Escolar Documentos
Profissional Documentos
Cultura Documentos
Pagsusuri Sa Pelikulang 'Everything About Her'
Pagsusuri Sa Pelikulang 'Everything About Her'
ni Joyce Bernal
Buod ng Pelikula
Nagsimula ang pelikula sa pagpapakilala kay Vivian Rabaya bilang
isang real estate mogul na puno ng kagalingan sa kanyang larangan.
Ipinakita ring kahit ganoon siyay itinatago pa rin naman siyang kabutihan
dahil bago siya um-attend sa isang awards night ay dinaanan niya muna
ang mga batang nagbebenta ng sampaguita sa kalye upang makipag-usap
at makilala ang mga ito.
Nang siya ay nasa paanan na ng building na pinagdarausan ng
awards night, bigla siyang natumba.
Ipinakilala naman si Jaica na isang determinadong nurse na kahit
minsan ay may pagkataklesa at insensitibo ay pinapahalagahan pa rin ang
kanyang pamilyat trabaho. Habang nasa elevator patungo sa floor na
kanyang pinagtatrabahuhan, tinawagan siya ng kanyang pinsang si Boy at
sinabi nitong nakakain daw ng sabon ang kanilang alagang asong tinatawag
nilang Nanay. Nang makarating sa palapag na kanyang pupuntahan, kaagad
siyang nagbihis at nagtrabaho. Matagumpay nilang na-revive ang
pasyenteng kanilang hina-handle.
Binigyan siya ng panibagong assignment ng kanilang doktor dahil
alam nito ang kapabilidad nitong gawin ang mga bagay na yun. Pagdating
niya sa kanila, naabutan niyang nakikipagsagutan si Boy sa kanilang
kapitbahay dahil sa utang niya rito. Nang humupa ang tensyon, kaagad na
pinuntahan ni Jaica si Nanay. Nadatnan niya itong nakahiga kaya kinausap
niya saglit.
ina. Nagmakaawa siyang pumayag na sa gusto ng ina nito dahil kung hindi
ay matatanggalan ang nurse ng lisensya. Sa pagpipilit niyang tulungan ng
binata, hindi sinasadyay nasabi niyang kahit virginity niyay ibibigay niya
rito para lang mapapayag ito. Nabigla si Albert nang malamang birhen pa
pala ito ngunit kaagad na sinabi ng babae na isikreto lamang ito ng lalaki.
Napapayag ito ni Jaica.
Habang tulog si Albert sa silid nito, pumasok si Vivian at pinagmasdan
ang anak. Nagbalik sa kanyang alaala ang nakaraan. Noong panahong
pinapili si Albert kung alin sa kanila ng kanyang ex husband ang pipiliin
nitong makasama at pinili ng bata ang ama nito dahil ito lamang ang nagaaruga sa kanya. Napaiyak si Vivian sa alaalang iyon.
Nang palabas na siya sa kwarto ni Albert, nakita siya ni Jaica at
tinawag siya nito. Kaagad siyang nagtago dahil baka makita ng nagising
nang si Albert. Nagpacute na lang si Jaica kay Albert para mapagtakpan si
Vivian.
Kinabukasan, nagpahanda ng breakfast si Vivian. Nang makababa si
Albert, inanyayahan siyang kumain ng kanyang ina. Tinanong siya nito kung
ano paborito niya pa ba ang tapa subalit napatda siya nang malamang hindi
pala sanay na mag-almusal ang kanyang anak. Nagpaalam na ito dahil
meron pa raw itong meeting. Sinundan ni Jaica si Albert at naabutan niya ito
sa hagdan. Muntik na siyang mahulog kung hindi lang sana siya nasalo ni
Albert. Nagpasalamat si Jaica sa pagpayag ni Albert sa kanyang pagpipilit.
Sa presentasyon ni Albert sa kanyang plano para sa subdivision, hindi
naiwasang magkaiba sila ng plano ni Vivian. Gusto ni Albert na gumawa ng
glass clarestroy windows sa bawat bahay subalit sinalunga ito ni Vivian.
Ipinaalala nitong mahal ang steel at glass sa Pilipinas. Sinabi naman ni
Albert na makakatipid sila sa pagdaan ng panahon dahil hindi na
kakailanganin ng home owners na buksan ang ilaw kapag may araw.
Sa bahay, nag-usap saglit sina Jaica at Albert. Napansin ni Albert ang
green hair ni Jaica sa isang bahagi ng ulo nito. Sinabi ng dalaga na simbolo
yun ng pagrerebelde sa sistema ng pamahalaan, sa pamilya, sa problema.
