Você está na página 1de 4

Unang Markahan

Petsa: ______________

Oras: ___________________
___________________

I.

LAYUNIN
Nakikilala ang mga uri ng nota ayon sa komposisyon

II.

PAKSANG ARALIN
A. Paksa:
Pagkilala sa Iba-t-ibang Uri ng Nota sa Komposisyon
B. Lunsarang Awit:
MU5RH Ia-b-1.1
Lupang Hinirang; G, , do
Inday Kalachuchi; C, , fa
C. Kagamitan: pitch pipe, flashcards ng nota, iskor ng awitin
D. Pagpapahalaga: Pakikiisa
E. Konsepto: Sa masusing pagsusuri sa mga simbolo
ng musika
maipakikita ang kaugnayan ng ibat-ibang tunog at
mga simbolo sa mga mag-aaral, paglikha, pagsusulat,
at pagtatanghal ng awit

III.

PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
a. Rhytmic
Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern ayon sa sukat

b. Tonal
Ipaawit ang Lupang Hinirang. Bigyang pansin ang tamang titik
at tono. Ipaalala ang maayos na pag-awit tulad ng tamang pagupo, hindi pagsigaw, at paghinga buhat sa diaphragm sa halip
na sa dibdib.
2. Balik-aral
Ipadyak ang beat. Ipalakpak ang rhythm. Bigkasin ang chant

Meet me at the gar-den


If

Im late

2
4
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak

dont

gate

wait

Ipasuri ang iskor ng awiting Inday Kalachuchi


Ipabasa sa klase ang titik ng awit

2. Paglalahad
Iparinig ng guro ang awiting Inday Kalachuchi
Ituturo ang awitin sa klase
Awitin ang Inday Kalachuchi
3. Pagtalakay
Napansin mo ba ang mga simbolo at sagisag na bumubuo
sa notasyon? Ano ang tawag sa mga ito?
Ilang uri ng nota ang makikita sa awiting Inday Kalachuchi?
(May apat na uri ng nota ang makikita sa awitin)
Isulat/iguhit ang mga uri ng nota na ginamit sa awitin.
Batay sa inyong pag-awit, aling nota ang pinakamahaba ang
tunog? Alin naman ang katamtaman?
May mahaba at maikling tunog sa isang awitin dahil sa mga
uri ng nota na ginagamit.
Narito ang larawan ng ibat-ibang uri ng nota basahin at pagaralan mo.
-

buong nota (whole note)


hating nota (half note)
kapat na nota (quarter note)

waluhing nota (eighth note)

kalabing-anim na nota (sixteenth note)

4. Paglalapat
Tumingin muli sa notasyon ng Inday Kalachuchi. Tukuyin ang mga
nota na ginamit sa notasyon. Ipalakpak ang bilang ng kumpas.
Halimbawa:

kapat na nota (quarter note) = kumpas


kapat na nota (quarter note) = 1 kumpas
hating nota (half note) = 2 kumpas

buong nota (whole note) = 4 kumpas


Ang mga uri ng nota ay napapaloob sa notasyon ng isang awit.
5. Repleksyon
Ano-ano ang mga uri ng nota na maaring gamitin sa isang
komposisyon?
C. Pangwakas na Gawain
Awitin muli ang awit habang ipinapalakpak ang ritmo nito.
IV.

PAGTATAYA
Pag-aralan ang notasyon ng awiting Bahay Kubo at sagutin ang
sumusunod na mga tanong.
BAHAY KUBO

1. Anong uri ng nota na ginamit sa unang sukat ng awiting Bahay Kubo?


2. Masdan ang ikaanim na sukat ng awitin. Anong uri ng nota ang ginamit
dito?
3-4 Ano ang dalawang nota na pinagsama upang makumpleto ang
ikapitong sukat ng awitin?
5. Ilang uri ng nota ang ginamit sa pagbuo ng komposisyon?
FTR: ____5

____4

____3

____%

____2
V.

____1

____0

TAKDANG ARALIN
Pag-aralan ang awiting Inday Kalachuchi. Lagyan ng kaukulang bilang
ng kumpas ang bawat nota.

Você também pode gostar