Você está na página 1de 6

Interview questions and some tips to answer them

Describe yourself?
Syempre pangalan muna. Hindi interesado yung interviewer sa hobbies mo,
kung favorite actor mo si Jao Mapa, at kung hindi ka mahilig sa pasas. Skip mo na
yung personal info mo. Magandang mag umpisa sa I graduated from _____ with a
Bachelors Degree in____. Course at school muna,ikaw bahala pano mo sasabihin.
Sulitin mo yung sagot mo sa tanong na to, siguraduhin mong lahat ng sasabihin mo
makakatulong sa pagpapabango ng pangalan mo. Kagaya ng During college, I was
a ___, and this helped me a lot in improving my leadership skills. O kwento mo
yung part-time job mo. Mag-ingat din dahil huhugot sya ng follow-up questions base
sa sagot mo.
What are your strengths?
kaya ko pong magbukas ng red horse gamit ang ngipin kapag ganyan ang
sagot mo, wag ka nang umasang tatawagan ka pa. Itong tanong na to yung chance
mo para ma-impress sila, kaya pag-isipan mong mabuti. Pwedeng yung good
communication skills mo, leadership skills, yung passion for excellence, yung
pagiging flexible mo sa kahit anong working environment, you can work under
pressure kamo. BASTA INGAT LANG, kasi huhugot sya dyan ng follow-up questions
at dapat handa ka.
Kapag may napili ka nang isasagot dyan, isipin mo yung instance na naipakita mo
yung strength na yun. Kung sa school ba, sa org nyo or sa work mo dati.
What are your weaknesses? (Room for improvements)
Kung wala kang maisip sa strengths mo, alam kong isang manila paper ang
listahan mo ng weaknesses mo. Pero WAG MONG SABIHIN LAHAT. Maging totoo
lang,pero Hanggat maaari iwasan yung masyadong personal kagaya ng I always
get jealous, especially when someone is flirting with my boyfriend. Gasgas na rin
kung sasabihin mo yung I am a perfectionist
I work too hard sometimes
Ok lang din kung hindi work-related. Kung nag-aapply ka bilang software engineer,
wag mong sasabihin na hindi ako magaling mag program, pwede mong sabihin I
get nervous when speaking in front of large groups.
Ang mahalaga dito yung malusutan mo, tatanungin kasing sunod kung anong
ginagawa mo para ma-improve yung weakness na yun. Wag kang magsasabi ng
weakness na wala nang solusyon.
What do you know about programming?

Kung may alam ka sabihin mo. Kung wala naman, wag mong sabihin, gawan natin
ng paraan yan. Una mong gagawin alamin yung programming na pinag-aralan nyo
nung college, search mo lang sa google tapos tingnan mo yung explanations tapos
kabisaduhin mo. Boom! Muka ka nang programmer!
Example: (napag-aralan naman dati e Assembly language) An assembly language
is a low-level programming language for a computer, or other programmable
device, in which there is a very strong (generally one-to-one) correspondence
between the language and the architecture's machine code instructions. (gawin mo
to sa lahat ng languages na sinulat mo sa resume mo)
Tandaan mo, HR lang sila, wala silang alam sa technical, kaya madali lang silang
paniwalain na may alam ka talaga sa programming.
Saka mo na intindihin yun pag napasok ka na.

Tell me about your thesis


Discuss mo yung background ng thesis nyo. Eto, pwede kang magbanggit ng
mga bagay na technical para ma-impress mo yung HR. Discuss ka ng quantum
physics, related sa thesis nyo ha. Ganun, tapos tatanungin ka nya kung anong role
mo sa thesis nyo. Ikaw ba yung leader? Ikaw ba yung taga-document? Ikaw ba yung
PROGRAMMER? O ikaw yung taga-luto ng noodles para sa mga gumagawa? Basta
siguraduhin mong may mabanggit ka, hindi pwedeng wala, o kaya moral support
lang.

What are the problem YOU encountered while doing your proposal?
Yung problem na tinutukoy nya, hindi problem ng team nyo, hindi rin tungkol
sa adviser nyo, tinatanong nya kung ano yung na-encounter mo, ikaw mismo.
Halimabawa, nung umpisa ng project nyo, may mali ka pala sa logic nung program
na ginawa mo, later nyo na na-discover. O kaya, nag-sacrifice ka ng maraming
tulog para matapos. O kaya may sabaw pala yung noodles, kaso tinapon mo yung
sabaw kasi kala mo pansit canton. BASTA wag na wag mong aaminin na nagkaconflict ka sa mga members ng group nyo, wag mong babanggitin na hindi ka
magaling na team player.

What do you know about ACCENTURE?


