Você está na página 1de 2

Gregorio Hilario del Pilar y Sempio

I. Kapanganakan
A. Kailang: Ika 14 ng Nobyembre, 1875
B. Saan: San Jose, Bulacan
C. Pangalan ng Ama: Fernando H. Del Pilar
D. Pangalan ng Ina: Felipa Sempio
II. Edukasyon
A. Kolehiyo: Ateneo Municipal de Manila
B. Natapos: Bachelor de Artes
III.Posisyong Hinawakan
A. Heneral
B. Tinanghal na Punong Tagapagtanggol ng Pangulo ng Pilipinas
IV. Mga nagawa para sa Bayan
A. Lumaban at naipanalo niya ang laban sa:
a. Laban ng Kakaron de Sili
b. Laban sa Mambog
c. Laban sa Paombong
d. Napasuko niya ang Ika 5 Batalyong Kastila sa Bulacan
e. Binantayan niya ang Pasong Tirad
V. Kamatayan
A. Kailan: Ika 2 ng Disyembre 1899
B. Saan: Tirad Pass

Talambuhay ni Gabriela Silang


Dati-rati tahanan lamang ang maaaring galawan ng kababaihan. Isang babaeng namuno sa
digmaan ang lumabas sa nabanggit na kalakaran. Siya si Gabriela Silang.
Ipinanganak si Maria Josefa Gabriela Silang sa Santa, Ilocos Sur noong Marso 19, 1731. Ang
ama niya na isang magsasaka ay taga-Ilocos Sur at ang ina niya na isang maybahay ay tagaAbra.
Sa di malamang kadahilanan, napawalay sa mga magulang si Gabriela bata pa lamang. Inampon
at pinalaki siya ni Padre Tomas Milan.
Beinte anyos si Gabriela nang sapilitang ipakasal sa isang mayaman subalit matanda nang
manliligaw. Nang mamatay ang asawa ay naiwan kay Gabriela ang malaking kayamanan.

Dumating sa buhay ng balo ang isang makisig, mabait at makabayang binata sa katauhan ni
Diego Silang. Limang taon ding nanligaw ang binata bago napasagot si Gabriela.
Noon ay may malaki nang problemang panlipunan ang mga Ilocano. Pwersahan silang
pinagtatrabaho at sinisingil ng pagkatataas na buwis ng mga mananakop na Espanyol. Sapagkat
taglay ni Diego Silang ang lahat ng katangian ng isang lider, siya ang naging puno ng mga pagaalsa laban sa mga mananakop. Sa lahat ng labanang pinamunuan, kasa-kasama ni Diego si
Gabriela sa pagtatanggol sa kalayaan.
Nang ipapatay ng mga Kastila si Diego ay naiwang lungkut na lungkot si Gabriela. Pilay ang
liderato ng mga Ilocano na nawalan ng isang matapang na pinuno. Si Gabriela, kasama ang mga
kabig ay nagtatakbo sa Abra. Pamuling nakuha ng mga Espanyol ang Vigan.
Kahit wala na ang asawa, hindi naduwag si Gabriela. Inisip niyang malaking responsibilidad ang
pinasimulan nilang pag-aalsa. Kung tatalikod siya ay lalong malilibing sa kamatayan ang mga
sundalo niya. Nagdesisyon s Gabriela. Itinuloy niya ang labang naiwan ng asawa. Si Gabriela na
isang babae ang sumakay sa kabayong pandigma ni Diego. Pinalakpakan siya ng lahat sa
pagiging tunay na Henerala ng labanan, nagpapakagiting sa digmaan.
Upang maparami pa ang mga sundalo niya, nanawagan si Gabriela sa mga kababayang
naninirahan sa bulubundukin ng Abra. Sa dahilang mapagkakatiwalaan siyang henerala, lahat ay
lumabang kahilera niya. Kung naitindig ng asawa niya ang kalayaan sa Vigan, itinayo ni
Gabriela ang kalayaan sa Abra na bayan ng kaniyang ina.
Sa pagnanais na muling makuha ang Vigan, pinamunuan ni Gabriela ang pagsalakay sa mga
Kastila noong Setyembre 10, 1763. Sa kasamaang palad, ang 2000 kawal niya ay hinarap ng
6000 Kastila. Matapos makipagsagupaan, nagdesisyon si Gabrielang paatrasin ang humigit
kumulang sa walumpung natirang kababayan. Bagama't talunan, hangang-hanga pa rin sa
katapangan ng henerala ang bawat Espanyol na dinigma niya.
Nakatakbo sa mga kasukalan ng Abra hanggang sa lalawigang bulubundukin si Gabriela. Ngunit
natunton pa rin siya ng mga Espanyol sa pamumuno ni Don Manuel de Arza.
Isa-isang binitay ang mga sundalong Pilipino sa tabing dagat mula bayan ng Candon hanggang
Bantay.
Bilang taluktok ng tagumpay ng mga Kastila, ipinamalita sa lahat na publikong isasagawa ang
pagbitay sa henerala. Kalmadong hinarap ni Gabriela Silang ang kamatayan noong Setyembre
20, 1763.
Iyan si Maria Josefa Gabriela Silang, maipagkakapuring Pilipina na nag-alay ng buhay sa
ikadadakila ng bansang kaniyang sinilangan.

Você também pode gostar