Você está na página 1de 4

Office of the Press Secretary

NEWS AND INFORMATION BUREAU


OPS-NIB Building , Malacañang Compound,  Manila

TRANSCRIPTION

  INTERVIEW WITH PRESIDENTIAL SPOKESPERSON EDWIN LACIERDA

DZMM

JULY 27, 2010

EDITED

Q:                    Atty., good morning.

 LACIERDA:   Hi Ted, Pinky. Hinahanap mo daw ako, kausap ko Cassy kanina pa eh.

 Q:                    Alam niyo ho sir, sabi ko po kanina kami po ay mapalad kasi ngayon po ay tatlo
ang maari naming tawagan. Sabi ko at least we’re lucky. Si Atty. Lacierda, si Ginoong Coloma
at saka si Ginoong Carandang. So, Atty. looking forward po after the SONA, ano po ang
gagawin ngayon ng pamahalaang Aquino, dito po sa pinagbabanggit po niya. For example po sa
MWSS at dun po for example sa NFA?

LACIERDA:   Yung sa NFA, we ‘re now going to hold a press briefing mamaya together with
NFA Administrator Lito Banayo to counter all these statements made by Congressman Arthur
Yap. With respect to possible liabilities we leave it up to the Department of Justice na
imbestigahin. In fact, sabi nga ni Leila De Lima, medyo malaking trabaho pero dapat lang pong
imbestigahin dahil sa maraming nasayang pong kaban ng bayan dun po sa mga pinagbibili na
mga supplies na nasayang lang sa kamalig. And with respect to the MWSS they’ll be also
investigated regarding these exorbitant bonuses that they received.
 Q:                    Sa madaling sabi po, hindi ito palalampasin as in meron pong mananagot. Iyon
po ang importante roon?

LACIERDA:   That’s correct. Kasi kahapon ang laki po ng nasabi ni Pangulong Aquino
maraming nasayang na pera dun sa mga ginagawa nila. So, dapat lang talagang pag-aralan at
imbestigahin at dapat may managot din sa mga nagawang katiwalian.

Q:                    Sir, he mentioned also iyon sa road user’s tax, ano ho kaya ang plano dito?

LACIERDA:   Well, that’s the same thing pag-aaralan din nila yan. Ang dami kasing
nasasayang na pera sa road user’s tax. It should really be use where it is intended. So, now, it
was found na maraming nasayang at pumunta sa ibang baluktot na daan ay dapat ay pag-usapan
din at imbestigahin din po.

Q:                    So, puro ganun, sir. Kumbaga kung ano ang inilatag niya sa kanyang State of the
Nation Address ay kailangang imbestigahan ito and charges maybe filed doon sa mga
mapapatunayang mali at siguro tiwaling mga  tao na may kaugnayan dito sa mga naging
problema.

LACIERDA:  Maybe that’s correct. It’s so warranted, it will be investigated and appropriate
charges will be filed.

Q:                    Okay, Secretary, but moving forward pagkatapos na malaman natin ito, iyong
State of the Nation Address, pagkatapos niyang ilatag ito iyong mga expose, ano ho ang next
order of the day for the President?

LACIERDA:   Well, the style of the President is really to be the CEO. He leaves it all to the
Cabinet secretaries to do their respective jobs. Tulad ng sa energy ngayong umaga merong press
briefing si Secretary Almendras tungkol naman sa status ng energy. So, all those responsible –
that’s why ang sinasabi nga ni Pangulong Aquino. Remember there was a point noong last week
na sinasabing gagawin ba siyang dapat na water czar, na parang ise-centralize ulit sa kanya ang
trabaho. Hindi ho ganun ang style ni Pangulong Aquino, he appointed responsible Cabinet
officials they are the one who should move and advance the advocacies and programs of the
President. Dun naman kay Secretary Singson, maliwanag ang trabaho niya nun maliban sa pag-
iimbestiga ng mga katiwalian. Dapat ayusin po ang mga bagay-bagay po sa daan at sa tubigan.
Gusto nga niya ng may potable water supply for all Filipinos. Iyong mga ganung mandato
binigay na po yan sa bawat Kalihim ng mga Kagawaran. Kaya mai-expect natin na nagbigay na
siya ng SONA bagamat may mga hindi nasabi dun lahat ng mga kalihim ay gumagalaw na po.

Q:                    Opo, so, sir, dito ho sa isyu po naman ng Metro Manila, totoo ho bang meron ng
turn-over po ng bagong chairman ng MMDA, sir?

LACIERDA:   Ted, you know I only seen that in the newspaper na si Mr. Francis Tolentino,
nasabi na rin ho ni Pangulong Aquino pero hindi niya na-mention iyong pangalan. I have not
received confirmation from Secretary Ochoa kasi busy nga kami. I will get that confirmation
pero kung nauna na siguro media na ho siguro ang mauuna diyan.

Q:                    Opo, pero kayo ho mismo as a spokesperson, wala pa ho kayong – hindi pa kayo
authorized to name anybody kasi wala pa ho talagang nanggagaling (interrupted)

LACIERDA:   I’ve not seen the appointment papers, Ted. So I have not been told that the
papers have been signed so I’m not in official capacity to confirm whether Mr. Tolentino has
been appointed as MMDA chair.

Q:                    Dun po sa MWSS board sir, ano ho ang balak niyo ho dun? Ito ho bang mga ito
ay may mga term ho ba? For example, sila Mahusay, itong Board of Director, sir?

LACIERDA:   Nasabi nga ho dun sa talumpati ni Pangulong Aquino na these are midnight
appointees. Number one, pag-aaralan ang status ng kanilang midnight appointments
notwithstanding that iimbestigahan whether they are midnight appointees or not. The fact that
yun ang ginawa nila noong – while sitting as a member of board of directors or trustees. Dapat
panagutan po nila kung talagang yan po ay nakatanggap sila ng sobra-sobrang daming bonus. Na
kahit palugi at malaki ang utang ng MWSS, malaki pa rin ang binibigay nila sa sarili nilang mga
bonuses.

Q:                    Opo, sige po . So, Atty., thank you for being available as always sa amin pong
tawag at bukas po siyampre kung anuman po ang takbo ng balita at meron pong kinakailangan
pong liwanagin po kami, kami po ay muling tatawag sa inyo, Atty.

LACIERDA:   Handa naman po kaming mag-appear sa inyo. Alam mo naman Ted, malakas si
Pinky sa akin.

Q:                    Thank you, sir at least malakas ako sa iyo.

Q:                    Opo, salamat. At alam ko naman sir na kung naging kasing ganda lang ako ni
Pinky baka naging malakas din po ako sa inyo. Salamat, Atty. Ha!.

LACIERDA:   Salamat, Ted. Salamat, Pinky.

                                                                                    30

/fhe/ EDITED

Você também pode gostar