Você está na página 1de 39

1

Balik Tanaw
TUNGKOL SA MAIKLING KASAYSAYAN
NG ISLAM SA PILIPINAS
Balangkas at Tinipon ni Isa Abdullah Biago

Ang Pinagmulán ng Mga Tao sa Filipinas


Sinu-sino ang mga ninuno na nakarating sa ating kapuluan na sa ngayon ay tinatawag na
Filipinas?

Ayon sa kasaysayan, ang mga nanirahan dito sa Kapuluan ay


naglakbay mula kapatagan ng Asya , mga Bornean at iba pang
mga pook sa pamamagitan ng tulay na lupa Libo-libong mga taon
bago pa ang mga mananakop, ito’y sa panahon ng kalamigang
pandaigdig ( Ice Age). Sa larangan ng Arkeolohiya at
paleontological na natuklasan na ang Homo sapiens ay umiiral na
sa Palawan. Tinatawag nila itong Taong Kuweba (Caveman). Sa
arkeolohiya ang bungo at panga ng Taong Kuweba na ito na
natagpuan sa Tabon Cave sa Palawan ay kapareho ng tinatawag
na Java at Peking Man. Ayon sa pagsusuri ang gulang ng
natuklasang ito ay may 21,000 hanggang 22,000 taon na ang
nakararaan. Ang sumunod na kapulungan ay ang mga Aetas o
Negritos noong 25,000-30,000 taon na ang nakalipas. Tinatawag
sila na angkan ngAustronesian-Melanesian. Ang angkan ng
Malayo-Polynesian
ang higit na ninuno
ng karamihan ng
Pilipino, sila’y ay
nanirahan dito. Ang

mga Aetas ay nasa kalupaan na ng Pilipinas


bago pa naganap ang pagkatunaw ng mga
niebe (yelo) at pagtaas ng tubig sa
karagatan, kaya nahiwalay at naging
kapuluan ang Pilipinas.

2
Ang mga Naunang Mamamayan at wika
sa Kapuluan

Ang mga mamamayan dito ay ay may relasyong pang-kultura at pangangalakal sa India


Tsina at mga mangangalakal na Arabo maaari bago pa sumapit ang 900 taon bago dumating
ang mga taga Europa noong 16th siglo.

Dati'y may teoryang ang tawag ay wave theory. Ayon sa wave theory, ang mga ninunò ng
lahing Filipino ay dumayo sa Filipinas nang iláng ulit o waves ng pandarayuhan sa
pamamagitan ng mga tuláy na lupà na nalantád dahil mas mababaw ang mga dagat noong
panahón ng kalamigang pandaigdíg (Ice Age). Nanggaling daw silá sa Indonesia, Malaysia at
ibá pang lugár. Libu-libong taón daw ang pagitan ng bawat panahón ng pandarayuhan.
Diumanó’y itó raw ang sanhî kung bakit may mga Ita, Ifugáw at modernong Filipino sa
Filipinas. Subalit ngayón ay may pag-aalinlangan ang teoryang itó. Ayon sa mga bagong
pananaliksík sa larangan ng wikà (comparative linguistics, lexicostatistics), ang mga wikà ng
ibá't ibáng grupo sa Filipinas ay masyadong magkakahawig kayâ hindî máaaring may iláng
libong taón ang pagitan ng kaní-kaniláng
pagdatíng. Makikita rin sa mga bagong
ebidensyá sa larangan ng arkeolohiya na
tulúy-tulóy at hindî paulit-ulit ang nagíng
pandarayuhan sa Filipinas. May relasyón sa
bawat isá ang mga mga tao dahilan wikà sa
Filipinas. Ang pangalan ng pamilya ng mga
wikang itó ay Austronesian o Malayo-
Polynesian. Ang mga wikang Austronesian
ay mga wikà mula sa mga pulô ng

Southeast Asia hanggáng sa Easter Island na


malapit sa South America.

Malamáng na ang unang mga taong


nagsasalitâ ng íisáng wikang Austronesian ay
dumatíng sa Filipinas mula sa hilagà (north)
limáng libong taón na ang nakalipas.
Nagkahiwá-hiwaláy silá at nagsikalat sa buóng
kapuluán. Dahil sa habà ng panahón na
nagkahiwaláy silá, untí-untíng nagbago ang
kanilang pagsasalitâ. Dumatíng ang panahón

3
na ang mga grupong itó ay hindî na nagkaintindihan. Ang ibig sabihin ay nagíng bago na ang
mga wikà at pagsasalitâ ng ibá’t ibáng grupo. Ito ang mga wikang kilala natin sa Filipinas
ngayón tulad ng Ilokano, Tagalog, Cebuano at marami pang ibá. Ganitó rin ang nangyari sa
ibáng mga bahagi ng Timog-Silangan tulad ng Malaysia at Indonesia. Nang simulán nilá ang
pangangalakal sa mga pulô, nadalá rin nilá ang kaniláng mga bagong salitâ sa Filipinas - patí
yaóng mga salitáng natutuhan nilá sa ibá pang mas malalayong bansá tulad ng India.

Sa Pilipians ay umaabot na 87 Austronesian ang wika. Ang limang malalaking wika na ito ay
ang Tagalog, Cebuano, Ilokano, Hilagaynon at Bicolano.

