Você está na página 1de 3

ALAMAT NG VALENTINES'S DAY

Noong unang panahon sa may dakong silangan, may isang kaharian na


tinatawag na Caste Dietre. Mapapansin mo kahit malayo ito dahil sa
matitingkad na perlas na nakapalibot dito. Sa kahariang iyon ay may isang
batang lalake na nangangalang Valen na kilala bilang masayahin, pasaway at
lalo na dahil siya ay ang bunsong anak ni Haring Caste at Reyna Dietre. Dahil
siya ang bunso, hindi siya napapansin masyado ng mag-asawa.
Pinapabayaan lamang siya na maglaro kahit saan saan sa buong kaharian.
Ngunit may laging babala ang kanyang ina na dapat huwag siyang
makalabas sa kaharian dahil ito'y isang kagubatan at lalo na't dahil may mga
masasamang nilalang na nakatira dito. Ngunit isang araw, habang
naglalakad lakad si Valen malapit sa labasan ng kaharian ay may nakita
siyang Hardin ng mga pulang bulaklak. Napalapit siya rito kahit ito ay nasa
labas na ng kaharian dahil isa sa mga paborito niya ay kulay pula. Habang
hinahawakan ni Valen ang mga bulaklak, may nakita siyang isang
magandang dalaga na nakasilip sa gilid ng isang puno sa harapan niya.
Napansin niya na ang buhok ng babae ay kulay pula pati na rin ang damit
niya. Natakot siya dahil inakala niya na siya ay isang masamang nilalang
dahil kakaiba at siya'y tumakbo ng mabilis papasok ng kaharian.
Sa sumunod na araw, dahil si Valen ay mausisa, pinuntahan niya muli ang
mga pulang bulaklak upang makita ulit ang babae. Pagdating niya sa labas
na malapit sa kaharian ay wala na ang Hardin ng mga pulang bulaklak kaya't
hinanap niya ito hanggang sa lumubog na ang araw. Napagtanto niya na
nawawala na pala siya, madilim na rin ang paligid kaya't mahirap ng
mahanap ang kaharian nila. Nawalan na siya ng pagasa at sumandal na
lamang sa isang puno at napatulala sa buwan. Habang nakatulala pa,
biglang may tumunog na parang nabaling kahoy at napalingon siya, nakita
niya ang babae na nakapula na kanina pa niyang hinahanap. Ito'y nagsalita
na sundan daw siya at sumunod naman si Valen. Nagpakilala ang babae
bilang Tin, nakatira daw siya sa isang bulaklak at lagi daw siyang tulog roon.
Nagigising lang siya kapag malapit na ang araw ng pamumulaklak. Habang
nagkekwento si Tin ay nakarating na sila sa kaharian. Nagpaalam at
nagpasalamat si Valen kay Tin at tumakbo na siya papasok sa kaharian.
Bumalik si Valen ulit sa labas ng kaharian ngunit nakita niya na wala na
talaga ang mga pulang bulaklak, mukhang tapos na ang mga araw ng
pamumulaklak nito pati na rin ang mga araw na gising pa si Tin. Naalala ni
Valen ang kwento ni Tin na isang beses lamang sa isang taon namumulaklak
ang kanyang bulaklak kaya't napagdesisyunan niya na hihintayin niya ang
pamumulaklak nito taon taon.
Napansin ng buong kaharian na malungkot na ang dating pasaway at
masayahin na si Valen. Nagtataka sila kung ano na ang nangyari sa batang
iyon. Wala namang pakealam si Valen sa sinasabi ng iba dahil ang nasa isip
niya ay ang pagkikita muli nila ni Tin. Mukhang nakuha na ni Tin ang puso
niya at bawat taong nakalipas ay mas dumaragdag ang pagmamahal niya
para kay Tin. Bawat taon, sa parehas na araw ay nagbibigay si Valen ng iba't
ibang regalo kagaya ng chocolates, iba't ibang klaseng bulaklak at kung anoanong masasarap na pagkain. Lagi siyang may pinaghandaang sorpresa para

