Você está na página 1de 1

Hidwaan nina Rizal at Del Pilar – noong pagkatapos ng 1890, nagkaroon ng hidwaan para sa

pamumuno sina Rizal at M.H. del Pilar. Bakit nagkaroon ng hidwaan?

Bilang pinuno, sinikap ni Rizal na mapuspos sa mga kababayan ang kanyang sariling idealismo.
Sa kasamang palad, hindi sang-ayon ang ilang kababayan sa kanyang idealism, dahil ang
mahalaga sa kanila’y alak, babae at sugal. Kaya tinanggihan nila ang pamumuno ni Rizal. Ilang
sa mga dating tagapagtaguyod niya’y tinalikuran din siya dahil hindi rin sila sang-ayon sa
panghihimasok ni Rizal sa kanilang pribadong buhay. Sinupurtahan nila si del Pilar.

Ang patakarang editorial ng La Solidaridad sa ilalim ng pangangasiwa ni Del Pilar ay lalong


nagpalawak ng hidwaan nila ni Del Pilar. Hindi sinag-ayunan ni Rizal at ilang malapit niyang
kaibigan ang patakarang editorial ng pahayagan dahil taliwas ito sa mga panahon na politikal ni
Rizal

Tanong: Ano ang paraan upang maiwasan ang pagkakasira nila?

Sagot: Ang mga Pilipino sa Madrid ay nagtipon noong Jan 1, 1891 Araw ng Bagong Taon, para
mapagkasundo sila nang sa gayo’ mapaigtig ang kanilang kampanya para sa reporma.

Tanong: Ano ang kanilang napagkasunduan sa pulong na ito?

Sagot: Napagkasunduan nila sa pulong na ito na ang pinuno ay tatawaging Responsible, na


pipiliin para siya mangasiwa ng mga kalakaran sa komunidad na Pilipino at siya ring
magsasaayos ng patakarang editorial ng La Solidaridad.

Tanong: Sino ang tumutol? Sa anong dahilan?

Sagot: Tinutulan ni Del Pilar ang proposisyon na ang pangangasiwa’y mapunta sa Responsible
dahil ang pahayagan ay isang pribadong gawain, gayunman pumapayag siyang maglathala ng
mga artikulong nagpapahayag ng mga aspirasyon at kahilingan ng mga Pilipino.

Napagkasunduan na ang Responsible ay ihahalal ng dalawang katlong boto ng komunidad ng


mga Pilipino

Binitiwan ni Rizal Ang Pamumuno – Ang eleksyon ay itinakda noong lingo ng Peb. 1891. Ang
mga Pilipinas ay nahati sa 2 magkakasalungat na pangkat – ang mga Rizalista at ang mga
Pilarista.

Unang araw ng eleksyon – nanalo pero wala sa 2/3 vote


Ikalwang araw ng eleksyon – nanalo pero wala sa 2/3 vote
Ikatlong araw ng eleksyon – buong pusong nakiusap si Mariano Ponce sa mga kababayan na
ihalal si Rizal.

Adios, Madrid – Sumulat si Rizal ng mga maikling liham ng pasasalamat sa mga kababayang
bomoto sa kanya bilang Responsible. Malungkot siyang nag-empake, binayaran ang mga
pagkakautang at lumulan sa tren patungong Biarretz

Você também pode gostar