Ang Pinagmulan ng Baybayin

Ang salitang Baybayin ay isang lumang katagang pangkalahatan sa wikang Tagalog


na tinutukoy ang lahat ng titik
na ginagamit sa pagsulat ng
isang wika o alpabeto. Ito’y
mula sa ugat na ‘baybay’ na
nangangahulugang titik (
spelling). Sa mga sulatin ng
mga unang Kastila, ang
karaniwang tawag nila sa
baybayin ay ang mga “titik” o
sulat ng mga tagalog. Ang
tawag naman ng mga taga-
Visayas sa baybayin ay ‘ sulat-
Moro” dahil ito’y galling sa
Maynila na naging daan para
sa mga produkto ng mga
Mangangalakal na Muslim sa
mga pulo na ngayon ay kilala
sa pangalang Filipinas. Iniulat
noon ni Miguel Lopez de
Legaspi na “ sila ( Visaya) ay
may sariling pagsulat at mga
titik na katulad ng sa mga
Malayo, na siyang nagturo sa
kanila.” Sa pagkaraan ng isang daang taon ay sumulat si Francisco Alcina tungkol sa
…mga titik ng mga katutubong ito, o mas mainam, iyong mga titik na ginagamit
dito sa loob ng iilang taon pa lamang. [Ito’y] isang sining na inihatid sa kanila ng
mga Tagalog. Natutuhan ito ( ng mga Tagalog) sa mga taga-Borneo na naglakbay
mula sa dakilang pulo ng Borneo patungo sa Manila [dahil] malaki-laki ang kanilang
pakikipagkalakalan doon…Natutuhan ng mga Tagalog ang kanilang titik sa mga
taga-Borneo at ang mga Bisaya naman ay natuto sa ( mga Taglog). Kaya, ang
tawag nila ditto ay mga titik-Moro o sulat-Moro dahil ang mga Moro ang nagturo sa
kanila… Natutuhan ng [ mga Visaya] ang sulat [ mga Moro] na ginagamit ng
maraming tao ngayon. Higit na maraming babae ang gumagamit nito kaysa sa mga
lalaki at sila’y mas mahusay sumulat at bumasa kaysa sa [ mga lalaki].

4
Ang Kultura ng Naunang Ninuno

May mga bakas ng Arkeolohiya na nagpapakita na


bago pa dumating ang mga
mananakop na taga-Europa
ang ating mga ninuno ay
mayaman na sa kultura, na
ito’y may kaalaman na sa
ng paghabi ng tela,
pagtatayo ng sasakyang
dagat, pagmimina, ang paggawa ng mga alahas.

Ang pakikipag-ugnayan ng mga ninuno ay sa karatig pook na


bansang Asiano ay mula pa noong 500 BC sa pamamagitan ng
pangangalakal sa makapangyarihang Emperyo ng Hindu sa Java at
Sumatra.Ang pakikipag-ugnayan ng mga ninuno sa Tsina at Arabo ay
maaaring bago pa sumapit ang 10th siglo at ito’y pinasigla noong ika-
12th siglo.

Ang Paniniwala ng ating mga Ninuno

Upang mailarawan natin ang paniniwala ng ating mga ninuo,


maipapaliwanag lamang natin ito sa sistemang anismismo
(animism). Sa ngayon ay may mga ilang tribu ang nanatili pa
rin sa kaugaliang ito. Ito ay isang uri ng paniniwala na ang
daigdig ay pinaninirahan
ng mga espiritu at
mahiwagang bagay sa
kapaligiran, ito man ay
masama at mabuti
kinakailangan makiisa sa
pamamagitan ng
pagsamba sa kalikasan.
Ang mga espirtung ito ay
nasa kapaligiran lamang at
tinatawag na diwata
(nagpapahiwatig sa kulturang hinduism mula sa

5
salitang Devatas). Ang ibang tribu, katulad ng
Tagalog ay
may
sinasambang
Makapangayari
han na
tinatawag na
Bathala, ang
bathalang ito
ay kasama ang
kaniyang mga
anak na sina
Adlaw, Mayari
at Tala, sa
mga Visaya
ang dios ay si
Kan-Laon ;
samantalang ang iba naman ay sumasamba sa
kaluluwa ng mga ninuno ( o Anitos). Sa bawat tribu o grupo ay mag-kakaiba ang
pamamaraan ng pagsamba, ngunit ang pangkaraniwan sa kanila ay paggawa ng Mahiko,
orasyon, at mga panalangin. Sa ibang kalupaan ng Pilipinas ay iginagalang o kinakatakutan
ang mga nanggagamot katulad ng hilot, mangkukulam (witches and warlocks), mga pari
(babaylan o catalonan). Pinaniniwalaan din nila ang pag-iral ng barang (witcraft) at nilalang
na mahiwaga katulad ng aswang, duwendi at bakonawa, kapre at iba pa.

Ang Hinduismo at Buddhismo sa


Pilipinas

Ang Hinduismo at Vajrayana


Buddhism ay nagkaroon din ng ugat
sa kapuluan ng Pilipinas. Ang mga
alamat ng Pilipinas ay nagmula sa
alamat ng Hinduismo. Ang kaugalian
ng Buddismo ay malakas na nag-ugat
sa kapuluan. Ang relihiyon ng Hindu
ay dumating sa atin mula sa Timog ng
India patungo sa Silangang-Timog ng
Asia noong ika-apat na siglo
hanggang 13 siglo. Ang Emperyo ng
Sri-Vijaya at Majapahit na sa ngayon
ay Malaysia at Indonesia ang
nagpakilala ng Hinduismo at Budismo
sa kapuluan. Ang relihiyong ito ay
hindi niyakap ngunit ang ilang
paniniwala at kaugalian ay naihalo sa
mga nakagawian at kultura sa mga
n a u n a n g m a m a m a y a n .

