Você está na página 1de 4

Suring Pelikula ng Nobela

“Dekada ‘70”
Panulat ni: Lualhati Bautista
Directed by: Chito Rono

Mga Bahagi:

I. Mga Tauhan:

Amanda Bartolome (Vilma Santos) – Ina


Julian Bartolome (Christopher de Leon) - Ama
Jules (Piolo Pascual) - Panganay
Isagani (Carlos Agassi) - Pangalawa
Emmanuel (Marvin Agustin) - Pangatlo
Jason (Danilo Barrios) - Pang-apat
Bingo (John W. Sace) - Panglima

II. Mga Tagpuan:

III. Mga piling pahayag ng mga tauhan mula sa pelikula

Ang pagsisiwalat ni Amanda ng mga taong may karapatang ipagtanggol ang sariling kalayaan at
papano ipaglaban at maparamdam ang mga hinaing ng mga mamayan bilang Pilipino.

IV. Buod

Kalagitnaan ng Dekada ‘60

Nag-away si Isagani at ang kanilang kapit-bahay. Nagsuntukan sila hangang sa inawat na sila ng
kanilang ina. Nag-aaway lang naman sila tungkol sa tipaklong.

1970

Naihalal si Ferdinand Maros bilang pangulo ng Pilipinas. Nagkaroon ng isang “prom” sina
Isagani at Jules sa kanilang musika.
Habang papauwi sila ay nadaanan nila ang mga nag-aapoy na mga karatula, nakakalat na mga
tsinelas at nakakalat na ang mga papel na parang dinaanan ng bagyo. Maraming medya ang
dumating at mga naglilinis para maayos ang kalsada.

1971

May isang babaeng loyalistang sumisigaw at naghihikayat sa mga estyudyanteng makisama sa


kilusan at ipaglaban ang karapatan.
May lumalabas na testigo na siyang nakasaksi sa mga pangyayaring pagpapahirap sa kanila ng
mga sundalo, lalo na sa isang matandang pinagsusuntok at buntis na kinaladkad. Dinala nila ito sa
kulungan kaysa sa ospital. Nabuwag ang mga samahan ng mga sundalo kaya pinagpilitan silang
saktan at bugbugin ang mga tao.
Pagdating sa bahay nina Jules ay pinagsabihan sila ng kanyang ama na huwag ng sumali pa uli
sa mga samahang iyan, alalang-alala si Amanda.
Naging halimbawa ni Julian si Charlie del Rosario na lider ng isang samahan, hanggang ngayon
hindi parin nakikita ang bangkay. Gayundun su Juan de la Ruiz, Pilipinong ipinako sa krus s autos
ng mga kano. At ginaya din ni Marcos. Nagsadula ang grupo nina Jules na nagpapakita na laruan
lang si Marcos ng mga Amerikano.
Gumawa si Jules ng saranggola para kay Binggo, na ang gamit ay lathalain ng bayan.

1972

Setyembre 21, 1972, nagdeklara ang Pangulong Marcos ng Martial La. Maraming batas ang
ipinatupad ng pamahalaan, ang pagkakaroon ng “curfew”, limitado na pagpasok sa paaralan at ang
pagbibiyahe. Lahat ng mga lathalaing pambayan at ang mga nakasulat na paghihimagsik ay unti-
unti itong binubura.
Ikinasal si Isagani kay Evelyn dahil nabuntis niya ito.
Nang umuwi si Jules ibinalita niya sa kanyang ina na patay na si Billy. Nahuli ito at pinahirapan.
Lahat ay ginagawa nila kay Billy, at halos durog-durog na ang katawan nito.
Nagsimulang mag-impake si Jules sa plano niyang pagpunta ng Bicol. Pinigil siya ng kanyang
ina pero tumuloy pa rin ito. Nadatnan na lamang ng buong pamilya na wala na si Jules at sulat na
lamang ang naiwan.

1973

Nanganak si Evelyn. Babae ang naging anak nila. Pag-uwi nila galling ospital ay may sulat na
dumating galing kay Jules. Akala ni Amanda aypara sa kanya ngunit kay Isagani ito nakapangalan.
Sumama ang loob ni Amanda sa sinulat ni Jules, kaya niligpit niya ang lahat ng gamit nito at
ibinigay niya ang kwarto nit okay Jason.
Naging “Navy” si Isagani at aalis ito papuntang ibang bansa. At naghiwalay sina Isagani at
Evelyn subalit sila ay magkaibigan pa rin.

1974

Habang natutulog ang pamilya, may narinig si Amandang kumakatok sa kanilang gate. Si Jules,
may kasamang sugatan. Pinagamot nila ito.
Sinalaysay lahat ni Jules ang lahat ni pagpapahirap at hirap na dinanas niya sa paghihimagsik.
Umalis si Jules at iniwan ang kanyang kaibigan sa pangangalaga ng kanyang pamilya. At pinatira
nila ito ng ilang araw sa kanilang bahay. Tinanong niya ito kung anu-anong tanong dahil sa pag-
aalala sa kanyang anak.

1975

Maraming bisita dahil kaarawan ni bingo. May nagustuhang dalagita si Jason. Sinundan niya ito
ngunit hindi siya pinansin.
Isang araw ay muling nagkita si jules at ang kanyang ina sa isang kainan subalit hindi niya ito
pinagsalit dahil nasa publikong lugar ang mga ito.
Sa kanilang paglalakad ay isinalaysay niya lahat sa kanyang ina ang naging buhay sa samahan.
Nagkaroon siya ng asawa na si “Maria” at nagkaanak. Mahigit sa isang taon na sila.

