin)

Bilyako 2:

Kaiingat kayo, O mahal na hari,


Mag-isip-isip kat baka magkamali.
(Titigil ng pagsasalita bago magpapatuloy)
Nalalaman ko po kung sinong nagnakaw.
Aking ibubulong kung pahihintulutan.

Hari:

Nagpapahintulot!

Bilyako 2:

(Lalapit at bubulong)

Hari:

Ipakakaon ko, talaga bang tunay?


(Siyang pagdating ng abay ng reyna)

Abay ng Reyna:

Mahal na hari po, iboy aking dala,

Isasauli ko sa kinunang hawla;


Kagabi po itoy kinuha ng reyna
Siya ay nag-aliw sa pangungulila!
Hari:

Kung gayon ay walang dapat parusahan!


Ibalik ang ibon sa hawlang kinunan.
Kung uulitin pay ipagbibigay-alam
Nang huwag ang iba ang mapagbintangan.

Aba ng Reyna:

Pinagbigay-alam sa inyong gwardya,

Baka nalimutan at nalingat siya.


Hari:

Maraming salamat, bilyakat bilyako,


Ngayoy tinatapos itong larong duplo.
Paalam sa lahat, salamat sa inyo,
Muling magkikita pag naglaro tayo.

Tulang Korido
-

Ang korido ay isang uri ng panitikang pilipino, isang uri ng tulang


nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat
na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang
saknong. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang
pagpapahayag ng mga tula.

Halimbawa:
Ibong Adarna
Ang namumuno sa Kahariang Berbanya ay si Haring Fernando.
Tinutulungan naman siya ng kanyang asawang si Reyna Valeriana sa
pamamahala. May tatlo silang anak, si Don Pedro, ang panganay, si Don
Diego, ang ikalawa at si Don Juan, ang bunso, na pawang sinanay na
maging pinuno.
Isang gabi, napanaginipan ng hari na pinatay ng dalawang lalaki
ang kanyang bunso na naging sanhi ng kanyang pagkakasakit.
Kalungkutan ang namayani sa buong kaharian dahil dito. Sa maraming
manggagamot na tumingin, isa ang nagsabi na ang tanging lunas ay ang
Ibong Adarna. Inutusan ng hari si Don Pedro upang hanapin ang ibong
magpapagaling sa kanya. Pagkalipas ng ilang taon, hindi ito nakabalik
sapagkat naging bato nang tamaan ng dumi ng ibon sa Bundok Tabor.
Ang sumunod ay si Don Diego. Katulad din ng kapalaran ni Don Diego.
Humingi ng pahintulot si Don Juan sa ama na siya ang huhuli sa ibon at
hahanap sa kanyang mga kapatid.
Naglakbay si Don Juan na ang tanging baon ay limang tinapay.
Ang isang natitirang tinapay ay ibinigay niya sa isang ketonging humingi
sa kanya ng limos. Naisalaysay niya sa ketongin ang kanyang pakay.
Tinulungan naman siya ng ketonging makipagkita sa ermitanyo.
Tinuruan siya ng ermitanyo kung paano makikilala at mahuhuli ang
Ibong Adarna. Binigyan siya nito ng isang labaha at panghiwa sa
kanyang palad, pitong dayap na ipipiga niya rito upang hindi siya
makatulog at gintong sintas na gagamiting panali sa ibon.
Si Don Juan ay naghintay sa ilalim ng punungkahoy na kung
tawagin ay Piedras Platas. Inaantok na siya nang dumating ang ibon.
Sinunod niya ang lahat ng sinabi ng ermitanyo kaya madali niyang

nahuli ang ibon. Inutusan din ng matanda si Don Juan na buhusan ng


tubig ang dalawang batong buhay. At muli ngang nabuhay ang mga
kapatid ni Don Juan.
Habang pabalik sa Berbanya, ginawan na naman ng kasamaan
nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan.
Isang matanda ang dumamay at nagpala kay Don Juan. Pagbalik
niya sa Berbanya, ganoon na lamang ang katuwaan ng hari. Maging ang
Ibong Adarna na ayaw umawit ay umawit at nagpakita ng pitong
magagandang bihis. Gumaling ang hari. Ang Adarna ay totoong naging
mahalaga sa hari kaya pinabantayan ito sa tatlong prinsipe. Dahil sa
kabuhungan ni Don Pedro, nakipagpalit siya ng oras ng pagbabantay at
pinakawalan ang Ibong Adarna upang si Don Juan ang maparusahan.
Nang mawala ang ibon, umalis ng walang paalam si Don Juan.
Ipinahanap ng hari si Don Juan sa dalawa niyang kapatid.
Natagpuan nila sa Armenya si Don Juan. Maganda at tahimik ang
Armenya kaya ipinasyang magsama-sama silang mamuhay dito at huwag
nang bumalik sa Berbanya.
Sa kanilang paglilibot sa Armenya, nakatagpo sila ng balon.
Naghugos sina Don Pedro at Don Diego. Subalit bumalik sapagkat
natakot. Tanging si Don Juan ang nagpahugos hanggang sa matuklasan
niya ang hiwaga sa balon. Natagpuan niya doon ang magkapatid na
prinsesa sa pangangalaga ng higante at ang huli ay ahas na may pitong
ulo. Iniligtas niya sa mga ito ang magkapatid. Naghugos ulit si Don Juan
upang kunin ang naiwang singsing ni Leonora. Pinutol ni Don Pedro ang
lubid kaysa tuluy-tuloy na bumagsak si Don Juan sa balon. Hiniling ni
Leonora sa kaibigang lobo na tulungan at gamutin si Don Juan.
Isinama ng magkapatid ang dalawang prinsesa sa Berbanya at
hiniling na sila'y magpakasal. Ngunit tumanggi si Prinesa Leonora at
humingi ng pitong taong palugit.
Muling nagkita si Don Juan at Ibong Adarna. Nalaman niya ang
tunay na pangyayari tungkol sa pagkawala ng Adarna. Pinayuhan ng
Adarna si Don Juan na layuan na si Leonora. Hanapin na lamang niya si
Donya Maria na ubod ng ganda sa kaharian ng Crystales.

Sa tulong ng isang ermitanyo, nakarating si Don Juan sa kaharian


ng Crystales sakay sa isang agila. Nagkita sina Don Juan at Donya
Maria. Dahil sa nabihag ni Don Juan ang puso ng dalaga, itinuro sa
binataang mga dapat isagot nito pagharap sa ama, si Haring Salermo.
Sinabi ng binata kay Haring Salermo ang kanyang pakay. Handa
siyang sumunod sa anumang ipag-uutos nito. Binigyan siya ng hari ng
pitong bagay na isasagawa niya. Ilan sa mga ito ang pagtitibag at
pagpapatag ng bundok na sasabugan ng trigong gagawing tinapay sa
loob lamang ng magdamag; ang pagkuha sa singsing ng hari na nahulog
sa dagat, at marami pang iba. Sa tulong at taglay na mahika ni Donya
Maria, naisagawa lahat ng kahilingan ni Haring Salermo.
Ipinatawag ng hari si Don Juan upang mapili nito ang prinsesang
kanyang napupusuan- Si Donya Maria. Hindi ito naibigan ng hari.
Binalak ng hari na ipadala sa Inglatera si Don Juan at ipakasal na
lamang ito sa kanyang kapatid babae. Nalaman ni Donya Maria ang
balak ng ama kaya nagtanan sila ni Don Juan. Dahil dito, nagalit ang
hari. Sinundan niya ang maga itongunit hindi inabutan. Sa halip
isinumpa niya ang anak.
Panahon ng Propaganda
(1872 1896)
Kaligirang Kasaysayan
Nagising pagkatapos nang higit sa tatlong daang taong
pagkakahimlay ang mga natutulog na damdamin ng mga Pilipino nang
isangkot sa digmaan sa Kabite ang tatlong paring sina Gomez, Burgos at
Zamora at patayin sa pamamagitan ng garote nang walang matibay na
katibayan ng pagkakasala. Itoy naganap noong ika-17 ng Pebrero, 1872.
Naragdagan pa ito nang makapasok dito ang diwang liberalismo sa
pamamagitan ng pagkakabukas ng Pilipinas sa pandaigdig na kalakalan,
at ang pagkakapadala sa kapuluan ng liberal na lider na tulad ni Gob.
Carlos Maria dela Torre.
Naging lalong mahigpit ang pagbabanta ng mga kastila, subalit di
na nila nagawang pigilin pa ang nabuong mapanlabang damdamin ng
mga Pilipino. Ang dating diwang maka-relihiyon ay naging makabayan at
humihingi ng pagbabago sa pamamalakad ng simbahan at pamahalaan.

Ang Kilusang Propaganda


Ang kilusang ito ay binubuo ng pangkat ng mga intelektuwal sa
gitnang uri na tulad nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano
Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban, Pedro
Paterno at iba pa. Paghingi ng reporma o pagbabago gaya ng mga
sumusunod ang layunin ng kilusang ito.
1. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at
Kastila sa ilalim ng batas.
2. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
3. Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes
ng Espanya.
4. Gawing mga Pilipino ang mga kura paroko.
5. Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita,
pagtitipon o pagpupulong, at pagpapahayag ng kanilang mga
karaingan.

Mga Taluktok ng Propaganda

Dr. Jose Rizal


Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo Y
Realonda ang buo niyang pangalan. Siya ay
ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa bayan ng
Kalamba, lalawigan ng Laguna. Naging unang
guro niya ang kanyang ina na si Teodora Alonzo.
Nag-aral siya sa Ateneo de Manila.
Nagsimula siyang mag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas,
ngunit nagtapos sa Unibersidad Sentral ng Madrid. Nag-aral din siya sa
pamantasan ng Berlin, Leipzig at Heidelberg. Ang kanyang buhay ay
nagwakas noong Disyembre 30, 1896, nang ipabaril siya ng mga Kastila

na nagparatang sa kanya ng sedisyon at paghihimagsik laban sa


pamahalaang Kastila. Ginamit niya ang sagisag na Laong-laan at
Dimasalang sa kaniyang mga panulat.

Ilan sa kanyang mga akda


1. Noli Me Tangere Ito ang una at walang kamatayang nobelang
nagpasigla nang malaki sa Kilusang Propaganda at siyang
nagbigay-daan sa himagsikan laban sa Espanya. Sa aklat na ito ay
walang pakundangan niyang inilantad ang kasamaang naghahari
sa pamamahala ng mga Kastila sa Pilipinas. Mahigpit na
ipinagbawal ng mga Kastila ang pagbasa ng mga ito, ngunit
maraming salin ang lihim na nakapasok sa kapuluan, bagamat
itoy nangangahulugang kamatayan sa nag-iingat. Ang Noli ay
nagbigay sa panitikang Pilipino ng mga di-malilimot na tauhang
larawang-buhay na mananatili sa isip ng mga bumabasa gaya nina
Maria Clara, Juan Crisostomo Ibarra, Elias, Sisa, Pilosopong Tasio,
Donya
Victorina, Kapitana Maria,
Basilio, at Crispin.
Makapangyarihan ang panitik ni Rizal sa paglalarawang-tauhan.
2. El Filibusterismo Ang nobelang itoy karugtong ng Noli. Kung
ang Noli ay tumatalakay sa mga sakit ng lipunan, ang Fili ay
lantad sa mga kabulukan ng pamahalaan, kasama rito ang
katulong ngunit higit na naging makapangyarihan, ang simbahan.
Kayat madalas uriin ang Nolin a nobelang panlipunan at
pampulitika naman ang Fili.
Sa Fili ay naging Simoun si Ibarra. Ang dating malamig,
mapagtimpi, at makabatas, at makapamahalaang si Ibarra ay
naglagablab na kagubatan ng ngitngit, poot, at paghihiganti sa
bulok at tiwaling pamahalaan.
3. Mi Ultimo Adios (Ang Huli Kong Paalam) Ito ay kanyang sinulat
noong siya ay nakakulong sa Fort Santiago. Ipinalalagay ng
marami na ang tulang ito ay maihahanay sa lalong pinakadakilang
tula sa daigdig.

Ang tulang itoy di nilagyan ng pamagat ng umakda. Ang


pamagat na itoy inilapat lamang ng ibang tao nang si Rizal ay
namatay na.
4. Sobre La Indolencia de Los Filipinos (Hinggil sa Katamaran ng
mga Pilipino). Itoy isang sanaysay na tumatalakay at sumusuri ng
mga dahilan ng palasak na sabing ang mga Pilipino ay tamad.
5. Filipinas Dentro De Cien Aos (Ang Pilipinas sa Loob ng
Sandaang Taon). Ito ay isang sanaysay na nagpapahiwatig na
darating ang panahon na ang interes ng Europa sa Pilipinas ay
mababawasan, samantalang ang impluwensya ng Estados Unidos
ay mararamdaman. Hula ni Rizal: Kung may sasakop uli sa
Pilipinas, walang iba kundi ang Estados Unidos.
6. A La Juventud Filipino (Sa Kabataang Pilipino) Ito ay isang
tulang inihandog niya sa mga kabataang Pilipinong nag-aaral sa
Pamantasan ng Santo Tomas.
7. El Consejo De Los Dioses (Ang Kapulungan ng mga Bathala) Ito
ay isang dulang patalinghagang nagpapahayag ng paghanga kay
Cervantes.
8. Junto Pasig (Sa Tabi ng Pasig) Isinulat niya ito nang siya ay 14
na taong gulang pa lamang.
9. Me Piden Versos (Hinilingan Nila Ako ng mga Tula) "1882 at A
Las Flores de Heidelberg (Sa mga Bulaklak ng Heidelberg 1882).
Ang dalawang tulang ito ay nagpapahayag ng mga dipangkaraniwang kalaliman ng damdamin.
10.
Notas A La Obra Sucesos De Las Filipinas Por El Dr. Antonio
de Morga (Mga Tala sa Akdang mga Pangyayari sa Pilipinas ni Dr.
Antonio de Morga) 1889.
11.
P. Jacinto: Memorias de Un Estudiante de Manila (P. Jacinto:
Memorias de Un Estudiante de Manila: Mga Gunita ng Isang
Estudyante sa Maynila) 1882.

12.
Diario de Viaje de Norte Amerika (Talaaraan ng Paglalakbay
sa Hilagang Amerika)

Marcelo H. del Pilar


Si Marcelo H. del Pilar ay kilalang-kilala sa
kaniyang mga sagisag sa panulat na Plaridel,
Pupdoh, Piping Dilat, at Dolores Manapat.
Siyay isinilang sa Cupang, San Nicolas, Bulacan
noong ika-30 ng Agosto, 1850.
Ang kanyang mga magulang ay sina
Julian H. del Pilar, kilalang manunulat sa Wikang Tagalog, at Ginang
Biasa Gatmaitan. Kapatid niya ang paring si P. Toribio H. del Pilar na
ipinatapon sa Marianas noong 1872. Marami silang magkakapatid at
dahil doon, ang ginawa ni Plaridel ay hindi tumanggap ng mana at ang
nauukol sa kanya ay ibinigay sa mga kapatid.
Si Plaridel ay nagsimula ng pag-aaral sa kolehiyo ni G. Flores at
pagkatapos ay lumipat sa Kolehiyo ng San Jose. Di-nagtagal ay lumipat
siyang muli sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ang kanyang Pag-aaral ng
Huling Kurso ng derecho ay napatigil nang walong taon dahil sa
pagkakagalit nila ng kura sa pag-aanak sa binyag sa simbahan ng San
Miguel, Manila noong 1869. Noong 1880 ay nakuha rin niyang matapos
ang karunungan sa pagiging manananggol.
Itinatag niya ang Pahayagang Diariong Tagalog noong 1882, na
pinaglathalaan niya ng mga puna at pansin sa hindi mabuting
pamamalakad ng pamahalaang Kastila at dahil sa ibat ibang kasalanang
ibinuhat sa kanya na bunga ng paghihiganti ng mga prayle at upang
maiwasan ang gagawing pagpapatapon sa kanya ay napilitang
maglakbay sa Espanya noong 1888. Nang dumating sa Espanya,
hinalinhan niya si Graciano Lopez Jaena bilang patnugot ng La
Solidaridad na naging tagapamansag ng mga banal na mithiin na
ikapagkakaroon ng mga kaluwagan sa pamahalaan ng mga Pilipino.
Ngunit hindi tumagal nang mahabang panahon at napatigil siya dahil sa
pagkakaroon ng karamdaman. Malubha na siya at hindi halos
makalakad ay nagtangka pa ring makarating ng Hongkong upang doon
man lamang ay mapakilos na niya ang kanyang kababayan. Ngunit

nabigo siya sa tangka niyang ito. Sa sakit na pagkatuyo ay namatay siya


sa Espanya.
Ilan sa kanyang mga akda
1. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa salin sa tulang Kastilang Amor
Patrio ni Rizal na napalathala noong Agosto 20, 1882 sa Diariong
Tagalog.
2. Kaiigat Kayo itoy isang pabiro at patuyang tuligsa at tugon sa
tuligsa ni Padre Jose Rodriguez sa Noli ni Rizal; inilathala sa
Barcelona noong 1888. Gumamit siya ng sagisag na Dolores
Manapat sa akda niyang ito.
3. Dasalan At Tocsohan akdang hawig sa katesismo subalit
pagtuya laban sa mga prayle na inilantad sa Barcelona, 1888.
Dahil ditoy tinawag siyang Pilibustero. Kahanga-hanga ang himig
ng panunuya at ang kahusayan ng pananagalog.

Halimbawa ng isang Bahagi


Amain naming sumaconvento ka, sumpain ang ngalan mo
malayo sa amin ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo ditto sa lupa
para nang sa langit. Saulan mo cami ngayon nang aming kaning
iyong inarao-arao at patawarin mo kami sa iyong pag-ungal para ng
tauna mo kung kamiy nacucualtahan, at huwag mo kaming
ipahintulot sa inyong manunukso at iadya mo kami sa masama
mong dila. Amen.
4. Ang Cadaquilaan ng Dios itoy isang hawig sa katesismo subalit
pagtuya laban sa mga prayle na inilahathala sa Barcelona. Itoy
isang sanaysay ng pagtuligsa laban sa mga prayle ngunit
nagtataglay ng mga pilosopiya tungkol sa kapangyarihan at
katalinuhan ng Poong Lumikha, pagpapahalaga at pag-ibig sa
kalikasan.
5. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas isang tulang nagsasaad
ng paghingi pagbabago ngunit ang Espanya ay napakatanda at
napakahina na upang magkaloob ng anumang tulong sa Pilipinas.

6. DupluhanDalit...Mga Bugtong itoy katipunan ng maiigsing


tula at pang-aapi ng mga prayle sa Pilipinas.
7. La Soberana En Filipinas sanaysay na tungkol sa mga
katiwalian at di-makatarungang ginawa ng mga prayle sa mga
Pilipino.
8. Por Telepono
9. Pasiong Dapat Ipag-Alab ng Puso ng Taong Babasa
Graciano Lopez Jaena
Isinilang noong Disyembre 18, 1856, at
binawian ng buhay noong Enero 20, 1896, ang isa
sa pinakadakilang bayani at henyo ng Pilipinas, Si
Graciano Lopez Jaena. Siya ay ipinagmamalaking
anak ng Jaro, Iloilo, na ang katalinuhang taglay
ay hinangaan ng mga Kastila at Europeo. Isa
siyang kilalang manunulat
at
manalumpati
sa Gintong
Panahon ng Panitikan at Pananalumpati sa Pilipinas. Siya ay nakagawa
ng may 100 pananalumpati na magpahanggang ngayon ay binabasa ng
mga makabagong Pilipino na tinipon at inilimbag sa imprenta ni Remigio
Garcia, dating may-ari ng tindahan ng aklat, Manila Filatica.
Siya ay umalis sa Pilipinas noong 1887 sa tulong ng kanyang
mayamang tiyuhang si Don Claudio Lopez upang makatakas sa
pagpaparusa sa kanya ng kanyang mga kaaway, at humantong sa
Valencia, ang pinakasentro ng kilusang Republicano ng mga Kastila
tulad nina Pi y Margall, Morayta, Moret, Castelar, salmeron, at iba pa.
Simula sa Valencia ay lumipat siya sa Barcelona at itinatag niya ang
kauna-unahang magasin, ang La Solidaridad, na hindi naglaon ay
naging opisyal na bibig ng Asociacion Hispano Filipina na binubuo ng
mga Kastila at Pilipino na siyang lumakad sa pagbabago ng mga reporma
sa Pilipinas. Dahil dito, si Graciano Lopez Jaena ay nagtagumpay na
ipamukha sa mga Kastila at sa mga tao sa mundo at ipakilala ang
nagagawa ng isang mamahayag sa kanyang bayan sa pagpapasok ng

pagbabago sa mga batas, reporma, tungo sa mabubuting kabuhayan,


pag-unlad ng kabihasnan at sariling kapakanan.
Si Lopez Jaena bagamat hindi naging propesor ay isa ring guro sa
pamamagutan ng kanyang mga kaibigan at kamag-anakan sa Pilipinas.
Siya ay nagkasakit ng tuberculosis at namatay sa ospital na
walang bayad sa Barcelona noong ika-20 ng Enero, 1896, labing-isang
buwan bago binaril ang malapit niyang kaibigan, si Dr. Jose Rizal, sa
Luneta noong ika-30 ng Disyembre, 1896.
Ilan sa kanyang mga akda
1. Fray Botod isa sa mga akdang isinulat niya sa Jaro, Iloilo,
noong 1876, anim na taon pagkatapos ng himagsikan sa Kabite,
na tinutuligsa ang mga prayle na masiba, ambisyoso, at imoral ang
pagkatao. Ang satire o mapagpatawang Bisaya ay malaki ang
tiyan o mapagtawang kwentong tuligsa sa kasamaang laganap
noon sa simbahan.
2. La Hija del Praile at ang Everything is Hambug (Ang Lahat ay
kahambugan) dito ay ipinaliliwanag ni Lopez Jaena ang mga
kapahamakan at kabiguan kung mapakasal sa isang Kastila.
3. Sa Mga Pilipino (1891) Isang talumpati na ang layunin ay
mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino. Malaya, maunlad, at may
karapatan.
4. Talumapating Pagunita kay Kolumbus Noong ika-391
Anibersaryo sa pagkakatuklas ng Amerika na binigkas niya sa
teatro ng Madrid.
5. En Honor del Presidente Morayta dela Asociacion Hispano Pilipino
(1884) pinuri ni Lopez Jaena si Hen. Morayta sa pagpapantaypantay niya sa mga tao.
6. En Honor de los Artistas Luna y Resurreccion Hidalgo (1884)
Matapat na papuri sa kanilang mga iginuhit na naglalarawan ng
mga kalagayan ng mga Pilipino sa kamay ng mga kastila.

7. Amor A Espaa o Alas Jovenas de Malolos (Pag-ibig ng Espanya


sa mga kababaihan ng Malolos. Pag-aaral sa Kastila ng mga babae
na ang guro ay gobernador ng lalawigan ang magbibigay.)
8. El Bandolerismo En Pilipinas - Ipinagtanggol ni Graciano Lopez
Jaena na walang tulisan sa Pilipinas at dapat magkaroon ng batas
tungkol sa mga nakawan at kailangang (Pilipinas) baguhin upang
hindi mahirapan ang Pilipinas.
9. Honor En Pilipinas Karangalan sa Pilipinas ang pagwawagi sa
exposisyon nina Luna, Ressurecion, at Pardo de Tavera na ang
katalinuhan ay nagbigay ng karangalan sa Pilipinas.
10.
Pag-aalis ng Buwis sa Pilipinas.
11.

Isang Paglinang sa Institucion ng Pilipinas.

12.
Mga Kahirapan ng Pilipinas Tinutukoy rito ni Lopez Jaena
ang maling pamamalakad at edukasyon sa Pilipinas 1887.
Iba pang mga Propagandista

Antonio Luna
Si Antonio Luna ay isang parmasyotikong

dinakip
at
ipinatapon
ng
mga
Kastila
sa
Espanya.Sumanib siya sa Kilusang Propaganda at

nag-ambag ng kaniyang mga sinulat sa La


Solidaridad. Ang paksa ng kaniyang mga
isinusulat ay natutunkol sa mga kaugaliang
Pilipino,
at
ang
ibay
tumutuligsa
sa
pamamalakad ng mga Kastila.Ang
ginamit
niyang sagisag sa panulat ay Taga-ilog.
Namatay siya sa gulang na 33 noong ika-7 ng Hunyo, 1899. Pinatay siya
diumano ng mga tauhan ni Aguinaldo, sanhi nang mabilis niyang
kabantugan na naging kaagaw niya sa pagtingin ng bayan.
Ilan sa kanyang mga akda
1. Noche Buena naglalarawan ng tunay na buhay Filipino.

2. Se Divierten (Naglilibang Sila) isang pagpuna sa sayaw ng mga


Kastila na halos di-maraanang sinulid ang pagitan ng mga
nagsisipagsayaw.
3. La Tertulia Filipina (Sa Piging ng mga Pilipino) naglalahad ng
isang kaugaliang Filipino na ipinalalagay niyang lalong mabuti
kaysa kaugaliang Kastila.
4. Por Madrid tumutuligsa sa mga Kastilang nagsasabing ang
Pilipinas ay lalawigan ng Espanya ngunit ipinalalagay na banyaga
kapag sinisingilan ng selyo.
5. La Casa de Huespedes (Ang Pangaserahan)- naglalarawan ng
isang
pangaserahan
na
ang
kaseray
naghahanap
ng
mangangasera hindi upang kumita, kundi upang maihanap ng
mapapangasawa ang kanyang anak.
6. IMPRESIONES itoy isang paglalarawan sa ibayong kahirapang
dinaranas ng isang mag-aaral na naulila sa amang kawal.

Mariano Ponce
Si
Mariano
Ponce
ay
naging
tagapamahalang patnugot, mananalambuhay, at
mananaliksik ng Kilusang Propaganda. Siya ay
nagkubli sa mga sagisag na panulat naTikbalang,
Kalipulako at Naning. Nagbigay-diin ang
kaniyang mga sanaysay sa kahalagahan ng
edukasyon; ipinagtanggol ang kaniyang mga
kababayan sa pag-upasala ng mga banyaga at
inilahad ang mga karaingan ng bayan.
Ilan sa kanyang mga akda
1.

Mga Alamat ng Bulakan naglalaman ng mga alamat at


kwentong-bayan ng kaniyang bayang sinilangan.

2. Pagpugot kay Longino isang dulang Tagalog na itinanghal sa


liwasan ng Malolos, Bulakan.

3. Sobre Filipinas
4. Ang Mga Pilipino Sa Indo-Tsina

Pedro Paterno
Si Pedro Paterno ay isang iskolar,
dramaturgo, mananaliksik at nobelista ng
Kilusang Propaganda. Sumapi rin siya sa
Kapatiran ng mga Mason at sa Asociacion
Hispano-Pilipino upang itaguyod ang layunin ng
mga Propagandista. Siya ang unang manunulat
na Pilipinong nakalaya sa sensura sa panitikan sa
mga huling araw ng pananakop ng Kastila.
Ilan sa kanyang mga akda
1. Ninay kauna-unahang nobelang panlipunan sa wikang Kastila
na sinulat ng isang Pilipino.
2. A Mi Madre (Sa Aking Ina) nagsasaad ng kahalagahan ng isang
ina, na nagiging malungkot ang isang tahanan kung wala ito.
3. Sampaguitas Y Poesias Varias katipunan ng kanyang mga tula.

Jose Ma. Panganiban


Ikinubli ni Jose Ma. Panganiban ang
kaniyang tunay na pangalan sa ilalim ng sagisag
na Jomapa. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng
Memoria Fotografica. Siya ay halos kabilang sa
mga kilusang makabayan.
Ilan sa kanyang mga akda

1. Ang Lupang Tinubuan


2. Sa Aking Buhay
3. Su Plan De Estudio
4. El Pensamiento

Mga Akda sa Panahon ng Propaganda


Dr. Jose Rizal
Buod ng Noli Me Tangere
Kabanata I
Isang Handaan
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de
los Santos na higit na popular sa taguring kapitan Tiago. Kabilang sa
mga bisita ang bagong dating sa Pilipinas na si Padre Damaso na
nailabas ang kanyang mapanlait na ugali.
Kabanata II
Si Crisostomo Ibarra
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak
ng kanyang kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat sa
pitong taong pag-aaral sa Europa. Tulad ng kaugaliang Aleman na
natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa, ipinakilala
niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin.
Kabanata III
Ang Hapunan
Pinag-tatalunan ng dalawang pari kung sino ang uupo sa isang
dulo ng mesa. Sa tingin ni Padre Sibyla, si Padre Damaso ang dapat
umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan
Tiyago. Pero, si Padre Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano.
Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kayat siya ang karapat-dapat
na umupo. Maraming nakausap si Ibarra at pagkatapos ay nagpaalam

ng uuwi bagamat pnigilan ni Kapitan Tiago dahil dadating si Maria Clara


ay hindi nagpatinag ang binata.
Kabanata IV
Erehe at Pilibustero
Naglakad-lakad si Ibarra at nakilala niya si Tinyente Guevarra na
pinakiusapan niyang magkwento tungkol sa buhay ng kanyang ama
dahil wala siyang nalalaman tungkol dito. Ayon dito, ang kanyang ama
ang pinakamayaman sa kanilang lalawigan bagamat siya ay ginagalang
ay kinaiinggitan. Pinagbintangan siyang nakapatay kaya pinagbintangan
siyang erehe at pilibustero.
Kabanata V
Pangarap sa Gabing Madilim
Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala. Mula sa
bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog.
May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na habi,may
suot na diyamante at ginto. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila,
Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni Maria
Clara.
Kabanata VI
Si Kapitan Tiago
Ang katangian ni kapitan Tiago ay itinuturing hulog ng langit. Siya
ay pandak, di kaputian at may bilugang mukha. Maitim ang buhok, at
kung hindi lamang nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay
magandang lalaki. Dahil sa siya ay mayaman, siya ay isang
impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga taong nasa gobeyerno at
halos kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang
tunay na Kastila at hindi Pilipino.
Kabanata VII
Suyuan sa Asotea
Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria Clara ang tinatahi ng may
biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya
ang boses ni Ibarra, dali-daling pumasok sa silid si Maria Clara.
Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si
Ibarra. Nang magkita na sila ni Ibarra at nagtama ang kanilang
paningin, nakaramdam silang dalawa ng tuwa.

Kabanata VIII
Mga Alaala
Habang binabagtas ni Ibarra ang isang pook sa Maynila, marami
siyang naalala. Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi
tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na
katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga
bungang-kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan, mga ponda at
restauran at pati ang mga karitong hila ng mga makupad na kalabaw.
Kabanata IX
Mga Suliranin Tungkol sa Bayan
May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan
Tiyago. Ang nakasakay sa loob nito ay si Tiya Isabel at hinihintay na
lamang na sumakay si Maria. Biglang dumating si Padre Damaso at
kinausap
si
Kapitan
Tiago.
Tutol
si
Padre
Damaso
sa
pakikipagmabutihan ni Maria Clara kay Ibarra.
Kabanata X
Ang San Diego
Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa
isang baybayin ng isang lawa at my malalapad na bukirin at palayan.
Mula sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan, halos
natatanaw ang kabuuan ng bayan.
Kabanata XI
Ang mga Makapangyarihan
Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit
na pag-aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang alperes at
si Padre Salvi ang siyang makapangyarihan dito.
Kabanata XII
Araw ng mga Patay
Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang
malawak na palayan at may bakod na lumang pader at kawayan. Sa
ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng

paglilibingan na malapit sa pader na parang babagsak na. Sinabi ng


naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar
sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay na kanyang hinuhukay.
Hindi niya matagalan ang gayong tanawin.
Kabanata XIII
Mga Unang Banta ng Unos
Dumating si Ibarra sa libangan at hinanap ang puntod ng ama- si
Don Rafael. Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila
ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango ang tagapaglibing.
Pero nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog
ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre
Garrote.

Kabanata XIV
Si Pilosopo Tasyo
Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Dahil sa katalinuhan,
pinatigil saiya sa pag-aaral ng kanyang ina dahil ang gusto nito para sa
anak ay maging isang pari.
Kabanata XV
Ang mga Sakristan
Si Crispin at Basilio ay magkapatid na sakristan. Nagtatrabaho
sila sa simbahan na taga kampana na sineswelduhan lang ng 2.00 kada
buwan. Pinapalo sila at pinagbintangan na mgananakaw sa simbahan.
Kapag nalaman ito ni Sisa ay siguradong magagalit ito.
Kabanata XVI
Si Sisa
Si Sisa ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan.
May isang oras din bago marating ang kanyang tirahan mula sa
kabayanan. Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking
iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa
lansangan. Si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil
sa kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili niya ang mga alahas niya
ng siya ay dalaga pa. Minsan lang umuwi ang kanyang asawa at
sinasaktan pa siya.

Kabanata XVII
Si Basilio
Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo.
Dumadaloy ang masaganang dugo. Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan
si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng
dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng
kapatid sa kamay ng sakristan mayor.
Kabanata XVIII
Mga Kaluluwang Naghihirap
Dumeretso si Sisa sa ksina ng kumbento. Nakiusap si Sisa sa
tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa
kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto,
Kung nasaan si Crispin. Ang sagot sa kanyang tanong ay parang
bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin ay nagtanan din
pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng
pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura
ang pangyayari sa kwartel. Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa
dampa na nina Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng alila.
Kabanata XIX
Mga Suliranin ng Isang Guro
Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi
gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga bundok. Sa
tabi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng
guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don
Rafael.
Kabanata XX
Ang Pulong sa Tribunal
Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan
at lugar na pulungan mga may kapangyarihang mga tao sa bayan. May
labing isang araw na lamang ang nalalabi at pista na. Tinuligsa ni Don
Felipo ang tinyente mayor at kapitan dahil malabo pa ang mga
paghahanda sa pyesta.
Kabanata XXI
Mga Pagdurusa ni Sisa

Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding


bumabagabag sa kanyang isip ang katotohanang sinabi sa kanya ng
kawaksi ng kura. Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip
kung paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil.
Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang
bahay ay natanaw na niya nag dalawang sibil na papaalis na. Saglit na
nawala ang kaba sa kanyang dibdib.
Kabanata XXII
Liwanag at Dilim
Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa
San Diego para sa pistang darating. Naging bukambibig ang pagdating ni
Maria sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi sa bayang
sinilangan. Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag ng isama ang
kura sa lakad nila sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan
nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing makakaharap niya ang kura.
Kabanata XXIII
Ang Piknik
Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na
sina Iday, Victorina, Sinang at Neneng. Habang naglalakad masaya
silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsa ay
binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya
Isabel. Pero, sige pa rin ang kanilang kuwentuhan.
Kabanata XXIV
Sa Kagubatan
Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Padre Salvi, nagtuloy ito
sa kumbento upang kumain ng almusal. May inabot na sulat ang
kanyang kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdakay nilamutak ang liham at
hindi na nag-almusal. Ipihanda niya ang kanyang karwahe at
nagpahatid sa piknikan.
Kabanata XXV
Sa Tahanan ng Pilosopo
Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang
Tasyo at Ibarra. Ayon pa rin kay Mang Tasyo ang gobyerno ay
kasangkapan lamang ng simbahan. Na ito ay matatag sapagkat

nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak sa


sandaling iwan ng simbahan.
Kabanata XXVI
Ang Bisperas ng Pista
Sa bahay ng mga nakakariwasa,nakaayos ang minatamis na
bungang kahoy,may nakahandang pagkain ,alka na binili pa sa Maynila
na katulad ng hamon at ng relyenong pabo,serbesa,tsanpan at iba pang
klase ng alak na inangkat pa mula sa Europa. Ang mga pagkain ganito
ay inuukol sa mga banyaga,kaibigan o kaaway,at sa mga Pilipino,
mahirap man o mayamanupang masiyahan sila sa pista.
Kabanata XXVII
Sa Pagtakip Salim
Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan
Tiyago ang pinakamalaki. Sinadya niyang higitan sa dami ng handa ang
mga taga lalawigan dahil kay Maria at Ibarra na kanyang
mamanugangin.Dahil si Ibarra ay pinuri pa ng isang tanyag na diyaryo
sa Maynila sa pagsasabing siya ay bihasa at mayamang kapitalista,
Kastilang-Pilipino at iba pa.
Kabanata XXVIII
Sulatan
Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang
tungkol sa pista. Ginawa ito upang malaman ng banyaga na
interesadong mabatid ang mga pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng
mga Pilipino. Nakasaad sa dyaryo na walng makakatulad sa karangyaan
ng pista ng pinangangasiwaaan ng mga paring pransiskano, pagdalo ni
Padre Hermando Sybila, mga kakilala at mamamayang Kastila at ginoo
ng gabinete, Batanggas at Maynila.

Kabanata XXIX
Ang Umaga
Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga
hiyas na itinatago nila.Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang
prusisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda at inilawan ng matatandang
dalaga na kausap sa kapatiran ni San Francisco.

Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga


nagsisilaw ay nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na
makikilala ang mayayaman at mahihirap.
Kabanata XXX
Sa Simbahan
Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong
makasawsaw sa agua bendita. Halos hindi na humihinga ang mga tao sa
loob ng simbahan. Ang sermon ay binayaran ng P250, ikatlong bahagi ng
ibinayad sa komedya na magatatanghal sa loob ng tatlong gabi.
Naniniwala ang mga tao na kahit na mahal ang bayad sa komedya, ang
manonood dito ay mahuhulog sa impierno ang kaluluwa. Ang mga
nakikinig naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit.
Kabanata XXXI
Ang Sermon
Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa wikang
kastila at Tagalog. Humanga si Pari Sibyla sa pagkabigkas ni Padre
Damaso at si Padre Martin ay napalunok ng laway dahil sa alam niyang
higit na magaling ang pambungad na iyon sa kanyang sariling sermon.
Kabanata XXXII
Ang Panghugos
Ipinakita ng taong madilaw kay Nor Juan kung paano niya
mapapagalaw ang pampakilos ng kalong ang kanyang itinayo.
Sabi nito ay mayroong walang metro ang taas , nakabaon sa lupa
ang apat na haligi. Sa haligi nakasabit ang malalaking lubid kayaq tila
napakatibay ng pagkayari at napakalaki. Ang bandang itaas naman ay
mayroong banderang iba-iba ang kulay.
Kabanata XXXIII
Malayang Kaisipan
Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim
nito ang pagbibigay niya ng babala sa kanya. Isa pa, si Elias ay
nagbabayad lamang ng utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag din niya na
dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapagkat sa lahat ng dako ito ay
mayroong kaaway.

Kabanata XXXIV
Ang Pananghalian
Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat
bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Nahalata ng alkalde na panay ang
pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan,
pero patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra.
Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama
ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra.
Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib.
Pero, pinigilan siya ni Maria.
Kabanata XXXV
Mga Usap-usapan
Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay
madaling kumalat sa buong San Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy
kung sino ang may katwiran sa dalawa. Handa ang binata na dungisan
ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa kanyang ama.
Kabanata XXXVI
Ang Unang Suliranin
Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa
hindi inaasahang pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang
pagtangis at hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni Andeng.
Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kanyang ama na makipag-usap
kay Ibarra habang hindi pa inaalis ang eskomonyon sa binata.
Kabanata XXXVII
Ang Kapitan-Heneral
Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya kaagad si
Ibarra. Samantala, kinausap muna niya ang binatang Taga-Maynila na
nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre Damaso.
Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso.
Namumutla at nginig ang buong katawan ng binata ng pumasok siyang
kausapin ng Heneral. Ngunit, ng lumabas na ito, nakangiti na siya. Ito
ay tanda ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral. Mayroon siyang
panahon basta sa katarungan.

Kabanata XXXVIII
Ang Prusisyon
Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng
mga batingaw ay nagbabadyang inilabas na ang prusisyon. Ang mga
binata na halos lahat ay mayroong dalang sinding parol. Kasamang
naglalakad ni Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang
alkalde, ang alperes at si Ibarra at patungo sa bahay ng kapitan.
Kabanata XXXIX
Si Donya Consolacion
Kahit na napatapat ang prusisyon sa bahay ni Donya Consolacion
ay pinid na pinid. Nang umagang iyon, ang asawa ng alperes at
paraluman ng mga guwardiya sibil ay hindi nakapagsimba. Paano hindi
siya pinayagang lumabas ng kanyang asawa. Ikinahihiya ng alperes ang
katawa-tawang pagdadamit nito. Ang kanya namang amoy katulad ng
kalaguyo ng mga guwardiya sibil. Pero, para sa sarili ni Donya
Consolacion siya ay higit pa ngang maganda kaysa kay Maria Clara.
Kabanata XL
Ang Karapatan at Lakas
Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga
kuwitis. Ang huling pailaw ay parang bulkan habang ang daan ay
naliliwanagan ng luces de Bengala na siyang nagsisilbing ilaw sa mga
taong naglalakad patungo sa liwasang bayan. Tapos na ang unang
bahagi ng dula nang pumasok si Ibarra. Umugong ang bulungan, pero
hindi ito pinansin ni Ibarra. Malugod na binati niya ang kasintahan at
ang mga kasama nito.
Kabanata XLI
Dalawang Dalawa
Dahil sa nangyari hindi dalawin ng antok si Ibarra, kaya naisipan
nitong gumawa sa kanyang laboratoryo. Pamaya-maya pumasok ang
kanyang utusan at sinabing mayroon siyang panauhing taga-bukid.
Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang lumilingon. Ang kanyang
panauhin ay si Elias. Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay
Ibarra. Una, ay upang ipaalam na nilalagnat o may sakit si Maria Clara.
Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra sapagkat nakatakda siyang
magtungo sa Batangas at ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala

itong ipagbibilin sa kanya. Hinangad ni Ibarra ang maluwalhating


paglalakbay ni Elias.
Kabanata XLII
Ang Mag-asawang De Espadaa
Dumating sa bahay ni Kapitan Tiago sina Dr. Tiburcio de
Espadana, na inaanak ng kamag-anak ni Pari Damaso at tanging
kalihim ng lahat ng ministro sa Espanya at ang kanyang asawa na si
Donya Victorina na sa biglang tingin ay napapagkamalang isang Orofea.
Kabanata XLIII
Mga Balak o Panukala
Ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi ni Linares na siya
ay anaanak ng bayaw ni Damaso na si Carlicos. Ibinigay ni Linares ang
sulat sa pari na binasa naman niya. Lumitaw na si Linares ay
nangangailangan ng trabho at mapapangasawa. Ayon kay Damaso
madali niyang maihanap ng trabaho ang binata sapagkat ito ay
tinanggap na abogado sa Universidad Central. Tungkol naman sa pagaasawa, sinabi ni Damaso na kakauapin nila si Tiyago.
Kabanata XLIV
Pagsusuri sa Budhi
Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal. Sa kanyang
pagkahibang walang sinasabing pangalan kundi ang pangalan ng
kanyang inang hindi man lamang nakikilala.Siya ay binabantayang
mabuti ng kanyang mga kaibigang dalaga. Si Tiyago naman ay
nagpamisa at nangako na magbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng
Antipolo. Unti-unti namang bumaba ang lagnat ni Maria.
Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto ng gamot na
inireseta niya sa dalaga. Sa kasiyahan ni Donya Victorina hindi niya
nilabnot ang pustiso ng asawa.
Kabanata XLV
Ang mga Pinag-uusig
Ipinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na siya ay nagkapalad
na makilala at makatulong sa isang binatang mayaman, matapat, may
pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal na hinamak
din ng isang pari, maraming kaibigan sa Madrid kabilang na ang
Kapitan-Heneral. Bilang pagbibigay diin, tiniyak ni Elias sa matanda na

makakatulong daw ang binatang ito sa kanilang pagnasang maipaabot


sa heneral ang mga hinaing ng bayan.
Kabanata XLVI
Ang Sabungan
Katulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may sabungan din sa
San Diego. Nasa loob ng sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at
Lucas. Habang hindi magkamayaw sa pagpusta ang ilang sabungero sa
gagawing pagsusultada, ang dalawang binatang magkapatid na sina
Tarsilo at Bruno ay naiinggit sa mga pumupusta.
Kabanata XLVII
Ang Dalawang Senyora
Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiyago, magkaakbay
naman na namamasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio upang
malasin ang bahay ng mga Indio. Nang mapadaan ang Donya sa tapat ng
bahay ng alperes nagkatama ang kanilang mga paningin. Parehong
matalim. Tiningnan ng alperes ang Donya mula ulo hanngang paa,
ngumuso at dumura sa kabila. Sinugod ng Donya ang alperes at
nagkaroon ng mainitang pagtatalo. Binanggit ng Donya ang pagiging
labandera ng alperesa samantalang pinagdidikdikan naman ng huli ang
pagiging pilay at mapagpanggap na asawa ng Donya. Puyos sa galit,
Habang hawak na mahigpit ang latigo ng alperes na nanaog si Donya
Consolacion, upang daluhugin si Donia Victorina. Pero, Bago mag-pangabot ang dalawa, dumating ang alperes. Umawat si Don Tiburcio. Ang
pangyayari ay sinaksihan ng maraming tao na nakatawag pansin ng
kanilang pagtatalakan.
Kabanata XLVIII
Ang Talinhaga
Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang hindi
pinasabing pagdalaw. Nakatingin lamang sa kanya si Maria na parang
inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kanyang labi. Malungkot si
Maria, kaya nakuro ni Ibarra na bukas nalamang siya dadalaw.Tumango
ang dalaga. Umalis si Ibarra na ang puso ay ginugutay ng matinding
pag-aalinlangan, gulo ang kanyang isip.
Kabanata XLIX
Ang Tinig ng mga Pinag-uusig

Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi


nasisiyahan. Kaya, kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa
pagkagambala niya sa binata. Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias
sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga sawimpalad.
Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Si
Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at
pagbabala.
Kabanata L
Ang mga Kaanak ni Elias
Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang
malaman nito na siya ay kabilang din sa mga sawimpalad. May 60 taon
na ang nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang tenedor de libros sa
isang bahay- kalakal ng kastila.Kasama ng kanyang asawa at isang anak
na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.Isang gabi nasunog ang isang
tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kanyang nuno sa salang
panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado,
siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo
at pinapalo sa bawat panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa,
nagtangka pa ring humanap ng pagkakakitaan kahit na sa masamang
paraan para sa anak at asawang may sakit. Nang gumaling ang sugat ng
kanyang nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang. Nanganak ang
babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng kanyang
nuno ang sapin-saping pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti ito.
Hindi ito naipalibing ng babae. Nangamoy ang bangkay at nalaman ng
mga awtoridad ang pagkamatay ng asawa.Nahatulan din siyang
paluin.Pero, ito ay hindi itinuloy at ipinagpaliban sapagkat dalawang
buwan siyang buntis nuon. Gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang
hatol.
Kabanata LI
Mga Pagbabago
Hindi nakaimik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham
mula kay Donya Victorina. Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang
Donya. Kailangang hamunin niya ang alperes subalit sino naman kaya
ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan Tiyago.
Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at pagsisinungaling sa
paghahangad lamang na makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod
sa kapritso ng Donya.

Kabanata LII
Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino
Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa
mga dahong tuyo at alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan.
May tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan.
Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw
pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang
buhay nito. Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag na
sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa
upang ipagamot. Siya ang sasalakay sa kumbento upang makaganti siya
sa kura.
Kabanata LIII
Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw
na nakita sa libingan ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng
mga kapatiran ni San Francisco, may 20 ang nakita niyang kandila na
sinindihan. Panaghoy at paghikbi naman ang narinig ni Ermana sipa
kahit na malayo ang kanyang bahay sa libingan. Sa pulpito, binigyang
diin naman ng kura sa kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa
purgartoryo.

Kabanata LIV
Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga
kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at
tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kanya. Halos
nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang
kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang
Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding
kasawian sa kanilang buhay.
Kabanata LV
Ang Pagkakagulo
Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang
kumain. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo
rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang

sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari samantalang ang
magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang
kampana, silang lahat ay tumindig upang magdasal.
Kabanata LVI
Ang mga Sabi at Kuro-kuro
Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong
bayan ng San Diego. Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa
gitna ng daan. Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pamaya-maya,
isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot ang
paningin. Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na
magbukas ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay ay nagbalitaan.
Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad noong
mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan
Pablo raw ang sumalakay.
Kabanata LVII
Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig
Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang
tinatanong kung kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit
din niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang ginawa ay
upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng mga sibil.
Dahil dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito
ay umiling. Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa tadtad ng
saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang
Lubid sa leeg. Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa sunodsunod ang pagtatanong sa kanya. Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos
na paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa magdugo ang buong katawan
nito.
Kabanata LVIII
Ang Sinumpa
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Nakakapaso ang
sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Mag-iikalawa ng
hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang baka. Tinangka
ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na
humihila sa kariton. Pero pinagbawalan sila ni Kapitana Maria at
sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglakad ng kanilang
ka-anak ng bilanggo. Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang

umugong ang salitaan na kung sino pa ang may sala ay siya pa itong
walang tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga
kawal ng abot-siko.
Kabanata LIX
Pag-ibig sa Bayan
Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating
at napalathala sa mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula
sa kumbento. Iba-iba ang estilo ng mga balitang lumaganap. Sa ibang
kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga nag-aaral daw sa
mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero. Sa
kabilang dako sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga
dalaga, mga asawa at mga anak ng kawani ang tema ng kanilang paguusap ay ang tungkol din sa naganap na pag-aalsa. Ayon sa isang
lalaking komang galit na galit daw ang heneral kay Ibarra sapagkat
naging napakabuti pa nito sa binata. Sinabi naman ng isang ginang na
talagang walang utang na loob ang mga indio kayat di dapat silang
ituring na mga tunay na tao.

Kabanata LX
Ikakasal na si Maria Clara
Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de
Espadaa na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili
ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon
ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagamat namumutla
at mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang
usapan tungkol sa pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian din
na magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano
ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang
dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat
nakini-kinita niyang siyay maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling
maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan
Heneral, kayat inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.
Kabanata LXI
Ang Barilan sa Lawa
Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na
itatago siya sa bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni

Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa libingan ng ninuno nito


ay kanyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa
ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi
nababagay na manirahan sa Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi
inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na lang sila ni Elias,
tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang
magkapatid. Pero, tumanggi si Elias.
Kabanata LXII
Ang Pagtatapat ni Padre Damaso
Hindi napansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa
itaas ng hapag. Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong
nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi
naman binabasa ni Maria ang dyaryo. Pamaya-maya dumating si Pari
Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng
kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama.
Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking
kanyang pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa
kanya, ang kamatayan o ang kumbento.
Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria ang
kanyang sinabi, kaya humingi ito ng tawad sa kanya. Napahagulgol pa
ito ng malakas habang binibigyan diin niya ang walang kapantay na
pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na
pumasok sa kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan.
Kabanata LXIII
Ang Noche Buena
Noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog
sa ginaw bunga ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi
katulad ng nakaraan na masayang-masaya ang mga tao. Ngunit ngayon
lungkot na lungkot ang buong bayan. Wala man lamang nakasabit na
mga parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio
ay wala ring kasigla-sigla. Kausap ng kapitan si Don Filipo na
napawalang sala sa mga bintang na laban dito nang mamataan nila si
Sisa na isa ng palaboy pero hindi naman nananakit ng kapwa.
Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang
kanyang ina. Paika-ika niyang tinalunton ang landas patungo sa tapat
ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng walang katuturan.
Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa.

Subalit nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot.
Hinabol ni Basilio ang ina, pero binato siya ng alilang babaing nasa
daan.
Kabanata LXIV
Katapusan
Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si
Padre Damaso sa Maynila. Namatay si Padre Damaso sa sama ng loob.
Sa kabilang dako, si Padre Salvi habang hinihintay niya ang pagiging
obispo ay nanungkulan pansamantala sa kumbento ng Sta. Clara na
pinasukan ni Maria Clara. Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego
at nanirahan na sa Maynila. Ilang linggo naman bago naging ganap na
mongha si Maria, si Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping
paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, naging mapag-isip at
nawalan ng tiwala sa mga kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento,
sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na ito sa Malabon o sa San Diego
sapagkat gusto na lamang mabuhay mag-isa.

Buod ng El Filibusterismo
Ang Fili ay nagsisimula sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan
ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang mag-aalahas at
nagbabalatkayong si Simoun na dili iba't si Ibarra, ang makatang si
Isagani, at si Basilio. Itong huli, na ngayo'y binata na. Labintatlong taon
na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.
Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang
pagkakataon ay nakatagpo ni Simoun sa pagdalaw niya sa pinagbaunan
sa kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nkilala niyang si
Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; at upang ang ganitong lihim ay
huwag mabunyag, ay tinangka ni Simoun na patayi si Basilio. Datapwa't
nakapaghunos-dli siya at sa halip ay hinikayat ang binata na makiisa sa
kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila sa Pilipinas. Si
Basilio ay tumanggi dahil sa ibig niyang matapos ang kanyang pag-aaral.
Habang ang Kapitan Henereal ay nagliliwaliw sa Los Banos, ang
mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanyang

Kamahalan upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang


kahilingang ito ay di napagtibay, ayon sa nais ng mga estudyante,
sapagka't napag-alamang ang mamamanihala sa akademyang ito ay mga
prayle (samahan ng pananampalataya), samantalang ang mga
estudyante ay magiging tagapangilak lamang. Sa gayon, sila'y di
magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad
ng nasabing akademya.
Samantalang nangyayari ito, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio
at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang
paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas
sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi
naibunsod ang ganitong Gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na
nang hapong yaon.
Ang ga estudyante naman, upang mapapaglubag ang kanilang
sama ng loob ukol sa kabiguang natamo sa panukalang pagtatatag ng
akademya ng Wikang Kastila, ay nagdaos ng isang salu-salo sa
Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas
habnag sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang
pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari:
Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang
mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at
paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga
kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at
naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na
kanyang kasintahan.
Sapagka't ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na
lumakad sa kanila upang mapawalang-sala, kaya't sila'y nakalaya,
maliban kay Basilio na walang makapamagitan ng kanyang karukhaan
at pagkamatay ni Kapitan Tiyago. Sa isang dako naman ay ipinamanhik
ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya si Basilio
nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging
dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa
durungawan ng kumbento.
Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti,
ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni
Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang

kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay


ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na
idaraos upang ipagdiwang ang kasal, ang mga may matatas na
katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.
Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si
Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang
umanib sa paghihimagsik na nauumang. Sinamantala ni Simoun ang
ganitong pagkakataon upang ipakita si binata ang bombing kanyang
niyari. Ito ay isang lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo
ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal
na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa
gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari.
Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at
pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na
itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang
fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang
pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang
sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas
na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang
simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.

Mi Ultimo Adios
Adios, Patria adorada, region del sol querida,
Perla del Mar de Oriente, nuestro perdido Eden!
A darte voy alegre la triste mustia vida,
Y fuera ms brillante ms fresca, ms florida,
Tambien por t la diera, la diera por tu bien.
En campos de batalla, luchando con delirio
Otros te dan sus vidas sin dudas, sin pesar;
El sitio nada importa, ciprs, laurel lirio,
Cadalso campo abierto, combate cruel martirio,
Lo mismo es si lo piden la patria y el hogar.
Yo muero cuando veo que el cielo se colora
Y al fin anuncia el da trs lbrego capuz;
Si grana necesitas para teir tu aurora,

Vierte la sangre ma, derrmala en buen hora


Y drela un reflejo de su naciente luz.
Mis sueos cuando apenas muchacho adolescente,
Mis sueos cuando joven ya lleno de vigor,
Fueron el verte un da, joya del mar de oriente
Secos los negros ojos, alta la tersa frente,
Sin ceo, sin arrugas, sin manchas de rubor.
Ensueo de mi vida, mi ardiente vivo anhelo,
Salud te grita el alma que pronto va partir!
Salud! ah que es hermoso caer por darte vuelo,
Morir por darte vida, morir bajo tu cielo,
Y en tu encantada tierra la eternidad dormir.
Si sobre mi sepulcro vieres brotar un dia
Entre la espesa yerba sencilla, humilde flor,
Acrcala a tus labios y besa al alma ma,
Y sienta yo en mi frente bajo la tumba fra
De tu ternura el soplo, de tu hlito el calor.
Deja a la luna verme con luz tranquila y suave;
Deja que el alba enve su resplandor fugaz,
Deja gemir al viento con su murmullo grave,
Y si desciende y posa sobre mi cruz un ave,
Deja que el ave entone su cantico de paz.
Deja que el sol ardiendo las lluvias evapore
Y al cielo tornen puras con mi clamor en pos,
Deja que un sr amigo mi fin temprano llore
Y en las serenas tardes cuando por mi alguien ore
Ora tambien, oh Patria, por mi descanso Dios!
Ora por todos cuantos murieron sin ventura,
Por cuantos padecieron tormentos sin igual,
Por nuestras pobres madres que gimen su amargura;
Por hurfanos y viudas, por presos en tortura
Y ora por t que veas tu redencion final.
Y cuando en noche oscura se envuelva el cementerio

Y solos slo muertos queden velando all,


No turbes su reposo, no turbes el misterio
Tal vez acordes oigas de citara salterio,
Soy yo, querida Patria, yo que te canto ti.
Y cuando ya mi tumba de todos olvidada
No tenga cruz ni piedra que marquen su lugar,
Deja que la are el hombre, la esparza con la azada,
Y mis cenizas antes que vuelvan la nada,
El polvo de tu alfombra que vayan formar.
Entonces nada importa me pongas en olvido,
Tu atmsfera, tu espacio, tus valles cruzar,
Vibrante y limpia nota ser para tu oido,
Aroma, luz, colores, rumor, canto, gemido
Constante repitiendo la esencia de mi f.
Mi patria idolatrada, dolor de mis dolores,
Querida Filipinas, oye el postrer adios.
Ahi te dejo todo, mis padres, mis amores.
Voy donde no hay esclavos, verdugos ni opresores,
Donde la f no mata, donde el que reyna es Dios.
Adios, padres y hermanos, trozos del alma ma,
Amigos de la infancia en el perdido hogar,
Dad gracias que descanso del fatigoso da;
Adios, dulce extrangera, mi amiga, mi alegra,
Adios, queridos sres morir es descansar.

A La Juventud Filipino
Alza su tersa frente,
Juventud Filipina, en este dia!
Luce resplandeciente
Tu rica gallardia,
Bella esperanza de la Patria Mia!
Vuela, genio grandioso,
Y les infunde noble pensamiento,

Que lance vigoroso,


Mas rapido que el viento,
Su mente virgen al glorioso asiento.
Baja con la luz grata
De las artes y ciencias a la arena,
Juventud, y desata
La pesada cadena
Que tu genio poetico encadena.
Ve que en la ardiente zona
Do moraron las sombras, el hispano
Esplendente corona,
Con pia sabia mano,
Ofrece al hijo de este suelo indiano.
Tu, que buscando subes,
En alas de tu rica fantasia,
Del Olimpo en las nubes
Tiernisima poesia
Mas sabrosa que nectar y ambrosia.
Tu, de celeste acento,
Melodioso rival Filomena,
Que en variado concento
En la noche serena
Disipas del mortal la amarga pena.
Tu que la pena dura
Animas al impulso de tu mente ,
Y la memoria pura
Del genio refulgente
Eternizas con genio prepotente.
Y tu, que el vario encanto
De Febo, amado del divino Apeles,
Y de natura el manto
Con magicos pinceles
Trasladar al sencillo lienzo sueles.

Corred! que sacra llama


Del genio el lauro coronar espera,
Esparciendo la Fama
Con trompa pregonera
El nombre del mortal por la ancha espera.
Dia, dia felice,
Filipinas gentil, para tu suelo!
Al Potente bendice
Que con amante anhelo
La ventura te envia y el consuelo.
Sa kabataang Pilipino
(salin ng A La Juventud Filipino)

Itaas ang iyong


Malinis na noo
Sa araw na ito,
Kabataang Pilipino!
Igilas mo na rin ang kumikinang mong
Mayamang sanghaya
Magandang pag-asa ng Bayan kong Mutya!
Makapangyarihang waniy lumilipad,
At binibigyang ka ng muning mataas,
Na maitutulad ng ganap na lakas,
Mabilis na hangin, sa kanyang paglipad,
Malinis na diwa, sa likmuang hangad.
Ikaw ay bumaba
Na taglay ang ilaw
Ng sining at agham
Sa paglalabanan,
Bunying kabataan,
At iyong kalagiun ang gapos mong iyang
Tanikalang bakal na kinatalian
Ng matulain mong waning kinagisnan.
Ikaw na lagi nang pataas nag lipad,
Sa pakpak ng iyong Mayamang pangarap,
Na iyong Makita sa Ilimpong ulap

Ang lalong matamis


Na mag tulaing pinakananais,
Ng higit ang sarap
Kaysa ambrosia at nectar na awagas
Ng mga bulaklak.
Ikaw na may tinig
Na buhat sa langit,
Kaagaw sa tamis
Na kay Filomenang Malinis na hiomig,
Sa gabing tahimik
Ay pinaparam mo ang sa taong sakit,
Ikaw, na ang batong sukdulan ng tigas
Sa lakas ng iyong diway nagagawad
Ng buhay at gilas,
At ang alaalang makislap
Ay nabibigayan ng kamay mong masikap
Ng buhay na walang masasabing wakes.
At ikaw, na siyang
Sa may ibat ibang
Balani ni Febong kay Apelas mahal,
Gayundin sa lambong ng katalagahan,
Na siayng sa guhit ng pinsel mong tangay
Nakapaglilipat sa kayong alinman;
Hayo nay tumakbo! Sapagkat ang banal
Na ningas ng waniy nais maputungan
Kayong naglalamay,
At maipamansag ng tambuling tangan,
Saan man humanggan,
Ang ngalan ng tao, sa di matulusang
Lawak ng palibot na nakasasaklaw.
Malwalhating araw,
Ito, Pilipinas, sa lupang tuntungan!
Ang Lumikhay dapat na pasalamatan,
Dahilan sa kanyang mapagmahal,
Na ikawy pahatdan.

Hinilingan Nila Ako ng mga Tula


Hinihinging aking tugtugin ang lira
na laong panahong pipi at sira na,
ni isa mang tinig ay walang makuhat
nagtampo na mandin sa akin ang Musa,
magbadya pay hirap, utal, naiiba
kung napapaliho ang isip kong dala,
nagsisisnungaling kapag tumatawa
pans ng bulaang hibik ng pag-asa,
at sa kalungkutang lagay kong mag-isa,
di na makaramdam pati ang kaluluwa!
Nagkapanahon nga at katotohanan,
ngunit yumao na ang panahong iyan
na ako ay isang makata kung turan
ng pag-uumanhin at ng kaibigan,
sa panahong yaon, ngayoy wala namang
labing alaala kahit bahagya man,
gaya kung malabi sa mga handaan
ang kagiliw-giliw na mga awitan,
tugtog ng orkestrang hindi napaparam
sa mga pakinig na naliligayahan
Ako ay halamang bagong umangat,
bagong tumutubot sa Silangan buhat,
doon pati sa hangin ay may halimuyak,
may bango pati na buhay at pangarap!
Bayang di-malimot sandal mang oras!
Akoy tinuruang kumantang matimyas
ng huni ng mga ibong lumulipad
at ng mga bukal na lumalagaslas,
gayon din ng ugong ng alon sa dagat
pagtalsik sa pampang ng mga talampas.
Samantalang akoy nasa kamusmusan
nginingitian ko ang silay ng araw,
loob ng dibdib koy pinagngangalitan

ng sa bulking init na nararamdaman


Nagmakata ako pagkat naibigang
ibulong sa hangingpumapailanlang
ang mga tula kot mga panambitan
nang upang iawit sa sandaigdigan
ang dangal ng aking minumutyang bayan
magmula sa lupa hanggang kalangitan.
Akin ngang nilisan ang lupang sarili,
halamang natuyot walang dahong labi
pagkat nangalagas, kulang sa kandilit
ayaw nang umulit ang awit kong dati
Tinawid koy dagat, lawak na malaki
sa hangad mabago ang palad kong imbi,
ang kabaliwan ko ay lubhang napipi
sapagkat ang aking hanap na pagkabutiy
naguhit sa tubig, naging guni-guni
anino ng isang kamatayang api!
Doon sa ilalim ng masayang langit
ng isa ngang lupang sagana sa dikit,
doon nangaiwan ang aking pag-ibig,
ang aking masayang mga panaginip,
gayon din ang lugod at sariling hilig
Huwag na ngang hingan ng tulang may tamis
yaring abang diwa sa pananahimik,
sapagkat sa gitna ng lumbay at sakit
na kinaguluhan niring pag-iisip,
ang aking kaluluwa ngayoy tumatangis
pagkat nangalanta ang lahat kong nais

Sa Aking Mga Kabata


Kapagka ang baya'y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka't ang salita'y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian,
At ang isang tao'y katulad, kabagay

Ng alin mang likha noong kalayaan.


Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati'y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Marcelo H. del Pilar


Dasalan at Tocsohan
Ang Tanda
Ang tanda nang cara- i- cruz ang ipangadya mo sa amin Panginoon
naming Fraile sa manga bangkay naming, sa ngalan nang Salapi at nang
Maputing binte, at nang Espiritung Bugaw. Siya naua.
Pagsisisi
Panginoon kong Fraile, Dios na hindi totoo at labis nang pagkatuo
gumaga at sumalacay sa akin:pinagsisihan kong masakit sa tanang
loobang dilang pag-asa lo sa iyo, ikaw nga ang berdugo ko. Panginoon ko
at kaauay ko na inihihibic kong lalo sa lahat, nagtitica akong matibay na
matibay na dina muli-muling mabubuyo sa iyo: at lalayuan ko na at
pangingilagan ang balanang makababacla nang loob ko sa pag-asa sa
iyo, macalilibat nang dating sakit nang manga bulsa ko, at nagtitica
naman acong maglalathala nang dilang pagcadaya ko umaasa akong
babambuhin ka rin, alang-alang sa mahal na panyion at pangangalakal
mo nang Cruz, sa pagulol sa akin. Siya naua.

Ang Amain Namin


Amain naming sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan mo,
malayo sa amin ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo ditto sa lupa para
nang sa langit. Saulan mo cami ngayon nang aming kaning iyonh
inaraoarao at patauanin mo kami sa iyong pagungal para nang pag
papataua mo kung kami nacucualtahan; at huag mo kaming ipahintulot sa
iyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong dila.
Ang Aba Guinoong Baria
Aba guinoong Baria nakapupuno ka nang alcancia ang Fraile'I
sumasainyo bukod ka niyang pinagpala't pina higuit sa lahat, pinagpala
naman ang kaban mong mapasok. Santa Baria Ina nand Deretsos,
ipanalangin mo kaming huag anitan ngayon at cami ipapatay. Siya naua.
Ang Aba Po Santa Baria
Aba po Santa Bariang Hari, inagao nang Fraile, ikao ang
kabuhayan at katamisan. Aba bunga nang aming pauis, ikaw ang
pinagpaguran naming pinapanaw na tauong Anac ni Eva, ikaw nga ang
ipinagbubunton hininga naming sa aming pagtangis dito sa bayang
pinakahapishapis. Ay aba pinakahanaphanap naming para sa aming
manga anak, ilingon mo sa aming ang cara- i cruz mo man lamang at
saka bago matapos ang pagpanaw mo sa amin ay iparinig mo sa amin
ang iyong kalasing Santa Baria ina nang deretsos, malakas at maalam,
matunog na guinto kami ipanalangin mong huag magpatuloy sa aming
ang manga banta nang Fraile. Amen.
Ang Manga Utos Nang Fraile
Ang manga utos nang Fraile ay sampo: Ang nauna: Sambahin mo
ang Fraile na lalo sa lahat. Ang ikalaua: Huag kang mag papahamak
manuba nang ngalang deretsos. Ang ikatlo: Mangilin ka sa Fraile lingo
man at fiesta. Ang ikapat: Isangla mo ang catauan mo sa pagpapalibing
sa ama't ina, Ang ikalima: Huag kang mamamatay kung uala pang
salaping pang libing. Ang ikanim: Huag kang makiapid sa kanyang
asaua. Ang ikapito: Huag kang makinakaw. Anh ikaualo: Huag mo silang

pagbibintangan, kahit ka masinungalingan. Ang ikasiyam: Huag mong


ipagkait ang iyong asaua. Ang ikapulo: Huag mong itangui ang iyong ari.
Itong sampong utos nang Fraile'I dalaua ang kinaoouian. Ang isa:
Sambahin mo ang Fraile lalo sa lahat. Ang ikalaua: Ihayin mo naman sa
kaniya ang puri mo't kayamanan. Siya naua.
Ang manga kabohongang asal, ang pangala'i tontogales ay tatlo.
Igalang mo Katakutan mo Ang Fraile At Pag Manuhan mo.
Ang Kadakilaan ng Diyos
Di kailangan, kapatid ko ang magbukas kat bumasa ng pilosopiya
o teolohiya at iba pang karunungan, upang maranasan mo ang
kadakilaan ng Diyos.
Sukat ang pagmasdan iyang di marilatang hiyas na inilaganap sa
mundong pinamamayanan mo! Sukat ang pagwariin mo ang sarisaring
bagay na rito sa lupa ay inihandog sa iyong kahinaan, pampawi sa iyong
kalumbayan, panliwanag sa iyong karimlan, at aling makapangyarihang
lumalang at namamahalang walang tigil sa lahat ng ito?
Masdan mo ang iyong kaparangan, masdan mo ang mga
halamang diyay tumutubo, buhat sa hinahamak mong damo hanggang
sa di-mayakap na kahoy na pinumumugaran ng ibon sa himpapawid;
masdan mot pawang nagpapapahayag na ang kanilang maikli o
mahabang buhay ay hindi bunga ng isang pagkakataon; wariin mot
maranasan ang kamay ng Diyos, na naghahatid oras-oras sa mga
halamang iyan ng dilig na ipinanariwa, ng init na nagbibigay lakas at
pumipigil ng pagkabulok ng hangin at ibat-iba pang kinakailangang
ilago at ikabuhay hanggang sa dumating ang talagang takda nang
paggamitan sa kanila.
Tingnan ang pagkahalaylay nilat isang malawak na harding
wariy simoy na naghahatid-buhay at nagsasabog ng masamyong bango
ng kanilang bulaklak, ay isang halik wari na ikinikintal sa inyong noon
ng lumalang sa atin, kasabay ang ganitong sabi, Anak ko, ayan ang
buhay, ayan ang ligaya, hayot lasapin mot itoy handog na talaga ng
aking ganap na pagmamahal; bundok, ilog at karagatan pawing may

inimpok na yamang inilalaan ko sa iyo; paraparang kakamtan mo,


huwag ka lamang padaig sa katamaran, gamitin mo lamang ang isip at
lakas na ipinagkaloob sa iyo, huwag mong alalahanin ang dilim sa lupa;
nariyan ang bituing mapanuntunan mo kung naglalayag ka sa
kalawakan ng dagat; wala akong hangad anak ko, kundi ang kamtan
mong mahinusay ang buong ginhawa, buong kasaganaan at mapayapang
pamumuhay. Talastas kong kapos ang kaya mo sa pagganti sa akin,
talastas kong salat ang lakad, salat ang buhay mo sa ikasusunod ng nais
na matumbasan ang biyayang tinatanggap; kaya huwag kang lubahng
mag-alala. Sukat na ang mahalin ang kapwa mo tao, alang-alang man
lamang sa pagmamahal mo sa lahat; mahalin mo ang nilikha ko;
mahalin mo ang minamahal ko at bukas makalaway may tanging ligaya
pang pilit na tatamuhin mo.
Diyan ay sukat mo nang mabanaagan, nanasang irog, ang
kadakilaan niyang Diyos di nililingat sandalI man sa pagkalinga sa atin.
Dakila sa kapangyarihan, dakila sa karunungan at dakila sa pag-ibig; sa
pagmamahal at pagpapalagay sa kanyang mga anak dito sa lupa; at
pantas man o mangmang, mayaman man at dukha ay walang
mawawaglit sa mairog at lubos niyang paglingap.

Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas


Puso koy nahambal ng aking marinig
bunso, ang taghoy mot mapighating hibik,
wala ka, anak kong, sariling hinagpis
na hindi karamay ang in among ibig.
Wala kang dalita, walang sa kahirapan
na tinitiis kang di ko dinaramdam:
ang buhay moy bunga niring pagmamahal,
ang kadustaan moy aking kadustaan.
Pagsilang mo, bunso, sa sangmaliwanag
nang panahong akoy di pa nagsasalat
walang inadhika ang in among liyag
kundi puspusin ka ng ginhawat galak.
Sa awa ng langit ikaw ay sagana

ng sukat iyamang malalagong lupa,


lahat ng pananim wala mang alaga
sa kaparangan moy tumutubong kusa.
Ang tabakot kape, palay, tinat bulak
abaka at tuboy kailangang lahat,
sa mga lupa moy tantong naggugubat
itong sa sangmundoy hirap mahagilap.
Sarisaring kalap na sakdal ng tibay
sakdal ng la-laki sa dikit ay sakdal;
hindi makikita sa sangdaigdigan,
ngunit sa budok moy nangagkalat lamang.
Ang asupret tingga, ang tanso at bakal
ang ginto at pilak ay nangahuhukay
sa mga lupa mot sa dagatan namay
sarisaring perlas ang matatagpuan.
Tantong naliligid ang mga lupa mo
ng dagat ng Chinat dagat Pacifico
balang mangangalakal sa buong sangmundo
pawang naakit dumalaw sa iyo.
Talaga nga manding ikaw ang hantungan
ng sa ibang nasyong sinimpang puhunan;
ikaw ngat di iba dapat makinabang
nang yaman sa iyoy gawad ng Maykapal.
Sa gayoy kailangan mata moy mamulat
isip ay gisingit nang makatalastas
ng sukat asaliing ipagkakapalad
sa buhay na itot nang di ka maghirap.
Akong iyong inay taga-tupad bilang
ng mga tadhana ng Poong Maykapal,
ipinaiwi kat ang hangad ko lamang
musmos na isip moy sakiting aralan.
Ituro sa iyo ang utang na loob

sa nagkakandiling maawaing Diyos;


matuto ka namang sumambat umirog,
puso mo sa kanyay huwag makalimot.
At para mo na ngang pasalamat bilang,
makapagtanggol ka sa kapanahunan
ng aring tinamot maapamahalaan
tapat na paggamit ng santong katwiran.
Ang tagapagturoy pinakapili ko,
hinirang sa lalong mabait na tao;
akoy nabighanit umaasang totoo
sa may sinumpaang mahigpit na boto.
Ang lahat ng prayle ay may sinumpaan
sa harap ng Diyos, na anakiy tunay,
na ito raw mundoy kusang tatalikdan,
kusang tumatangi sa lahat ng yaman.
Saan di nga baga, bunsong ginigiliw;
prayle ang siyang aking hihirangin
na tagapag-iwi blang taga-tingin
sa iyot nang di ka baga pagliluhin.
Mahigit na ngayon tatlong daan taon
na iniiwi kang prayle ang may kandong;
katiwala akong sa gayong panahon
ang isip mot yaman namay yumayabong.
Katiwala akong nagpapanuto ka
sa landas ng iyong sukat iginhawa;
katiwala akong dangal mot ligaya
ngayoy tinatanghal na walang balisa.
Tatlong sacerdote ang ipinabitay,
bukod sa maraming pinahihirapan,
at dili umanoy nakapipigil daw
ng iyong ligaya, bunsong minamahal.
Hindi ko ininot ang buo kong asa

ay pagmamasakit ang ginawa nila,


sa pagkabuhay mot hindi ko napunang
magdarayang udyok ng masamang pita.
Sa abang-aba kot laking kamalian!
laking pagkasawi! laking kadustahan!
ng ipagpabaya sa kapahamakan,
ang dapat mahaling usbong niring buhay.
Ngayon ko nga lamang, bunso, natalastas
na ang nangaaba at kinulang palad
ay pawing mabait, pawing nagsisikap
dangal tat katwiray igalang ng lahat.
Prayley napoot sa magandang nais
ng sa atiy tapat kung magmalasakit
ngayon ko natanto, ngayon ko nabatid
ang kandili niyay bagkus panggagahis,
Sa kayamanan moy sila ang sumamsam
ngalan pa ng Diyos ang sinasangkalan
at dinadaya kang di mo raw kakamtam
ang langit kung hindi sila ang bayaran.
Di ka raw titingnan ngMahal na Birhen
kung di ka bumili ng sintas at kalmen;
pag hindi mainam ang pagpapalibing
ang harap ng Diyos, hindi sasapitin.
Sa paniniwala ng mga anak mo,
maraming naghirap, at nasa kombento
ang kanilang yamat silay ingkilino
na namumuwisan sa paring natuto.
Ang lupang nilawag at pinaghirapan
ng magulang nilat mga kanunuan
ngayoy asyenda nat nahulog sa kamay
ng hindi nagpagod at di namuhunan.
Ang laki at higpit sa pana-panahon

ng pagpapabuwis ay sulung ng sulong,


makasingil lamang ay di nililingon
hirap ng magsaka;t pawis na ginugol.
Salapi at pagod ng nagsisibuwis
ay walang katumbas kung di ang maghapis,
tanghaling sagana ang hindi nagpawis,
maibaon sa utang at tumangis-tangis.
Ang lahat ng itoy ninanais sana
ng malagyang lunas ng sinta mong ina,
ngunit paanhin ko, ngayoy matanda na,
hapo na sa hirap akot walang kaya.
Ang mga balitang Legazpit Salcedo
at ibat iba pang inaasahan ko
sa pagkakalinga ng tapat sa iyo,
ngayon ay wala nat inulila tayo.
Sa nangangatirang ngaoy nabubuhay
oot may mabait, bayani at paham;
ngunit sia-silay nangag-iiringan
di magkasundo sa anumang pakay.
Sa ibig ng isay hahadlang ang iba,
sa balang kuruin ay di magkaisa
walang mangyayari tungol may halaga
sa gayoy paanong aasahan sila!
Kaya kailangan bunsong iniirog,
matutong magtiis iayon ang loob,
sa madlang dalita, kung ayaw kumilos
ang mga anak mo sa pagkakatulog.
Mga taga-rine, Pransuay, Alemanya
at iba pang nasyon ditto sa Europa
ay nangaghirap din sa prayle ng una
pawang nangday, pawa ring ginaga.
Kanilang nasayod lahat ng hinagpis

sa paniniwalat maling pananalig,


sa prayleng nagpanggap ng taong malinis
na nagpakadukahat nag-anyong mabait.
Bayan, palibhsang marunong mahabag,
ay nahambal ngani sa nakitang hirap,
ang prayley kinandong, pinuspos ng lingap,
ang mga kumbentoy sumaganang lahat.
Prayley hindi naman nagpapahalata
daddagat dagdagan pag-aanyong aba,
hindi napapansin lihim nilang banta
na ang namamayay kanilang mapiga.
Sapagkat ang prayley hindi kaparis
nitong mga Paring itim kung manumit,
ang prayle ay anak sa bundok at yungib
ng mga magulang na napakagipit.
Anak sa dalagitay buong pagsasalat
walang nalalamang gawaing paghahanap
kaya kailangang tuyuin ang lahat
upang manariwa ang sariling balat.
Pag may mamatay na tila mayaman
prayle ang aagap magpapakumpisal,
at inuukilkil na ang pamanahan
ng aring inumpok ay kumbento lamang.
Hinlog, kamag-anak ay dapat limutin
sa oras na iyon, siyang sasabihin,
kalulwat yaman dapat na ihain
sa praylet ng huwag impyernoy sapitin.
Ang lahat ng itoy nadaragdagan pa
ng bala-balaking panilo ng kuarta
kalmen, sintas, kordon, palibing, pamisa,
ay pawing pandukot sa maraming bulsa.
Sa gayon nang gayoy lumaki nga naman

ang ari ng praylet naghirap ang bayan;


mahalinhang bigla ng kapalaluan
ang binalatkayong kababaang asal.
Diyan na naninghal, diyan na nang-api
buong kataksilan ang pangyayari,
ang bawat pinuno sa prayle ang kampi
bayay namighati sa pagkaduhagi.
Ganda ng babae, ang dunong ang yaman
ay nagiging sanhi ng kapahamakan,
walang sumaklolong may kapangyarihan
sa kualitat nayuko baras ng katwiran.
Ang balang magsabi, ang balang mag-isip
ng magpaaninaw ng santong matuwid,
walang nararating kungdi ang maamis
luhay patuluin hanggang sa mainis.
Sapagkat ang balang mapaghinalaan
na sa hangad nilay di maaasahan
ay ipapahuli at pararatangan
ng salang dakilat madlang kataksilan.
At sa bilangguay agad kukulungin
sa gutom at uhaw ay papipitiin,
ang lamig ng lupay siyang babanigin
ng sa kanyang bayay natutuong gumiliw.
Hindi tutulutang magtamong liwanag
sa araw at gabi ay kahabag-habag
kung hapong-hapo na sa gayong paghirap
ay paaamining siya ngay nagsukab.
May ipinapangaw ang dalawang paa
kamay at kataway gagapusin muna,
saka tatapatan ang sakong ng baga
hanggang di umamin sa paratang nila.
At kung masunod na ang kanilang nasa
umamin sa sala ang lipos-dalita

tali nang kasunod, parusay ilalagda


sa martir ng praylet mapapanganyaya.
Ang parusa nooy samsamin ang yaman
Saka unti-unting alisan ng buhay;
Idaraan muna sa isang simbahan
Ang kinulang-palad . . . at saka sisigan.
Sa gitna ng plasa ay may nakahanda
na naglalalagablab na malaking siga,
diyan igagatong sa harap ng madla
ang sa kanyang bayay ibig kumalinga.
Taghoy ng sinigan at madlang kaharap
luha ng magulang, hinlog, kamag-anak
pagtangis ng madla ay walang katapat
kundi ang sa prayleng tawa at halakhak.
Yutang-yutang tao ang nanguuyam
ng panahong yaon sa gayong paraan,
ang payapat aliw noon ay pumanaw
nalipos ng luksa libo-libong bayan.
ang yaman nasamsam, buhay na nakitil
ay di babahagyat nooy walng tigil,
ang sipag ng pralye sa gawaing magtaksil.
magsabog ng dusa, gutom at hilahil.
Ano pa ngat noon ay kulang na lamang
Ang nangaulilay magpapatiwakal;
Niloob ng langit, nanangagsangguinian
at nangagkaisang silay magdamayan.
Diyata nga kaya, ang winika nila,
at wala nang lunas sa ganitong dusa?
diyata nga bagat itong binabata
sa inaanak natiy ipapamana pa?
Huwag magkagayot yayamang namalas,
na sa daang itoy nasubyang ang landas,
ay hawanin nating, sakitin ng lahat,
ilayo ang madla sa pagkapahamak.

Lalakit, babae, matanda at bata,


ngayoy manalangin, sa langit paawa,
ang santong matwid sa kusang dinusta
ay ibangon natit Diyos ang bahala.
Kanilang nilusob ang mga kombento,
prayley inusig pinutlan ng ulo,
ang balang makitang prayleng nakatakbo
kung hindi barilin, kanilang binato.
Higanti ng bayay kakila-kilabot
walang pagsiyahan ang kanilang poot,
ang mga kombentoy kanilang sinunog
inuring pugad ng masamang hayop.
Prayley nanglalaban, ngunit lalin kaya
sa galit ng bayan ang magiging kuta!
ang payapang dagat, pasiyang nagbala
ay walang bayaning makasasansala
Yaong bayang supil, dating mahinahon,
dating mapagtiis, at mapagpasahol,
inunos ng dusat malalaking alon
ng paghihiganti nooy luminggatong.
Walang nakapigil, walang nakasangga,
palibhasay bayan ang magpaparusa
ang mga pinunoy nawalan ng kaya,
umayon sa bayat nang di mapag-isa.
Kaya nga bunso kot magpahangga ngayon
ang Prayleng lumakad sa kanilang nayon,
kahit na bata ay nagsisipukol
inu-using nilang parang asong ulol.
Sa paraang ito, bunsong minamahal,
ang dating dinustay makatighaw-tighaw;
ang prayley lumayas, iniwan ang bayan
at muling naghari ang kapayapaan.
Ngunit hindi naman ako nagpapayo

ang ganoong paraan bagay asalin mo,


akoy walang sukat na maisaklolo,
kaya katitii, magtiis, bunso ko.
Walang natimawa sa pagka-duhagi,
na di namumuhunan ng pamamayani;
kung hindi mo kayang prayley iwaksi
magtiis ka, irog, sa palad mong imbi.
Ang mga anak moy nangagugupiling,
sa dusting lagay moy di nahihilahil,
magdarayang hibo ng kaaway na lihim
siiyang diniringig, luha moy di pansin.
Diyata ay sino ang dapat mag-adya
sa iyo, bunso ko, kung hindi nga sila?
kung sa mga anak moy di makaaasa,
walang daan, irog, kundi ang magbata.
Ang araw na silay magka-isang loob
at mangagkagising sa pagkakatulog;
ang araw na iyan, ang araw ng Diyos
bayay maniningil . . . Sino ang sasagot?
Kailangan bunsong, silay mahirati
sa pagmamasakit sa bayang sarili:
Kay Rizal na librong pamagat ay Noli . . .
huwag lilimuting ganito ang sabi:
Panahoy matamis sa tinubuan bayan
at pawang panglugod ang balang matanaw,
ang simoy sa bukid ay panghatid buhay,
tapat ang pag-irog, subalit ang namatay.
Alinsunod ditoy aling hirap kaya
ang sukat indahin sa pagka-kalinga,
sa sariling bayat upang matimawa,
sa madlang pahirap at sumapayapa?
Ang lahat mong anak, ginhawat dukha man,

maging taga bukid, maging taga bayan,


lalakit babae, pantas man at mangmang,
santong matwid moy dapat ipatanghal.
Walang iba, bunso, na dapat hiliin
sila ng sa iyoy tapat na pagtingin:
ang pagpapabayay pananagutan din,
sa harap ng Diyos silay sisisihin.
Mapanglaw na sumpa ng Poong May-kapal,
sa tamad na puso ay kalumbay-lumbay
kayong nagpabaya sa sariling bayan,
anyay dapat naming Aking pabayaan!
Ilayo ng langit sa ganitong sumpa
ang mga anak mo, bunsong minumutya:
sa iyoy matuto ng pagkakalinga
matutong umampat ng iyong pagluha.
Ito na nga lamang ang maisasagot
ng salantang ina sa hibik mo, irog;
sasakyan moy gipo, huwag matutulog
ang mga anak mot masigwa sa laot.
Graciano Lopez Jaena
Fray Botod
Dis.17, 1856 Enero 20, 1896
Speeches, Articles & Letters nina:
Encarnacion Alzona
Teodoro Agoncillo
Sino si Botod?
May dalawang taong nag-uusap at ang kanilang pinag-uusapan ay
tungkol kay Pari Botod. Nasa plaza sila at nakita nila ito na may
kasamang babae. Sinasampal ang babae at napaluhod ito at
nagmamakaawa na wari ay humihingi ng kapatawaran. Kasumpasumpang pari diyatat magagawa niya ito--Sanay kami sa gayong eksena.
Sabi ng kausap. Siya ang kura paroko sa aming bayan. Ang mga prayle
pala ang may-ari ng mga paroko dito?--Di kapani-paniwala. Talagang
naririto sila at nagmamalabis hindi lamang sa ispiritual na bagay kundi

sa (politiko) pamahalaan at sa kalaswaan. Dapat ay lasunin ang ganyang


uri ng tao. Darating ang araw at pagbabayaran din nila ang kanilang
pagkakautang.
Daig pa ang Tsina.
Paglalarawan:
Ang Pari Botod ay di niya pangalan o apelyido. Ang kahulugan ng
Botod ay malaking tiyan at ito ang tinataguri sa kanya ng tao. Ang
ngalang binyagan niya ay Ana dahil ipinanganak siya sa kapistahan ni
Santa Anaina ng Mahal na Birhen. Nais pa niyang tawaging Fray Botod
kays aPari Ana.
Siya ay tag-Aragon at ang mga magulang niya ay di niya nakilala.
Siya ay natagpuan ng isang mangingisda sa ilog ng Ebro malapit sa
simbahan ng Our Lady of Pillarnang sumapit sa ika-14 ay tumakas
at nagpunta sa Villadolid sa kumbento ng mga Agustino.
Siya ay 21 ng naatasang magtungo sa Pilipinas. At isa pa rin sa
mga ugali niya ay ang pagiging magaslaw . siya ay nag-anyong mahiyain
ngunit pagkaraan ng limang taong pagkain ng saging, papaya, at
pagkatapos na maging paroko sa bayan nila ay naging mapagmalaki na
at napakayaman. Malaking tao na siya ngayon, di kapani-paniwala.
Pandak, bilugang mukha na parang buwan, bilugang pisngi. Makapal
ang labi, maliit na mga mata, mapulang ilong na malaki ang butas kaydaling makaamoy. Mamula-mulang buhok, bilugan ang ulo tulad ng bao
ng niyog. Kunot ang noo at matalas tumingin. Napakalaking tiyang
nakausli. Maikli ang leegiyan siPadre Botod.
Ang buong katauhan ay kuha kay Don Quijote at katawa-tawang si
Sancho Lanza.
Pag-uugali:
Mas matakaw kay Heliogabalus, usurer, masahol sa Hudyong
nagpapahiram ng pera, mahilig sa babae katulad ng isang sultan. Sa
katapusan, ibig din niya ang magagarang regalo.
Sa pagbubuodkung ilalarawan siya ni Zola, siya ay humigit
kumulang sa mga sumusunod:
Si Padre Botod ay patabaing baboy na kumakain, umiinom,
natutulog, at walang iniisip kundi ang malamang (appetite) sarap.

Ayan, lumalabas na naman na may kasunod na batang babaing


umiiyak.
Nilalambing siya ni Padre Botod, dinadamayan ang paghikbi ay
napipigilan ng takot at sumusunod siya ayon sa ipinag-uutos ng prayle.
Maraming kabataang babaeng magaganda at may magagarang
pananamit ang nakakasama niya. silay lalabas at kakain sa labas ng
bayan. Sila ang mga canding-canding she-kids, Bataan o bata iyan.
Sila ay tinatawag na bataan-galing sa mahihirap na pamilya at
pinangakuang papag-aralin, tuturuan ng Doctrina Cristiana at Catesis
magbasa, sumulat, at mga bagay makapagpapahintulot sa mga
magulang. Maaring itoy sapilitan o lubos na pagbibigay.
Wala bang gurong babae rito?
Mayroon, ngunit kaisa ni Padre Botod.
Itinulad ang mga babae sa Mananayaw na Taga-Indiya.
Isa sa kanilang Diyosa ay nakipagtalik s aisang mortal na naakit s
amga awitin niya. Nanganak ng isang babae na di maaaring mabuhay sa
langit dahil sa ama kaya ibinigay sa mga Brahman na siyang nagpaaral
sa kanya sa loob ng pagoda at nagsasayaw sa harap ng mga Diyosa.
Sa kanyang pag-ibig ay nagkaroon siya ng 7 anak na babae na
mananayaw sa Templo at 3 lalaki na naging musikero.
Ang mga mananayaw ay di nagpapakasal, naglilingkod lamang sa
mga Diyosa. Itinutulad ang mga mananayaw sa Canding-Canding. May
nagkakagulo at nang tingnan nila ay 5 batang lalaki ang ibig bumugbog
kay Fr. Botod. Mabuti ngunit kaawa-awa sila pagkat mapupunta lang
sila sa bilangguan.
Magbabayad kayo balang araw.
Bumaba ka, duwag, baboy, malaswa. Bumaba ka at magbuntalan
tayo. Tumakbo siya sa kumbento at noong hapon ay natakot siya at
nagkaroon ng pananakit ng tiyan. Di siya nakatulog nang magdamag.
Madaling araw pa ay nagpunta na siya sa kapitolyo at nagsumbong
tungkol sa pag-aaklas ngunit di-binanggit ang katotohanan ng mga
pangyayari.

Pagkaraan ng 2 araw inaresto ng mga guwardiya civil ang mga


mag-aaral sa pangigipuspos ng mga magulang.
Sinermunan pa ang mga magulang tungkol sa pagpapadala ng
anak sa Maynila.
Paano niya inaaliw ang sarili?
Halos araw-araw ay nagsusugal siya maliban kung araw ng Linggo
pagkat nakikipagsabong siya.
Kung siyay naglalaro at may mangungumpisal na mamamatay na
ay itinataboy niya ang kumakaon at sinasabing magdasal na lamang ng
Sumasampalataya at doon na niya ibinibigay ang kanyang bendisyon.

Nang mamatay ang taong yaon:


Humiling 3 pari
Tama na ang isa na lang at ang bayad ay P150 segunda klase.
Hinanap ng tao si Pari Marcelino at sa kanya raw ang P50tatlong pari
pa. wala pong pera ang namatayan.
Magdelihensiya kayo kundi ay di malilibang iyan.
Naglasing si Padre Marcelino nang malaman ito at nang ipalit sa
kanya ito ay pinasara nag kumbento.
Baba ka riyan Botod kung talagang matapang ka, nakahihiyang
pari, ulol, baba ka at pipilipitin ko ang leeg mo. Wala kang kahihiyan!
Nanahimik si P. Botod at pagkatapos ng3 araw ay ipinatawag niya
sa Obispo si P. Marcelino at ipinakulong sa seminary.
Paano nagpipista ang Patron sa bayan?
Ipasasabi niya sa sakristan, na sabihin sa mga mayayamang
ginang na magbigay ng ibat-ibang pagkain para sa bisita niya. Ang
kanyang paroko ay gagasta sa marangya niyang pista.
Paano siya napapakalakal?
Isa siyang usurero.

Pag may humuhiram ng 300 ay di lamang niya pababayaran ng


600 kundi bibilhin niya ang palay ng murang-mura at ipagbibili nang
mahal kapag tag-araw na.
Gigipitin niya ang mga magsasaka.
Sasabihin pa ngang lahat para sa mahal na birhen.
Paano siya nagiging pulitiko?
Masahol pa siya kay Canovas o Lagasta.
Pag may pupunta para mag-ayos ng daansasabihin niya na
gawin muna ang kusina ng simbahan niya.
Paano siya nagsisiniungaling?
Mayaman kami Espanyaat lumalayo kami sa pinto.
Pumupunta kami rito para maging sibilisado ang mga Indiyo.
Ayaw niyang ipaturo ang kastila. Baka labanan daw siya ng mga
Indiyo.
Paano siya kumain?
Sa umaga, malaking tasang tsokolate4 na hiwang bibingkang
kanin
Sa tanghali alak15 duke
Siestalagi siyang may siesta sa tanghali.
KwartoPaglalarawan:
Resurreccion ni Hidalgo
asawa ni Putifar (half nude)
kamayari sa kamagongGreco RomanoTsina
kamamay sedang jusi
larawannakakaaliw
May malaki at malalambot na unan sa tabi. Sa tabi, may mesang
marble na may sinturon at pangkamot na maaabot ng kamay.

Ang sinturon ay pamalo sa mga kabataang babae na matigas ang


ulo o lumalaban.
Ang pangkamot.
Gawain ng mga Batang Babae:
Kikay mamamaypay
Paula nangingiliti sa paa
Loleng nanghihilot sa ulo
Titay nag-aalis ng kuto
Manay nangingiliti sa tainga sa tulong ng pakpak ng manok
(feather)
Arang nanghihila ng daliri
Ansay nang-aalis ng putting buhok
Biray pinakamagandananghihimas ng tiyan
Calay bumubulong ng mga istorya sa tainga upang makatulong
para mag-isip ng sarap ng buhay. May iba pa-ayokong ayokong sasabihin
kapag naghihilak naisa-isang umaalis.
May misteriosang pintuan na spring.
2dalagang magaganda ang papasok, uupo sa silya sa tabi ng
pari at maghihintay sa nais mangyari ng pari.
Imahinasyon na ninyo ang bahalang humabi sa mga dapat
mangyari.
Paano siya nagpaparusa?
Pag may Indiyo na di nagtrabaho dahil sa maysakit ang asawa.
Palo50 x 3= 150
Lagyan ng suka at paminta para madali
Pagkaraan ng maraming araw may kausap siFr. Botod naloka
nagmumura sa prayle.

Antonio Luna
Noche Buena
Sa itaas ng isang libis ng bundok ay may isang tahanang kubo na
yari sa balu-baluktot na sanga ng kahoy. Ang kubo ay nasa tabi ng
batisan at nakukublihan ng malaking punongkahoy. Dooy nananahanan
ang isang mag-anak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay nanggagaling sa
pangangaso at pangangahoy. Isang matandang lalaki ang nagtitistis ng
mga dahon ng niyog upang gawing walis.Sa isang dako naman ay isang
dalaga ang nagsisilid ng mga dayap, gulay at itlog sa buslo. Isang batang
lalaki at isang batang babae ang naglalaro sa tabi ng isang batang payat,
maputla at malungkot na nakaupo sa isang punong nakabuwal. Ang
batang ito ay si basilio. Si basilio ay may sugat sa paa at inaaliw ng
dalawang bata. kapag gumaling na ang paa mo ay maglalaro tayo ng
piko. Anang batang babae.Aakyat tayo sa itaas ng bundok at paiinumin
kita ng dugo ng usa upang ikaw ay tumaba.Anang batang lalaki. Ang
lahat ng masusuyong salita ay tinugon niya ng isang malungkot na
ngiti.Tinanaw niya ang kanyang paa at pagkatapos ay ang maningning
na araw.
Iniutos ng matanda sa apong dalaga na ipagbili ang mga walis
upang may magugol sa ano mang pamasko para sa kanyang mga
kapatid. Ang hinihiling ng batang lalaki ay rebentador at ang babae
naman ay humiling ng manika.Ano ang gusto mo?ang tanong ng
matanda kay basilio. Ako po bay nagkasakit nang mahigit sa isang
buwan?Dalawang buwan buhat nang makuha ka naming sugatan.
Akala namin ay hindi ka na mabubuhay Gantihan po sana ng diyos
ang inyong kabutihan.Kami poy mahirap lamang. Ang nais ko poy
dumalaw sa aking ina at sa bunsong kapatid ko na nasa bayan. Marahil
poy nag-hihinagpis sila sa paghahanap sa akin. Ikaw ay may
karamdaman pa at ang bayan mo ay malayo. Maghahatinggabi na bago
makarating doon. Hindi ko po inaalintana ang layo. Ang nais ko poy
magkasalo kami sa pagkain kahit na isang tuyo lamang ang ulam. Kami
poy laging magkakasama kung mga araw na ganito, kayat itinangis nila
marahil ang aking pagkawala.

ang

Ikamamatay mo ang pag-uwi, bata ka! Manok at pindang na usa


ulam namin mamaya. Hahanapin ka ng mga anak kong

manggagaling sa bukid. Dadalawa po ang anak ng ina ko samantalang


ang inyoy marami. Marahil ay ipinagluluksa na ako ng nanay ko.
Ngayong gabi ay hahandugan ko siya ng kaligayahan- ng isang
aginaldoisang anak! Ang pangungusap mo ay para ng sa isang
matanda! Lumakad ka at hanapin mo ang iyong inaHandugan mo siya
ng aginaldo ng lumikha. Lumakad ka at patnubayan ka nawa ng Diyos
at ni hesus., Ikaw ay ihahatid ng apoi kong si lucia hanggang sa kalapit
na bayan.
Kinuha ni basilio ang kanyang tungkod at lumuluhang nagpaalam.
Dalhin mo itong pindang na usa sa iyong ina. Huwag ka sanang
makalilimot, ang bilin ng matanda. Matulin ang lakad ni basilio
bagamat may tila pa ang kanyang paa. Ang mga mamamayan ng san
diego ay nangangatog sa ginaw sa kalagiman ng hanging nagbubuhat sa
hilaga. Nang gabibg iyon ay walang parol na makikita sa mga bintana di
paris ng mga nakaraang Nochebuena. Sa entresuelo ng tahanan ni
Kapitang Basilio ay kausap nito si Don Filipo sa tabi ng isang swalang
bakal, at sa kabila naman ay nangakadungaw isna Sinang, Victoria at
Iday. Kayo ay mapalad. Hindi kayo naparusahan, ani ni kapitang
basilio. Tunay ngang naabo ang inyong mga kasulatan, ngunit higit na
napinsala ang iba.
Si sisa ang baliw ay nagkataong lumapit sa salang bakal, tumanaw
sa loob na ang mga matay nananalas at saka lumayo. Kala koy nasa
bahay ng mangagamot na siyay isuplong.Kahabag-habag naman! ang
tugon.Ngayon ay palabuy-laboy na naman ang baliw. Hindi naman siya
nanakit at doon sa gubat naninirahan. Kinabukasan ng inyong pag-alis
ay nakitang nakabitin sa kanyang silid ang sakristanmayor.Sa malaking
pagdaramdam, ang ginawa ng kuray iniligpit ang lahat ng kanyang
kasulatan, Si tandang tasyo ay namatay na rin at inilibing sa libingan ng
mga intsik.At ang mga aklat niya? Sinunog pong lahat ng mga taong
naniniwalang silay kalulugdan ng Diyos. Nang sandaling iyon ay narinig
nila ang malungkot na awit ng baliw. Kailan ikakasal si Maria clara?
ang tanong ni iday kay sinang. Hindi ko alam. Lumiham sa akin si
maria, nginit hindi ko binabasa dahil sa ayokong malaman. Kahabaghabag na Crisostomo! Ang balitay iniligtas ni Linares sa bibitayan si
Kapitang tiyago. Dahil dooy makauurong ba si Maria clara? ang sabi ni
Victoria.

Narating din ni basilio ang san diego. Tinungo niya agad ang
tahanan nilang sira-sira, ngunit walang tao.Siyay nagtanong. Nabatid
niyang nabaliw ang kanyang ina at palibut-libot na lamang sa mga
lansangan. Kay crispin ay wala siyang nabalitaang anuman. Bagamat
nangangalog ang kanyang tuhod ay tumakbo rin siyang paika-ika upang
hanapin ang kanyang ina. Sa tahanan ni kapitang basilio ay napansin
ang paika-ika takbo ng isang batang lalaki na patungo sa
pinanggalingan ng tinig ng baliw. Nang sandaling iyon ay umaawit si sisa
sa tapat ng bagong alperes. Ang babaing nasa durungawan ng dalaga
wari, ay matamang nakikinig. Iniutos ng babae sa bantay na paakyatin
si sisa. Nang makita ni sisa ang tanod at narinig ang tinig nito, siyay
tumakbong papalayo sapagkat takot na takot. Si basiliong nagmamasid
lamnag sa kanyang ina ay tumakbo ring iika-ika, sa pangambang
mawala sa kanyang paningin si sisa.
Tingnan ninyo hinahabol ng bata ang baliw. Ang nasambit ng
isang alilang babaing nasa daan. hayan ang iyo! at binato ang bata,
Sayang at nakatali ang aso, Tinamaan si basilio, ngunit hindi siya
tumigil sa pagtakbo. Nabulabog ang mga aso at gansa, kayat ang ilang
matatakutin ay nagpinid ng bintana, sa pag-aakalang may gulo na
naman. Nasa labas na sila ng bayan. Hininaan ni sisa ang pagtakbo
sapagkat malayo na siya sa humahabol. Inay ako si basilio, ang muling
sigaw ng bata. Si sisay nakarating sa gubat. Si basilioy hindi
humihiwalay sa anino ng kanyang ina. Makailan siyang narapa, ngunit
hindi siya nakaramdam ng sakit, sapagkat isang damdamin ang
naghahari sa kanyang kaluluwa- ang abutan ang kanyang ina at
mayakap niya ito. Hindi niya inalintana ang mga tinik sa kanyang paa,
huwag lamang siyang maiwan.
Si Sisay nasok sa pinot ng libingan ng matandang Kastila, na nasa
may punong- baliti. Pinilit ni Basiliong buksan ang pinto, ngunit itoy
nakalapat at ubus-lakas na ipinag sasanga ang mga yayat na bisig ng
baliw upang huwag mabuksan. Inay, ako si basilio na iyong anak! ang
sigaw ni basilio na tuloy naparapa. Ngunit lalong itinungkod ng baliw
ang kanyang mga paa sa lupa. Pasuntok na binayo ni basilio ang pinto at
inumpog ang kanyang duguang ulo, ngunit wala ring nangyari. Binalak
niyang umakyat sa bakod na bato, ngunit wala naman siyang
makapitan. Natanaw niya ang isang sanga ng baliting nakaapit sa isang
puno. Inakyat niya ang puno at pagkatapos makapanguyapit sa sanga ay

nakarating sa baliti. Nakita niyang itinutukod ni sisa pati ang ulo sa


dahon ng pinto.
Narinig ni sisa ang langitngit ng mga sanga. Lumingon siya at
nagbalak na tumakbo, ngunit mabilis na nagpatihulog si basilio, niyakap
at pinaghagkan ang ina, at pagkatapos ay hinimatay. Halos manlisik ang
mga mata ni sisa sa pagtanaw sa mukha at duguang noo ni basilio. Ang
mukhang iyon ay gumising sa kanyang isipang nasa karimlan. Mandiy
pinagulian ng kaunting liwanag ang nakalimot na gunita. Nakilala niya
ang kanyang anak. Niyakap niya ito at pinaghahagkan at pagkatapos na
makapagbitiw ng isang malakas na tili ay napahandusay sa ibabaw ni
Basilio.
Mahabang sandaling hindi kumilos ang mag-ina. Nang magbalik
ang isipan ni Basilio ay nakita niyang walang malay ang kanyang ina.
Masuyo niyang tinawag ito, at nang matanto niyang hindi na humihinga
o kumikilos man lamang ay kumuha siya ng tubig sa batis at winisikan
niya ang mukha.Si sisay hindi man lamang gumagalaw. Lipos ng
pangambang idiniit niya ang kanyang tainga sa dibdib ni sisa, ngunit
ang yayat at luoy na dibdib ay malamig at ang pusoy hindi na tumibok.
Idinampi niya ang kanyang mga labi sa kapwa labing walang-malay. A,
wala ni kaunti mang hininga siyang nadama. Niyakap niya ang malamig
na bangkay at siyay tumangis nang tumangis.
Nooy nochebuena, gabi ng kasayahan ng mga batang nasa piling
ng mapagkandiling mga magulang. Yaon ang pistang tagapagaalaala ng
unang kaluwalhatiang dulot ng Langit sa Sangkatauhan.Ang gabing iyon
ay lubhang maligaya para sa mag-anak na makapiling na umawit,
kumakain, nagsasayaw at naghahalakhakan. Ngunit para kay basilio
ang gabing yaoy gabi ng pagkaulila.Sino ang nakakaalam? Marahil, sa
tahanan ni Pari Salvi ay nagsisipaglaro rin ang mga bata at umaawit ng:
La Nochebuena se vience,
La nochebuena sa va
Nang itaas ng naghihinagpis na si basilio ang kanyang ulo ay
nakita niya ang isag taong nagmamasid sa kanya. Ikaw ba ang anak
ang tanong sa kanya. Ang bata ay tumango.Ano ang iyong
binabalak?Iilbing po.Saan, sa libingan?Wala po akong ibabayad at
ang kura poy hindi papayag.Wala na akong lakas, ang tugon ng di-

kilalang tao. Itinikod ang mga kamay nito at tuloy napahandusay sa


lupa. Marahil ang aking sugat..Dalawang araw na akong di-kumakain
at natutulog. Ikaw bay may nakitang ibang tao rito ngayong gabi?
Makinig ka! ang patuloy sa lalong mahinang tinig. Marahil, ako
man ay hindi uumagahin. Kunin mo ang maraming kahoy na
nakabunton sa kabila ng batis at italaksan mo rito. Pagkatapos ay ilagay
mo ang aming bangkay sa ibabaw. Sindihan mo ang mga kahoy at
bayaan mong kamiy masunog hanggang sa maging abo. Mataimtim na
pinakinggan ni basilio ang mahiwagang tao. Pagkatapos, kung walang
ibang taong dumarating, humukay ka rito at makukuha mo ang
maraming salapi. Itoy sa iyo na. Mag-aral ka! Ang tinig ay unti-unting
nababahaw. Kunin mo ang mga panggatong.hindi kita matutulungan.
Lumakad si basilio.ang mahiwagang taoy tumanaw sa silangan
at pabulong na nagwika:
Mamatay akong hindi man lamang namasdan ang maningning na
pagsikat ng araw sa aking bayan! Kayong mangaiwan ang siyang
sumalubong sa kanyang pagdatal!....Huwag ninyong limutin ang mga
nasawi sa dilim ng gabi!
Tinitigan niya ang langit.Nangatal ang mga labi niyang bumigkas
ng isang dalangin. Pagkatapos ay iniyuko niya ang kanyang ulo
hanggang sa unti-unting bumagsak sa lupa.
Mariano Ponce
Pagpugot kay Longino (Buod)

Ayon sa alamat, Si Longino, isa sa mga sundalong bulag ang isang


mata at nakasaksi sa pagpapako ni Hesukristo ay ibinaon ang kaniyang
espada sa tagiliran ni Hesukristo upang matiyak na siya ay tunay na
patay na. Tumilamsik ang dugo sa matang hindi nakakakita ni Longino
at himalang ito ay biglang gumaling at nakakita. Dahil dito, siya ay
nagbalik-loob at naging isang Kristiyano.

Hinabol ng mga sundalo si Longino sa buong kabayanan hanggang


siya ay nahuli at hinarap sa isang aktor na tumayo bilang si Ponsyo
Pilato. Ang iba ay tumayo bilang mga Pariseo upang husgahan siya at
noong Pasko ng Pagkabuhay, si Longino ay hinatulan sa kaniyang
pagbabago ng relihiyon sa pamamagitan ng pagpugot.

Panahon ng Himagsikan
(1896 1900)
Kaligirang Kasaysayan
Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga hinihinging
pagbabago ng mga Propagandista. Naging bingi ang pamahalaan,
nagpatuloy ang pang-aapi at pagsasamantala, at naging mahigpit pa sa
mga Pilipino ang pamahalaan at simbahan. Ang mga mabuting balakin
sana ng Inang Espanya sa Pilipinas ay nasasalungat pa rin ng mga
prayleng nangaghari rito.
Nang dahil sa mga pangyayaring iyon, ilan sa mga mamamayang
Pilipinong Kabilang sa pangkat ng La Liga Filipina (isang samahang
sibiko na pinaghihinalaang mapanghimagsik at naging dahilan ng
pagkatapon sa Dapitan ng nagtatag na si Jose Rizal) na tulad nina
Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, Jose Palma, Pio
Velenzuela, at iba pa, ay nagsipagsabi na wala nang natitirang lunas
kundi ang manghimagsik. Ang naging laman ng panitikan ay pawang
pagtuligsa sa pamahalaan at simabahan at pagbibigay-payo sa mga
Pilipino upang magkaisa at maghanda nang matamo ang inaasam na
kalayaan.

Mga Taluktok ng Tahasang Paghihimagsik

Andres Bonifacio

Kilalang-kilala si Andres Bonifacio bilang


Ama ng Demokrasyang Pilipino, ngunit higit sa
lahat, bilang Ama ng Katipunan sapagkat siya
ang namuno sa pagtatatag ng samahang Kataastaasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga
Anak ng Bayan.
Hamak ang pinanggalingang kalagayan sa
buhay, kayat sinasabing ang kanyang mga natutuhan ay pawang galing
sa paaralan ng karanasan.
Lubha siyang mapagbasa. Kabilang daw sa kaniyang mga nabasa
na lalong nagpatingkad ng kaniyang diwang mapanghimagsik ay ang
Noli at Fili ni Rizal. Umanib siya sa La Liga Filipina na itinatag ni
Rizal noong 1892. Itinatag niya ang katipunan na siyang naging saligan
ng diwang Malaya nang ipatapon si Rizal sa Dapitan, Mindanao. Si
Bonifacio ay lalong kilala sa pagiging dakilang mandirigma kaysa
manunulat, ngunit mayroon din naman siyang naging akdang nagpaalab
sa himagsikan at naging bahagi n gating panitikan.
Ilan sa kanyang mga akda
1. Katungkulang Gagawin ng Mga Anak NgBayan nahahalintulad
sa Sampung Utos ng Diyos ang pagkakahanay ng kartilyang ito.
2. Huling Paalam salin sa Tagalog ng Mi Ultimo Adios ni Rizal.
3. Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa isang tulang naging katulad din ng
pamagat ng kay Marcelo H. del Pilar.
4. Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog bumabanggit sa kasaysayan
ng Pilipinas. Ang kaunlarang tinatamasa ng bansa bago dumating
ang mga Kastila at ang mga kaapihan ng mga Pilipino sa kamay ng
mga Kastila.
5. Katapusang Hibik ng Pilipinas tulang nagpapahiwatig ng
hinanakit sa bayan. Kinatha ni Bonifacio bilang pagpapatuloy sa
tulang napasimulan ni Herminigildo Flores na may pamagat na
Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya. Ito ay tinugon naman ni
Marcelo H. del Pilar sa kanyang tulang Sagot sa Hibik ng Pilipinas.

Apolinario Mabini
Ipinanganak sa Talaga,Tanauan Batangas
noong ika- 23 ng Hulyo, 1864 ng mga pulubing
magulang at pinahirapan habang buhay ng
paralitiko, si Apolinario mabini ay lumaki pa rin
bilang isang magaling na manunulat, abogado at
makabayan. Kilala siya bilang Dakilang
Paralitiko at Utak ng Rebolusiyon. Siya ang
pangalawa sa walong anak ni Inocencio Mabini
at Dionisia Maranan.
Sa kabila ng kahirapan, si Mabini ay nakatamo ng sertipiko bilang
guro noong Marso ng 1887 at nakatapos ng abogasiya noong 1894. Siya
ay tinanggap sa Hukom noong 1895.
Minalas siya noong 1896 nang nagkasakit siya ng trangkaso na
siyang naging sanhi ng kanyang pagiging paralitiko nang pang-habang
buhay. Sa kabila nito ipinagpatuloy pa rin niya ang trabahong notariyo
at sinuportahan niya ang kilusang reporma na siyang naging dahilan ng
kanyang pagkabilanggo hangang Hunyo ng 1897.
Nang dumating ang himagsikang Pilipino at Amerikano,
si Mabini ang naghikayat sa kanyang mga kababayan na lumaban at
mamatay para sa ating kalayaan. Nilikha niya ang kanyang pinka-tanyag
na "Ang Tunay na Dekalogo".
Si Mabini ay nagsilbing tagapayo ni Heneral Emilio Aguinaldo.
Pinayuhan niya si Aguinaldo na palitan ang diktadurang anyo ng
pamahalaan sa rebolusiyonaryo. Inayos niya ang mga bayan at
probinsiya at ang husgado at mga puwersang pulis, at nilkha niya ang
mga alituntunin ng hukbong sandatahan. Noong nagpulong-pulong ang
Rebolusiyonaryong Kongreso sa Barasoain, Malolos, Bulacan siya ang
naging Pinunong Ministro ni Aguinaldo. Tumulong siya sa pag-likha ng
Saligang Batas. Samakatuwid, nararapat lamang na tawagin siyang
"Utak ng Rebolusiyon."
Nagpatuloy pa siya sa pag-likha ng mga artikulo sa pagtaguyod ng
reporma habang nagtatago, subalit siya ay hinuli ng mga Amerikano
noong ika-10 ng Septiyembre,1899. Pagkatapos na siya'y palayain noong

ika-23 ng Septiyembre, 1900; siya ay nanirahan sa Nagtahan, Manila,


kung saan siya ay sumulat para sa mga lokal na pahayagan. Noong ika-5
ng Enero, 1901 siya ay pinalayas sa Guam dahil sa kanyang mga sinulat
gaya ng "El Semil de Alejandro" sa "El Liberal."
Sa paniwalang wala na siyang ibang paraan at dahil sa akalang
mas madali siyang magsilbi sa kanyang mga kababayan kung siya ay
bumalik sa Pilipinas, siya ay nangako ng pagkampi sa Estados Unidos
noong ika-26 ng Pebrero, 1903. Siya ay namatay sa Nagtahan, Manila
noong ika-13 ng Mayo, 1903 sa gulang na 39.
Ilan sa kanyang mga akda
1. El Verdadero Decalogo (Ang Tunay na Sampung Utos) Ito ang
ipinalalagay na kaniyang pinaka obra maestro na ang
pinakahangarin niya rito ay ang magpalaganap ng nasyonalismong
Pilipino.
2. El Desarollo Y Caida Dela Republika Filipina (Ang Pagtaas at
Pagbagsak ng Republikang Pilipino)
3. Sa Bayang Pilipino isang tulang handog sa bayan
4. Pahayag hinango sa kanyang manipesto
5. Ang Himagsikang Pilipino isang sanaysay na naglalarawan ng
kabayanihan ng mga Pilipino sa pakikipaglaban.
6. Pagpapalit ng Ilang Titik sa Alpabetong Pilipino

Emilio Jacinto
Sagisag ng kabataang mapanghimagsik. Si
Jacinto ay kinikilalang bilang Utak ng Katipunan,
sapagkat tumayo siyang kanang-kamay ni
Bonifacio, na hindi niya hiniwalayan liban na
lamang sa huling yugto ng panghihimagsik, nang
masugo siya sa Laguna at si Bonifacio namay
sa Cavite. Anak-mahirap din, si

Jacinto ay nagkaroon ng matiising magulang na nagsikap na mapapasok


sa kolehiyo ang anak. Sa ganito, si Jacinto ay nakapag-aral at naging
bihasa sa Kastila, na una niyang natutuhan sa lansangang
pinaglumagian niya nang bata pa. lalong bihasa sa Kastila,
nagpakahusay siya sa Tagalog, sapagkat ito ang wikang kailangan para
makasapi sa Katipunan, hanggang sa makasulat ng mga maalab na
katha bilang pagsunod sa tanging layunin makaakit ng mga kaanib sa
samahang mapanghimagsik. Matapat na makabayan, siya ay sumulat ng
mga paksang makabansa at mapanghimagsik sa Tagalog at Kastila. Sa
mga sinulat niya sa Tagalog, na nilagdaang Dimas Ilaw, ibinibilang ang
tinanggap na Kartilya ng katipunan na pinagtibay gamitin sa halip ng
kartilya na inihanda ni Bonifacio, saka ang Pahayag, Sa mga
Kababayan, Ang Kasalanan ni Cain, Pagkatatag ng Pamahalaan sa
Hukuman ng Silangan, at Samahan ng Bayan sa Pangangalakal. Isa sa
lalong malaking nagawa niya para sa kapakanan ng Katipunan, at
samakatuwid sa rebolusyon, ay ang pagkakatatag niya ng Kalayaan, ang
tagapamansag ng Katipunan na miminsang lumitaw noong Enero 18,
1896, na sa pagkalaganap ay nakaakit ng libu-libong kaanib ng
samahan.
Si Emilio Jacinto ang naging matalinong katulong ni Andres
Bonifacio sa pagtatatag ng Katipunan. Siya ang tinaguriang Utak ng
Katipunan. Pinamatnugutan din niya ang Kalayaan ang pahayagan
ng katipunan. Iniurong ni Bonifacio ang kaniyang sinulat na kartilya
bilang paggalang sa tungkulin ni Jacinto bilang kalihim ng Katipunan.
Ang kaniyang Kartilya ang nasunod bilang kautusan ng mga kaanib sa
samahan.
Ilan sa kanyang mga akda
1. Kartilya ng Katipunan
Katipunan.

mga kautusan para sa mga kasapi ng

2. Liwanag at Dilim katipunan ng kanyang mga sanaysay na may


ibat
ibang
paksa
tulad
ng
kalayaan,
paggawa,paniniwala,pamahalaan at pag-ibig sa bayan.
3. A Mi Madre (Sa Aking Ina) isang tulang handog sa kanyang ina.
Ito ay isang madamdaming oda.

4. A La Patria (Sa Bayang Tinubuan)ang ipinalalagay na kanyang


obra-maestra.

Iba pang Maghihimagsik


Jose Palma y Velasquez
Si Palma ay inianak sa Tundo noong ika-6
ng Hunyo, 1876. Kapatid siya ni Rafael Palma na
naging pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas.
Nakatagpo ni Jose Palma, noong nag-aaral siya sa
Ateneo de Manila, si Gregorio del Pilar na naging
pinakabatang heneral ng mga
hukbong
manghihimagsik. Kahit bata pa sa
Ateneo, si Jose Palma ay kumatha ng mga lirikong tula at pinahanga ang
marami sa pamamagitan ng pagpapalimbag ng isang aklat ng mga tula
noong siyay 17 taong gulang pa lamang. Sumama sa himagsikan laban
sa Amerikano. Ngunit kahit taglay niya ang damdamin at sigla ng
panghihimagsik, ang mahina niyang katawan ay hindi mailaban sa
higpit at hirap ng buhay-sundalo, kayat ginugol niya ang kanyang
panahon sa panlilibang sa mga kawal ng manghihimagsik sa
pamamagitan ng kanyang mga kundiman. Ang kanyang mga tula ay
tinipon sa isang aklat na pinamagatang Melancolicas (mga panimdim)
na inilathala ng kanyang kapatid na panahon na ng Amerikano. Ngunit
ang pinakadakilang ambag niya sa panitikang Filipino ay ang mga titik
ng Pambansang Awit ng Pilipinas sa Kastila, na nilapatan ng musika ni
Julian Felipe. Sinulat niya ang mga titik na ito habang ang pulutong ng
kawal na kinabibilangan niya ay nakahimpil sa Bautista, Pangasinan.
Ang mga letra ni Palma ay bihira nang awitin ngayon sapagkat ang salin
sa Ingles at Tagalog ang siyang lalong gamitin.
Ilan sa kanyang mga akda
1. Himno Nacional Filipino
Mga Pahayagan ng Panahon ng Himagsikan

1. Heraldo Dela Revolucion naglalahathala ng mga dekreto ng


pamahalaang mapanghimagsik, mga balita, at mga akda sa
Tagalog na pawang gumigising sa damdaming makabayan.
2. La Independencia pinamatnugutan ni Antonio Luna na
naglalayon ng pagsasarili ng Pilipinas.
3. La Republica Filipina itinatag ni Pedro Paterno noong 1898.
4. La Libertad pinamatnugutan ni Clemente Zulueta.
5. UNANG GASETILYA noong 1637, nilimbag ni Tomas Pinpin ang
SUCESOS FELICES bagamat isang polyeto ay ipinalalagay na
kauna-unahang pahayagang nalimbag sa Pilipinas.
6. Del Superior Gobierno kauna-unahang pahayagang regular na
inilathala sa Pilipinas.Ang naging unang editor ay si Manuel
Fernandez del Folgueras.
7. La Esperanza kinilalang unang pahayagang pang-araw-araw.
Pinamatnugutan nina Felipe Lacorte at Evaristo Calderon.
8. Diario De Manila unang lumabas noong 1848 sa pamamatnugot
nina Felipe del Pan.
9. El Resumen magkatulong na inilathala nina Isabelo delos Reyes
at Baldomero Hazanas. Kauna-unahang pahayagang lantad sa
pagtataguyod ng nasyonalismong Pilipino.
10.
Ang Kalayaan ang opisyal na pahayagan ng kilusang
KATIPUNAN na pinamatnugutan ni E. Jacinto
Mga Akda sa Panahon ng Himagsikan
Andres Bonifacio
Huling Paalam
(Sa salin ni Andres Bonifacio)

Pinipintuho kong Bayan ay paalam,


Lupang iniirog ng sikat ng araw,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.
Masayang sa iyo'y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis alindog
sa kagalingan mo ay aking ding handog.
Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahapis.
Saan man mautas ay dikailangan,
cipres o laurel, lirio ma'y patungan
pakikipaghamok, at ang bibitayan,
yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.
Ako'y mamamatay, ngayong namamalas
na sa silinganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod ng luksang nagtabing na ulap.
Ang kulay na pula kung kinakailangan
na maitina sa iyong liway-way,
dugo ko'y isabong at siyang ikinang
ng kislap ng iyong maningning na ilaw
Ang aking adhika sapul magkaisip
ng kasalukuyang bata pang maliit,
ay ang tanghaling ka at minsan masilip
sa dagat Silangan hiyas na marikit.
Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,
taas na ang noo't walang kapootan,
walang bakas kunot ng kapighatian
gabahid man dungis niyong kahihiyan.

Sa kabuhayang ko ang laging gunita


maningas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa
hingang papanaw ngayong biglang-bigla.
pag hingang papanaw ngayong biglang-bigla.
Ikaw'y guminhawa laking kagandahang
akoy malugmok, at ikaw ay matanghal,
hiniga'y malagot, mabuhay ka lamang
bangkay ko'y masilong sa iyong Kalangitan.
Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas
sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa mga labi mo'y mangyayaring itapat,
sa kaluluwa ko hatik ay igawad.
At sa aking noo nawa'y iparamdam,
sa lamig ng lupa ng aking libingan,
ang init ng iyong paghingang dalisay
at simoy ng iyong paggiliw na tunay.
Bayaang ang buwan sa aki'y ititig
ang iwanag niyang lamlam at tahimik,
liwayway bayaang sa aki'y ihatid
magalaw na sinag at hanging hagibis.
Kung sakasakaling bumabang humantong
sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon
doon ay bayaan humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.
Bayaan ang ningas ng sikat ng araw
ula'y pasingawin noong kainitan,
magbalik sa langit ng boong dalisay
kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.
Bayaang sino man sa katotang giliw
tangisang maagang sa buhay pagkitil;
kung tungkol sa akin ay may manalangin
idalangin, Bayan, yaring pagka himbing.

Idalanging lahat yaong nangamatay,


mangagatiis hirap na walang kapantay;
mga ina naming walang kapalaran
na inihihibik ay kapighatian.
Ang mga bao't pinapangulila,
ang mga bilanggong nagsisipagdusa;
dalanginin namang kanilang makita
ang kalayaan mong, ikagiginhawa.
At kung an madilim na gabing mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libinga't
tanging mga patay ang nangaglalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.
Ang kanyang hiwagay huwag gambalain;
kaipala'y maringig doon ang taginting,
tunog ng gitara't salterio'y mag saliw,
ako, Bayan yao't kita'y aawitin.
Kung ang libingan ko'y limat na ng lahat
at wala ng kurus at batang mabakas,
bayaang linangin ng taong masipag,
lupa'y asarolin at kauyang ikalat.
At mga buto ko ay bago matunaw
maowi sa wala at kusang maparam,
alabok ng iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.
Kung magka gayon na'y aalintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin
pagka't himpapawid at ang panganorin
mga lansangan mo'y aking lilibutin.
Matining na tunog ako sa dingig mo,
ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
ang ugong at awit, pag hibik sa iyo,
pag asang dalisay ng pananalig ko.
Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,
Katagalugang ko pinakaliliyag,

dinggin mo ang aking pagpapahimakas;


diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.
Ako'y patutungo sa walang busabos,
walang umiinis at berdugong hayop;
pananalig doo'y di nakasasalot,
si Bathala lamang dooy haring lubos.
Paalam, magulang at mga kapatid
kapilas ng aking kaluluwa't dibdib
mga kaibigan bata pang maliit
sa aking tahanan di na masisilip.
Pag pasasalamat at napahinga rin,
paalam estranherang kasuyo ko't aliw,
paalam sa inyo, mga ginigiliw;
mamatay ay siyang pagkakagupiling!

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa


Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salitat buhay na limbag at titik
ng sangkatauhan itoy namamasid.
Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sinot alinman,
imbit taong gubat, maralitat mangmang
nagiging dakila at iginagalang.
Pagpuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumathat sumulat,

kalakhan din nilay isinisiwalat.


Walang mahalagang hindi inihandog
ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop
dugo, yaman, dunong, katiisat pagod,
buhay may abuting magkalagot-lagot.
Bakit? Alin ito na sakdal ng laki
na hinahandugan ng buong pagkasi
na sa lalung mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.
Ay! Itoy ang Inang Bayang tinubuan,
siyay inat tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.
Sa kanyay utang ang unang pagtanggol
ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayot hirap.
Kalakip din nitoy pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunitay mahal
mula sa masayat gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.
Ang na nga kapanahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?
At ang balang kahoy at ang balang sanga
na parang niyat gubat na kaaya-aya
sukat ang makitat sasa-ala-ala
ang inat ang giliw lampas sa saya.
Tubig niyang malinaw sa anaky bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos

na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.


Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita may laging sakbibi ng lumbay
walang ala-alat inaasam-asam
kundi ang makitang lupang tinubuan.
Pati nang magdusat sampung kamatayan
waring masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap, O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanyay alay.
Kung ang bayang itoy nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niyay tatalikdang pilit.
Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niyat kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.
Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?
Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihigantit gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa ka-alipinan?
Kung ang pagka-baon niyat pagka-busabos
sa lusak ng dayat tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos
Sa kanyang anyoy sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban

na hindi gumagalang dugo at buhay.


Mangyari kayang itoy masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang itoy mapanuod.
Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya ngat ibigin ang naaabang bayan.
Kayong antayan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.
Kayong nalagasan ng bungat bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilang sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwat sa bayay lumiyag.
Kayong mga pusong kusang (pugal)
ng dagat at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangont bayay itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.
Kayong mga dukhang walang tanging (lasap)
kundi ang mabuhay sa dalitat hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugoy ubusang itigis

kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit)


itoy kapalaran at tunay na langit.

Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog


Itong Katagalugan, na pinamamahalaan nang unang panahon ng ating
tunay na mga kababayan niyaong hindi pa tumutulong sa mga lupaing
ito ang mga Kastila, ay nabubuhay sa lubos na kasaganaan, at
kaginhawaaan. Kasundo niya ang mga kapit-bayan at lalung-lalo na ang
mga taga-Japon, silay kabilihan at kapalitan ng mga kalakal, malabis
ang pagyabong ng lahat ng pinagkakakitaan, kayat dahil ditoy
mayaman ang kaasalan ng lahat, batat matanda at sampung mga babae
ay marunong bumasa at sumulat ng talagang pagsulat nating mga
Tagalog. Dumating ang mga Kastila at dumulog na nakipagkaibigan. Sa
mabuti nilang hikayat na diumano, tayoy aakayin sa lalong kagalingan
at lalong imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagsisipamahala ay
nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo. Gayon man
silay ipinailalim sa talagang kaugaliang pinagkayarian sa pamamagitan
ng isang panunumpa na kumuha ng kaunting dugo sa kani-kanilang
mga ugat, at yaoy inihalot ininom nila kapwa tanda ng tunay at lubos
na pagtatapat na di magtataksil sa pinagkayarian. Itoy siyang tinatawag
na Pacto de Sangre ng haring Sikatuna at ni Legaspi na
pinakakatawanan ng hari sa Espana.
Buhat nang itoy mangyari ay bumubilang na ngayon sa tatlong
daang taon mahigit na ang lahi ni Legaspi ay ating binubuhay sa lubos
na kasaganaan, ating pinagtatamasa at binubusog, kahit abutin natin
ang kasalatan at kadayukdukan; iginugugol natin ang yaman, dugo at
sampu ng tunay na mga kababayan na aayaw pumayag na sa kanilay
pasakop, at gayon din naman nakipagbaka tayo sa mga Insik at tagaHolandang nagbalang umagaw sa kanila nitong Katagalugan.
Ngayon sa lahat ng itoy ano ang sa mga ginawa nating paggugugol
ang nakikitang kaginhawahang ibinigay sa ating Bayan? Ano ang
nakikita nating pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging
dahil ng ating paggugugol! Wala kudi pawang kataksilan ang ganti sa
ating mga pagpapala at mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayoy
lalong gigisingin sa kagalingan ay bagkus tayong binulag, inihawa tayo
sa kanilang hamak na asal, pinilt na sinira ang mahal at magandang

ugali ng ating Bayan; iminulat tayo sa isang maling pagsampalataya at


isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating Bayan; at kung
tayoy mangahas humingi ng kahit gabahid na lingap, ang nagiging
kasagutan ay ang tayoy itapon at ilayo sa piling ng ating minamahal ng
anak, aswa at matandang magulang. Ang bawat isang himutok na
pumulas sa ating dibdib ay itinuturing na isang malaking pagkakasala
at karakarakang nilalapatan ng sa hayop na kabangisan.
Ngayon wala nang maituturing na kapanatagan sa ating
pamamayan; ngayon lagi nang gingambala ang ating katahimikan ng
umaalingawngaw na daing at pananambitan, buntong-hininga at
hinagpis ng makapal na ulila, baot mga magulang ng mga kababayang
ipinanganyaya ng mga manlulupig na Kastila; ngayon tayoy nalulunod
na sa nagbabahang luha ng Ina sa nakitil na buhay ng anak, sa
pananangis ng sanggol na pinangulila ng kalupitan na ang bawat patak
ay katulad ng isang kumukulong tinga, na sumasalang sa mahapding
sugat ng ating pusong nagdaramdam; ngayon lalot lalo tayong
nabibiliran ng tanikalang nakalalait sa bawat lalaking may iniingatang
kapurihan. Ano ang nararapat nating gawin? Ang araw ng katuwiran na
sumisikat sa Silanganan, ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang
malaong nabulagan, ang landas na dapat nating tunguhin, ang liwanag
niyay tanaw sa ting mga mata, ang kukong nag-akma ng kamatayang
alay sa atin ng mga ganid na asal. Itinuturo ng katuwiran, na wala
tayong iba pang maaantay kundi lalot lalong kaalipinan. Itinuturo ng
katuwiran, lalot lalong kaalipustaan at lalot lalong kaalipinan. Itinuturo
ng katuwiran, na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa
ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari.
Itinuturo ng katuwiran ang tayoy umasa sa ating at huwag antayin sa
iba ang ating kabuhayan. Itinuturo na katuwiran ang tayoy magkaisangloob, magkaisang isip at akala at nang tayoy magkaisa na maihanap ng
lunas ang naghaharing kasamaan sa ating Bayan.
Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng
katotohanan; panahon nang dapat nating ipakilala n tayoy may sariling
pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan. Ngayon panahon
nang dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang ani na
magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan;
panahon na ngayong dapat makilala ng mga Tagalog ang pinagbuhatan
ng kanilang mga kahirapan. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat

isang hakbang natin y tumutuntong tayo at nabibingit sa malalim na


hukay ng kamatayan na sa atiy inuumang ng mga kaaway.
Kaya, O mga kababayan, ating idila ang bulag na kaisipan at
kusang igugol sa kagalingan ang atin glakas sa tunay at lubos na pagasa na magtagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng bayan tinubuan.

Katapusang Hibik Ng Pilipinas

Sumikat na Ina sa sinisilangan


ang araw ng poot ng Katagalugan,
tatlong daang taong aming iningatan
sa dagat ng dusa ng karalitaan.
Walang isinuhay kaming iyong anak
sa bagyong masasal ng dalita't hirap;
iisa ang puso nitong Pilipinas
at ikaw ay di na Ina naming lahat.
Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis...
ang layaw ng anak: dalita't pasakit;
pag nagpatirapang sa iyo'y humibik,
lunas na gamot mo ay kasakit-sakit.
Gapusing mahigpit ang mga Tagalog,
hinain sa sikad, kulata at suntok,
makinahi't biting parang isang hayop;
ito baga, Ina, ang iyong pag-irog?
Ipabilanggo mo't sa dagat itapon;
barilin, lasunin, nang kami'y malipol.
Sa aming Tagalog, ito baga'y hatol
Inang mahabagin, sa lahat ng kampon?
Aming tinitiis hanggang sa mamatay;
bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan,
kaya kung ihulog sa mga libingan,
linsad na ang buto't lumuray ang laman.

Wala nang namamana itong Pilipinas


na layaw sa Ina kundi pawang hirap;
tiis ay pasulong, patente'y nagkalat,
rekargo't impuwesto'y nagsala-salabat.
Sarisaring silo sa ami'y inisip,
kasabay ng utos na tuparing pilit,
may sa alumbrado---kaya kaming tikis,
kahit isang ilaw ay walang masilip.
Ang lupa at buhay na tinatahanan,
bukid at tubigang kalawak-lawakan,
at gayon din pati ng mga halaman,
sa paring Kastila ay binubuwisan.
Bukod pa sa rito'y ang mga iba pa,
huwag nang saysayin, O Inang Espanya,
sunod kaming lahat hanggang may hininga,
Tagalog di'y siyang minamasama pa.
Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban,
kami'y di na iyo saan man humanggan,
ihanda mo, Ina, ang paglilibingan
sa mawawakawak na maraming bangkay.
Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog
ang barila't kanyong katulad ay kulog,
ang sigwang masasal sa dugong aagos
ng kanilang bala na magpapamook.
Di na kailangan sa iyo ng awa
ng mga Tagalog, O Inang kuhila,
paraiso namin ang kami'y mapuksa,
langit mo naman ang kami'y madusta.
Paalam na Ina, itong Pilipinas,
paalam na Ina, itong nasa hirap,
paalam, paalam, Inang walang habag,
paalam na ngayon, katapusang tawag.

Apolinario Mabini
EL VERDADERO DECLOGO
PRIMERO. Ama a Dios y a tu honor sobre todas las cosas: a Dios, como
fuente de toda verdad, de toda justicia y de toda actividad; el honor,
nico poder que te obligar a ser veraz, justo y trabajador.
SEGUNDO. Adora a Dios en la forma que tu conciencia estime ms recta
y digna, porque en tu conciencia; que reprueba tus actos malos y
aplaude los buenos, habla tu Dios.
TERCERO. Cultiva las aptitudes especiales que Dios te ha dado,
trabajando y estudiando en la medida de tus fuerzas, sin separarte
jams del camino del bien y de la justicia, para procurar tu propia
perfeccin y por este medio contribuir al progreso de la humanidad: as
realizars la misin que el mismo Dios te ha sealado en esta vida, y
realizndola tendrs honor, y tenindola glorificars a tu Dios.
CUARTO. Ama a tu Patria despus de Dios y de tu honor y ms que a ti
mismo, pues ella es el nico paraso que Dios te ha dado en esta vida; el
nico patrimonio de tu raza, la nica herencia de tus antepasados; y el
nico porvenir de tu descendencia: por ella tienes vida, amor e intereses;
felicidad, honor y Dios.
QUINTO. Procura la felicidad de tu Patria antes que la tuya propia,
haciendo de ella el reinado de la razn, de la justicia y del trabajo; pues
si ella es feliz, felices tambin habis de ser tu y tu familia.
SEXTO. Procura la independencia de tu Patria, porque t slo puedes
tener verdadero inters por su engrandecimiento y dignificacin, como
que
su
independencia
constituye
tu
propia
libertad;
su
engrandecimiento, tu perfeccin, y su dignificacin, tu propia gloria e
inmortalidad.
SPTIMO. No reconozcas en tu Patria la autoridad de ninguna persona
que no haya sido elegida por ti y por tus compatriotas, porque toda
autoridad emana de Dios, y como Dios habla en la conciencia de cada

individuo, la persona que designen y proclamen las conciencias


individuales de todo un pueblo, es la nica que puede ostentar la
verdadera autoridad.
OCTAVO. Procura para tu pueblo la Repblica y jams la Monarqua:
sta ennoblece una o varias familias y funda una dinasta; aquella
constituye un pueblo noble y digno por la razn, grande por la libertad y
prspero y brillante por el trabajo.
NOVENO. Ama a tu prjimo como a ti mismo, porque, Dios le ha
impuesto a l, como tarnbin a ti la obligacin de ayudarte y no hacerte
lo que 1 no quiere que t le hagas; pero si tu prjimo, faltando a ese
sagrado deber, atenta contra tu vida, tu libertad y tus intereses, entonces
debes destruirle y aniquilarle, porque prevalecer la suprema ley de la
propia conservacin.
DCIMO. Mirars siempre a tu compatriota algo ms que a tu prjimo:
vers en l al amigo, al hermano y cuando menos al cornpaero con
quien ests ligado por una sola suerte, por las mismas alegras y
tristezas, y por iguales aspiraciones e intereses.
Por eso, mientras subsisten las fronteras de las naciones levantadas y
conservadas por el egosmo de raza y de familia, a 1 slo debes unirte
en una perfecta solidaridad de miras e intereses, al objeto de tener
fuerza, no slo para combatir al. enemigo comn, sino tambin para
realizar todos los fines de la vida humana.
Ang tunay na Sampung Utos
Una Ibigin mo ang Diyos at ang iyong karangalan ng higit sa
lahat ng bagay: Ang Diyos ay batis ng lahat ng katotohanan, ng lahat ng
katarungan, at ang lahat ng gawain; at ang karangalan moy siyang
tanging kapangyarihang mag-uutos sa iyo na ikaw ay maging matapat,
mabait, at masipag.
Ikalawa Sambahin mo ang Diyos sa paraang minamabuti at
minamarapat ng iyong budhi: sapagakat sa iyong budhi, na humahatol
sa masama mong gawa at pumupuri sa mabuti ay nakakausap mo ang
Diyos.