6
Ang Pinagmulan ng Islam

Ang Islam ay ipinangaral ng lahat ng mga Propeta at si


Muhammad ay kahuli-hilihang isinugo ng Poong maykapal para
sa sankatauhan. Isinilang sa Makka noong 570 AD at namatay
noong 630 AD. Hindi niya inangkin na siya ay nagtatag ng
isang bagong relihiyon at siya ay inapo ni Abraham sa
pamamagitan ng kaniyang anak na si Ismael. (Genesis 17:20-
22).

Tinanggap niya ang rebelasyon sa


gulang na 40, sa pamamagitan ng
angel na si Gabriel. Katuald ni
Mohammad, halos lahat ng mga
propeta ay hindi tinaggap, inusig at
itinuring na kasangkapan ng ni
satanas.

Ang kaniyang ipinangaral na Islam


ay

lumaganap sa lahat ng mga anak ni Abraham at ang mga


karatig pook nito. ( Genesis 25:13-16; Genesis 10:7;25:3
Isaias 42:10,12; 20:6; 23:2,6 Ezekeil 27:7; 38:13; I Cronica
1:2; Job 37:3 Mateo 12:42)
Ang Islam ay hindi lamang lumaganap sa kapatagan ng
Gitnang Silangan, Malapit na Silangan at Europa o Kalunuran
kundi ito ay dumating din sa Malayong Silangan at Sumatra
noong 700 AD at buong Asia. Papaano lumaganap ang Isla ?
Si Edward Gibbon (History of the Saracen Empire, London
1870) “ Ang pinakadakilang tagumpay ni Muhammad sa
kanyang buhay ay nangyari dahilan sa lakas ng kanyang
kagandahang asal na walang ginamit na sandata.” Ganito pa ang sinabi ni : James A.
Michener (Islam, the Misunderstood Religion, Readers Digest (American Edition) May 1955)
“ Walang ibang Relihiyon sa kasaysayan ang napakabilis lumaganap katulad ng Islam… Ang
Kanluran ay laganap ang paniniwala na ang pag-ahon ng Relihiyong ito ay maaaring
nangyari sa pamamagitan ng sandata. Datapwat walang sinomang makabagong
mananalaysay ang tatanggap ng ganoong haka-haka, at ang Qur’an ay hayag na
kinakatigan ang kalayaan ng budhi.”

Katotohanan kaya na ang Islam ay lumaganap sa pamamagitan ng sandata? Ganito


ang sinabi ni A.S. Tritton (Islam, London 1951 p. 21)“ Ang larawan ng isang kawal na
Muslim bilang mananakop na hawak ang Sandata sa isang kamay at Qur’an sa kabilang
kamay ay hindi lubos na katotohanan.”

7
Ang Islam sa Timog-Silangan Asia

Hindi maliwanag ang kasaysayan ng Islam sa Pilipinas kung hindi natin isasama ang Timog-
Silangan Asia. Ang Islam ay dumating sa mga kapuluang ito mula sa India bago dumating
ang ika- 13th siglo. Ang Malacca sa Malaysia ay naging sentro ng pagkakatatag ng
komunidad ng mga Muslim sa pook na
ito at lumaganap iba’t-ibang rehiyon
kabilang na dito ang mga malalaking
pulo na kabilang sa Malaysia,
Indonesia, Timog ng Thailand at Timog
ng kapuluaan Pilipinas.

Nang ang mga taga-Europa ay


makarating sa mga kapuluang ito ng
Timog-Silangan Asia 100 taon bago ito
maganap, natagpuan nila na ang mga
kapuluang ito ay ganap nang matatag
sa mga panlipunang pamamaraan na
nakabatay sa pananampalatayang
Islam, katulad halimbawa ng politika,
ekonomiya ang institusyong pang-
pamilya. Ang pamunuan ng Sultana
ang naging kasangkapan para sa
mahusay na sibilisasyon ng mga Muslim
na ninirahan dito.

Sa Mindanao at Sulu ay may mga alamat na nagpapakita si Sinbad ang mandaragat na isa
kaniyang paglalayag ay dumalaw sa Mindanao. At
gayon din si Alexander the Great ay ayon sa
alamat ay duminig sa Hukuman sa Jolo noong ika
320 BC. Marami sa mga tao sa pook na ito ay
ipinagmamalaki ang kanilang pinagmulan sa isang
taga-Macedoniang mananakop.

