Você está na página 1de 3

Atake Sa Puso

Ang Puso at Kung Paano Ito Gumagawa

Ang puso, na binubuo ng halos ng mga laman at matataguan sa gintang


bahagi ng dibdib, sa bandang likuran ng buto sa dibdib, at nakalihis ng konti
pakaliwa ay mayroong natatanging gwain upang magdala ng dugong may okseheno
sa iba’t ibang bahagi ng katwan sa pamamagitan ng sistemang arterial.

Ang puso ay may apat na bahagi ang kanang atriyum at ang kaliwang
atriyum at ang kanang bentrikulo at ang kaliwang bentrikulo na ang bawat isa ay
may sariling Gawain.

Ang may kaunting oksehenong dugo na nanggaling mula sa itaas at ibabang


bahagi ng katawan ay pumupunta sa kanang atriyum tuloy sa kanang bertikulo sa
papagitan ng balbula (tricuspid valve). Ang kanang bentrikulo naman ay
nagbobomba ng dugo sa pulmonary artery at sa baga kung saan ang carbon
dioxide mula sa tisyu ng katawan ay pakakawalan at ang dugo ay kukunin ang
oksehenong sa pamamagitan ng paghinga.

Ang dugong may kasamang okseheno ay dadaan sa ugat ng pulmonary


(pulmonary vein) patungong kaliwang atriyum at pakakawalan sa kaliwang
bentrikulo, ang dugo ay tumutuloy sa Aorta (ang pinakamalaking ugat ng dugo na
matatagpuan sa puso) at ilalabas sa iba’t ibang tisyu ng katawan sa pamamagitan
ng sistemang arterial uapang magbigay sa mga ito ng kinakailangan okseheno at
sustansya.

Ang pagbobomba ng puso ay tuloy-tuloy, 24 oras sa isang araw kahit na ang


tao ay natutulog. Ito ay normal sa pumipintig mula 60 hanggang 80 bawat minute
upang mapanatili ang normal na pagtrabaho ng puso kahit nagpapahinga. Ngunit,
ito ay pumipintig ng mabilis kapag may pangangailangan sa pagtaas ng heart
output katulas ng nangyayarti kapag ang isang tao ay natutuwa, nag-eehersisyo o
gumagawa ng mental o pisokal na trabaho.

Ang puso ay pumipintig ng kusa at may ritmo. Ito ay nangyayari dahil sa


propagasyon ng bugso elektrikal na otomatikong binibigay ng espesyal na tisyung
tinatawag na sinoatrial node (isang natural na tagaagapay) na matatagpuan sa
mataas na bahagi ng kanga atriyum. Ang bugsing elektrikal ay kumakalat sakanan
at kaliwang atriya upang ang mga ito ay makontrak o umurong at pagkatapos ang
bugsong ito bumaba sa isa pang espesyal na tisyung tinatawag na atrioventricular
node. Pagkatapos ng maikling pagtigil ditto, ang bugso elektrikal ay maglalakbay sa
bundle of his, sa kaliwa atkanang sanga, at sa paglibot ng kanan at kaliwang
bentrikulo na siyang dahilan upang ang parehong bentriku ay umurong.

Upang magawa ng mahusay ng puso ang kanyang trabaho, ang kalamnan ng puso
ay dapat na lagging tumatanggap ng sapat na hangin. Ang hanging nalalanghap
mula sa kapaligiran na tumungo sa ating baga ay pumupunta nman sa kalamnan ng
puso sa pamamagitan tubo o ugat ng puso ( coronary arteries). Ang mga ugat na ito
ay dpat manatiling bukas upang mapahintulutan ang sapat na dugo makatungo sa
puso. Sa kasamaang palad, ang artery ng puso ay kumikipot at nababarahan sanhi
ng mga naipong taba sa loob ng mga ito (atherosclerosis). At kapag ang
pagbabarang ito ay magpapatuloy, ang mga laman ng puso ang mahihirapang dahil
sa kakulangan ng okseheno (ischemia). At kapag ang pagbara ay matindi, ang
pasyente ay maaaring magkaroon ng atake sa puso (myocardial infarction) na
maaari niyang ikamatay, pagka-imbalido o maaari rin nman manumbalik sa dati
niyang kalagayan.

Kapag ang puso ay pumippintig ng mabilis, at malakas ang puwersa ng


dumadaloy na dugo sa mga ugat (arterya) ang laman o masel ng puso ay
mangangailangan ng maraming oksehenong pero sa kasamaang palad ay hindi
sapat dahil sa kumipot o nabarahan ang daloy ng dugo a nagdadala ng okseheno
kasama ang pulang dugo.

Ang bawat isa ay ipinanganak na walang naipong taba (atherosclerosis) sa


mga arterya sa puso at ang mga arteryang ito gayundin ang ibang arterya sa
katawan ay hindi nagkakaroon ng katibayan ng anumangpagbabara ngunit, habang
ang indibidwal ay tumatanda, siya ay nakalantad sa maraming uri ng tinatawag na
sanhing panganib katulad ng deposito ng kolesterol, at ibang matatabang sangkap
na kukulapol sa loon ng arterya at sa pagdaan ng panahon, ang loob ng arterya ay
kikipot at magbabara ang daloy ng dugo sa loon ng ugat nito.

Kung walang lubhang pagbabara sa daloy ng dugo sa mga ugat sa puso ang
paglaki ng pangangailangan sa oksehena sa ilang sitwasyon ay medaling
maisakatuparan sa pamamagitan ng pagdagdag ng daloy ng okseheno. Ngunit,
kapag may malaking pagbabara, ang paglaki ng pangangailangan sa oksehena ay
maaaring hindi mapagbibigyan ng pagtaas ng suplay ng oksehena at ang
kalagayang ito magdudulot ng ischemia o myocardial infarction .

Mga Sanhi ng Atake sa Puso

Ang mga sanhing panganib aymaaaring mahati sa dalawang malalaking grupo:

- Mga sanhing panganib na hindi pwedeng baguhin

- Mga sanhing panganib na pwedeng baguhin

Mga sanhing panganib na hindi pwedeng baguhin:

a. Pamilya
b. Gulang
c. Kasarian

Mga sanhing panganib na pwedeng baguhin :

a. Mataas ang presyon ng dugo


b. Mataas na kolesterol
c. Paninigarikyo
d. Diabetes Mellitus
e. Kulang sa Ehersisyo
f. Personalidad
g. Mataas na timbang
h. Mataas na pamumuo ng dugo

Você também pode gostar