Você está na página 1de 2

c  

      

OLA CHIKKA! LUNES na Lunes ay mukhang pinag-


iinit ni actress at actor itong araw ko dahil sa napaka-
walang relevance na chikka ay lumaki na nang tuluyan
itong isyu at kung sinu-sino pa ang nadamay. Ayoko na
sanang mag-comment ngunit dahil sa simpleng statement
lamang ng batang si Zaijian Jaranilla na nakita raw niya
umanong dinalaw ni KC Concepcion si Piolo Pascual sa
set ng Noah.

Eh, ano naman ang masama kung totoo ang sinasabi ng


bata? Dalaga si KC at wala namang asawa itong si Piolo
kaya bakit pa kailangan i-deny kung totoo naman. Hindi
µyung lumalabas na sinungaling ang bata at ang mga
kasamahan natin sa industriya ay lumalabas na masama
dahil sa pamimilit daw nilang interbyuhin at marinig ang
nais lamang nilang kasagutan mula kay KC kaya umabot
pa sa ekesenang banned na ang mga press sa taping ng
The Buzz at Simply KC.

Ano ba naman µyan KC? Maraming kilalang sikat at respetadong artista sa industriya ngayon,
ngunit ikaw pa lang ang baguhang nag-request ng ganyan.

Totoo man o hindi ang chikkang ito at kahit walang sense ay lumaki na lang bigla, kawawa ang
mga batang nadadamay dahil sila mismo ang naapektuhan at nadadamay. Lumalabas na tuloy na
sinungaling itong si Zaijian matapos niyang bawiin ang sinabi niyang nakita niya mismo si KC,
kundi ay narinig lamang niya sa mga staff na nandu¶n daw ang dalaga. At isa pang batang
nadamay na rin sa isyu ay itong anak ni Piolo na si Iñigo dahil nabasa ko sa isang tabloid na nag-
post daw sa Twitter ang anak niya na µwag panoorin ang Simply KC dahil bad influence daw
itong si KC.

I don¶t believe na magagawa µyun ni Iñigo kaya marahil ay hindi sa kanya ang account na µyun.
Pero this situation is going worse kaya it has to stop dahil kung sinu-sino na ang lumalabas na
masama dahil lamang sa isang simpleng eksenang pagdalaw ni KC kay Piolo, eh ano naman?
Friends kayo, µdi ba?! Pak!!
AT ANO ITONG naririnig kong chikka na ayaw na ayaw raw nitong si Judy Ann Santos na
maging mukhang kabayo ang kanyang anak?!

Ang chikka kasi ay hindi raw talaga tinitingnan ni Juday si Vice Ganda noong nagsi-shoot sila
para sa pelikulang Hating Kapatid. Ano ba naman µyun?! Ha-ha!

Pero hindi malabong magkaroon ng kabayotic looks itong anak mo dahil ang asawa mong si
Ryan ay may anggulong katulad namin, medyo may hubog! µYun nga lang, napakaguwapong
version lamang!

Ha-ha! Joke lang at baka mag-hysterical ang mga fans nitong si Juday. Peace!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong super pretty actress na napapabalitang
minamaltrato raw ng kanyang asawa. Dati nang umaalingasaw ang chikkang ito at muntik pang
mauwi sa hiwalayan ngunit naayos ng mag-asawa dahil

napakabait daw ng pamilya ng kanyang husband.

Ngunit ngayon ay mukhang umuusok na naman dahil madalas daw nakikitang balisa at mainit
ang ulo ng aktres at kung minsan ay may mga pasa pa. Naku, huh! Hindi maganda µyan. Ang
babae, dapat minamahal hindi sinasaktan kaya siguro napakagaling umarte nito dahil may
pinaghuhugutan ng emosyon.

I don¶t like the chikka, huh! Sino itong battered wife umanong actress? Hay, naku! Kapag
naghiwalay kaya sila ng husband niyang mula sa pamilya ng kilalang mga pulitiko ay mapanatag
kaya siya? Tsk, tsk, tsk« µYun na!

Ooola Chika
by Tita Swarding

Você também pode gostar