Ang Tsinong manunulat, si Chao-Ju-Kua ( 1280)


ay iniulat ang mga bagay tungkol sa mga tao sa
Pilipinas, at gayon din ay iniulat ng iba na si
Ptolemy, ang isang taga-Ehiptong geographer, ay
isinama ang
kapuluan ng
Pilipinas na
tinawag na
kapuluang
Maniola. Si
Marco Polo ay Sheik Makdhum Tombi
pinaniniwalaan
ay dumaong ang kaniyang sasakyang pandagat at
nanatili sa dalampasigan ng Sumatra at ayon sa
sinasabi na siya ay maaaring naglayag din sa mga
dalampasigan ng kapuluan ng Pilipinas. Ang paglaganap

8
ng Islam sa kapuluang ng Mindanao at Sulo ay dahilan
Sheik Makdhum Mosque sa pagpapalaganap ng mga Arabong mangangalakal at
mga guro.
Ang
paglaganap
nito sa
kapuluang
Pilipinas ay
kasabay ng
paglaganap
nito sa
Malayan
Pinensula,
Indonesia at
Borneo

Bagama’t ang paglaganap ng Islam sa Pilipinas


ay hindi matukoy kung kailan ito nagpasimula,
ngunit ang kaigtingan ng paglaganp nito ay
bago ang ika 12 siglo. Ayon sa ibang
historyador, may mga ilang piraso ng
arkeolohiya na nagpapatunay na ang pagdating
ng Islam sa Pilipinas bago pa ang misyonerong si Sharif Makhdum.

Ang Pagdating ng Islam sa Pilipinas

Ang Islam ay dumating sa Timog ng Pilipinas na


dumaan mula sa Borneo .Ang kasaysayan ng Pilipinas ay
hindi nagpasimula nang ito ay matuklasan ng Espanya noong
1521 . Ang Dutch, Intsik, India, Arabo, Persia at iba pa ay
matagal nang nakikipag-ugnayan sa ating kapuluan sa
pamamagitan ng pangangalakal. Ang ating kasaysayan ay
ganap na makabuluhan at kompleto kung hindi isasama ang
kasaysayan ng Muslim at Islam sa Pilipinas. Hindi natin
maaaring maihiwalay ang kabayanihan ng mga ninunong
Muslim kung
hindi natin ito
bibigyan ng
pansin. Ang
Mindanao at
Sulu ang lantay
na pinagmulan
ng mga Muslim na Pilipino. Ang Islam ay
nakilala sa Pilipinas noong bago pa ang taong
1210 A.D , ngunit ang kaigtingan nito ay sa
pamamagitan ng isang Arabong misyonaryo at
dalubhasa, na si Sharif Makhdum ( o
Mudom ) na lumapag sa Sulo na noo'y sakop
ng Malay Peninsula. Si Tuhan Muqbalu ay natagpuan ang kaniyang puntod sa libis ng Bud
Datu na namatay noong 710 A.H. Gayon din, sa Sulu, si Tuhan Mashaika ay ang unang
nagtatag ng kumunidad ng Muslim. Noong 1380 ay dumating si Karimul Makhdum or Sharif

9
Makhdum o tinatawag din siyang Sharif Awliya. Ipinakilala nila ang Islam sa pamamagitan
ng talas ng pangangaral hindi ng talas ng tabak. Itinuro din sa kanila ang pamamaraan o
konsepto na pang-politika teritorya na pinamamahalaan ng mga Rajah o Sultan sa mga
maliliit na pinuno na kung tawagin ay Datu sa kaniyang mga barangay. Ipinagawa niya ang
unang Masjid o Mosque sa Pilipinas sa Tubig- Indangan, Pulo ng Simunol. Ang natitirang
bahagi ng Masjid ( tawag sa bahay dasalan ng mga Muslim) ay makikita pa rin sa dati
niyang kinalalagyan. Si Makhdum ay namatay sa Pulo ng Sibuto at ang kanyang puntod ay
dinadayo ng mga turista hanggang sa ngayon.
Sa taong 1390, Si Rajah Baguinda na taga
Minangkibamu, Sumatra ay dumating sa Sulo at pinagpatuloy
ang pagpapalaganap ng Islam na pinasimulaan ni Sharif
Makhdum. Sa
panahong ito ang
Islam ay lubos nang
nakalatag sa mga
kapuluan at
pinasimulan ang
Sultanate sa
Sulu.Ang unang
sultan ay si Sharif
Abubakar, ay nag
mula sa Arabia na
nagmula sa angkan
ng Propetang si
Muhamamd. ay dumating sa Jolu noong 1450 at pagkatapos pinakasalan niya ang dalagang
anak ni Rajah Baginda na si Putri ( Prinsesa) Paramisuli. Nang mamatay si Rajah Baginda
si Abubakar ay nagtatag ng Sultanate ng Sulo na kung saan silang mag-asawa ang naging
unang Sultan at Sultana.Ginamit ni Abubakar
ang pang-pinunong pangalan na Sharif Hasim.
Ang salitang Sharif ay titulo na ikinakapit sa
sinumang lihitimong angkan ng Propeta. Ito ay
isang titulo ng karangalan.
Ang paglaganap ng Islam sa Mindanao ay
dala-dala mula sa pakikipag-ugnayan ng Sultan
ng Sulu. Ayon sa kaalaman, ang Sulu ang
naging sentro ng pangasiwaan ng pangangaral
at pag-aaral. Ang kaigtingan ng paglaganap nito
ay naganap nang si Sharif Kabungsuwan ay
nagpunta doon at nangaral.
Pagkatapos maitatag ang Pamahalaang

