Você está na página 1de 1

Ang Aking Pagtatapos

By: Jovelyn A. Ebio

Sa ating kagalang-galang na mga guro, sa ating mga magulang, sa mga


bisita na nandito ngayon, sa aking kapwa magtatapos, magandang hapon.
Ang hirap at pagsasakripisyo ng ating mga magulang ay makikita sa ating
pagtatapos.
Puno ng kagalakan ang ating mga puso ngayon. Dumating na ang
pinakahihintay na araw sa pag-ani ng ating mga pinaghihirapan.
Ang araw na ito ay araw nating lahat, ito ang wakas ng ating mga
pagsisikap, sa bawat araw nating pagpunta sa paaralan upang makamit ang
ating mga mithiin sa buhay sa loob ng maraming taon nating paggugol. Ngunit,
ito`y hindi hangganan, kailangan nating palawakin ang ating paroroonan upang
mahubog ang ating mga sarili.
Sa aking pinakamamahal na magulang, na walang sawang sumuporta at
pagbibigay sa lahat ng aking pangangailangan sa pag-aaral, na kahit minsan ay
kapos tayo sa pera upang matustusan ang pambayad sa paaralan, ang hirap na
dinanas nyo sa ilalim ng sikat ng araw, at kung ito`y tag-ulan man ay pilit paring
magtrabaho, sa wakas, ay may katumbas din.
Sa aking pagtatapos ngayon, nais ko pong pasalamatan ng boung puso
ang aking mga magulang, ma, pa, mahal na mahal ko po kayo, ang aking
tagumpay ay tagumpay nyo rin. Maraming-maraming salamat po at sa uulitin,
magandang hapon sa inyong lahat!

Você também pode gostar