Habang nasa trabaho, tumawag ang ama ni Albert at tinanong siya
ng kanyang ama tungkol sa ina nito subalit wala itong maisagot. Nagtanong
din ito kung gusto nitong mag-extend ng stay subalit sinabi nitong aalis siya
na tulad ng pinlano niya.
Nadatnan niya si Jaica na nagpapractice ng British accent. Ipinaalam
ni Albert kay Jaica na aalis na siya at babalik na sa US. Nabigla si Jaica.
Nagkausap sila at nabanggit ni Albert na maganda si Jaica. Ipinatawag ni
Vivian ang dalawa at pinapanhik sa rooftop ng building.
Takot man sa heights ay walang nagawa si Jaica kundi sumakay dahil
nagmamadali si Vivian sapagkat may importante itong meeting sa Tagaytay.
Hinawakan ni Albert ang kamay ni Jaica bilang suporta at napansin ito ni
Vivian. Yinayakap ni Albert si Jaica sa buong byahe nila dahil sobrang takot
ito sa mga nakikita nito.
Pagdating sa Tagaytay, pinagalitan ni Vivian ang isa niyang
empleyado dahil hindi successful ang deal na iniatas nito sa lalaki. Sinabi ni
Albert na dapat ay hindi pinahiya ni Vivian ang lalaki sa harap ng marami.
Nang makalabas si Albert, tinanong ni Vivian si Jaica kung may gusto
ba ito sa anak niya. Inamin ni Jaica na crush niya ito subalit kaagad naman
itong pinutol ni Vivian. Nagtanong din ang babae kung may sinasabi ba ang
anak nito tungkol dito kay Jaica na hindi nito alam. Sinabi ni Jaica na gusto
nang umalis ng lalaki. Samantala, nagsaliksik si Albert tungkol sa sakit ng
ina. Naratnan siya ni Jaica sa labas. Nagbigay ng updates sa kalagayan ni
Vivian ang dalaga kay Albert.
Habang nagsasalita si Jaica, hindi maiwasang mapangiti ni Albert
dahil nag-i-English sa kanya ang babae. Nagtanong sa kanya si Albert at
binigyan siya nito ng dalawang minuto para sumagot. Nabigla naman si
Jaica kaya sumagot na lang siya. Sinabi ni Albert na hindi ito papasa sa
IELTS nito kung saka-sakali. Dumipensa naman ang dalaga na hindi ito
nakapaghanda sa tanong ng binata. Napatunayan ni Albert kung gaano
kamahal ni Jaica ang kanyang pamilya dahil sa dasal nito nang nasa
chopper pa lang sila at dahil na rin sa sagot nito sa kanyang tanong.
Napansin ni Albert na hindi kasali ang ina ng dalaga sa mga binanggit niya.
Nalaman din ng lalaki na walang nobyo ang dalaga.
Kinabukasan, napagpasyahan ni Vivian na hwag nang magchopper
pauwi sa Maynila. Sa huliy si Albert ang nagmaneho sa sasakyan nilang
tatlo. Dumaan ang tatlo sa LOpera upang mag-almusal doon. Habang nasa
LOpera, nagkukunwang binabasa ni Albert ang pahayagang nasa harap nito
upang maiwasan ang kanyang ina.
Napansin ni Jaica ang kagustuhan ni Vivian na makausap ang anak
nito kaya pinayuhan niya nang palihim na magkunwa itong nabulunan ng
kanin upang tulungan siya nito subalit nang pasubo na si Vivian, nagpaalam
naman si Albert na pupunta sa comfort room.
Habang nasa daan pauwi, gustong gustong yakapin ni Vivian mula sa
likod ang kanyang anak subalit natatakot siyang ipagtabuyan lang nitong
muli tulad noong bata pa ito.
Pagdating sa silid niya, inamin ni Vivian kay Jaica na hindi na niya
alam kung ano ang gagawin niya para lamang bumalik sa kanya ang
kanyang anak. Pinauwi muna ni Vivian ang dalaga sa pamilya nito upang
makasama niya ang mga ito subalit nagdalawang isip ito. Sa huli ay wala
siyang nagawa kundi sumunod sa utos nito.
Pinatikim ni Jaica sa kanyang pamilya ang mamahaling cake na nabili
niya. Dumating ang kapatid niyang si Jewel at masayang ibinalita na
darating daw ang kanilang ina upang dumalo sa graduation nito.