10
Islam sa Sulo, ang mga Muslim ay naglakbay patungong Mindanao na pinamunuan ni
Sharif Muhammad Kabungsuwan na taga Johor. Siya ay nagmula rin sa angkan ng
Propeta ( Hasimite). Ayon sa Maguindanao Tarsilas siya ay anak ni Sharif Ali Zein ul-Abidin
na mula sa Arabia at ang kaniyang ina ay mula sa Maharlikang angkan ng Johore. Siya ay
lumapag sa Malabang ( ngayon ay Lanao del Sur) at ipinangaral ang Islam. Pagkatapos nito
ay nagtungo siya sa Maguindanao ( Cotabato) sa taong
1475 at pagkatapos ay pinaksalanan niya si Putri Tunina.
Sila rin ang kaunaunahang Sultan at Sultana sa
Maguindanao. Marami sa mga angkan niya hanggan ngayon
ang itinuturing na
nagmula sa kaniya. Ang
salitang Maguindanao ay
tumutukoy sa isang
pamilya. Ito ang
maharlikang angkan na
naging kapamilya ni
Sharif Kabungsuwan.
Dahil ang angkan ng
“Maguindanao” ay naging simbolo ng Kapangyarihan sa
Mindanao, ang kanilang pangalan ay naging isang opisyal
na pangalan sa lugar na ito ng kanilang nasasakupan (
Pulangi valley).
Sa pagdating ng Islam marami sa ating mga
ninuno ang naliwanagan at naging Muslim at iniwan ang
pagsamba sa
mga nilikha (
animists) at Marikudo at Datu Puti at ang mga
kinilala ang kasama
nag-iisang Dios na Tunay-tinatawag na Allah.
Sa kasabay ng pangangaral ng mga
naunang Muslim mula sa Sumatra, Borneo, Johor
at Arabia maraming Datu na Muslim ang
pumunta sa Pilipinas pagkatapos marinig ang
magandang balita sa pagtanggap ng mga
naunang Muslim. Ayon sa alamat ng Maragtas
mula sa Borneo ( bahagi ng Sri Vishraya Empire)
ay dumating ang sampung Datu na lumapag sa
Panay. Ito ay naganap noong 12 siglo dahil sa
pag-iwas nila sa maaaring masamang maganap
na gagawin ni Datu Makatunaw , isang malupit
na Pinuno. Ang mga Datung ito ay sina Datu
Puti, Datu Sumakwil, Datu Bangkaya, Datu
Dumalogdog, Datu Paiburong,,Datu Paduhinog,
Datu Dumangsil, Datu Kalantiaw, at Datu
Balensula. Kasama ng mga Datung ito ang kanilang mga pamilya at tagasunod.
Si Datu Puti ang siyang pinuno ng grupo ng mga Datu. Si Datu Puti ay dalubhasa sa
paglalakbay at silay lumapag sa San Joaquin, Iloilo ( noon ay Siwaragan). Si Datu Puti at
ang mga kasamahan niya ay binili ang kapatagang lupain sa Iloilo na nagmula kay
Marikudo, ang pinuno ng mga katutubong Aetas at nagtatag sila ng sarili nilang pamayanan.
Ito ay binili nila sa kapalit na halag ng gintong salakot ( golden sukud).

11
Nang ang pamilya ng mga taga Borneo ay
natatag sa Panay, si Datu Puti, Datu Balensula, at Datu
Dumangsil, Datu Bangkaya, Datu Paduhinog, Datu
Dumalogdog at Datu Dumangsil ay naglakbay muli at
narating nila ang pook na maraming ilog, at tinawag
nila ang kanilang sarili na taga-Ilog, na sa paglipas ng
panahon ay naging Tagalog . Ang pook na ito ay ang
Batangas na sakop ng
Luzon. Si Datu
Balensula at Datu
Dumangsil ay nagtatag
ng sarili nilang
pamayanan at si Datu
Puti ay nagbalik sa
Borneo at dumaan sa
Mindoro at Palawan.
Isinalaysay niya ang
kanyang karanasan sa
mga Borneans at
dumami ang nabighani
para pumunta sa
Pilipinas. Iniwan niya ang pamamahala kina Datu
Balensula at Datu Domangsil, at ang ibang mga Datu ay
nagkaroon din ng pamamahala sa
kasalukuyan ay ang lalawigan ng
batangas, Cavite, Laguna , Rizal,
Quezon, Aurora, Bataan, Mindoro,, Marindoque ang ang ilang bahagi
ng Romblon at Palawan. May mga nagsasabi pa rin na ang
Metropolitan Manila, Bulacan, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac at
Zambales ay kabilang sa kaharian na kanilang naitatag. Si Datu
Balensula ay namayapa, ang kaharian ay minana ni Datu Kumintang,
nang naitatag ang kaharian ng Kumintang, sa katagalogan, ang ibang
mga Datu ay pinamahalaan ang
Hilaga bahagi ng Luzon.
Ang pangdarayuhan ng
mga taga-ibang pook na dala-
dala ang pangangalakal at
relihiyon ng Islam ang siyang
ikinagulat ng mga mananakop
na Kastila na ang kapuluan ay
lubos nang nakakalat ang
pananampalataya. Ang Islam
ay matibay na naitatag sa
Mindanao at Sulu at nagkaroon din ng himpilan sa
Luzon at Bisaya.
Sa katagalugan, ang kaharian ng Maynila
( Manila ) ay namana nina Rajah Lakandula at Rajah
Soliman ( Suleiman o Sulayman). Si Rajah Soliman ay pamangkin ni Rajah Lakandula, siya
ay kinikilala na magiting na hari ng Maynila at tanging tagalog na lumaban sa mga
mananakop. Ang salaysay ng mga kastila ay tinagurian siya bilang Rajamora o kaya’y Raja
Mura na ang ibig sabihin “nakababatang raja” . Siya ay kamag-anak ng Sultan ng Brunei sa

12
pamamagitan pagpapakasal niya sa isang malapit na
kamag-anak ng Sultan. Pinamahalaan nila ang Manila ng
kaniyang tiyuhin na si Rajah Matanda.