Ikatlo Linangin mo ang mga sadyang katangiang kaloob ng


Diyos, sa paggawa at pag-aaral ayon sa iyong kakayahan, na di lumalayo
sa landas ng kagallingan at katarungan upang matamo ang sariling
kadalisayang ikatutupad mo sa tungkuling ipinataw sa iyo ng Diyos sa
buhay na ito, at sa ganitoy ikaw ay pararangalan, at sa dangal mong
itoy luluwalhati ang Diyos mo.
Ikaapat Ibigin mo ang iyong baying sunod sa Diyos at sa iyong
karangalan at mahigit sa iyong sarili: pagkat ang bayan moy siyang
tanging Paraisong kaloob ng Diyos sa iyo sa buhay na ito, ang tanging
lupang tinubuan ng iyong lahi, ang tanging pamana ng iyong mga
ninuno, at ang tanging pag-asa ng iyong kinabukasan; dahil sa bayan
mo, ikaw ay may buhay, pag-ibig, kapakanan, ligaya, karangalan, at
Diyos.
Ikalima Pagsumikapan mo ang kaligayahan ng iyong bayan una
kaysa sarili mo, na gagawin mo siyang maging kaharian ng katwiran, ng
katarungan, at ng paggawa; pagkat kung ang bayan moy maligaya, ikaw
at sampo ng iyong pamilya ay magiging maligaya rin.
Ikaanim Pagsumikapan mo ang kasarinlan ng iyong bayan:
pagkat ikaw lamang ang maaaring magkaroon ng tunay na adhika sa
kaniyang ikauunlad at ikatatayog, sapagkat ang kaniyang kasarinlan ay
siyang magbibigay ng iyong kalayaan; ang kaniyang kaunlaran ay siyang
panggagalingan ng iyong kagalingan; at ang kaniyang katayuan ay siyang
pagkukunan ng sarili mong luwalhati at pagkawalang kamatayan.
Ikapito
Huwag mong kilalanin sa iyong bayan ang
kapangyarihan ninumang hindi inihalal mo at ng iyong kababayan:
sapagkat ang kapangyarihan ay galling sa Diyos, at dahil sa ang Diyos ay
nagsasalita sa pamamagitan ng budhi ng bawat tao, ang sino mang
hinirang at inihayag ng budhi ng kabuuan ng mga tao ay siyang tanging
maaaring gumamit ng tunay na kapangyarihan.
Ikawalo Pagsumikapan mong makapagtatag ng isang Republika
at kailanmay hindi ng isang kaharian para sa iyong bayan: sapagkat ang
huliy nagpapatayog sa isa o iilang pamilya lamang at may paghaharing
manahan, ang unay nakapagpaparangal at nagpapaging marapat sa
isang lahi sa pamamagitan ng katwiran, nakapagpapadakila sa
pamamagitan ng kalayaan, at nakapagpapasagana at ningning sa
pamamagitan ng paggawa.

Ikasiyam Mahalin mo ang kapuwa tao gaya ng pagmamahal sa


sarili mo: sapagkat ikinatang ng Diyos sa kaniya at sa iyo rin ang
tungkuling ikaw ay tulungan at huwag gawin sa iyo ang hindi niya nais
na gawin mo sa kaniya; ngunit kung ang kapuwa mo, an di makatupad
sa ganitong tungkulin, ay maghangad ng laban sa iyong buhay, kalayaan,
sa gayoy sa ilalim ng batas ng pagtatanggol sa sarili ay igugupo mo siyat
lilipulin.
Ikasampu Itatangi mo ang iyong kababayan higit sa kapuwa mo;
ipalalagay mo siyang kaibigan, kapatid, o kasamang kaugnay mo sa
iisang kapalaran, kasukob sa ligaya at lungkot at sa magkakatulad na
hangarin at kapakanan.
Emilio Jacinto
Kartilya ng Katipunan
Kartilya

1. Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na


kadahilanan

ay

kahoy

na

walang

lilim,

kundi

damong

makamandag.

2. Ang gawang magaling na nagbuhat sa paghahambog o pagpipita sa


sarili, at hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di
kabaitan.

3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig


sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap sa
talagang Katuwiran.

4. Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y

magkakapantay; mangyayaring ang isa'y hihigtan sa dunong, sa


yaman, sa ganda...; ngunit di mahihigtan sa pagkatao.

5. Ang may mataas na kalooban, inuuna ang puri kaysa pagpipita sa


sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili
kaysa sa puri.

6. Sa taong may hiya, salita'y panunumba.

7. Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y


mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan ay di na muli
pang magdadaan.

8. Ipagtanggol mo ang inaapi; kabakahin ang umaapi.

9. Ang mga taong matalino'y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin;


matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.

10. Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa


at

mga

anak;

kung

ang

umaakay

ay

tungo

sa

sama,

ang

pagtutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.

11. Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan


lamang, kundi isang katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong
buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang kahinaan,
at

alalahanin

kasanggulan.

ang

inang

pinagbuharan

at

nag-iwi

sa

iyong

12. Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag


mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.

Mga Aral ng Katipunan sa Kartilya

1. Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na


kadahilanan ay kahoy (puno) na walang lilim, kundi (man) damong
makamandag.

2. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa paghahambog o papipita


sa sarili (paghahangad na makasarili), at hindi talagang nasang
gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.

3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig


sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap sa
talagang Katuwiran.

4. Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y


magkakapantay; mangyayaring ang isa'y hihigitan sa dunong, sa
yaman, sa ganda; ngunit di mahihigitan sa pagkatao.

5. Ang may mataas na kalooban, inuuna ang (dangal o) puri kaysa


pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang
pagpipita sa sarili sa puri.

6. Sa taong may hiya, salita'y panunumpa.

7. Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y


mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan nay di na muli
pang magdadaan.

8. Ipagtanggol mo ang inaapi;kabakahin (labanan) ang umaapi.

9.

Ang

taong

matalino'y

ang

may

pag-iingat

sa

bawat

sasabihin;matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.

10. Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa


at mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, patutunguhan ng
inaakay ay kasamaan din. (Ang simula nito ay obserbasyon sa
ugnayan ng babae at lalaki sa panahon ng Katipunan; para sa
kasalukuyan, iminumungkahing ipalit ang sumusunod: "Sa daang
matinik ng buhay, ang mga magulang ang patnugot ng mag-anak;
kung ang umaakay ay tungo sa sama, and patutunguhan ng inaakay
ay kasamaan din.)

11. Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan


lamang, kundi isnag katuwang at karamay (ng lalaki) sa mga
kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang
kanyang (pisikal na) kahinaan, alalahanin ang inang pinagbuhatan at
nag-iwi sa iyong kasanggulan.

12. Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag


mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.

13. Ang kamahalan ng tao'y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng


ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Diyos, wala

sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa: wagas at tunay na mahal


na tao, kahit laking gubat at walang nababatid kundi sariling wika,
yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at
puri, yaong di nagpaaapi't di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.

14. Paglaganap ng mga aral na ito, at maningning na sisikat ang araw


ng mahal na kalayaan dito sa kaaba-abang Sangkapuluan at
sabungan

ng

matamis

niyang

liwanag

ang

nangagkaisang

magkakalahi't magkakapatid, ng liwanag ng walang katapusan, ang


mga ginugol na buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa'y labis nang
matutumbasan.

LIWANAG AT DILIM

ANG NINGNING AT ANG LIWANAG


Ang ningning at liwanag ay nakasisira ng paningin.
Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang
buong katunayan ng mga bagay-bagay.
Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay
nagniningning;

ngunit

sumusugat

dumampot.
Ang ningning ay maraya.

sa

kamay

ng

nagaganyak

na

Ating hanapin ang liwanag, tayoy huwag mabigham sa ningning.


Sa katunayan ng masamang naugalian. Nagdaraan ang isang karwaheng
maningning na hinihila ng kabayong matulin? Tayoy magpupugay at ang
isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapway marahil naman
isang magnanakaw; marahil sa ilalim ng kanyang ipinatatanghal na
kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang isang pusong
sukaban.
Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghirap sa pinapasan?
Tayoy mapapangiti at isasaloob: Saan kaya ninakaw? Datapway
maliwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng
kanyang katawan na siyay nabubuhay sa sipag at kapagalang tunay.
Ay! Sa ating pang-uga-ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa
ningning at pagtakwil sa liwanag.
Ito na nga ang dahilang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga
nayan ay namumuhay sa hinagpis at dalita.
Ito na nga ang dahilan na kung kaya ang mga loob na inaakay ng
kapalaluan

at

ng

kasakiman

maningning,lalong-lalo

na

ang

ay

nagpupumilit

mga

hari

at

na

lumitaw

na

mga

Pinuno

na

pinagkakatiwalaan ng sa ikagiginhawa ng kanilang mga kampon, at


walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihang sukdang
ikanais at ikamatay ng Bayan na nagbigay sa kanila ng kapangyarihang
ito.
Tayoy mapagsampalataya sa ningning; huwag nating pagtakhan
na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat ay magbalatkayo ng
maningning.
Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahinain ng puspos na
galang ay ang maliwanag at magandang asal at matapat na loob, ang
kahit sino ay walang magpapaningning pagkat di natin pahahalagahan,
at ang mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag
na banal na landas na katwiran.

Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap ng ningning


upang huwag magpamalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang
kapangitan; ngunit ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad,
mahinhin, at maliwanag na napapatanaw sa paningin.
Ang

lumipas

na

pinapanginoon

ng

Tagalog

ay

labis

na

nagpapatunay ng katotohanan nito.


Mapalad ang araw ng liwanag!
Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na
kumuhang halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang
mga kaapihan?

KALAYAAN

Ang kalayaan ng tao ay ang katwirang tinataglay na talaga ng


pagkatao na umisip at gumawa ng anumang ibigin kung itoy di
nalalaban sa katwiran ng iba.
Ayon sa wastong bait, ang katwirang ito ay siyang ikinaiba ng tao
sa lahat ng nilalang. Ang hayop ay sinusupil at nilulubiran sapagkat di
nakatatanto ng matwid at di matwid, di nakaaabot ng dakila at
magandang gawa. Liban sa tao lamang ang makapagsasabi ng ibig kot di
ko ibig kayat ayon sa bagay na kanyang inibig o di inibig siyay magiging
dapat sa tawag na mabuti o masama, sa parusa o sa palo.
Kung

sa

taoy

wala

ang

kalayaan

ay

dili

mangyayaring

makatalastas ng puri, ng katwiran, ng kagalingan, at ang pangalang


taoy di rin nababagay sa kanya.
Ay! Kung sa mga Bayan ay sukat nang sumupil ang kulungan, ang
panggapos, at ang panghampas katulad din ng hayop ay dahil sa ang

mga A.N.B. ay di tao, pagkat ang katwiran ng pagkatao ay namamatay


na sa kanilang puso.
Kung sa santinakpan ay walang lakas, walang dunong na
makakakayang bumago ng ating pagkatao, ay wala rin namang
makapakikialam sa ating kalayaan.
Ang Kalayaan ay biyaya ng langit at hindi ng dilang kagalingan at
magandang asal.
Bakit nga, bakit natin ipagkakaloob sa kapangyarihan ng lupa ang
ipinagkaloob sa atin ng kapangyarihan ng langit?
Gayunman, ang karamihan ng mga Bayan ay lagi nang humihila
ng tanikalang mabigat ng kaalipinan. Ang kakapalan ng taoy iniinis ng
iilang panginoong itinatanggi.
Ang Anak ng Bayan ay lagi nang inaagawan ng bunga ng
kapaguran

niyang

sarili

upang

mamalagi

at

madagdagan

ang

kapangyarihan at bagsik ng Namamahala at Pamahalaan (Gobyerno) na


dahil sa pagkaliyo sa mabangong suob ng mapagpuring kaakbay ay
nakalilimot tuloy na ang kanilang buong lakas, kalakhan, at kataasang
ipinatatanghal ay galing na lahat sa mga kampong inaalipin at ibinabaon
sa dalita.
Madalas namang mangyari na ang Kalayaan ay sinasakal ng mali
at bulag na pagsampalataya, ng mga laon at masasamang ugali, at ng
mga kautusang udyok ng mga akalang palamara.
Kung kaya may katwiran ay dahil may kalayaan.
Ang Kalayaan nga ay siyang pinakahaligi, at sinumang mangapos
na sumira at pumuwing ng haligi at upang maigiba ang kabahayan ay
dapat na pugnawin at kinakailangang lipulin.

Kung ang Kalayaan ay wala, dili mangyayari ang ganito: Na ang


taoy bumuti sapagkat ang anumang gagawin ay di magbubuhat sa
kanyang pagkukusa.
Maraming hayop, lalo na sa ibon, ang namamatay kung kulungin
dahil sa pagdaramdam ng pagkawala ng kanilang Kalayaan. Diyatat
ikaw na itinanging may bait sa Sandaigdigan ay daig pa ng hayop?
Ang salitang Kalayaan ay nakapaninibago sa tainga at marami pa
sa aking mga kababayan ang di nakaabot ng tunay na kahulugan.
Kung ang Kalayaan ay wala, ang kamatayan ay makalibo pang
matamis kaysa kabuhayan.
Ang umiibig at nagpapakamatay sa dakilang kadahilanan ng
Kalayaan ay umiibig at nagpapakamatay sa kadahilanan ng Maykapal,
ang punot mula ng katwiran na dili maaaring magkaroon kung ang
Kalayaan ay wala.
Bakit ang Tagalog ay kulang-kulang na apat na raang taong
namuhay sa kaalipinan na pinagtipunang kusa ng lahat ng pag-ayop,
pagdusta, at pag-api ng kasakiman at katampalasan ng Kastila?
Dahil

kanyang

itinakwil

at

pinayurakan

ang

Kalayaang

ipinagkaloob ng Maykapal upang mabuhay sa kaginhawaan; at dahil dito


ngay nawala sa mga mata ang ilaw at lumayo sa puso ang kapatak mang
ligaya.
ANG TAOY MAGKAKAPANTAY
Ang lahat ng taoy magkakapantay sapagkat iisa ang pagkatao ng
lahat.
Anung ganda, anung liwanag ng katotohanan ito!
Sino kaya ang pangahas na makapagsasabing higit ang kanyang
pagkatao at tangisa pagkatao ng kanyang mga kapwa?

Datapwat sa lahat ng sulok ng lupa ay naghari at nagkaroon ng


mga pangahas na ito, kaya ngat lumabo ang gandat liwanag ng dakilang
katotohanan, at ang kaguluhan, ang luha, ang dugo, ang kasukaban,
ang kadiliman ay lumaganap sa Sansinukuban.
Kayong lahat ay magkakapantay, kayong lahat ay magkakapatid,
sinabi bi Kristo. Ngunit ang nagpapanggap na mga kahalili Niya, alagad
at pinakahaligi ng Kanyang mga aral ay siyang kauna-unahang
napakilalang natatangi sa madla; at ang bulag na taoy naniwala sa
kanila, dahil sa matinding pagsampalataya na sumusunod nga sa aral ni
Kristo.
Ang taoy magkakapantay, sinabi ng mga amang maiirugin ng
Sangkatauhan; at ang sabing itoy tumalab hanggang sa kaibuturan ng
puso. Ang ulong may putong na korona ni Luis XVI ay nalaglag;
maraming setro ang nanginig sa kamay at umuga ang luklukan ng mga
hari; sampu ng mga marangyang kahalili at alagad ni Kristo ay
kinasuklaman at inilagan na katulad din ng pag-ilang sa ulupong.
Ang lahat ng taoy magkakapantay sapagkat iisa ang pagkatao ng
lahat. Itoy siyang katotohanang tunay; ito ang itinatag ng katalagahan
ng lumalang ng lahat; ito ang ilaw ng pag-asa na matatapos din ang
pagkainis at titigil din sa mata ng tao ang pagdaloy ng luha.
Kung itinititig ang mga mata ko sa kahambal-hambal na kaanyuan
ng mga Byan, ay! Di ko mapigilan na maniig sa puso ang matinding
kalungkutan. Kung minsan ang katotohanang ito ay niyuyurakan ng
kaliluhan sa tulong ng tingga ng baril at ng tanikala ng bilangguan,
dahil sa di pagkakaisa at karuwagan ng mga Bayan. Kung minsan
naman ang kaliluhan ay nagdadamit mahal at ang mga hamak niyang
kaakbay ay di kinukulang ng maririkit na katwirang ipinapatay sa
ginagawang mga paglapastangan sa matwid at sa pagkakapantay ng tao,
na tinatanggap naman ng Bayan dahil sa kanyang kabulagan.
Datapwat ang katotohanan ay walang katapusan; ang matwid ay
hindi nababago sapagkat kung totoo na ang ilaw ay nagpapaliwanag,

magpahanggang kailanman ay magpapaliwanag. Kung may matwid ako


na mag-ari ng tunay na sa akin, kapag akoy di nakapg-ari ay di na
matwid.
Kaya ngat may panahon din na dapat antayin na ang sigaw ng
katotohanan ay sasapit sa mga isip na kinakalong ng kadiliman, at ang
matwid ng pagkakapantay-pantay ng tao ay yayakaping tunay ng mga
pusong nahihimbing sa kalikuan.
Huwag umasa na ang araw na ito ay katumbas din ng di
paniniwala sa pagka-Diyos ng Diyos. O ikaw na pinopoon sa kataasan, di
mo baga talos na ang dinaramdam ng mababa kung iyong inaapi ay siya
mo ring daramdamin kung itoy sa iyo gawin?
Ikaw na mayaman: Di mo ba naaabot na ang hapdi ng loob mo
kung aalisan ka ng iyong mga kayamanan ay siya ring hapdi ng loob ng
mahirap kung inaagawan ng kapos na upa ng kanyang mga kapalagan?
Kayong malalaki, na umaasa sa kamahalan ng inyong dugo at sa
katwirang taglay ng inyong kalakhan na sumakop at lumapastangan sa
inyong mga kapwa, sandaling bukahin ang mapagmarunong na pag-iisip
sa mga halimbawang sinabi at makikilala ninyong lubos na ang lahat ng
tao ay tunay ngang magkakapantay.
Datapwat huwag akalain ng sino pa man na ang pagkakapantay
ng tao ay nalalaban sa kataasang kinakailangan ng mga pinunong dapat
na mamahala ng Bayan. Hindi nga nalalaban, sapagkat ang kanilang
kataasan ay nabubuhat sa Bayang kumikilala sa kanila. Ngunit ang
sarili nilang pagkatao ay kapantay din ng pagkatao ng lahat.
At dahil ang tao ay tunay na magkakapantay at walang
makapagsasabing siyay lalong tao sa kanyang kapwa, ang sino pa man
nga na sa sarili niya lamang at sa tulong ng iilang mapagmapuri ay
lumukloksa

kataasan

ng

kapangyarihan

at

mangangahas

na

magpakilalang unat mataas sa lahat, itoy isang sukab na loob na ibig


maging panginoon na nagsasabi ng katwiran ngunit umuuyam sa

matwid, na nagsasabi ng kaginhawaan ngunit umiinis at nagpapadalita.


Sa walang likat na pagpupuri ng kanyang mga lilong katulong at
kaakbay, namamahay tuloy sa paniniwala na siyay tunay ngang hinirang
ng langit na maging panginoon at kanyang magagawa ang balang nasain
ng kanyang pagkapanginoon. Ang kanyang mga hamak na Galamay ay
katulad ng aso na napasusupil sa kanya upang makasupil sa iba na
katulad ng halimaw at magkasalo sila sa pag-inom ng dugo ng Bayan.
Inyong masdan ang kinasasapitang kahambal-hambal kung ang
pagkakapantay-pantay ng taoy ibinabaon sa dilim ng limot at siphayo.
Kung iginagalang ang hangin ng kapalaluan, ang bula ng
kayamanan ay lalong dapat na igalang ang magbubukid na nabababad
sa ulan at nabibilad sa araw upang mabuhay ang lahat ng bunga ng
kanyang pinagpaguran!
ANG PAG-IBIG
Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala ngang mahal at
dakila na gaya ng pag-ibig.
Ang katwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan,
ang Maykapal, ang kapwa tao ay siya lamang na mangyayaring maging
sanhi ng pag-ibig, siya lamang na mangyayaring maging sanhi ng pagibig, siya lamang makapagpapabukal sa loob ng tunay at banal na pagibig. Kung ang masama at di matwid ay ninasa rin ng loob ay hindi ang
pag-ibig ang may udyok kundi ang kapalaluan at ang kayamuan.
Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga Bayan ay dili magtatagal, at
kapagkarakang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkaka-pisan
at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahon ng kahoy
na niluoy ng init at tinangay ng hanging mabilis.
Ang pag-big, wala na kundi ang pag-ibig, ang makaaakay sa tao sa
mga darakilang gawa sukdang ikawala ng buhay sampung kaginhawaan.

Ngunit ang kadayaan at katampalasan ay nag-aanyong pag-ibig


din kung minsan, at kung magkagayon na ay libo-libong mararawal na
pakikinabang ang nakakapalit ng kapatak na pagkakawanggawa, na
nagiging tabing pa mandin ng kalupitan at masakim na pag-iimbot. Sa
aba ng mga bulag na isip na nahaharuyo sa ganitong pag-ibig!
Ang pag-ibig, wala na kundi ang pag-ibig, ang taning binabalungan ng matatamis na alaala ng nagdaan na at ng pag-asa naman
sa darating. Sa malawak na dagat ng ating mga kahirapan at kadustaan,
ang pag-ibig ay siyang nagiging dahil lamang kung kaya natin
minamahal pa ang buhay.
Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang
magbabatang mag-iiwi ng kasanggulan? At mabubuhay kaya naman ang
mga anak sa sarili nila lamang? Kung ang anak kaya naman ay walang
pag-ibig sa magulang, sino ang magiging alalay at tungkod ng
katandaan? Ang kamatayan ay lalong matamis pa sa buhay ng matanda
na nangangatal ang tuhod at nanlalabo ang mga pagod na mata ay
walang malingapang makapag-aakay at makaaliw sa kanyang kahinaan.
Ang pagkaawa sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing
kapalaran hanggang sa tayoy mahikayat na silay bahaginan ng ating
kamuntik na kaluwagan; ang pagtatangkakal sa naaapi hanggang sa
damayan ng panganib at buhay; ang pagkakawanggawa na lahat kung
tunay na umusbong sa puso alin ang pinagbuhatan kundi ang pagibig?
Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kundi ang tunay na
ligaya at kaginhawahan. Kailan pa mat sapin-sapin ang dagan ng
pinapasan ng Bayang lipos sa kadukhaan at lungkot ay dahil ang tunay
na pag-ibig ay di siyang naghahari kundi ang taksil na pita sa yamat
bulaang karangalan.
Sa aba ng mga Bayang hindi pinamamahayan ng wagas at
matinding pag-ibig!

Sa

pag-ibig

nunukal

ang

kinakailangan

pagdadamayan

at

pagkakaisang nagbibigay ng di-maulatang lakas, maging sa pagaabuluyan at pagtutulungan ng isat isa, maging sa pagsasanggalang ng
mga banal na matwid ng kalahatan.
Sa aba ng mga Bayang hindi pinamamahayan ng pag-ibig at
binubulag ng hamak na pagsasarili! Ang masasama ay walang ibang
ninanasa kundi ang ganitong kalagayan, at inuulalan pat pinapasukan
ng mga pagkakaalit, kaguluhan, pagtataniman, at pagpapatayan,
sapagkat kinakailangan ng kanilang kasamaan na ang Anak ng Bayan ay
magkabukod-bukod upang kung mahina nat dukha sa mga pag-iiringan
ay makapagpasasa sila sa kanyang kahinaan at kadukhaan.
O, sino ang makapagsasaysay ng mga himalang gawa ng pag-ibig?
Ang pagkakaisa na siya niyang kauna-unahang nagiging bunga ay
siyang lakas at kabuhayan; at kung at kung nagkakaisa nat nag-iibigan,
ang lalong malalaking hirap ay magaang pasanin at ang munting ligayay
nilalasap na malaki. Kung bakit nangyayari ang ganito ay di matatalos
ng mga pusong hindi nagdadamdam ng tunay na pag-ibig sa kapwa.
At upang mapagkilalang magaling na ang pag-ibig ay siya ngang
susi at mutya ng kapayapaan at ligaya, ikaw na bumabasa nitong
magugulong talata: Mapagnanakawan mo kaya, mapagdadayaan o
matatampalasan ang iyong inat mga kapatid? Hindi nga, sapagkat silay
iyong iniibig, at bagkus pang dadamayan ng dugo at sampu ng buhay
kung silay makikitang inaapi ng iba.
Gayon

din

naman

kung

ang

lahat

ay

mag-iibigan

at

magpapalagayang tunay na magkakapatid. Mawawala ang mga pagaapihan, ang lahat ng nagbibigay ng madlang pasakit at di-mabatang
mga kapaitan.
Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na
pagsasarili ang magagandang akala. Ang mga tapat na nais at ang
tinatawag na marunong ay ang mabuting magparaan upang magtamasa

sa dagta ng iba; at ang tinatawag na hangal ay ang marunong dumamay


sa kapighatian at pagkaapi ng kanyang mga kapatid.
Maling mga isip at ligaw na loob ang nananambitan. Hinggil sa
mga hirap ng tao na inaakalang walang katapusan! Sukat ang mamahay
at manariwang muli sa mga puso ang wagas na pag-ibig sa kapwa at ang
tinatawag na bayan ng hinagpis ay matutulad sa tunay na paraiso.
ANG BAYAN AT ANG MGA (GOBYERNO) PINUNO
Ngayong bumanag na sa langit na ating sinisilangan ang liwayway
ng Kalayaan, at ang landas ng tunay na ligaya ay siyang naging panatang
lalakaran, hanggang sa masapit ang hangganan ng nais, ngayon nga
dapat na tantuin ng Anak ng Bayan ang maraming bagay na di maaaring
kanyang natanto sa kapanahunang inaalipin ng Kastila.
Ang mga bagay na ito ay kinakailangang maalaman, pagkat siyang
bulaklak kung baga sa bunga, ang hangin kung baga sa layag, at dahil
sa nagtuturo na kung ano ang Bayan at kung ano ang Gobyerno upang
maging tunay at manatili sa isat isa ang bigat na dapat taglayin sa
timbangan ng katwiran.
Kailan pa mat dili ito ang siyang mangyayari ay nalilihis ng daan,
at ang lalong magagandang nasa at akala ay pangarap na mistula, at ang
maririkit na talumpatit pangungusap ay marayang hibo.
O, Anak ng Bayan! Dili-dilihin mong palagi ang iyong pinu-hunang
duho at mga kahirapan, ang iniubos mong lakas at pagpupumilit na ang
purit katwirang nakalugmok ay mapabangon sa panibagong buhay.
Iyong dili-dilihin, at ikaw ay manghihinayang, kung muling maagaw ang
iyong mga matwid sa kanylagan mot kahinaan ng loob.
Huwag

mong

kalimutan

na

ang

bagong

pamumuhay

ay

nangangailangan ng bagong ugali.


At sino ang makapagsasabi? Maaaring mamahala ang mga hangal
at lilong Pinuno, na mag-akala ng sa sarili bago ng sa iyo, at salawin ka

sa ningning ng kanilang kataasan at mga piling pangungusap na


nakalalamuyot.

Kinakailangan

ngang

matalastas

mot

mabuksang

tuluyan ang iyong pag-iisip, nang makilala mo ang masama at mabuting


Pinuno,

at

nang

huwag

masayang

ang

di-masukat

mong

mga

pinuhunan.
Ang bayan na ditoy sinasabi ko ay hindi ang kapisanan ng mga
taong nananahan sa gayong lugar, kundi ang katipunan ng lahat ng
Tagalog; ng lahat na tumubo sa Sangkapuluan.
Dapwat ang alinmang katipunan at pagkakaisa ay nangangailangan ng isang pinakaulo, ng isang kapangyarihang una sa lahat na
sukat makapagbigay ng magandang ayos, makapagpanatili ng tunay na
pagkakaisa at makapag-akay sa hangganang ninais, katulad ng
sasakyang itinutugpa ng bihasang piloto, na kung itoy mawala ay
nanganganib na maligaw at abutin ng kakila-kilabot na kamatayan sa
laot ng dagat, na di makaaasang makaduduong sa pampang ng maligaya
at payapang kabuhayang hinahanap.
Ang pinakaulong ito ay siyang tinatawag ng Pamahalaan o
Gobyerno at ang gaganap ng kapangyarihan ay pinangangalanang mga
Pinuno ng Bayan.
Ang kadahilanan nga ng mga Pinuno ay ang Bayan, at ang
kagalingan at kaginhawaan nito ay siyang tanging dapat tunguhin ng
lahat nilang gawa at kautusan.
Ano pa mang mangyayari, ang mga Pinuno ay siyang mananagot.
Tungkol nila ang umakay sa Bayan sa ikagiginhawa. Kailan pa mat
maghirap at maligaw ay kasalanan nila.
At kung ang nagkakasala sa isang tao ay pinarusahan, ano kaya
ang nararapat sa nagkakasala sa Bayan, sa yutat yutang mga kapwa?
Sakalit ang pagkaligaw ay dahil di nababatid ang daan, anot hindi
pinabayaang mag-akay ang isang nakaaalam?

Lisanin na natin ang pag-uugaling dinadala ang dating paniniwala na ang mga Pinuno ay panginoon ng Bayan at magaling ang
kaginhawahan ng lahat ay siya nilang tungkol upang huwag nilang
makalimutan.
Akoy naniniwala at lubos kong pinananaligan na ang kaluwagan
ng alinmang Bayan ay sa kanya din dapat na hanapin. Ang Bayang
nakakikilala at umiibig sa matwid, na inaakay ng kabaitan at mahal ang
kaasalan, ay di pababahala sa kangino pa mang panginoon, di paiilalim
sa kapangyarihan ng lakas at daya. Di aalalay sa palalot masibang
kaliluhan na maghari sa taluktok ng kataasan.
Kaya ngat dahil sa itoy siya kong pinaniniwalaan ay siya ko
namang ipinaliliwanag sa Anak ng Bayan, pagkat sa paraang ito lamang
makakalimutan nat di na masasabi kailanman sa atin ang sumusunod
na mga titulo ni Baltazar:
Kaliluhat sama ang uloy nagtayo at ang kabaitan kimit
nakayuko.
Nakita na nga natin na ang lahat ay magkakapantay; at ang
kataasan ng mga pinuno ay di tinataglay ng sarili nilang pagkatao
pagkat silay kapantay din ng lahat.
Kaya ngat ang alinmang kapangyarihan upang maging tunay at
matwid ay sa Bayan lamang at sa kanyang mga tunay na Pinakakatawan dapat na manggaling.
Sa madaling salita, di dapat nating kilalanin ang pagkatao ng mga
Pinuno na mataas kaysa madla. Ang pagsunod at pagkilala sa kanila ay
dahil sa kapangyarihang ipinagkaloob ng Bayan, suma-katwid, ang
kabuuan ng mga kapangyarihan ng bawat isa.
Sa bagay na ito, ang sumusunod sa mga pinunong inilagay ng
Bayan ay dito sumusunod, at sa paraang itoy nakikipag-isa sa

kalahatan. At ang pakikipag-isang ito ay siyang daang tangi ng


kaasyusang kinakailangan ng kabuhayan ng Bayan.
Itoy siyang paraan lamang upang ang malupit at marayang
kaliluhan na ngayoy lumagpak na ay huwag na muling magbangon at
magdamit-bayani o tagapagtanggol kaya ng Bayan at kalayaan. Na kung
magkaganito may kanyang ililihis ang katwiran, iinisin ang Bayan at
sasakalin ang kalayaan sa dahilang hango din kunwari sa tatlong bagay
na ito at kawili-wiling dinggin.
Wala na ngang makapangangalaga sa sarili na gaya ng tunay na
may katawan. Gayundin naman ang Bayan. Upang huwag magaga,
huwag maapi, kinakailangang magkaloobito na kunilala at tumakwil sa
mga lilong may balatkayo.
Sa katahimikan ng bawat panig ng Bayan at kaalwanan ay hindi
maaaring di pamagitanan ng isang kataas-taasang kapangyarihang
hango sa kabuuan at laan sa laging pagkakaisang binhi ng lakas at
kabuhayan.
Magbuhat nga sa lalong mataas na pinuno hanggang sa kahulihulihang mamamayan ay dapat na gumamit ng lubos na pitagan at
pagtupad sa mga pasiya ng kataas-taasang kapangyarihang ito na
hinahango sa kabuuan at ginaganap sa kaparaanan ng kapisanan ng
mga Pinakakatawan ng Bayan o Kongreso.
Ay! Ngunit ang tunay na nararapat at ang katwiran ay madalas na
guluhin at takpan ng malabis na paghahangad ng karangalan, ng
lampas na pag-iimpok sa sarili, at ng gumigiit na gawing masasama.
Ang kapangyarihan ng mga Pinuno ay dapat na iasa lamang sa
pag-ibig at pagmamahal ng Bayan, na dili mangyayaring makamtan
kundi sa magandat matwid na pagpapasunod.
Anung laking kamalian ng mga pusong maisip na nagpupumilit
magpasikat ng kapangyarihan sa kaparaanan ng lakas ng baril! Mga

pikit na mata! Aayaw kumuhang halimbawa sa mga nangyaring


kakilakilabot sa mga nagdaang panahon!
Wala nang magaang akayin na gaya ng mga loob na tapat;
datapwat wala namang napopoot na gaya nila laban sa di matwid at
mararahas na paraan at sa hamak na pagpapakumbaba.
Lagi nang sinasambit ang katwiran ng mga Pinuno at ang mga
utang na loob sa kanila ng Bayan. Itoy siyang karaniwang nakikita sa
mga Pamahalaan. Datapwat ang Bayan ang siyang may katwiran, pagkat
ang tungkol at matwid ng mga Pinuno ay laan at pawang dapat na isukat
sa kapakinabangan at niloloob ng Bayan. Iilan ang nakatatatanto o ibig
tumanto ng katotohanang ito.
Ang kaginhawahan, wala na kundi ang kaginhawahan ng Bayan,
ang siyang talagang katwiran at kadahilanan, ang simulat katapusan,
ang hulot wakas ng lahat ng katungkulan ng mga tagapamahala.
Ngunit ang kaginhawahang itoy madalas agawin at hatiin kung
ang mga karangalan ay kinakamtan ng mga sukab na mapagmapuri,
kung ang mga pala at katwiran ay ibinibigay sa udyok ng suhol at
pagkapit sa malalaki. Siya nang pagyaman ng masasama at paglitaw ng
mga palalo.
Umasa na ang masasamang itoy bumago at kusang bumuti ay
malaking kamalian. Ang mga itoy katulad ng hunyango na bumabagay
sa kulay ng kahoy na dinadapuan. Ang lunas na kinakailangan upang
huwag mangyari at masunod ang papaganitong kasamaan ay wala kundi
ang pagliliwanag ng isip ng Bayan at ang bagong pag-uugali.
Ang mga kautusan nga, dahil nagbubuhat sa loob ng Bayan, ay
unang dapat na igalang at sundin bago ang mga Pinuno pagkat itoy mga
katiwala lamang ng pagpapatupad ng kautusang ito. Ang dating
masamang ugali na ang pagkahukom ng hukom ay siyang kaunaunahang

binibigyang

halaga

ay

pinanggagalingan

ng

malalaking

kasamaan pagkat napupuwing ang katwiran, at ang mga kautusan.

Dapwat baguhin ang ugali, samakatwid, pahalagahan ang mga


kautusan na una sa lahat, palibhasay bunga ng nais ng kalahatan; at
ang mga hukom, kung ibig na manatili sa pagkahukom ay pilit na
gaganap ng wastong katwiran, at sa aba nila! Kung ang nalalaban dito
ang siyang aakalain.
Wala na kundi ang kaginhawahan ng Bayan ang tunay na sanhi ng
alinmang kapangyarihan sa ibabaw ng lupa. Pagkat ang Bayan ay siyang
lahat: dugo at buhay, yaman at lakas, lahat ay sa Bayan. Ang mga kawal
na naghahandog ng buhay ay sa pagta-tanggol ng buhay ng lahat ay
taganas na Anak ng Bayan.
Ang kayamanan ng Gobyerno ay nanggagaling sa mga Anak ng
Bayan; ang laki at tibay ng kapangyarihan ay sa pagkilalat pagsunod ng
sa Bayan nagbubuhat; at ang tungkol ikinabubuhay ay ibinibigay na
lahat ng Anak nh Bayan na nagpapabunga ng lupa, nag-aalaga ng mga
hayop, at gumagawa ng mga sangkap at gamit na lahat sa kabuhayan.
Sapagkat ang Bayan nga, upang manatili at mabuhay, ay nakita
na nating nangangailangan ng isang pinakaulo o Gobyerno, nauukol din
naman ang magkaloob dito ng mga ambag na kinakailangan, na kung
wala ay hindi maaari, bagamat ang mga buwis o ambag ng Bayan ay sa
tangi at lubos na kapakinabangan ng lahat dapat na gamitin.
ANG MALING PAGSASAMPALATAYA
Sukat na sa mga isip na bihasang magnilay-nilay ang sampalataya
upang malirip na malinaw na ang pinakahaliging ito ng naugaliang
pagsamba ay nalalaban sa kabaitang matalino at gayundin sa talaga ng
Diyos.
Sa katunayan, ang kahulugan ng pagsampalataya ay ang pikit na
paniniwala sa sinasabi ng iba. At ikaw na bumabasa nitong walang ayos
na mga lakad: Di mo baga naaabot na kung ang pagkamulat ay madalas
na maligaw sa landas ng kabuhayan ay di lalo na nga ang nakapikit?

Nalalaban din naman talaga sa Diyos pagkat ang taoy binigyan


niya ng pag-iisip upang magamit ang pagkilala ng totoot di-totoo, ng
matwid at di-matwid, ng mabutit masama. Datapwat dahil sa maling
pagsampalatayat pikit na paniniwala, ang pag-iisip ay pinahihimbing at
di ginagamit sa mga pinaglaanang ito ng Maykapal.
Gayunmay mga ulong pinamamahayan diumano ng karunungang
buhat sa langit ang siyang nagkakalat at umaalalay nitong likong
pagpatay sa lalong mataas na biyaya sa tao na gaya na nga ng pag-iisip.
Ang sanggol, liban na na lamang sa sanggol, ang mababaga-yan ng
paniniwala sa sabi ng iba na wala nang pagdili-dili.
Ito na nga ang isang dahil pa ng mga paghihirap at hinagpis, at
ang Bayang Tagalog, di pa nalalaon at lubos nang nakaramdam ng mga
kasakit-sakit at kasindak-sindak na nasasapit kung ang kamaliang itoy
pinapangangapit sa mga pag-iisip na mapapaniwalain.
Mga hunghang at palamarang alagad ni Kristo, kung tawagin, ay
nangahas na binaluktot ang matuwid at binalot ang lupa sa dilim; at ang
mga pag-iisip ay nangabulag at nalumpo ang mga loob. Ang sapin-sapin
at walang patid na mga alay at ambag sa simbahan ay dinadala ng
maling pagsasampalataya; mga alay at ambag na ipinatu-tungkol sa
langit ngu-nit tinatamasa ng mga lilo sa lupa at nagiging balong walanghangga ng mga kayamanan at kataasang di-magunita.
Kinakailangan pa kayang isaysay ang sarisarit di-mabilang na
mga katampalasanan at madlang upasalat sigalot na ibinubunga ng mga
ugalint ito? Inaakala kong hindi na sapagkat talastas na ng lahat.
At sakali mang may mga matang naalimpungatan pa sa mahabang nagdaang pagkahimbing, at ang kahirapang binata ay ibubu-hat
na lahat sa kasamaan ng nagpapanggap na mga alagad ng Diyos, sukat
na lamang ang masdan ng mga matang iyan at tantuin na ang mga
kasama-an nilay walang nagawang ano pa man kung ang bayan ay
natutong magbulay-bulay at kumilala ng kapalaluat kasakimang

dinamitan ng kabanalan, ng natatagong ulupong na mabangis sa


maamong balatkayo ng kabaitan.
Kung ang sasabihin naman ay dahil sa siyang kinagisnan sa
magulang at naging ugali, hindi lahat ng ugali ay mabuti at ang
pagsunod sa Diyos ay ang pag-alis ng masasamang ugali.
Anung laking pagkalihis sa daan ng katotohanan at tunay na
kabanalan! Mga taong tinatawag na tunay na Kristo ay walang
sinusunod na isa mang aral ni Kristo. Ang buong pagka-Kristiyanoy
ipinatatanghal paimbabaw ng kabanalan at palalong ningning at
pagpaparangya.
Hanggang kailan mabubuksan ang mata mo taong binigyan ng
pag-iisip at itinangi sa sangnilalang? Kung ang kaputol na kahoy ay
gagawing anyong tao, maaaring pagkamalan ng sinumang maka-kita;
datapwat anuman ang katalinuhan ng gumawa, ang kahoy ay kahoy din
ang

kauuwian.

Gayundin naman, liban na lamang sa tunay na sumusunod sa mga aral


ni Kristo, walang matatawag na tunay na Kristiyano anuman ang gawin
at kasapitan.
Ngunit si Krito ay walang sinabing anuman sa mga ipinag-uutos at
ginagawa ng simbahan (anang mga alagad ay simbahan ni Kristo). Ang
sinabi ni Kristo ay ito: Kayoy magmahalan. Kayoy magkakapatid na
lahat at magkakapantay.
At ang pagmamahalang ginawa ng Kristiyano ay ang pag-aapihan
at pagdadayaan. At ang magkakapatid at magkakapantay, unang-una na
ang mga alagad, ay mag-aagawan ng kataasan, kaya-manan, at
karangalan upang masila ang maliliit at mga maralita.
Sinabi ni Hesuristo: Ang nagpapakalaki ay hahamakin at
pupurihin ang nagpapakaliit. (Kap. XIV. N) Datapwat ang sabing itoy
pinawi sa alaala ng mga kalakhang maraya na kumalat at pumuno sa
lupa.

Sinabi ni Hesukristo sa nagsisipagsalita sa Kanya ng mga


kayamanan at magagandang batong hiyas ng simbahan: Ang lahat ng
iyang nakikita ninyo ay darating ang araw na walang matitira na di
malilipol. (Kap. XXI) At kayong binubulag ng kadiliman, na mga
binyagan kay Kristo, sa inyong mga simbahang lipos ng ningning at
kapalaluan: Di baga ninyo nakikita na ang inyong mga gawa ay
nalalaban kay Kristo pagkat siya Niyang itinatakwil at isinumpa?
Minsang pumasok sa simbahan ay Kanyang ipinagpatabuyan ang
lahat ng dooy nagbibili at bumibili. Nasusulat, anya, na ang bahay
koy maging bahay ng kabanalan; ngunit inyong ginagawang yungib ng
mga magnanakaw. (Kap. XIX) Inyong masdan, kayoy maghaka-haka at
sandaling gunitain ang mga pilak na pumapasok sa simbahan, saka
ninyo sabihin kung tunay ngang simbahan ni Kristo.
Laging

kinakaaway

ng

dili-dili

itong

kahambal-hambal

na

pagkalihis ng mga pag-iisip at di-miminsang itinanong sa sarili kung


hindi na matatapos ang kalagayang kalungkot-lungkot at kasakit-sakit,
kung ang lakas ng kaliluhan ay hindi na madadaig ng wastong matwid.
Ngunit nalalaban sa dakilang kabutihan ng Maykapal ang mamahay sa
ganitong akala. Pagkat kung ang lahat ng sama at di-katwiran, ang lahat
ng hirap at dusang walang katapusan ang siyang pamumuhayan ng tao
sa habang panahon, anot bakit pa Niya nilikha? Hindi nga sa Maykapal
naroroon ang kadahilanan kundi sa tao din na binigyan ng lahat at
bawat isa ng pag-iisip at loob na inaakay ng kamaliang anakiy totoo at
unan ng kasukabang aakiy banal.
Upang tamuhin ang hinahanap na ginhawa ay kinakaila-ngang
lubos ang pag-aaral na kumilala ng matwid at di-matwid, ng daya at
tunay, ng magaling at masama ng dapat ipagkapuri at dapat ikahiya, ng
nagbibigay-lakas at nagbibigay-sakit.
Upang mangalaman na kapatid kay Kristo ay kinakailangang lubos
ang pag-aaral na kumilala ng matwid at di-matwid, ng daya at tunay, ng
magaling at masama, ng dapat ipagkapuri at dapat ikahiya, ng
nagbibigay-lakas at nagbibigay-sakit .

Upang mangalaman na kapatid kay Kristo ay kinakailangang


tumulad sa Kanya sa kabanalan, kabaitan, at pag-ibig sa kapwa. Hindi
kinakailangang gumanap ng ganitot gayong mga pagsamba at mga
santong

talinghaga.

Saanman

dumoon

ang

pusong

malinis

na

pinamamahayan ng magandang nasa at ng matwid ay naroroon si Kristo


binyagan at di-binyagan, maputit maitim man ang kulay ng balat.
Di nalilingid sa akin na ang mga saysay koy magbigay-pangamba
marahil sa mga loob ng iginawi magbuhat sa mga unang araw ng
kasanggulan sa malig pagsampalataya.
Datapwat tumahimik ang mga loob na ito pagkat ang aking
talagang pakay ay hindi nalalaban kundi naaayon sa kalakhan ng Diyos
at kabutihan Niyang di pa nalilirip sa panahong ito. Ang aking
kinakalatan ay nasa lupa ang kasukaban ng mga alagad at ang
kabulagan

ng

mga

inaalagaan.

Sa katunayang hindi naaabot ng tao ang kalakhan at kabuti-han ng


Diyos ay nangapit sa itinurong paniniwala na lahat ng mang-yayari ay
talaga Niya, masamat mabuti, at sila rin namang kumikilala na lamang
ang masama, na ang kinauwian ay itinulad sa tao hamak ang Punot
mula ng lahat ng nilalang.
Kung itoy di gawa ng pikit na isip ay ngalanan na ninyo ng kahit
ano, datapwat huwag tawaging kabanalan.
Ang Diyos ay walang tinalagang masama pagkat ang kabu-tihan
Niyay walang katapusan. Ang masama ay tayo; ang lahat ng mga hirap,
hinagpis, dalita, at kaabaan ay pawang kasalanan natin.
Sabihin ninyo sa tamad ang kanyang pagdaralita, at ang isasagot
ay umaasa sa talaga ng Diyos. Ngunit ang talaga ng Diyos ay magdalita
ang tamad.
Sabihin ninyo sa isang bayang namumuhay sa pagkaamis at
niluluoy ng kasibaan at kayabangan ng mga Pinuno, at isasagot na
sumasang-ayon sa talaga ng Diyos. Ngunit ang talaga ng Diyos ay

maghirap ang mga bayang di marunong magkaisa sa paglalaban ng


katwirang biyaya ng Makapangyarihan sa lahat.
Inyong masdan: Nariyan at nakaluhod, nananaiangin at nagpapasalamat sa Diyos sa di-mabilang na mga kayamanang ito na
kinamkam sa mga paraang balawis?
Ay! Ang maling pagsasampalataya ay kauna-unahang naging dahil
ng di-maulatang mga kasamaang nangyayari sa lupa!
Kung lahat ng mangyayari ay talaga ng Diyos, ang nagnana-kaw at
pumapatay sa kapwa ay hindi dapat parusahan pagkat siyay di
makasusuway sa Makapangyarihan sa lahat na tumalaga ng pag-gawa
niya ng kasalanan. Sa paraang ito, ang masama ay mulit muling gagawa
ng kasamaan dahil ang kanyang mga gawa ay ibinubuhat sa talaga ng
Diyos. Di nga sukat kamanghaan ang laging paghahari ng di-matwid!
Ang kalakhan sa langit ay di nangangailangan ng anuman sa lupa.
Ang Diyos ang siyang Ama ng Sangkatauhan at ang hanap ng Ama ay
hindi nga ang anak na lagi nat sa tuwing sandali ay nagsasabi ng
kanyang paggalang takot, at pag-ibig kundi ang gumanap at sumunod sa
matwid at magandang utos Niya.
Ang tunay na pagsasampalataya, paggalang, pag-ibig, at pagsunod sa Diyos, samakatwid, ang tunay na pagsamba, ay ang paggalang, pag-ibig, at pagsunod sa katwiran. Isusukat dito ang bawat gawa,
pangungusap, at kilos dahil ang buong katwiran ay nagmu-mula at
namamahay sa kalakhan, at pagka-Diyos ng Diyos.
Dito nga sa tunay na pagsampalatayang ito nabubuhol ang pagibig at pagganap ng tunay na kalayaan at pagkakapantay, at gayundin
ang pag-ibig at pagdamay sa kapwa ng dala.
Sa pag-ibig at pagganap ng tunay na Kalayaan at pagkakapan-tay
nagbuhat ang pagkakaisa ang binhing tangi ng ng kasipagan, lakas,
kapayapaan, at ginhawa.

Sa pag-ibig at pagdamay sa kapwa nagbubuhat ang tapat na loob


at ang pagkakawanggawa ang bulaklak na maganda ng mga pusong
banal at matamis na lunas ng may sawing kapalaran.
Ang pagsampalatayang itoy walang nililinisan, binyagan at dibinyagan, anuman ang lahi, kulay, at salita, pagkat siyang tunay na
pagsampalataya sa Diyos at magaganap ng lahat ng tao na pawang anak
Niya.
Naririto ang pagsasampalataya na aking inaaring tunay at naaayos
sa talaga ng Maykapal. Kung akoy namamali, maging dahilan nawa ng
aking kamalian ang tapat kong nasa.
ANG GUMAWA
Ngunit kung mahinahon nating pagbubulay-bulayin ay makikitang maliwanag na ang gumawa ay hindi parusa at hirap kundi pala at
kagalingan na ipinagkaloob ng Diyos sa tao bilang alaala ng dimatingkala Niyang pag-ibig.
Ang gumawa ay isa sa malakit mahalagang biyaya pagkat sa
pamamagitan nito ay nagigising at nadaragdagan ang lakas ng isip, loob,
at katawan, mga bagay na kasanib at kinakailangan ng kabuhayan.
Anang mga banal na kasulatang pinagmulan ng pagsamba ng
kakristyanuhan, ang gumawa o magtrabaho ay parusang ibinigay ng
Diyos kay Adan na ama ng sangkatauhan dahil siyay kumain ng bunga
ng kahoy na ipinagbawal sa kanya; parusang minana ng ating mga anak.
Datapwat ang sabing ito ay maling-mali at nalalaban sa talaga ng
kakristyanuhan, ang gumawa o magtrabaho ay parusang ibinigay ng
Diyos kay Adan na ama ng sangkatauhan dahil siyay kumain ng bunga
ng kahoy na ipinagbawal sa kanya; parusang minana nating mga anak.
Ang gumagawa ay nalalayo sa buhalhal na kasalanan, maruruming gawi, at kayamuan; nagtatamo ng aliw, tibay, ginhawa, at
kasayahan.

Masdan

natin

ang

naturang

mayayaman,

malalaki,

at

mapagmarunong na mga layaw at sa ilalim ng kanilang ipinakiki-tang


ginhawa, ningning, at kasaganaan ay nananaig ang lalong matinding
pagkasuya at yamot, kahinaan at kapalaluan, kasabay ang masasamang
gawi na pinanggagalingan ng mga sakit at utay-utay na inuubos ang
kanilang buhay.
Anung laking katotohanan ang sinabi ng ating si Baltazar sa
kanyang mga tula:
Ang laki sa layaw karaniwang hubad sa bait at munit sa hatol ay
salat.
Iniibig ng Diyos na tayoy magtrabaho pagkat kung tayoy nilibiran
ng buong kailangan at kasaganaang aabutin na lamang natin at sukat,
tayoy walang salang lalong malulugmok sa lalong kahamak-hamak at
kasuklam-suklam na kabuhayan, na tungo sa pagkalipol ng ating
pagkatao.
Ang lahat ng pinakikinabangan, ang balang ikinabubuhay at
ikinaiiba sa hayop ay siyang kinakatawan at ibinububunga ng paggawa
na nararapat ng kapalagang hindi masisinsay sa matwid.
Pahayag
Isa iyong gabing madilim.
Wala isa mang bituing nakatanglaw sa madilim na langit ng
kagimbal-gimbal na gabing iyon.
Nakayukayok at sapupo ng
naghihimutok ang isang kabataan.

dalawang

palad

ang

mukha,

Ang tahanang katatagpuan sa naturang kabataan ay


natatanglawan ng isang tinghoy, na kukurap-kurap at ang liwanag ay
nanganganib ng kusang panawan ng buhay.

Sa yugtong halos isuko na ng kabataan ang sarili sa matinding


poot at sa pag-iisip na kahila-hilakbot at palagiang gumigiyagis sa
kanyang puso, na waring nakabaon sa kaibuturan ngunit sapilitan nang
ibinubulalas ng dibdib, sa yugtong ito niya naramdaman ang isang
mabining haplos sa isa niyang balikat at naulinigan ang isang mahinang
tinig, matamis at malungkot, na nag-uusisa:
Bakit ka lumuluha? Anong kirot at dalita ang dumudurog sa
iyong puso at yumuyurak at humahamak sa iyong kabataan at lakas?
Nag-angat siya ng ulo at natigib sa panggigilalas: may kapiling siya
at halos apat na hakbang ang lapit, at nabanaagan niya ang isang anino
na waring nababalot ng maputing ulap ang kabuuan.
Ay, mahabaging anino! Ang mga pighati koy walang lunas, walang
katighawan. Maaaring kung isiwalat ko sa iyo ay sabihin mo o isipin
mong walang anumang halaga. Bakit kailangan mong lumitaw ngayon
upang antalahin ang aking paghibik?
Hanggang kailan, sagot ng anino, ang kamangmangan at ang
katunggakan ay magiging sanhi ng mga hirap at pasakit ng mga tao at
ng mga bayan?
Hanggang kailan kayo makasusunod magbangon pabalikwas sa
kabulagan ng pang-unawa tungo sa tugatog ng katwiran at adhika?
Hanggang kailan ninyo ako hindi makikilala at hanggang kailan kayo
magtgitiwalang umasa na kahit wala sa aking piling ay maaaring
matamo ang tunay at wagas na ligaya tungo sa kapayapaan ng
sangkalupaan.
Sino ka samakatwid na nagmamay-ari ng kagila-gilalas na
kapangyarihan at kahanga-hangang lumitaw at nag-aalay?
Ay, sa aba ko! Diyatat hindi mo pa ako nakikilala hanggang
ngayon? Ngunit hindi ako magtataka, sapagkat mahigit nang tatlong
daang taon magmula nang dalawin ko ang tinatahanan mong lupain at
kusain ng iyong mga kababayan na sumampalataya sa mga huwad na
idolo ng relihiyon at ng mga tao, ng mga kapwa mo nilikha, at kung kaya
naglaho sa inyong mga gunita ang pagkakilala sa akin

Nais mo bang malaman kung sino ako? Kung gayoy makinig: Ako
ay ang simula nang mga bagay na higit na dakila, higit na maganda at
higit na kapuri-puri, marangal at iniingatan, na maaaring matamo ng
sangkatauhan. Nang dahil sa akin ay nalaglag ang mga ulong may
korona; nang dahil sa akin ay nawasak ang mga trono at napalitan at
nadurog ang mga koronang ginto; nang dahil sa aking adhikain ay
nabigo at namatay ang siga ng Santa Inkisisyon na ginamit ng mga
prayle para busabusin ang libo at libong mamamayan; nang dahil sa
adhikain koy napagkakaisa ang mga tao at kinalilimutan ng bawat isa
ang pansariling pakinabang at walang nakikita kundi ang higit na
kabutihan ng lahat; nang dahil sa akin ay natimawa ang mga alipin at
nahango mula sa lusak ng pagkalugami at kalapastanganan; at napugto
ang kayabangan at kayamuan ng kanilang mababangis na panginoon;
kailangan ako sa bawat naisin at lasapin ng mga bayan at sa ilalim ng
aking kalinga may ginhawa at biyaya at kasaganaan ang lahat, katulad
ng idinulot ko sa Hapon, Amerika, at ibang pook; nang dahil sa akin ay
umiimbulog ang diwa upang siyasatin at tuklasin ang mga hiwaga ng
syensya; saanmang pinaghaharian ko ay napaparam ang mga pighati at
nakasisinghap nang daglian ang dibdib na nalulunod sa pang-aalipin at
kabangisan. Ang pangalan ko ay KALAYAAN.
Nagulilat at naumid ang kabataan pagkarinig nito at pagkaraan ng
ilang saglit saka nakapangusap:
Sapagkat ang mga kabutihan at biyaya mo ay walang kapantay, o
kataas-taasang Kalayaan! Papawiin ko ang pighati na nagpapabalong ng
labis-labis na luha sa aking mga mata, na ang sanhi ay hindi naiiba sa
mga pagdaralita ng aking lupang sinilangan. Kung mapagmamasdan mo
ang mga alipusta, mga pangangailangan, mga kautusang dapat tiisin at
pagdusahan ng aking bayan ay matitiyak na tutubuan ka ng awa at
muling kakalingain sa iyong magiliw at di-mapag-imbot ngunit
kinakailangang pangangalaga. Ay, ihihibik ng aking mga kapatid!
Ako, sabi nila, ay nagugutom, at siyang nagturo sa akin na
pakainin ang nagugutom ay tumugon: Kainin ang mga labi at mga
mumo sa aming masaganang mga piging, sa aming mariwasang hapag.
Sabi ng aking mga kapatid: Akoy nauuhaw, at siyang nagturo sa
akin na painumin ang nauuhaw ay tumugon: Lagukin ang inyong mga

luha at ang pawis, sapagkat dudulutan namin kayo ng sapat na kalinga


nito.
Hibik ng aking mga kapatid: Wala akong damit, ganap akong hubad,
at siyang nag-utos sa amin na damitan ang hubad ay tumugon: Ngayon
diy babalutin ko ang buong katawan ng patong-patong na mga
tanikala.
Sabi ng aking mga kapatid: Nahalay ang aking puri ng isang kura, ng
isang paring Kastila, ng isang mariwasa, at ang hukom na matibay na
haligi ng hustisya ay tumugon: Ang taong iyan ay tulisan, isang bandido
at isang masamang tao: ikulong sa piitan!
Sasabihin ng aking mga kapatid: Kaunting pag-ibig, kaunting awa at
kaunting lingap, at mabilisang tutugon ang mga maykapangyarihan at
pinunong makatwiran at mabuting loob kung mamahala: Ang taong iyan
ay filibustero, isang kaaway ng Diyos at ng Inang Espanya: Dalhin sa
Iligan!
Pansinin at pagmasdang mabuti, KALAYAAN; pagmasdan at
pansinin kung dapat magdamdam ang aking puso at kung may sanhi
ang pagluha
Dapat magdamdam at lumuha, tugon ni KALAYAAN sa himig na
nagungutya at ginagagad ang mapaghimutok na paraan ng pagsasalita.
Lumuha! Lumuha ay dapat kung ang mga sukab ay wala nang buhay
na maaaring putulin; kung tinatanggap nang ang kawalanghiyaan at
katampalasanan sa pagbitay kina Padre Burgos, Gomez, at Zamora, sa
pagpapatapon kay Rizal, ay hindi nangangailangan ng makatwiran at
maagap na paghihiganti, na maaaring mabuhay sa piling ng mga
kaaway, at na may mga pagmamalabis na dapat pang ipagmakaawa ng
katubusan. Lumuha sa sariling tahanan, at sa katahimikan at
kadiliman ng gabi ay hindi ko maunawaan. Hindi ito ang nararapat para
sa isang kabataan hindi ito ang nararapat.
Ano ang nais, kung gayon, ano ang dapat gawin? Kaming mga
Tagalog ay naugali na sa ganoon. Sapol pa sa sinapupunan ng aming ina
ay naturuan na kaming magdusa at magtiis sa lahat ng uri ng mga
gawain, upasala, at pagkadusta. Ano ang higit na nararapat naming

gawin bukod sa lumuha? Wala na kundi ito ang naugalian ng aming


pagkukusa.
Hindi lahat ng naugalian ay mabuti, paliwanag ni KALAYAAN,
may masasamang kahiligan at ang mga itoy dapat iwaksi lagi ng mga
tao.
Ibig sanang tumutol ng kabataan, ngunit hindi pa niya matiyak
ang sasabihin at walang maapuhap na ipangusap. Sa gayon ay
nagpatuloy si KALAYAAN sa pagpapaliwanag.
Ang ipinahayag ko sa iyo ay ang katotohanan. Walang kautusan
na maaaring magpabagsak dito, sapagkat hindi maaaring ang wasto at
tuwid ay maging kalaban ng wasto at tuwid, maliban kung ito ay
binaluktot.Samakatwid, makinig ka. Noong sinaunang panahon, noong
ang karuwagan at pagkaalipin ay hindi pa pumapalit sa magagandang
kaugalian ng iyong mga ninuno, nasa lilim ko ang bayang Tagalog at
nasa ilalim ng aking pangangalaga, at siya ay maligaya at sinisimsim ang
simoy na nagdudulot sa kanya ng buhay at lakas ng katawan:
tinatanglawan ng aking liwanag ang kanyang pag-iisip at iginagalang
siya ng mga kalapit bayan. Ngunit isang araw, na dapat ikarimarim at
isumpa, dumating ang Pang-aalipin at nagpakilalang siya ang
kagalingan, ang katwiran, at ang karampatan, at nangako ng luwalhati
sa lahat ng sasampalataya sa kanya.
Dumating man siyang nakabihis ng balatkayo ng kagandahan at
kabutihan, at mapayapa at magiliw sa kanyang mga paggalaw at
pagkilos, ay nakilala ko kung sino siya. Nabatid kong ang kaligayahan ng
bayan ay nagwakas na; na ganap nang napako sa kanya ang kapuspalad
na bayan umabot sa akin ang iyong mga hinagpis at natigib ako sa
labis-labis na dalamhati at iyon ang dahilan ng aking pagparito. Ngayoy
dapat na akong umalis kayat paalam na.
Huwag muna, Kalayaan, pakiusap ng kabataan nang makita
siyang tumalikod at nakahandang lumisan. Pagbigyan mo muna ako ng
kaunting panahon. Naipaliwanag mo ang mga malubhang pagmamalabis
na pinagdusahan at tiniis ng aking bayan, hindi mo ba sila maaaring
kahabagan at ibalik ang iyong pangangalaga?

Unawain akong mabuti, bagamat hindi mo nababanggit, walang


ibang naririnig ang aking tainga at walang ibang nakikita ang aking mga
mata, sapagkat iisa ang pinagbubuhusan at dinaramdam ng aking puso
at kung kaya maagap akong dumadamay at humahanap sa mga naaapi
at tuwing may naririnig na dumaraing. Ngunit walang tao na karapatdapat sa aking pangangalaga at kalinga kung hindi siya pumipintuho sa
akin at umiibig sa akin, at kung wala siyang kakayahang mamatay para
sa aking adhika. Maaari mo itong ipahayag sa iyong mga kababayan o
katinubuang lupa.
Halos katatapos wikain ito, noon lumamlam ang sinag ng tinghoy,
na pakurap-kurap ang ningas dahil sa kawalan ng langis
Kinaumagahan, nang pawiin ng kaliwanagan ng araw ang mga
lagim at karimlan ng gabi, may bagay na kumikislap sa mga mata ng
kabataan na mistulang isang nagbabagang adhika.

ANG KASALANAN NI CAIN


I
Katatapos pang nilalang ng Maykapal ang Sandaigdigan.
Bahagya pang sumusupling sa mag-asawang si Adan at si Eva ang
mga kauna-unahang bunga ng kanilang pagsasama sa ibabaw ng lupa
At ang lupang ito, na katatapos pang nilalang ng Maykapal ay
dinungisan na ng isang kasalanang kakila-kilabot at kasuklam-suklam
na higit sa bangis ng gabing lumilintik at higit na kasindak-sindak at
nakauulol na pangarap ng may pusong dulingas at sukab na akala.
Si Cain ay nagtaglay ng malaking pagkainggit sa kapatid niyang si
Abel, at sa kainggitang itoy nagmula ang isang matinding kagalitan,
hanggang sa siyay dinayang dinala sa ilang at dooy pinatay ng lilong
kapatid na si Caing tampalasan.
Magbuhat noon ay maraming daan at libong taon na ang
nakararaos. Gayunmay nalilimbag pa sa alaala at gunita ng mga taot
mga bayan ang kasalanan ni Cain at dili yata mapapawit mababaklas
hanggang sa ang lupa ay lupa.

Magbuhat noon, magbuhat ng patayin ng kapatid ang kapatid sa


hamak na kadahilanan ay naghari at nag-ulol ang kasukaban sa balat
ng lupa, at ang mga matay laging lumuluha, at ang dugo ng kapatid ay
laging pinababaha ng kapatid, at walang namamahay sa mga kalooban
kundi ang umalipin at dumaya sa kapwa din.
At si Cain ay isinumpa ng Diyos at iginuhit sa noo niya ang tanda
ng darakilang kasalanan. At magbuhat nooy makapal na noo ang
nagtataglay ng hamak na tanda
Tunay ngang may lumitaw na mga bayanit magagandang puso ang
nangahas at nangahas ding bumangon sa lusak ng madlang
kapahamakan; at sukdang ikapanaw ng tangang hininga ay pinukaw at
ipinaaalala sa nangahihimlay na ang lahat ng tao ay magkakapatid at
magkakapantay, na ang nagiging dahil ng mga sakit, hirap, at
dalamhating walang katapusan ng Sangkatauhan ay ang manat manang
kasalanan ni Cain, na walang daang iba pa sa kaginhawahang laging
hinahanap kundi ang tunay na pagkakakilanlan at pagmamahalan ng
magkakapatid at tunay na paglingap ng lahat sa bawat isa at ng bawat
isa sa lahat.
Datapwat kung itoy tunay, tunay din naman na ang mga pusong
lubhang angkan at angkan pa sa kasamaan at katampalasanan ay
bumalikwas na nagngangalit at walang awang inawas ang mga pangahas
na nagsisiwalat ng banal na matwid at magandang pag-ibig na
makapuputol ng lilong pagpapasasa sa dinayang kapangyarihan at
ninakaw na yaman.
II
Ngayon naman, kung ang mamasdang haharapin ng paningin ay
ang mga nangyayaring pinaglalagusan ng Katagalugan, ay! pusoy
naiinis, nagsisikip ang dibdib, at luha sa matay kusang umaagos.
Nakaririmarim na tanda ng kasalanan ni Caing isinumpa ng
Maykapal, bakit nakaguhit ka sa noo ng makapal na Tagalog, karugo at
tunay kong kapatid? Diyatat ikaw lamang nga, ikaw ang magiging dahil
kung kaya mananatili sa karukhaan at kutya ang walumpung yutang
katawan, kung kaya di magtatamo ng kinakailangan at minimithing

kalayaan ang walumpung yutang Tagalog, kung kaya mawawalan ng


kabuluhan ang mga pinuhunang pagod, panganib, at di-masaysay na
katiisan at tiyaga, sampu ng libo-libong buhay na pumapanaw ng mga
bayaning nagbangon ng katwiran at puri ng lahat? O, kasalanan ni
Caing isinumpa ng Diyos! Ikaw ay muli naming isinusumpa sa ngalan ng
aming mga inang nananangis, sa ngalan ng madlang nagbabata ng lahat
ng sakit at katampalasanan sa kadakilaan mo! Kasalanan ni Cain, ikaw
ay mulit muli naming isinusumpa nang walang katapusan!
III
Masdan ninyo iyong tao: Ang mga mata niyay laging isinusulyap
sa balang masalubong; ang mga tainga niyay laging nakikinig ng balang
salitaan; ang mga bibig niyay laging nangungusap ng balang nalalaban
sa kanyang isinasaloob at masasamang budhi; sa baywang niyay may
natatagong isang lubid at isang rebolber na laan sa kanyang mga
kapatid. Iyan ang policia secreta, samakatwid tiktik, tiktik na sukab at
walang awa ng tampalasang panginoon.
Sa mga Kababayan
(Bahagi)
Sa dulo ng tatlong dantaon ng pagkaalipin..., walang natamo ang
ating bayan kundi maghimutok at manghingi ng kaunting lingap at
kaunting habag; ngunit sinagot nila ang ating mga hibik sa
pamamagitan ng pagpapatapon at pagpipiit. Sa loob ng sunod-sunod na
pitong taon, ang La Solidaridad ay nagkusang ibigay ang sarili at ubusin
ang mga lakas nito upang makamit, hindi ang lahat ng nararapat nilang
ipagkaloob, kundi yaong mga bagay lamang na dapat sumaatin sangayon sa katwiran. At ano ang naging bunga ng ating mga pagpapakasakit
at ng ating matapat na pananalig? Pandaraya, pag-upasala, kamatayan
at kapaitan.
Ngayon, pagkatapos mapagal sa pagtataas ang ating kamay sa
pagsusumamo, natagpuan na natin sa wakas ang ating sarili; unti-unti
ang mga tinig natin ay pinanawan ng himig ng hinagpis dahil sa walanghumpay na pagmamakaawa; ngayon... itinataas natin ang ating ulo na
malaong naugali sa pagyuko, at sinasapian tayo ng lakas dahil sa
matibay na pag-asa na dulot sa atin ng katwiran at kadakilaan ng ating

layon... Masasabi natin sa kanila nang buong karahasan na ang


pagtawag na "Inang Espanya" ay wala kundi isang munting
pagpaparangal lamang, na hindi ito dapat iwangki sa kapirasong damit o
basahan na kinatatanikalaan nito, na nahihilahod sa lupa; na walang
gayong ina at walang gayong anak; na may isang lahi lamang na
nagnanakaw, isang bayan na tumataba sa hindi nito pag-aari, at may
isang bayan na napapagal nang manatili hindi lamang sa kapabayaan
kundi sa kadayukdukan; na wala tayong dapat pagtiwalaan kundi ang
ating sariling kapangyarihan at sa pagtatanggol ng ating sarili.
Jose Palma y Velasquez
Himno Nacional Filipino
(Pambansang Awit na Pilipino)
ni Jose Palma

Tierra adorada
Hija del Sol de Oriente
Su fuego ardiente
En ti latiendo esta.
Lupang pinipintuho,
Anak ng Araw ng Silangan,
Ang apoy niyang naglilingas
Ay tumitibok sa iyo.
Patria de Amores
Del heroism cuna.
Los invasores
No te hollaran jamas.
Bayan ng mga Pag-ibig,
Duyan ka ng kabayanihan,
Ang manlulusob
Ay di makayuyurak sa iyo kailanman.
En tu azul cielo, en tus aulas,
Entus montes y en tu mar,
Esplende y late el poema.