Kung isa kang ignoranteng bata na walang alam sa company na inaapplyan
nya, GMG! Google Mo Ganda/Gwapo. Punta ka sa site ng Accenture at tingnan yung

About Us nila, yung Mission and Vision nila saka Achievements nila. Tingnin ka na
rin kay Wikipedia ng ilang trivia tungkol sa ACN, kagaya ng saan nagsimula sila,
ilang branches, ilang employees world-wide at sa Pilipinas, etc. . Natutuwa sila pag
nalaman nilang may alam ka sa kanila, at ok lang mahalata nila na kinabisado mo
lang yung mga sinabi mo na facts tungkol sa kanila, mas gusto nilang malaman na
nag-effort ka sa pag-research sa company na inaapplyan mo.
* You might also want something to impress your interviewer. If you are an often
reader of Yahoo news, Ambe Tierro, the global delivery network for technology lead,
was awarded as one of the Power Women of IT. read more about her
http://www.interaksyon.com/infotech/power-women-of-it-accentures-ambe-tierro
What are top 3 factors you considered in choosing a job ?
3 points:
Opportunity /Growth (You heard good feedback about the trainings they offer, and
as a fresh grad, you chose them because you want a job that will broaden your
knowledge and experiences, especially in the IT industry)
People
Salary (Uminom ka ng Sprite at magpakatototo ka. Gusto mo rin kamo ng maayos
na compensation sa trabaho mo. Basta ihuli mo to ha, para hindi halatang mukha
kang pera.hehe)

TIPS:

Maintain eye contact. Wag mong kakalimutan to. Pag nakayuko at hindi
tumitingin sa mata, halatang kabado at hindi nagsasabi ng totoo. Kahit 85%s
of the time mayrong eye contact dapat kayo, wag naman 100% muka ka
nang manyak nun at baka mailang pa sya sayo. Pakita mo rin na interesado
ka sa konting pagtango-tango pag nagsasalita sya at mahinang oh pag nageexplain sya.
PALAGING MAGSABI NG TOTOO. Kapag nag-sinungaling ka, halata yun, at pag
nag-follow-up questions sya, magkakapatong-patong yung kasinungalingan
mo at mahihirapan ka nang makapagpalusot, kakabahan ka na, hindi ka na
makakasagot sa mga susunod na tanong, tatakbo ka palabas ng kwarto ng
umiiyak ,at uuwi ng walang trabaho. Kaya be honest.
Mag-practice sa bahay at maghandang mabuti. Alamin mo na rin lahat ng
posibilidad na pwede nyang follow-up question para mapag-handaan mo.

Sagutin mo lang kung ano yung tinatanong nya. Hintayin mo yung follow-up
question nya, wag mo syang pangunahan, mahahalata kasi tayong
pinaghandaan natin e.
Dress well but do not overdress. Alam mo na yan. Suot mo yung pang-thesis
mo wag yung pang-inaanak mo.
Pray.

I think if they explained to you some work stuff like how Accenture got many offices
and you might be assigned to any of it or you may have different work schedule
compared to other offices. Its a good sign.

To end the conversation the interviewer will ask you if you have questions in mind
DONT FORGET TO ASK HER/HIM what can I expect next after this? This shows
your interest to the work

BRING:

Resume
TOR .Orig and Photocopy
ID
Pencil
Ballpen
Scratch paper

HOW TO REACH ROBINSONS PIONEER MALL


From South
Take Cubao Bus at sabihin sa konduktor Pakibaba kayo sa Pioneer Malalaman
nyong malapit na kayo IF
1. Sumisigaw na ang konduktor ng Estrella/ Guadalupe
2. Nakadaan na kayo sa Tulay ng Guadalupe / down there is ilog pasig, please
see the screenshot
Kung maligaw kayo madaming taxi!!!
From North:

Basta makarating ka ng kahit anong MRT station, sakay ka ng tren, baba kang Boni
Station. Kung takot ka naman sa madalas masira na MRT, dun ka sa mas safe
,sakay ka ng bus, byaheng alabang/boni/Guadalupe, tanong mo kung bababa ba
yun ng Boni, tapos pababa ka na lang sa konduktor sa Pioneer.
Ilog PASIG

Robinsons
Pioneer
GUADALUP
E

BUENDIA
MAKATI

MAGALLAN
ES

Yung HR office ay nasa loob ng ng Robinsons Forum. 3 rd floor. Kapag maaga, sarado
pa yun, kaya sa parking lot sa baba yung daan dun, ipagtanong mo lang, paglagpas
lang yun ng starbucks may pinto na may hagdan pababa,tapos lakad ka, makikita
mo yung pinto na may elevator sa loob, sabihin mo sa bantay na sa Accenture ka
kamo. Or i-text mo ko, turo ko sayo.

BTW my referral id/ entrep id is glenn.p.austria


Contact: 09367248304

GOODLUCK AND GOD BLESS!!!

Você também pode gostar