Ang Kultura ng Malay

Bago ng kolonyal na pananakop ng Pilipinas,


nakakapangibabaw sa hanay ng mga nakararaming Malay
ang mga maliliit na nagsasariling lipunan na pinaiiralan ng
patriyarkal na pang-aalipin. May mga nagmamay-ari ng
alipin, malaking bilang ng mga malayang mamamayan at
mga ganap na alipin at malaalipin. Ang pinakamataas na
pormasyong sosyo-pulitikal na naabot ay ang sa mga
sultanatong Islamiko sa timog Kanlurang Mindanao, laluna
ang sa Sulu.

Nanatili ang kultura ng mga Malay na nagmula


pa noong panahon ng bakal. Gayunman, ang
mga mamamayan ay naimpluwensyahan ng mga
kalapit na bansa sa timog-silangang Asya at ng
Tsina. Walang mga istrakturang mega-litiko o
yari sa malalaking bato, pero ang mga sultan,
raha at pinuno ng baranggay ay may malalaking
bahay na yari sa kahoy at mga bangkang iba't
iba ang laki at kapasidad. Pangkaraniwan ang
bangka na kayang magsakay ng ilang katao.
Ang caracoa, na kayang magsakay ng mula 50
hanggang 100 katao, ay ginagamit sa
pakikipagkalakalan at pakikipagdimaan sa mga
taga-ibang pulo. Ang joangga, na kaya namang
magsakay ng mahigit 300 katao ay ginagamit sa
mas malakihang pakikipagkalakalan.

Ang mga Prayle kasama ang bininyagang Indio

Ang Hangarin ng Mananakop at pamamaraan ng pamamahala.

Ang pananakop ng mga Kastila ay palitan ang lumang relihyon ng mga katutubo, dahil dito
malaki ang pagbabago sa buhay pang-politika, kultura at ekonomiya ng mga Katutubo sa

13
ating kapuluan. Ang unang hangarin ng mga Kastila ay ipalaganap ang Catolico. Ito ay
hayag sa huling kahilingan ng Reyna si Isabella. Sa ikalawang pagkakahayag ay upang
makakamkam ng mga kayamanan mula sa mga nasakop at nabawtismuhan sa Catolico, ang
magkaroon ng karapatan na hawakan ng rota ng pangangalakal. Ang ikatlong kadahilanan
ay makilala sila sa Malaking Karangalan sa pampolitika,
na makuha ang Pilipinas
bilang kanilang pag-
aari.
Sa pamamaraan
ng kanilang pamumuno,
ang Espanya ay
naglagay ng
Gobernador –Heneral,
bilang pinakamataas na
pinuno na nasa
pamamahala ng Hari.
Salungat sa unang
kanilang pangako sa
mga Rajah na sila ang
magiging pangunahing
pinuno ng kanilang
nasasakupan. Naglagay din sila ng “ Makaharing
Audencia” para sa kapakanan ng nasasakupan, ngunit
ang ang ahensiyang ito ay nagbibingibingihan sa
idinudulog ng mga inaapi ng mga Kastila. Ipiantupad din nila ang sistemang “ Encomienda”,
ang encomienderos ang siyang namamahala sa lahat ng ekonomiya, relihiyon, ngunit
maraming naabuso sa sistemang ito. Sa panahon ni Legaspi hangang 1884, ang mga
katutubo ay
nagbabayad bilang
pagkilala sa espanya.
Lahat ng mga katutubo
ay hindi nais ang
ganitong uri ng
pamamahala, ngunit
wala silang magagawa
kundi sumunod sa
patakaran ng relihiyon
at gobierno ng
Espanya. Ang mga
encomienderos ay
lubhang napakalaki ng
kayaman dahil sa mga
nakukutang bayad. Ang mga katutubong naging Catolico ay naging alipin ng Espanya. Ang
isa pa pang-aalipin ng mga Kastilang Catolico ay ang sapilitang pagtratrabaho ( tinatawag
na Polo). Ito ay ipinapataw sa lahat ng mga nasasakupang katutubo mula gulang 16
hanggang 60 taon. Ang mga katutubo ( polista) ay nagtratrabaho sa pagawaan ng gusali,
pagkumpuni ng mga kalsada at tulay, pagputol ng mga punong-kahoy, sa mga minahan at
daungan ng barko. Ang katutubo ay libre sa paggawa kung siya ay magbabayad, ito’y
tinatawag na falla. Ang mga Filipino ay kaawa-awa sapagkat sila’y gumagawa ngunit walang
natataggap na bayad at gayon din ay kinukuha pa ang rasyon na bigas ng mga opisyal na
Kastila. Ang isa pang pagpapahirap na iniatang ng mga Kastila sa mga Filipinong Indio ay

14
ang tinatawag na bandala, ito ang sapilitang pagbibenta ng knailang inani mula sa sakahan
para sa pamahalaan ng Kastial at marami pa sa kanila ang hindi binabayaran.
Sa iba’t-ibang pook ng kapuluan , ang mga pari at ang mga lokal na namamahala ay
itinalaga bilang kinatawan ng Kapangyarihan ng Espanya. Ang pamumuno ng Frayle (
friarocracy) at ang pamamahala ng Oligarkiya ( oligarchy) ang dalawang haligi sa koloniyal
na lipunan ang lubos na nakikinabang sa kapangyarihan at mga karapatan.