De tu amada libertad.
Tu pabellon, que en las lides
La Victoria ilumino,
No vera nunca apagados
Sus estrellas y su sol.
Sa bughaw mong langit, sa mga ulap mo,
Sa iyong mga bundok at sa dagat mo,
Kumikinang at tumitibok ang tulain
Ng itinatangi mong kalayaan.
Ang watawat mong sa mga paghahamok
Ang tinanglawan ng Tagumpay,
Ay di makikitang pagdimlan kailangan
Ng mga bituin mot ng iyong araw.
Tierra de dichas, de sol y amores,
En tu regazo dulce es vivir;
Es una Gloria para tus hijos,
Cuando te ofenden, por to morir.
Lupa ng ligaya, ng liwanag at mga
pag-ibig,
Sa kanlungan moy kay-tamis mabuhay;
Ikinaluluwalhati ng iyong mga anak,
Na kapag inapi kay mamatay dahil
sa iyo.

Panahon ng Amerikano
(1900 1941)
Kaligirang Kasaysayan
Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa mga
Kastila na sumakop sa atin nang higit sa tatlong daang taon.
Naiwagayway ang ating bandila noong ika-12 ng Hunyo 1898, tanda ng
pagkakaroon natin ng kalayaan.Nahirang si Hen. Emilio Aguinaldo noon
bilang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas, subalit ang kalagayang
itoy naging panandalian lamang sapagkat biglang lumusob ang mga

Amerikano.
Nagkaroon ng digmaang Pilipino- Amerikano na siyang naging
sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong 1903. Gayun pa man,
ang kilusang pangkapayapaan ay nagsimula noong pang 1900.
Isang bagong pangkat ng mananakop ang nagdala ng mga
pagbabago sa panitikan ng Pilipinas. Ipinakilala ang mga bagong anyo ng
literatura gaya ng malayang taludturan (sa mga tula), maikling kwento at
mapamunang sanaysay (critical essay). Ang impluwensya ng mga
Amerikanong mananakop ay nanatili kaalinsabay ng pagtatalaga sa
Ingles bilang wikang ginagamit sa lahat ng paaralan sa bansa gayundin
ng paglinang sa masining na kamalayan ng mga manunulat batay sa
modernong panitikang dala ng mga mananakop.
Ang Pilipinas ay nasakop ng Amerika noong ika-19 na siglo na
kinikilala rin bilang dantaon ng modernismo o Panahon ng
Industriyalismo. Sa yugtong ito nagkaroon ng malawakang pagtuklas sa
mga imbensyong may layuning mapadali ang trabaho ng mga tao at nang
sa gayon ay maitaas ang produkyon ng lahat ng industriya. Hindi liban
ang bansa sa pandaigdigang pagbabagong ito. Ipinatupad ng mga
Amerikano ang oryentasyong ito sa konstruksyon ng mga pampublikong
daan, tulay, at bahay. Naging maliwanag na ilustrasyon ang siyudad ng
buhay-kosmopolitan: walang tigil ang galaw kahit pa sumapit ang gabi.
Nagkaroon ng mga opisina, pasyalang pampubliko, museo, bulwagan,
sinehan at restawran.
Maliwanag na ambag ng panahong ito ang pelikula. Sa kaunaunahang pagkakataon ay nakapanonood ang mga Pinoy ng mga
larawang gumagalaw. Binigyang-daan ng imbensyong ito ang pag-ungos
ng kulturang popular.
Sa larangan ng panitikan, isang malaking ambag ng mga
Amerikano ang pagkakaroon ngayon ng maiikling kwento bilang bahagi
ng panitikang Pilipino. Kapansin-pansing ang pagkahilig ng mga
mambabasa sa mga akdang madaling basahin ay naimpluwensyahan ng
mabilis na galaw ng buhay-kosmopolitan. Ang mga kathang ito ay hindi
lamang naisulat sa wikang Pilipino kundi pati na rin sa wikang Ingles.
Ang pagdating ng mgaThomasites ang nagbigay-daan sa pagkakaroon
ng pampublikong edukasyon kung saan ipinasok ang kurikulum ng
pagtuturo sa Ingles. Itinatag ang Unibersidad ng Pilipinas noong 1908 at
simula noon ay kinilala ito sa mahusay na pagtuturo ng Ingles. Sa
pamantasang ito nahasa ang mga manunulat upang linagin ang

kanilang kakayahang sumulat ng mga sanaysay, dula, tula, kwento at


nang maglaon ay pati na rin mga nobela gamit ang wikang Ingles.
Mga Katangian ng Panitikan
1.Hangaring makamit ang kalayaan
2.Marubdob na pagmamahal sa bayan
3.Pagtutol sa kolonyalismo at imperialismo
Diwang Nanaig
1.Nasyonalismo
2.Kalayaan sa pagpapahayag
3.Paglawak ng karanasan
4.Paghanap at paggamit ng bagong pamamaraan
Mga Impluwensya sa Pananakop ng mga Amerikano
1. Pagpapatayo ng mga paaralan.
2. Binago ang sistema ng edukasyon.
3. Pinaunlad ang kalusugan at kalinisan.
4. Ipinagamit ang wikang Ingles.
5. Pagpapalahok sa mga Pilipino sa pamamalakad ng pamahalaan.
6. Kalayaan sa pagpapahayag na may hangganan.
Mga Pahayagan sa Panahon ng Amerikano
1. EL GRITO DEL PUEBLO (Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) itinatag ni
Pascual Poblete noong 1900
2. EL NUEVO DIA (Ang Bagong Araw) itinatag ni Sergio Osmena noong
1900
3. EL RENACIMIENTO (Muling Pagsilang) itinatag ni Rafael Palma noong
1900
4. Manila Daily Bulletin-1900

Pangkat ng mga Manunulat


1.Maka-Kastila
2.Maka-Ingles
3.Maka-Tagalog
Mga Dulang Ipinatigil
1.KAHAPON, NGAYON AT BUKAS sinulat ni Aurelio Tolentino
2.TANIKALANG GINTO- ni Juan Abad
3.MALAYA ni Tomas Remegio
4.WALANG SUGAT ni Severino Reyes
Panitikan Sa Kastila
1. CECILIO APOSTOL- may pinakamabuting tulang papuri kay Jose
Rizal ; OBRA-MAESTRA- A Rizal
2. FERNANDO MA. GUERRERO- unang hari ng panulaan sa Kastila;
OBRA-MAESTRA-Crisalidas (Mga Higad)
3. JESUS BALMORI Batikuling; OBRA-MAESTRA- El Recuerdo y el
Olvido; nahirang siyang poeta laureado sa wikang Kastila
4. MANUEL BERNABE- makatang liriko
5. CLARO M. RECTO-Obra-maestra-BAJO LOS COCOTEROS ( Sa Lilim
ng Niyugan)
6. TRINIDAD PARDO DE TAVERA- ang nagpasok ng titik W at K sa
abakadang Pilipino
Iba Pang Manunulat sa Wikang Kastila
ADELINA GURREA kauna-unahang makatang babae sa Pilipinas na
magaling sa Kastila; Obra-maestra- EL NIDO
ISIDRO MARPORI obra-maestra-AROMAS DEL ENSUENO (Halimuyak
ng Pangarap)
MACARIO ADRIATICO obra-maestra-alamatLA PUNTA DE SALTO

(Ang Pook na Pamulaan )


EFIFANIO DELOS SANTOS- nakilala sa tawag na DON PANYONG;
kilala bilang mahusay na mananalambuhay
PEDRO AUNARIO sumulat ng DECALOGO DEL PROTOCIONISMO
Panitikan sa Tagalog
Ang FLORANTE AT LAURA ni Francisco Balagtas at URBANA AT
FELIZAni Modesto de Castro ang naging inspirasyon naman ng mga
manunulat sa Tagalog. Inuri ni Julian Balmaceda sa tatlo (3) ang mga
makatang Tagalog. Narito ang mga sumusunod:
MAKATA NG PUSO : Lope K. Santos; Inigo Ed Regalado;Carlos
Gatmaitan; Pedro Gatmaitan; Jose Corazon de Jesus; Cirio H.
Panganiban; Deogracias A. Rosario; Ildefonso Santos; Amado V.
Hernandez; Nemecio Carabana; Mar Antonio.
MAKATA NG BUHAY : Lope K. Santos; Jose Corazon de Jesus;
Florentino Collantes; Patricio Mariano; Carlos Gatmaitan; Amado V.
Hernandez.
MAKATA NG DULAAN : Aurelio Tolentino; Patricio Mariano, Severino
Reyes; Tomas Remegio.
LOPE K. SANTOS Ama ng Balarilang Tagalog; OBRA-MAESTRABanaag at Sikat
JOSE CORAZON DE JESUS- Huseng Batute; OBRA- MAESTRA-Isang
Punongkahoy
FLORENTINO COLLANTES- Kuntil Butil; OBRA- MAESTRA- Lumang
Simbahan
AMADO V. HERNANDEZ- Makata ng mga Manggagawa; MGA OBRAMAESTRA- Isang Dipang Langit;Mga Ibong Mandaragit; Luha ng
Buwaya; Bayang Malaya; Ang Panday
VALERIANO HERNANDEZ-PENA- Tandang Anong at Kintin Kulirat;
OBRA-MAESTRA- Nena at Neneng
INIGO ED REGALADO Odalager; OBRA-MAESTRA- Damdamin

ANG DULANG TAGALOG


SEVERINO REYES Lola Basyang; Ama ng Dulang Tagalog; OBRAMAESTRA- Walang Sugat
AURELIO
TOLENTINO

ipinagmamalaking
mandudula
ng
Kapampangan; OBRA-MAESTRA- Luhang Tagalog at Kahapon, Ngayon at
Bukas
HERMOGENES ILAGAN- nagtayo ng samahang COMPANA ILAGAN na
nagtanghal ng maraming dula sa kalagitnaang Luzon
PATRICIO MARIANO- sumulat ng NINAY at ANAK NG DAGAT na
siya niyang OBRA-MAESTRA
JULIAN CRUZ-BALMACEDA- Bunganga ng Pating ang siya niyang
OBRA-MAESTRA
PANITIKANG FILIPINO SA INGLES
JOSE GARCIA VILLA Doveglion; pinakatanyag na Pilipinong
manunulat sa Ingles.
JORGE BACOBO sinulat-Filipino Contact with America; A Vision of
Beauty.
ZOILO GALANG sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa
wikang Ingles na pinamagatang A Child of Sorrow .
ZULUETA DE COSTA-nagkamit ng unang gantimpala sa tulang Like
the Molave
NVM GONZALES- may-akda ng My Islands at Children of the Ash
Covered Loom. Ang huli ay isinalin sa ibat ibang wika sa India.
ANGELA MANALANG GLORIA- umakda ng April Morning; nakilala sa
pagsulat ng mga tulang liriko noong panahon ng Komonwelt.
ESTRELLA ALFON ipinalalagay na pinakapangunahing manunulat
na babae sa Ingles bago magkadigma. Sinulat niya ang
MAGNIFICENCE at GRAY CONFETTI .
ARTURO ROTOR may-akda ng THE WOUND AND THE SCARkauna-unahang aklat na nalimbag sa Philippine Book Guild.

Iba Pang Panitikan


*PEDRO BUKANEG- Ama ng
kasingkahulugan ng Balagtasan.

Panitikang

Iloko;

Bukanegan-

*CLARO CALUYA- Prinsipe ng mga Makatang Iloko; kilala sa pagiging


makata at nobelista.
*LEON PICHAY kinilala bilang pinakamabuting BUKANEGERO.
*JUAN CRISOSTOMO SOTO- Ama ng Panitikang Kapampangan;
Crisostan-kasingkahulugan ng Balagtasan.
*ERIBERTO GUMBAN-Ama ng Panitikang Bisaya.
Mga Akda sa Panahon ng Amerikano
Dugo at Laya
ni Nemesio E. Caravana
Tanging lalaking kang nagmahal sa bayan
Na ang sinandatay panitik na tangan
Nang ikawy barilin ng mga kaaway
Dugo mo ang siyang sa layay umilaw!
Sa dalawang mahal na laman ng isip,
Na Irog at Bayang kapwa mo inibig
Bayan ang piniling mabigyan ng langit
Kahit ang puso mo ay sakdal ng hapis
Namatay ka upang mabigyan ng laya
Ang sinilangan mo na lahi at lupa
Sa tulog naisip ng liping mahina
Dugo mo ang siyang nagbigay ng diwa
Nabuo sa lupa ang mahal mong dugo
Ang galit ng bayan naman ay kumulo
Kayat nang mabutas ang mahal mong bungo,
Ay laya ng lahi naman ang nabuo!

Isang Punongkahoy
ni Jose Corazon de Jesus
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako'y tila isang nakadipang kurus,
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
Organong sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan.
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
Asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
At saka ang buwang tila nagdarasal,
Ako'y binabati ng ngiting malamlam.
Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,
Ibon sa sanga ko'y may tabing nang dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.

Isang Dipang Langit


ni Amado V. Hernandez
Ako'y ipiniit ng linsil na puno
Hangad palibhasang diwa ko'y piitin,
Katawang marupok, aniya'y pagsuko,
Damdami'y supil na't mithiin ay supil.
Ikinulong ako sa kutang malupit:
Bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
Lubos na tiwalag sa buong daigdig

At inaring kahit buhay man ay patay.


Sa munting dungawan, tanging abot-malas
Ay sandipang langit na puno ng luha,
Maramot na birang ng pusong may sugat,
Watawat ng aking pagkapariwara.
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
Sa pintong may susi't walang makalapit;
Sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
Anaki'y atungal ng hayop sa yungib.
Ang maghapo'y tila isang tanikala
Na kala-kaladkad ng paang madugo
Ang buong magdamag ay kulambong luksa
Ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag,
Kawil ng kadena ang kumakalanding;
Sa maputlang araw saglit ibibilad,
Sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantang
Sa hudyat - may takas! - at asod ng punlo;
Kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw,
Sa bitayang moog, may naghihingalo.
At ito ang tanging daigdig ko ngayon Bilangguang mandi'y libingan ng buhay;
Sampu, dalawampu, at lahat ng taon
Ng buong buhay ko'y dito mapipigtal.
Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirap
At batis pa rin itong aking puso:
Piita'y bahagi ng pakikilamas,
Mapiit ay tanda ng di pagsuko.
Ang tao't Bathala ay di natutulog
At di habang araw ang api ay api,
Tanang paniniil ay may pagtutuos,

Habang may Bastilya'y may bayang gaganti.


At bukas, diyan din, aking matatanaw
Sa sandipang langit na wala nang luha,
Sisikat ang gintong araw ng tagumpay...
Layang sasalubong ako sa paglaya!
Walang Panginoon
ni Deogracias A. Rosario
Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan na ang
mahabang hintuturo ay malapit nang sumapit sa ika-12 samantalang
nakapako na sa ika-8 ang maikling daliri, hindi niya malaman kung
saan magtutungo. Isinisiksik ang kanyang ulo kahit saan, saka ang
dalawa niyang hintuturo ay ipapasak sa mga butas ng kanyang tainga.
Ayaw niyang marinig ang animas. Ayaw niyang mapakinggan ang
malungkot na palo ng bakal sa malaking kampanang tanso sa
kampanaryo ng simbahan sa kanilang bayan. Gayunman, kahit na saan
siyang magsiksik, kahit na saan siya magtutungo, kahit na anong gawin
niyang pagpapasak sa kaniyang tainga ay lalong nanunuot sa kaniyang
pandinig ang malungkot na tinig ng batingaw.
Tapos na ba? Tapos ang sunud-sunod niyang tanong na
animoy dinadaya ang sarili kung wala na siyang nauulinigang ano mang
taginting ng kampana.
Tapos na. Tapos ang sunud-sunod namang itinugon ng
kanyang ina paniwalang-paniwala hindi nga naririnig ang malungkot na
animas.
Ngunit Marcos.. ang baling uli na matandang babae sa anak.
Bakit ayaw mong marinig ang oras na ukol sa kaluluwa? iyay
pagpapagunita sa mga tao na dapat mag-ukol ng dalangin sa
ikaluluwalhati ng mga kaluluwang nasa kabilang buhay. Lalo ka na
Marcos, marami kang dapat ipagdasal. Una-unay ang iyong
ama,ikalaway ang kapatid mong panganay, ikatloy ang kapatid mong
bunso, saka saka si Anita. Ang hul;ing pangalan ay binigkas na
marahan ng matandang babae.

Si marcos ay di kumibo. Samantalang pinararangalan siya ng


kaniyang ina, ang mga mata niyang galing sa pagkapikit kayat nanlalabo
pat walang ilaw ay dahan-dahan siniputan ng ningas, saka manlilisik at
mag-aapoy.
Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya magsasalita. Subalit sas
kanyang sarili, sa kanyang dibdib, sa kanyang kaluluwa ay may
nangungusap may nagsasalita.
Dahil din sas kanila, lalung-lalo na kay Anit, ayaw kong marinig
ang malungkot na tunog ng batingaw, ang sinasabi ni Marcos sa sarili.
Kinagat niya ang labi hanggang sa dumugo upang ipahalata sa ina ang
pagkukuyom ng kanyang damdamin.
Akala nang inay nahulaan niya kung ano ang nasa loob ni
Marcos. Sa wari ng matandaay nabasa niya sa mga mata ng anak ang
lihim ng puso nito. Naisip niyang kaya nalulungkot si Marcos ay
sapagkat hindi pa natatagalang namatay si Anita, ang magandang anak
ni Don Teong, mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan.
Nalalaman ng ina ni Marcos na lahat ng pagsisikap nito sa bukid, lahat
ng pagpupunyaging matuto sa pamamagitan ng pagbabasa, lahat ng
pag-iimpok na ginawa upang maging isang ulirang anak-pawis ay ukol
kay Anita. At saka namatay! Nararamdaman din ng ina ni Marcos kung
gaano kakirot para sa kanyang anak ang gayong dagok ng kasawian.
Dapat ngang maging malungkutin ang kanyang anak. Ito ang kanyang
ibig libangi. Ito ang nais niyang aliwin. Kung maari sanay mabunutan
ng tinik na subyang sa dibdib ang kanyang anak.
Lumakad ka na, Marcos, sa kubo nina Bastian. Tila may belasyon
sila, o, baka kailanganin ang mabuting mang-aawit at manunugtog ng
gitara. Si Inang naman, ang naibulalas na lamang ni Marcos. Iyan
lamang ang kanyang nasabi nang malakas. Sa kanyang sariliy
naidugtong niya na hindi masusukat ng kanyang ina kung gaano kapait
para sa kanya ang pagkamatay ni Anita, palibhasay lingid sa kaalaman
ng matanda ang tunay na nangyayari sa pagkamatay nito.
Kung nalalaman lamang ni Inang ang lahat, ang nasabi niya uli
sa kanyang sarili samantalang minamasdan niya ang kanyang ulilang
bituin sa may tapat ng libingan ng kanilang bayan na ipinalalagay niyang

kaluluwa ni Anita, disiy hindi ako itataboy sa kasiyahan.


Pinag-usapan pa lamang ng mag-ina nang umagang yaon ang
malaki nilang kapalaran sapagkat mabuti ang lagay ng tanim nilang
palay, nang isang utusan sa bahay-pamahalaan ang dumating na taglay
ang utus ng hukumang silay pinaalis sa kanilang lupang kinatatayuan ,
at sinamsamsam ni Don Teong na ama ni Anita ang lahat ng lupa nilang
sinasaka.
Inang, matalim ba ang itak ko? ang unang naitanong ni Marcos
sa ina matapos matunghayan ang utos ng hukuman.
Anak ko! ang palahaw na panngis ng matandang babae sabay
kapit sa leeg ng anak. Bakit ka mag-iisip ng gayon, sa tayo na lamang
dalawa ang nabubuhay sa daigdig?
Ang tinig ng matanda ay nakapagpapalubag sa kalooban ng
binata. Gayon man, sa harap ng bagong pithaya ng may-ari ng lupang
kanilang binubuwisan, ay isa- isang nagbabalik sa alaala niya ang
malungkot na kasaysayan ng kanilang lupang sinasaka.
Ang sabiy talagang sa kanunununuan ng kaniyang ama ang
naturang lupa. Walang sino mang sumisingil ng buwis at walang sino
mang nakikialam sa ano mang bunga ng kanilang mga tanim, maging
mais o tubo, o kayay maging ano man sa mga gulay na tanim nila sa
bakuran.
Subalit nang bata pa ang kanyang ama ay may nagpasukat ng
lupa at sinasabing kanila. Palibhasay wala silang maibayad sa
manananggol, ang pamahalaan ay nagkulang ng malasakit sa kanilang
karalitaan upang tangkilin ang kanilang karalitaan upang tangkilin ang
kanilang katwiran at karapatan. Sa wakas ay napilit silang mamuwisan
nang di nila makuhang umalis doon.
Noong bata pa si Marcos, ang bayad nilay isang salapi lamang
isang taon sa bawat ektarya ng lupang kanilang sinasaka. Subalit
habang nagtatagal ay unti-unti na silang nababaon sa pagkakautang sa
may lupa dahil sa mga kasunduang ipinapasok sa pana-panahon, gaya
ng takipan at talindawa.

Kaya namatay ang ama ni Marcos ay dahil din sa malaking sama


ng loob ng kay Don Teong. Ang kapatid niyay namatay dahil sa
paglilingkod sa bahay nito at higit sa lahat, nalalaman niyang kaya
namatay si Anita ay sapagkat natutop ng amang nakipagtagpong minsan
sa kanya sa loob ng halamanan, isang gabing maliwanag ang buwan.
Saka ngayoy paalisin naman sila sa kanilang bahay at lupang
binubuwisan?
Si Anita ay lihim na naging kasintahan ni Marcos, maging isang
taon noon. Sapul nang dumating si Anita sa kanilang bayan buhat sa
pag-aaral sa isang kolehiyo ng mga madre sa Maynila, si Marcos ay
nagsimpan na ng mallaking pag-ibig sa kanya. Alam ni Marcos ang
kanyang lkalagayan na halos ay lumaki sa ibabaw ng kalabaw at sa
pagtikin sa kanilang lamo sa ilog.
Si Marcos ay natapos lamang ng katesismo sa iskwelahan sa
silong ng kumbento sa kanilang bayan at natutong sumulat sa pisara ng
malaking numero. Ngunit gayon man, nagsikap siyang idilat ang
kanyang mga mata sa liwanag ng kabihasnan at pagkaunlad. Katutubo
kay Marcos ang hilig sas pagkatuto sapagkat sa pabanib niya sa mga
samahang pambayn ay natuklasan niyang walang mabuting paaralan
kundi ang pahayagan. Walang aklat, walang pahayagan at lingguhan sa
sarilng wika na hindi binabasa ni Marcos. Kahit manghiram lamang
kung wala na siyang ibili. Nagbabasa rin siya ng nobela at ibang akdang
katutuhan niya sa wikang Tagalog, o kayay salin sa wikang ito.
Lalo na ng magsimpan siya ng pag-ibig kay Anita, wala siyang
inaalagata sa kanyang buhay kundi ang balang araw ay maging karapatdapat sa mga kamay ng anak ni Don Teong na may-ari ng lupa nilang
sinasaka. Isa pay bukod sa naniniwala siya sa kasabihang ang lahat ng
tao, kahit hindi magkakulay ay sadyang magkapantay, ay tinatanggap
din niya ang palasak na kawikaang ang katapat ng langit ay pusalian.
Dahil diyan kahit bahagya ay hindi siya nag-atubili nang pagsisimpan ng
pag-ibig kay Anita.
At naibig naman siya ng anak ni Don Teong. Bakit hindi siya
maiibig? Minsa si Anita ay namangka sa kanilang ilog, gumiwang ang
bangka at nahulog sa tubig. Si Marcos noon ay nasa lamo at lihim
niyang sinusundan ang bakas sa tubig ni Anita. Nang makita niya ang

malaking sakuna ay lumundag siya sa ilog at sa pamamagitan ng langoy


na hampastikin ay inabot niya si Anita na kumakamot sa ilalim ng ilog.
Matapos niyang kalawatin ang kaliwa niyang bisig sa may baba ang
dalaga ay bigla niyang isinikdaw ang dalawang niyang paa sa ilalim kayat
pumaibabaw sila, at sa tulong ng pagkampay ng kanyang kamay at
pagtikad ng dalawa niyang paa ay nakasapit sila sa pampang.
Marcos, matagal na rin kitang iniibig, ang tapat ni Anita sa
binata., makaraan ng may ilang buwan buhat nang siyay mailigtas.
Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina upang lisanin ang lupang
lisanin ang lupang gayong ang sabi ay ari ng kanilang mga ninuno ay
binubuwisan na nila at sinamsam pa ngayon. At saka silang mag-ina ay
itataboy. Sino ang hindi magdadalang-poot sa gayung kabuktutan?
Dahil sa kanyang ina, natutong magtiim si Marcos ng kanyang
bagang. Kinagat niya ang kanyang labi upang huwag mabulalas ang
kanyang galit. Kinuyom niya ang mga kamay hanggang matimo sa palad
niya ang kanyang mag kuko.
Isang takipsilim nang marinig niya sa kampanaryo ng kanilang
simbahan ang malungkot na agunyas. Una muna ang malaking
kampana saka sumunod ang maliit. Bang! Teng! Bang! Teng! Babae ang
nalagutan ng hininga. Mliit naman ang kanilang bayan upang malihaim
pa kung sino ang binawian ng buhay. Wala siyang nalalamang may sakit
kundi si Anita. Dahil sa pagkakatutop sa kanila isang gabi, ang dalaga
ay sinaktang mabuti na ayon sa sabi ng nagbalita kay Marcos ay mata
lamang ang walang latay.
Buhat noon ay nagkasakit si Anita. Araw-araw ay tumatanggap si
Marcos ng balita nang tangkain niyang dumalaw na minsan ay hinarang
siya ni Don Teong na may hawak na rebolber. Susuong din sana si
Marcos, subalit nagdalawang-loob siya. Maaring maging dahilan iyon ng
bigla pang pagkamatay ng kanyang inibig, bukod sa magiging subyang
sa kanyang ina kung siya ay mawala.
Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don Teong ay isinama lamang
niya sa talaan ng pagmamalupit sa kanya ng mayamang may-ari ng lupa
nilang binibuwisan. Pangangagaw ng lupa sa kanila. Pagpapautang ng
patung-patong. Pagkamatay ng kanyang ama. Pagkamatay ng kanyang

kapatid. At saka noon pagtatangka sa kanyang buhay. Pinakahuli nga


ang pagkamatay nang tuluyan ni Anita, na ayon sa balita niyay
nalagutan ng hininga na siya ang tinatawag. Saka nitong huli, ay
pagpapaalis sa kanilang lupang kinagisnan at pinagyaman sa tulong ng
kanilang pawis na mag-anak.
Ngunit si Marcos, isang manggagawang hubog sa palihan ng
bagong panahon, ay lumaki ang puso sa pagtitiis. Naging maluwag nga
ang kanyang dibdib sa pagtanggap ng pang-aapi ng may-lupa. Hanggang
noong bago mamatay si Anita, akala niyay maari pa siyang makalunok
ng bagong pag-upasala ng itinuturing niyang panginoon. Datapuwat
nang tanggapin niya ang utos ng hukuman na pinaalis siya roon,
talagang nagdilim ang kanyang isip. Noon pay naisip na niyang gawing
batas ang kanyang kamay, yamang hindi na niya matatamo ang
katarungan sa hukuman ng mga tao.
Huminahon ka, anak ko, ang sabi ng kanyang ina. Hindi
natutulog ang Bathala sa mga maliit. Magtiis tayo.
Hindi na niya itinuloy ang paghahanap sa kanyang itak na
matalas. Pagkakain niya ng agahan, nilibang niya ang kanyang ina saka
lumabas sa bukid. Gaya rin ng datiy sinakyan niya ang kanyang
kalabaw na lalong mahal niya sa lahat ng limang alaga niya. Llumabas
siya sa bukid at hinampasan niya ng tanaw ang karagatan ng
namumulang
ginto.
Pagdaramdam
at
panghihinayang
ang
ngumangatngat sa kanyang puso. Gaaanong pawis ang nawala sa kanya
upang masaka ang naturang bukid? Gaanong pagod ang kanyang
pinuhunan upang ang palay nilay magbungng mabuti? Saka ngayoy
pakikinabangan at matutungo sa ibang kamay?
Napapalatak si Marcos sa ibabaw ng kanyang kalabaw. Ibig man
nyang magdimlan ng isip kung nagugunita ang utos ng hukuman,
subalit ang alaala ng kanyang inay walang iniwan sa bahagharing
sumusugpo sa nagbabalang unos. Dadalawa na lamang sila sa daigdig
upang huwag niyang pabayaan ang kaniyang ina; ipinangako niyang
hahandugan ng kaligayahan ang nalalabing buhay, bago nalagutan ang
kanyang ama.
Dahil nga sa kanyang ina, kaya naisip niya ang kabutihan kung
silay nagsasarili. Tutungo tayo sa hilag at kukuha ng homestead.

Kakasundo tayo ng mga bagong magsasaka; paris ni Don Teong, di


kailangan magkaroon din ako ng gayak na paris niya.
Kabalintunaan man ang sinabi ng anak ay hindi na nag-usisa ang
ina. Wala siyang nalalaman kundi takipsilim, kung nakaligpit na ang
mga tao sa nayon, ang buong kagayakan ay isinusuot ng kanyang anak
saka lumalabas sa bukid. May dalawang linggong gayon nang gayon ang
ginagawa ni Marcos, hanggang isang araw ay tawagan siya ng pansin ang
matanda.
Marcos, sabi ng matanda. Dalawang linggo na lamang ang
natitira sa ating taning ay hindi mo ginagawa ang pakikipagtuos kay Don
Teong. Kung may magiging sukli man lamang tayo sa ating ani ngayon?
Huwag ka pong mabahala, Inang, sabi ng mabait na anak,
nalaglag po ang dahon sa kanyang kapanahunan.
Talinghaga na naman ang sinabi ni Marcos. Gayon man ay may
nagunita siyang isang bagay na ibig niyang malaman sa anak.
Bakit hindi mo iniuwi ang kalabaw
ang kalabaw na mahal na mahal ni Marcos.
Marcos, subalit ang huling kapasyahan ni
lahat ng kanyang pagtitimpi. Ayaw niyang
hinihingi ng pagkakataon.

sa bakuran mo? tinutukoy


Maaring magpakahinahon si
Don Teong ay numakaw ng
gumamit ng dahas, subalit

Nagunuta niya ang sinabi Rizal na walang mang-aalipin kung


walang napaalipin. Napahilig siya sa harap ng gayong masaklap na
katotohanan. Patung-patong na ang ginagawang pamamaslang sa kanya
ni Don Teong na takalang dapat nang kalusin. Nagunita rin ni Marcos
ang marami pang ibang kasama, katulad din niya, na sa kamay ng
mayamang si Don Teong ay walang iniwan sa mga leeg ng manok na
unti-unting sinasakal hanggang makitil ang hininga sa hangad na
mahamig na lahat ang kkayamanang gayong minana sa kanilang mga
ninuno ay iba ngayon ang may-ari at nagpapabuwis pa.
Kailangang maputol ang kalupitang ito! ang tila pagsumpa sa
harap ng katalagahan na ginawa ni Marcos.
Bakit ka bumili ng pulinas, gora, suwiter at latigo,anak ko? ang

tanong ng matanda kay Marcos, isang araw na dumating siyang pagod


na pagod sa naturang dala-dalahan.
Inihahanda ko po iyan sa pagiging panginoon paris ni Don Teong,
ang nakatawang sagot ng anak. Kung tayo poy makaalis na rito di
tayoy magiging malaya, ang tila wala sa loob na tugon ng anak.
Ang tototo, ang naturang kalabaw ni Marcos ay nakapugal sa
hangganan ng lupang sarili ni Don Teong. Kung takipsilim ay isinusuot
na lahat ni Marcos ang pulinas, gora, switer at sak adala ang latigong
katulad ng pamalo ni Don Teong. Pagdating niya sa pook na
kinapupugulan ay saka aasbaran ng palo ang kalabaw hanggang sa itoy
umungol na ang alingawngaw ay abot hanggang sa kalagitnaan ng
bayan. Kung di niya nakitang halos apoy ang lumalabas sa dalawang
mata ng hayop ay hindi pa niya ito titigila. Sa gayon ay matulin ay
matulin siyang nagtatago upang umuwi na siya sa bayan. Kung
dumarating siyay daratnan niya nag kaniyang inang matuwid ang
pagkakaluhod sa harap ng maitim na Santo Kristo sa kanilang silid na
naiilawan ng isang malaking kandila.
Salamat, anak ko, at dumating ka, ang sasabihin na lamang ng
matanda. Akala koy napahamak ka na.
Si Don Teong ay ugaling maglibot tuwing hapon sa paligid-ligid ng
kaniyang lupa, ang ipinanganib ng ina ni Marcos ay baka
magkasalubong si Marcos at ang kanilang panginoon, ay hindi
makapagpigil ang sinuman. Nalalaman din ng matandang babae na
laging dalang rebolber sa beywang ang mayamng asendero buhat ng
magkaroon ng alitan dahil sa lupa, kaya lagi niyang inaalala ang pagalisalis ni Marcos.
Subalit isang hapon samantalang payapang inihahanda ng magina ang kanilang pag-alis, walang iniwan sa putok ng bulkan ang
balitang kumalat sa bayan na si Don Teong ay namatay sa pagkasuwang
sa kalabaw. Sinabi ng mga nakakita na pagkakita kay Don Teong ay tila
may sinisimpang galit sapagkat bigla na lamang sinibad ang mayamng
matanda at nasapol ang kalamnan ng sikmura ng matulis na sungay ng
hayop. Pagkasikwat sa katawan ng asendero ay tumilapon pa sa itaas at
paglagpak ay sinalo naman sa kabilang sungay.

Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa


bayan at wasak ang switer sa katawan at saka pulinas. Kumilos agad
angkapangyarihan upang gumawa ng kailangang pagsisiyasat subalit
ang lahat ng matuwid ay nawalan ng halag sa hindi kumikilos na ayos
ng kalabaw na animoy wala sa loob ang ginawa niyang napakalaking
pagkakasala.
Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isay
nagkatinginan. Hindi nila malaman kung papaanong ang poot ni Marcos
kay Don Teong ay nagtungo sa alaga niyang hayop.
Si Marcos ay nakatingin din sa orasan ng gabing yaon. Tatlong
minuto na lamang ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya gumagalaw.
Hindi siya nababahala.
Tumugtog ang animas. Hindi gaya ng dating ayaw niyang marinig.
Sa halip na idalangin ang kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niyay
ang matapang na kalabaw.
Mapalad na hayop na walang panginoon, ang kanyang naibulong.
Buod:
Ito ay kwento ng isang lalaki na pinagkaitang mahalin ang isang
babae pinaghiwalay sila ni don teong ang ama ni anita. Sa loob loob
niya, tinitimpi niya lahat ng galit na idinudulot ni Don Teong sa kanyang
pamilya. Pagkat hindi lamang simpleng pang aalipin ang pagpapahirap
sa kanila kundi ang kaniang dangal at pagkatao.
Sila ay pinagbabayad ng buwis sa lupang kanilang sinasaka
bagaman ang sabiy itoy pag-aari ng kanilang ninuno. Dahil sa wala
silang kakayahan upang maipagtanggol ang kanilang karapatan, napilita
silang bayaran ang sarili nilang pag-aari. Na siya naming ikinamatay ng
ama ni Marcos, gayundin sa tiyuhin niyang nagsilbi sa lugar ni Don
Teong. Siya ay lubhang nalulungkot pagkat patago ang pag-iibigan nila
ni Anita. Ito ay nalaman rin ni Don Teong at sinaktan si Anita hanggang
sa mamatay. Hindi pa man humuhupa ang galit niyay naroon na ang
kautusan ng pamahalaan na sila na ay pinapaalis sa kanilang tahanan.
Ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa
maghapong pagbubukid.

Dahil sa obrang galit ni Marcos kay Don Teong gumawa siya ng


paraan para makaganti at kanyang ginamit ang kanyang kalabaw upang
mapatay si Don Teong. Araw- araw niyang pinapahirapan ang kanyang
kalabaw at siyay nakasuot ng dmit na katulad na katulad ng kay Don
Teong hanggang isang araw ng si don teong ay mamasyal sa bukid bigla
siyang sinuwag ng kalabaw at dun namtay na si Don Teong.

WALANG SUGAT
ni Severino Reyes
Unang Bahagi
I TAGPO
(Tanggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador Musika)
Koro : Ang karayom kung iduro
ang daliriy natitibo,
kapag namali ng duro
burda namay lumiliko.
Julia : Anong dikit, anong inam
ng panyong binuburdahan,
tatlong letrang nag-agapay
na kay Tenyong na pangalan.
Koro : Ang karayom kung itirik
tumitimo hanggang dibdib.
Julia : Piyesta niyay kung sumipot
panyong itoy iaabot,
kalakip ang pusot loob,
ng kaniyang tunay na lingkod.
Si Tenyong ay mabibighani
sa dikit ng pagkagawa

mga kulay na sutla,


asul, puti at pula.
Panyoy dito ka sa dibdib,
sabihin sa aking ibig
na akoy nagpapahatid
isang matunog na halik
Koro : Ang karayom kung iduro
ang daliriy natitibo.
Hoy tingnan ninyo si Julia
pati panyoy sinisinta,
kapag panyo ng ibig
tinatapos na pilit
nang huwag daw mapulaan
ng binatang pagbibigyan:
ang panyo pay sasamahan
ng mainam na pagmamahal.
At ang magandang pag-ibig
kapag namugad sa dibdib
nalilimutan ang sakit
tuwa ang gumigiit.
Mga irog natin naman
silay pawang paghandugan
mga panyong mainam
iburda ang kanilang pangalan.
Julia : Piyesta niyay kung sumipot
panyong itoy iaabot
kalakip ang pusot loob
ng kaniyang tunay na lingkod.
Koro : Nang huwag daw mapulaan
ng binatang pagbibigyan
ang panyo pay sasamahan
ng mainam na pagmamahal.
Salitain
Julia : Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayoy mangagsayaw na.
(Papasok ang magsisikanta.) (Lalabas si Tenyong).

II TAGPO
(Tenyong at Julia)
Salitain
Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo
Julia : Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang
pagkakayari, nakakahiya
Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko hihipuin, ganoon lang?ay
Julia : Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo.
Tenyong: (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na hubog
kandila, na anakiy nilalik na maputing garing, ay may yayariin
kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang.
Julia : Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko.
Tenyong: (Nagtatampo) Ay!
Julia : Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka
palang mapagod.
Tenyong: Masakit sa iyo!
Julia : (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong (Sarili) Nalulunod pala
ito sa isang tabong tubig!
Tenyong: Ay!
Julia : (Sarili) Anong lalim ng buntong hininga! (Biglang ihahagis ni Julia
ang bastidor).
(Sarili) Lalo ko pang pagagalitin!
Tenyong: (Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod)
Patawarin mo ako; Hindi na ako nagagalit
Julia : Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay!
Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at
nakikita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang
pangalan ko.

Julia : Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan
Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio; N. Narciso,
at F. ay Flores.
Julia : Namamali ka, hindi mo pangalan iyan.
Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga?
Julia : Sa among! Iyay iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko.
Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letray A, N, at F?
Julia : Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin at ang F, ay
Frayle.
Tenyong: Among Nating Frayle, laking kaalipustaan! Huwag mo akong
aglahiin nang tungkol sa mga taong iyan at madaling magpanting
ang tainga ko.
Julia : Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kanyang bulsa ang
posporo at magkikiskis maraming butil at nang nag-aalab na
magsasalita.)
Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag
hindi ko sinilaban, ay .sinungaling akomangusap ka.
Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban).
Musika No. 2
Julia : Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan.
Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at
di mapigilan.
Julia : Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay
talagang iyo, sampu ng nagburdang si Juliang iniirog mo.
Tenyong: Salamat, salamat, Juling poon ko.
Julia : Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko.
Tenyong: Pag-iibigan tay kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi
paglingap mo sa akin kusang mamalagi huwag malimutan sa tuwituwi

Tenyong: Julia koy tuparin adhikain natin.


Julia : Tayoy dumulog sa paa ng altar.
Tenyong: Asahan mo.
Sabay: Di mumunting tuwa ditoy dumadalaw, ano pat wari di na
mamamatay sa piling mo oh! (Tenyong) niyaring buhay (Julia) di na
maalaalang may kabilang buhay. (Lalabas si Juana).
III TAGPO
(Tenyong, Julia, at Juana mamayay Lukas)
Salitain
Juana : Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (Nagulat si
Julia at si Tenyong)
(Lalabas si Lukas)
Lukas : Mamang Tenyong, Mamang Tenyong!
Tenyong: Napaano ka, Lukas?
Lukas : Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria.
Tenyong: Diyatat dinakip si Tatang?
Lukas : Opo.
Tenyong: Saan kaya dinala?
Lukas : Sa Bulakan daw po dadalhin.
Tenyong: Tiya, ako po paparoon munat susundan si Tatang.\
Juana : Hintay ka sandali at kamiy sasama. Julia, magtapis ka
(Magsisipasok sina Juana, Julia, Magtapis ka (Magsisipasok sina
Juana, Julia, at Lukas).
Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang
tinatamo ng dibdib, ay tinutungunan kapagdaka ng matinding
dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay
maitutulad sa bango sa bulaklak, na sa sandaling oras ay kusang
lumilipas!

(Telong Maikli)
Kalye
IV TAGPO
(Musika)
Koro at Lukas
Lukas : Tayo nat ating dalawin mga tagarito sa atin.
Koro : Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin.
Isang Babae: Naubos na ang lalaki.
Lahat ng Babae: Lahat nay hinuhuli mga babae na kami.
Lukas : Marami pang lalaki.
Lahat ng Lalaki: Huwag kayong malumbaykamiy nasasa bahay at
nahahandang tunay, laan sa lahat ng bagay.
Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming
babaey pabayaan, di namin kayo kailangan.
Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang.
Isang Lalaki: Kaka koy gayundin naman.
Isang Babae: Asaway paroroonan.
Isang Babae: Anak koy nang matingnan.
Lahat : Tayo nat sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa kanilay
dalhin masarap na pagkain.
Mga Babae: Tayo, tayo na.
Lahat : Sumakay sa tren.
Mga Lalaki: Doon sa estasyon.
Lahat : Ating hihintin. (Papasok lahat)
(Itataas ang telong maikli)
V TAGPO

(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong


nakatali sa mga rehas.)
(Ang mga prayle at si Marcelong Alkalde.)
Salitain
Relihiyoso 1.0.: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; masamang tao
ito
Marcelo : Mason po yata, among?
Relihiyoso 1.0: Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagkat
kung siya sumulat maraming K, cabayo K.
Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!
Relihiyoso 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya
ang kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan ng K. Masamang tao
iyan, mabuti mamatay siya.
Relihiyoso 2.0.: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez
de Paz, ay daragdagan ng rasyon.
Marcelo: Hindi sila makakain eh!
Relihiyoso 1.0: Hindi man ang rasyon ang sinasabi ko sa iyo na
dagdagan, ay ang pagkain, hindi, ano sa akin kundi sila kumain?
Mabuti nga mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi ko sa yo
ay ang palo, maraming palo ang kailangan.
Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po
namang mangagsidaing; isang linggo na pong paluan ito, at isang
linggo po namang walang tulog sila!
Relihiyoso 2.0: Loko ito! Anong awa-awa? Nayon walan awa-awa, duro
que duro-awa-awa? Ilan kaban an rasyon? Ang rasyon nan palo,
ha.
Marcelo: Dati poy tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na
tinutuluyan, ngayon poy lima ng kaban, at makalima po sa isang
araw.
Relihiyoso 2.0: Samakatwid ay limang beses 25, at makalimang 125, ay
Huston 526 (binibilang sa daliri). Kakaunti pa! (bibigyan si Marcelo

ng kuwalta at tabako).
Marcelo: Salamat po, among!
Relihiyoso 1.0: Kahapon ilan ang namatay?
Marcelo: Walo po sana, datapwat nang mag-uumaga po ay pito lamang.
Relihiyoso 1.0: Bakit ganoon? (gulat).
Marcelo: Dahil po, ay si Kapitang Innggo ay pinagsaulan ng hininga.
Relihiyoso 1.0: Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si
Kapitana Putin, at ibig daw makita si Kapitan Inggo na asawa niya.
Kung ganoon ay hindi na mamamatay si Kapitan Inggo?
Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang
dalawang pigi sa kapapalo, at ang dalawang braso poy litaw na
ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos.
Relihiyoso 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon
ngayon?
Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang
kaban.
Relihiyoso 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si
Kapitan Inggo ay araw-araw papaluin at ibibilad at bubusan nang
tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha?
Marcelo: Opo, Among
(Sa mga kasama niya) Compaeros, habeis traido el dinero para el
Gobernador?
Relihiyoso 2, 3, 4: Si, si, hemos traido.
Relihiyoso 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.
Marcelo: Hindi po makalakad, eh!
Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag.
Relihiyoso 2.0: Tonto.
Tadeo: Bakit ka mumurahin?

Juana: Kumusta po naman kayo, among?


P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin ay lagi
na lamang sa hirap, noong araw kami ay walang inaasahan kundi
kaunting suweldo dahil sa kamiy alipin ng mga prayle; ngayon
nga, kung sa bagay ay kami na ang namamahala, wala naman
kaming kinikita; wala nang pamisa, mga patay ay hindi na
dinadapit; ngayon ko napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng
mga tao noong araw ay pawang pakunwari at pakitang-tao lamang
alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.
Juana: Totoo po ang sabi mo.
P. Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga klerigo ay mauwi sa
pagsasaka, tantuin niyong kaming mga pari ay hindi mabubuhay
sa panay na hangin.
Juana: Bakit dami mo pong mga pinakakaing mga pamangking dalaga?
P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko.
Miguel: Ay! Aling Juliaay..mamamalapit na po.
Julia: Alin po ang malapit na?
Miguel: Angangang
Julia: (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito?
Tadeo: Miguel, tayo nat nagkayari na kami ng kaniyang ina.
Miguel: Aysalamat (tuwang-tuwa)
Julia: (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang?
Tadeo: Ano ba ang sinabi mo?
Miguel: Sinabi ko pong ay Julia! Ay, Aling Julia! Ay, Julia ko!
Tadeo: Wala ka nang nasabi kundi pulos na ay? Hindi ka nagpahayag
ng pagsinta mo?
Miguel: Sinabi ko pong malapit na.
Tadeo: Malapit na ang alin?
Miguel: Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, hindi ko

po nasagutan
Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo nat baka ka pa mahalata.
Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo.
(Magsisilabas ang mga dalaw).
VI TAGPO
(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong at mga dalaw, babae at
lalaki.)
Salitain
Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita mo na ang tao mo,
dadalhin dito, at sinabi ko sa Alkalde na huwag nang papaluin,
huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan na ng mabuting
tulugan
Putin: Salamat po, among.
Relihiyosa 1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador, at
sasabihin namin na pawalan, lahat ang mga bilanggo, kaawa-awa
naman sila.
Putin:

Opo, among, mano na nga po. Salamat po, among.


(Mangagsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga ibang
lalaki.)

Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador..a Manila,


cogemeros el tren en la Estacion de Guiguinto, es necesario deciral
General que empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la
provincia, porque esto va mal.
Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal.
Los 3: Si, si a fuislar, a fusilar.
(Papasok ang mga pare.)
VII TAGPO
(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso.)
Salitain

Putin: Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay


sa among?
Tenyong: Inang, ang mga kamay pong.namamatay ng kapwa ay hindi
dapat hagkan, huwag pong maniniwalang sasabihin niya sa
Gobernador na si tatang ay pawalan, bagkus pa ngang ipagbibiling
patayin na ngang tuluyan. (Sarili). Kung nababatid lamang ng mga
ito ang pinag-usapan ng apat na lilo! Nakalulunos ang
kamangmangan!
(Ipapasok si Kapitang Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid.)
Putin: Inggo ko!
Tenyong: Tatang!
Julia: Kaawa-awa naman!
Tenyong: Mahabaging Langit!
Musika
Tenyong: Ang dalawang brasoy gitgit na ang laman, naglabas ang buto
sa mga tinalian, lipos na ang sugat ang buong katawan,
nakahahambal! Ay! Ang anyo ni amang! Ang lahat ng itoy gawa ng
pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lusiper sa
demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugaliAh, kapag ka
namatay oh, ama kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit
na ano ang aking masapit, sa ulo ng prayle isa sa kikitil.
Salitain
Tenyong: Tatang, ikaw poy ititihaya ko nang hindi mangalay
Inggo: Huwag na.anak ko.hindi na maaariluray luray na ang
katawanTayoy maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko,
huwag mong pabayaan ang inang mo!
Putin, ay PutinJuana-Juliakayo na lamang ang inaasahan kong
kakalinga sa kanila.Ang kaluluwa koy inihain ko na kay
Bathala.
Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Anot inyong ipinagkaloob ang
ganitong hirap? (Dito lamang ang pasok ng kantang Ang dalawang
brasoy)

Musika No. 2
Tenyong: Ang dalawang brasoy gitgit na ang laman, naglabas ang buto
sa mga tinalian, lipos na ng sugat ang buong katawan,
nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng itoy gawa ng
pari na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa
demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali. Ah! Kapag
namatay ka, oh, ama kong ibig, asahan mo pot igaganting pilit
kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng prayle, isa sa kikitil.
Julia: Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong iyay tadtarin man
yata lahat niyang laman, buto sampung taba, di makababayad sa
utang na madla.
(Mga babaet lalaki)
Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig sa magpahirap.
Tenyong: Oot di matingnan puso koy sinusubhan sa ginawa kay amang
ng mga taong hunghan..Ang away nilimot sa kalupitan.
Lalakit babae: Wari mukha nang bangkay.
Salitain:
Tenyong: Inang, masdan mo po.at masama ang lagay ni tatang,,,Inang,
tingnan mot naghihingalo.Tatang, tatang.
Putin: Inggo ko..Inggo
Tenyong: Patay na!
(Mangagsisihagulgol ng iyak)
(Telong Maikl
VIII TAGPO
(Sila ring lahat , wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga
bilanggong nangakagapos.)
Salitain.
Putin: Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal

ang buong katawan ko! Nagsisikip ang aking dibdib! Ang sakit ay
taos hanggang likod! Ay, Tenyong, hindi ako makahinga! Ang puso
koy parang pinipintpit sa palihang bakal!
(Si Putin ay mapapahandusay).
Tenyong: Langit na mataas!
(Papasok lahat)
IX TAGPO
(Tenyong at mga kasamang lalaki, mamayay si Julia.)
Salitain.
Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay
dalhin.
Isa: Akoy mayroong iniingatan.
Isa pa: Ako may mayroon din.
Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.
Isa: Nalalaman mo bang silay mangagsisilulan?
Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko
tuloy nasasabihin daw nila sa Heneral na tayoy pagbabarilin na.
Isa: Mga tampalasan.
Isa pa: Walang patawad!
(Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si
Julia)
Julia: Tenyong, Tenyong!
Tenyong: Julia!
Julia: Diyatat matitiis, na inay lisanin mo sa kahapishapis na anyo? Di
ba nalalaman mong sa kaniyay walang ibang makaaaliw kundi
ikaw, at sa may damdam niyang puso, ay walang lunas kundi ikaw
na bugtong na anak? Bakit mo siya papanawan?
Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwat sa sarili mong loob, di ba

si inang ay kakalingain mong parang tunay na ina; alang-alang sa


paglingap mo sa akin? Sa bagay na ito, ano ang ipag-aalaala ko?
Julia: Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng
isang lalaking kamukha mo ay di maititingin ng isang babaing
gaya ko. Tenyong, huwag kang umalis!
Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay
hinihintay ng mga kapatid, Julia, tumugtog na ang oras ng
pananawagan ng naaaping ina, sa pinto ng nagpaubayang anak;
ang ina natin ay nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito
sa dibdib koy tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, ang
nakapanlulumo niyang daing: May anak ko, anya, ngayoy
kapanahunang akoy ibangon na ninyo sa pagkalugami. Oras na,
Julia ko, ng paglagot ng matibay na tanikalang mahigpit sa tatlong
daang taong sinasangayad; hindi dapat tulutangmga iaanak
natin ay magising pa sa kalagim-lagim na kaalipin.
Julia: Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin!
(Huhubarin ang gargantilyang may medalyita; tangnan at isusuot
kay Tenyong ang gargantilya;) Ang larawang itoy aking isasabit sa
tapat ng pusoy huwag iwawaglit at sa mga digma, kung siyay
masambit ipagtanggol ka sa mga panganib. /Kung saka-sakaling
irog koy masaktan, pahatid kang agad sa aking kandungan. Ang
mga sugat moy aking huhugasan ng masaganang luhang sa
matay nunukal.
Tenyong: Sa Diyos nananalig.
Julia: Puso koy dinadalaw ng malaking hapis.
Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.
Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.
Julia: Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.
Tenyong: Ang ulap Julia koy di mananatili. Darating na ibig, ang
pagluluwalhati.
Julia: Tenyong na poon koy kahimanawari. Magliwayway ulit dilim ay
mapawi.
Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Akoy tutupad

lang ng aking panata sa pakikianib sa mga kasama. Aming


tutubusin, naaliping ina. Ikaw irog koy aking itatago sa loob ng
dibdib, sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang pagkasiphayo sa
mga sakuna, ikawy kalaguyo. (Titigil) Yayao na ako!
Julia: Akoy lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik
ka agad nang di ikamatay.
Tenyong: Juling aking sinta!
Julia: Oh, Tenyong ng buhay!
Tenyong: (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis.)
Julia: (Biglang lilingon) Te! Yumao na! (Papasok)
X TAGPO
(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya
ay maririnig ang sigawan sa loob. Mga prayle at mga kasama ni Tenyong
at si Tenyong.)
Sa loob.
Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayot oras na ninyo! Ikaw ang pumatay
sa ama ko-Perdon! Walang utang na di pinagbayaran! (Hagaran at
mapapatay ang mga prayle, isa ang mabibitin na sasama sa tren.)
(Telon)
Wakas ng Unang Bahagi
Ikalawang Bahagi
I TAGPO
(Bahay ni Julia)
(Julia at Juana)
Salitain
Juana: Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang
kanyang ama, silay pagpapakitaan nang mainam.
Julia: Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po!

Juana: Bakit ba ganiyan ang sagot mo?


Julia: Wala po!
Juana: Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at
nakaririwasa, ano pa ang hahangarin mo?
Julia: Ako po, inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang
tinuran mo, ang hinahangad ko po ay.
Juana: Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang matalastas ko.
Julia: Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko.
Juana: (Natatawa) Julia, akoy natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa
nga anong pusu-puso ang sinasabi mo? Totoo ngat noong unang
dako, kapag may lalaking nangingibig , ay tinatatanggap ng mga
mata at itinutuloy sa puso, at kung ano ang kaniyang tibok ay
siyang sinusunod datapwat gayoy iba na, nagbago nang lahat and
lakad ng panahon, ngayoy kung may lalaking nangingibig ay
tinatanggap ng mga mata at itinutuloy sa puso, at kung ano ang
kaniyang tibok ay siyang sinusunod datapwat ngayoy iba na,
nagbago nang lahat ang lakad ng panahon , ngayoy kung may
lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy dito
(hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa puso; at kung ano ang
pasya ng isip ay siyang paiiralin: ang puso sa panahong ito ay
hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan, siyay
nagpapahingalay na
Julia: Nakasisindak, inang ko, ang mga pangungusap mo!
Juana: Siyang tunay!
Julia: Ako poy hindi makasunod sa masamang kalakaran ng panahon,
dito po ako makatatakwil sa tapat na udyok ng aking puso.
Juana: Julia, tila wari . . . . may kinalulugdan ka nang iba.
Julia: Wala po!
Juana: Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman
mo na, ang kagalingan mong sarili ang aking ninananais. Ang wika
ko baga, ay bukas-makalaway mag-aasawa ka rin lamang ay
kung mapapasa-moro, ay mapasa-Kristiyano na!

(Papasok)
Julia: (Sarili) Moro yata si Tenyong!
II TAGPO
(Julia at Monica)
Salitain
Julia: Monicaaaaaaaaaa, Monicaaaaaaaaaa
Monica: (Sa loob) Pooo!
Julia: Halika-(Lalabas si Monica) Pumaroon ka kay Lukas, sabihin mong
hinihintay ko siya; madali ka..
Monica: Opo (Papasok)

III TAGPO
(Julia-mamayay Miguel, Tadeo, Pari Teban, at Juana)
Musika
Dalit ni Julia
Oh, Tenyong niyaring dibdib,
diyata' akoy iyong natiis
na hindi mo na sinilip
sa ganitong pagkahapis.
Ay! Magdumali kat daluhan,
tubusin sa kapanganiban,
huwag mo akong bayaang
mapasa ibang kandungan.
Halika, Tenyong, halika,
at baka di na abutin
si Juliay humihinga pa
papanaw, walang pagsala!
At kung patay na abutin
itong iyong nalimutan
ang bangkay ay dalhin na lamang
sa malapit na libingan.

Huling samo, oh! Tenyong,


kung iyo nang maibaon
sa malungkot na pantiyon,
dalawin minsan man isang taon.
Salitain
P. Teban: (Pumalakpak) Mabuti ang dalit mo Juliadatapwat na
pakalumbay lamang
Julia: (Gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayoy
nangagsiratingKahiya-hiya po.
P. Teban: Hindi; hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang inang mo?
Julia: Nariyan po sa labas: tatawagin ko po. (Papasok).
P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting
asawa.Marunong kang pumili, Miguel.
Tadeo: Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel poy hindi maalam
makiusap. (Lalabas si Juana).
Juana: Aba, narito pala ang among! Mano po, among.
P. Teban: Ah, Juana, ano ang buhay-buhay?
Juana: Mabuti po among.
Tadeo: (Kay Miguel) Lapitan mo.
Miguel: Baka po ako murahin ah!
May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman at
bugtong na anak ngunit dungo. Payo ni Aling Juana:Ang pag-ibig ay
tinatanggap ng mata at itinutuloy sa isip at di sa puso Tutol si Julia kay
Miguel. Ngunit ipinagkayari siya ng ina sa ama ni Miguel. Hindi alam ni
Juana ang ukol sa anak at pamangking si Tenyong. Nagpadala ng liham
si Julia kay Tenyong sa tulong ni Lukas.
Si Tenyong ay kapitan ng mga naghihimagsik. Walang takot sa
labanan. Natagpuan ni Lukas ang kuta nina Tenyong. Ibinigay ang sulat
ng dalaga. Isinasaad sa sulat ang pagkamatay ng inang si Kapitana
Putin at ang araw ng kasal niya kay Miguel. Sasagutin na sana ni

Tenyong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan.


Ikatlong Bahagi
Sinabi ni Lukas kay Julia ang dahilan nang di pagtugon ni
Tenyong sa liham. Nagbilin lamang ito na uuwi sa araw ng kasal. Minsan
habang nanliligaw si Miguel kay Julia ay si Tenyong naman ang nasa isip
ng dalagang ayaw makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan ng ina. Si
Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana, na ina ni
Julia.Kinabukasay ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si
Julia kay Lukas na tumakas upang pumunta kay Tenyong. Ngunit di
alam ni Lukas kung nasaan na sina Tenyong kaya walang nalalabi kay
Julia kungdi ang magpakasal o magpatiwakal.
Pinayuhan ni Lukas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung
iniibig nito si Miguel ay buong lakas nitong isigaw ang Hindi po!. Ngunit
tumutol ang dalaga dahil mamamatay naman sa sama ng loob ang
kanyang ina.
Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si
Tenyong na sugatan. Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari
para makapangumpisal si Tenyong. Kinumpisal ng kura si Tenyong.
Ipinahayag ng kura ang huling hiling ng binata na sila ni Julia ay
makasal. Galit man si Juana ay pumayag ito. Maging si Tadeo ay
pumayag na rin sa huling kahilingan ng mamamatay. Gayun din si
Miguel. Matapos ang kasal, bumangon si Tenyong. Napasigaw si Miguel
ng Walang Sugat. Gayundin ang isinigaw ng lahat.
Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang lahat.

Pinaglahuan(Buod)
ni Faustino S. Aguilar
Nagsimula ang nobela sa paglalarawan ng isang nagmamadaling
lungsod na maparoot dito ay kayrami ng taong nagsisipaglagusan dahil
sa napabalitang mayroong pagtitipong mangyayari at magkakaroon ng
malaking pagpupulong
ukol sa usaping pakikianib sa ilang
Amerikanong doon sa Estados Unidos ay nagsisipagpumilit matamo ng
mga Pilipino ang pananariling malaon nang minimitihi.

Sa maluwag na daan ng Cervantes, ay makikitang nagtitipuntipon ang mga anak ng bayan. Buhat doon ay makikita ang isang
magandang binibining magkakalabimpitong taon marahil na si Danding ,
kasama nito ang kanyang amang si Don Nicanor Gutierrez. Kasunod ng
kanilang magarang Karwahe ay ang kalesin ng binatang si Victorino
Rojalde na siyang kilala bilang isang ulilang mayaman na tinipanan na
siyang magtamo ng kamay ni Danding.
Halos araw- araw ay parang buntot itong si Rojalde na umaaligid
kay Danding na sa simula pa lang ay hinahangaan niya nang lubos dahil
sa pagkamahinhin nito at angking gandat alindog nito. Dahil sa
kayamanang taglay ng maginoo ay walang alinlangan ang mga magulang
ni Danding na ipagkasundo silang dalawa. Waring nararamdaman ni
Danding na siyay ipinagbili ng kanyang mga magulang sa halagang
hindi maaabot kailanman ng kanyang pinakakamahal na si Luis Gatbuhay.
Sa lipunang kinagisnan ni Luis ay walang puwang ang mga dukha.
Para sa mga mayayaman, sila lamang ay kasangkapan ng mga
mayayaman sa pagpapalago ng mga kalakal nito na pilit pang ipagkait
ang hinihiling nilang tamang pasahod na naaayon para sa kanilang
lakas na siyang puhunan. Silay hinahangaan ng mga mayaman dahil sa
silay masunurin at umanoy mangmang at tikom ang bibig.
Nakatakda nang ikasal si Danding na tunay namang nagdulot ng
parehong pighati nilang magkasintahan na si Luis. Pareho nilang mahal
ang isat isa ngunit hindi sila maaaring magsama dahil sa dapat sundin
ni Danding ang kagustuhan ng kanyang mga magulang na siyay
ipakasal sa mayamang si Rojalde upang mapagtakpan ang magiging
kahihiyan ng kanyang mga magulang sa malaking pagkakautang nito
kay Rojalde. Isang masunuring anak si Danding na kahit mamamatay na
ang kanyang pusoy handa siyang gawin ang lahat, huwag lamang
sumuway sa kagustuhan ng kanyang mga magulang na ayon sa
nakakatanda pang paniniwala na isang napakalaking kasalanan ang
hindi pagsunod sa kagustuhan ng mga magulang.
Habang papalapit na ang kasal nila ni Rojalde at Danding, ay
napag- alaman ng binata na ang minamahal pala ng kanyang iniibig ay
si Luis Gat-buhay, isang hamak na dukhang nanunungkulan sa bahaykalakal ni Mr. Kilsberg na isang Amerikanong kapwa niya
mangangalakal, na siyang nagpapakain sa iba pang limang sikmurang

umaasa dito. Nagkapoot si Rojalde kay Luis, kayat nag-isip siya ng


masamang balak para sa ikasisira nito kay Danding. Siniraan niya ito
kay Mr. Kilsberg na siyang nauwi sa pagkatanggal ni Luis sa
pinapasukan. Hindi pa rito nagtapos ang kasamaan ni Rojalde. Kanyang
sinuhulan ng malaki ang kanyang utusang si Pedro upang
maisakatuparan ang lahat ng kanyang balak bago pa sila maikasal ni
Danding. Binigyan niya si Pedro ng malaking halaga at nang hindi ito
makapagtanggi at bunga na rin ng kagustuhang maiangat ang sarili.
Nagkunwari si Pedro na siyay pinalayas ng dating panginoon nito
kayay napadpad kina Luis. Walang alinlangang tinanggap ni Luis si
Pedro at pansamantalang pinatutuloy niya ito sa kanila. Sa pagdaan ng
maraming araw ay nagkagaanan na sila ng loob kayat lubos ang
tiwalang ibinigay niya rito. Hindi alam ni Luis na may masamang pakay
pala itong si Pedro sa kanya.
Isang araw, kinausap siya ni Pedro na itoy samahan sa pagkuha
ng natitirang gamit sa bahay diumano ng kanyang among si Victorino
Rojalde. Sa kabutihang loob nito, ay sinamahan niya naman ito.
Pinagbilinan siya ni Pedro na siyay maghihintay lamang sa labas ng
malaking bahay ni Rojalde. Nang pumasok na si Pedro , ay nagkunwari
siyang kumuha ng iilang salapi at inilagay niya ito sa bulsa. Nagpaputok
ng baril si Rojalde at kunwaring ninakawan diumano ang kanyang
bahay. Laking gulat na lamang ni Luis nang patakbong pumaroon sa
kanya si Pedro at sinabing silay lilisan na lugar na iyon. Ngunit hindi pa
sila pumalayo ay pinaputukan sila na naging dahilan ng kanilang
paghinto. Silay pinaratangan ng pagnanakaw. Pareho silang tumanggi ni
Pedro. Ngunit laking gulat niya nang makitang totoong may mga salapi si
Pedro sa bulsa nito at siya diumano ay kasabwat.
Kinabukasan ay kalat na sa buong Kamaynilaan ay naturang
pangyayari. Nabasa naman iyon ni Danding na ikinamuhi naman niya
kay Luis dahil sa itoy magnanakaw. Ngunit sa kaloob- looban nitoy
mahal na mahal pa rin niya ang lalaki.
Dahil sa walang pampiyansa ang pamilya ni Luis ay nahatulan
siya ng pagkakabilanggo at kasabay noon ay ang pagpapakasal ni
Danding kay Victorino Rojalde. Pagkatapos ng kasal ay nagbakasyon ang
mag-asawang Rojalde sa bansang Hapon. Habang si Luis ay naghihirap
sa loob ng piitang malayo sa pamilya at kanyang minamahal.
Pagkatapos ng Pitong buwang bakasyon sa bansang Hapon ay

umuwi ng bansa ang mag-asawa. Dito sa bansa isinilang ni Danding ang


kanyang malusog na panganay na isang lalaki. Buong pagtataka ni
Rojalde sa anak diumano nila dahil sa hindi pangkaraniwan ang
pagbubuntis ni Danding dahil sa pitong buwan pa lamang silang
nagsasama. Napagtanto niyang niloloko raw siya ni Danding kayat sa
kanyang kasawian ay napag-isipan niyang magpakatiwakal at isasama
niya ang mag-ina. ngunit sa ngiting iginanti ni Danding ay nawala ang
balak na iyon at mayamaya pay bumalik na naman ang pagkapoot ni
Rojalde nang minsang tinanong niya si Danding kung iniibig na ba siya
nito subalit buong pagtapat pa ring inamin nito na si Luis pa rin ang
kanyang iniibig.
May malaking sunog ang naganap sa Maynila na kung saan ay
umabot na sa bahay ni Rojalde. Parang nasiraan ng bait si Rojalde kung
kayat hinayaan niya lamang ito. Mabuti na lamang ay nagsisigawan si
Balani na may sunog at nakagising ang mga magulang ni Danding at
sinigurong ililigtas ang kanilang anak dahil nakatatak na sa kanilang
isip na kung mawawala ang kanilang anak ay malulugmok din sila
kagaya ng mga dukha sa lansangan. Isinugod nila sa ospital si Danding
dahil sa itoy nahimatay. Hindi pa rin ito nagdidilat ng kanyang mga
mata. Dumating si Rojalde at dali- daling lumapit sa kinahihigan ni
Danding . Ang lahat ng kanyang kapootang naghahari sa kanyang puso ,
ang nais na paghihiganti ay kanyang isinuko at ipinangayupapa sa harap
ng kaawa- awang anyo ng kanyang asawa na sa pamumutla ng mukha,
sa pagpanaw ng dugong nagiging pantina sa maputi niyang balat ay tila
isang bangkay na mistula. Nakalimutan niya lahat ng panibugho, pati ng
kanyang pagkaapi at ang naghari sa dibdib ay ang habag sa kanyang
asawang hindi makapagsalita. At naghihintay pa rin sa sagot ng doktor
sa kalagayan ng kanya ng asawa at makikitang wala pang katiyakan.
Sa kabilang dako, ay may sumabog na dinamita sa loob ng piitan
at isa sa mga nasawi ay si Luis Gat- buhay.

Panahon ng Hapon
(1941 1945)

Kaligirang Kasaysayan
Panahon ng Hapon (1942-1945) Ang panahong ito sa kasaysayan
ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang "GINTONG PANAHON NG
PANITIKANG PILIPINO " dahil higit na malaya ang mga Pilipino sa
pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura , kaugalian at
paniniwalang Pilipino sa mga ito.
Ang Panitikang Filipino sa wikang Ingles sa pagitan ng taong
1941-1945 ay nabalam sa kanyang tuluy-tuloy na sanang pag-unlad
nang muli tayong sakupin ng isa na namang dayuhan mapaniil-ang mga
Hapones. Natigil ang panitikan sa Ingles. Maliban sa Tribune at
Philippine Review, ang lahat halos ng pahayagan sa Ingles ay pinatigil ng
mga Hapones. Naging maganda naman ang bunga nito sa Panitikang
Tagalog. Patuloy na umunlad ito sapagkat ang mga dating sumusulat sa
Ingles ay bumaling sa pagsulat sa Tagalog. Si Juan Laya na dating
manunulat sa wikang Ingles ay nabaling sa Tagalog, dahil sa mahigpit na
pagbabawal ng pamahalaang Hapon tungkol sa pagsulat ng anumang
akda sa Ingles. Ang lingguhang LIWAYWAY ay inilagay ng mga Hapones
sa mahigpit na pagmamatyag hanggang sa ipabahala ito sa isang
Hapong nagngangalang ISHIKAWA. Ang naging paksain ng mga
panitikan sa panahon ng Hapon ay pawang nauukol sa BUHAY
LALAWIGAN.
Tema ng Panitikan sa Panahon ng Hapon

Sumesentro sa buhay sa lalawigan o pagsasaka o pangingisda.

