Você está na página 1de 1

Kaugaliang sali't saling sabi

Ang kaugaliang sali't saling sabi o kaugaliang pabigkas ay isang paraan ng paglilipat o
paghahatid ng kasaysayan, panitikan, o batas magmula sa isang salinlahi papunta sa kasunod na
salinlahi sa loob ng isang kabihasnan na walang ginagamit na sistema ng pagsusulat, bagkus ay sa
pamamagitan lamang ng pagbigkas, pagsambit, pagsasabi sa pamamagitan ng bukambibig, o
pabigkas na pagkukuwento, paglalahad, o pagsasalaysay at pag-uusap. Isang halimbawa ng
pinagsamang katangian ng pasabi o pabanggit na panitikan at sinasabing kasaysayan, bago pa man
ito naisulat, ay ang panulaang Homeriko ng Iliada at ng Odisea.
Ang kaugaliang sali't saling sabi ay isang materyal at mga kaugalian o tradisyon na pangkalinangan
na inililipat sa pamamagitan ng pagsasalita lamang magmula sa isang salinlahi papunta sa isa
pa. Ang mga mensahe o testimonya (patotoo o salaysay) ay inililipat na pasabi sa pamamagitan ng
talumpati o awit at maaaring magkaroon ng anyo, bilang halimbawa ng mga kuwentong-bayan,
mga kasabihan, mga balada, mga awitin, o mga kanta. Sa ganitong paraan, maaaring magawa ng
isang lipunan na mailipat ang kasaysayang sali't saling sabi, panitikang sali't saling sabi, batas na
sali't saling sabi at iba pang mga kaalaman patawid na papunta sa mga salinlahi na walang sistema
ng pagsusulat.
Ang isang mas makitid na kahulugan ng kaugaliang sali't saling sabi ay paminsan-minsang
naaakma. Maaari ring bigyan ng diin ng mga sosyologo ang isang pangangailangan na ang materyal
ay karaniwang pinanghahawakan ng isang pangkat ng mga tao, sa loob ng ilang mga salinlahi, at
maaaring ipagkaiba ang kaugaliang pasabi mula sa isang testimonya o kasaysayang pasabi. [4] Sa
pangkalahatang diwa, ang "tradisyong pasabi" ay tumutukoy sa transmisyon ng materyal na
pangkultura sa pamamagitan ng pagbigkas o pabadya, at matagal nang pinanghahawakan bilang
isang susing panglarawan ng kuwentong-bayan (isang pamantayan na hindi na mahigipit na
pinanghahawakan ng mga polklorista). Bilang isang disiplinang pang-akademya, tumutukoy ito sa
isang pangkat ng mga bagay at isang pamamaraan kung saan pinag-aaralan ang mga itoang
pamamaraan ay maaaring tawagin sa pamamagitan ng sari-saring "teoriya ng kaugaliang sali't
saling sabi", "ang teoriya ng Kumposisyong Oral-Pormulaiko" at ang "teoriyang Parry-Lord" (mula sa
dalawang tagapagtatag nito). Ang pag-aaral ng kaugaliang pabigkas ay kaiba mula sa disiplinang
akademiko ng kasaysayang pabadya (kasaysayang pabigkas), na isang pagtatala ng mga alaalang
personal (pansarili) at mga kasaysayan ng mga nakaranas ng kapanahunan o kaganapang
pangkasaysayan. Naiiba rin ito magmula sa pag-aaral ng oralidad, na maaaring bigyan ng
kahulugan bilang kaisipan at pagpapadama nitong pabigkas sa loob ng mga lipunan kung saan ang
mga teknolohiya ng literasya (natatangi na ang pagsusulat at paglilimbag) ay hindi pangkaraniwan
sa karamihan ng populasyon.

Você também pode gostar