Ang Pagdating ng Mananakop mula sa Espanya ( 1521-1898)


Ang pananakop ng mga dayuhan sa ating kapuluan ay inilalagay sa “ panglan ng
Dios”, Karangalan at Kayamanan ( God, Glory and Gold). Ang mga mananakop na Kastila
ay naniniwala na karapan nila na lupigin ang sibilisadong mamamayan sa Asia Si Ferdinand
Magellan, na isang taga-Portugal ,Tagapagtuklas at Manlalakbay. Siya ang kauna-unahang
taga- Europa na nakatawid sa Pacific
Ocean at ang unang ekspedisyon na
nakaikot sa daigdig. Siya ay naglingkod
sa Haring si Charles I ng Espanya,
dahil hindi siya tinangkilik ng Hari ng
Potugal na si Haring Emmanuel.
Napag-alaman ni Magellan na ang
malaking kayaman sa Silangan Asia ay
mararating sa pamamagitan ng
paglalayag patungong Kanluran (
West) na magdadaan sa dulo ng Timog
ng Amerika. Ang paglalakbay
patungong Silanganan ay
pinamamahalaan ng Portugal dahil sa Kasunduang tinatawag na “ Treaty of Tordesillas. Ang
kasunduang ito ay naglalagay sa dalawang bansa sa magkahiwalay na guhit. Ang
Silanganan ay para sa mga Portuguese at ang Kanluran ay para sa mga Espanya. Ang
Kaharian ng Espanya ay mabilis na ipinagkaloob kay Magellan ang kahilingan na tuklasin sa
pamamagitan ng paglalayag sa ibang daanan ang mayamang pook ng mga palabok o
pangpalasa ( spices), ang Moluccas ; at binigyan siya
ng panustos sa paglalakbay na ito. Nang ang mga
mananakop
ay dumating
sa kapuluan
dahil sa hindi
sinasadyang
pagkakataon,
ang Islam ay
lubos nang
nakalatag sa
Mindanao at
Sulu at may
mga himpilan
sa Visayas at
Luzon. Noong
Marso 16,
1521 ay
unang natanaw ni Magellan ang isla ng
Homonhon na nasa hilagang Samar-Leyte at
pagbaba nila ng dalampasigan ay nakipagkaibigan

15
sila at nakipagpalitan ng mga regalo sa mga pinuno ng katutubong Muslim na sina Rajah
Kolambo at Siaga. Binigyan niya ng pangalan ang Isla na ‘ Kapuluang San Lazaro’ ,
nagtayo ng Cross at inangkin ang kapuluan para sa Espanya. Ang dalawang Pari na kasama
ni Magellan ang unang nagsagawa ng Katolikong Misa o pagdarasal Kristiyano. Dahil sa
kanilang natuklasan ay nagkaroon sila ng paghahangad na
pamahalaan ang mga katutubo. Mula Leyte ay naglayag
sila patungong Zugbo ( Cebu) Isinama ni Magellan ang
dalawang Rajah upang akitin din si Humabon na maging
Cristiano upang matulungan siya na labanan si Lapu-lapu.
Ibinadya nila ang kanilang pagdating sa pagpapaputok ng
mga kanyon;
matapos ay
nagpasabi siya kay
Rajah Humabon (
pinuno ng Zugbo)
na ang pakay nila
ay upang bumisita
lang at bumili ng
pagkain; nang sila
ay makababa ay
agad nilang
kinaibigan si Humabon at sila'y nakipag " SANDUGO " (
kasi-kasi) o blood compact- tanda ng pagkakapatiran sa
pamamagitan ng paghiwa sa kanang braso upang dumugo
at paglapatin ang bawat braso ng dalawang nais sumumpa na tinanggap at kinilala ng mga
katutubo. Si Humabon ang kauna-unahang Pilipino na pumasok sa Catolico dahil lamang sa
paghahangad na malupig si Lapu-lapu na kaniyang kaaway. Datapwat si Magellan ay nais
rin niyang maging Catolico si Lapu-lapu. Ito ang naging paraan ni Magellan upang
mapamahalaan ang mga katutubo, na sila’y gawing Catolico at ang mga susunod na
hakbang ay lupigin din ang mga barangay upang mapalawak ang pamamahala ng Datu na
magiging sunud-sunuran sa Hari ng Espanya. Halos lahat ng mga Rajah at mga Datu sa
Cebu ay napasunod sa mithiin ni Magellan maliban kay Rajah Lapu-Lapu sa Mactan.
Sila ay nanatili sa
Cebu upang maisakatuparan
ang kanilang pananakop, si
Magellan ay nakialam sa
pamamahala at relihiyon, na
ikinagalit ng mga katutubo at
naging umpisa ng labanan ni
Lapu-lapu at Magellan kung
saan si Magellan ay napatay
noong Abril 27, 1521 at ang
mga nakaligtas ay tumakas
pabalik ng Mexico (Spain).
Hindi natupad ni Magellan ang
kanilang mithiin na marating ang pulo ng Palabok o Pampalasang Sangkap ( Spice Island ),
ito ang Muloccas. Ang natira sa limang sasakyang dagat ni Magellan ay dalawa na lamang.
Ang mga natitirang kasama ni Magellan ay nagpatuloy at nakalapag sa Moluccas. Muling
naglakbay pauwi sa Espanya, habang nasa daan ay nabihag ng mga Portuquese ang isa
pang sasakyang dagat at ang nakarating na lamang ay isa, sa Espanya ito ang sasakyang
Victoria na may 19 na sakay noong Septembre 6, 1522.

