Você está na página 1de 4

Ang Alamat ng Buwan at mga Bituin

October 19, 2008 rejimer


ni Rejimer Nube
Noong unang panahon ang mga ulap ay nasa ibabaw pa ng lupa. Ang mga
unang tao noon na sina Malakas at si Maganda ay labis na nagsisikap sa
pagtatrabaho upang mabuhay. Sa umaga sila ay nasa bukid upang magsaka.
Si Maganda ang naghahanda ng pagkain at si Malakas naman ang
nagtatanim. Tuwing sisikat ang araw, ang mga ulap ay kusang tumataas
upang mamasyal sa ibat-ibang panig ng mundo. Ang araw ang nagbibigay
buhay sa kanila. Kaya nga sa tuwing sasapit ang gabi, nawawalan ng buhay
ang mga ulap at bumababa sa lupa hanggang sumikat ulit ang araw. Ganito
ang buhay ng mga ulap.
Isang araw, habang nasa gubat si Malakas upang mangahoy, nakita niya ang
isang makislap na bagay. Tila parang ginto ang bagay na kumikinang pero
higit itong matingkad at makiwanag. Naisipan niyang gumawa ng isang
sorpresa para kay Maganda at gawin itong isang magandang regalo.
Dumaan ang ilang araw at nakagawa si Malakas ng isang magandang
palamuti sa buhok, kwintas, pulseras at mga singsing para sa kanyang
asawa. Labis na natuwa si Maganda sa natanggap niya galing sa kanyang
asawa. Lagi niya itong isinusuot araw man o gabi.
Makalipas ang ilang linggo, ipinahatid ng isang lawin na mayroong bagyong
paparating sa dakong kanilang tinitirahan.
Ang bagyo ay nagdulot ng isang buwan na pag-ulan sa ibang dako na
sinalanta nito sabi ng Lawin na hapong hapo sapagkat siya ay tinangay ng
malakas na bagyo habang naghahanap ng pagkain kaya kailangan niyang
lumipad ng mabilis upang maiwasan ito.
Labis na nataranta sina Malakas at Maganda sa nabalitaan. Ilang araw pa ba
bago dumating ang bagyo sa bayang ito? tanong ni Maganda. Sa loob ng
tatlong araw, papatak ang napakalakas na ulan na dulot ng malakas na
bagyo sagot ng Lawin.
Dali-daling sinabihan ni Malakas si Maganda na maghanda para mag-ani ng
kanilang mga pananim. Makalipas ang isang araw, naani na lahat ang mga
tanim na palay. Ang mga ulap sa ibat ibang dako ay naipon sa bayan ng
mag-asawa.

Mabuti na lang at nakapag-ani na tayo, kundi at mahihirapan tayong itaboy


ang makakapal na ulap sa ating lupain wika ni Maganda.
Pagkaraan ng dalawang araw, naani na lahat nina Malakas at Maganda ang
kanilang pananim na bungangkahoy sa kagubatan. Nakapag ipon na rin sila
ng malinis na tubig sa batis na kanilang maiinom habang sinasalanta ng
bagyo ang kanilang lugar. Naayos na rin ni Malakas ang kanilang bahay
upang maging matibay laban sa mapaminsalang hangin.
Kailangan nating bayuhin ang mga naaning palay mahal ko upang makain
natin wika ni ni Malakas. Mayroon na lamang silang isang araw upang
magbayo ng naaning palay para maging bigas. Inabot na sila ng dapit hapon
at hindi pa sila natatapos.
Bumaba na ang mga ulap sa lupa dahil wala na ang sikat ng araw na
bumubuhay sa mga ito. Napapagod na rin si Maganda sapagkat ang mga
kwintas, palamuti sa buhok at mga singsing ay mabibigat at nakakaabala sa
kaniyang paggalaw. Kaya naisipan niya itong isabit sa mga ulap.
Nakaramdam ng ginhawa si Maganda at nakapagtrabaho ito ng mabuti. Bago
sumikat ang araw, natapos ng mag-asawa ang kanilang gawain, hanggang
sa pumatak na ang tubig ulan na hudyat ng pagsisimula ng matinding bagyo.
Agad na pumasok sa kanilang bahay sina Malakas at Maganda. Pagkasara ng
pinto, umihip ang malakas na hangin at nooy naalala ni Maganda ang
kaniyang mga alahas. Labis siyang nalungkot sa nangyari. Nilipad ng delubyo
ang mga ulap sa lupa at tinangay sa kaitaasan ng daigdig. Lumipas ang
isang buwan, at natapos ang malakas na bagyo. Ang buong daigdig ay
natakpan ng makapal na ulap. Puno ng paghihinagpis ang mag-asawa dahil
sa nakitang pinsalang tinamo ng kanilang lugar. Wala silang magawa kundi
pagmasdan ang iniwang bakas ng kalamidad.
Hanggang nang sumapit ang gabi, habang si Maganda ay nasa bakuran ng
bahay ay may nakita itong kumikislap sa kalangitan. Dali-dali nitong tinawag
si Malakas at itinuro ang nga nakikitang kunikinang sa kadiliman ng
kalangitan. Tignan mo mahal ko ang mga kumikislap sa kaitasan ng langit,
di nga ba iyon ang mga iniregalo mo sa akin? sambit ni Maganda. Oo nga
aking mahal, natutuwa ako at hindi pala nawala ang mga iyon, bagkus ang
mga iyon ay makikita natin bilang simbolo ng ating pag-ibig at pag-asa kahit
anong kalamidad pa ang dumating sa ating buhay.
Mula noon, ang mga bituin at buwan y lagi ng makikita sa itaas ng
kalangitan. Ang mga ito ay nag bibigay pag-asa sa mga tao na sa gitna ng