kay Tin at masayang masaya naman si Tin bawat taon. Ngunit, hindi ganun
kabait ang oras, mahirap maghintay lalo na't habang tumatagal ay
tumatanda rin si Valen. Sa ngayon ay labing walong taong gulang na siya, isa
na siyang binata at bukas ay makikita ulit niya si Tin. Si Tin ay kakaiba dahil
ang itsura niya nung bata pa lamang si valen ay parehas pa din hanggang
ngayon. Ang sabi niya ay mabagal ang pagtanda ng mga tulad niya kaya't
pagkita mo kay Valen at Tin ay halos magkaedad lang.
Sa sumunod na araw, Nakaupo si Tin at Valen sa iisang puno malapit sa
hardin ng pulang bulaklak at pinaguusapan nila ang buhay ni Tin. Si Tin ay
tao dati at isa raw siya sa mga grupo ng mga batang iniwan dito dahil sa
kahirapan noon nung pagkatapos ng digmaan nung wala pa ang kaharian
dito. Naawa ang Inang Kalikasan sa kanila kaya't binigyan sila ng
pagkakataon na mamuhay sa mga sinasakupan niya. Napunta si Tin sa isang
bulaklak at taon taon, binibigyan siya ng pagkakataong mamili kung
mananatili siya o mamamatay at ibigay ang kanyang sarili kay Inang
Kalikasan. Matagal na matagal na daw siya dito at marami na sa kanyang
kasama ang umalis na at piniling mamatay na lamang. Sabi ni Tin ay pipiliin
na din daw niyang mamatay ngunit ayon ang araw na una niyang nakilala si
Valen kaya't pinili niyang manatili na lamang. Malapit na ang paglubog ng
araw kaya't nagpaalam na ang dalawa. Yinakap ni Valen ng mahigpit si Tin at
sinabihan din kung gaano na niya kamahal siya at hihintayin muli ang
pagbabalik niya. Ngunit sa kasamaang palad, may nakakita at nakarinig sa
kanila. Nalaman ng buong kaharian na umiibig si Valen sa isang nilalang ng
labas at siya'y pinagusapan ng lahat. Pinagbawalan ng mag-asawa si Valen
na makalabas muli sa kaharian at ito'y kinagalit niya. Sabi niya ay wala
namang masama sa labas at gawa gawa lamang iyon nila upang hindi umalis
ang mga tao sa kaharian. Sinabi din niya na isang mabuting nilalang si Tin at
ipinagtanggol niya ito sa buong kaharian.
Isang araw, may napakalaking itim na usok ang nakita sa harap ng kaharian.
Nagulat ang lahat sa kanilang nakita at ito'y pinuntahan. Sa pagkakataong
yun, si Valen ay nakaupo sa isang malaking bato at nakatulala sa mga iba't
ibang kulay ng bulaklak sa labas ng kanilang tahanan. Pagtapon niya ng bato
sa isang puno ay nakita niya si Tin sa harapan niya. Nagulat si Valen at siya'y
tumakbo patungo sa kanya at siya'y yinakap ng mahigpit. Napatingin si
Valen kay Tin at tinanong niya kung bakit narito siya nang hindi pa oras ng
kanyang paggising. Nagtinginan ang dalawa ng matagal at unti-unting
naglapit ang kanilang mga labi. Napatindi ang kapit nila sa isa't isa at parang
ang oras na iyon ay nakalaan para lang sa kanila. Napaiyak si Tin sa mga
nangyayari kaya't natigil ang halik nila. Niyakap ni Valen muli si Tin at
napansin niya na parang may parte ng katawan niya na naaaninag na.
Nagulat siya at tinanong kung anong nangyayari. Sinabi ni Tin na ang
kagubatan kung saan siya nakatira ay kasalukuyang nasusunog. Huling
pagkakataon na niya na makita si Valen kaya't pumunta siya rito. Napaiyak si
Valen sa mga narinig niya dahil nalaman na niya na huli na nila itong
pagkikita. Natatakot na siya sa mga nangyayari dahil iniibig na niya ng lubos
si Tin at kung mawala siya ay hindi na niya alam kung makakayanan niya.
Sinabi ni Tin na kahit ano pa man ang mangyari sa kanya ay huwag siyang
titigil na mangarap sa buhay at kahit wala na siya, lagi pa rin siyang nariyan
para sa kanya kahit isa na siyang parte ni Inang kalikasan bilang bulaklak na
lang at hindi na mabubuhay bilang tao. Habang nagsasalita si Tin ay unti-unti
ng naaaninag ang buong katawan niya. Yinakap muli at hinalikan ni Valen si

Tin at sinabi na hihintayin niyang magkita sila muli. Sa mga sandaling iyon,
nawala na ng tuluyan si Tin at napaluhod si Valen habang tinitingan ang mga
kamay niya.
Sa mga oras na iyon, ay kumalat sa buong kaharian ang storya ng pagiibigan
ng dalawa. Tinawag ng mga tao ang araw ng pamumulaklak ni Tin na
Valentine's day na nanggaling sa pinaghalong pangalan ni Valen at Tin. Sa
araw na iyon, ay nagpapakita ng pasasalamat ang mga taong nagiibigan sa
pamamagitan ng pagbibigay ng iba't-ibang regalo at pagpapakita kung
gaano na nila kamahal ang isa't-isa.

Você também pode gostar