Ugali ng mga Hapon na masipag magtrabaho.

Sumesentro sa Pagka-makabayan, Pag-ibig, kalikasan

Pananampalataya at sining

Ugali ng hapon na pagiging tapat sa kanilang bansa at pagkaroon ng


dangal sa sarili at bansa

Mga Manunulat
SANGAY NG DULA: JOSE MA. HERNANDEZ- Panday Pira -FRANCISCO
RODRIGO- Sa Pula, Sa Puti -CLODUALDO DEL MUNDO bULAGA
-JULIAN CRIZ BALMACEDA- Sino Ba Kayo?; Dahil sa Anak ; Higanti ng
Patay.

SANGAY NG MAIKLING KWENTO: Naging maunlad ang larangan ng


maikling kwento noong panahon ng Hapon. -Narciso Reyes Lupang
Tinubuan -Liwayway Arceo- Uhaw ang Tigang na Lupa -NVM GonzalesLunsod, Nayon at Dagat-Dagatan.
SANGAY NG TULA : Ang karaniwang paksa ng mga tula noong panahon
ng Hapon ay tungkol sa BAYAN o sa PAGKAMAKABAYAN; PAG-IBIG;
KALIKASAN; BUHAY- LALAWIGAN o NAYON; PANANAMPALATAYA at
SINING.
Mga Uri ng Tula
HAIKU isang tulang may malayang taludturan na kinagiliwan ng mga
Hapones. Binubuo ng 17 pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Unang
taludtod-5; ikalawang taludtod-7 pantig; ikatlong taludtod-5. Hal:
TUTUBI Gonzalo K. Flores.
TANAGA tulad ng haiku, itoy maikli ngunit may sukat at tugma. Ang
bawat taludtod nito ay may pitong (7) pantig. Hal : PALAY Ildefonso
Santos.
KARANIWANG ANYO- ang mga katangian nito ay nagtataglay ng sukat
at tugma, indayog, aliw-iw. Hal. PAG-IBIG Teodoro Gener.

Mga Akda sa Panahon ng Hapones


1. Haiku
Tutubi
Ni Gonzalo K. Flores
Hila mo'y tabak
Ang bulaklak nanginig
Sa paglapit mo.
2. Tanaga
Palay

Ni Ildefonso Santos
Palay siyang matino
Nang humangi'y yumuko
Ngunit muling tumayo
Nagkabunga ng ginto.
3. Karaniwang Tula
Pag-ibig
Ni Teodoro Gener
Umiibig ako at ang iniibig
Ay hindi dilag na kaakit- akit
Pagkat kung talagang ganda lang ang nais
Hindi ba nariyan ang nunungong langit?
Lumiliyag ako at ang naliliyag
Ay hindi ang yamang pagkarilag-rilag
Pagkat kung totoong perlas lang ang hangad
Di ba't masisid ang pusod ng dagat?
Umiibig ako't sumisintang tunay
Di sa ganda't hindi sa ginto ni yaman
Ako'y umiibig sapagkat may buhay
Na di nagtitikim ng kaligayahan.
Ang kaligayahan ay wala sa langit
Wala rin sa dagat ng hiwang tubig
Ang kaligayaha'y nasa iyong dibdib
Na inaawitan ng aking pag-ibig.
Tata Selo
ni Rogelio R. Sicat
Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng
munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na ang baliatng
tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng
bahay-pamahalaan.
Naggigitan ang mga tao, nagsisiksikan, nagtutulakan bawat isay

naghahangad makalapit sa istaked.


Totoo ba, Tata Selo?
Binawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa
rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha
sa Malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris
niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari
sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa
harap niya at kausap ang isang magbubukid ang kanyang kahangga, na
isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakagulong tao.
"Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo," umiiling
wika ng kanyang kahangga, talagang hindi ko ho mapaniwalaan."

na

Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugng


putok
sa
no.
Sa kanyang
harapan,
di
kalayuan
sa
istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa
kanya. Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang
humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang
nasasalisd na alikabok.
"Bakit niya babawin ang saka?" tanong ng Tata Selo. "Dinaya ko na
ba siya sa partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at
kasama lang niya ako. Hindi ba't kaya maraming nagagalit sa akin ay
dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?"
Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak
pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino
mang tinitingnan.
"Hindi ma na sana tinaga ang Kabesa," anang binatang anak ng
pinakamayamang propitaryo sa San Roque, na tila isang magilas na
pinunong bayan nakalalahad sa pagitan ng maraming tao sa
istaked. Mataas ito, maputi nakasalaming may kulay at nakapamaywang
habang naninigarilyo.
"Binabawi po niya ang aking saka," sumbong ni Tata Selo. "Saan

pa po ako pupunta kung wala na akong saka?"


Kumumpas ang binatang mayaman. "Hindi katwiran iyan para
tagain mo ng kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka
niyang paalisin, mapapaalis ka niya anumang oras. "
Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.
"Ako po'y hindi ninyo nauunawaan, "nakatingala at nagpipilit
ngumiting wika niya/ Sa binatang nagtapon ng sigarilyo at marring
tinapakan pagkatapoos. "alam po ba ninyong dating amin ang lupang
iyn? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo
lamang po ng kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon kaya
nga po ako hindi nagbibigay ng kahit isang pinangk kung anihan. Kung
hindi k na naman po mababawi, masasaka man lamang po. Nakikiusap
po ako sa kabesa kangina. 'kung maaari po sana, "Besa, wika ko po,
'kung maaari po sana, huwag naman ninyo akong paalisin. Kaya ko pa
pong mag-saka, "Besa. Totoo pong ako'y matanda na, ngunit ako pa
nama'y malakas pa. Ngunit... Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod,
tinganan po n'yong putok sa aking noo, tingnan po 'nyo,"
Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa'y
tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang pulis.
"Pa'no po ba'ng nangyari, Tata Selo?
Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya
ang isang batang magbubukid na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata
Selo. Narito ang isang magbubukid, anak-magbubukid na naniniwala sa
kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata.
Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit
itong lilik.
"Pinuntahan niya ako sa aking saka, amang," paliwanag ni Tata
Selo. "Doon ba sa may sangka. Pinaaalis ako sa aking saka, ang wika'y
iba na raw ang magsasaka. Nang makiusap ako'y tinungkod ako. Ay!
tinugkod ako, amang. nakikiusap ako sapagkat kung mawawalan ako ng
saka ay saan pa ako pupunta?
"Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo."
Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa

kanya ang bata.


"Patay po ba?"
Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas.
Napadukmo siya sa balikat.
"Pa'no po niyan si Saling?" muling tanong ng bata. Tinutukoy nito
ang maglalabimpitong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina.
Katulong ito kina kabesang tano at kamakalawa lamang umuwi
kay Tata Selo "Pa'n po niyan si Saling?"
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas. Hindi
pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang
dumating ito, kasama ang hepe ng mga pulis. Galing ssila sa bahay ng
kabesa. abut-abot ang busina ng diyip na kinasasakyan ng dalawang
upang mahawi ang hanggang noo'y di pa nag-aalisang tao.
Tumigil ang diyip sa di-kalayuan sa istaked.
"Patay po ba? Saan po ang taga?"
Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpawisang tao. Itinaas
ng may-katabaang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang
pagkakaingay. nanulak ang malaking lalaking hepe.
"Saan po tinamaan?"
"Sa bibig." Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot
iyn at mariing ihinagod hanggang sa kanang punong tainga. "Lagas ang
ngipin."
Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan,
nagtulakan. Nanghataw ng ng batuta ang mga pulis. Ipinasya ng alkalde
na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan.
Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked.
"Mabibilanggo ka niyan, Selo," anang alkalde pagkapasok ni Tata
Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig

ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa.
"Pa'no nga ba'ng nangyari? "Kunot at galit na tanong ng alkalde.
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
"Binawi po niya ang aking saka, Presidente, " wika ni Tata Selo.
"Ayaw ko pong umalis doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin po,
naisangla lamang po at naembargo-"
"Alam ko na iyan, "kumukumpas at umiiling na putol ng
nabubugnot na alkalde.
Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente,
may nakasungaw ng luha sa kanyang malalabo at tila lagi nang may
inaaninaw na mata.
"Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,"wika ni Tata Selo
"Kaya ko pa pong magsaka. Makatuwiran po bang paalisin ako? Malakas
pa po naman ako, Presidente, malakas pa po."
"Saan mo tinaga ang kabesa?"
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal
po ako ng pitas na pilapil. Alam ko pong pinanonood ako ng kabesa,
kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang
ako po'y talagang malakas pa, kaya ko pa pong magsaka. Walang anuano po, tinawag niya ako at nang ako po'y lumapit, sinabi niyang
makakaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka.
"Bakit po naman, Besa? tanong k po. Ang wika'y umalis na lang
daw po ako. 'Bakit po naman, Besa? Tanong ko po uli, 'malakas pa po
naman ako, a' Nilapitan po niya ako. Nakiusap pa po ako sa kanya,
ngunit ako po'y ... Ay! tinungkod po niya ako ng tinungkod nang
tinungkod."
"Tinaga mo na no'n, " anag nakamatyag na hepe.
Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin -- may mga

eskribiyente pang nakapasok doon -- ay nakatuon kay Tata Selo.


Nakayuko si Tata Seloo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa
ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na
sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at luyang
paa.
"Ang iyong anak, na kina kabesa raw? usisa ng alkalde.
Hindi sumagot si Tata Selo.
"Tinatanong ka anang hepe.
Lumunok si Tata Selo
"Umuwi na po si Saling, Presidente."
"Kailan?"
Kamakalawa po ng umaga.
"Di ba't kinakatulong siya ro'n?"
Tatlong buwan na po."
"Bakit siya umuwi?"
Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiiyak na
napayuko siya.
"May sakit po siya."
Nang sumapit ang alas-dose - inihudyat iyn ng sunud-sunod na
pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo ay umalis ang alkalde upang mananghalian. Naiwan si Tata Selo,
kasama ang hepe at dalawang pulis.
"Napatay mo pala ang kabesa," anang malaking lalaking hepe.
Lumapit ito kay Tata Selo na nakayuko at di pa natitinag sa upuan.
"Binabawi po niya ang aking saka." katwiran ni Tata Selo.

Sinapok ng hepe si Tata Selo. Sa lapag halos mangudngod si Tata Selo


"Tinungkod po niya ako ng tinugkod, " nakatingala, umiiyak at
kumikinig ang labing katwiran ni Tata Selo.
Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyt ng hepe si Tata Selo ssa
sikmura. Sa sahig napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa unipormeng
kaki ng hepe.
"Tinungkod po niya ako ng tinungkod ... Ay! tinungkod po niya ako
ng tinungkod ng tinungkod ..."

pulis.

Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang

"Si kabesa kasi ang nagrekomenda kay Tsip, e," sinasabi ng isa
nang si Tata Selo ay ttila damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling
pagmalupitan ng hepe.
Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng
munisipyo nagkalat ang papel na naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa
namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng buwang iyo'y dapat
nang nag-uuulan. Kung may humihihip na hangin, may mumunting ipuipong nagkakalat ng mga pepel sa itaas.
"Dadalhin ka siguro sa kabesera, Selo, "anang bagong paligo at
bagong bihis na alkalde sa matandang nasa loob ng istaked. "Don ka
siguro ikukulong."
Wala ni papag sa looob ng istaked at sa maruming sementadong
lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niya'y may natutuyong
tamak-tamak na tubig. Naka-unat ang kanyang maiitim at hinahalas na
paa at nakatukd ang kanyang tila walang butong mga kamay.
Nakakiling , nakasandal siya sa steel matting na siyang panlikurang
dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi na gagalaw ang
sartin ng maitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon.
"Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo," patuloy ng alkalde.
Nagsindi ito ng tabako at lumapit sa istaked. Makintab ang sapatos ng
alkalde.

"Patayin na rin ninyo ako, Presidente." Paos at bahagya nang


narinig si Tata Selo."Napatay ko po ang kabesa, Patayin \na rin ninyo
ako."
Takot humipo sa maalikabok na rehas ang alkalde. Hindi niya
nahipo ang rehas ngunit pinagkiskis niya ang mga palad at tiningnan
niya kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita
niyang lalo nang nakiling ito.
May mga tao namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon
kaysa kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo,
ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sa bagong
langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay tagapoblacion. Hanggang noon, bawa't isa nagtataka, hindi makapaniwala,
gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang kabesa.
Nagtataka at hindi makapaniwalang nakatingiin sila kay Tata Selo na tila
isang di pangkaraniwang hayop na itatanghal.
Ang araw katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang
magdadakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa
lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na
humagulgol.
Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito'y ipinatawag sa
kanyang tanggapan. Di-nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakao.
Dalawang pulis ang umalalay kay Tata Selo. Halos buhattin siya ng
dalawang pulis.
Pagdating sa bungad ng tanggapan ay tila saglit na nagkaroon ng
laka si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng
presidente.
Nagyakap ang mag-ama pagkikita.
"Hindi ka na ssana naparito Saling," wika ni Tata Selo na
napaluhod."May sakit ka, Saling, may sakit ka!"
Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kaloong ang ama.
Nakalugay ang walang kintab niyang buhok, ang damit na suot ay tila
yaong suot pa nang nagdaang araw. Matigas ang kanyang namumulang

mukha. Pinalipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde


hanggang sa mga nakatinging pulis.
"Umuwi ka na, Saling " hiling ni Tata Selo. Bayaan m na ... bayaan
mo na. Umuwi ka na, anak. Huwag, huwag ka nang magsasabi..."
Tuluyan nang nalungayngay si Tata Selo. Ipinabalik siya ng alkalde
sa istaked. Pagkabalik niya sa istaked, pinanood na naman siya ng mga
tao.
"Kinabog kagabi," wika ng isang magbubukid. " Binalutan ng
basang sako, hindi nga halata."
"Ang anak, dumating daw?
"Naki-mayor."
Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis ssi Tata Selo.
napasubsob si Tata Selo pagkaraang siya'y maiupo. Ngunit nang marinig
niyang muling ipinanakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na
ginapang niya ang rehas. mahigpit na humawak doon at habang
nakadapa'y ilang sandali ring iyo'y tila huhutukin. Tinawag siya ng mga
pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang
kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa
semendadong lapag. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na may
tila gumigising sa kanya.
"Tata Selo ... Tata Selo ..."
Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng mga luha
niyang mata ang tumatawag sa kanya.
Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.
Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umabot sa kanya.
"Nando'n amang si Saling sa Presidente, "wika ni Tata Selo. "Yayain
mo nang umuwi, umuwi na kakyo." Muling bumagsak ang kanyang
mukha sa lapag. Ang bata'y saglit na nag-paulik-ulik, pagkaraa'y takot at
bantulot ng sumunod...

Mag-iikaapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit


mainit pa rin iyn. May Kapiraso nang lihin sa istaked, sa may dingding
na steel matting, ngunit si Tata Selo'y wala roon. Nasa init siya.
nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin siya sa
labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata'y
tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labasng istaked,
nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kanina. Sinabi ng batang
na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi
siyapinakinggan ni Tata Selo, na ngayo'y hindi pagbawi ng saka ang
sinasabi.
Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi
niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kinuuha na
sa kanila...
Buod
Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na
hinangad lamang na makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil
sa nagkasakit ang kanyang asawa. Nais ni Tata Selo na mapabalik ang
lupa nila sa kanila pero dahil sa kawalan ng pera hindi na ito napabalik
sa kanila kaya nakiusap na lang sya kay Kabesa Tano na sya na lang ang
magsaka sa kanyang lupa. Hanggang isang araw na habang nagsasaka
si Tata Selo kinausap sya ni Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka
nyang lupa dahil may iba ng magsasaka noon. Nakiusap si Tata Selo
ngunit hindi sya pinakinggan ni Kabesa Tano kaya nagawang tagain ni
Tata Selo si Kabesa Tano na syang ikinamatay nito. Kaya nakulong si
Tata Selo.
Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan
ng mga tao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang
Tano na nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa
kanya ay pag-aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo.
Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang
pinaalis ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi at
pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka,
subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag ni Tata
Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at
maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang

mga kilala ng Kabesa.


Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na
dati'y nakatira at nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa
kadahilanang nagkasakit ito makalawang araw bago ang insindente,
Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan nalang nitong pauwiin si Saling
sa kadahilang wala na silang magagawa, pinatawag si Saling nang
Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig
sa ama nito, dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusan
upang pumunta sa tanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin
pahayag ng bata, Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito
na "inagaw sa kanya ang lahat".
Mabilis na kumalat ang usapan tungkol sa pagpatay ni Tata Selo
kay Kabesa, ito'y naging mainit na usapan ng mga tao at karamihan ay
hindi makapaniwala na nagawa nya ito, dahil halos lahat ng tao sa
kanilang ay kilala siya bilang isang mabait na tao . Sya ay kinausap ng
presidente habang sya ay nasa likod ng mga rehas, at tinanong kung
bakit nya nagawa ito. Palaging sagot ni Tata Selo na tinungkod sya ng
Kabesa nang subukan nyang makiusap na huwag syang tanggalin sa
pagsasaka dahil ito lamang ang kanyang ikinabubuhay sa kanyang
pamilya. Sabi ng binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San
Roque na hindi yun sapat na katwiran; paliwanag nya, hindi sya
nauunawaan ng mga tao, kung anuh ang rason kung bakit nya nagawa
ang nasabing krimen. May isang lalaking lumapit sa kanya at nagtanong
kung paano na ang kanyang anak, si Saling, na naninilbihan kanila
Kabesa. Ayaw nyang masali ang kanyang anak sa nangyayari dahil ayon
sa kanya, may sakit si Saling at mas makabubuti sa kanya ang
magpahinga at mapalayo sa kapahamakan. Matapos ang buong araw ng
pagsusuri, habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas,habang
siya ay nahandusay sa sahig, sinasabi ni Tata Selo na lahat ay kinuha na
sa kanila, wala nang natira sa kanila, bukod kasi na nasa bilanguan na
siya,nwalan pa sila ng ikinabubuhay at may sakit pah ang kanyang
anak.

Sa Pula, Sa Puti
ni Francisco "Soc" Rodrigo
Kulas: Ahem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.
Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.

Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?


Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip
kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang
tinali mo kaysa sa akin.
Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa
buhay na ito kundi ang asawa.
(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).
Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong
tinali, ibig ko ng kung minsang mainggit at magselos.
Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang
mabuti ang mga tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang
magdadala sa atin ng grasya.
Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?
Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y
napagtalo noong mga nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa
ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay
marami na akong natutuhan, mga bagong sistema.
Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain,
hindi mo pa ba alam ang mga bagong sistema.
Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay
nanaginip ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang
kalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celing!
Celing: E ano kung puti?
Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y
hinahabolHinahabol ako ng pilakng kuwarta!
Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.
Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan
mo lamang ako ng limang piso ngayon ay walang salang
magkakuwarta tayo.
Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong
iyan? Noong isang buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang

pintakasi noon ay nation sa a-8 ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta


na ngunit natalo ka ng anim na piso.
Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip.
Pinag-aralan kong mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na
ito. Ito'y walang pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang
sala tayo ay mananalo.
Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa
akin noong isang Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano
ang nangyari? Nagkaulam tayo ng pakang na manok.
Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya!
(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Maiinip si Kulas).
Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito,
hindi na ako magsasabong.
Celing: Totoong-totoo?
Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may
katrato ako sa susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay
kahiya-hiya.
(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang
saysay ang pakikipagtalo pa, iiling-iling na dudukot ng salapi sa kanyang
bulsa).
Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O,
heto. Huwag mo sana akong sisihan kung mauubos ang kaunting
pinagbilhan ng ating palay.
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na. seguradongsegurado! O, Buweno, diyan ka muna.
(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa
may pintuan.)
Sioning: Kumusta ka, Kulas?
Kulas:

(Nagmamadali)
KumustaeehSioning didispensahin mo ako. Ako lang ay
nagmamadali. Ehestenandiyan si Celing! Heto si Sioning. Buwenadiyan ka na.
(Lalabas si Kulas).
Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa
sunog.
Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na
naman sa sabungan.
Sioning: Celing, talaga bang
Celing: Sandali lang ha, Sioning.
(Sisigaw sa gawing kusina).
Teban! Teban! Teban!
Teban:
(Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo).
Ano po iyon Aling Celing?
Celing:(Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Tebang).O heto,
Teban, limang pisoNagpunta na naman ang amo mo sa
sabungan. Madali, ipusta mo ito. Madali ka at baka mahuli!
Teban:
(Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas).
Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba'y
naging sabungera na rin?
Celing: Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing
magsasabong si Kulas ay pumupusta rin ako.
Sioning: AHindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa
sabong? Hoy, Celing, ano ba ang pinagsasabi mo?
Celing: O, Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit
huwag mo namang ipaalam kaninuman.

Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin.


Celing: Alam mo, Sioning, ako'y pumupusta sa sabong upang huwag
kaming matalo.
Sioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo.
Celing pinaglalaruan mo yata ako.
Celing: Hindi. Alam mo'y marami kaming nawawalang kuwarta sa
kasasabong ni Kulas. Nag-aalaala akong darating ang araw na
magdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit kong siya'y pigilin.
Ngunit madalas kaming magkagalit. Upang huwag kaming
magkagalit at huwag maubos ang aming kuwarta, ay umisip ako
ng paraan. May isang buwan na ngayon, na tuwing pupusta si
Kulas sa kaniyang manok ay pinupusta ko si Teban sa sabungan
upang pumusta sa manok na kalaban.
Sioning:(May kahinaan din ang ulo).Sa anong dahilan?
Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung
ako nama'y matalo at nanalo si Kulas, kaya't anuman ang
mangyari ay hindi nababawasan ang aming kuwarta.Sioning. A
siya nga. Siya nga pala naman.
(Mag-uumpisang Maririnig ang sigawan buhat sa sabungan).
Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa
sigawang iyan.
Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng
sabungan.
Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay
ay sa tabi ng simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng
sabungan.
Sioning:(Lalong lalakas ang sigawan).Ah, siya nga pala, Celing naparito
ako upang ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon ng sabon sa
tindahan ni Aling Kikay. Baka tayo maubusan.
Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang
pagkukumare namin.
(Dudungaw)

O heto na nga si Teban. Tumatakbo.


(Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).
Teban:(Tuwang-tuwa)Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo!
(Ibibigay ang salapi kay Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.)
Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na
si Kulas ay mahalaga ang ating ginagawa.
(Magmamadaling lalabas si Teban).
Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo, Celing.
(Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na
sila. Papasok si Kulas na tila walang kasigla-sigla).
Celing: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti.
Kulas:(Mainit ang ulo)Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y
malas. Celing, uyo'y disgrasya kamang. Ang aking manok ay
nananalo hanggang sa huling sandali. Talagang wala akong
suwerte!
Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundi
suwerte!
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni
ayaw ko nang Makita ang anino ng sabungang iyan.
Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong
kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay
Kumareng Kikay upang bumili ng sabon.
(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng
sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan.
Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.)
Castor: Hoy, Kulas kumusta na?
Kulas: Ay, Castorat lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako'y

malas! Akalain mo bang kanina'y natalo pa ako? Tingnan mo


lang,Castor. Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag
agad ang manok ko at pinalo nang pailalim ang kalaban.
Nagbuwelta pareho, at naggirian na parang buksingero. Biglang
sabay na lumundag at nagsugapaan (nagsagupaan?) sa hangin.
Palo diyan, palo dini ang ginawa ng aking manok. Madalas tamaan
ang kalaban, ngunit namortalan. Sige ang batalya nila sa hangin,
at tumaas ang balahibo. Unang lumagapak ang kalaban., patihaya.
Lundag ang aking manok. Walang sugat at patayo, ngunit alam mo
kung saan lumagpak?
Castor: O saan?
Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ng sabong.
Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.
Kulas: Ano bang walang marami? Halos, tutong na laang ang natitira sa
aming natitipon.
Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong.
Kulas: Ano bang hindi tama?
Castor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay Talagang patuluyan
nang perdida ang kuwartang natalo sa iyo. Samantalang kung
ikaw ay magsasabong pa maaaring makabawi!
Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Ang
sugal ay suwerte-suwerte lamang, at masama ang aking suwerte.
Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako,
Kulas, ako'u hindi natatalo sa sabong.
Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kung hindi sana nakikita na
ang lahat ng manok mo ay laging nakabitin kung iuwi.
Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo
nga ang aking manok ngunit nananalo ako sa pustahan!
Kulas: Ngunit paano iyan?
Castor: Taong itopumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa
kalaban.

Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo ang manalo?


Castor: Hindi maaaring manalo ang aking manok. Ginagawan ko ng
paraan.
Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama
ang ulo ko ngayon.
Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totoo. At kung di lamang
kita kaibigan, ay hindi ko sasabihin sa iyo.
Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayari iyan?
Castor: Talaga bang gusto mo malaman?
Kulas: Aba, oo. Sige na.
Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipapaliwanag
ko sa iyo.
Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali?
Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo.
(Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalik na may dalang tinali.)
Kulas:(Ibibigay ang tinali kay Castor).O heto, Castor.
Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom.
Kulas: Karayom?
Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi!
Kulas: Ah(Pupunta sa kahong kunalalagyan ng panahi ni Celing at
kukuha ng isang karayom.)O heto ang karayom.
Castor:(Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan.)O halika
rito at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na
kapag iyong dinuro ay hihina ang paa. Tingnan mo(Anyong
duduruin ni Castro ang hita ng tinali.)Hayan!(Ibababa ang
tinali.)Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan.
Walang sinumang makahahalata sa ating ginawa, ngunit mahina
na ang paang ating dinuro, at ang manok na iyan ay hindi
makapapalo.

Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na


iyanSiguradong matatalo.
Castor: Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa
sabunganilaban ang manok na iyanat pumunta nang palihim
sa kalaban.
Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan!
Castor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo
mo.
Kulas:(Balisa)Ngunit, Castor, hindi ba iya'y pandaraya?
Castor: Oo, pandarayangunit po Diyos! Sino bang tao ang
nagkakuwarta sa sugal na hindi gum,agamit ng daya? At bukod
diyan, ay marami nang kuwartang natalo sa iyo. Ito'y gagawin mo
lamang upang makabawi. Ano ang sama niyan?
Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin.
Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.
Kulas: Kung sa bagay
Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.
Kulas: Siya nga, may katwiran ka.
Castor: Oehano pa ang inaantay mo? Tayo na.
Kulas: EsteCastorehhintayin lamang natin si Celing, ang aking
asawa.
Castor: Bakit, ano pa ang kailangan?
Kulas: Alam mo na ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay
na ito.
Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa
bahayBuweno, hintayin mo siya, ngunit laki-lakihan mo ang
iyong hihingin, ha? At nang makaitpak tayo ng malaki-laki.
Kulas: OoEsteCastor
Castor: O, ano na naman?

Kulas: Ehmalapit na segurong dumating si Celingalam mo'y ayaw


kong Makita ka niya rito. Huwag ka sanang magagalit kung
maaari lang ay umalis ka na.
Castor:(Tatawa)Ooaalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako
ng kareto ng manok mo. Sumunod ka agad, ha? Pagdating mo
roon malalaban agad iyan.
Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak ha?
(Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali,
at hahangaan ang nadurong hita ng tinali. Papasok sina Celing at
Sioning.)
Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko ba'y Isinusumpa mo na ang
sabungan?
Kulas:(Lulundag na palapit.)Celing, ngayon na lamang. Walang salang
tayo ay makababawi.
Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras ay
nagbabago.
Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin
mo na ang lahat ng aking tinali. Ipinangangako ko sa iyo.
Celing: Ngunit baka pangako na naman ng napapako.
Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang testigo.
Sioning:(Kikindatan si Celing)Siya nga naman. Celing, bigyan mo na, ako
ang testigo.
Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang ha?
Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato!
Celing: Magkano ba ang kailangan mo?
Kulas: Ehdalawampung piso lamang.
Celing: Dalawampung piso?
Sioning: Susmaryosep!
Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi.

(Mag-aatubili si Celing).
Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan.
Celing: O buweno, heto.
(Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang salapi sa baul)
Kulas:(Kukunin ang salapi)Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito'y kuwarta na.
Hindi ka magsisisi. O buweno, diyan na muna kayo, hane?
(Magmamadaling lalabas si Kulas na dala ang kanyang tinali).
Celing:(Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na)Teban!
Teban!
Sioning: Teban, madali ka!
(Papasok si Teban buhat sa kusina)
Teban: Opo, opo, Aling Celing.
Celing: O heta ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.
Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan sa manok ng kalaban.
Teban:(Magugulat sa dami ng salapi).Dalawampung piso ito a
Celing: Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na.
Teban:(Hindi maintindihan)ito ba'y itotodo ko?
Sioning: Oo, todo.
Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito
(lalabas si Teban).
Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas?
Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo.
Celing: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking
ipinagdaramdam.
Sioning: Eh ano pa?
Celing: Ang iba pang masasamang bunga ng bisyoSioning, alam mo

namang ang bisyo ay nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo a


ng pandaraya, pagnanakawat kung anu-ano pa.
Sioning: Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.
Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan.
(Lalong lalakas ang sigawan)
Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, ehindi mo tigasan ang loob mo.
Tingnan mo ako. Noong ang aking asawa ay hindi makatkat sa
monte, pinuntahan ko siya isang araw sa kanilang klub at sa
harap ng lahat minura ko siya mula ulo hanggang talampakan. E,
di mula noo'y hindi na siya nakalitaw sa klub.
Celing: Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama'y hindi
nakalabas ng bahay nang may limang araw, hindi ba dahil sa
nangingitim ang buong mukha mo?
Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay esta
bien, tsokolate na naman kami.
Celing: Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis
lamang.
(Agad huhupa ang sigawan).
Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo?
Celing: Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya'y umuwi agad, upang
huwag silang mag-abot ni Kulas.
Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.
Celing: Huwag mong alalahanin si Teban. Siya'y mapagkakatiwalaan.
Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay Mainit kapag
nasa palad na ng tao.
Celing: Huwag kang mag-alala
(Papasok si Teban)
Teban:(Walang sigla)
Aling Celing, natalo po tao.

Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno,


Teban, magpunta ka na sa kusina at baka dumating ang iyong
amo.
(Lalabas si Teban)
Sioning: Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing.
Celing:(Nalulungkot)Siya nga.
Sioning: O, Celing bakit ka malungkot?
Celing: Dahil sa nanalo si Kulas.
Sioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay manalo ka, hindi
naman mababawasan ang iyong kuwarta. At ikaw pa rin lamang
ang maghahawak ng supot.
Celing: Oo nga, ngunit ang alaala ko'yNgayong manalo si Kulas, lalo
siyang maninikit sa sabungan.
(Papasok si Kulas na nalulumbay).
Kulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako
magsasabong kailanman.
Sioning: Ha?
Celing: Ano kamo?
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na!
Celing: Ngunit, Kulas hindi ba't nanalo ka?
Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso!
Celing:(May hinala)Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong
nanalo ka.
Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong ako'y nanalo? Bakit ba ako nakinig
sa buwisit na si Castor.
Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang
dalawampung piso.
Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha?

Celing:(Lalo pang maghihinala)Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroon


nang kulasisiat ipinatuka ang dalawampung piso.
Kulas: Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang
dalawampung piso. Sino baga ang nagkwento sa iyo na ako'y
nanalo.
Celing: Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan.
Sioning:(Magliliwanag ang mukha) teka, Celing, baka si Teban ang
kumupit ng kuwarta.
Celing: Siya nga pala.
Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang masyadong magtitiwala.
(Pupunta si Celing sa pintuan ng kusina).
Celing: Teban! Teban!
(Lalabas si Teban)
Teban: Ano po iyon?
Celing: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay magnanakaw.
Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po?
Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang pera.
Teban: Alin pong pera?
Celing: Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina.
Teban: Aba e, natalo po, e.
Celing: Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si
Kulas. Ngunit natalo sa Kulas, samakatuwid nanalo ka.
Teban:(Hindi maintindihan)Ha? Ano po? Kung ako'y nataloay
Kulas: 'Tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba'y pumusta
sa sabong kanina?
Teban: Opo.
Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta?

Teban: Kay Aling Celing po.


Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?
Teban: Ehindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing.
Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw
pala'y sabungerang pailalim.
Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng
manok mo.
Kulas:(kay Celing)Aat ako pala'y kinakalaban mo pa, ha?
Celing: Huwag kang magalit, Kulas. Ako'y pumupusta sa manok na
kalaban para kahit ikaw ay manalo o matalo ay hindi tayo
mawawalan.
Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala
rin.
Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din.
Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa
manok. Ako pala'y parang ulol na
Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung
piso. Teban, saan mo dinala ang pera?
Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok
ng kalaban din ako pumusta.
Sioning: Naku, at lalong nag-block out.
Celing:(Kay Kulas)Pumusta ka sa kalaban ng manok mo?
Kulas: Oo, alam mo'y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong
matalo at pumusta ako sa manok ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa
lamang ay tumakbo na ang diyaskeng manok ng kalaban at nanalo
ang aking manok.
Celing: Agusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope
(Tatawa)
Kulas: Aba, at nagtawa pa.

Sioning: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing?


Celing:(Tumatawa pa)Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka
maghapunan mamayang gabi. At anyayahan mo sina Kumareng
Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako'y maghahanda.
Kulas: Ha! Maghahanda?
Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang
kaserola ni Ate Nena.
Teban: Opo, opo.
(Lalabas sa pintuan ng kusina)
Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo
ng mahigpit apatnapung piso.
Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa
sabungan.
Kulas: Huling paalam?
Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi
na tayo kailangang bumili pa ng ulam.
Kulas: Bakit?
Celing: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang
tatlo at ang tatlo ay sasabawan.
(Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang
saglit ay tatawa rin siya. Mag-uumpisa na naman ang sigawan sa
sabungan ngunit makikita sa kilos ni Kulas na kailanman ay hindi na
siya magsasabong.)
Timawa (Buod)
ni Agustin C. Fabian
Umiikot ang kwento sa nobelang Timawa sa buhay ng
pangunahing tauhan na si Andres Talon, isang dukhang anak ng isang
magsasaka na nagsusumikap sa buhay mahango lamang sa kahirapan.
Si Andres ay hindi lamang ang binatang probinsyana na nagtagumpay sa
buhay, kundi sya rin ang maaring maging huwaran at inspirasyon ng

mga kabataang lalaki at lihim


kabataang babae.

na pintig ng puso at pithaya

ng mga

Ang pagkahamak kay Andres Talon sa sariling nayon ay hindi


naging dahilan upang magmukmok siya at tanggapin na lamang ang
katayuan niya sa buhay. Sa halip, iyon ang kanyang ginawang
tuntungang-bato, at isinalin niya sa positibong kaparaanan ang kanyang
kaapihan at nilabanan niya ang gayong kalagayan.
Nagtun go siya sa Amerika at doon nakipagsapalaran at hindi niya
inalintana an hirap sa pagiging tagahugas ng pinggan at tagalampaso sa
dormitory upang makatapos siya sa pag-aaral. Matagal siyang nawala sa
kanilang nayon, at ng sumiklab ang ikalawang Digmaang Pandaigdig,
kabilang siya sa pangkat ng mga manggagamot sa sandatahang lakas ng
Estados Unidos, na naglingkod sa sariling bayan. Sa kanyang pagiging
ganap nang doctor ay nagtataglay siya ng ranggong Major.
Bagamat ipinangako ni Andres Talon sa kanyang sarili na umalis
siyang si Andres at babalik din siyang Andres, ipinakita ng nobela na
ang Andres na bumalik ay ang hindi ang Andres na pisikal na umalis.
Higit na makatuturang ipakahulugan na kaya niya sinabi ang gayon ay
sapagkat ang nasa isip niya ang paglilingkod sa kanyang mga kanayon,
sa abot ng kanyang makakaya. At iyon ang kanyang isinakatuparan.
Panahon ng Isinauling Kalayaan
(1946-1970)
Kaligirang Kasaysayan
Ang paghihintay ng mga Pilipino sa pangakong pagbabalik ng mga
Amerikano ay natupad noong 1945. Nagdiwang ang mga Pilipino at ang
mga namundok na gerilya nang may higit sa tatlong taon ay kasakasama na ng mga hukbong mapagpalaya ng mga Amerikano.
Naging makasaysayan sa ating mga Pilipino ang ika-4 ng Hulyo,
1946 sapagkat dito isinauli ang kalayaan. Nawala ang tanikala, nawala
ang gapos. Sa unang pagkakataon ay naging malaya sa turing ang mga
Pilipino.

Muling sumigla ang panitikan ng mga Pilipino nang panahong ito.


Ang halos naging paksa ng mga akda ay tungkol sa ilalim ng
pamamahala ng mga Hapones, ang kahirapan ng pamumuhay sa ilalim
ng pamamahala ng mga Hapones, ang kabayanihan ng mga gerilya at iba
pa. Nabuksan muli ang mga palimbagan ng mga pahayagan at mga
magasin, tulad ng Liwayway, Bulaklak, Ilang-ilang, sinag tala, atbp.
Tila naging mapaghangad sa makukuhang gantimpala ang mga
manunulat nang panahong ito sapagkat bago pa sumulat ng anumang
akda ay inaalam muna kung aling pahayagan kaya ang magbabayad dito
ng malaking halaga. Gayun pa man ay hindi rin natin tahasang
masasabing walang-wala nang sinumang nagtataglay ng pag-ibig sa
sining ng panulat.
Mga Aklat na Nailimbag
1. MGA PILING KATHA (1947-1948) ni Alejandro G. Abadilla;
kinilala bilang AMA NG MALAYANG TALUDTURAN
2. ANG MAIKLING KWENTONG TAGALOG (1886-1948) ni Teodoro
Agoncillo
3. AKOY ISANG TINIG (1952)-katipunan ng mga tula at sanaysay ni
Genoveva Edroza Matute
4. MGA PILING SANAYSAY-(1952) ni Alejandro G. Abadilla
5. MANLILIKHA, MGA PILING TULA (1961-1967) ni Rogelio
Mangahas
6. MGA PILING AKDA NG KADIPAN (1965) ni Efren Abueg
7. PITONG DULA (1968) ni Dionisio Salazar
8. MANUNULAT:MGA PILING AKDANG PILIPINO (1970) ni Efren
Abueg
9. SINING AT PAMAMARAAN NG PAG-AARAL NG PANITIKAN
(1965) ni Rufino Alejandro
Ang Muling Pagsigla ng Panitikan sa Ingles
MGA PAHAYAGANG INGLES
1. Philippine Free Press
2. Morning Sun Sergio Osmena Sr.
3. Daily News Ramon Roces

4. Philippines Herald pamilya Soriano


5. Chronicle pamilya Lopez
6. BulletinMenzi
Mga Aklat sa Ingles
1. Heart of the Islands (1974) ni Manuel Viray-kalipunan ng mga
tula
2. Phil. Cross Section(1950) nina Maximo Ramos at Florentino
Valeros
3. Prose and Poems (1952) ni Nick Joaquin
4. Phil. Writing (1953) ni T.D. Agcaoli
5. Phil. Harvest (1953) nina Maximo Ramos at Florentino Valeros
6. Horizons East (1967)Artemio Patacsil at Silverio Baltazar

Ang Timpalak Palanca


Isa ring nakapagpasigla sa ating mga manunulat na Pilipino ang
pagkakalunsad ng Timpalak-Palanca o Palanca Memorial Awards
for Literature na pinamumunuan ni
G. Carlos Palanca Sr.
noong 1950. Magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagbibigay
gantimpala ang timpalak na ito bagamat ang nagtatag ay yumao na. Ang
larangang pinagkakalooban ay ang maikling kuwento, dula at tula.
ANG MAIKLING KATHANG NAGWAGI NOONG 1950-1951
1. MABANGIS NA KAMAY..MAAMONG KAMAY Pedro Dandan
2. PLANETA, BUWAN AT MGA BITUIN Elpidio Kapulong
3. KWENTO NI MABUTI Genoveva Edroza-Matute

DULANG UNANG NAGKAMIT NG GANTIMPALA SA TIMPALAKPALANCA


Sinimulan noon (1953-1954) ng Timpalak-Palanca ang pagpili sa
pinakamahusay na dula-at ang nagwagi ng unang gantimpala ay ang

HULYO 4, 1954 A.D. ni DIonisio Salazar. Ang dulang ito ay naglalahad ng


pagsasagawa ng isang mapanganib at madugong misyon ng Hukbong
Mapagpalaya ng Bayan (HMB). Na ibagsak ang pamahalaang Pilipino
noong Panahon ni Pangulong Magsaysay.
TULANG NAGKAMIT NG GANTIMPALANG PALANCA
1. ALAMAT NG PASIG sinulat ni Fernando Monleon

Mga Akda sa Panahon ng Isinauling Kalayaan

Mabangis na Kamay Maamong Kamay


ni Pedro S. Dandan
Nagising kay Batling Kula sang simbuyo ng isang kamalayan, na
tila siya nagtatayo ng bantayog ni Kamatayan na habang kinakapal sa
luwad ay nagkakahugis sa katotohanan. Kaya malimit na mawala siya
sa pagmamasid sa kanyang anak, sa di-mawaring pagkabahala sa
dinaranas na buhay nito, sa pagtitining sa kanyang kalooban na
makabuo ng isang pasiya kung nararapat sumuko sa simbuyo ng
kamalayang iyon.
Mainit na ang sikat ng araw. Naghahakot ng basura ang kanyang
anak sa tambakan sa may puno ng tulay. Itinuon niya ang kanyang
paningin sa mukha at katawang naliligo sa nangingitim na pawis at sa
malalapad na pang bahagya nang maangat sa lupa samantalang hilahila ng bata ang isang malaking tiklis ng basurang nag-iiwan ng nagaalimpuyong alikabok.
Naghiyawan ang ilang batang naglalaro sa pampang ng ilug-ilugan,
"Arya Ito! Arya Ito sumayaw ka, Arya Ito! Kumanta ka, Arya Ito! Ayaw
mooo? Eto 'yo Pak! Pak!" at inulan si Arya Ito ng pukol.
"Sasayaw nakakanta na!" Binitiwan ni Arya Ito ang tiklis at
sumayaw
siya.

Tila namumutok na bariles ang katawang pagiwang-giwang sa


pagbaba-pagtaas ng mga balikat at pag-imbay ng mga kamay; ang bilog
ng mga matang animo'y palawit ng isang orasang pandingding kung
ibinababala ang hatinggabi ay palipat-lipat sa magkabilang sulok; siya'y
isang laruang may kuwerdas na pinakikilos nang walang patumanggang
panghaharot ng kanyang kapwa bata. Humihingal na ang kanyang
anak. Naapuhap ni Batling Kula sang isang pamalo sa tabi ng kanilang
hagdanan at hinabol niya ang mga batang nangagsikarimot ng takbo.
Bumagtas ang mga bata sa tulay at Hindi na sumunod si Batling Kulas.
Nang balikan niya si Arya Ito'y nakatukop sa mukha ang dalawang bisig.
"Hindi po ako sila po, sila" Nasilip ni Arya Ito sa
pagkakapuwang ng kanyang ma bisig na napalis ang mga nambubuska
at napangisii siya ngising naging walang gatol na halakhak.
Umiiling na tinungo ni Batling Kula sang harapan ng kanilang
bahay. Tumalungko siya at pinanood si Arya Ito samantalang itinataas
ang tiklis sa gabay ng tulay. Nakadadalawang hakot na si Arya Ito. Nais
niyang sawatain ang kanyang anak. Nguni't nagbabangon sa kanya ang
isang pagtutol gayong batid niyang mapanganib magtapon nang
basura sa ilug-ilugan, sapagkat pumuputi na ng buhay sa kanilang pook
ang magkasaping trangkaso't iti.
Isang lingo nang walang patlang ang inihahatid na patay sa
libingan sa lunsod bunga ng tila ibig kumalat na salot. Isang araw
lamang ang pagitan ng pagkamatay ng dalawang anak ni aling Bestrang
nakatira sa ibayo ng ilog at di-iilang sanidad ang nakita niyang
dumadalaw sa bahay-bahay at binobomba ng agua pinicada ang mga
pook na marurumi. NAtitigatig na rin siya ng usap-usapang tila kolera
ang kumakalat na sakit.
Narinig niya ang labusaw ng maruming tubig nang itaob ni Arya
Ito ang laman ng tiklis. MAghapong maghahakot ng basura ang kanyang
anak
maghapon?
Nagtungo rin si Batling Kulas sa lumang papag sa silong ng
kanilang bahay na pawid at nahiga siya. Hindi niya alumana ang mga
insektong nagmumula sa mahalumigmig at nangangamoy na paligid at
sumisigid sa kanyang balat. Iniwawaksi niya sa isipan ang bagay sa

kanyang anak. Nguni sa kanyang nakalipas ay makabubuo siya ng


isang makatarungang pasiya makatarungan.
Hindi magkamayaw na sigawan ng mga tao: Pak sapukin mo!
Sige pa sa bodega sa panga Pak!... Dumaun Isa..dalawatatlo
apatPanalo na si Batling KulasPanalooo!
Nakaibis na siya ng ring ay natutulig pa rin siya sa sigawan, Aba,
Hindi na yata gigising. Napatay yata. Hindi na humihinga si Moro
Napatay ni Batling Kulas.
Ipinagdiwang nila sa Manila Hotel ang kanyang panalo. Nang umuwi
sila'y kasabay niyang idinating sa kanilang tahanan ang ekstrang
pahayagan, "Napatay ni Batling Kulas si Moro." Ngunit lalong matunog
sa kanya ang balita ng hilot,"Anak na lalaki. Kamukhang-kamukha mo."
Isinabisig niya ang sanggol. Sumibol sa kanya ang isang luwalhati:
sa kapirasong buhay na nagmumula sa kanya.
Mabuhay! Anak ng kampyonito ang kahalili ko! Amang
kampyon anak ng kampyonBenitoBenitoBenito ang ibibigay kong
pangalan sa aking bunso. Isusunod ko sa tunay na pangalan ni Moro,
bilang paggunita sa aking maningning na tagumpay."
Ngunit isang biro yata ng Langit sa kanilang mag-asawa.
Nagkasakit ang kanilang anak. Isang uri ng sakit sa utak na
pumipinsala sa mga mata at nagpapalambot sa laman at kasukasuan,
kaya wala pang isang taon si Benito ay minamasahe na niya. Tinutudyo
siyang madalas ng kanyang manedyer na Amerikano. "A boxing champ
starts young," sabi nito. Panay yes lamang ang kanyang panugon kaya
kasundong-kasundo sila.
Hindi pa rin nakapagtatalalan si Benito gayong nasa kalikutan na.
Pinatingnan niya ang bata sa isang dalubhasang manggagamot na
siyang tumiyak na nagkaanak siya ng luno - sapagkat malabis na ininda
ni Benito ang karamdaman.
Gumuho ang kanyang pananalig sa maaari pang magawa ng tao.
Sumama silang mag-asawa sa banal na paglalakbay sa Antipolo. Namata
kay San Pascual Baylon. Nagtulos ng kandila at nagdasal nang paluhod
sa Kiyapo. Sa mga santa at santong pinipintakasi'y isinamo nila na
paghimalaan ang kanilang bunso.

Wala ring ipinagbago si Benito. Ang pag-asa sa mahiwagang


kapangyarihan.nasaan? Muli niyang nasumpungan iyonsa payo ng
isang matandang babaing magkakandila.
Samakatuwid po, kung din a 'ko magbuboksing, magbabago ang aking
anak?
'Yan ang totoo, mama. Masamang hanapbuhay ang boksing. Biro
bang kalakalin mo ang iyong kalupitan at lakas. Biro bang halos patayin
mo sa suntok ang iyong kalaban dahil lamang sa salapi.
Nagunita niya si Moro. Ang mga luha't hinanakit sa mga mata ng
asawa't anak ni Moro.
Sa kauna-unahang pangyayari'y tinugon niya ng no ang kanyang
manedyer nang itakda ang lalong malaking pakikipagsagupa niya sa
ring.
Hindi na siya maglalaro ng boksing. Ayaw na niyang maging
kampyon. Ayaw na niyaat nakapagtalalan naman si Benito
nakalakad.
Noong mamatay ang kanyang kabiyak ay walang sukat tumingin
sa kanyang anak samantalang nagbubuhat siya ng mga sako ng asukal
sa pinaglilingkurang pintungan. Lumaboy ito sa lansangan. Lumaboy ito
sa kawalang-tiyak, kaya tumitigas-tigas ang mga butoang mga laman ngunit inaaba din ng mga kapitbahay at binansagang "Arya Ito" ng mga
kapwa bata.
Lumikha sa kanyang kalooban ng isang katutuwang pagtutol ang
mga pang-ayon na yaon sa kanyang anakng isang malupit na
pagkahabag, gumising sa kanya ng simbuyo ng kamalayang tila siya
nagtatayo ng bantayog ni Kamatayan na habang kinakapal sa luwad ay
nagkakahugis sa katotohanan.
Isang hatinggabi'y dinama niya ang mukha ng kanyang anak. Naghihilik.
Idinantay ang kanyang mabigat na kamay sa leeg. Idiniin. Hindi na
makahingaHindi na! Bigla niyang inangat ang kanyang bisig. Tila
naalimpungatang nagbangon at nanaog. Tinungo ang isang poste sa
tabing-daan at sinuntokduguang nabilad ang buto ng kamao sa
nanisnis na balat.

Isinusi niya sa dibdib ang pagkahabag na umaalipin sa lanya. Ang


pagsuligi sa kanyang isip. Ang patuloy na pagtakas sa pag-uusig ng
kakatuwang budhi.
Mariing pumikit si Batling Kulas. Tumatama sa kanyang mukha
ang sinag ng araw na naglalagos sa butas ng bubong at sa siwang ng
sahig. Humawak siya sa gilid ng papagnamutla ang kanyang kamao sa
pagkakapit ng mga daliri. Narinig niya ang kaluskos ng mga paa ng mga
sanidad na sinusundan ng mababagal na hakbang ni Arya Ito.
Kumakanta-kanta pa si Arya Ito. Tumigil ang kaluskusan sa paanan ng
sirang tulay samantalang mahinang inihahatid ng hangin sa kanyang
nga taynga: Silaban mo, Arya Ito. Iyon iyong nakatumpok Haleat
nang Hindi kumalat ang sakit. Mabuti pa ang inutil maysilbi.
Nagtindig sa Batling Kulas. Ni Hindi niya tinanaw ang pangkat ng
tauhan ng kalusugang-bayan. Gaya ng nakaugaliang pag-inom, humingi
siya ng alak sa tindahan ni Tsikito, at tinungga. Susuray-suray na
nagbalik siya sa kanyang lumang papag at muling nahiga
Nagising siya na wala na ang mga taong nagtutupada. Sumasabo
na ang mababagsik na lamok mula sa pinamumugarang ilug-ilugan.
Nakauwi na ang mga sanidad. Sa silong ng ilang kapitbahay ay
nagsisiyapan na nag mga sisiw at nangagngasabngasab ang mga baboy
sa tabi ng pakainan.
Nag-inat siya. Nangangalam na ang kanyang sikmura. Tiningala
ang kanilang paminggalan Subalinasulyapan niya ang malaking
katawan ni Arya Ito: nakalatag sa sahig at walang kakilus-kilos.
Pumanhik siya.
Inaapoy ng lagnat si Arya Ito. Inilipat niya sa kabahayan at
tinabihan. Pinagmasdan niya sa paghihilik. At inunan niya ang kanyang
nagkakasalikop na mga kamay, na sa paraang iyon ay waring
naibibilanggo
niya
ang
kabangisan
ang
pagpupumiglas.
Naghuhulagpos din ang mga daliri ng kanyang kanang kamay,
napapakuyom> Nagbangon siya at tinungo ang pasugalan ng Tandang
Pruto.
Nang umuwi siya ay noong nagmamadaling-araw. Wala sa bahay si
Arya Ito! Hindi na sumayad sa hagdanan ang kanyang mga paa sa

pagmamadali. Waring nilindol ang kanyang dibdib. Patakbu0-takbo siya


sa loobang tahimik na tahimik, matangi sa malaks at sunud-sunod na
pagtawag niya ng, "Arya ItoAnak ko anak ko!"
Kumutob sa kanya kung saan dako maaaring matagpuan si Arya
Ito. Napadalas ang kanyang mga paa Hindi man niya lubusang
mahugisan sa karimlan ang aninong kumikilos sa ibabaw ng malaking
bunton ng basura sa may puno ng tulay ay lumutang sa katahimikan
ang isang tinig na humihuni-huni, at natiyak niya na nasa tambakan
ang kanyang anak. NAgtumulin siya at halos padaluhong na inagaw niya
kay Arya Ito ang hilang-hilang tiklis at Ikinasambulat ng basura.
"Umuwi ka, ItoUmuwi kanilalagnat"
"Demonyo!....Demonyo!.... Impiyerno!..." at sa pagkabigla ni arya
Ito ay pinalo siya ng isang putol na kahoy.
Tumama ang pamalo sa pilat ng noo ni Batling Kulas. Likha iyon
ng pakikipagsugpa niya kay Moro. Pumutok ang pilat at humilam ang
tumigis na dugo sa kanyang isang mata. Sa sang-iglap ay napahulagpos
niya ang isang ubos-kayang suntok na ikinatimbuwang ni Arya Ito sa
tabi ng tiklis.
Naramdaman niya ang kasiyahang umali sa kanya noong mapatay
niya sa suntok si Moro, at makaraan iyon ay natulad siya sa isang
namulat sa isang nakahihindik na bangungot.
Hindi na humihinga ang kanyang anak!
Tinakasan siya ng lakas at sumuko ang kanyang mga tuhod sa
bigat ng kanyang katawan. Napaluhod siya at tila nag-uusal ng isang
mataos na dalangin ay maamung-maamong kinalong si Arya Ito,
nilukuban
sa
mga
bisig
ng
kanyang
dibdib.
Unti-unting nabuhay ang kanyang paligid: umalingawngaw ang mga
yabag at sigawan ng dumalong mga kapitbahay. Ngunit Hindi rin siya
nagtaas ng mukha. Patuloy na minamasdan niya si Arya Ito - ang
mukhang bahagyang nasisinagan ng bagong umaga at ang pasa sa puno
ng leeg.
Siya lamang ang nakakatalos niyon. Siya lamang? Nabasag ang
luha sa kanyang mga mata at nanariwa sa kanyang puso ang

luwalhating naramdaman niya noong unang sandaling isinabisig niya


ang pagkasanggol ni Arya Ito.
Nagkurus si Batling Kulas.
Buod:
Nagsimula ang kwento sa alaala ni
pagkakapanalo nito sa boksing laban kay Moro.

Batling

Kulas,

sa

Mainit na ang sikat ng araw. Naghahakot ng basura ang kanyang


anak sa tambakan sa may puno ng tulay. Naghiyawan ang ilang batang
naglalaro sa pampang ng ilug-ilugan, "Arya Ito! Arya Ito sumayaw ka,
Arya Ito! Kumanta ka, Arya Ito! Ayaw mooo? Eto 'yo Pak! Pak!" at
inulan si Arya Ito ng pukol. Binitiwan ni Arya Ito ang tiklis at sumayaw
siya. Humihingal na ang kanyang anak. Naapuhap ni Batling Kulas ang
isang pamalo sa tabi ng kanilang hagdanan at hinabol niya ang mga
batang nangagsikarimot ng takbo.
Umiiling na tinungo ni Batling Kulas ang harapan ng kanilang
bahay. Tumalungko siya at pinanood si Arya Ito. Nakadadalawang hakot
na si Arya Ito. Nais niyang sawatain ang kanyang anak. Nguni't
nagbabangon sa kanya ang isang pagtutol.
Nagtungo si Batling Kulas sa lumang papag sa silong ng kanilang
bahay at nahiga siya. Hindi niya alumana ang mga insektong
nagmumula sa mahalumigmig at nangangamoy na paligid at sumisigid
sa kanyang balat. Naalala ni Batling Kulas ang pagkakatalo o
pagkapatay niya kay Moro. Ipinagdiwang nila sa Manila Hotel ang
kanyang panalo. Nang umuwi sila'y kasabay niyang idinating sa kanilang
tahanan ang ekstrang pahayagan, "Napatay ni Batling Kulas si Moro."
Ngunit lalong matunog sa kanya ang balita ng hilot,"Anak na lalaki.
Kamukhang-kamukha mo." Isinabisig niya ang sanggol. Sumibol sa
kanya ang isang luwalhati. Sinasabing ito ang susunod sa kanyang
yapak at pinangalanan niya itong Benito na isinunod sa tunay na
pangalan ni Moro. Ngunit nagkasakit ang kanilang anak. Isang uri ng
sakit sa utak na pumipinsala sa mga mata at nagpapalambot sa laman
at kasukasuan, kaya wala pang isang taon si Benito ay minamasahe na
niya.

Pinatingnan niya ang bata sa isang dalubhasang manggagamot na


siyang tumiyak na nagkaanak siya ng luno - sapagkat malabis na ininda
ni Benito ang karamdaman. Gumuho ang kanyang pananalig sa maaari
pang magawa ng tao. Sumama silang mag-asawa sa banal na
paglalakbay sa Antipolo at sa mga santa at santong pinipintakasi'y
isinamo nila na paghimalaan ang kanilang bunso na wala rin namang
ipinagbago. May isang matanda ang nagpayo sa kanya na itigil ang
pagboboksing sapagkat masama daw ito na hanapbuhay. At dahil dito ay
nagunita niya si Moro. Ang mga luha't hinanakit sa mga mata ng asawa't
anak ni Moro.
Hindi na siya maglalaro ng boksing. Ayaw na niyang maging
kampyon. Tutal ay nakapagtalalan naman si Benito, nakalakad.
Noong mamatay ang kanyang kabiyak ay walang sukat tumingin
sa kanyang anak samantalang nagbubuhat siya ng mga sako ng asukal
sa pinaglilingkurang pintungan. Lumaboy ito sa lansangan na walang
katiyakan. Naawa siya sa kanyang anak dahil na rin sa panunudyo dito.
Isang hatinggabi'y ay tinangkang patayin nito ang kanyang anak
sa sakal ngunit hindi niya naituloy.
Mariing pumikit si Batling Kulas. Tumatama sa kanyang mukha
ang sinag ng araw na naglalagos sa butas ng bubong at sa siwang ng
sahig. Narinig niya ang kaluskos ng mga paa ng mga sanidad na
sinusundan ng mababagal na hakbang ni Arya Ito. Kumakanta-kanta pa
si Arya Ito. Tumigil ang kaluskusan sa paanan ng sirang tulay
samantalang mahinang inihahatid ng hangin sa kanyang nga taynga:
Silaban mo, Arya Ito. Iyon iyong nakatumpok Haleat nang Hindi
kumalat ang sakit. Mabuti pa ang inutil maysilbi.
Nag-inat siya. Nangangalam na ang kanyang sikmura. Tiningala
ang kanilang paminggalan Subalitnasulyapan niya ang malaking
katawan ni Arya Ito: nakalatag sa sahig at walang kakilus-kilos.
Pumanhik siya.
Inaapoy ng lagnat si Arya Ito.
Nang umuwi siya ay noong nagmamadaling-araw. Wala sa bahay si
Arya Ito. Hindi na sumayad sa hagdanan ang kanyang mga paa sa

pagmamadali. Waring nilindol ang kanyang dibdib. Alam na niyang sa


tambakan ng basura niya ito makikita. Pinauwi niya ang kanyang anak
habang hawak ni Arya ang isang putol na kahoy na napalo niya sa pilat
sa noo ni Batling Kulas. Likha iyon ng pakikipagsagupa niya kay Moro.
Sa sang-iglap ay napahulagpos niya ang isang ubos-kayang suntok na
ikinatimbuwang ni Arya Ito sa tabi ng tiklis.
Naramdaman niya ang kasiyahang umali sa kanya noong mapatay
niya sa suntok si Moro, at makaraan iyon ay natulad siya sa isang
namulat sa isang nakahihindik na bangungot.
Hindi na humihinga ang kanyang anak!
Tinakasan siya ng lakas at sumuko ang kanyang mga tuhod sa
bigat ng kanyang katawan. Napaluhod siya at tila nag-uusal ng isang
mataos na dalangin ay maamung-maamong kinalong si Arya Ito. Patuloy
na minamasdan niya si Arya Ito - ang mukhang bahagyang nasisinagan
ng bagong umaga at ang pasa sa puno ng leeg. Nabasag ang luha sa
kanyang mga mata at nanariwa sa kanyang puso ang luwalhating
naramdaman niya noong unang sandaling isinabisig niya ang
pagkasanggol ni Arya Ito.
Nagkurus si Batling Kulas.

Ang Kwento ni Mabuti


ni Genoveva Edroza-Matute
Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa
siya sa dating pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong
kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag,
sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung
manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon
pa siyat nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng
isang uri ng karunungan sa kanya ko lamang natutuhan.
Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa
kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita
ko siya at akoy lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa
kanyang anyo at sa kanyang buhay

Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nagukol sa kanyang ng pansin. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa
paraan ng pagdadala niya ng mga panunugutan sa paaralan, walang
masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya.
Siyay tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siyay
nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang
pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga salitang hindi niya maalaala kung
minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin. Sa isang
paraang malirip, iyon ay naging salamin ng uri ng paniniwala sa buhay.
Mabuti, ang sasabihin niya, ngayoy magsisimula tayo sa
araling ito. Mabuti namat umabot tayo sa bahaging ito Mabuti
Mabuti!
Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di
lamang nahuli niya akong minsang lumuluha; nang hapong iyoy iniluha
ng bata kong puso ang pambata ring suliranin.
Nooy magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan
ng mga nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan,
ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan,
pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako
natagpuan.
Mabutit may tao pala rito, wika niyang ikinukubli ang pagaagam-agam sa narinig. Tila may suliranin .. mabuti sana kung
makakatulong ako.
Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa
kailanman. Sa bata kong isipan ay ibinilang kong kahihiyan ay
kababaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang
magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa
sinabi niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa katapat na
luklukan.
Hindi ko alam na may tao rito.. naparito ako upang umiyak
din.

Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang


tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya
pay nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.
Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na klamang
ang tinig sa pagtatapat sa suliraning sa palagay ko nooy siya nang
pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa
pangyayaring iyoy nagtataka ako kung paanong napigil niya ang
paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit, siyay nakinig nang
buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niyay tunay na
matapat.
Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang
naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nang bigla akong makaalala.
Siyanga pala, Maam, kayo? Kayo ng pala? Ano ho iyong ipinunta
ninyo sa sulok na iyo na iniiyakan ko?
Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; ang
sulok na iyon na iniiyakan natin nating dalawa. Nawala ang
marahang halakhak sa kanyang tinig: sanay masabi ko sa iyo, ngunit
ang suliranin.. kailanman. Ang ibig kong sabihin ay maging higit na
mabuti sana sa iyo ang buhay.
Si Mabutiy naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw
na iyon. Sa pagsasalita niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa
pagngiti niyang mabagal at mahiyain niyang mga ngiti sa amin, sa
paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong
muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang
sulok na iyon,.. Iniiyakan natin, ang sinabi niya nang hapong iyon. At
habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturoy
hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na
iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa
aming sulok na iyong aming dalawa
At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa
kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay ng mga bakas ng
kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit, sa tuwina, kasayahan, pananalig,
pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno siya ng maririkit
na guni-guni ang aming isipan at ng mga tunog ang aming pandinig at
natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin

naming sa panitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa


kagandahan at akoy humanga.
Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili
pagkatapos na maipadama niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa
aming aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan
kundi pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan.
Ang pananalig niya sa kalooban ng maykapal, sa sangkatauhan,
sa lahat na, isa sa mga pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling
ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa
kanya ng kagandahan sa mga bagay na karaniwan na lamang sa amin ay
walang kabuluhan.
Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa
buong panahon ng pag-aaral naming sa kanya. Ngunit bumanggit siya
tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak. .. nang paulitulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa ama ng
batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral naming ang nakababatid
na siyay hindi balo.
Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang
maririkit ay nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang
katabilan niyon. Ang paglaki nang mga pangarap niyon, ang nabubuong
layunin niyon sa buhay. Minsan, tila hindi namamalayang
nakapagpapahayag ang aming guro ng isang pangamba ang pagkatakot
niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang
anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit
sa kanyang anak ay iisa lamang ang mga bagay na pinagtitiisang
pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat
pagbanggit na iyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa
may nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala.
Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa
kaarawan ng kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking
lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang
kanilang mga handog. Ang anak niyay anim na taong gulang na. Sa
susunod na taon siyay magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro
naming maging manggagamot ang kanyang anak- at isang mabuting
manggagamot.

Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang


bata sa aking likuran ang bumulong: Gaya ng kanyang ama!
Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siyay
nagsalita.
Oo, gaya ng kanyang ama, ang wika niya. Ngunit tumakas ang
dugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa
kanyang labi.
Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng
batang may kaarawan.
Matitiyak ko noong may isang bagay ngang malisya sa buhay niya.
Malisya nang ganoon na lamang. At habang nakaupo ako sa aking
luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang
puso ko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga
kamay gaya ng gingawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan,
at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa
kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang taong man
lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga
kamag-aral kong nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang
sinasabing, Oo, gaya ng kanyang ama, habang tumatakas ang dugo sa
kanyang mukha.
Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan
kailanman. Tinignan niya ako ng buong tapang na pinipigil ang
panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito : Mabutimabuti gaya ng
sasabihin nitong Fe-lyon lamang nakararanas ng mga lihim na
kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan.
Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin
Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin
ang pangungusap na iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa aking mga
pagsusulat. Ngunit samantalang nakatitig siya sa akin ng umagang iyon,
habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at
ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas
ng mga lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na
kaligayahan.

At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik


ang dating kulay ng kanyang mukha, muli niyang ipinamalas ang mga
nagtatagong kagandahan sa aralin naming sa Panitikan. Ang karikatn
ng katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng
buhay.
At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang
mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang
ama ng batang iyong marahil ay magiging isang manggagamot din balang
araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang
bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At
naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong
kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat.
Boud:
Hanggang ngayon ay doon pa rin siya nagtuturo. Lagi ko siyang
inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin,
sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at akoy
lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo at sa
kanyang buhay. Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang
sinumang nag-ukol sa kanyang ng pansin.
Siyay tinatawag ng lahat na si Mabuti kung siyay nakatalikod.
Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita.
Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di
lamang nahuli niya akong minsang lumuluha; nang hapong iyoy iniluha
ng bata kong puso ang pambata ring suliranin.
Hindi ko alam na may tao rito.. naparito ako upang umiyak
din.

Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang

tinig.
Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang
ang tinig sa pagtatapat sa suliraning sa palagay ko nooy siya nang
pinakamabigat. At nakinig siya ng may pag-unawa.

Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang


naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nang bigla akong makaalala.
Tinanong ko siya kung bakit siya naroon sa sulok na iyon. Ngunit
tumawa lamang siya at inulit ang aking mga sinabi: ang sulok na iyon
na iniiyakan natin nating dalawa.. Sanay masabi ko sa iyo,
ngunit ang suliranin.. kailanman. Ang ibig kong sabihin ay maging
higit na mabuti sana sa iyo ang buhay. sagot niya.
Si Mabutiy naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw
na iyon. Ang sulok na iyon,.. Iniiyakan natin, ang sinabi niya nang
hapong iyon. At habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig
sa pagtuturoy hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo
niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Nagsimula akong magmasid,
maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit, sa
tuwina, kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silidaralan. Pinuno siya ng maririkit na guni-guni ang aming isipan at ng
mga tunog ang aming pandinig at natutuhan naming unti-unti ang
kagandahan ng buhay. Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa
kanyang sarili sa buong panahon ng pag-aaral naming sa kanya. Ngunit
bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang
anak. .. nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin kailanman
tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral
naming ang nakababatid na siyay hindi balo.
Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa
kaarawan ng kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking
lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang
kanilang mga handog. Ang anak niyay anim na taong gulang na sa
susunod na taon ay magsisimula nang mag-aral. At ibig ng guro naming
maging manggagamot ang kanyang anak- at isang mabuting
manggagamot. Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang
isang bata sa aking likuran ang bumulong: Gaya ng kanyang ama!
Narinig niya ito at siyay nagsalita.Oo, gaya ng kanyang ama, ang wika
niya.
Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa
ama ng batang may kaarawan.
Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan
kailanman. Tinignan niya ako ng buong tapang na pinipigil ang

panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito : Mabutimabuti gaya ng


sasabihin nitong Fe-lyon lamang nakararanas ng mga lihim na
kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan.
Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin
Ngunit samantalang nakatitig siya sa akin ng umagang iyon,
habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at
ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas
ng mga lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na
kaligayahan.
At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang
mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang
ama ng batang iyong marahil ay magiging isang manggagamot din balang
araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang
bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At
naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong
kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat.

HULYO 4, 1954 A.D


ni Dionisio S. Salazar
Mga Tauhan:
Pablo Ang nagbalik-loob
Loida Ang kanyang kasintahan
Kintin ..Ang kanilang pinuno
Islaw .Ang bata ni Kintin
Koronel Santos ..Isang upisyal ng NBI
Isang Pulis, at ilang ekstrang babae at lalaki.
Panahon: Gabi ng Hulyo 3, 1954
Lunan: Lumang Luneta
Pagbubukas ng tabing ay makikita sa may gawing likod ng
tanghalan, dakong kanan, ang dalawang-katlong bahagi ng bantayog ni

Rizal. Sa may gitna naman ng tanghalan ay namamalas ang isang


malagong puno ng adelpa. May isang mahabang upuan sa tabi nito.
Walang anu-anoy darating buhat sag awing kanan si Pablo at
Loida.
Si Pablo na bago pa lamang tumutuntong sa 25 taon, ay mataas,
malapad ang sukob at mabulas ang pangangatawan. Mukha siyang
matalino at matapangBilugan ang kanyang mukha at ang kanyang
malagong buhok ay nahahati sag awing kanan. Kaki ang kanyang
pantaloon at kulay kumot ang suot niyang diyaket.
Pangkaraniwan ang taas ni Loida. Ang kanyang balingkinitang
katawan ay may kaakit-akit na hubog. Kulot ang kanyang putol na
buhok. Malamig ang kanyang tinig at wala rito ang katigasang dapat
asahan sa isang amazona. Mapamihag ang kanyang ngiti at may halina
ang kanyang titig. Dalawamput-dalawang taon na siya. Masigla ang
kanyang kilos at magiliw siyang mangusap. Sa suot niyang
kamisadentrong panlalaki at pedal-pusher na maong ay wala siyang
iniwan na isang tomboy.
Palinga-linga silang dalawa na tila may hinahanap. Pagtapat sa
may puno ng adelpa ay titigil sila.
Pablo: Natitiyak mo ba, Loida, na sa lugar na ito tayo magtatagpo?
Loida: Oo, dito sa isa sa mga puno na malapit sa monument. (May
alinlangan) Palagay mo kaya ay saan sila naroroon, ha, Pabling?
Pablo: Baka naghahagilap pa sila ng balut na mailalako. O kung hindi
man ay nasa may grandstand sila at alam mo na.
Loida: (Patawa) Para kong nakikita ang kanilangt ayos na animo tunay
na mag babalot, subalit (magbabago ang tinig at anyo) a, kung alam
lamang ng makakikita ang nasa ilalim ng mga balut na yaon.
Pablo: (Mabilis na ilalagay ng pakurus sa bibig ang isang daliri) Ssst,
dahan-dahan kat baka may makarinig sa atin. ( Masusulyapan ang
bangko) Halikat maupo kata.
Loida: (Hahawakan sa balikat si Pablo; masuyo) Hindi ka ba natatakot,
Pabling? Dahil sa akin ay tiyak na malalagay ka sa mapanganib na
kalagayan. Ang ating gagawin ay maaaring maging sanhi ng ating
kamatayan, kung sdakali. Hindi ka kaya magsisi?