1976

May nagdatingang alagad ng batas at hinahanap si Jules dahil sa posisyon niyang mataas
political officer sa samahan, nagpresenta ng warrant of arrest ang mga pulis. Tinuro ng taong
kinukupkop nila kung saan nakatira si Jules. Hinalughuog nila ang bahay ngunit wala silang nakita,
subalit halos mawasak naman ang kanilang bahay.
Nhuli ng mga pulis si Jules. Dinalaw agad siya ng kanyang pamilya. Halos hindi na maipinta
ang mukha nito dahil sa sobrang sugat na natamo at halos hindi na siya makalakad.
Sinalaysay niya lahat ng dinanas niyang hirap. Pinipilit siya na sabihin ang kanyang nalalaman.
Kinuryente, binugbug at ikinulong siya sa isang kwartong puno ng yelo na walang saplot sa
katawan. Nabuhay siya dahil sa sariling prinsipyo at paninindigan nito para sa kanyang pamilya at
bayan.
Pagsapit ng Pasko ay ipinaliwanag nila ito sa kulungan kasama si Jules. Si Jason ay lalakad rin
ngunit hindi siya pinayagan.
Pumunta sina Amanda at Emmanuel sa mga madre upang humingi ng tulong para sa kaso ni
Jules.
Isang gabi ay may tumawag, si Amanda ang nakasagot at sinabing nawawala si Jason.
Pinuntahan niya ang silid nito ngunit wala. Hinanap nila sa iba’t-ibang presinto ngunit wala,
hangang sa naroon ang pangalan nito sa mga listahan na na-irelease na. Pero hindi parin alam kung
nasaan ito. Sobrang alalang-alala at nagpa-panic na si Amanda sa nagyayari sa kanyang anak. Hindi
pa rin ito nakakabalik, hanggang sa may nabalitaan si Emmanuel na may isang binata na puno ng
saksak sa katawan ang natagpuan at iniwan lang sa isang basurahan.
Naglakad sa ulan si Emmanuel pauwi sa bhay nila at sinabi kung ano ang nalaman niya.
Pinataynga si Jason at siya nga binatang iyon. Hindi ito natanggap ng kanyang ama lalo na si
Amanda. Sinabi ni Bingo ang dahilan ng kanyang pag-alis sa bahay nila. Ito ay dahil sa hindi
pagsipot nito nong pasko sa kanyang kasintahan na si Bernadette, na dapat ay ipakikilala niya sa
kanyang magulang at kamag anak, dahil hindi siya pinayagan. Hiniwalayan siya ni Bernadette.
Sinisisi ni Bingo ang kanyang sarili dahil inaasahan siya ni Jason na siya ang magsasabi ngunit
hindi niya nagawa.
Nagkaroon ng hindi pag-uunwaan sina Julian at Amanda. Pinagsabihan niya si Amanda na puro
sa panganay na anak lamang nakatuon at hindi na binibigyan ng pansin ang iba.
Isiniwalat ni Amanda kay Julian na halos buong buhay niya ay nais niyang iparamdam sa
kanilang lahat na pantay-pantay ang pagmamahal, pag-aalaga, at pagbibigay atensyon.
Gustong makipaghiwalay ni Amanda dahil gusto na rin niyang makawala sa mahigpit na
pagkakatali sa kanya ng kanyang asawa. Gusto ni Amanda na maipagmalaki rin niya ang kanyang
sarili bilang isang babae, asawa, ina at mamayan ng bansang Pilipinas.
Habang nag-iimpake, pinigil ni Bingo ang kanyang ina na huwag na muna ngayon dahil
nakalaya na si Jules.
Sinundo nila ito. Nagkaroon sila ng malaking salu-salo sa pagdating ni Jules. Nang matapos ang
kasayahan, naiwan si Amanda at Julian sa labas. Nagpasalamat si Julian kay Amanda at napag-isip-
isip niya na tama lang ang atensyon na ibinibigay ni Amanda sa kanilang mga anak. Naramdaman
niya na tama rin ang ginawa ng kanyang anak. Kung puwede lang ay maghihigante siya sa
karahasang ginawa ni Pangulong Marcos sa mga Pilipino at lalo na sa dalawa niyang anak.
Muling kinanta ang pambansang awit sa isang theatro sa pamumuno ni Emmanuel habang
nakasara ang palad at nakataas ang kanyang kamay sa pag-awit nito.

1983

Binaril at namatay si Benigno Aquino. Maraming mga Pilipino ang nakiramay at dumamay
habang ang bangkay ay nasa gitna ng simbahan. Ang pamilya nina Amanda at Julian ay nakiramay
din at natanto nila ang kabayanihan ni Aquino para sa bayan.
Nagpatuloy ang himagsikan laban sa pamamahala ni Pang. Marcos. Marami ang humingi ng
hustisya sa pagkamatay ni Aquino at lalo na sa mga taong inabuso at pinahirapan ng mga kawal ni
Marcos na walang kapatawaran. Tuloy pa rin ang laban sa kalayaan.

V. Mga Puna

• May-Akda
• Mga Tauhan
• Sitwasyon at pangyayari
• Banghay/pagkakasunod-sunod ng pangyayari
• Mga positibo/negatibong pag-uugali ng pelikula
• Pangkalahatang Impresyon

Você também pode gostar