Nakipagkita si Albert sa lalaking pinahiya ni Vivian. Nalaman niyang
may punto rin naman ang ina nito. Samantala, inayusan ni Jewey si Jaica
upang mapansin siya ni Albert. Dumating si Boy na nagbalitang nahanap na
raw nila si Nanay subalit wala naman pala ito sa lugar na sinabi ng kanilang
mga kapitbahay.
Nadatnan ni Jaica si Vivian na namimilipit sa sakit at pinapaalis ang
mga kasambahay nitong nasa kanyang silid. Dumating si Albert at
nagtulungan silang dalawa upang magamot ang ina nito. Nang utusan ni
Jaica si Albert na kunin ang gamot ni Vivian, nagtanong si Albert kung yung
pangcancer ba ang kukunin o hindi. Narinig ito ni Vivian kaya
pinaghahampas niya si Jaica kahit pa kalong-kalong siya nito.
Naawa si Albert sa naging kalagayan ng ina subalit umalis pa rin siya.
Hindi niya kayang makitang nasa ganoong kondisyon si Vivian.
Napagpasyahan niyang umalis na dahil hindi niya kayang maatim ang
katotohanang iiwanan na naman siya ng kanyang ina tulad ng ginawa nito
nang bata pa lamang siya. Mabilisan siyang nagmaneho kaya hinabol siya
ng isang road officer. Sa galit niyay sinuntok niya ang salamin ng sasakyan,
dahilan kaya nabasag itot nasugatan siya. Sa bahay naman, nang
magising ay patuloy ang pag-aalala nina Vivian at Jaica dahil hindi
sumasagot sa tawag si Albert.
Lumabas si Vivian ng bahay at napag-usapan nila ang ginawang pagamin ni Jaica sa sakit ng babae sa anak nito. Gayun pa man, nagpaliwanag
si Jaica na kaya niya ito nagawa ay dahil sa tingin nitoy yaon ang
makakatulong kay Vivian. Nabaling ang usapan sa usaping pamilya at
nalaman ni Vivian na tulad ni Albert ay lumayo din ang ina ni Jaica, na
iniwan sila upang magtrabaho, hindi upang maging nanay nila.
Sa huliy hindi nagawang tanggalin ni Vivian sa serbisyo si Jaica.
Kinabukasan, nagpunta si Vivian sa trabaho na lulan ng wheelchair.
Ipinaalam niya sa lahat ang tungkol sa sakit niya. Gayun pa man, nanatili
siyang matigas sa paninindigang dapat ay panatilihin ng kompanya ang
pamamayagpag sa larangan nito.
Umiiyak niyang sinabi kay Leo na ayaw tanggapin ni Albert ang alok
ng kompanya. Samantala, pinagsabihan ni Jaica si Albert sa telepono na
huwag na huwag nitong iwan ang ina nitong nangangailangan dito. Narinig
siya ni Vivian at sinabi nitong hayaan na lamang nilang makaalis ang anak
nito upang hindi siya nito makitang mamatay subalit sinabi ni Jaica na hindi
pa tapos ang laban, na hindi mamamatay ang babae dahil patuloy nilang
lalabanan ang cancer na meron ito.
Napaiyak ang babae at niyakap niya si Jaica ngunit sa kalaunay
nawalan ng lakas si Vivian at kaagad siyang isinugod sa hospital. Habang
nakaratay sa hospital bed, dumating si Albert. Sinumbatan niya ang
kanyang ina sa pagpili nito sa trabaho kaysa sa kanya. Labis-labis ang pagiyak nito. Pinakiusapan niya ang kanyang ina na huwag siya nitong iwanan
ulit. Nagpasalamat si Jaica kay Albert dahil sa pagbabalik nito.
Tumawag si Jaica sa kanyang ama at itinanong kung bumabalik na ba
ang nanay niya. Umiyak siya kaya tinanong ng ama niya kung ang aso pa ba
o ang totoo na nyang ina ang kanyang tinutukoy.
Graduation ni Jewel. Malungkot ito dahil hindi dumating ang ina nila.
Isa-isang nagsialisan ang kanyang mga kapatid. Tinawag niya ang mga ito
at pinagalitan dahil sa pag-asa ng mga itong darating pa rin ang kanilang
ina. Inutusan niya ang mga ito na umupo at kumain ng pansit bilang
selebrasyon kahit pa man nasasaktan ang kanyang mga kapatid.