Pablo: ( Hahawak at pipisilin nang buong suyo ang isang kamay ni


Loida) Minamahal kita , Loida, itoy alam mo. At dahil ditoy kalabisan na
marahil sabihin kong nahahanda akong hamakin ang lahat----- maging
kamatayan man---- alang-alang sa iyo. Natatakot ka mo? Ba, duwag
lamang ang natatakot mamatay. Wika nga ni Shakespeare ay Cowards
die many times before their death. Itong tandaan mo: Mula ngayon,
magkasama kita sa buhay at kamatayan---- sa hirap at ginhawa!
Loida: (Masaya) Salamat, Pabling. Ngayon ko napatunayan na sadyang
tapat ang iyong pag-ibig. Ikinararangal kita. At hintay, saulado mo pa
ang iyong napag-aralan!
Pablo: Ang isang diwa o simulain, kalianmat maganda at kapuri-puri ay
mananatiling buhay. Ngunit mula ngayon, adyos Marx, Engles, Lenin,
Lava, at iba pa. Salamat sa iyo, sa amain mong senador, at nag-liwanag
ang aking isipan.
Loida: Ang ating isipan, ang sabihin mo.
Pablo: Natatandaan ko pa ang sinabi ng isa kong guro na anyay Ang
tao raw na katutubong mabuti, sumama man, ay bubuti rin, ngunit nag
likas na masama, mabalot man ng mga hiyas at karangalan, ay masama
rin.
Loida: ( May makahulugang ngiti ) Ang ibig mong sabihiy?
Pablo: Na ikaw at akoy hindi likas na masama. Manapay natangay tayo
at nalason ng H.M.B. sa oras ng ating kahinaan.
Loida: May katwiran ka, Pabling. At lalo na si Tiyo Pepe. Ano pa nga
naman ang dahilan at ipagpapatuloy natin ang pamumundok ay sa
ibinibigay naman ni Magsaysay ang lahat n gating kagustuhan? Di nga
ba binibigyan ng lupa ang mga walang lupa? Pinatatawad ang mga
nagkasalang humihingi ng tawad? Kinikilala at ipinagtatangol ang mga
karapatan ng mga maliliit? Tinatangkilik at binubuhay ang sariling
atin?... Maliban sa hibang na nasang pailalim sa Pulang Bituin ay ano
pa nga naman ang sanhi at tayoy di umahon at sumuko at manahimik?
May katuwiran si Tiyo Pepe na sabihing matakot tayo sa kasaysayan.
Pablo: ( Buong paghangang nakatitig kay Loida ) Maniwala ka, Loida,
bilib na ako sa amain mong senador: Inuulit kong kung hindi sa iyo at sa
kanya, at saka pala sa ilan nating kakilalang manunulat, ay malamang
na masasawi ako sa kamay ng isang kabalat din, at mamamatay pang
may tatak ng pagka-Hudas sa sariling lahi.

Loida: Kung sa bagay ay hindi tiniyak sa atin ni Tiyo Pepe na maikukuha


tayo ng homestead sa Mindanaw. Subalit mahigpit naman ang kanyang
pangakong gagawin ang makakaya upang hindi tayo mabilanggo.
Loida: Sino ang magsasabi, ako o ikaw?
Pablo: ( Waring hindi narinig ang katanungan ni Loida) Dapat nating
isipin na kapwa pusakal na kriminal ang dalawang yon. Dahil ditoy
kailangan natin ang bilis na pag-iisip at tining ng loob. Ngunit iwasan ta,
hanggat maaari, ang paggamit ng sandata.
Pablo: ( Munti may walang bakas na pagkasindak) May awa ang Diyos.
( Masaya at madamdamin) Lubhang makasaysayan sa akin ang araw na
ito ( waring nakikimi pa), giliw. Una, sa hindi ko inaasahang mangyayari
ay natamo ko ang iyong pagmamahal. Ikalawa, ito ay sasaksi sa aking,
este, sa ating. ( hindi makukuhang tapusin ang sasabihin, sapagkat
may isang pulis na makalalapit sa kanila nang hindi nila namamalayan.)
Pulis: ( Pabigla at pagulat) Hoy! Kayong dalawa! Anong inyong ginagawa
rito? Hindi ba nyo alam na bawal dito ang mag-neking?
Pablo: ( May pagtataka subalit mahinahon pa rin) Hindi ho naman kami
nagneneking, a.
Pulis: ( Paaglahi) Ku.hindi pala. E anong ginagawa nyo rito sa ganitong
oras, nagbibilang ng bituin? ( Kunway dudukot ng lapis at papel sa
bulsa)
Pablo: Hindi ho. Nagpapalamig lamang kami at nagkukuwentuhan.
Pulis: Sawa na ako sa ganyang katwiran. Bueno, tayo na at doon kayo
mangatwiran nang husto sa kuwartel.
Loida: ( Titindig ) Maniwala ho kayo, Mamang Pulis, wala hu kaming
ginagawang masama. Hindi ho kami nagneneking na gaya ng inyong
palagay.
Pulis: ( Magpapahalatang galit na ) Kung hindi nyo ibig maperyodiko ay
mabuti pang sumama na kayo sa kin ngayon din.
( Magtitinginan si Pablo at si Loida. At magkakaunawaan. Sasama
sila sa pulis na walang ni munti mang agam-agam sa kanilang mga
mukha. Lalabas sila sag awing kanan ng tanghalan.
( Pagkaalis nila ay darating naman si Kintin at si Islaw naming
gagaling sag awing kaliwa. Kapwa sila may sakbat sa kanilang mga leeg
na dalawang maliliit na tiklis. Mistula silang tunay na magbabalut. Si

Kintin ay pandak subalit siksik ang pangangatawan. Nakabayanggot siya


at nakasalamin. Mukhang masungit at mabalasik. Panganahan siya.
Malikot ang kanyang mga mata bagaman baha-bahagya lamang ang
galaw ng kanyang ulo. Mag-aapatnapu na siya.
( Si Islaw, bagaman malaki ang kataasan kay Kintin, ay hukot
naman at payat. Bago pa lamang siyang nagdadalawangpung taon.
Halatang- halata sa kanyang mga kilos na lubos siyang nasa ilalim ng
kapangyarihan ni Kintin. Mababakas din sa kanyang hawas na mukha
ang katapangan. Ang mga polo shirt nila ay hindi nangakaparagan.
Paglipat nila sa may puno ng adelpa ay hihinto sila at pagagalain ang
mga tingin)
Islaw: Terible pala itong Luneta, ano po? Hatinggabi nang malalim e me
naggugudtaim pa.
Kintin: ( mangingiti ) at nakita mo ba, Islaw, na yaong ilang nabulabog
natin sa mga puno e may kipkip pang mga libro?
Kintin: Oo, saying lamang ang ginagasta sa mga ganyan. Pero, maniwala
ka, yan naman ang pagnagsiuwi sa prubinsya e siyang masyadong
magpasikat.
Islaw: Ba, dapat silang mangahiya. Nagpapakamatay sa hirap ang
kanilang mga magulang sa paghahanap ng pera samantalang silay
gudtaim lang naman ang inaatupag at hindi pag-aaral.
Kintin: Kaya nga ba kahit na mangawngaw si Lacson e pupuri ko rin
kung minsan dahil sa paghuli niyang minsan sa mga naggugudtaim dito.
Perooo mahina pa rin siya. Kung hindi madala ang mga lekat na yan.
Islaw: pag nagkataon, Kumander, ay
Kintin: (Maagap at halos pabulong) Psst, huwag mo kong tatawaging
Kumander, lalo na kung mey lumalapit. Este, ano na nga yung sinasabi
mo?
Islaw: Yan nga po ang hirap sa ting mga Pilipino, e. Manggagaya tayong
de primera klase.
Kintin: (Himig pagmamagaling) Ang panggagaya, Islaw, e hindi masama.
Ang masama e kung gagayahin mo yung masama. Pero, kapag mabuti
ang pinarisan at saka pinabuti pa e ito ang magaling. (Tatanglawan ng
isang lighter ang relo sa bisig.) Aba, at mag-aala-una na pala! Bakit
kaya wala pa sila? (lilinga)

Islaw: (Matapos maupo) Ano po bang oras, Kumander,ang sabi ni


Kapatid na Loida na babalik sila?
Kintin: Ang sabi ko sa kanya e dapat siyang narito bago mag-alas dose.
Islaw: (May pananabik) E si Kasamang Pablo po naman? Anong naisipan
niyat sumama-sama pa? Palagay ko poy
Kintin: (mabilis na hahadlangan si Islaw; pagalit) Torpe! Anong kaululan
ang sinasabi mo? (may maaaninag na lumalapit.) O, teka, baka sila na
yang dumarating.
(Aaninawin nilang mabuti ang dumarating. Mabibigo sila pagkat ang
daraan sa kanilang tabi ay isang bata at isang marinong Amerikano.
Magkaakbay ang dalawa Ang lalaki na maybote pa ng alak sa bulsa, ay
sumusuray sa paglakad. Aalukin sila ni Islaw ng balut. Bibili ang babae.
Ang ibabayad ay sa bulsa ng marino kukunin. Lalayo sila pagkatapos.)
Islaw: (Iiling at ngitnit
Nagsisilbing palabigasan.

nang

makahulugan).

Kawawang

lalaki.

Kintin: (Nakangiti rin at tatangu-tango) Talagang ganito lang ang buhay,


Islaw: isang manluluko at isang lulukuhin. Paris niyang Amerika, kunwa
e tagapagtanggol ng mga karapatan ng maliliit na bansa na paris ng
Pilipinas bagkus e siyang mangangamkan na de primera klase. Pero, ku,
pasasaan bat dir in siya babagsak --- sialng lahat na bansang
imperyalista at kapitalista! Ba, para silang nagtagpo sa bigas oras na
sumagupa sila sa Rusya. At akala nilay sila lamang ang may Atomic at
Haydrodiyen, hmm teka, bakit ba kung saan saan nasusuot ang ating
usapan? Ang dapat nating pag-usapan e ang tungkol sa ating misyon.
Kailangang magtagumpay tayokahit anong mangyari!
Islaw: (Puspus-alinlangan) e pano pa kaya ang mabuti sa mga
guwardyang?
Kintin: (Mabilis) natatakot ka ba? Wag mo silang intindihin. Madali yang
remedyohan.(muling tatanglawan ng patago ang relo. Mahahalata sa
kanyang tinig na yamot na siya sa paghihintay.)
Pag hindi pa sila dumating sa loob ng kalahating oras e malaking hirap
nang kanilang katad pag nagkataon, hmm.
Islaw: magtagumpay sana tayo, Kumander, at nangggg
Kintin: meyroon tayong tig-isandaan libong piso bilang gantimpala.

Islaw: ( Parang hindi ibig maniwala sa narinig ) Ano po? Tig- isandaang
libong piso? E saan naman po eto kukunin e saa?
Kintin: ( Makabuluhan ang ngiti ) Kung saan ito manggaling e isang
lihim. Basta ang isipan mo e ito: Magtagumpay tayo!
Islaw: Totoo po ba ang balitang kumakalat sa kampo na ipadadala raw
kayo sa Moskow pagkatapos ng misyong ito?
Kintin: ( magkikibit ng balikat ) ewan ko ba. Pero tandaan mong oras na
magtagumpay tayo e irerekomenda k okay Heneral na mataas kayo sa
katungkulan.
Islaw: ( Matutuwa ) Salamat po. Sa palagay kaya nyo e husto na itong
ating dalang paraaaa..?
Kintin: ( Pangungunahan ang kausap ) Husto? Ang sabihin moy labislabis to. Ito lang nasa aking tiklis e sapat na para todasin ang lahat ng
naron.
Islaw: Ang inaalala ko lang, Kumander. E maraming
Kintin: Bakit ba sila ang iintindihin mo? Ang intindihin moy sya. At ang
ating pabuya. Saka, karamihan naman dooy es-es-bi at mga pulitikongkanin. Basta siya lang ang ating malagot e.
Islaw: Pag nagkataon e nganga sa hangin ang mga nasyonalistang yon.
At pihadong matutuwa naman ang mga liberal, ano po?
Kintin: Hindi rin, pagkat ang hahalili e nasyonalismo rin. Hindi mo ba
alam na En-Pi si Garcia? Ang sabihin mo e tiyak na maloloko ang
administrasyon. At sa oras na magkaga-nito, eh makasisigaw na tayo ng
Amanos! at Mabuhay ang hukbong magpagpalaya ng bayan! Hm, ang
akala lamang ng mga nasa gubyerno e baldado na tayo. Hmm,
malalaman din nila. Malalaman nila hanggang bukas.
Islaw: (May pagmamagaling ) At isa pa po! Ang akala ng marami e
mahina na tayo porke sumuko ang taksil at duwakang na si Taruc.
Malalaman nila hanggang bukas ng hapon ---sa oras ng parada.
Kintin: Isipin natin kung paano madidispatya ang mga guwardiya sa
ilalim ng grandstand nang hindi natin babarilin. Sabagay e may silencer
itong akin.
Islaw: ( matapos makapag-isip ) Me naisip ako, Kumander! Bumili tayo
ng alak at palapitin natin sa kanila si kapatid Loida oras na siyay
dumating.

Kintin: At pagkatapos?
Islaw: Pagkatapos po e gawin niya ang dapat gawin, hlimbaway ibigay
niya ang kanyang sarili kung kinakailangan. Walang tatangi sa kanya.
Me itsura siya. Materyales pwerte, ika nga.
Kintin: Magaling! ( Mapapadagok sa hita.) at hang abala ang isa kayLoida
e kakausapin ko naman ang isa pa. bibigyan ko ng balut. At bahala na
ko pagkatapos. Si kasamang Pablo naman e siya nating pagbantayin sa
ibang maaaring lumapit.
Islaw: ( Lipos pananabik ) E ako po naman?
Kintin: ikaw ang magtatanim n gating dala. Oras na magawa mo ito e
sisibat tayong apat sa isang taksing paghihintayin natin. Areglado?
Islaw: ( Mapapatayo sa tuwa ) Superyor na ediya, Kumander! O, ayan na
ata sila! (A ng darating ay dalawang binabae. Kikilalanin silang mabuti
ng mga ito at pagkatapos ay magbubulungan at magtatawanan.)
Kintin: ( Pbulyaw ) Hoy, kayo riyan! Anong inyong pinagtatawanan?
Islaw: Hwag kayong luluko-luko at baka kayo samain,hmm!..
Unang Binabae: ( sa karaniwang punting-bakla) oyyyyy.. how-ag kayong
mag-alit. Hendi keyo ang aming pinagtataw-anan. Suya!
Ikalawang Binabae: ( hihilahin sa kamay ang kasama ) Ow, cmon,
Claring. Les not mine dem. Jes plane balut vendors. No dice. Mabantut
yan.
Islaw: ( susurutin sa mukha ang Huling nag salita ) Hoy, ikaw na me
malalaking masel! Huwag kang iinglis-inglis dyan at baka pipilitin ko
yang leeg mo. Hala , lumayas na kayo rito, mga buwisit! ( akmang lalayo
ang dalawang binabae na lihim na nagkakalabitan.)
Kintin: ( bago tuluyang makalayo ang mga bakla ) sandal lang! alam ba
nyo kung saan kayo dapat magpunta para kumita nang malaki? Doon
sa piyer.
Islaw: ( gagayahin ang isang bakla ) nar-on ang ma-ram-ing ma-rin-o,
(mariin) mga kumpare. (titingnan siya nang masakit ng dalawang
alanganin.)
Ikalawang Binabae: (Pairap) Yu dont heb to teach us an more,mister
balut. We knows awer bisness. Les go, claring. (tuluyang lalayo, ngunit
haharaping muli ang mga magbabalut na nakapamay-wang) Tse! Ang
papangit lang!...(mawawala)

Islaw: Totoo po ba, Kumander, na me dala raw mala sang mga taong
ganyan?
Kintin: Ayon sa iba, pero bakit ba tayo maniniwala riyan A, palagay
koy sila na yang dumarating na yan! ( darating buhat sa gawing kanan
si Pablo at Loida. Masaya sila.)
Kintin: Bakit kayo natagalan, ha?
Pablo: Kanina pa hu kami rito ngunit napagkamalan kami ng isang pulis
naaana.,
Kintin: (May pananabik) Na anu?
Pablo: Na nagneneking hu.
Kintin: (Matapos mawala ang bakas ng pagkamangha at kaunting kaba
sa mukha) Pinakaba mo ako ng kaunti. (Pabiro) O baka naman totoo,
ha?
Loida: (Maagap) Aba, hindi po, Kumander! Talaga pong hindi.
Islaw: (Sakbibi rin ng pananabik) Enong ginawa senyo ng pulis
pagkatapos?
Pablo: Dadalhan sana kami sa kuwartel subalit nahimas rin naming
siya.
Kintin: Anong inyong ginawa?
Loida: Pinakiusapan po naming nang mabuti at pagkatapos ay binigyan
ng pantabako.
Kintin: Buweno, yamang narito na tayong lahat e pag-usapan natin nang
mabuti ang tungkol sa ting lakad. Halikayot maupo tayo.
(Magsisiupo ng pasalampak sa damuhan. Si Islaw ang bukodtanging mananatili sa pagkakatayo.)
Kintin: (Mahina, halos paanas) Heto an gating plano. Makinig kayong
mabuti. Ikaw, Islaw(titingalain ito) magmatyag kang mabuti at baka mey
makalapit sa atin nang hindi natin namamalayan.
Islaw: Opo.
Pablo: (Pangungunahan ang kanilang kumander) Kumander, mayroon
hu sana akong sa inyo, e. Tungkol hu sa saaaaa.
Kintin: Ituloy mo.

Pablo: Nais ko hung ipagtapat na nagkaka-ibigan na kami ni Loida. At


dahil ditoy iniisip naming mamuhay na nang tahimik. ( Hindi
hihiwalayan nh titig si Kintin na parang ibig sabihin nito sa mukha ang
tunay na niloloob.)
Kintin: (Mapapatindig at mapapalakas ang boses) Mamuhay ng tahimik!
Anong ibig mong sabihin, kasamang Pablo?
Pablo: (Tatayo naman bago sumagot) Gaya ho ng iyong narinig.
Kintin: (Kay Loida) Totoo ba ang sinasabi nang hangal na ito?
Loida: (Ttindig rin bago tumugon) Opo.
(Sa galit ni Kintin ay akmang pagbubuhatan ng kamay ang
dalawa, dangat pakapagpipigil siya.)
Kintin: (Halatang nagtitimpi) Sa ka na nga natin pag-usapan ang bagay
na to. Sa ngayoy hindi tayo dapat mag aksaya nang panahon.
Kailangang magtagumpay muna tayo sa ting lakad. Ganito, Loida, ang
iyong gagawin..
Loida: (Malumanay ngungit matatag) Palagay ko po, Kumander, ay
hindi makatarungan ang. Ang ating.ang gagawin nating pagtatanim
ng(Hindi makukuhang tapusin ni Loida ang sasabihin sapagkat
bibigyan siya nang isang matinding sampal ni Kintin.Mapapasadsad
siya.at kung hindi sa upuan na kaniyang kasasadlakan ay gumulong
sana siya sa damuhan. Sasaklolohan siya ni Pablo subalit itoy mabilis
na hahadlangan ni Islaw.)
Pablo: ( Hindi kahahalataan ng anumang sama nang loob; matimpi at
mahinahon) Bayaan ninyo, Kumander, na magpaliwanad ako.
Kintin: Ginagalit nyo kong talaga?
Pablo: (Parang walang narinig) Tignan ninyo. Kung sa halip na ituloy
natin an gating layon ay. Sumuko na tayo
(Isang mabilis at unat-kilikiling suntok mula kay Kintin ang
magpapatumba mula kay Pablo. Magbubunot si Islaw nang rebolber at
talagang papuputukan si Loida na nakayukyok sa sandalan ng upuan at
nagkukunwang walang malay-tao at saka si Pablo kung hindi lamang
sasawayin siya ni Kintin.)
Kintin: Huwag, Islaw! Hwag tayong gumawa ng iskandalo hanggat hindi
natutupad an gating misyon!... Itago mong baril mot paraanin muna
natin ang dumarating na pangkat na yan.

(Muling isusukbit ni Islaw ang kaniyang rebolber. Sa pagkaka


lugmok ni Pablo na naghihilu-hiluan lamang ang mailalabas niya ng
palihim ang kaniyang sandata. Sa sang kisap-mata ay maka babalikwas
siya at matutukan ang dalawa. Si Loida ang palihim ring naghahanda.
Manlalaki ang mga mata nina Kintin at Islaw. Pamumutlaan rin sila
nang labis.)
Pablo: (Makapangyarihan at paaglahi) Kumander Lenin! Islaw! Itaas
ninyo ang inyong mga kamay! Madali!
(Ang dalawang napaglalangan ay akmang lalaban subalit
makikita nilang hindi nagbibiro si Pablo. Magkahalong sindak at poot
ang mababasa sa mga mukha ni Kintin at ni Islaw. Si Loida ay tatayo na
pigil sa kamay ang kanyang colt na de-25. Samantala, ang pangkat na
binubuo ng apat na tao ay patuloy sa paglapit sa kanila.)
Pablo: Huwag! Hwag kayong magkakamaling kumilos nang masama
pagkat hindi kayo igagalang ng aking trentay otso!...Ikinalulungkot kong
humantong tayo sa ganito, Kumander. Subalit dumating na ang
paghihiwalay natin ng landas.
Kintin: (Nagngangalit ang mga bagang) Mga taksil! Papatayin ko kayo!
Hindi kayo makaliligtas sa ginawa nyong to! Oo, magbabayad kayo!
Loida: (Lalapit ng may dalawang hakbang; malumanay) Huwag ninyong
isipin, kumander, na kaya kami nagkakaganito ay dahil sa singkwenta
mil pesos na nakapatong sa inyong ulo.
Pablo: Ginawa naming ito ay sapagkat sawakas nakilala namin ang
aming mga pagkakamali. Salamat sa ilang kaibigan manunulat, kay
Loida, at sa kaniyang amaing si senador A, hindi na nga bale ang
kaniyang pangalan.
(Si Islaw, na walang katinag-tinag sa pagkakatayo, ay biglang
dadaluhong. Susunggaban niya si Pablo upang agawan niya ng baril.
Subalit papuputukan siya nito. Sa kabilisan ng kaniyang pagkadaluhong
ay hindi siya karaka-rakang mabubulagta. Mayayapos pa niya si Pablo at
maibubuno.
Sasamantalahin
naman
ito
ni
Kintin
dangat
mararamdaman niya ang nguso ng rebolber ni Loida sa kaniyang likod.
Matutumba si Islaw. Lalapit naman ang pangkat na pinamumunuan ni
Koronel Santos. Nakapaisano silang apat.)
Loida: (Makikilala si Kor. Santos; Himig pagmamalaki) Koronel Santos,
narito ho ang inyong pinaghahanap. Ang kasama niya ay.patay na

(Lalapitan ng dalawang sekreta si Kintin at poposasanmanlalaban ito


subalit wala ring magagawa.)
Koronel Santos: (Pauyam at patangu-tango) Talagang pahaba-haba man
ng suga, sa dulo ay may gasa. Ang ibig kong sabihin ay pailap-ilap man
si Kumander Lenin, sa kamay ng batas ay mahuhulog din!
(Masusulyapan ang nakabulagta.) Aha, iyan ang sinasabi ni Rizal na, I
die without seeing the dawn. Que pobre.!
Pablo: Isa pala kayong poeta, Koronel. (ngingiti ang pinagsabihan.)
Kintin: Mgbabayad kayong lahat! Oras na magkagiyera ay kawawa ang
inyong labas, Mga taksil!
(Ang pulis na humuli kna Pablo ay darating. Maririnig din, buhat
sa ibang dako, ang gumuguhit at papalapit na ugong ng sirena ang isang
police car.)
Koronel Santos: Salamat sa iyo, Loida. Gayundin sa iyo, Pablo. At higit sa
lahat kay senador. (Naino ang dalawang tiklis.patawa at patuya.) at
magbabalut pa ang labas ng mga karahote! (Ky Kintin) Kumander Lenin,
Talagang tuso ka. Pero, tuso man daw ang matsing ay napaglalamangan
din! (Tawanan ng mga nakapaligid.)
Pablo: Sa ilalim ng mga balut na yan ay nakahimlay ang kamatayan.
Koronel Santos: (Sa dalawang sekreta na nag-uusisa sa mga laman ng
dalawang tiklis) Bakani, Silos, sa head quarters na ninyo usisain ang
mga time bomb na yan. Ikaw naman , Cruz, sabihin mo kay Baylon na
dalhin ditong madali ang pick-up.
(Susunod ang mga inutusan. Samantala, iaabot naman nina
Pablo at Loida ang kanilang mga sandata kay Koronel Santos.
Kakamayan sila at babatiin ng lahat.)
Koronel Santos: Ang kabayanihan ninyong ito, Loida, ay tiyak na
makarating kay presidente. Iniligtas ninyo ang kaniyang buhay sa
kamatayan. At naiwasan din natin ang kaypalay pinakamadugong
hulyo kuwatro sa kasaysayan n gating lahi.
Loida: Marami pong salamat, Koronel.
Pablo: Ginawa lamang naming an gaming tungkulin.
(Darating ang inutusang NBI at sasabihing naroon na ang pickup. Aalis silang lahat at may bubuhat kay Islaw at may bubuhat sa mga

tiklis. Pagigitnaan ng mga sekreta si Kintin. Samantala ay ibinababa


naman ang tabing.)
Panahon ng Aktibismo
(1970 - 1972)
Kaligirang Kasaysayan
Ang pagiging malaya sa turing ng mga Pilipino ay hindi maatim
tanggapin ng ilang mga mamamayang Pilipino, lalo na ng mga kabataan.
Naging mainit ang pamamalasak ng aktibismo ng mga kabataan
noong 1970-1972. Samutsaring paniniwala ang dahilan ng kanilang
pagiging aktibista.
Sa masusing pagmamasid at pag-aaral sa takbo ng pamahalaan,
marami sa ating mga kabataan ang naniniwalang di na demokratiko
kundi isang gobyernong kapitalista ang umiiral sa ating bayan
sapagkat damang-dama raw nila ang lalong paghihirap ng mga
mahihirap at lalong pagyaman ng mga mayayaman. Ang iba naman ay
may patuloy na nanalig na matatag ang pamahalaang demokratiko at mga tao
lamang na nagpapatakbo ng pamahalaan ang mga kakulangan. Ang iba naman
ay may paniniwalang dapat nang palitan ng sosyalismo o komunismo ang
bulok na pamahalaan. Ibat ibang samahan ang naitatag at nasapian ng ating
mga kabataan nang panahong ito. May mga kabataang napabilang sa Bagong
Hukbo ng Bayan [New Peoples Army], may mga naging burgis radikal o
rebelde at mayroon ding mga nanatiling parang walang pakialam sa takbo ng
pamahalaan.

Sa kalahatan, maraming kabataan ang naging aktibista upang


humingi ng pagbabago sa takbo ng pamahalaan. Subalit sa kanilang
pamamahayag hinggil sa pagbabagong ito na dala na rin marahil ng
matinding damdaming makabayan at upang mabigyang diin na rin ang
kahalagahan ng kanilang kahingian ay naging matalim at mabalasik ang
panunulat ng ilan nating kabataan. At dahil dito, kasama ng ilang rebeldeng
manunulat, marami sa kanila ang nangapiit sa mga kampong militar ng bansa.

Marami ring akda ang naisulat sa panahong ito, ngunit dahil sa


ang

mga

akday

mahigpit

na

ipinagbawal

sa

una

pa

lang

na

paglalahathala at karamihan sa mga umakday kailangang lapitan pat


makapanayam, ang pangangalap at pagpapahalaga ng mga akdang ito ay
ipinauubaya na sa mga masusing nagsaliksik.
Ang Binhi ng Aktibismo
Humantong sa pagkakadeklara ng BATAS MILITAR [Martial Law]
noong 1972 ang BINHI NG AKTIBISMO. Ngunit masasabing ang binhi ay
naihasik na sa mga kabataan maging noong mga panahon pa nina
Lapulapu, Lakandula, Rizal at iba pa. Sadya pa ring masasabi na
monopolohiya ng kabataang may init ng dugong dumadaloy sa kanilang
ugat ang dahilan ng paghihimagsik laban sa makapangyayaring lakas ng
Pilipinas. Kayat balido ang sinabi ni Rizal na ANG KABATAAN ANG
SIYANG PAG-ASA NG BAYAN.
Ang Kalagayan ng Panitikan
1. Punung-puno ng damdaming mapanghimagsik
2. Nagkaroon ng kamulatang panlipunan
3. Maliban sa makinilya, gumamit din sila ng PINSEL at isinulat sa

mga plakard, sa PULANG PINTURA ang mga kaugnay na salitang


nagpapahayag ng karaingan at pakikibaka
4. Tinalakay nila ang kabulukan ng lipunan at pulitika
Mga Kabataang Bumandila
1.
2.
3.
4.
5.

Rolando Tinio
Rogelio Mangahas
Efren Abueg
Virgilio Almario aka Rio Alma
Clemente Bautista

Ang Panulaang Filipino


Nagtataglay ng tatlong [3] katangian ang mga tulang naisulat ng
mga batang makata at mananalumpati sa panahong ito ng aktibismo:

1. ang pagmamasid at pagsusuri sa kalagayan ng bayan


2. ang pagsisiwalat ng mga katiwalian at dayukdok na pagpapasasa ng
mga nanunungkulan at;
3. ang tahasang masasabing labag sa kagandahang-asal na
panunungayaw at karahasan sa pananalita
Ang mga Dula, Maikling kwento at Nobela
Labis na naging mapangahas ang mga manunulat ng dula, maikling
kwento o maging nobela sa panahong ito, hindi lamang sa paksa kundi maging
sa usapan ng kanilang mga tauhan sa akda.
Payak ngunit makatotohanan ang salitaan o lenggwaheng ginagamit nila
ngunit kadalasay ang payak at makatotohanang usapan, bagamat nasa
makabagong panahon na ay hindi pa rin makayanang basahin ng mga babaeng
may bakas pa ni Maria Clara, lalot ang usapan ay usapang lalaki o ginagamit
sa tagpo ng pakikipagtalik.
Ang mga Pelikula at Komiks
Nang panahon ding ito ng aktibismo, nagsimulang napanood ang mga
pelikulang malalaswa na nakasisira sa kaugaliang silanganin-ang tinatawag na
mga PELIKULANG BOMBA.
Dito rin dumagsa ang mga komiks at iba pang babasahin na ang mga
larawang iginuhit ay walang mga saplot sa katawan.

Panahon ng Kasalukuyan

Kaligirang Kasaysayan
Makapangyarihan ang panulat. Totoo ang kasabihang The pen is
mightier than the sword. Higit na tumatalab ang panulat, higit itong
tumitimo, gumigising , at nagpapaunawa.Nagbunga ang makatotohanan
at mapanuligsang panulat ng ating mga datihang manunulat at mga
kabataang nagbuhat sa mga pamantasan noong nagdaang panahon.

Ang mga balitang naririnig sa radyo at telebisyon, ang mga akda at


balitang nababasa sa mgapahayagan at magasin-o ang midya sa
kabuuan, ay siyang umantig sa kamalayan at damdamin ng bayan
upang maglakas-loob na magtipon-tipon sa EDSA upang tutulan at
pababain ang kapangyarihang higit sa dalawampung taong namayani.
Sinabayan pa ito ng pagbibitiw ng mga opisyal ng pamahalaan tulad ni
Juan Ponce Enrile, ang nooy ministro ng tanggulang bansa, at ni
Heneral Fidel V. Ramos. Ang matahimik na rebolusyon ay tumagal ng
apat na araw, buhat sa ika-22 hanggang ika-25 ng Pebrero, 1986.
Ang pangulong Marcos at ang pamilya niya ay inilikas sa Hawaii.
Si Gng. Corazon Aquino ang nahalal na pangulo ng bansa.Tumahimik na
muli ang bayan. Nagpasalamat ang marami sa maykapal pagkat walang
naganap na madugong labanan. Gayunman, ang taong bayan ay
naghintay at umasa sa mga pagbabago. Nabawasan na ang pagtuligsa sa
dating rehimen, ngunit ang mga dating suliraning panlipunan, pangekonomiya at pampulitika ay nariyan pa rin, kaya patuloy itong
pinapaksa ng mga manunulat. Nariyan ang inaping manggagawa sa
ibang bansa, ang biktima ng panggagahasa, ang alipin ng droga, ang
hinaing ng mga magbubukid, ang suliranin ng iskuwater, ang
pagsasamantala sa kabang yaman ng bansa, ang kidnaping, at iba pa.

Mga Akda sa Panahon ng Kasalukuyan

Kasalan sa Nayon
ni Eleuterio P. Fojas
Hindi niya nalilimutan, na noong siya ay may gulang na sampung
taon pa lamang, akapatid niyang pinakamatanda sa lahat sa kanila, ay
ikinasal. Dalawang bakang matataba, dalawang baboy na mabibilog, at
hindi niya mabilang kung ilang manok, ang pinatay noon. Lahat halos
ng tao sa nayon ay nagsidalo, ang kainan ay nagsimula sa umaga at
natapos sa hapon at pagkatapos ng kasalan ay may ipinamigay pa ang
kanyang ina sa mga kapitbahay at sa lahat ng annunulungan sa
handaan. Hindi niya matandaan ngayon kung makailan siyang kumain
ng araw na iyon.

Araw ng Linggo nang ikasal ang kanyang Kuya Saro. Sabado pa


lamang ng gabi ay lubhang marami na ang mga tao sa bahay ng
magiging kaisang-palad ng kanyang kuya. Mga dalaga at binata, mga
matatanda, at pati mga bata ay nakatipun-tipon doon. Kung pagmasdan
niya ay hindi magkamayaw ang lahat. Para-parang may ginagawa. At ang
salitaan ng bawat isa ay nakatutulig. Hatinggabi na tuloy nang siyay
makatulog noon.
Nang matapos ang kasal sa munting bisita sa kanilang nayon
kinaumagahan ay inihatid pa ng isang bandang musko ang mga bagong
kasal sa bahay ng babae. Maraming tao ang sumama buhat sa
simbahan at sa mga tabi ng daan ay marami ang nangatayong pawang
nagmamasid. Ang kanyang mga kapuwa bata na kasaa niyang sumunod
sa banda ng musko ay pawang nangagsosogawan pa. Masayang-masaya
ang lahat, pati ang kanyang ama at ina, na bagaman nakita niyang
napaluha nang humalik sa kanilang kamay ang mga bagong kasal, ay
palagi nang nakangiti nang araw na iyon. Samantalang sinasaksihan
niya ang lahat ng iyon ay nakakaramdam siya sa kanyang puso ng kung
ano, ngunit lubha siyang nasisiyahan. Ang laha ng iyon ay naukit sa
kanyang alaala at ngayoy labis niyang kinasasabikan.
Ganyan din ang ninanais ni Alberto sa araw ng kanyang kasal. Ibig
din niyay may handaan at may kasayahang katulad ng sa kasal ng
kanyang Kuya Saro.
Hindi bat ang araw ng kanyang kasal ang siyang magiging kahulihulihang araw ng kanyang pagka-binata? Hindi baga naman magiging
kahiya-hiya kung ang kanyang napiling makaisang-palad ay
pakakasalan niya nang pagayon na lamang at pagkatapos ay iuuwi sa
kanilang bahay na tila isang bagay na napulot lamang sa daan?
May katwirang ipagsaya ang araw ng kasal ng isang tao. Walang
kailangan kung ano man ang sasapitin ng mag-asawa pagkatapos. Iyan
ay hindi pumapasok sa kalooban ng sino mang ikakasal sa araw ng
kanyang pakikipag-isang dibdib. At, ang gugugulin...? Ang lahat nang
iyan ay magagawan ng paraan. Bakit nga ang kanyang Kuya Saro, kahit
na isang kasama lamang ni Ingkong Karyo ang kanyang ama na katuad
din ngayon, ay naaaring ikasal nang maringal, masaya at may saganang
kainan?

Aanyayahan niya, hindi lamang ang lahat ng litaw na tao sa


kanilang nayon, kundi pati ang Alkalde ng bayan, ang Tesorero, ang
Hepe ng Pulisya at ang mga kaibigan ng mga ito. Magkakaroon din ng
maraming pagkain at alak na iinumin. At hindi maaaring walang
tugtugan. Pagagayakan ang bisita sa nayon at doon sila ikakasal.
Katulad din ng Kuya Saro, upang huwag lumaking lubha ang
kanilang gugol, ay manghihiram na lamang siya ng isang terno kay
Abogado Narding na kasintaas niya at nakakasinlaki niya ang
pangangatawan. Hinggil sa kasuutang pangkasal ng kanyang magiging
kabiya, aba, bibigyan niya ito ng limampung piso, katulad din ng ginawa
ng kanyang Kuya Saro, upang ipamili ang maiibigan.
Ang lahat ng iya ay napagkayarian na ni Alberto at ng kanyang
ama. Hindi na matatapos ang aking buhay na isang kasama lamang ni
Ingkong Karyo sa habang panahon, ang ibig isagot ng kanyang ama
bilang katugunan sa lahat ng panukala ni Alberto. Subali, ang marahan
at malumanay na ipinakli niya sa kanyang anak ay ganito:
Pabayaan mo at gagawan ko ng paraan ang lahat ng iyan.
Makikipag-usap ako kay Ingkong Karyo.
Hindi napansin ni Alberto ang pangungulimlim ng mukha ng
kanyang ama na noon ay tila nag-iisip nang malalim. At lalong hindi
nalalaman ni Alberto na masaganang luha ang bumalong sa mga mata
ng kanyang ina nang matanto ang mga kinakailangang ihanda sa
nalalapit na kasalan.
Huwebes pa lamang ng hapon ay nakita na ng amga taganayon sa
Amaya na dalawang bakang matataba ang nakatali sa puno ng sampalok
sal likod-bahay nina Alberto. At kinabukasan ng umaga, madilim-dilim
pa halos ay nakalalagim an sigaw ng dalawang baboy na mabibilog ang
pumukaw sa pagkakahimbing ng mga kapitbahay nila. Tangkal-tangkal
na manok ang idinating pa noong Sabado ng hapon.
Mukhang malakasan ang kasal ni Alberto, ang salitan ng isat isa
sa pagupitan ni Isyo nang Sabadong iyon.
Talagang ganyan tayong mga taganayon kung napapasubo, ang
nakangiting tugon ng isang matandang kasalukuyang noong
ginugupitan ni Isyo.

Ano pa ngat talagang malakasan ang kasal ni Alberto. Lahat ng


kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan. Sabado pa lamang ng
hapon, ay nasa tahanan na ni Angela,ng kanyang makakaisang-dibdib at
hindi magkamayay sa paggawa. Naroon si Pablong Tapa na siyang
naglalapa ng dalawang bakang matataba. Si Olet ang siyang pumatay sa
dalawang baboy na mabibilog. Ang mga dalaga at ilang matatanda ang
pumupugot sa mga liig ng manok at naghihimulmol sa mga iyon. Si
Martang Batok at si Eboy naman ang pinagpapawisan mula sa liig
hanggang sa mga paa sa paghaot ng tubig sa may-kalayuan din namang
igiban. At si Ture ang nagpapalakol sa malalaking putol na kayoy na
panggatong. Sa harapan ng bahay nina Angela ay nagtayo sina Tiyo
Kantong, Tinteng Pulo, Kayong, Ulo, Able, Imyon at iba pa, ng isang
palapala ng pinagdatig-datig na mga layag na dinampol na nakatali sa
batalan ng bahay ay may tatlo o apat na tungko ng malaking bato na
kinasasalangan ng mga pinaglulutuan ng sinaing at mga pang-ulam.
Ang nangangasiwa rito ay si Pakitong kusinero. Sa ilalim ng palapala ay
may tatlong mahahabang hapag na pinagdugtung-dugtong at
napaliligiran ng mga bangkon mahahaba rin. Dito nagsisikain ang mga
pangkaraniwang tao sa nayon, inanyayahan man o hindi, na dadalo sa
kasalan.
Sa itaas ng bahay, sa makaanhik ng hagdan, ay may isa pa ring
malaking hapag na siyang kakanan naman ng mga bagong kasal at mga
piling panauhin.
Ang pinakahihintay na araw ng Linggo, ang araw ng kasal, ay
sumapit din. Ang mumunting bisita sa nayon na napapalamutihan ng
mga bulaklak at maraming papael na may ibat ibang kulay, ay nagsikip
sa maraming taganayong nanonood sa kasal ni Alberto at ni Angela.
Pagaktapos na makasal, sinabugan pa sila ng masaganang bigas nang
lalabas na lamang sa bisita at inihaid pa ng banda ng musiko, kasama
ang makapal na tao, sa tahanan ng babae. May mga paputok pang
nagpasikdo ng dibdib.
Talagang ibang magpakasal ng anak si Mang Ambo, ang bulong
ni Tininteng Edes kay Konsehal Kose samantalang silay kumakain.
Iyan ang tungkulin ng isang ama sa kanyang anak na lalaki ang
parawang wala sa loob namang tugon ni Konsehal Jose.

Nang matapos ang pagpapakain sa lahat ng panauhin ay magiikalawa na ng hapon. Ang tugtugan, satsatan, at halakhakan ay noon
pa lamang nagwakas. At, kaya lamang may kaunti pang kaguluhan ay
dahil naman sa pagliligpit ng mga kasangkapang ginamit sa kasalan na
ang karamihan ay hiram sa mga kapitbahay.
Mag-iikatlo na marahil ng hapon nang iuwi ni Alberto si Angela sa
kanilang tahanan. Marami pa ring tao, mga kaibigan at kamag-anak,
ang nagsisama sa kanila. At pagdating sa bahay ay muli na namang
nagkaroon ng inuman ng alak, siagawan at pagkakatuwa na umabot
hanggang sa mag-iikawalo marahil ng gabi.
Sa kabila ng marubdob na pagnanais ni Alberto sa maringal at
masayang kasalan bago dumating ang araw na iyon, ay nakaramdam din
siya ng pagkayamot nang hindi pa umaalis ang mga panauhin. Naiinip
siya sa mga taong tila hindi nasisiyahan sa masaganang handang
kanyang idinulot. Sa kabila ng lahat, ay may karapatan naman siyang
masarili ang ngayoy kabiyak na ng kanyang puso sa harap ng Diyos at
sa harap ng batas.
Sa wakas ay lumisan din nga ang mga panauhin. Pagkakain nila
ng hapunan at pagkatapos ng ilang sandali ng pakikpagkuwentuhan ay
nasok na sila ni Angela sa tanging silid na tutulugan sa kanilang bahay,
na napapagitnaan lamang ng sawali mula sa buwagang hihigan ng
kanyang mga magulang at mga kapatid. Masaya silang dalawa, matagal
na nagbiruan, nagtuksuhan at nagtawanan. Nang ang gabi ay malalim
na at tahimik na ang lahat, ay hindi natiis ni Alberto na di itanong nag
malaon nang inais niyang itanong.
Giliw, nasiyahan ka ba sa maringal at masaya nating kasal?
Mangyari pa, isasagot sana ni Angela na siya namang hinhintay
ni Alberto. Subalit, si Angela ay hindi nakatugos. Si Alberto naman ay
natigilan, May naulinigan silang nag-uusap.
Magkano ang inutang mo kay Ingkong Karyo para sa kasal ni
Alberto? Tinig yaon ng ina ni Alberto.
Tatlong daang piso, hindi pa kasali roon ang dalawang baka.
Bukas daw niya ahalagahan. Si Mang Ambgo ang nagsasalita.

Ipinikit ni Alberto ang kanyang mga mata. Tinakpan ng dalawang


palad ang kanyang mga tainga. Pagkaraan ng ilang sandali ay muli
siyang nakinig.
Hindi na tayo makakabayad sa pagkakautang kay Ingkong Karyo.
Hangga ngayon ay hindi pa natin nababayatain ang ating inutang sa
kasal ni Saro!
Kaipala nga, at lalo pa kung iisiping apat pa itong anak nating
lalaki na hindi nakakasala, ang buntung-hininga ni Mang Ambo.
Muling ipinikit ni Alberto ang kanyang ga mata, tinakpan ng
dalawang palad ang kanyang mga tainga at hanggang sa sumapit ang
umaga, siyay hindi nakatulog kahit isang saglit.
PAG-IBIG NGA NAMAN
ni Ronald Salica
Una ko siyang nakita, pare, noong enrolment. Di naman siya
kagandahan sa katunay, average din ang height, medyo lang maputi na
hindi naman mestisahin. Pero makinis ang kutis at mahaba ang buhok,
na siyang unang tumawag ng pansin ko. Partial kasi ako sa mahabang
buhok, na para sa akin ay simbolo ng isang babaeng masinop at
matiyaga. Kaya lagi akong nakatingin sa kanya habang nakapila kami.
Buti na lang nauuna siya sa akin kaya nakatalikod, pero siguro ay naginit ang batok niya sa kakatingin ko. Paminsan-minsan ay lumilinga din
siya, pero dahil lahat ng nakasunod sa kanya ay nakatingin din kapag
lumilingon siya, pare, di niya matiyak kung sino ang laging nakatingin
sa kanya. O maaari rin naming lahat kami ay nagagandahan sa kanya
kaya lahat nakatingin.
Kaya ang tuwa ko ng malamang kaklase ko pala siya sa ilang
subjects at sa isa ay katabi ko pa ng upuan dahil magkasunod sa lista
ang apelyido namin. De Vila ako, siya naman ay De Vivarre, Ederlyn.
Pambihirang pangalan at apelyido, pero me indayog pagbinigkas. Ederlyn
De Vivarre...very nice no? At ito pa. Nang medyo magkapalagayan na
kami, nalaman kong magkalapit-bayan lang kami, pare, at alam ko ang
lugar nila. Di kalayuan iyon sa amin, mga sampung kilometro lamang,
kunti pa ang nakatira dahil medyo liblib pero may kalsada papunta
doon.

Sa makatuwid ay maaari siyang puntahan kung kinakailangan,


bagay na sa una pa lang ay may kutob na akong din maglalaon ay
kakailanganin nga. Paano ba naman, mabilis pa sa alas kwatro ay
nararamdaman ko agad na umiibig ako sa kanya. At di lang basta crush
o infatuation anuman ang mga iyon, pare, kundi iyong pag-ibig na
sinasabi ng mga makata, iyong masidhi, marubdub, na makakagawa ka
ng tula kahit di ka makata dahil ang tingin mo sa lahat ng bagay ay
kaaya-aya pagnandiyan siya.
At kung wala naman ay parang namatayan ng kaibigang kababata
na kalaro-laro mo na noong hindi pa kayo nagpapantalon. Hindi ka
kumpleto; hindi buo ang mundo. Kulang sa elemento, hungkag. Basta
ganun. Mahirap ipaliwanag. Sabi nga, dinaranas lang daw ang pag-ibig,
hindi ipinaliliwanag dahil hindi kaya. Experience, not explained, sabi
daw.
Bakit nga ba ganuon? Kung ang pag-ibig ay nasa puso, bakit ulo
ang nasisisra? Dahil para akong sura-ulo talaga pagwala siya, lalo na sa
weekend o holiday na walang pasok. Sabik na sabik akong makita siya,
halimbawa, sa classroom, tapos di siya darating. Punebre na sa akin ang
maghapon na iyon. Buryong akong di maintindihan, galit na wala
naming kinagagalitan, buwisit sa lahat ng wala namang dahilan. Sa
weekend naman o holiday na alam kong walang pasok at di ko siya
makikita, kung pwede lamang ay hilahin ko ang oras para bumilis ang
pagdaan ng araw. Gusto ko laging bukas na, para makita ko na siya.
Minsan naman ay idinadaan ko sa panonood ng sine para malibang,
pero di ko naman maintindihan ang estorya ng pinanonood ko. Siya lagi
ang nasa isip ko: ang mukha niya ay nasa aking balintataw, ang boses
niya naririnig ko, pati ang halimuyak ng shampoo niya ay naaamoy ko.
Magkaminsan nga ay kinakauasap ko siya kahit na wala siya at iniimagine ko ang mga sagot niya. Wala din ako sa realidad kapag wala
siya. Ganuon ako kabuang dahil sa kanya, pare. O kaya ay idinadaan ko
sa tulog ang maghapon. Kaya lang
pagnapag-idlip ako sa araw,
meinsomnia ako sa gabi. Pabaling-baling sa higaan, di mapapikit.
Natuto na rin akong manigarilyo dahil doon. Kaya siguro pati
lamok sa amin ay nagkakanser dahil sa sigarilyo ko. Nangunti eh. Pero
hindi iyon ang problema pare. Actually, ang pinakaproblema ko ay
papaano ko sasabihin sa kanya na mahal ko siya, na gusto ko siyang
maging girlfriend, nang hindi niya iisiping sinamantala ko ang pagiging

magkaibigan o magkababayan namin. Iyong maniniwala na talagang


mahal ko siya at hindi biro-biro ang inilahad kong pag-ibig.
Ganoon pala iyon, ano? Pag talagang pagmamahal ang
nararamdaman mo alalang-alala ka na baka mamis-interpret ang
damdamin mo. Takot kang mawala o masayang ang pag-ibig mo pag
hindi ginanti kaya ingat na ingat ka sa bawat hakbangin. Parang gusto
mo pang mabuhay sa pansamantalang mundo ng imahinasyon ng inyong
pagmamahalan, kesa realidad ng kasalukuyan, sa katotohanang wala
kapang ginagawa para sa sinasabi mong pag-ibig.
Matagal ako sa ganuong lagay pare, hanggang finally nasabi ko rin
ang dapat sabihin. Kasi patapos na ang semester, bakasyunan na ilang
araw na lang, kaya kung di ko sasabihin, kalbaryo sa akin ang susunod
na panahon.
So gumawa ako ng maikling sulat at saka pasalising isinigngit ko
ito sa libro niya minsang nagkatabi kami ng upuan. Andap ang kalooban
ko, pero ni hindi siya tumingin sa akin. Patay, sabi ko. Nagalit yata sa
kapangahasan ko. Eh takot naman akong lapitan siya at baka singhalin
ako, magmukha akong basang sisiw. Maaawa akon sa sarili ko; o
magagali sa kanya. Ayaw ko alin man doon, kaya sa loob ng linggong
naiiwan bago bakasyon, pare, para kaming hindi magkakilala; hindi siya
tumitingin sa akin, hindi ko rin siya kinakausap.
Ang hirap pala ng ganuon para akong may patong na pamatok sa
kalabaw. Ang bigat ng damdamin ko, na hindi ko naman mailabas. Hindi
ko alam kung paano ako nakaraos sa araw-araw noon. Ang alam ko lang
wala akong maalala sa mga sinabi ng lahat ng professors naming bago
kami maghiwa-hiwalay. Nang huling araw na ng eskwela, desperado na
ako kung ano ang gagawin ko para lang di kami magkalayong may
samaan ng loob. Ang sabi ko sa sarili ko pare, kakausapin ko siya
anuman ang mangyari, hihingi ako ng patawad, pasensya, at parusa
kung kailangan, magbati lang kami. Saka na iyang pag-ibig na iyang
lintik. Titiisin ko na lang, susupilin ko ang nararamdaman ko,
magkukunwari ako habang panahon, mabalik lang sa dati ang samahan
namin. Di bale ng masira ang ulo ko sa ganuon pare, kasi pag hindi lalo
lang mabilis masira ang tuktok ko.
Kaya lang bago ako nakakilos para lumapit sa kanya, nasa harap
ko na siya. At bago ako nakahuma, iniabot niya ang isang nakatiklop na
papel sa akin sabay sabing, mamaya mo basahin pagnakaalis na ako.

Tinanggap ko ang papel, at pag angat ng ulo ko nakatalikod na siya. Ni


ha, ni ho, wala akong nasabi pare. Iyong mga salitang pinag-aralan kong
maigi para sabihin sa kanya nawalang lahat. Ang pagluhod ko ng
patawad, ang mga pakiusap na pinag-isipan kong mabuti paano sabihin,
di ko naalala. Ang sa isip ko noon ay katuwaan, dahil kinausap niya ako!
Hindi siya totoong galit! Buhay na uli ako! Masaya na uli ang mundo ko!
Parang gusto kong maglulundag sa tuwa noon at kung hindi
nagdatingan ang mga estudyante sa susunod na period naglulundag
talaga ako sa tuwa. Dahil napakagaan ng pakiramdam ko. Dahil hindi
galit sa akin si Ederlyn!
Binuklat ko ang papel. Sulat. Magkita daw kami malapit sa bahay
nila. Alas seis y medya ng gabi, 17 April. Merong may birthday sa kanila,
at bisita niya ako. Alam mo pare iyon lamang ang panahong hindi ko
ininda ang mabagal na pag usad ng mga araw.
Sa madalit sabi ay dumating ako sa tipanan sa eksaktong oras. Di ko
pa nai- stand ang motor na hiniram ko ay dumating na si Ederlyn sakay
ng tila tiburin, hila ng isang abuhing kabayo. Pagtapat sa kin, sinabi
niya, sakay na. Pag-upo ko ay pinikit niya ang renda at umarya na
kami.
Di naman nagtagal pumasok kami sa isang malawak na bakurang
may isang medyong makalumang bahay, na ni sa hinuha ay di ko maisip
na mayroon sa lugar na iyon. Sinalubong kami ng isang mag-asawang
medyo mestisuhin, matatangkad at dilawin ang mga buhok, na
ipinakilala nin Ederlyn na mga magulang niya. Malugod naman akong
tinanggap ng dalawa at inanyayahan pumasok. Sa loob, ang bulwagan ay
puno ng mga bisita may edad na rin ang iba, ngunit mayroon ding
kabataang tulad ko. Ang napansin ko agad, pare, ay tila lahat sila ay
mestisuhin tulad ng mga magulang ni Ederlyn, at ako lamang yata ang
Indiyo sa gitna ng mga Kastila. Pero dahil magaan naman ang
pakikitungo nila sa akin ay nalimutan ko kalaunan na ako ay naiiba at
hindi sila. Kuwentuhan, tawanan, biruan, at tampok ako ng mga tanong
nila sa buhay.
Saglit din namang naitanong ko sa sarili kung bakit ganuon ang
kanilang mga tanong: ano daw ang pakiramdam ng isang mag-aaral sa
unibersidad, ano ang kotse, bus at dyip; at iba pa sa ganuong tema.
Parang hindi nila alam ang makabagong pamumuhay na karaniwan na
sa atin. Sa loob-loob ko naman, baka lang malayo sila sa karaniwang

buhay kaya hindi nila alam ang mga ito. Sa paanot-paano man, di ko rin
pinag-aksayahan ng isip bakit. Sumabay na lang ako ng gabi. Habang
nagkukwentuhan kami o tinatanong ako, na mas madalas, may nagaalok din ng pagkain, pastellas, prutas, kendi, at isang parang biko o
senokmani. Kain din ako pare, natural, ngunit pinili ko lang iyong mga
kulay puting pagkain. Di ko alam kung bakit. Ang iba ay kumakain ng
pagkaing pula o madilim na abuhin ang kulay, pero automatic iyong mga
puti ang mga kinukuha ko. Masarap din, kahit medyo iba ang lasa kesa
sa karaniwan nating pagkain. Nag-eenjoy ako sa umpukan, hindi dahil
ako ang star, kundi dahil Masaya ang lahat. Parang mga walang
problema. Pati nga si Ederlyn madalas ay hindi ko alam kung ano ang
ginagawa at kung nasaan. Tuwing makikita ko naman ay nakangiti kaya
alam ko walang problema kaming dalawa.
Sa kalaunan ay naki-umpok na rin siya sa amin ng matagal-tagal
at ng magkapuwang ay sinabing magpaalam na ako sa lahat at ihahatid
na niya ako sa labas. Napansin ko ngang ang iba ay tila nagpapaalam
na, kayat wala na rin akong tutol. Pamaya-maya nga ay nagpaalam na
ako sa magulang ni Ederlyn, at sinabing enjoy talaga ako sa gabing iyon.
Natutuwa naman daw sila doon, at binilinan pa akong bumalik kung
gusto ko. Anytime daw, dahil ang mga kaibigan ni Ederlyn ay kaibigan na
rin nila. Pero bago pa humaba ang paalamanan ay sinaklit na ako ni
Ederlyn sa braso, at nagmamadaling hinila palabas. Hindi pa niya
kinuha pa ang tiburin, at naglakad na lamang kami papunta sa gate ng
bakuran. Tatanungin ko sana kung bakit ganuon siya ka apurado, pero
di ko pa naibuka ang bibig ay sinabihan na niya akong huwag ng
magtanong. Basta magbilis na lang ng lakad, na ginagawa ko na nga.
Pagdating namin ng gate ay sinamahan niya ako palabas ng kaunti,
hinalikan sa pisngi, at binilinang mag-ingat sabay pasok sa loob ngunit
tumayo lamang sa kabila lamang ng mga rehas na bakal.
Pagtingin ko sa silangan ay nakita kong halos puputok na ang
araw kaya hinintay ko munang sumungaw iyon sa kabila ng mga
bundok. Pagkuway nilinggon ko si Ederlyn upang magpaalam bago
lumakad papunta sa motor, ng mapatda ako: wala si Ederlyn, wala ang
gate, wala ang bahay, wala ang bakuran! Ang nakikita ko ay bahagi ng
gubat na may malaki at mayabong na kahoy sa gitna! Kinusot ko ang
mga mata ko, ngunit di nagbago ang larawan sa harap ko. Nangalisag
ang aking mga balahibo, at tumakbo na ako! Tumakbong ng tumakbong
nagsisigaw.

Pagmulat ng mga mata ko ay napagtanto ko agad na nasa sariling


kwarto na ako, at gutom. Bago pa ako nakatayo ay pumasok na si inang,
na bumulalas ng pasalamat sa Panginoon at gising na ako. Nang
tanungin ko nung bakit ay nagkuwento na habang pinapakain ako.
Tatlong araw na raw akong nawawala, hindi ako umuwi mula
noong gabing nanghiram ako ng motor, nang matagpuan ako sa ipinaiwanan ko ng motorsiklo. Tila nababaliw daw ako noon, ligaw ang mga
tingin, di nakakakilala ng tao, inaapoy ng lagnat at may binabanggit lagi
na pangalan daw ata ng babae. Mabuti daw at may nagmagandang loob
na iuwi ako sa amin, kung hindi ay hindi nila malalaman kung ano ang
nangyari sa akin.
Isang lingo naman daw akong nilagnat at hindi malaman ng doktor
na tumingin sa akin kung ano talaga ang dahilan ng lagnat ko. Ang
albularyo naman, ayon kay inang ay iisa lang ang binanggit: may
nakatuwa sa akin. Pero lagi naming ganuon ang sinasabi ng albularyo
diba?
Ayon pa kay inang ay humupa lamang ang lagnat ko at dagli akong
gumaling ng mapasakamay ko ang isang sobre na inihatid ng isang
batabg hindi nila kilala at mukhang estranghero sa lugar. Basta lang
daw iniabot ang sobre ng matiyak na ditto nga ako, at umalis na. Ni
hindi nagpakilala o nagsabi kanino0 nanggaling ang sobre.
Nilingon ko ang sobre, nasa ibabaw ng lamisita sa tabi ng hinigan
ko. Ibinigay ni inang ang sobre sa akin. Puti. Blanko maliban sa
pangalan ko sa ibabaw.
Pag-alis ni inang binuksan ko ang sobre. Sulat ni Ederlyn. Alex.
Kami man ay marunong ding magmahal. Ederlyn. Natawa na lamang
ako ng marahan.

Bangkang Papel
ni Genoveva Edroza Matute
Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang
pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunod ang pagulan. Alam nilang kapag iyoy nagpatuloy sa loob ng tatlong araw ang

lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw


nang walang tigil ang pag-ulan.
Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkang papel,
nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang
winawasak.
Sa tuwi akong makakakita ng bangkang papel ay nagbabalik sa
aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng
tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig
kailanman
Sang batang lalaking nagising sa isang gabi sa mga dagundong na
nakakagulat.
Sa loob ng ilang saglit, ang akala niyay Bagong Taon noon. Gayon
ding malalakas na ugong ang natatandaan niyang sumasalubong sa
Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit, nagunita niyang
noon ay walang maingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan.
Sa karimlay pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang
makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. Hindi niya
malaman kung alin ang dagundong ng biglang pumuno sa bahay o ang
biglang pagliliwanag. Gulilat siyang nagbalikwas at hinanap ng paningin
ang kanyang ina.
Nagsunud-sunod ang tila malalaking batong gumugulong sa
kanilang bubungan. Ang paggulong ng mga iyoy sinasaliwan ng
pagliliwanag at pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag na muli.
Samantalay patuloy ang pagbuhos ng ulan sa kanilang bubungan, sa
kanilang paligid, sa lahat ng dako.
Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinalalagos sa
karimalan.
Inay, umuulan, ano?
Oo, anak, kangina, anang tinig mula sa dulo ng hihigan.
Inay, ang ulit niya sa karimlan, dumating na ba ang Tatay?

Sumagot ang tinig ngunit hindi niya maunawaan. Kayat itinaas


niya nang bahagya ang likod at humilig sa kaliwang bisig. Sa kanyang
tabiy naroon ang kapatid na si Miling. Sa tabi nitoy nabanaagan niya
ang katawan ng ina, at sa kabila naman nitoy nakita niya ang banig na
walang tao.
Ibinaba niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman
niya ang sigid ng lamig sa kanyang buto. Mula sa nababalot na katawan
ni Miling ay hinila niya ang kumot at itoy itinakip sa sariling katawan.
Bahagyang gumalaw ang kapatid, pagkatapos ay nagpatuloy sa hindi
pagkilos. Naawa siya kay Miling kayat ang kalahati ng kumot ay ibinalot
sa katawan niyon at siyay namaluktot sa nalabing kalahati.
Naramdaman niya ang panunuot ng lamig sa kanyang likod.
Inilabas niya ang kanang kamay sa kumot at kinapa ang banig hanggang
sa maabot niya ang sahig. Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang
kanang kamay ay dali-daling ipinasok muli sa kumot.
Inay, ang tawag niyang muli, bakit wala pa si Tatay? Anong oras
na ba?
Ewan ko, ang sagot ng kanyang ina. Matulog ka na, anak, at
bukas ay magpapalutang ka ng mga bangkang ginawa mo.
Natuwa ang bata sa kanyang narinig.
Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang akiy malalakit
matitibay hindi masisira ng tubig.
Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan
ng kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa
pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang
pag-aangat ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay nooy ipinatong
sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita:
Siya, matulog ka na.
Ngunit ang baty hindi makatulog. Mula sa malayoy naririnig niya
ang hagibis ng malakas na hangin. At ang ulang tangay-tangay noon.

Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi, ang kanyang


nasabi. Naaalala niyang may mga gabing hindi umuuwi ang kanyang
ama.
Saan natutulog ang Tatay kung hindi siya umuuwi rito? ang
tanong niya sa kanyang ina. Ngunit itoy hindi sumagot.
Sinipat niya ang mukha upang alamin kung nakapikit na ang
kanyang ina. Ngunit sa karimlan ay hindi niya Makita.
Bago siya tuluyang nakalimot, ang kahuli-hulihang larawan sa kanyang
balintataw ay ito. Tatlong malalaking bangkang yari sa papel na inaanod
ng baha sa kanilang tapat
At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan ang kahuli-hulihang
pangarap ng batang yaon, ang panahon ay patuloy sa pagmamasungit.
Ang munting bahay na pawid ay patuloy sa pagliliwanag at pagdidilim,
sa pananahimik at pag-uumugong, sa pagbabata ng walang awing
hampas ng hangin at ulan Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at
pagpapaanod ng mga bangkang papel ay dumating Ngunit kakaibang
kinabukasan.
Pagdilat ng inaantok pang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa
siya sa hihigan. Naroon ang kumot at unan ni Miling at ng kanyang ina.
Pupungas siyang bumangon.
Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas
ng paningin ay nakitang yaoy si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay.
Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa.
Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang
kanyang ulirat.
Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si
Aling Ading, si Feli, at si Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang
bahay ay halos mapuno ng tao.
Nahihintakutang mga bata ang humanap kay Miling at sa ina. Sa
isang sulok, doon nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo
sa sahig. Sa kanyang kandungan ay nakasubsob si Miling. At ang buhok
nito ay walang tigil na hinahaplus-haplos ng kanyang ina.

Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti


kaysa rati. Ngunit ang mga mata nooy hindi pumipikit, nakatingin sa
wala.
Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang kanyang
pagtatanong.
Bakit, Inay, ano ang nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit
maraming tao rito?
Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata nooy
patuloy sa hindi pagkisap. Ang kamay nooy patuloy sa paghaplos sa
buhok ni Miling.
Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling
Feli. Ang pag-uusap nilay biglang natigil ng siyay Makita.
Wala siyang narinig kundi Labinlimang lahat ang nangapatay
Hindi niya maunawaan ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang
bahay. Ang anasan. Ang ayos ng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli
ng siya ay makita.
Sa pagitan ng mga hikbi, siyay patuloy sa pagtatanong
Bakit po? Ano po iyon?
Walang sumagot sa kanya. Lahat nang lapitan niyay nanatiling
pinid ang labi. Ipinatong ang kamay sa kanyang balikat o kayay
hinahaplos ang kanyang buhok at wala na.
Hindi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan pang
mga tao.
Handa na ba kayo? anang isang malakas ang tinig. Ngayon din
ay magsialis na kayo. Kayoy ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas.
Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw silay papasok dito
Kayat walang maaaring maiwan.
Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nangyari.
Silay palabas na sa bayan, silang mag-iina, ang lahat ng kanilang
kapitbahay, ang maraming-maraming tao, at ang kani-kanilang balutan.

Sa paulit-ulit na salitaan, sa Sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid


niya ang ilang bagay.
Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama
sa labas ng bayan sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan.
Nag-aalinlangan, ang batang lalakiy lumapit sa kanyang ina na
mabibigat ang mga paa sa paghakbang.
Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?
Ang mga mata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na
lumipat sa kanyang mukha. Pagkatapos, sa isang tinig na marahangmarahan ay nagsalita.
Iyon din ang nais kong malaman, anak, iyon din ang nais kong
malaman.
Samantala Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa
munting bukid na kanyang tahanan ay nararagdagan ang agwat ng ulila
sa kanyang kabataan.
Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap sa
kinabukasan at ng mga bangkang papel ang gabing yaon ang kahulihulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal. Ang araw na
humaliliy tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng
tugon.
Kaya nga bat sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay
nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang
lalaking gumagawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya
napalutang kailanman
Bukas Na Liham
Ni Jocelyn M. David
Febuary 25, 1986
Juan dela Cruz Junior,
Marami nang buwan kitang pinagmamasdan....at yan ay hindi
lingid sa inyo. Sa katunayan, hindi miminsang nagkaroon tayo ng
pagtatalo tungkol sa mga bagay na ipinaglalaban.