kadilliman ng buhay, ay may pag-asang kumikislap at nagpapatibay ng ating


kalooban laban sa anumang pagsubok sa ating buhay.

Ang Langgam at Paruparo


by: Erwin Brunio
May isang langgam na patalon-talon sa init ng araw habang naghahanap ng
pagkain. Nakakita ito ng bahay-uod (chrysalis). Ang buntot ng uod (pupa) ay
biglang gumalaw, na ikinagulat ng langgam dahil ito pala ay buhay. Ah isang
kalunos-lunos na nilalang ang kanyang nasambit. Napakasama naman ng
iyong kapalaran, wika nito. Kung nanaisin ko, maari akong tumakbo
paroot parito sa pinakataas na puno, subalit sa anyo mo na iyan, ikaw ay
bilango ng iyong sariling bahayan. Narinig itong lahat ng uod subalit hindi
ito kumibo at nanahimik lamang. Pagkalipas ng ilang mga araw, ng dumaan
ang langgam sa parehong lugar na iyon, wala ng buhay ang bahay-uod.
Habang iniisip ng langgam kung ano ang nangyari sa uod, may biglang
pumayong sa kanya na isang napakagandang paruparo. Ang kanyang mga
pakpak ay parang mga brilyate na kumikislap sa sinag ng araw. Heto,
tingnan mo, ang sabi ng paruparu, ang iyong sinasabing kalunos-lunos na
nilalang. Ipagmalaki mo ngayon ang iyong kakayahan na tumakbo at
umakyat sa punong iyon, at tingnan mo kung akoy makikinig sa iyo.
Pagkasabi, biglang lumipad at nagpatangay sa sayaw ng hangin ang
paruparo at naglaho sa paningin ng langgam.
Nakaranas ka na ba ng isang problema na sa tingin mo ay mukhang
napakahirap harapin? O kaya kasalukuyang may hinaharap na hamon ng
buhay na sa tingin mo ay walang paraan na ito ay malusutan o maayos? Ano
ang ginawa mo?
Naalala mo ba yung unang heart break mo? Ibinuhos mo ang lahat ng iyong
makayanan ipaglaban lamang ang iyong first love? Tanda mo pa ba na
nakapag-away ka pa sa iyong mga kaibigan, o kaya sa iyong mga magulang,
mahalin lang ang hampas-lupa na iyo. At anong nangyari, bigla ka na lang
niyang iniwan ng walang karason-rason?
Sa eksaktong panahong iyon, di ba na parang gumuho ang iyong mundo, na
ikaw laban sa mundo? Hindi pa na pakiramdam mo ay parang sasabog ka at
wala ng pwedeng solusyon sa problema mo.

Ngunit ngayon, anong nangyari? Bakit hindi gumuho ang mundo? Bakit
buhay ka pa rin? Hindi ba nakangiti ka ngayon habang iniisip mo yung mga
eksenang iyon? Natatawa ka na isipin ang mga nakakaloka mong adventures
in life.
Kung ngayon ay pasan mo ang buong daigdig, o may kakilala ka na parang
pinagkaitan ng tadhana, huwag mawalan ng pag-asa. Tandaan, na minsan,
ang tamang paraan ay maghintay. Parang paro-paro.
http://www.daloykayumanggi.com/blog/anglanggamatparuparo
https://pinoyteacher.wordpress.com/2008/10/19/ang-alamat-ng-buwan-at-mgabituin/

Você também pode gostar