Nang dumating sa bahay nina Vivian, tinanong siya ng babae kung
kamusta ang pagtatapos ng kapatid nito. Sinabi niyang hindi dumating ang
kanilang ina tulad ng inaasahan ng mga ito. Sinabi ni Vivian na baka abala
lang talaga ito sa trabaho. Pinayuhan siya ni Vivian na tawagan ang
kanyang ina. Binigyan din ni Vivian ng scholarship si Jewel sa kahit na anong
unibersidad sa Pilipinas.
Nakipagvideo chat si Jaica at ang kanyang ina at silay nagkaiyakan.
Nagkapatawaran din sina Albert at Vivian.
Ipinaalam ng doktor na malala na ang sakit ni Vivian, na hindi na ito
kayang lunasan ng kahit na anong gamot. Sinabi rin nitong isang buwan na
lang ang itatagal ng buhay ni Vivian. Sinabi ni Albert na may marami pang
opsyon dahil may mga nasaliksik siya dati tungkol dito subalit huli na dahil
hindi na pala applicable ang mga iyon.
II - Mga Reaksyon
A. Sa mga Nagsiganap
1. Vilma Santos Magaling na magaling talagang umakto si Vivian.
Sa tingin koy wala nang makakahigit pa sa pag-arte niya dito
bilang si Vivian. Akmang-akma sa kanya ang papel na ito. Hindi
niya kailangang mahirapan sa pag-arte hindi tulad ng ibang mga
komedyante na kapag binigyan ng seryosong eksena o di kayay
mga seryosong artista na kapag binigyan ng katawa-tawang
eksena, ay makakaramdam ng hirap at magiging uncomfortable.
Iba ang napanood ko kay Vilma, para sa akin ay magaan lang ang
4. Michael de Mesa May nabasa ako sa isang site na bakla raw ang
papel ni Leo rito kaya nagtaka ako dahil hindi ko naman
masyadong nakita ang kabaklaan ni Leo sa pelikulang ito. Siguroy
bakla rin naman siya ngunit kloseta lang. Kung ano man, sanay
naipakita nang maayos ni de Mesa ang katauhang yaon ni Leo.
2. Romantisismo
Sa pelikulang ito ay mapapanood ang
pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak na matagal na
nawalay sa kanya. Liban pa rito, makikita rin sina Jaica, Jewey,
Jared at Jewel na patuloy na umaasang babalikan pa rin sila ng
kanilang ina. Nauwi rin sa kasalan ang samahan nina Albert at
Jaica dahil nalaman nilang mahal pala nila ang isat isa.
prinsipyo ni Jaica dahil siya ay isang positibong tao. Ayaw niyang sumuko sa
kahit na anong problema.
Bisa sa Damdamin Kapag mahal mo ang isang tao, mapapatawad mo
ito. Sa hulihan ng araw, pagmamahal pa rin ang mananaig. Hindi mahalaga
kung gaano kalaki ang kasalanan ng isang tao sa yo. Kung mahal mo siya,
mahal mo siya. Matuto kang magpatawad lalo pat mahal ka rin naman pala
ng taong ito.
Bisa sa Kaasalan Sa panonood ng pelikulang ito, hindi ko naiwasang
maisip na hindi pala lahat ng mga taong may ipinapakitang kabangisan ay
masasama. Kagaya na lamang ni Vivian na sa simulay stupida ang paningin
kay Jaica. Dahil may itinatago rin pala siyang kabutihang loob.
Bisa sa Lipunan Maganda ang prinsipyo ni Vivian. Isa siyang huwarang
CEO. Iniisip niya ang kapakanan ng kanyang mga empleyado dahil para sa
kanya, silang mga nasa ibaba ang mas nahihirapan at hindi
napapahalagahan ang pagpapakahirap ng mga ito kaya naisipan niyang
magpatayo ng subdivision para sa mga ito. Sa isang bansang tulad ng sa
atin ngayon, isang bansang talamak ang mga namumunong sugapa at
malulupit, kailangan natin ng katulad ni Vivian na mistulay masama sa
unang tingin subalit kapag tinignan ng maigi ay mapapansing isa palang
anghel.
Bisang Pangmoral Hindi dahil gumagamit ng mga bulgar na salita si
Vivian ay masama na agad ang pagkatao niya dahil hindi lahat ng taong
nagmumura ay masama at hindi lahat ng taong hindi nagmumura ay
mabuti.