Ngayon ako naniniwala na ang lahat ng bagay ay napagbabago ng


panahon. Ang buko ay hindi mananatiling buko habang panahon
sapagkat kailangan nitong mamulaklak at mamunga para sa pagusbong. Ang buto ay di mananatiling buto sapagkat kailangan nitong
lumago para sa panibagong pagtubo. At ngayon nga, katulad ka na rin
ng mga ito, hindi ka rin nanatili sa pagiging musmos. Ibang-iba ka na
anak, ah...marahil hindi na ikaw ang dati-rating sanggol na aking
ipinaghehele upang makatulog. Hindi na nga ikaw ang sanggol na yon
sapagkat ngayon...ni saglit ay di mo na hinahayaang ipinid ng sinuman
ang iyong mga mata. Kahit ano pang paghehele ang gawin ko sa yo, ayaw
mo nang makatulog pang muli...lagi kang gising at higit sa lahat, mulat
na ang mata mo sa tunay na kahulugan na KATOTOHANAN.
Anak, ikaw pa rin ba ang dati-rating sanggol na tuwang-tuwang
sasalubong sa akin kapag dinadalhan ko ng laruan? Ah...hindi na!
Hindi na dapat sayo ang laruan pagkat hindi ka na marunong maglaro.
Aanhin mo pa ba ang laruan ngayon, gayong alam mo na ang tunay na
kahulugan ng KATARUNGAN.
Hindi na rin marahil ikaw ang dati-rating sanggol na ipinagtitimpla
ng gatas pagkat ngayon hindi mo na gusto ang lasa nito. Iba na ang
hinahanap mo ngayon, anak...iba na ang iyong panlasa ang
kinauuhawan mo ngayon.... bagkus ay KALAYAAN.
Tama ba ko, anak? Hindi mo na maaaring ikaila sa akin. Nakikita
kita...laman ng mga rallies, campus strikes, boycott, at mga
demonstrations. Minsan sumisigaw ka na sa entablado at
pinangungunahan ang mga kapwa mo rin nasa kasiulan. Mabalasik ka
na palang mangusao ngayon! Puno ng paghihimagsik ang bawat salitang
iyong binibitawan. May diin na ang pananalita mo ngayon, anak. Wala
na akong mabakas ni munting pagkatakot mula sa mga pananalita mo.
Akala ko pa noon, project nyo sa eskwelahan yung pinagpupuyatan mo
sa gabi, yun pala, placards na ibinabandila mo sa tuwing sasama ka sa
mga rallies.
Magkahalong galit at panghihinayang ang nararamdaman ko para
sa yo, anak. Halos igapang kita sa hirap, mapaaral lang kita, yun pala,
puro rallies ang pinagkakaabalahan mo. Minsan kitang tinangkang
pigilan noon....pagsabihan...pangaralan. Akala ko, ikaw pa rin ang datirating Juan de la Cruz na kapag kinagagalitan ko ay umuupo na lamang
sa isang tabi at tatango sa bawat pangaral na aking isinusubo. Ngunit

nabigo ako, nalimutan ko hindi ka nap ala batang paslit. Sinasabi mo na


ngayon ang nasasaloob mo. Ipinaglalaban mo na ang alam mong tama.
Isinisigaw mo na ang iyong mga karapatan. Alam ko, pagal na ang munti
mong katawan sa pakikipaglaban pero hindi ka pa rin sumusuko. At ang
sabi mo pa sa kin noon, kamatayan lang ang makapipigil sa iyo.
Hanggang kalian ka pa tatagal anak?
Kaninang umaga, inihanda ko ang almusal mo. Gusto ko kasi,
sabay tayong mag-a-almusal pero nagmamadali ka kanina. Matapos
mong kunin ang pagkaing inihanda ko para sayo, nagpaalamnka na
naming pupunta sa Camp Crame katulad kahapon at nagdaan pang mga
araw. Camp Crame! Anak, alam ko kung bakit ka pupunta roon...upang
maisakatuparan ang manimithi mong KALAYAAN, di ba? Pinipigilan kita
ngunit matigas ka! Wala pang limang minute mula nang umalis ka,
pinasya kong sundan ka. Takbo, lakad ang ginawa ko. Nang
makarating..hinanap kita sa karamihan.
Nagmasid ako...nagulat sa aking nasaksihan! Pagkat lihis sa aking
anaasahan, Masaya at tulung-tulong ang lahat ng tao. May mga tulad ko
ring magulang ang nandoon. Punung-puno ng pag-asa ang kanilang mga
mukha. Hindi sila halos makaramdam ng pagkapagod at pagkagutom.
Hindi rin nila antala ang init na likha ng araw. Inilibot kong muli ang
aking paningin, nakita kita..hayun ka at kasama ng mga tulad mong
kabataan. Halos maiyak ako nang makita kitang nakaluhod habang
taimtim kang nagdarasal. Magkakapit-kamay kayong lahat. Hindi ko
alam ko, marami akong naobserbahansa iyo na ni minsan sa buhay ko
ay hindi ko namalas sa iyo. Ibang-iba ka na nga, anak. Minsan ko pang
narinig ang iyong sigaw..sumisigaw ka! Isang pangalan ang isinisigaw
mo! Bawat sigaw ay nanunuot sa kaliit-liitang ugat ng aking laman.
Kinilabutan ako pagkat kaiba ang sigaw mo ngayon. Higit na malakas!
Higit na mabalasik! Higit na nakapanghihikayat! Nangiligd ang luha ko
sa mata nang simulan mong buksan ang pagkaing inihanda ko sa iyo
kanina..ipinamahagi mo sa iyong mga kasamahan. Napag-isip-isip ko,
hindi pala saying ang lahat ng pagod ko sa iyo mula nang ikay paslit pa
sapagkat pinatutunayan mo ngayon na ikaw ay may pinanghahawakan
na isang magandang pundasyon upang maging matatag, matapang
ngunit makataong pag-uugali, na iyong magagamit saan magtungo. Bago
ako tuluyang umalis, sinulyapan kitang muli at napangiti. Hindi mo
alam na nandoon pala ako sa likuran mo at nagmamasid. Oo, anak,
ngumiti ako pagkat alam ko na kaunting panahon na lamang ang
ipaghihintay mo...hindi na magtatagal at magtatagumpay ka na.

At hindi nga ako nagkamali. Nakita kita kanina lang....binilugan


mo ng pulang panulat ang petsang ito sa ating kalendaryo. Pebrero 25,
1986...ah nababakas ko sayo walang kapantay na kaligayahan.
Alam ko, napatunayan mong isa kang tunay na Pilipino nitong mga
nagdaang araw. At ako? Ako na iyong magulang ang siyang unang
pumipigil sa iyo. Bakit? Pagkat magkasalungat an gating panindigan!
Sana ay nauunawaan mo ako. Ngayong nagtagumpay ka na, Masaya na
rin ako kahit pa iba ang prinsipyo ko sa iyo. At sana, ngayong nasa
kamay na ninyo ang tagumpay, sanay gamitin ninyo ang tinatawag
nyong KALAYAAN na ipinagkaloob sa inyo sa inyo sa mabuting paraan
pagkat ya lamang ang maipamamana naming nakatatanda sa inyo. Lagi
ninyong iisiping ang kabataan ang pag-asa ng bayan kung kaya naman
sana sa bawat hakbang na inyong tatahakin sa darating ang mga araw
ay may liwanag nga pupulandit sa inyong daraanan.
Oo, anak, nasubaybayan kita kung paano mo pinanindigan ang
prinsipyo mo. Kung paano mo ipinaglaban ang katuwiran mo at sana
nga hindi ka nagkamali sa iyong desisyon...sana ay hindi ka nagkamali
sa pagpili ng ipaglalaban mo. Gayunpaman, kung sakali mang mabigo
ka, wala ka pa ring dapat pagsisihan, pagkat tayo ay may kanyakanyang prinsipyo kung kayat dapat maggalangan.
Kagaya nga ng nasabi ko kanina, ang buko ay di manatiling buko,
ang buto ay di mananatiling buto, ang bata ay di mananatiling
bata..gaya ng KALAYAAN...maaring hindi ito manatili ngunit kung ating
aalagaan ito at hindi aabusuhin...tutubo itong muli para sa iyo, sa akin,
sa ating lahat, upang ating magamit na isang sandata sa ating mga
balakin ngayon..bukas...at sa dating ng panahon.

Namumuko ang Bulaklak


ni Genoveva Edroza-Matute
Mga Tauhan:
Ligaya Mendez.may 35 taong gulang
Pura Cortez...dalagang may35 taon
Mr. Paul Millsasawa ni Ligaya, 50 taon

Mama Elena del PredoPuerto Ricana, 50 taon


Juancho.katipan ni Ligaya,37

Panahon:
Kasalukuyan
Tagpo:
(Paupahang unang palapag ng bahay ng mag-asawang Mills sa
isang tahimik na daan sa Oakland, U.S.A. Sa dulong kanan, akyatan sa
ika-2 palapag; likod, garahe. Sa kaliwa, pasukan sa silid ng Puerto
Ricana; sa kanan, silid ni Pura. Sa harap, may ilang tanim sa paso. May
mga durungawan sa ikalawang palapag.)
(Pagbubukas ng TABING, makikita si mama sa harap ng silid niya,
unang palapag, nagdidilig ng mga halaman sa paso. Humuhuni ng
awitin.)
Pura:

(Manggagaling sa kanan, may handbag) Goodmorning!

Mama:

Monin! Que quieres?

Pura:

Sorry! I dont know Spanish. This room here for rent?

Mama:

Renta?... El cuarto? Si! Si! You, China? Vietnam?

Pura:

Pilipina, Senyora!

Mama:

Muy bien! La Seora de Milis, Pilipina!

(Maririnig ang ugong ng awto sa likuran, kanan, hihinto. Mula sa


kanan, tatanaw si Paul sa dalawang babaing nag-uusap.)
Mama:
Paul:

(Malakas) Seor de Millis! What doktor say, you okay?


(lalapit sakanila) Okay, Mama. Thanks.

Mama:
(ipakikilala si Pura) Seor, this Pilipina wanna renta.. renta
un cuarto!
Paul:
Pura:

oh? My wifes up there! Wanna come up?


(Iiling, nahihiya) Sir, suppose..

Paul:

I understand, Ill tell her.


(Pupunta sa kanan upang umakyat.)

Mama:

El Seor de Millis, muy bueno esposo!

Pura:

He looks kind!

Mama:
Pura:

No hay chiquillos.
A, no children?

(Susungaw mula sa kanan si Ligaya.)


Mama:
Ligaya:
Pura:

(Malakas) Seora de Millis aqui, aqui, una Pilipina!


(Natutuwang lalapit) Pilipina ka nga ba?
Magandang umaga ho, Mrs. Millis! Nabalitaan ko hong may
paupahan kayo ritong kuwarto.

(Maglalabas ng dalawang silya si Mama mula sa kaliwang panig,


para kina Ligaya at Pura.)
Ligaya:

Gracias! Thanks. (Uupo sila, habang titingin-tingin si Mama


at nag-aayos ng mga halamang nasa paso.)

Pura:

Maam, diyan lang ho ako pumapasok sa labasan!

Ligaya:

(Natutuwa) Huwag mo na kong pupuin, ha? Ligayang


pangalan ko Li ang itawag mo sa akin!

Pura:

(Natutuwa rin) O, sige, ako naman si Pura. Iyon din ang


palayaw ko.. siguro, magka edad lang tayo!

Ligaya:

ty-five ako! Ikaw, Pura!

Pura:

ty-five din!
(Magtatawanan, mag-ha-high-five.)

Pura:

Galing lang ako ron sa atin. Nag short vacation ako ron,
kaya lang bumalik ako agad. Kailangan ako rito! May dala
akong butong itatanim, baka gusto mo.

Ligaya:

(Sunod-sunod ang tanong, sabik na sabik) Mabuti ka pa


nakauwi taga saan ka ba roon? Talaga bang magulo sa
tin? Baka sa diyaryo lang, ano? Binigyan na nga ba ng
bahay ang mga squatters?

Pura:

(Matatawa) Sabik na sabik ka pala sa balita, ano?

Ligaya:

Ay, talaga! Biro mo, sampung taon na kong hindi nakakauwi


sa atin?

Pura:

Aba, bakit naman?

Ligaya:

Malalaman mo rin. Mahaba ang kwento ng buhay ko, Pura!

Pura:

Hindi baling mahaba.. basta masaya.. gaya ng pangalan


mo.. Ligaya.. Maligaya!

Ligaya:

(Malulungkot) Sana nga.. kaso.. (bigla) O, teka. Pura.. kailan


ka lilipat?

Pura:

kahit mamaya konti lang naman ang mgaa abubot ko


tinambak ko na nga muna sa garahe ng bangko namin
diyan.

Ligaya:

Bangko?

Pura:

Oo, Bank of America. Inilipat ako rito buhat sa San


Francisco.

Ligaya:

Salamat, may makakausap na ko. Iyang si Mama Elena,


madaldal nga, gustong-dusto ring makipag-usap.. pirmi
kasing wala ang anak, si Rico. Ang hirap, makastila! E wala
naman akong alam kundi No se! No se!

(Magtatawanan ang dalawa)


Pura:

pareho na lang tayo! Ang alam ko lang Si, si, para buto ng
sili! No, no, para guhit ng noo!
(Magtatawanan uli. Lalapit si Mama Elena.)

Mama: Feliz? Eh?


Ligaya: No, no, Mama Elena Feliza not her name! Pura!

Mama: Que barbaridad!


Pura: Not Barabara, Mama! Pura! Pura!
(Magtatawanan ang tatlo)
Ligaya: Sige, Pura, kunin mo na ang mga gamit mo.. malapit ka lang
pala. Aayusin namin ni Mama Elena ang kuwarto mo! Mama, bamos!
Mama: Con ni gusto!
(Aalis ang tatlo sa gawing kanan. Mabubuksan mula sa loob ang kanang
silid. Magwawalis si Ligayaa; magmo-mop si Mama Elena; humuhuni sila
ng isang awitin.)
Mama: Seora de Millis, that Pura.. una empleada?
Ligaya: Si, Mama.. en Bank of America!
Mama: Cerca
Ligaya: Dos o Tres calles only.. very near!
Mama: Si, pwede cominar.
Ligaya: Si, Mama.
Mama: Seora, (Titigil sandali) Este, Pura.. es doncella?
Ligaya: What doncella?
Mama: Solomente! No hay esposo!
Ligaya: A, dalaga! Si, no esposo! Porque?
Mama: (Matatawa) Rico, tu hijo.. Joven! Pura.. vieja!
Ah, que triste!
(Maririnig ang ugong ng awtong tumigil sa likuran ng bahay; umalis.
Papasok mula sa kanan si Pura, may mga abubot na dala. Sasalubungin
nina Ligaya at Mama Elena. Magtutulong ang tatlo sa pag-aayos ng silid.)
Pura: Naku! Nilinis na pala nyo ang kuwarto ko. Salamat, Li. Gracias
Mama!

(Aayusin ang munting folding mesita, bangkito, goldingn sopang higaan


at iba pa, habang nag-uusap.)
Ligaya: Aakyat ka sa amin doon, ha, Pura? May dalawa kaming kuwarto
doon, isa sa amin ni Paul, isang guest room! Hindi ba kung sabado at
linggo, wala kayong pasok sa bangko?
Pura: wala nga!
Ligaya: Aakyat ka ron, ha? O ako ay mananaog dito. Magkwentuhan
tayo.
Pura: Oo, kaya lang, nahihiya ako kay Mister Mills.
Ligaya: Naku! Huwag kang mahiya ron. mabait iyon! Teka, Protestant ka
ba, Born Again, Catholic, Free thinker, Agnostic, Bahai, o ano?
(Matatawa)
Pura: Roman Catholic, ikaw?
Ligaya: Catholic din, si Paul, Protestant. Pero matatawa ka, pag
nagsimba ako sa Catholic Church nariyan lang a, nadaanan mo ba?
Pura: Oo.
Ligaya: (Magpapatuloy) Doon din nagsisimba si Paul. Pag sa Protestant,
siya lang, hindi ako sumasama.
Pura: hindi nagagalit?
Ligaya: hindi! Sabi na sa iyong mabait e, Si Mama, magsimba-dili!
Mama: Pardona me.. will wash clothes of Rico. (Lalabas pakaliwa)
Ligaya: Gracias, Mama! Thanks!
Pura! Gracias, mama!
Ligaya: itatanim ko na ang mga butong binigay mo.

Ikalawang Tagpo:
(Unti-unting mag-didilim ang Tanghalan. Susundan ng pusikit na
karimlan. Babanaag ang bukang-liwayway. Mauulit ang ganito. Sa
ikatlong pag-uulit, liliwanag ang tanghalan. Nakasara ang tapat ng silid
ni Mama Elena sa kaliwa; bukas sa kanan ang silid ni Pura. Nagwawalis
si Pura sa harapan. Mula sa kanan, manggagaling sina Ligaya at Paul at
tutuloy ka Pura.)
Ligaya: ang sipag naman! Nagsimba ka na ba, Pura?
Pura: oo, kanina pa...
Paul: Hi, Pyura!
Pura: Morning ho, Mr. Mills.
Ligaya: nagsimba na rin kami ni Paul.. sa church natin, Pura..
pagkatapos, naglakad-lakad pa muna kami.. kailangan niya iyon, sabi ng
doktor.
Paul: yeah, doctors order (natatawa at titingin kay Ligaya) and order
from the Commander!
Ligaya: Aba, tingnan mo, lumalakas ka!
Paul: (kay Pura) A.. yo.. sya.. magi na.. widow!
(magtatawanan)
Pura: Your tagalog os good, Mr. Mills.
Paul: Failing grade pa, Pyura. Wag sabi Mr. Mills. Paul lang, okey, Pyura?
Pura: (matutuwa) Sir, hindi ho Pyura.. Im not pure! Pu as Pull then
follow with ra as in rally.. Pu-ra!
Paul: Pu-ra!
Ligaya: One hundred percent ka na, Paul!

Paul: Sa-ley-mat, Honey! Si-gey.. ak-yat a-kow.. dal-dal ka-yow Pyura,


no,no Pura!
(magtatawanan ang tatlo. Pupunta sa kanan si Paul upang umakyat sa
bahay.)
Pura: Ang saya nyong dalawa, Li. Saka si Paul ay parang limang taon
lang ang tanda sa iyo.
Ligaya: Hoy! Huwag mo akong patandain ha? Pareho lang tayong ty five,
pero si Paul, all of fifty years old na.
Pura: siyanga? Mukhang hindi! Pero teka, Li. Bakit may doctors order
ka mo sa kanya, ano bang sakit ng darling mo?
Ligaya: sa puso.. na by-pass na nga e.. kaso, parang may iba na namang
nagbabara yata. Na-by-pass siya nong bago pa lamang kaming ikasal.
Pura: Matagal na rin, ano?
Ligaya: Oo.. divorced na siya noon.
Pura: divorced?
Ligaya: Diniborsyohan siya ng asawa niyang American-french, taga-Paris,
nong bumagsak ang real estate business niya.
Pura: A, realtor si Sir?
Ligaya: Oo, mabuti ka mo, nakapag-invest siya sa ibang business bago
nangyari iyon. Divorced na si Paul nang magkakilala kami.
Pura: Ganoon ba?
Ligaya: Alam mo, TNT ako noon sa Newyork, nang matanggap niya kong
typist sa munti niyang shop doon Photo shop!
Pura: Suwerte mo rin, Li, hindi ka na deport sa pagti-TNT mo.
Ligaya: (natatawa) Mabilis akong magpasikut-sikot e Chicago.. New
Jersey.. hanggang Newyork. Hanggang maging Mrs. Mills nga. Pero gusto
ko pa ring makadalaw man lang at makitang muli ang squatter area sa
may Loakan Airport

Pura: Sa labas ng Baguio City?


Ligaya: (Palungkot ngn palungkot) Oo, Pura.. doon ako lumaki.. doon ako
unang umibig. (Bigla) ikaw, saan ka bang lugar don sa tin?
Pura: Sa Marikina, Li.. sa tabi ng ilog. Pero wala na ang pamilya ko roon
ngayon. Nakalipat na sa mataas-taas na lugar sa Marikina na hindi
binabaha. Natutulungan ko sila.
Ligaya: Pareho nga pala tayo. Ang mga magulang at kapatid ko, pati
extended family namin, lolo, lola, tiya.. wala na sa squatter area sa may
Loakan Airport. Nasa Baguio City na
Pura: Dahil sa mga kinita mi rito..
Ligaya: Hindi.. sabi nga, TNT ako e, dahil sa kagandahang loob ni Paul!
Hindi niya nakakaligtaang padalhan ang pamilya kko roon, Pura.
Pura: Pambihira pa lang talaga si Sir. May mga kano nga raw na
mahigpit sa pera a!
Ligaya: Mahal na mahal niya ko, Pura, kaya marahil, mahal din niya
ang ginagawa kong pagtingin at pag-aalaga sa kanya, (Mababasag ang
tinig) bagaman.. bagaman..
(hindi makapagpatuloy)
Pura: Bagaman ano? Li, bagaman ano?
Ligaya: (maiiyak ng marahan) bagaman, hindi ko siya minamahal.
Pura: Ano?
Ligaya: kasi.. kasi.. may usapan kami ni Juancho.
Pura: Sino iyon?
Ligaya: kababata ko.. una at tangi kong inibig doon sa squatter area ng
Loakan Airport.
Pura: Li, bata ka pa noon.. iba na ngayon.

Ligaya: Hindi, Pura. Lumaki kaming nagaabang ng mga eroplano sa


airport. Nangako kami sa isat-isa.. paglaki namin.. mag-eeroplano rin
kami.. mangingibang bayan, mag-iipon, pagkatapos, magpapakasal.
Pura: Ilang taon na iyon? May contact pa ba kayo hanggang ngayon? Di
wala na; lumipas na rin ang kamusmusang iyon.
Ligaya: Sana nga, pero.. hindi! Kung saan-saan na siya nakarating.. sa
Taiwan muna.. sa Saudi pagkataapos.. sa Emirates.. nagsusulatan kami
noon.. hanggang nag TNT na ako.. natigil na.. baka maging daan pa ng
pagkahuli sakin.
Pura: Iyon pala e..
Ligaya: Pero.. siya pa rin ang palaging nasa isip ko.. siya pa rin ang
hinihintay ko.. (yuyupyop kay Pura at yayakapin siya nito)
Pura: Li.. Li..
Ligaya: Kasalanan ko ba iyon kay.. kay Paul?
Pura:marahil, hindi lamang kay Sir, sa Diyos din.. at sa iyong sarili.
Ligaya: Alam ng Diyos kung paano ko siya pinipilit limutin.. pero, hindi
ko magawa! Bakit hindi ko magawa?
Pura: Humingi ka ng liwanag sa Diyos. Huwag kang titigil hanggang
(Susungaw si Paul mula sa kanan, patungo sa kanila. Mag-aayos si
Ligaya)
Paul: Honey, how about lunch at Chinatown? Sa-ma i-kaw, Pyura Pura.
Ligaya: (Mabilis, nagtatakip) Sure! Sure! Tena, Pura.
Pura: Aba, e.. e..
Paul: Please.. hin-di pu-we-di.. ,mag-a-yaw.
Ligaya: Enemies forever tayo, pag umayaw ka.
Paul: Sa-ka.. out na i-kaw dyan room for rent, di ba, Honey?
Ligaya: Talaga.

(Lahat ay magtatawanan, patungo sa kanan, tuloy sa likod, sa garahe)


Ikatlong Tagpo:
(Magdidilim ang tanghalan. Unti-unting magliliwanag. Magdidilim na
muli. Magliliwanag. Tatlong ulit ito. Sa ikaapat, maliwanag na. lalabas si
Mama mula sa kaliwa, patungo sa harapan ngn mga inuupahan nilang
silid sa unang palaapag. Magdidilig ng mga halaman sa paso. Biglang
titigil. Maaalala ang sulat na nailagay sa dibdib. Titingala sa itaas ng
bahay. Malakas ang tinig, tatawaag)
Mama: Seora de Millis! (Saglit) Carta! (Saglit) Seora! Carta!
(Lalabas mula sa kanan, galing sa itaas si Ligaya.)
Ligaya: Porque, Mama Elena?
Mama: (Iaabot ang sulat) Una carta. (Titingnan muna ang postmark)
Desde en Nueva York, seora.
Ligaya: (magugulat sa sarili) Galing sa New York? Akin na nga!
(Bubuksan angn sulat. Manginginig ang mga kamay at mamumutla)
Mama: Porque, seora? Porque?
(Hindi sasagot si Ligaya, mabilis na magtutungo sa kanan upang
umakyat)
Mama: (Iiling) Que horror.
(Bubuksan ni Pura ang pinto ng silid niya at makikita si Mama sa
harapan)
Pura: Gracias, Mama. You water our plants.
Mama: (Ma-intriga) Give I una carta desde de Nueva York.
Pura: Letter from New York! For whom?
Mama: Para la Seora de Millis.

(Magkikibit ng balikat si Mama, aalis patungo sa gawing kaliwa. Papasok


sa kanan si Ligaya. Mabilis na lalapit kay Pura. Ligalig na ligalig si
Ligaya)
Ligaya: Pura, sumulat siya. Galing sa New York!
Pura: Si Juancho?
Ligaya: Oo, may kababayan kami roong nakapagsabi sa kanya ng
address ko rito. (Mapapaiyak) Pura, paparito siya.
Pura: Bakit pa? Para ano at paparito pa siya?
Ligaya: kapwa kami hindi nakalilimot sa isat-isa hindi mo ba
naiintindihan?
Pura: Bakit hindi, piho namang sinabi ng kababayan nyo na may asawa
ka na, Li. Kaya, bakit pa?
Ligaya: Hindi mo nga naiintindihan. Hindi! Sinabi ko na sa iyong si Paul
ay napakabait sakin, pati sa pamilya ko. Malaki ang utang na loob ko sa
kanya, pero hindi ko siya minamahal!
Pura: Si Juancho pa rin?
Ligaya: Oo. Kasalanaan ko ba?
Pura: Tinanong mo na sa akin iyan. Uulitin ko ang sagot ko, Li, oo,
nagkasala ka sa aasawa mo, sa Diyos at sa iyong sarili. Sorry.
Ligaya: (umiiyak) Susunduin niya ako. Sasama ako sa kanya. Sasama
ako sakanya!
Pura: (Mapapaiyak) Paano si Mr. Mills?
Ligaya: Makahihingi siya ng diborsiyo. Hindi ko kokontisin.
Pura: (Pinipigil ang galit) Lilipat na rin ako ang tiraahan. Saka li, akina
nga uli yong mga butong galing sa atin.
Ligaya: Mga buto?
Pura: Oo, iyong mga buto ng halamaang galing sa atin.. iyong ibinigay ko
sa iyo nang lumipat ako rito.

Ligaya: Naitanim ko na.. ayun, sa may bintana namin.. tanaw mula rito.
Bakit mo binabawi?
Pura: Ako na lang ang magtatanim sa. Paglilipatan ko.
Ligaya: Panay dahon pa lang. Matagal tumubo. Pag-alis ko, di kunin mo
na! (Iiyak) Alam kong galit ka sa akin.
Ikaapat na Tagpo:
(Magdidilim ang Tanghalan. Unti-unting mag-liliwanag. Mga apat na ulit
makikitang tinutulungan ni Mama si Pura sa pagtitipon ng mga abubot
handa sa paglipat. Humahangos na darating si Ligaya, luhaan)
(Papahirin ni Ligaya ang mga bakas ng luha sa mukha, hahagurin ang
buhok. Uutusan si Mama upang umalis, upang makausap nang
sarilinan si Pura)
Ligaya: Mama Elena, por faavor.. get me a big, big basket, please.
Mama: basket? Si. Seora.
(Lalabas sa gawing kaliwa)
Ligaya: Pura, handa na ang bag ko, nasa ibaba ng hagdanaan. Pakiusap
sa iyo, hintayin mong makaa alis muna kami ni Juancho bago ka
maglipat.
Pura: Oo, iyon lang pala.
Ligaya: Nitong mga huling araw, sumakit ng sumakit ang dibdib ni Paul.
Kailangang magpa-by-pass pa siya uli. Please. Ipangako mong
tutulungan mo siya sa pagpasok sa ospital. Baka makatulong din si
Mama. (Pinipigil ang pag-iyak) huwag nyo siyang pababayaan, please!
Please!
Pura: Babalik ako, Li.. hindi ko matitiis si Mr. Mills, pangako iyon.
Ligaya: Maraming-maraming salamat!
(Mula sa itaas, tila may maririnig silang tumatawag)

Pura: (Tinatawag ka yata ni Mr. Mills, Li.


Ligaya: Tumatawag siya? (Mabilis na pupunta sa kanan para makaakyat)
Pura: (Marahan, sa sarili) Diyos ko, ito na po kayang talaga ang kalooban
mo? Wala pong mangyayaring hindi mo ipahintutulot. Ito na po ba? Ito
na po ba? Kaawaan naman po ninyo si Mr. Mills. Pagkabait-bait na tao
niya.
(Hangos na babalik si Ligaya, umiiyak)
Ligaya: Natagpuan ni Paul ang sulat ni Juancho.. naiwan ko sa
pagmamadali.
Pura: o, nagalit?
Ligaya: (Lalong mapapaiyak) Hindi nga e, sabi lang, sabi I just want
you to be happy.. dont mind me. O, Pura! Pura!
(Papasok si Mama)
Mama: Seora, here your basket.
Ligaya: (Lalong umiiyak kay Pura) Mabuti pa nga sana nagalit siya.
Hinihintay ko ngang murahin ako.. pero.. hindi..hindi! talagang mahal
niya ko. Diyos ko! Diyos ko paano ko kaya siya maiiwan?
Mama: Porque? Porque?
Ligaya: (umiiyak) Paul.. Paul.. paano kita maiiwan?
Pura: O, bakit?
Ligaya: (Umiiyak na bubulungan si Pura) Ipangako mo.
Pura: (biglang natuwa) Oo,akong bahala pati kay Mama Elena, akong
bahala. (Si Ligaya ay tatakbong patungo sa kanan upang makaakyat)
Mama: (Natataranta) Porque? Que es misteryo?
(Bubulungan siya ni Pura, tatango si Mama. Mula sa likuran, maririnig
ang pagdating ng isang awto, titigil. Papasok si Juancho.)
Juancho: Goodmorning! (Mabibigla) A, Pilipina ka, ano?

Pura: Oo, bakit, may kailangan ba kayo?


Juancho: Si Juancho ako may salitaan kami ni Mrs. Ligaya Mills,
ngayong araw na ito. Susunduin ko siya. Ipakitawag nga.
Pura: Ay, Sorry ho, Sir kami lang ho ang nakatira rito.
Juancho: Itong address niya ah.
Mama: Que? Que?
Pura: Mama, may kilala ka bang Mrs. Ligaya Mills?
Mama: La Seora de Mills? She dont live here no more.
Juancho: Hindi na rito nakatira si Ligaya?
Mama: La Seora go Europa.. long ago.. seis meses.
Pura: Anim na buwan nang umalis dito, Mama?
Mama: Si!
Juancho: Where in Europe?
Mama: Puede Paris, Puede Londres, Alemania.
Juancho: Kaya pala hindi nasagot ang sulat ko
Pura: Sorry, Sir.
Juancho: Diyan na kayo. Salamat!
(Mabilis na pupunta sa kanan. Maririnig ang ugong ng awtong paalis,
mula sa likuran ng bahay.)
Mama: Que mentira? Porque? Porque?
Pura: La Seora will tell you, Mama.
Mama: que?
Ligaya: (Masayang papasok mula sa kanan) Salamat! Maraming salamat.
Halika sa itaas, Pura, tingnan mo ang halaman. May bumubuko nang
mumunting bulaklak. Tena! Pura (Yayakapin ito) at hindi ka naa rin

lilipat, para makita mo ang pamumulaklak ng halaman. (Mapapatingin


kay Mama na parang ibig ding umakyat.) gusto mong makita ang
namumukong bulaklak, Mama Elena? O, halika, halika, sumama ka.
(Pupunta ang tatlo sa kanan, sa gawi ng hagdanang paakyat.)

Moses, Moses
ni Rogelio R. Sicat
Isang gabi, nag-uusap si Regina at Ana.napag-usapan nila ang
tungkol sa nangyari kay Aida. Si Aida ay nagahasa ng anak ng Alkalde.
Si Aida ngayo'y Hindi parin makapasok sa paaralan dahil siya'y natrauma at wala siyang maiharap na mukha sa kanayang mga kaklase.
Kaya't kumuha ng leave si Regina sa pagtuturo upang mabantayan niya
si Aida.
Tapos, biglang dumating sa bahay nila ang Alkalde kasma ang
isang Konsehal. Naproon sila upang humungi ng dispensa sa nagawa ng
anak ng Alkalde at ninanais nila na i-urong na lamang ni Regina ang
pagsampa sa kaso. Ngunit Hindi pumayag si Regina dahil akala niya'y
hustisya ang mananaig.
Nang umalis na ang Alkalde at Konsehal, nag-usap si Tony at
Regina. Gusto ni Tony na i-urong na ang pagsampa ng kaso dahil sa
kalagayan ngayon, ang hustisya ay Hindi na nananaig. Ang malakas,
makapangyarihan, at mayaman na ang hustisya, sila ang lagging
mananaig. Ang nias na laman ni Tony ay mapatay ang anak ng Alkalde.
Buhay sa buhay kumbaga. Pinaalala rin ni Tony ang nangyari sa
kaniyang ama. Nang namatay kasi ito, Hindi nila nakamit ang hustisya.
Pero, ipinagpilitan parin ni Regina na itutuloy niya ang pagsampa ng
kaso.
Matapos ang usapan, sumulpot si Ana at sinabing sinusumping
nanaman si aida, kailangna ni Aida ng tranquilizer upang siya'y
kumalma. Kaya't nagpabili ng gamut si Regina kay Tony. Nung nakaalis
na si Tony, nasi ni Regina kay Ana na malaki na ang pinagbagi ni Tony.
Biglang dumating si Ben at tinanong niya kung nakaalis naba si Tony.
Tumugon si Regina. At inamin ni Ben sa ina na may dlaang baril si Tony

dahil binabalak niyang patayin ang anak ng Alkalde. Binilin ni Tony si


Ben na huwag itong ipagsasabi ngunit nagawang sabihin ito ni Ben.
Nagising si Aida at bumaba mula sa kwarto. Dumiretso siya sa
cabinet at naghahanap ng gamut ngunit natabig niya ang isang bote ng
gamut at ito'y nabasag. Nagising mula sa pagkaka-idlip si Regina. Sinabi
ni Aida sa ina na hinahanap niya ang gamut. Tugon naman ni Regina ay
binili na ito ni Tony. Nang matanong ni Regina kung anong oras na,
nagulat siya dahil Hindi niya namalayang pasado alas-dos na ng umaga.
Sinabi ni aida na Hindi siya makatulog, kaya't tinimplahan siya ni
Regina ng gatas.
Naikwento ni Aida ang tungkol sa panaginip niya na pinapainow
daw ng mga lagad ng anak ng Alklde ang kanyang kuya Tony ng lason,
kahit anung pilit daw niya na humngi ng tawad ay patulor parin
pinapainow ng lason si Tony, ang masaklpa sa panaginip na iyon ay
ininom ni Tony ang laosn. Takot na takot na kinwento ni Aida ang
kaniyang panaginip.
Matapos ikwento ni Aida ang kaniyang panaginip na umabot
hanggang umaga, biglang dumating si Tony na duguan. Sinabi niya na
tumawag na si Ben ng taksi dahil parating na sila. Pinatay na ni Tony
ang anak ng Alkalde, ngayo'y hinahabol na siya ng Alkalde at ng mga
pulis. Iyon lamang daw ang paraan upang makuha ang hustisya. Ngunit
sinabi ni Regina na mali ang nagawang paghihiganti ni Tony, na si Tony
ay isa ng mamamatay-Tao. Kinuha ni Regina ang baril at sinbing wag
silang umalis dahil susuko si Tony. Nang nakarating na ang Alkalde,
tinutukan niya ng baril si Tony ngunit tinabig ito ni Regina. Pinagtulungtulungan ng mga pulis si Tony. Nang kinukuha na ng mga pulis iyong
baril sa kamay ni Regina, sa Hindi sinasadyang pangyayari ay nabaril ni
Regina so Tony. At dinakip ng mga pulis si Regina dahil sa kasalanan
niya.
Mga Tauhan:
Regina Calderon, 48, balo, isang maestra
Tony, panganay niyang anak, estudyante
Aida, 18, anak niyang babae, estudyante
Ben, 16, bunso, estudyante
Ana, 46, matandang dalaga, kapatid ni Regina

Ang Alkalde
Ang Konsehal
Mga Pulis
Panahon: Kasalukuyan
Tagpo:
Apartment sa lungsod sa Rizal, sa isang komunidad na
masasabing middle class. Maraming bagong bahay dito, nakatayo sa
mga loteng nabili sa murang presyo noong unang bahagi ng 1950 at
ngayoy nagkakahalaga na nang malaki sa pamilihan ng lupa. Tahimik
dito, malayo sa daanan na pampasaherong sasakyan, mapuno at
mahalamang hindi katulad ng ibang subdibisyon. Aspaltado ang
malilinis na kalsada at may ilaw na mercury ang mga poste. Karaniwan
nang ang naninirahan dito ay mga empleado ng gobyerno.
Sa sala at sa komedor ng apartment na ari ni Mrs. Calderon
mangyayari ang dula. Isa sa apat na pinto, malaki-laki rin ang
apartment na ito, putiang pinta, yari sa mahuhusay na materyales, at sa
unang malas pa lamang ay mahihinuha nang inilalaan sa mga
makapagbabayad ng mataas. May pinto sa may sala, kanan, kaharap ng
gate, at sa kaliwa, sa may kusina. Luma na ngunit maayos pa ang mga
kasangkapan parang inilipat mula sa isang lumang bahay. Sa sala ay
may isang set ng upuan na nakatuntong sa isang alpombrang
bumabagay sa pulang sahig; sa likod nito, kabinet ng mga libro na
kinapapatungan ng isang flower vase, isang nakakwadrong retrato ng
isang nakangiting dalaga na napaliligiran ng maliit at animoy
naglalarong mga piguring duwende at isang lampshade. May telebisyon
sa sulok, malapit sa nakukurtinahang bintanang salamin.
Sa dingding na binarnisang plywood, nakasabit ang isang pares ng
nairolyong pinturang Hapones: mga lumilipad na tagak sa ibabaw ng
maiitim at payat na tangkay at mga dahon ng kawayan. Sa gitna,
likuran, may hagdanang paakyat sa mga silid-tulugan, puti ang mga
barandilya nito at sa itaas palapag, sa ding-ding, ay nakasabit ang isang
pandekorasyong seramiko na kinatitikan, na mga letrang Gotiko, ng mga
salitang GOD BLESS OUR HOME.
Sa silid-tulugan, kaliwa ay may isang mesang paayon ang ayos at
napapaligiran ng anim na silyang may matataas na sandalan. May
kabinet sa likod ng mesa-lalagyan ng mga plato, kubyertos, mga

itinatanging kasangkapan na ang paggamit ay karaniwan nang inilalaan


ng mga may-bahay sa mga espesyal na okasyon Nandito rin ang ilang
de-latang pagkain at mga boteng gamot. Nakapatong sa kabinet ang
isang bentilador. Di kalayuan sa mesa, malapit sa lababo, ay may isang
repriheradora. Sa kabuuan, maayos at masinop ang apartment.
May mga alas-otso na ng gabi. Bukas ang ilaw sa sala. Nakaupo si
Ben sa sopa, taas ang pinagsaklit na paa at tila yogang nagbabasa ng
isang magasin. Nakakorto siya at iskiper na puti. Mahahaba ang
kanyang biyas at sa katabaay may pagkabalingkinitan pa. Mahaba ang
kanyang buhok, tulad ng uso sa mga tin-edyer ngayon, at may kakisigan
siya.
Bukas din ang daylight sa silid-tulugan. Nakaupo si Regina sa
kabisera ng mesa at umiinom ng kape. Sa kabilang dulo, nagpupunas ng
kutsara ang kapatid niyang si Ana. Magkahawig sila, bagamat maraming
salit na puting buhok si Regina. Nakaputi siyang damit-pambahay, tila
isang roba na itinali sa harap, hanggang siko ang maluwang na manggas
at hanggang sakong ang laylayan. Nakapusod siya, laylay ang ilalim ng
mga mata, larawan ng isang babaing pinatigas ng mga hirap na
pinagdaanan. Nakabulaklaking pambahay si Ana, may pagkamasayahin
ang mukha, ngunit ngayoy tila nag-aalala.
ANA : (habang nagpupunas) Kumusta ang hiningi mong bakasyon,
Regina?
REGINA: (ibig magmalaki, ngunit walang sigla) Binigyan ako, puwede ba
nila akong hindi bigyan.
ANA : Dapat naman. Sa buong pagtuturo moy ngayon ka pa lang
magbabakasyon, ano?
REGINA: Ikalawa na ito. Noong mamatay ang ama nina Aida, saka
ngayon. Pupuwede akong hindi pumasok kahit ilang buwan pa siguro,
kahit isang taon. Marami akong naiipong bakasyon.
ANA : Biro mo namang mahigit na dalawampung taon ka na yatang
nagtuturo. Noong dalaga ka pa, hindi ba? Pwede ka nang magretiro.
REGINA: (sasandal) Sayang naman kung hindi ko matatapos ang aking
serbisyo. Pero hindi ako papasok hanggat hindi gumagaling si Aida.

ANA : Kung sabagay, kaya ko naman siyang alagaan. (Aayusin ang


salansan ng kutsara). Ano nga pala ang sabi-sabihan sa eskwela?
Siguroy alam nila ang nangyayari?
REGINA: (pauyam) Alam. Pero ano ba ang maaasahan mo sa mga walang
prinsipyong tao?
ANA : Sinabi mong tuloy rin ang demanda?
REGINA: (tatayo, lalakad sa repriheradora upang kumuha ng inumin) Oo.
Bakit hindi ko itutuloy? Kahit ano pa nga ang kanilang sabihin. Dapat
nga raw magdemanda, sobra naman daw talaga ang ginawa kay Aida,
pero
ANA : Nakapag-aral si Aida doon. Kilala siguro nila.
REGINA: (habang pabalik sa kabisera, dala ang baso ng inumin) ang
dipirensiya nga lang daw, mayor itong kalaban ko. Ano sa akin kung
mayor? ngayon bat mayor siyay libre na ang kanyang anak? Wala raw
mangyayari. Iba raw ang malakas ang nasa poder. Baka raw lalo pa
tayong perwisyuhin.kababata pay wala nang prinsipyo! Mga bagong
tapos pa ng kolehiyo, mabuti pa iyong assistant principal namin,
matapang. Ang sabiy Ituloy mo, Mrs. Calderon, you should really teach
those people a lesson.
ANA : (galit) Ituloy mo nga. Regina, nang madala. Sobra nang talaga ang
anak ng mayor na iyan! Ang kailangan talaga riyan ay bitay.(Tatayo,
ililigpit sa isang lalagyan ang mga kutsara, pahablot na dadampot ng
isang basahan.) Tutal, bitay din siguro ang ibibigay sa lalaking iyan.
(Tatayo si Regina, tila nag-iisip na maglalakad-lakad sa sala. Mapapansin
niya si Ben na ngayoy nakadapa at nagkukuyakoy ang paa sa hanging
nagbabasa).
REGINA: Napakain mo nang aso, Ben?
BEN : (pagak ang boses, di iaalis ang tingin sa binabasa) Opo.
REGINA: (susulyap sa itaas ng hagdan, pagkuway babalik sa komedor.)
Bakit ba naghahanap ng kordon si Tony, ha, Ana?
ANA : (nagpupunas-punas sa may lababo): Maikli ang kordon ng ilaw
niyang inililipat sa kuwarto namin.

REGINA: Pabibilhin ko na lang siya ng isa pa bukas. Kailangan niya iyon


sa pag-aaral, malabo ang kanyang mata.
ANA : Ibang-iba iyang si Tony kesa don sa isa. (Ngunguso sa sala.)
Tingnan mo, prenteng-prenteng nagbabasa. Hindi man lang tulungan
iyong kapatid.
REGINA: Bata pa lang kasi si Ben.
ANA Spoiled. Si Tony, noong ganyang edad, kumikita na, nagtitinda na
ng diyaryo.
REGINA: Hindi si Ben ang spoiled Ana. Baka ka mo si Aida.
(Magbababa ng tingin na parang mali ang nasabi.)
ANA : Kung sabagay. (Ipapatong ang kanang kamay na may hawak na
basahan sa sandalan ng isang silya.) Si Tony, pati nanliligaw kay Aida,
kinikilatis na mabuti. Hindi na nagbalik iyong preskong kaklase yata ni
Aida, ano? Iyong de-kotse? Ano ba sa akin kung de-kotse siya, sabi sa
akin ni Tony. Sino nga ba iyon?
REGINA: (parang hindi siya pinapansin) Mababait silang lahat.
ANA : Si Tony, minumutyang talaga si Aida.
REGINA: Mapagbigay pa ka mo sa mga kapatid. Hindi na baleng siya
ang wala mayroon lang si Aida at Ben. Ang maipipintas mo nga kay Tony
ay walang kibo.
ANA : Seryoso. Palaisip. Kaparehung-kapareho ng ama.
REGINA: May pagkaseryoso rin itong si Ben, pero hindi kamukha ng
kuya niya. Si Aida- si Aida ang (parang mawawala sa sinasabi,
mababasag ang boses)-pinakamasaya.
ANA : (mapapansin ang pagbabago ng mukha ni Regina, ngunit itutuloy
pa rin)Masasabi mong isip-bata si Aida. Inosente. Pero maganda.
Maganda. Akalain ko bang gaganda ng ganyan ang anak mo, Regina.
Natatandaan mo pa, noong sumakay siya sa karosa ng lantern parade
sa UP, noong nakaraang Pasko? Noong dalhin tayo ni Tony? Hindi ako
makapaniwalang anak mo iyon at pamangkin ko iyon. Bakit ngay dijeans-jeans at pony-tail pony-tail lang dito. Ang sarap ka mo,
namatay ang generator ng karosa! Di pinasinagan siya ng flashlight.
Nakatingin kay Aida ang lahat, at siyay ngumingiti, at nangyayabang, at

nang-iinggit naman ang kanyang mga kaklase. Sa tingin ko ba nooy


para siyang nakaangat sa karosa-(Makikitang ibig maiyak si Regina) Sino
nga ba naman ang makapag-aakalangREGINA: (tutuwid ng upo, sa dingding nakatingin) Nangyari na iyan Ana.
ANA : (Pagkaraan ng ilang saglit, malungkot) Disiotso na siya sa
Setyembreng ito, Regina.
REGINA: Limang taon na tayo rito. Natatandaan mo? Dito nag-birthday
si Aida nang lumipat tayo.
ANA : At napapanaginip ko pa noon ang kanyang debut. At naisip ko
na ang gagawin kong tahi sa damit niya.
REGINA: Ang buhay nga naman.
ANA : (nagpapahid ng matang isasauli ang basahan sa lababo.) Mabuti
pa sigurong hindi tayo umalis sa Gagalangin, Regina. Siguro, kung hindi
tayo lumipat ditoREGINA: Sino ang makaaalam na dito siya magkakaganyan?
ANA : Bakante ngayon ang itaas ng bahay doon.
REGINA: (nagpapaliwanag): Hindi ba dahil sa mga bata kung kaya tayo
umalis sa Gagalangin? Gusto mo rin namang tayoy umalis doon nang
lumalaki na ang mga bata,di ba? At nang malapit pati sila ka mo ng
eskuwela. Naisip kong umutang nga tayo at ipatayo natin ang
apartment na ito- unang-unay dahil diyan ang malayo nga sila doon.
Pinaupahan na lang natin ang bahay doon. Hindi bat mas nagustuhan
naman dito ng mga bata? Mas tahimik dito, hindi siksikan, masANA : Oo nga, Regina. Pero
REGINA: Dahil sa pagtanda natiy wala naman tayong makakasamapatay na rin lang ang ating mga magulang- naisip kong maaari na tayo
dito. May apat na pinto tayo dito, tamang-tama, ka ko. Magkaasawa
man ang mga bata, magkaanak man sila, hindi rin tayo magkakalayulayo. Tig-I-tig-isa ka ko sila ng pinto- isa kay Aida, isa kay Ben, isa sa
ating dalawa. Hindi tayo magkakawalay-walay. Ganyan ang naisip ko
noon, Ana.

ANA : Aywan ko, Regina, pero kung minsan ngay naiisip kong kahit yata
saan tayo pumunta, sinusundan tayo ng trahedya.
REGINA: Hindi naman sa tayoy sinusundan, Ana. (kukunot ang noo).
Mabuti pang sabihin mong dahil sa mga pagkakataon, o dahil sa mga
kondisyon ngayon. Ibang-iba na talaga ngayon. Aywan ko rin, Ana.
Aywan ko.
ANA : (Pagkaraan ng ilang saglit, malumanay na) Naubos na nga pala ang
gamot ni Aida, Regina. Iyong tranquilizer.
REGINA: Magpabili tayo. Sino bang ating pagbibilhin? Si Tony?
ANA : Pabilhin mo nat gabi na. Malapit na sigurong mag-alas- nuwebe.
REGINA: Gabi na pala.
ANA : Akala ko bay napapagod ka ?
REGINA: (tatawag) Tony!
TONY : (sa itaas): Sandali po! Ikinakabit ko lang itong daylight.
ANA : (nakaupo sa kabilang dulo ng mesa, may binibilut-bilot na sinulid
ng basahan ang daliri): Ano ba ang napapansin mo kay Aida?
REGINA: Anong napapansin?
ANA : May pagbabago ka bang nakikita ? Hindi ba parang lumalala?
REGINA: (bubuntung-hininga) Ang sabi naman ng doktor ay may shock
pa siya hanggang ngayon. Totoo raw nasindak si Aida.
ANA : Kung sabagay. Medyo nawawala na ang mga marka ng dagok sa
kanyang mga pigi. Talaga sigurong hindi ka makakabangon kapag
dinagukan ka roon. Iyon namang sugat at galus-galos, magaling na. Ang
ikinatatakot koy ang kanyang nerbiyos. Lalo siyang nagiging nerbiyusin
yata. Lagi kaya niyang naaalala ang nangyari sa kanya? Ganoon ba iyon?
Hindi ba- may naloloka sa ganyan?
REGINA: Hindi naman siguro, Ana. Mahusay ang gamot na ibinibigay sa
kanya ng doktor. At sabi sa ospital, magaling daw ang psychiatrist na
tumitingin sa kanya. Talaga raw isa sa pinakamahusay dito sa Pilipinas,
sabi sabi rin Tony.

ANA : Naaalala ko kasi iyong kapitbahay natin sa Gagalangin. Iyon bang


anak ng kapitan na dinadala sa V.Luna at ipina-e-electric shock.
Namumuti raw talaga at umiikot ang tau-tauhan ng mata. Bumubula
ang bibig. Pero iba naman siguro iyon.
REGINA: Tiyaga, tiyaga ang kailangan natin, Ana. Kaya hahabaan ko ang
aking bakasyon.
ANA : (Maliwa-liwanag ang mukha): Mahusay siguro iyong likidong
tranquilizer na inihahalo ko sa pagkain niya. Biro mo, iyong tira niyang
pagkain, sinubok kong ipakain kay Sultan noong isang araw. Nakatulog
ang pobreng aso.
REGINA: Iyon naman daw ang kailangan, sabi ng doctor- ang humupa
ang kanyang nerbiyos.
ANA : Ibinigay ni Tony kay Aida nag maliit niyang ponograpo.
REGINA: Sa Linggo ang punta dito uli ng doktor. Malalaman natin sa
kanya kung kailangan pang ipasok sa ospital si Aida o hindi. (Maalala) Si
Tony nga pala, iyong gamot. (tatawag) Tony! Di ibinigay ba ang kanyang
turntable? (mananaog si Tony, payat, di-nasusuklay ang buhok, lampas
sa karaniwan ang taas, habaan ang mukha, nakasalamin at mukhang
matanda kaysa tunay gulang. Lumang pantalon at maluwang ang
manggas na polo sert ang suot. May dalang plais at tape sa kordon.)
REGINA: Bumili ka ng gamot, Tony. Nasa tokador iyong pera.
TONY : Opo. (Ililigpit sa may ilalim ng hagdan ang plais at pandikit,
pupunta sa repriheradora at kukuha ng inumin. Tiyak at tila laging pinagiisipang lagi ang kilos.) Nauuhaw si Aida.
ANA : (pagkapanhik ni Tony, naghihinala): Ilang beses ko nang
napapansing lumalabas ng gabi ang Toning iyan. Di mo ba napapansin?
REGINA: Hindi.
ANA : Iyong lagay na iyon siguroy palakad na.
REGINA: Ugali lang talaga niyan ang maglakad. Di nga ba sabi mo
kanginay palaisip?
ANA : Oo nga. Pero gabing-gabi na kung umuwi kung minsan. Susi ang
ginagamit.

REGINA: Baka naman nagpupunta lang sa kaklase niya riyan sa


kabilang kanto?
ANA : (kukumpas): Aywan ko. Si Ben ang tanungin mo. Silang
magkakuwarto. Kaya lang, nag-aalala ako. Alam mo na ngayon, baka
makatuwaan iyan. (Isang sasakyan ang hihinto sa tapat ng apartment.
Maririnig ang pagkalapak na pagsasara ng pinto nito, ang pagkahol ng
aso).
REGINA: (kay Ana): Sa atin ba iyon? (May babatinting sa pintuang bakal).
ANA : Tingnan mo nga Benjamin.(Lalabas si Ben. Sa may gate
maririnig ang boses-matandang tanong na Nariyan ba si Mrs.
Calderon? at ang mababa at pagak na Opo, sino po sila? ni Ben.
Nakatayo sina Regina at Ana sa tabi ng mesa, nakatingin sa labas).
ANA : (Makikilala ang dumating) Si mayor, Regina! May kasama.
REGINA: (magugulat) Ano kayang kailangan?
ANA : (kinakabahan) Baka-aayusin ka.
BEN : (papasok) Gusto raw kayong makausap, Inay.
ANA : Bakit daw?
BEN : Aywan ko po.
REGINA : (pagkaraan ng pagbabantulot) Papasukin mo. (Lalabas si Ben).
ANA : (Kay Ana) Anong ayos-ayos. (Papasok ang alkalde, maitim,
katamtaman ang taas, may katabaan, hagod sa batok ang tintina at
walang partidang buhok,may mahigit nang 50 taon, naka-polosert na
guhitang pula, bukas ang butones sa itaas. Kasama niyang papasok ang
isang naka-polo-barong na lalaki, may kaputian maliit, mataas ang
gupit, naka salamin, parang nakaismid, at ang matay nag-uusisa agad
sa pinasok na apartment).
ALKALDE: (itataas ang kaliwang kamay, bahagyang yuyukod) Good
Evening.
REGINA: Magandang gabi ho naman.
ALKALDE: Napasyal kami, Misis.

REGINA: (bantulot na ituturo ang upuan) Maupo kayo.


ALKALDE: (bago maupo) Misis, ang kasama ko nga ho palay si Konsehal
Collas, Atty. Collas. (Bahagyang tatango ang konsehal. Mauupo sila.
Mananatiling nakatayo si Regina. Nasa silid-kainan si Ana, nakahilig sa
barandilya ng hagdan si Ben).
ALKALDE: (nakatingin kay Ben): Anak ho ninyo?
REGINA: Oho.
ALKALDE: (humahangang nakatingin kay Ben) Guwapo. At listo. Listong
bata. Hindi basta nagpapasol. (Mahihiyang pupunta si Ben sa silidkainan at doon mauupo, kasama si Ana. Mapapansin ng Alkalde na
nakatayo si Regina). Maupo naman kayo, Misis. Kami ho naman ni
Konsehal ay ngayon lamang napadalaw dito sa inyo.
KONSEHAL: Siyanga naman, Misis. (Mauupo si Regina).
ALKALDE: (lilinga-linga) Magandang apartment ito, a. Tingnan mo ang
Japanese Painting nila, konsehal. Di ba ganyan ang nakuhamo sa
Tokyo?
KONSEHAL: Masinop ang apartment nila, Mayor.
ALKALDE: Ito ang sasabihin ng comadre mo na Cozy. (Kay Regina)
Malaki siguro ang upa ninyo, Misis sa apartment na ito.
REGINA: Sa amin ho ito, inaakupa lang namin ang unang pinto.
ALKALDE: (tatawa) Dispensa, Misis! Dispensa. An honest mistake.
Tingnan mo nga naman, konsehal, sa kanila pala ito.
KONSEHAL: Must have gotten a loan from the GSIS. (Mananaog si
Tony, magugulat pagkakita sa Alkalde, pagkaraay parang walang
nakitang tutungo sa komedor upang kunin ang sapatos, mananatili siya
sa komedor. Samantalang nakatingin sina Ana at Ben sa nag-uusap,
ipapatong niya ang mga kamay sa mesa, nakakunot-noong kakatukkatukin ang daliri ang salamin niyon. Manaka-naka lamang siyang
lilingon sa sala).
ALKALDE: (nakatingin kay Tony) Anak din ninyo, Misis?
REGINA: Siya ho ang panganay.

ALKALDE: Marunong na tipo. Scholarly type, wika nga. Law siguro


ang kinukuha, Misis?
REGINA: (kangina pa nagtitimpi) A.B. ho, sa UP.
ALKALDE: (magugulat) UP! Taga-UP rin pala konsehal. Pareho kayo. Ako
ho, Misis- bakit ho ba nasasabi itoy hindi naman naitatanong?- ay sa
Francisco Law College lamang ang gradwado.(Tatapikin sa balikat ang
konsehal) Walang kuwentang eskwelahan. Kung sabagay, doon nagtapos
si Carlos P.Garcia, ha, konsehal? (Magtatawanan sila). Buweno, buweno,
ang ibig kong sabihiy isa sa mga hindi natupad na ambisyon ko iyang
makapag-aral sa UP. Marunong ang anak ni Misis, konsehal.
KONSEHAL: Maestra kayo, Misis,a Calderon?
REGINA: Oho.
ALKALDE: Saan naman kayo nagtuturo?
REGINA: Sa Torres High School, sa Maynila.
ALKALDE: (magugulat) Paano ho naman ang nangyarit dito kayoREGINA: Narito ang aming apartment. May bahay kami sa Gagalangin
pero pinauupahan namin. Grocery ang silong.
KONSEHAL:Mukhang familiar sa akin ang Calderon. Saan kayong
probinsiya, Misis?
REGINA: Lehitimo ho akong taga-Maynila. Ang Mister ko hoy tagaNueva Ecija.
KONSEHAL: You are now a - - widow? (tatango si Regina).
ALKALDE: Buweno, kami hoy medyo ginabi, Misis, dahi sa nanggaling
pa kami sa squatter area diyan sa may highway. (Nakatawang iiling)
Wise din naman ang mga lider niyon ngayot alam na eleksiyon sa
Nobyembre ay saka magrerepresentasyon sa akin, huwag ko raw silang
ipatapon. May nakikiusap na riyan , may umiiyak na diyan, at ako
naman (kukumpas) mahabagin nga siguro ako ay wala nang magawa.
Paano ka pa makakatanggi niyon?
REGINA: Marami ring botante roon, Mayor?

ALKALDE: Ha-ha-ha! Hindi naman, Misis, hindi naman! Ang lagay


naparaan nga kami roon, kaya ginabi kami sa pagsasadya sa inyo.
REGINA: (titingnan siya ng tuwid): Para ipaurong sa akin ang demanda,
Mayor?
ALKALDE: (magkikibit-balikat): Para - - para tayoy magkausap.
KONSEHAL: (magsisindi ng sigarilyo): Ang totoo niyan, Misis, si Judge
Joaquin ang nagmungkahing magkausap kayo, na kung ako ang
tatanungin, ay siyang pinakamabuti ninyong gawin. Iyan naman ang
sinabi ng inyong compadre, di ba, Mayor?
REGINA: Mahusay pala kayong magpalaman sa mga salita, konsehal.
ALKALDE: (maagap): Misis, kamiy naparito, unang-anay para
magdiskargo. Alam kong mabigat itong aming inilalapit sa inyo, kaya
naman akoy makumbabang naparito sa inyo upang- upang wika ngay
ihingi ng tawad ang ginawa ng aking anak.
REGINA: (susukatin siya ng tingin): Akala ba ninyoy makukuha sa
paghingi-hingi ng tawad ang ginawa ng inyong anak?
ALKALDE: (iiling, nakangiti): Alam ko, alam ko, Misis.
REGINA: Ganoon palay bakit hindi natin ipaubaya sa husgado?
ALKALDE: Si Misis- REGINA: Kayo bay may anak na babae, Mayor?
ALKALDE: (nakangiti pa rin) Alam ko ang itatanong ninyo. Mayroon.
Tatlo. Paano kung isa sa kanila ginawa iyon? ( Nakangiting, maiiling ang
konsehal).
REGINA: Paano kung ang pinakamamahal ninyo sa tatlong anak na iyan
ay ginahasa ng aking anak?
ALKALDE: Natural namang mararamdaman
nararamdaman ninyo ngayo, Misis.

ko

ang

katulad

ng

REGINA: Hindi ko itinatanong kung ano ang mararamdaman ninyo.


(Malakas) Ano ang gagawin ninyo? (Kukumpas sa kawalang-maisagot
ang alkalde. Sa itaas, tatawag si Aida, Inay, Inay!) Tatahimik ba kayo?
Magdedemanda ba kayo? Ano ang gagawin ninyo? Kung sabagay, sino

nga ba naman ang matapang na mangangahas na mayor kayo. Pero


halimbawang kayo ang nasa katayuan ko?
KONSEHAL: (sasaluhin ang alkalde) Sa ganitong anggulo natin tingnan,
Misis, umabot na rin lang sa ganito. Malinaw kong nakikita ang inyong
punto. Ngayo,y kauumpisa pa lamang nang kaso. Di ba ninyo inaalala
ang inyong anak? Kung itutuloy ninyong talaga ang demanda, ang
kauna-unahang gagawin para mapatunayang ginahasa siya ay ang
ipaeksamen siya. Hindi mo maiaalis sa abugado ng kabila na hingin
iyan, ipaeksamen siya.
ALKALDE: (sasang-ayon) Kawawa rin ang inyong anak. Ang ibig kong
sabihiy
REGINA: (sa konsehal): Para patunayan kung siyay ginahasa o hindi?
KONSEHAL: (iduduldol sa ash tray ang sigarilyo) Para patunayan kung
siyay ginahasa o hindi.
REGINA: Kung hindi kayo kumbinsidong ginahasa nga ang aking anak
ay bakit narito kayo?
ALKALDE: Para - - para huwag na ngang umabot diyan,Misis.
REGINA: Legalismo ninyong mga abugado!
KONSEHAL: Wala tayong magagawa, Misis. (Bahagyang tatawa) Ganyang
talaga.
REGINA: Tusuhan, patalinuhan, pasinungalingan, diyan, diyan, kayo
magaling!
KONSEHAL: Sa ilalim ng batas, walang kasalanan ang isang tao hanggat
hindi siya napapatunayang nagkasala.
REGINA: Magandang dahilan ninyong mga abugado!
KONSEHAL: Hindi ba kayo naaawa sa kanya? Hindi ba ninyo inaalala
ang kanyang kinabukasan? Sa kasalukuyay hindi pa masyadong bulgar
ang nangyari per--REGINA: Mababando rin na ang anak ng mayor ang gumahasa sa
kanya!
KONSEHAL: (ngingiti-ngiti): Hindi kayo praktikal, Misis.

REGINA: Anong hindi praktikal?


KONSEHAL: Halimbawa nang napatunayang nagkasala ang anak ni
Mayor-halimbawa lamang iyan- halimbawa nang napatunayang
nagkasala siya, na aywan ko kung kailan, siguroy tayo na rin mismo ang
maiinip ano naman ang inyong makukuha?
REGINA: Hustisya.
KONSEHAL: Hustisya. (Iiling) Ang tingnan ninyoy ang panig ng inyong
anak. Iyan ang isipin ninyo.
REGINA: (nagpupuyos): Halos labingwalong taon mong pinalaki,
inalagaan, kung maaariy ipakatagu-tago mo, pinakaingat-ingatan mo, at
pagkatapos, pagkatapos, nag-aabang lamang ng bus na pauwi galing sa
eskwelahan ay bigla na lamang aagawin ng anak ninyo, dadalhin sa
motel, sasaktan doon, paglalaruan, pag-aaliwan! Isasakay sa taksi,
pauuwiin, halos hindi makagulapay. At pagkaraan niyan, pagkaraan
niyan paparito kayo sa akit sasabihin ninyong akoy maging praktikal!
KONSEHAL: (namamayapa) Nariyan na tayo, Misis, nariyan na tayo.
REGINA: Hindi babaing damputin ang anak ko. Makakaalis na kayo.
Hindi ko iuurong ang demanda. Kung sa inyo ang sinasabi ninyong
huwes, sasabihin ko sa aming abugadong hilinging malipat sa ibang
huwes.
KONSEHAL: (banayad) Hindi rin ganyan lamang iyan, Misis. Saan at
kanino ililipat? Dito rin. Ngayon, sino sa mga huwes dito ang kaalyado ni
Mayor? Kung nakapagme-mayor siya ng labingdalawang taon,
malamang pang maging labing-anim --REGINA: (napapaiyak) Kayo nga ang hari dito.
KONSEHAL: Hindi siya ganoong napakahina para hindi maalis ang
sinumang kalaban niyang huwes. Ayaw ko sanang sabihin ito pero alam
ninyong pulitiko rin ang nakapaglalagay sa huwes? Sino ngayon ang
nakapaghuhuwes nang hindi lumalapit sa pulitiko? Nasaan naman ang
mga naging huwes dito na hindi naging kaalyado ni Mayor? Iyong isa,
nasa Palawan, iyong isa, nasa Mindoro. Dudulog kayo sa itaas? Sino ang
nasa itaas? Pulitiko? Ilang boto ang maaring ibigay sa kanya ni
Mayor? Makikisama rin sila!
REGINA: Kayong masasamang pulitiko!

KONSEHAL: (nakatawa) Masasamang pulitiko. Ganyan ang buhay


ngayon, Misis. May nakita na ba kayong anak ng kongresista na kanilang
nagalaw? Anak ng Senador? Anak ng Gobernador? Anak ng- mayor?
REGINA: (nagpupuyos) Tama, pumatay man kayoy hindi kayo nagagalaw!
KONSEHAL: Ay, Misis. Be practical.
ALKALDE: (dudukot sa bulsa ng polosert at may ilalabas na sobre) Alam
kong malaking perwisyo ang nagawa ng aking anak sa inyo ibig kong
(ilalagay sa mesita ang sobre) tanggapin ninyo ang kahit kaunting tulong
na ito
KONSEHAL: That check is for ten thousand. Pay to cash. Be practical.
REGINA: (sasampalin ang alkalde) Akala ba ninyoy mabibili ninyoy
mabibili ninyo ako? Layas! Layas! ( Nababaghang tatayo ang alkalde at
konsehal. Dadamputin ng konsehal ang sobre. Lalapit sina Tony).
ALKALDE: (hindi makapaniwala, nakangiti ngunit ngani-nganing
sampalin si Regina) Sa buong buhay ko, Konsehal, ngayon pa lang ako
nasampal. Pero hindi bale. (kay Regina) Dinadaan ko kayo sa pakiusapan
pero gusto ninyong magkademonyuhan. Pasensiyahan tayo. Ituloy ninyo!
(Lalabas ang dalawa, ang alkaldey nagmumura. Sa labas, maririnig ang
pagsibad ng kanilang sasakyan. Mapapaupo si Regina. Nakatayo sa
harap niya si Tony, nakaupo at nakamasid si Ben).
REGINA: (humihingal) Akala ng mga taong iyay sila ang batas.
TONY: (galit ngunit matimpi) Sa kasalukuyay sila nga, Inay.
REGINA: (nanginginig) Lalabas din ang katotohanan at mananaig ang
katarungan!
TONY: Iyan ang itinuturo ninyo sa Government.
REGINA: Mananaig din ang katarungan.
TONY: Kay gandang sabihin! Justicia o justicia poetica? Hustisyang
talaga o hustisyang Diyos-ko-bahala ka na?
REGINA: Kailangang maputol ang ganito!
TONY: (malakas) Paano?

REGINA: (parang giniginaw) Nanginginig ako. (Sa itaas, maririnig ang


mga pagtawag ni Aida at ang pag-aalo ni Ana. Papanhik si Ben).
REGINA: Hindi ako titigil hanggat hindi siya nabibilanggo!
TONY: (kinukuyom ang palad) Tatlo lamang ang nagkakaroon ng hustisya
dito sa atin. Iyong malalakas, iyong makapangyarihan, iyong
mayayaman. Kung simple kang tao, mahina ka. Kung mahirap ka,
lolokohin ka, tatakutin ka, pasensiya ka, magtiis ka. Kadalasang
nagkakasama-sama pa iyan: lakas, kapangyarihan, yaman.
REGINA: (tutop ang mukha) Walang kuwenta sa akin magkaubus-ubos
man ang ating kabuhayan!
TONY: (patuya) Sasayangin ninyo ang minana ninyot pinaghiraphirapang ipundar. Sa paningin ng ating batas, hindi magkakapantay ang
lahat! Ang demanda ninyo, sapagkat ang idinemanda ninyoy malakas,
ay mananatiling demanda lamang.
REGINA: Susulat ako sa magasin, susulat ako sa lahat ng diyaryo.
Isusulat ko ang lahat at natitiyak kong tulungan nila ako, pakikinggan
nila ako!
TONY: (parang hindi siya pinapakinggan) Ang demanda ninyoy kamukha
lamang ng kung kayoy nasusukol sa binggit ng bangin at malaki pa ang
agwat ng kabilang pampang na kailangan ninyong talunin. Alam ninyong
sa pagtalon ay hindi ninyo maaabot ang kabilang pampang, pero pipilitit
pipilitin din ninyong tumalon. Tatalon kahit alam na alam ninyong kayoy
mahuhulog. Bakit pa kayo magdedemanda?
REGINA: Sasabihin ko sa kanila ang lahat. Pakikinggan nila ako, Tony.
Kapag nalaman nila ang lahat- Tony, ito na ang pagkakataon natin sa
hustisya!
TONY: Hustisya!
REGINA: (nabuhayan ng loob) Tingnan mo, Tony. Palagay ko ngay ako at
si Aida ay sadyang pinili ng Diyos para rito. Makinig ka: kung sa anak ng
mahirap na iskwater niya ginawa iyon, tatahimik na lamang sila.
Lulunukin na nila ang kanilang dignidad at siguro'y kanila pang
tatanggapin ang pera. Ngayon, kung sa anak-mayaman naman niya
ginawa iyon, magdadalawang-isip ang magulang, mahihiya silang
mabulgar ang nangyari. Hindi nila iibiging masira ang kanilang

reputasyon! Tatahimik din sila.Nagkamali sila, Tony, nagkamali sila.


Lalaban ako, lalaban ako!
TONY: Ang ipanlaban ninyo sa napakalaking batoy ang inyong mga
kuko!
REGINA: Kay laki ng ipinagbago mo, Tony. Paano ang ibig mong
mangyari? Huwag nang lumaban, iurong na ang demanda?
TONY: Mula nang mapatay ang si Itay-sinasabi nating nabaril, para
siguro mabawas-bawasan ang lagim, pero ang totooy pinatay siyasinimulan ko nang isipin kung ano ang batas na nararapat dito sa atin,,
kung sino ang dapat magpatupad niyon kung ano ang hakbang na
nararapat nating gawin. At sa lahat ng libroy sa Bibliya ko pa nakita ang
sagot. Naglalakad ako minsan pagkaraan ng nangyari kay Aida- nang
maalala ko ang sinabi ng ama ni Itay, noong araw na iyon ng libing.
Kapag buhay ang inutang, buhay din ang magiging kabayaran, na para
bangmay sisingil para sa kanya.- o para sa atin- ang inutang na buhay
ni Itay. Naisip ko, itoy hindi isang pamahiin, hindi isang kasabihan- itoy
isang simpleng batas, isang kautusan o kahatulang inihabilin ng Diyos
kay Moses sa itaas ng bundok sa gitna ng kulog, ng kidlat, ng usok at
ingay ng pakakak. Sapagkat hindi ba sinabi sa Exodus na buhay sa
buhay. Ito bang nangyari kay Aiday masahol pa ang pagkamatay?
Ngayon, ito ang mga kahatulang nararapat nating sundin: mata sa
mata, ngipin sa ngipin apoy sa apoy , sugat sa sugat, latay sa latay.
Ito ang aking gagawin: gaganti ako: ako ang gaganti sa kanya.
REGINA: Gaganting paano?
TONY: Papatayin ko siya.
REGINA: (manghihilakbot) Tony!
TONY: May isa pa kayong hindi nalalaman, Inay. Diyan sa abangan ng
sasakyan minsan, nang akoy papuntang eskwela, isinakay ako sa jeep
ng dalawang bataan ni Mayor. Jeep iyon ng mga pulis, at ang
nagsakay sa akin ay parehong pulis. Nagpaikut-ikot kami, nasa gitna
nila ako.Sabi nilay itigil daw ninyo ang kaso, o --REGINA: Mga banta! banta!

TONY: Isa iyan sa pinakakaraniwan nilang ginagawa- hindi lamang sila


ang gumagawa niyan. Pero ang kinatatakutan koy ang kalalabasan ng
inyong demanda ng inyong paniniwala sa hustisya.
Regina: Kung hindi pa ako maniniwalay ano pa ang aking mahihintay?
TONY: May kuwento tungkol kay San Agustin tungkol sa
paniniwala.Naglalakad daw si San Agustin sa tabing-dagat at tinutuklas
ang misteryo ng Divina Trinidad. Habang nag-iisip at naglalakad,
mayroon daw narinig si San Agustin na parang hanging nagbulong sa
kanya: Agustin, ang ginagawa mong pagtuklas sa misteryong iyan ay
kasing-hirap ng pagsalok mo ng tubig sa buong dagat sa iyong palad.
Pananalig, paniniwala, iyan ang kailangan mo. Ang hustisya ba rito sa
atiy isang misteryo? Alam nating lahat na itoy hindi hustisya, at alam
natin kung bakit ito hindi ganito. Wala naman tayong misteryong dapat
tuklasiy kung bakit nananalig at naniniwala pa tayo!
REGINA: Lawakan mo ang iyong pagtingin, Tony. Ang ikinagagalit moy
dahil lamang sa mga personal na karaingan.
TONY: Lawakan! Ang kay Itay ay isa lamang sa matagal at laganap nang
kawalang- katarungan!
REGINA: Darating ang hustisya, Tony.
TONY: Kailan? Gaano katagal? Sa anong paraan? Ang paghihintay natiy
makakatulad lamang ng ginawa nating paghihintay sa kaso ni Itay. Ano
ang nangyari sa kaso niya? (Mapapayuko si Regina).Natatandaan ko pa,
disisais anyos ako, nasa Gagalangin tayo.Naghahapunan tayo. May
tumawag kay Itay. Alam natin na mula nang madiskubre niya ang di
paglilista ng trak-trak na tabakong inilalabas sa bodega ay pinagbantaan
na siya, daang libong piso ang halaga ng mga ipinupuslit. Pero matapang
si Itay, hindi siya napatakot. At nang gabi, ngang iyoy lumabas siya
kumpiyansa, matapang ni hindi isinukbit ang saliri niyang baril. Nagusap sila sa labas at nang nagkakainitan nay napalabas tayo. At narinig
natin ang mga putok, bagsak si Itay, takbo sa nakaparada nilang
jeepang tatlo. Nakuha ko ang numero ng jeep at natunton ang mga
nagsigamit niyon. Nadiyaryo tayo, kung ilang araw tayong nasa
peryodiko.Umasa tayong mahuhuli at makukulong ang mga nagsibaril
kay Itay - hanggang sa pumasok ang isang pulitiko. Ano paang nangyari
pagkaraan niyon? Unti-unti na silang nawalan ng interes sa kaso, hindi
ba naging pursigido ang nagiimbestigang pulis. Third year high school

ako noon, at sa kauna-unahang pagkakataon, naisip kong ang hustisya


palay ganito. Hanggang ngayo,y nasa akin pa ang clippings ng mga
diyaryo noon, itinatago ko. Duguan ang retratong kuha ni Itay.
REGINA: Nakaraan na iyon, Tony.
TONY: Hindi pa ba kayo nadadala? Hanggang ngayon bay naniniwala pa
kayo?
REGINA: Ano ang silbi ng aking itinuturo kung hindi ako maniniwala?
Kaya kong magretiro anumang araw ngayon pero nagtuturo pa rin ako
siguroy sa nais kong makatulong sa paglikha ng mabubuting
mamamayan. Ituturo mo sa kanila ang katarungan ngunit ikaw na
mismo ang hindi naniniwala rito. Bubuo ka ng mahuhusay na
mamamayan ngunit ikaw mismo ay hindi modelong mamamayan.
Naniniwala ako, Tony. At maghihintay ako.
TONY: Mahuhulog kayo sa pampang! (Mula sa itaas, bababa si Ana.
Nasa mukha niya ang kawalang malamang gawin).
ANA: (sa hagdan pa lamang): Ninenerbiyos na naman si Aida,
Regina.Nanlalamig mula pa kanina. Parang takot na takot. Nakabili na
ba ng gamot?
REGINA: (maaalala): Ang gamot nga pala. Sino ang bibili?
ANA: Akala ko bay si Tony?
(Iiling-iling na papanhik si Tony).
REGINA: Hindi ba puwedeng ipagpabukas na ang pagbili? Anong oras
na ba?
ANA: Mag-aalas-onse na siguro. Mayroon namang botika riyang hindi
nagsasara. Kailangan ni Aida, Regina. Hindi siya mapapahinga kapag
hindi nakainom. Maaring makasama pa sa kanya. Sa linggo kamoy
pupunta rito ang doktor.
REGINA: Gabi na, Ana.
ANA: (nagpapaubaya): Nasa iyo iyan, Regina. Pero si Aida- (Mananaog si
Tony). Eto na si Tony.
TONY: (patungo sa pinto) Lalakad na ako.

ANA: Alam mo ang pupuntahan mong botika?


REGINA: Magtaksi ka na.
ANA: Umuwi ka kaagad. Kailangan ni Aida iyan.
REGINA: (pagkalabas ni Tony, parang gaping-gapi) Kinakabahan ako,
Ana.
ANA: Sa pagkakapunta rito ni Mayor? intindihin mo iyon?
REGINA: Kay Tony, Ana. Ibang-iba na siya ngayon. Ang mga pinagsasabi
niya! (Mapapakumpas lamang si Ana. Mananaog si Ben).
BEN: Umalis na ang kuya?
REGINA: Oo. Bakit?
BEN: (parang takot) May dala siyang baril.
REGINA: Baril?
BEN: Huwag ko raw sasabihin sa inyo. Sa malaking kahon sa ilalim ng
kama niya kinuha.
REGINA: (hindi makapaniwala) Saan kukuha ng baril iyon?
BEN: Baril, Inay? Kitang-kita ko.
REGINA: (sasapuhin ang mukha) Diyos ko, ano kaya ang kanyang
gagawin?
(Tatayo ngunit tutop ang ulong mapapaupo). Sundan mo kaya,Ben.
Sundan mo kaya, Ana. (Lalabas si Ben).
ANA: Siguro naglalalabas ng gabi iyan.
REGINA: Anong ginagawa?
BEN: Hinahanap ang anak ngmayor. Hindi ko na siya nakikitang nagaaral kung gabi. Baka hindi na siya maging scholar sa susunod na
semestre.
REGINA: (galit) Nalalaman mo palay hindi mo sinasabi?
BEN: Kung isasama ako ng kuyay sasama ako.

ReGINA: Ang aking mga anak! Ang aking mga anak! (Sandaling
mananatili si Ben sa harap ng Ina, naaawang nakatingin dito, tila
nagsisisi sa sinabi. Pagkaraay malungkot siyang papanhik. Papatayin ni
Ana ang ilaw sa komedor).
ANA: (papalapit kay Regina) Hindi mo sila masisisi, Regina, lalo pa ngat
pagkaraang marinig ang pinagsanib ng alkalde at ng konsehal. Ang
hustisyay hustisya lamang, kung madali itong naibibigay at naibibigay
nang pantay-pantay. Papanhik na ako. (Sa hagdan) Pumanhik ka na rin.
Iwan mo nang bukas iyang ilaw. (Aakyat ng ilang baitang) Halina, Regina.
Matulog ka na, ikaw nga ang pagod. (Tutuloy nang umakyat si Ana. Sa
itaas, maririnig ang bilin niya, Ben, abangan mong pagdating ng kuya
mo).

(Mananatiling nakaupo sa sala si Regina, nababaghan, hindi


makapaniwala. Pagkuway kikilos siya, tatayo, maglakad-lakad,
nakayuko at magkadaop ang palad. Mauupo siyang muli pagkaraan. Sa
kanyang harap, pagkaraan ng ilang saglit makikita niya si Tony).
TINIG NI TONY: Walang mangyayari sa demanda niyo, Inay.
(Mag-aangat ng mukha si Regina).
Alam ko na ang aking gagawin. Gaganti ako. Papatayin ko siya.
REGINA: (Nagugulumihan) Tony!
TABING
(Sa pagbubukas ng tabing, makikitang nakaupo si Regina, nakapikit,
naiidlip, ang isang kamay ay nasa katangan ng upuan at nakasapo sa
noo, ang isay nasa kanyang kandungan. Sa labas, maririnig ang
manaka-nakang pagdaraan ng taksi. Sa labas din, maririnig ang pahagok
na ingay ng trak na nangongolekta ng basura at ang pagkala-kalantog ng
mga inihahagis na lalagyan ng sukal).
(Mula sa itaas ay bababa si Aida, nakaputing damit-pantulog, nakalugay
ang buhok at nakatapak. Nakikita niya ng naiidlip na Ina ngunit hindi ito
gigisingin. Tutuloy siya sa komedor, bubuksan ang ilaw at may hahanapin
sa kabinet. Matatabing niya ang isang bote ng gamot at itoy mababasag.
Magigising si Regina).

REGINA: (parang naalimpungatan): Sino iyan? (Lalabas, makikita si Aida


na nakadukdok sa mesa)
Aida!
AIDA: (mahina) Ang gamot, Inay?
REGINA: (maaalala) Si Tony? Wala pa?
AIDA: Bakit pa?
REGINA: Bumili ng gamot. Anong oras na ba?
AIDA: Pasado alas-dos na po siguro.
REGINA: (kinabahan) Umaga na. Saan kaya nagsuot ang Antoniong ito?
(Mauupo, gulo ang mukha) Sinabi namang agahan at kailangan
AIDA: May nabasag po akong bote.
(Walang kibong kukunin ni Regina ang walis na tambo at dustpan at
dadakutin ang basag na bote. Patingkayad siyang mauupo at pupulutin
ang ilang bubog).
AIDA: Hindi ako makatulog, Inay.
REGINA: (inililigpit ang dinampot) Gusto mo ng --- gatas?
AIDA: (tatango, nanlalambot na nakatingin sa lumapit na ina) May dugo
kayo, Inay.
REGINA: (pagulat) Saan?
AIDA: Hayan.
REGINA: (titingnan ang damit, ang mga kamay) Saan?
AIDA: O, akala koy may dugo sa inyong palad.
REGINA: (ikakaskas ang kanang palad sa damit) Wala.
AIDA: Akala koy mayroon.
REGINA: (naguguluhan) Ano ba ang gagawin ko? A, gatas. Gatas nga
pala.

(Pupunta sa may kabinet, kukuha ng termos, sa reprihedora, kukuha ng


gatas).
AIDA: (nakadukdok pa rin sa mesa, nakatingin sa dingding) Lagi kong
naiisip ang luma nating bahay, Inay.
REGINA: (dala ang gatas) Ano ka mo?
AIDA: Ang ating lumang bahay, lagi kong naiisip ka ko.
REGINA: Bakit?
AIDA: (nakasandal na ngayon, bahagyang tatango) Aywan. Basta lagi ko
lang naiisip. Parang gusto ko pang naroon tayo. Parang natatakot ako
dito.
REGINA: (nakatingin sa palad) Bakit ka naman matatakot dito?
AIDA: Sabi niyay huwag raw tayong magsusumbong. Hindi ako
natatakot kung ako. Pero baka kayo o si Ben- o si Kuya. Buti pa ako.
Kung anu-ano ang naiisip ko, Inay. At kasa-kasama ng aking
napapanaginip. Naparito raw siya at ang kanyang mga kasama. Marami
silang mga dalang baril. Nasa eskuwela kayo, may pinuntahan si Tiya
Ana at pumasok si Ben. Kami lang dalawa ni Kuya ang naiwan.
Nakakatakot, Inay. Pinaupo nila sa mesa si Kuya, nakapaligid sila at
siyay may inaabot na bote ng lason kay Kuya. Inumin mo sabi sabi niya
kay Kuya. Inumin mo! At binunot niya ang baril at itinutok kay Kuya.
Sinabi ko na sa iyong huwag magsusumbong, nagsumbong ka pa rin,
sabi niya niya kay Kuya. Kaya inumin mo ito- iniaandot niya ang bote ng
lason- inumin mo! At-atnagmamakaawa ako sa kanya. Pasensiya na
kayo, sabi ko, pasensiya na kayo sa kapaatid ko. Anong pase-pasensiya,
sabi niya, nagsumbong siya. Inumin mo! At ininom ni Kuya ang lason.
Inay.
REGINA: (aaluin ang anak) Iyang gatas, Aida. Huwag mong isipin iyan.
AIDA: (ibaba ang baso) Kay bait pa naman ni Kuya kung sa kanya
gagawin iyon.
REGINA: Hindi nila gagawin iyon. Hindi nila aanuhin ang kuya mo.
AIDA: Huwag naman sana nilang sasaktan, ano, Inay?
REGINA: Oo, hindi nila sasaktan.

AIDA: (nagpapahid ng labi) Ang bait-bait pa naman ni Kuya.


REGINA: Mahal na mahal ka nga niya.
AIDA: (malumanay na): Noon, noon naisip ko, kung - kung pipili ako ng
mapapangasawa, ang pipiliin koy kamukha niya. Mabait siya at mapagalala. Aywan ko, pagkaraan si Itay siya na ang para kong naging ama.
Hindi bat parang siya naman talaga, ha Inay?
REGINA: (balisa) Oo. (Mapapatingin sa may pinto, mahina) Saan kaya
nagputa itong Toning ito?
AIDA: Anong sinasabi ni Kuya tungkol sa nangyari?
REGINA: (parang mabibigla) Wala, wala namang sinasabi.
AIDA: (mangingiti) Kung pumapasok siya sa kuwarto at kinakausap ako,
nahuhuli kong tinitingnan niya akong mabuti. Medyo nalalaglag pa ang
salamin sa kanyang ilong. Ang lalim niyang tumingin! Sabi lang ni Tiya
Anay pangit ang nakakunot-noo, pero sa tingin ko, bagay pa nga kay
Kuya. (Uubusin ang laman ng baso).
REGINA: Siya, siya panhik ka na.
AIDA: (kikilos) Kayo?
REGINA: Hihintayin ko siya. Ano na kayang oras?
AIDA: Umaga na.
REGINA: Umaga na?
(Papanhik si Aida. Maiiwan sa komedor si Regina, may nakalaylay
ngayong mga hibla ng buhok sa noo. Nakatayo siya, wala na ang antok,
parang namamalik-matang nakatingin sa pinto.
(Isang taksi ang pasagadsad na hihinto sa kanilang tapat. Mapapasugod
si Regina sa pinto. Kakalapag ang pinto ng taksi. Iingit ang pintong bakal.
Lalabas si Regina.)
REGINA: (sa labas) Tony! Anong nangyari sa iyo?
(papasok sila, halos yakap ni Regina si Tony na sapo ang duguang
kaliwang balikat. Mapapaupo si Tony sa sala, hawak ni Regina).
AIDA: (Makakaramdam sa itaas): Kuya?

REGINA: Anong nangyari sa iyo?


(Sesenyasan siya ni Tony na huwag maging maingay).
TONY: Aalis tayo rito, Inay. Dali! Gigisingin ninyo sina Ben.
AIDA: (sa itaas, pakalabog na babangon at manggigising) Tiya Ana! Ben!
Ben!
TONY: Sa Nuevay cija, sa mga kamag-anak na magsasaka ni Itay. Sa
Tarlac, sa Pampanga, sa bundok.
REGINA: (matatag) Hindi, Tony. Hindi tayo aalis. Susuko ka.
TONY: Inay!
REGINA: (kakapkapin kay Tony ang baril) Bigay mo sa akin ang baril.
TONY: (pipigilin ang kamay ng ina) Kailangan ko ito, Inay. Tiyak nila
akong papatayin. Madali silang makagagawa ng dahilan.
REGINA: (aagawin ang baril at ipapaloob ang baywang ng damit niyang
pambahay) Susuko ka, Tony.
TONY: (tumututol) Inay, Inay--REGINA: Ibang krimen kaysa nangyari kay Aida.
TONY: (magugulat) At akoy kriminal?
REGINA: Pinatay mo siya.
TONY: Huwag ninyong sasaktan ang sinumang balo o ulila sa amang
bata,habilin ng Diyos kay Moses. Kapag silay inyong sinaktan sa
anupamang paraan at silang lahat ay tumawag sa akin, ang panawagan
nilay tiyak kong diringgin. At ang poot koymaglalatang, at kayoy
papatayin ko sa tabak. Naglalatang ang poot ng Diyos sa masasamang
kamay na umagaw at humahawak ngayon ng kanyang tabak! Sasabihin
ninyong akoy kriminal? Saan paano kanino ako hihingi, hahanap at
makapagtatamo ng katarungan? Sino ang magbibigay? Inay, ang kidlat
ng Diyos ay ihahagis ng kamay ng naaapi at ang tabak ng hustisya ay
itataga sa lipunan ng mga pinagkakaitan ng katarungan.
(Maliban sa panginginig at abut-abot na paghingal ni Aida ay matahimik
silang lahat. Sa labas, maririnig na ang mga sirenang papalapit).

TONY: Nariyan na sila!( Tatayo, magpapalinga-linga).


REGINA: (nakasunod) Susuko ka, Tony.
(May sisigaw sa labas ng Calderon, napapaligiran ka na namin. Sumuko
ka.)
REGINA: (kay Ben) Buksan mo ang pinto, Ben.
(Bubuksan ni Ben ang pinto) Maayos siyang susuko. Halikayo, narito siya.
(Bunot ang mga baril, papasok ang mga pulis, karamihay nakauniporme,
ang ilay nakasibilyan at may mga taling panyo sa ulo).
Hayan siya. (ituturo si Tony na nakatayo sa may komedor).
(Papasok ang alkalde, bunot ang baril. Itututok nito ang baril kay Tony
ngunit matatabig ni Regina. Sa dingding tatama ang bala).
REGINA: Maayos siyang susuko,Mayor. Hayan, nariyan ang aking anak,
arestuhin ninyo.
(Pagtutulung-tulongan ng mga pulis si Tony. Malakas na mapapatili si
Aida.Pagkabaliti kay Tony, may kakadyot dito, may sisipa, may papalo,
may dadagok. Mapapaluhod si Tony, at makalawang makapagpapaputok
si Regina bago maagaw ng isang pulis ang kanyang baril. Babagsak si
Tony).
ALKALDE: Bakit mo binaril?
REGINA: (hawak nang dalawang pulis): Kapag sinaktan ng ibang bata
ang ating anak, at tayoy walang magawa sa nanakit sa kanya, di ba
ibinubuhos natin ang parusa sa ating anak? Ang sabi ninyoy aarestuhin
ninyo ang aking anak ano ang inyong ginagawa?
PULIS1: Inaaresto!
REGINA: Inaaresto!
PULIS II: Dadalhin namin sa presinto!
REGINA: Dito pa lamang ay pinapatay na ninyo!
PULIS III: Kalokohan!
PULIS I: Paanoy nanlalaban!

REGINA: Nanlalaban!
PULIS II: Resisting arrest! Ha-ha-ha!
PULIS: Nagtatangkang tumakas!
REGINA: O! O!
ALKALDE: Pinatay niya ang aking anak!
REGINA: Kayo ang batas kapag inyong anak!
PULIS I: Dadalhin namin sa husgado!
REGINA: Husgado, anong husgado?
PULIS II: Bakit ba marunong ka pa sa husgado?
PULIS III: Sa hustisya!
REGINA: Hustisya! Hustisya! Alam ba ninyo ang kahulugan ng hustisya?
Kayo, Mayor alam ba ninyo ang kahulugan niyan?
(Ubus-lakas siyang sasampalin
Mapapayakap sa kanya si Ben).

ng

alkalde

at

siyay

babagsak.

PULIS I: Posasan iyan.


PULIS II: Masyadong makatuwiran!
REGINA: (umiiling) Hindi ninyo nalalaman, Mayor, ang kahulugan
niyan. Hindi ninyo nalalaman. (Malakas) Kayo, lahat kayo, hindi ninyo
nalalaman ang kahulugan niyan!
PULIS III: Binaril mo ang sarili mong anak!
PULIS I: Parricide!
ALKALDE: Pananagutan mo ito.
REGINA: Pananagutan mo ito.
PULIS II: (hihiklatin si Ben kay Regina): Halina! Halina!
Sa presinto!
PULIS III: Sa presinto!

PULIS I: Doon ka makipagdebate.


ALKALDE: Dalhin ninyo!
REGINA: (napoposasang ilalabas): O, dalhin ninyo ako kahit saan. Sa
presinto, sa korte, sa husgado, kahit saan! Dalhin ninyo ako kahit saan.
Pananagutan ko ang pagkamatay ng aking anak. Ako ang pumatay sa
aking anak!
(Papalakas) Pinatay ko ang aking anak! Sasabihin ko sa lahat na pinatay
ko ang sarili kong anak. Pinatay ko ang aking anak!
(Lalabas sila. Maiiwan sina Ana, Ben, at Aida. Kapuwa nakatingin sa
bukas na pinto sina Ben at Ana, sinusundan ng tingin ang mga
nagsilabas. Nakalupasay sa isang tabi si Aida at umiiyak. Nasa kanyang
kinabagsakan si Tony).
SINAG SA KARIMLAN
ni Dionisio S. Salazar
(Maraming sanhi ang isinasama ng isang tao. Kung minsay dala
ng kapaligiran o impluwensiya ng barkada. Sa ating dula, tuklasin kung
bakit naligaw ng landas si Tony. Paano siya muling nakabalik sa
matuwid?)
MGA TAUHAN :
Tony .. Binatang bilanggo
Luis .. Ang kanyang ama
Erman .

Doming .. Mga kapwa bilanggo


Bok ..
Padre Abena Isang pari ng bilibid
Miss Reyes . Isang Nars
Isang Tanod
PANAHON: Kasalukuyan
TAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa
Muntinlupa.
ORAS : Umaga

PROLOGO : Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula


Moog ng katarungan Sagisag ng Demokrasya Salaming pambudhi
Palihan ng pusot diwa Waterloo ng kasamaan Hamon sa
pagbabagong buhay
May mga maikling gayung dapat hubdan ng mascara at sa sinapupunan
nito kailangang iwasto ay hayut talinghagang mamamayagpag at
umiiring sa batas. Sa isang dakoy may mga walang malay na dahil sa
kasaliwaang-palad, kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito
humahantong; dito rin sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at
Katarungan
Marami nang lubha ang mga pang pumasok at lumabas dito. Walang
makapagsasabi kung gaano pa karami ang tatanggap ng kanyang
tatak
May sala o wala, ang bawat pumasok dito ay kabuuan ng isang marikit
at makulay na kasaysayan
PAGBUBUKAS ng tabing ay mabubungad ang isang bahagi ng
pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. May anim na
teheras ang makikita rito. Ang dalawang nasa makabilang gilid ay
bakante. Sa dalawang nasa gawing kanan ay magkaagapay si Tony (19
na taon) at si Bok (29); sa gawing kaliwa naman ay naroroon si Mang
Erman (45) at si Doming (30). May munting durungawang
nahahadlangan ng mga rehas na bakal na makikita sa gawing likod,
kalagitnaan. Hubad ang natutulog na si Tony. May bakas ng dugo ang
mga bendang nasa kanyang tiyan at kaliwang bisig . May black eye rin
siya. Si Bok ang bilanggong labas-masok sa Bilibid, ay nakakulubong
may trangkaso siya. Si Mang Erman, na may apat na araw nang
naooperahan ng almoranas, ay gising at waring nag-iisip. Naka-plaster
cast naman ang isang paa ni Doming Paminsan minsay maririnig ang
malakas ng paghilik ni Bok .
Doming: (Bibiling sa higaan, iiangat ang ulo, at tatanungin si Bok)
tipaningmayap, lakas namang mag-ilik ni Bok.
Ernan: (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming.

Doming: Kelan pa kaya lalabas dito yan, a Mang Ernan? Traga malas
hang. BABAYING . Ba, sino yan? . (Ingunguso si Tony.)
Ernan: Ewan, Hatinggabi kagabi nang ipasok yan dito. Kawawa naman.
Dugu-dugun siya.
Doming: OXO seguro yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan naman
seguro. (Mamasdang mabuti si Tony.) Mukhang bata pa.
Ernan: At may hitsura, ang sabihin mo.(Mapapalakas ang hilik ni Bok.)
Doming : Tipaning parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.)
Bok: (Biglang
mag-aalis
ng
Magapatulog man kayo! Yawa.

kulubong;

pasigaw)

Saylens!

Ernan: Si Bok naman. Konting lamig, bigan.


Doming: Hisi lang, Tsokaran.
Bok: Tuluyan nang babangon: matapos mag-inat at maghikab ay
susulyapan ang katabi) Nagapuyat ako kagab-i. Galaking sugat nya.
(Titingnan ni Tony.) (Kikilos sa pagkakahiga atmapapahalinghing si Tony.)
Doming: Kilala mo siya, Bok?
Bok: (Sabay iling) De-hin. Kung ibig yo gigisDoming : Ba, wag!, Makikitang kikilos si Tony.) O, ayan, gising na.
Tony: (Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw
angnararamdamang sakit) M-magandang umaga senyo

ipahalata

Ernan: Gayundin sa yo. Este, ano ngang - ?


Tony: (Mauupo; mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) Tony hong
pangalan ko. Tekayo! Kayo si Ginoong Ernani Alba, di ho ba?
Ernan : Ako nga.

Tony : Nababasa kong inyong mga akda. Hanga ako senyo!


Ernan: Salamat, Tony.
Bok: (May pagmamaki) ako gid, de-hin mo kilala? Di wan en only Bok
alyas Thompson Junior. Big bos ng Batsi Gang. Marai padrino. Yeba!
(Mangingiti ng makhulugan ang lahat.)
Tony: Haharapin si Doming; malumanay) Kayo?
Doming: Doming hang palayaw ko. Walang h-alyas .
Bok : (Kay Tony) OXO? Sigue Sigue? Bahala na? Pawang iling
ang itutugon ni Tony.) Beri-gud Ginsama ka a ming Batsi Gang, ha?
Tony: Salamat, Bok. Pero sawa na ko sa mga gang, sa mga barkada.
Dahil sa barkaday heto, magdadalawang taon na ko dito sa Big House.
Ernan : Mukhang makulay ang Pewede ba Toning kahit pahapyaw ay
ibidamo sa min ang iyong buhay?
Bok : (Bago makapangusap si Tony) Holdit,Tony boy! Bat nagalaslas
angimong tiyan, ber? At teribol yang blakay mo. Yawa.
Doming: (Mapapansin ang pangagasim ng mukha ni Tony) Makakaya mo
ba, Tony?
Tony: (Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver Boy
kagabi. Nang hindi ako sumamay sinuntok ako. Mabuti kanyot nailagan
kong saksak ditto (sabay turo sa kaliwang dibdib), kundiy nasirang
Tony na ko ngayon. Pero ang di nailagay yung sakyod ni Pingas
Nagpatay-patayan lang ako kaya Aruy!
Ernan: Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo ang
napatay. Tila lima ang patawirin. Ang ibay nahuli. (Sa sarili) A, kalayaan,
sa ngalan moy kay dumaming humahamak sa kamatayan ! Kay Tony )
mabutit tumanggi ka, Tony, kundiy tay kung masakit yan ay saka
na.

Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito (Hihinga muna nang


mahaba.) Mula nang madala ko rito, e nag-iba nang takbo ng
Naisipkong walang ibubungang mabuti ang kasamaan Malaking
utang na loob ko ke Padre Abena sa aking pagbabago Totoo nga
naman, walang utang na hindi pinagbabayaran . Me parusa sa bawat
kasalanan!
Ernan : (May paghanga) May sinasabi ka, Tony!
Bok: (Ngingiti ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony; sa
himignagmamagaling) No dais, Tony, kun sila malalaki naganakaw
milyun milyun, ba. Sigi lang, adre. Basta mi lagay. Basta mi padrino!
Tony : Me relihiyon ka ba, Bok?
Bok: (Tatawa habang sumasagot; pauyam) Reliyun? Wala kwenta yan.
Hm, dami, dami nagasimba, pero ginluluko sa kapwa. Dami gadasal,
pero gin-nakaw, gin-ismagel, yawa.
Doming : Mabuti pay way na tayo maghusap tungkol sa relihiyun.
Ernan : May katwiran si Doming. Ang paksang relihiyon ay masyadong
kontrobersyal. Paris ng ibat ibang ismo, kaya di dapat pagtalunan.
Tony: Pero, Mang Erman, bat tayo matatakot magtalo? Kung walang
pagtatalo, walang pagkakaunawaan. Kung walang pagkakaunawaan,
walang pagkakaisa. Ang mga taong di nagkakaisay pirming nag-aaway.
Ernan : Tama yan. Ngunit ang pagtataloy dapat lamang sa taong malaki
ang puso; hindi sa mga maliit ang pinagkukunan. Pero pinahahanga
mo ako, Tony! Nag-aaral ka ba ng batas? Ba, may kakaibang tilamsik
ang iyong diwa.
Tony: Elementarya lamang ho ang natapos ko.
Doming: Kasi nga naman hasa mo habugado ka kung magsalita.
Bok: Ber, ber, mga pare! Yung istorya ni Tony!

Tony: Iimbithin kita , Bok, isang araw, sa klase naming nila Padre
Abena. Marami kang mapupulot doon. At pakikinabangan. Tiyak.
Bok: No ken du! Kun naytklab pa, olditaym!
Tony: (Matapos makinang handa na ang lahat sa pakikinig sa kanya)
BuwenoAkoy buhay sa sang karaniwang pamilya sa Tundo.
Empleyado si Tatay. Guwapo siya. Pero malakas uminom ng tuba. At
mahilig sa karera. Napakabait ng Nanay ko. Kahit kulang ang
iniintregang sahod ni Tatay e di siya nagagalit, paris ng iba. Sang araw e
nadiskubre ni Nanay ang lihim ng Tatay ko; meron siyang kerida .
Natural, nag-aaway sila Umalis si Tatay . Iniwan kami. Awa naman ng
Diyos e natapos ko rin ang elementarya. Balediktoryan ako
Bok: (Sisingit) Balediktoryan? Siga ka. Yeba!
Tony : (Magpapatuloy matapos ngitian si Bok) Namatay ang solo kong
kapatid
na
babae.
Malubha
si
Nanay.
Naospital
siya
Naghahanapbuhay naman ako. Pero, kulang din, kasi mahal ang lahat
Nakakahiya pero dahil sa barkaday natuto akong akong
mandurukot , mang agaw, magsugal. Naglabas-masok ako sa
Welfareville Inilipat ako ditto pagkatapos Santaon na lang ang
natitira sa sentenya ko A, ang tatay ko ang may sala ng lahat!
Mabuti namat idinistino ako ni Direktor sa ting library. Nagpagbabasa
ako roon. Mahilig akong magbasa ng
Ernan : Magaling. Ang pagbabasay nakapagpapayaman ng isip. Sabi nga
ni Bacon ay Nakalilikha ng tunay na lalaki Ang pagbabasa
Tony: Mahilig din ho akong magsulat.
Doming : Teka muna, Tony! Hanong nangyari sa Tatay mo?
Tony: Mula ng umalis siyay di na namin nakita. O nabalitaan
kaya.Kinamuhian ko siya nang labis.
Ernan : Huwag naman. Hindi tama yan. Ang ama ay ama kailanman.
Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo?

Tony : Mula nang umalis siyay di na namin nakita. O nabalitaan


kaya.Kinamuhian ko siya nang labis.
Ernan : Huwag naman. Hindi tama yan. Ang ama ay ama kailanman.
Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo?
Tony: Ayoko na siyang makita pa!
Bok: Gaisip ko reliyuso ka. Bat ngani?
Tony: Di ba maliwanag? Si Tatay ang nagwasak ng aming tahanan.
Siyang dahilan ng pagkaospital ni Nanay. Ng pagkamatay ng
akingkapatid Ng aking pagkakaganito!
Ernan: Kung sabagay ay madaling sabihing lumimot at magpatawad.
Subalit may kahirapan itong isagawa. Gayunmayy walang hindi napagaaralan, kung talagang ibig. Ako? Di ninyo naitatanong ay nagawa ko
ring patawarin ang mga naghangad ng aking pagbagsak.
Tony: Malaki ang inyong puso, Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng
inyong puso. Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng iyong tingin.
Pambihira kayo.
Ernan: Salamat, iho. Ngunit alam mo bang ang pinakamabigat kong
kasawian ay ang di-pagkakaroon ng anak?
Tony : Biyudo kayo?
Ernan: Hindi, buhay ang aking asawa. Mabait siya. Maunawain.
Mapagpahal. Mapagkatiwalaan. Pero ang mag-asawang walang anak
(Magbubuntunghininga) napaka hindi ganap ang kanilang
kaligayahan.
Doming: Hilang taon na kayo, Mang Herman?
Ernan: Kwarentay singko na.
Bok: Tsiken pid! Ang akin lolo, sisenta na, gaaanak pa (Maikling
tawanan.)

Tony : Gano na kayo katagal ditto, tabi ?


Ernan : Nakakaisang taon na ako. May isa pa. Alam nyoy kuwestiyon de
prinsipyo ang ipinasok ko rito. Binayaran ko lang yung multa. na sabi
nga ni Bok ay tsiken pid lang ay ligtas na ko sa pagkakabilanggo.
Tony : E bat naman kayo namultahan?
Ernan: Kakaiba ang aking pagkamakabayan. Isang araw ay Sinunog ng
isang kapisanang pinangungunahan ko ang maraming aklat na imoral,
mga aklat kasaysayang mali-mali ang mga ulat, mga nobela, komiks at
magasin at iba pa na nakaw lang sa iba ang nilalaman Nahabla kami.
At namultahan ng hukuman. Dahil nga sa prinsipyoy inibig ko pang
pabilanggo. Malayo naman akong nakapagsusulat dito, kung sabagay.
Tony : Maaari ho bang paturo senyo ng pagsulat? Kay dami kung ibig
sulatin kasi, e.
Ernan: Tulad
ng isang
beteranong mag-aalahas,
agad
kong
nakikilala ang batong may mataas na uri Ituturing kitang parang
tunay na anak Mapapamahal ka rin sa king mabait na maybahay
Meron din kaming ilang ari-arian pag-aaralin ka namin.
Tony: Ke buti nyo! . . . Me pangako rin si Padre Abena. Pag aaralin din
daw ako. Pero nakakahiya na atang pumasok sa klase. Baka tawanan.
Ernan: Ang karunungan, iho, ay walang kinikilalang edad. Ang totooy
walang katapusan itong pag-aaral ng buhay ng tao.
Tony: Ganyan din ho ang sabi ni Padre Abena, Mang Ernan.
Ernan: Ang dunong ay yaman, ikaw, hagdan, kapangyarihan. Walang
marunong nag-nagkakaanak ng alipin.
Tony: Wala rin kuwenta ang masyadong marunong. Paris ni Rizal,
binaril
Ernan: Iba ang kanyang panahon, iho. Pasalamat tayot dahil sa kanyang
pambihirang katalinuhan ay nabago ang takbo ng ating kasaysayan
Kailangan natin ang marunong na lider, Tony. Yaong taong matalino nay

makabayan pa. Hindi gahaman sa salapit karangalan.


mapagsamantalan Yaong walang colonial mentality.

Hindi

Bok: Kalunyal mantiliti? Anu yun?


Ernan: Diwang alipin, Bok. Pamamanginoon sa mga dayuhan. Walang
sariling paninindigan. Wal- (Kagyat na matitigil dahil sa naririnig na
takatak ng sapatos.) Bantay! (Habang dumaraan ang may edad nang
tanod ay walang imik sa magkakasama.)
Bok: (Pagkatalikod ng tanod) Pwee, dedoso pang bu-ang! Gaisip seguro
magatakas tayo. Yawa. (Tawanan) Pano ngani? Mi trangkaso Lumpo
(Titingnan si Doming) Almoranas (Susulyapan si Mang Ernan) . . .
Galaslas ang tiyan? Ingungususo si Tony. Tawanan na naman.)
Tony: Maiba ko, Mag Ernan. Bat kayo naospital?
Ernan: Hindi naman.
Doming: Sang tanong, Mang Ernan. Nagagawa bang makata?
Ernan: Isinisilang sila, Doming . Maalala ko nga pala! Di bat ikaw
Tony ang tumula nang dumalaw itong minsan ang Presidente?
Tony: Ako nga ho.
Ernan: Ang binigkas mong tulay
Tony: Pilipinas, ke gandang tula. Alam kong kayong gumawa niyon.
Ernan: Ibig kong malaman mo na ang tulang iyoy kasama sa lalabas
kong aklat ng mga piling tula kabilang na roon ang mga sinulat ko rito.
Doming :Hanong pamagat?
Ernan: Sinag Sa Karimlan.
Tony: Sinag sa Karimlan? Wow, gandang pamagat! Bagay ba bagay sa
saaa atin dito! Kelangan ng mga nasa dilim ang sinag. Ang liwanag!

Ernan: Walang taong hindi nalalambungan ng dilim. Lubhang


makapangyarihan ang karimlan! Subali naitataboy ang dilim!
Tony: Sanay mabasa ko yon!
Ernan: Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba. Lubhang
makapangyarihan ang karimlan! Subali naitataboy ang dilim!
Tony: Sanay mabasa ko yon!
Ernan: Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba, kung
Bok: (Nakahahalataan ng pagkabagot kapag pangkaisipan na ang
pagkabagot kapag pangkaisipan na ang paksa) Ber, ber, Doming! Gin
istorya mo naman pare. (Titingnan at tataguan ng iba si Doming,
bilang pag-ayon sa pahiwatig ni BOK)
Doming: Akoy ahente ng seguro. Malakas ang aking komisyon. Sang
haraw, buat sa hisang prubinsya hay muwi ako dail sa bagyo. Magugulat
pero matutuwa ning asawa o, sabi ko. Sa kusina hako nagdaan. Pero
hanong nakita ko? Sus, hang asawa kotmatalik na kebigan hay Ulinguli ko sila . Nagdilim hang aking tingin Binaril kong traydor nang
tumalon sa bintana Napatay ko siya. (Mapapasandal sa dingding
pagkatapos).
Tony: At nabilanggo ka dahil doon? Bakit ganon?
Doming: Hewan ko nga ba. (Magbububuntunghininga)
Ernan: Nakikiramay kami sa yo, Doming . Alam mo Tony, ang
bilangguan ay hindi lamang para sa mga nagkakasala . Itoy para rin sa
mga sinamaang palad. Sa mga kawawa. Sa walang malakas na naa
padrino, sabi nga ni Bok.
Bok: (May pananabik) Ber, ang imong waswas ? Seksi?
Doming: Para sa hakiy siyang pinakamaganda sa ming bayan. Kinuha
syang mag-hartista. Marami kong naging karibal sa kanya!

Tony: Tapat ang puso mot di nagunamgunam na ang paglililoy nasa


kagandahan . Sino nga, Mang Erman, ang nagsabi niyon?
Ernan: Si Balagtas, iho, ang Sisme ng Panginay
Doming: Hang sama, ng loob koy yung pinakamatalik ko pang ko pang
kebiganhang (Haharapin si Tony.) Binata ka pa, Tony, hano? Ikaw,
Bok, binata rin? Wag kayong pakakasal sa masyadongnapakaganda.
Bok: A, pwee sa akon gano. Todas lahi sila lahat pag ako ginaliko, hm
Ernan: Kaya nga salungat ako sa sinabi ni Keats na A thing of beauty is
a joy forever. Dahil sa kagandahay daming tahanan ang nawasak at
patuloy na mawawasak. Daming pagkakaibigang napuputol. Daming
kataksilang nangyayari! . Kung totoong nagbibigayng inspirasyon ang
kagandahan, totoo ring lumalason ito. Pumapatay!
Bok: Asan ngayon ang imong misis Dom?
Tony: Magsasama kayo uli? Paglabas mo?Doming Indi na. Hisinusumpa
ko!
Bok: Ilan ang imong anak? Sino gid gaalaga?
Doming: Wala. Yung panganay namin ay namatay sa eltor.
Ernan: Tungkol sa kaibigan. Sadyang mahirap silang
harapin. Lalo na ngayong namamayani ang diwa ng
materyalismo. Ng pagpapalaluan. pagkukunwari. Ba,
kakailanganin ang maraming Diogenes! (Dahil a hindi lubos
na maunawaan ni Bok ang marami sa kanyang naririnig,
mahihiga na siyat magbabalot ng kumot.)
Tony: Panu hu makikilala ang tapat na kebigan?
Ernan: Maraming
paraan
diyan.
Subalit
ang
pinakamabuting pagsubok ay sa mga oras ng kagipitan.
Nang
pangangailangan.
Nang
pangungulila.
Walang
pagkukunwari ang tapat na kaibigan. Lagi siyang handang
magbigay. Magpakasakit.

Tony: Paris ni Damon at Pityas, ano ho ? Bat nga kaya


napakaramingmapagkunwari? Ke raming marumi na
naglilinis-linisan . At meron pang kaya lang nagbibigay e
dahil me inaasahang tubo o gatimpala. May
Ernan: nagmamalukong ay kubaw; may nagmamatulis ay pulpol.
Tony: Me kunwariy nagkakawanggawa, pero saan bay ibig lang
maperyodiko ang kanilang retrato o pangalan.
Ernan: Kaya nga kaibigan natin ang moral regeneration o pagbabagong buhay.
Doming: Napapansin kong alos pare-ong pare-o hang takbo ng hisip mo,
Tony , ke Mang Ernan.
Tony: Pwera bola, Doming! Malayong (Mauuntol ang sasabihin dahil sa
paglitaw ni Padre Abena ) Aba si Padre Abena ! Magandang umaga po
Padre.
P. Abena: Magandang umaga sa inyong lahat. (Karaniwan lamang
ang taas ni Padre Abena. Isa siya sa pari ng Bilibid. Mag-aapatnapu na
siya, Maamo ang kanyang mukha at malamig ang tinig. Nakasutana
siya. At nakasalamin Habang lumapit ) Tony, totoo bang? may sugat
ka sa tiyan ! .. sa braso! May blak-ay ka!
Bok: (Maliksing babangon) kondi magapatay-patayan yan,
Padre tay-pa na.Tony Totoo pong sabi ni Bok, Padre. Ganon
nga ng ginawa ko kaya lang iniwan ng mga tigasin.
P. Abena: Laking pagsisi ngayon ng mga nabigong mapupusok.
Tony: Sadyang walang unang sisi, Padre, E-e-e- pano po ngayon ,
Padre maaabsen ako sa ting klase?
P. Abena: Ow, huwag mong intindihin yun, anak. Ikaw naman ang
pinakamarunong sa lahat, a Natutuwa akot hindi ka naganyak
sumama kagabi.

Tony Padre: hindi ko mamantsahan ang inyong pagtitiwala sa kin!


Gayundin ang ke Direktor.
P. Abena: Salamat, anak. Huwag kang makalimot sa Diyos Ang
tumatawag ay dinirinig. Ang napakupkop ay tinatangkilik.
Tony Padre: ke bui-buti nyo ! Siyanga pala, si Mang Ernany ibig ding
Wala raw silang anak.
Ernan: (Maagap) Totoo, padre, ang sinabi ni Tony. Gayunmay kung may
usapan na kayoy Padre, kami ng maybahay koy labing limang taong
umasa, nagnobena, namintakasi upang mag-kaanak, subalit . Aywan
ko ba kung bakit agad akong nagkaamor kay Tony.
P. Abena: Talagang isa sa marami ang batang iyan . Masunurin siya.
Matulungin. Mapagkakatiwalaan. At matalino. Balak ko sanang
pagpariin siya dangat ibang kurso ang kanyang ibig. Natutuwa akot
kayoy
Tony Padre: possible po bang magkaroon ng dalawang ama-amahan?
P. Abena: Bakit hindi ? Mabuti ngang gayon at maraming titingin sa yo.
Pagdating naamn ng araw ay kagustuhan din ng tatay mo ang
mangyayari.
Tony: (Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre Sinabi ko na seyong
wala na akong Tatay!
P. Abena: Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong
nasugatang damdamin. May lambong ka pa ng karimlang A, di na nga
bale. Maiba ako, malalim bang naging sugat mo,Tony?Tony Sabi ng
doctor e di naman daw napinsala ang aking bituka.
P. Abena: Mabuti kung gayon. Buweno, huwag kang
masyadong maggagagalaw at nang hindi dumugo. (Sa
bahaging itoy aalingawngaw ang isang malakas na
pagpapagibik buhat sa ibang panig ng ospital . Matatahimik
ang lahat at makikinig sa na) Tubig! Tubigg! Mamamatay na
ko sa uhaw! Tubiggg!

P. Abena: Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung


sino ang nagpapagibik na yon. (Susundan ito ng
alis .)Lahat Adyos, Padre.
Tony: ( Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang
bilibid ng paring tulad niya Matutupad din ang pangarap
kong makapag-aral kung sakali
Ernan: Sadyang mabait si Padre Abena. Sanay paris niya
ang lahat ng alagad ng panananampalataya Pero, tingnan
mo, Tony: sa karamihan ng kanyang gawain ay hindi ko siya
makakapiling sa lahat ng oros, samantalang ako
Tuturuan kita ng pagtula. Ng pagsulat. Pananalumpati. Pag
aaralin kita hanggang ibig mo. Kailangan naming magasawa ang tagapagmana.
Tony: Paumanhin ho, Mang Ernan Bukod sa makata, ano ho ban
Ernan: A, akoy peryodista. Propesor din ako sa isang unibersidad sa
Maynila. Kaanib sa ilang samahamng pangwika, pangbayan,
pangkultura May malaki akong aklatan magugusthan mo . Guro
naman sa piyano ang aking maybahay. Magkakasundo kayo. Teka, ayan
nang ating butihing angel! ((Titigil sa pagsasalita pagkatanaw sa
pumapasok na nars. Magbibigay galang ang lahat. Ilalapag ng
simpatikat batangbatang nars ang lalagyan ng mga gamut. Isa-isa
niyang titingnan ang temperatura ng naroong apat na pasyente. Hindi
iintindihin ang may paghangat pagnanasang tinging iniuukol sa kanya
lalo na si Bok. Alam niyang sa kaharian ng mga lalaki, ang pangit mang
babae ay nagiging pulot gata. Aalis siya pagkabigay ng kaukulang gamut
sa mga may karamdaman)
Bok: (pagkatalikod ng nars) Wow! Talagang da-magan si Miss Reyes!
Kungmagaibig lang siya ngani sa akon, pero ginsama ang akon record.
Yawa.
Tony: Bok, si San Agustin , bago naging santo ay naging isang pusakal
munang magnanakaw Tandaan moto, Bok. Higit na marangal ang
masamang bumuti kaysa mabuting Sumama.
Bok: Galalim man ang imonmg Tagalog!

Ernan: Malay natin, baka maging santo ka rin, Bok (Tawanan)


Bok: (Matatangay na rin ng biruan) Tama ka Mang Ernan. San Bok
(pagdadaupin ang mga palad sa tapat ng dibdib, titingala ngbahagya at
pipikit ) santo santo gid ng mga holdaper! .. Nakakahiya, yawa.
(Tawanan na naman)
Ernan: Pwera biro, napansin kong may ibig sabihin ang tinginan ni Tony
at Miss Reyes. Lalaban ako ng pustahan na (Haharapin si Tony.)
Magtapat ka Tony, may pagkakaunawan na kayo na kayo ni Miss Reyes,
ano? (Ngingiti lamang ng makahulugan si Tony at ang palihim na pagsang-ayon sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay ay mapapansin din nina
Bok at Doming.)
Bok: Jackpot ka, Tony boy! Tsk, tsk, talaga man materyales pwerte si
Miss Reyes. Inggit ako sa imo.
Doming: Listo ! Ayan na naman hang-tay-ban! Darating ng dati ring
tanod.)
Tanod: (Sa may pintuan) Antonio Cruzada!
Tony: (Itataas ang kanang kamay) Sir!
Tanod: Miron kang bisita, adding.
Tony: Bisita? Asan Sir? Sino hu siya? Sino hu siya? Kilala bay nyo sir?
Tanod: Iiling at susulyapan si Mang Ernan) Siguro sing, idad sa kanya.
Doming: Kuwarentay singko.
Tony: Papuna na ba rito, sir?
Tanod: Wen adding. (Aalis. Lalabas sa pintuang pinapasukan.)
Tony: (Kunut-noo) Sino kaya yon? Ba, siya ang una kong
dalaw sa loob ng dalawang taon.
Ernan Baka: Tatay mo na yun, Tony)

Doming: Baka naman hisang kamaghanak.


Bok: (Mapapabangon na naman) Gwapo bang imong derpa? Paris mo
Tony?
Tony: (Dahil sa pag-iisip ay hindi mauunaaan ang tanong ni Bok; sa
sarili) Pano niya malalamang narito ako? . Anim na taon! City Jail
Welfareville Muntinlupa Imposible! Hindi. Hindi maaaring siya!
(Halos pasalubong) Huwag Mo pong itulot, Diyos ko!
Ernan: Sino manyon ay may kapit siya. Kung diy di siya makatutuloy
dito Ayun! Siya na Siguro yung dumarating! (Papasok si Mang Luis,
ang ama ni Tony. Kasama niya ang dating tanod. May kataasan si Mang
Luis, nakasalamin siya ng may kulay. Mababasa sa kanyan g anyo na
siyay dumanas o dumarana ng maraming suliranin. Isang manhid na
barong tagalog ang kanyang suot. Sunog ang kanyang balat, gayunmay
halata rinang kanyang kagandahang lalaki. Mag-aapatnapu pa lamang
siya subalit mukha nang lilimampuin.
Pagagalain niya ang kanyang sabik na paningin. Pagkunway
ituturo naman ng tanod para sa kanya ang pinaghahanap na hindi
kaagad mamumukhaan. Pagtatama ng kanilang tinginang anaki
nakatanaw ng multo si Tony. Akibat ng matinding tuwa at pananabik ay
pasugod na lalapit ang ama sa anak.)
Luis: (Madamdamin) Tony, anak ko! (Walang imik na pagyayapos ang
tila natatandaang si Tony. Magpapalipat-lipat ang kamay ng naluluha sa
galak na ama sa buong katawang mutya ng anak. Pagkaraan ng ilang
saglit sa gayong ayos ay pabigla at walang kibong magwawala si Tony.
Kahit nakararamdam ng kirot at tatayo siyat uurong ng ilang hakbang.
Tutop niya ang sugat sa tiyan. Tiin ang kanyang mga bagang, may apoy
sa mata at iaalon ang kanyang dibdib. Mapapansin si Mang Luis ang
mga sugat at black-eye niya.)
Luis : Anak ko, napano ka?(Hindi rin tutugon si Tony. Patuloy ang
pananalim ng kanyang sulyap, ang panginginig ng kanyang ugat sa
kalamnan ng kanyang panga, ang paninikip ng kanyang dibdib.
Samantalay walang kibuan ang lahat, bagaman mataman silang
nagmamasid at nakikiramdam)

Luis Tony: magsalita ka, anak ko. Hindi ka ba natutuwang akoy


makita? pagakaraan ng may anim na taon? (Buhat sa kinatatayuan ay
hindi rin iimik o titinag si Tony. Unti-unti siyang lalapitan ng ama.)
Tony : Huwag! Huwag kayong lalapit! Huwag!
Luis: (Matigigil!) Anak, di mo ba Ako ang Tatay mo
Tony: (Palibak) Tatay? Hm, ang nakilala kong amay anim na taon
nang p-p patay !
Tony: Sayang lang ang inyong pagod!
Luis : Lalapit pa ng isang hakbang; titigil) anak, patawarin mo ko
Tony: Inuulit ko: wala na akong,, ama! . (Lilingon sa gawi ng bintana)
Mula nang iwan nyo kami dahil sa sang
Tony: (Magpapatuloy na hindi alumana ang sinabi ng ama) Dahil sa
keriday sapin-saping hirap ang aming dinanas lalo nang aking Nanay
Pati pag-aaral koy natigil Anong gagawin ko? Me sakit si Nanay
Me sakit si Baby Nagkasangla-sangla kami At nang lumaoy wala
nang ibig magpapautang sa min Sang araw e napilitan akong Nang
agaw ako ng bag. Nahuli ako. Nagmakaawa ako at pinatawad naman.
Subalit . nang dumating ako at - amin ay (mababasag ang tinig)
patay nang kapatid ko! Sa tulong
Luis: Nahihilam na sa luha) Tony, husto na ! U-utang na loob A-a
alam ko nang lahat!
Tony: (Hndi rin papansinin ang samo ng ama) Sa tulong ng mga
kapitbahay e nailibing din si Baby Naospital si Nanay Walang ibig
kumupkop sa kin Baka raw me T. B. rin ako Akoy naging kanto
boy, nabarkada, hanggang Natuto ako ng ibat ibang paraan ng
pagnanakaw Natikman kong matulog nang walang unan magtago
sa ilalim ng tulay
Bok: (Mabilis na papatlang) Tsiken pid yan, Tony!

Tony: (Wawalaing bahala si Bok) Subalit me wakas ang lahat Mula


sa city jail e nalipat ako sa Welfareville. Naglabas-masok ako ron
Nang magdisiotso akoy heto Magdadalawang taon na ko rito
(Hihinga ng mahaba at malalim . Tutop pa rin ng kaliwang kamay ang
sugat. Biglang haharapin nang tuwiran ang lumuluhat mistulang
korderong ama. Makapangyarihan.) Kayo na dapat kong tawaging ama ay
tinatanong ko: Mangyayari kaya ang nangyari sa ming mag-iina kung
kayoy tumupad senyong tungkulin?
Luis: H-hindi ko na hindi ko na kayo iiwan K-k kelanman !
Tony: Pangako, hm Daling sabihin, daling sirain
Luis Nagbalik ako upang upang pagsilbihan kayo habambuhay
Tony: (Patuya) Bat di kayo bumalik senyong magandang kerida?
Luis: (Lipos pagpapakumbaba) Iniwan nya ako ang taksil!
nang hindi ko nang hindi ko na masunod ang kanyang
kapritso Salamat sa kanyang ginawa at naglianag ang
nalabuan kong isip. Nagyoy
Tony: Huli na ang lahat!
Luis: Ang sakit mong magsalita, anakalam mo bang
limang buwan kitangpinaghahanap? At nang malaman
kong narito kay nilakad kong Nangako si Senador
Bigat na mabibigyan ka ngparole.
Tony: (Dahil sa ibang iniisip ay hindi maunawaan ang
huling sinabi ng ama) Ewan ko kung si Nanay e buhay pa o
patay na. (Pasigaw naman) Kayo! Kayo ang sanhi ng kanyang
kasawian! Aru-aruuuyyy!
Luis: Buhay ang nanay mo, anak. Nagkita na kami. Magaling na siya.
Tony: Magliliwanag ang mukha) Buhay! Salamat sa Diyos!

Luis: (Hindi mapapansin ang sariwang dugo sa kamay ni Tony)


Pinatawad na nya ako. At nagkasundo nga kaming hanapin kita. Anak,
magsamasama tayong muli!
Tony: Mahal ko si Nanay, ngunit
pang mamatay kesa sumama sa senyo!

kayo

Ibig

ko

Luis: Mawawala ang pagtitimpi at paghaharian ng damdaming ama.


Isang matinding sampal ang ibibigay kay Tony). Durugo ang bibig ng
huli. Sa bahaging itoy nganingani nang lundagin ni Bok si Mang Luis
dangat makakambatan siya ni Mang Ernan na huwag manghimasok.
Sa sandaling itoy nakatalikod naman at nasa may labas ang tanod.
Mapagwawaring ang nagawang kabiglaan, mabilis na lalapitan ang anak.
Iigtad naman si Tony.) Patawarin mo ko, anak!
Tony: (Matapos pahirin ang likod ng palad and dumudugong bibig) Lalo
lamang ninyong pinalalayo ang ating daigdig! (Mabilis na tatalikod.)
(Tigib-pagsisisi at panunumbat sa sarili, walang malamanggawin o
sabihin si
Mang
Luis.
Naroong
pisilin ang
mga
kamao;
naroong muling tangkaing lapitan Ang nagmamalaking anak; Naroong
pisilin
ang
mga
kamao;
naroong
muling
tangkaing
lapitan ang nagmamalaking anak; naroong tanawin sina Mang Ernan na
parang nagpapahabag at nagpapatulong. Wala namang imikan ang
nangamamasid. Pagkuway walang kibong lalabas. Titigil sa may
pintuan. Pagkuway walang kibong lalabas. Titigil sa may pintuan upang
lingunit pag-ukulan ng may pagmamahal sa titig si Tony.
Wala namang kamalayan ang
sa mga ikinikilos ng kanyang ama.

nagugulumihanan

ding

si

Tony

Muling babalikan ni Mang Luis ang nakatungong bunso subalit hindi


maisasagawa ang balak na pagyapos dito. Mapapabuntunghininga na
lamang at tiim-bagang na aalis. Magkakatitigan sina Mang Ernan, Bok
at Doming.
Pagkalipas ng ilang saglit ay dahan-dahang nauupo sa gilid ng kanyang
teheras Si Tony. Kagat niya nang mariin ang kanyang labi.)

Ernan: (Malumanay subalit madamdamin) Ang buhay, Tony, ay batbat ng


batbat ng ibat ibang uri ng pag-subok. Ang tagumpay, kaya lalong
tumitingkad ay dahil sa kakambal na pagpapakasakit. Ang lalaking
tumatakbo sa mga pagsubok at hamon ng tadhana ay pinagtatampuhan
ng tagumpay.
Tony: Mang Ernan, kayo man ang nasa lugar koy
Ernan: Nauunawan kita, iho. (Titindig at aakbayan si Tony. Miino ang
dugong nagmumula sa sugat sa tiyan.) Dumudugo ang sugat mo! (Kay
Bok) Pakitawag mo nga ang doctor (Kay Tony) Mabutiy mahiga ka.
Siguroy maaampat yan.
Tony: (Habang nahihiga) Walang anuman ito Mang Ernan.
Bok: (Nakaupo pa rin subalit nakabalabal na ng kumot) Hm tsiken pid
yan.
Doming: Sabagay, hakuman yang nasa lugar ni Toniy hewan ko nga
ba
Bok: Bilib gid ako sa imo Gas-mati ka. Y-y-yeba! .
Ernan: (Habang bumabalik sa kanyang teheras; sa sarli) A, kung
masusunod lamang ng mga tao ang Panalangin ni San Francsico ng
Asisi, sanaY
Tony: Biglang mapapabangon pagkarinig sa tinuran ni Mang Ernan)
Pagkaganda ganda nga ng Panalangin ni San Francisco
Bathala, gawin Ninyo akong kasangkapan Kung saan
may galit
Ernan: (Maagap) Bayaang nakapaghasik ako ng pag-ibig.
Ang isang maganda pang bahagiy yung Nasa pagbibigay
ang ating ikatatanggap nasa pagpapatawad ang ating
kapatawaran
Tony: (Mabilis) Mang Ernan Madali ngang sabihing
Lumimot at magpatawad, ano ho? Pero, ar ruyyy

(Mapipikit at aasim ang mukha. Hahawakan ang sugat sa


tiyan.)
Ernan: (Makikitang sa pag-aangat ng kamay ni Tony ay
punung-puno yaon ng dugo) Tony! (Kagyat na nalalapitan
ang binata at pagyayamanin.) Doming! Bok! Pakitawang
nyung dokdok! O nars! Madali kayo!
Bok: Hindi pa rin mababakla; hindi titinag) Bals wals yan!
Doming: (Patikudtikod na lalabas subalit doon pay sisigaw na) Nars!
Nars! Narrsss! (Muling darating ang nars na nakarinig sa malakas
na sigaw ni Doming. Agarang lalapatan ng pampaampat ng dugo ang
sugat ni Tony. Samantalang nangagamutan sila ay siya namang paglitaw
sa may pintuan ng magkasamang P. Abena at Mang Luis. Walang imik
silang magmamasid.)
Nars: Sariwa pang sugat mo, kaya huwag ka munang magsalita nang
malakas. At huwag kang magpapagalaw ha, Tony?
Tony: Paglabas ko ritoy pupunta ko senyong bahay, ha, Lyd? A, Miss
Reyes pala!
Nars: Sabi nat puwera muna ang salita. Pag sinuway mo koy Sige ka,
hm
Tony: Okey. (Pipikit dapwat muling didilat. Masusulyapan si P. Abena.
Magpapalitan sila ng ngiti.)
Nars: O, hayan , tapos na. Be good, ha, Tony? Promise? Tatango ang
binata; hahanda siya sa pag-alis.)
Tony: Maraming salamat, L-Ly Miss Reyes. Hindi kita malilimot
kelanman ! Alam mo na iayan matagal na. ( Hindi pa rin nakikita ni
Tony ang ama sapagkat natatakpan ito ng papalapit na pari.)
P. Abena: Magkakilala pala kayo
masipag ang batang yan. Paris mo

ni

Miss

Tony: Siya nga po ang babaing handa kong

Reyes

Mabait

at

Bok: (Makahulugan ang ngiti) tingin koy ayos na Silang dalwa, Padre.
P. Abena : Hindi masama Pabor ako. Saglit na titigil; kay Tony, sa ibang
tinig) Anak, ang tatay moy nagkita kami. nakiusap siyang Tony: Malilimutan ang lahat; mapapabagong biglat puputulin ang
pagsasalita ng kausap) Padre! Na naman? (Hindi mangungusap si P.
Abena. Marahan na lang siyang mapapailing; subalit maagap namang
maaalayan si Tony.
Si Mang Luis naman, naroon pa rin sa may pintuan,
mapapabuntung-hiningat mapapakagat
labi Sa
namamalas
katigasan ng anak. Mauuntol ang balak niyang paglapit.

ay
na

Si Miss Reyes naman naman na hindi pa tuluyang nakakalayo ay


magaganyak na manood sa tagpong yaong may pangako ng
kapanabikan. Lalapitan si Tony at masuyong pagsasabihan.)
Nars: Tony, di bat sabi ko sayoy huwag ka munang gagalaw pagkat
makasasama sa yoyo?
Tony : Patawarin mo ko, Ly est, Miss Reyes.
Nars: (Tatanguan si Tony) Patatawarin kita pero sa uli-uliy.. Sige, higa
na. (Susunod na sana si Tony subalit magkakatama ang tingin nilang
mag-ama. Matagal silang magkakatinginan.0
P. Abena: (Makahulugan) Anak, tamo si Miss Reyes,
nakapagpapatawad.
(Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap na katahimikan .
Walang kaurap-kurap, at halos hindi humihingasina Mang Ernan sa
pagmamasid sa nangyayaring dula sa silid na yaon. Sa pagtaas ng
mukha ni Tony ay makikitang may luha sa kanyang pisngi.
Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan-dahan siyang lalapit a
bunsong ngayoy nakayupyop sa bisig ni Padre Abena.
Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng butihing pari ang ulo ni
Tony at siyay unti-unting uurong upang mabigyan ng ganap na kalayaan
ang mag-ama.

Ngayoy may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony. May kakaiba ring


ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang labi. At sa isang kisapmatay mayayapos siya ng kanyang ama. Masuyo, madamdamin, mahaba
ang kanilang pagyayakap.
Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang lahat . Maging ang may
bakal na pusong si Bok ay mapapakagat-labit mapapatungo ng
marahn. Pagdaraupin naman naman ni Padre Abena ang mga, titingala
ng bahagya at pangiting bubulong.)
Luha ng Buwaya
ni Amando V. Hernandez
Kagagaling ni Badong, guro sa Sampilong, sa opisina ng
Superindente sa kabisera ng lalawigan sapagkat tinagubilinan siyang
manupang pansamatalang prinsipal sa kanilang nayon samantalang
nagbabakasyon ang talagang prinsipal, si Maestro Putin. Dinalaw ni
Badong si Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anak ni Mang
Pablo na pangulo ng PTA at sinusuyo ni Badong upang makipagbalitaan
at magpalipad hangin ukol sa kanyang pagibig . Nalaman ni Badong na
may pabatares sa pagapas kinabukasan si Mang Pablo. Sa gapasan,
naging masaya ang mga manggagapas kait na lumabas si Donya Leona
Grande, ang may ari ng pinakamalawak ng lupang sakahin sa
Sampilong. Napakahigpit sa kasama si Donya Lena.
Nang ipaghanda sa bahay asyenda ang dalawang anak ni Donya
Leona, si Jun na nagtapos ng medisina at si Ninet na nagtapos naman
ng parmasya, ang mga kasamang babae at lalaki ay hugos din sa bahay
na bato sa pagtulong sa mga gawain at sa pagsisilbi sa mga panauhin.
Naganap sa kasayahang ito ang kaguluhang kinasasangkutan ni Andres,
isang iskuwater na nakita sa pook na tinaguriang tambakan. Nagawi sa
Sampilong si Andres mula sa Maynila noong panahon ng Hapones
sapagkat natandaang Sinabi ng yumaong ina na may kamag-anakan sila
sa Sampilong. Nang matapo ang digmaan si Andres at ang kanyang magina ay hindi na nagbalik pa sa Maynila.
Nakilala nang lubusan ni Badong si Andres nang ipinasok nito sa
grade one ang anak na sampung taon. Inamuki ni Badong si Andres na
magtayo ng cottage industries sa kanilang pook na mga eskuwater

ngunit pagkatapos lamang na ayusin at linisin nila ang kanilang.


Pumayag si Andres at ang mga eskuwater sa mungkahi ni Badong.
Bumuo ng isang samahan ang mga magsasaka at si badong ang
tagapayo nito. Isinumbong ni Dislaw, ang engkargado at badigard ni Don
Severo Grande, ang unyon ng mga magsasaka. Ikinagalit iyon ni Donya
Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga kahilingan ng
mga magsasaka. Tumanggi si Donya Leona sa mga kahilingan ng mga
magsasaka at ang mga ito naman ay tumangging gumawa sa kanilang
mga saka.
Samantalay nalinis at naayos nina Andres ang pook ng mga
eskuwater at tinawag nilang Bagong Nayon. Sa tulong ni Badong,
lumapit sila ni Andres sa Social Welfare Administration. Nangalap sila ng
pondo mula sa mga kanayon at sinimulan nilang itayo ang kooperatiba
ukol sa industriyang pantahanan.
Ngunit ang Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni Donya
Leona. Pagkatapos kausapin ang huwes ng bayan, isinampa ng mga
Grande ang habla at ang ginamit na tanging ibedensiya ay isang lumang
dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat di Donya Leona ang alkalde
na pinsan ni Donya Severo at ang hepe ng pulisya na inaanak naman sa
kasal ng asawang Grande.
Lumaban ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang
samahan ng mga magsasaka at ang kooperatiba ng mga eskuwater ay
nagsanib sa tulong ng Badong sila ay nakakuha sa Maynila ng isang
abogadong naging kaibigan ni Badong noong nag-aaral pa siya sa
Maynila.
Sa isang pagkakataon , nakatagpo ni Andres si Ba Intern na
pinakamatandang tao sa nayon. Sa pagtatanong ni Andres sa matanda,
natiyak ni Ba Inern na si Andres ay apo sa tuhod ng yumaong mabait na
kabesang Resong ng Sampilong. Mayaman sa Sampilong ang nuno ni
Andres ngunit ng mamatay ito ay napasalin sa mga magulang ni Donya
ang mga aring lupa nito bago namatay . Sa pagtatanong ni Andres sa
kanilang abogado. Nalaman niyang maaari pa niyang habulin ang lupa
at pagbabayarin ng pinsala ang mga Grande.

Sa utos ni Donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si


Badong. Si Dislaw na karibal ni Badong kay Pina at si Hepe Hugo ng
pulisya ang nakalagda sa sumbong. Nang dumating ang pasukan isang
bagong prinsipal, si Mr. Danyos, ang dumating Sa Sampilong.
Noong sinagot ni Pina si Badong. Pinagtakaang halayin ni Disla si
Pina, mabuti na lamang at dumalaw Si Badong na kung hindi naawat ng
mga dumalo ay baka napatay si Disla. Sa nangyari, pinaluwas ni Donya
Leona sa Maynila si Dislaw.
Sa gabi lihim na ipinahakot ni Donya Leona sa mga trak ang mga
palay niya sa kamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa Instik.
Isang umaga nagisnan na lamang ng Sampilong na nasusunog ang
kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang pagkasunog ng kamalig sa mga
pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng unyon ng mga
magsasaka at sa mga pinuno ng kooperatiba ng mga eskuwater. Salamat
na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, Si Iska ay
nagalit kay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng Donya na
sumunog sa kamalig, dahil sa hindi siya ang isinama ni Kosme sa
Maynila kundi si Cely na kapatid ni Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay
Sedes na asawa ni Andres ang lihim at ipinagtapat naman ni Sedes kay
Badong.
Nahuli si Kosme at umamain sa kasalanan. Isinugod pa ni Andres
ang paghabol sa hukuman sa lupa niyang kinamkam ng mga Granda.
Dahilan sa kahihiyang tinamo , hinakot ng mga Grande sa Maynila ang
mga kasangkapan at doon na nagpirmi. Sa Maynila, si Donya Leona ay
nagkasakit at alta presyon at naging paralisado nang maataki. Si Don
Severo naman ay nagkasakit ng matinding insomya.
Samantala, napawalang saysay ang hablang administratibo laban
kay Badong at tiniyak ng superintende na siya ang ilalagay na prinsipal
sa Sampilong sapagkat aalisin doon si Danyos dahil sa hindi makasundo
ng mga guro at ng mga magulang ang mga bata.
Namanhikan sina Badong kina Pina at may hiwatig na siya ay
ikakanditato pang alkalde ng kanyang mga kanayon sa susunod na
halalan.

Você também pode gostar