16
Si Datu Lapu-lapu ay isa sa pinuno ng mga Muslim sa Visayas, siya ang kauna-
unahang tagapagtanggol ng kalayaan at pananampalataya laban sa mga mananakop. Ayon
sa mga tagapagsalaysay, si Rajah Lapu-Lapu ay bihasa sa
paggamit ng Arnis de Mano ( fighting Sticks) , ginamit nila
ang sandatang ito laban sa mga Kastila na sa panahon yaon
ay makabago ang sandata. Si Lapu-Lapu at Humabon ay
bahagi ng Sri Visayan Empire noong ika 14th na siglo. Ang
Emperyong ito pagkatapos na magapi ng Maja Pahit Empire
noong unang panahon sa Sumatra at Borneo. Ang angkan ni
Lapu-lapu ay lumisan at nanirahan sa Gitnang bahagi ng
Visaya. Ang iba pang grupo na lumisan at nagtungo sa
kapuluang Pilipinas ay ang sampung Datus na kasama ang
tribo ni Datu Puti at Sumakwel.
Bagaman si Humabon at ang mga katutubo sa Leyte
at Samar na naakit sa
magagandang pangako
ng mananakop na kastila tungkol sa pamamahala ng
Espanya sa kanila, di naglaon ay nakita nila ang
katusuhan ng mga banyaga. Sila rin ang unang tumutol
at nakipagdigma sa mga dayuhang mananakop. Sa Sa
kapuluan ng Limasawa ang mga mandirigma na
nakipag-kaibigan sa mga Kastila ay pumasok sa
relihiyon ng mga banyaga bilang kanilang pakikiisa
dahilan sa magagandang pangako. Datapwat, ang
pinuno ng mga katutubo ay muling nanumbalik sa
kaniyang kinagisnang paniniwala at nagtatag din ng
pakikipagdigma sa Kastila.

Dahil sa mga magagandang balita na inihayag


ng mga kasamahan ni Magellan na si Juan Sebastian de
Alcano o Elcano, ang Hari ng Espanya ay nagpadala ng maraming ulit na paglalakbay sa
kapuluang ito. Si Elcano ang kahalili ni Magellan sa pamumuno ng mga tauhan.. Bagamat
hindi nagawa sa ng unang ekspedisyon na masakop ang mga isla , ngunit dala nila sa
kanilang pag-uwi ang malaking halaga, ito’y naganap noong 1525-1542. Ang Hari ng si
Charles I ay nagpasiya ng maraming ulit na ekspidesyon para sakupin ang mga pulo.
Limang sunod-sunod na ekspedisyon ang
naganap, sila ay pinamunuan nina Garcia
Jofre Loaisa ( 1525(, Sebastian Cabot (
1526) , Alvaro de Saaveda (1527) Si Ruy
de Villalobos (1542) ang ika-apat na
naglakbay mula sa Navidad, Mexico noong
1542 Si Ruy Lopez de Villalobos ay
binagtas ang daan na dinaanan ni
Magellan at nakarating sa Mindanao noong
Pebrero 2, 1543. at nang makarating sila
sa Abuyog , ang silangan bahagi ng Leyte
ay pinangalanan niya ang rehiyong
Samar-Leyte na Las Yslas Felipinas (
Philippines) bilang pagkilala sa hari ng
Espanya na si Haring Philipi II ( King Philip
II). Ang pangalan ito di naglaon ay ikinapit

17
na sa buong kapuluan ng Luzon, Visaya, at
Mindanao. Nang makapagtatag sila ng
pamayanan sa Sarangani , umalis siya at
lumapag sa Tidore, Moluccas, na kung saan siya
ay nabihag ng mga Portuquese.
Mula kay Magellan ay marami ang
sumunod na ekspidisyon ang ipinadala ng
Espanya ngunit lahat ay nangabigo na
makarating sa kapuluan upang sakupin ito
hanggang sa taong 1565. Nang si Haring Philip
II ay pumalit sa kaniyang ama ay inatasan niya
si Miguel Lopez de Legaspi nang panibagong
ekspedisyon na sinamahan ng Paring si Andres
de Urdaneta. Noong Pebrero 13, 1565 ay
lumapag sila sa Cebu, natalo ng mga Kastila ang
mga katutubo, at muling nagpatuloy patungong

Leyte, sa Camiquin at Bohol.Sa pook na ito


ay ginanap ang kasi-kasi ( blood compact)
sa pagitan nina Datu Sikatuna bilang pag-
sunod sa pamahalaang Espanya at
pakikipag-kaibigan. Sila ay nagbigay ng
mga Pamapalasa ( spices), ginto. Noong
Abril 27, 1565 si Legaspi ay bumalik sa
Cebu at winasak ang bayan ni Rajah
Tupas at sila ay nanirahan doon. Si Miguel
Lopez de Legaspi ay nagpatayo ng kampo
at tinawag nila itong Fort San Pedro (
Fuerza de San Pedro) dahil sa laging
pagsugod ng mga katutubo at gawing
himpilan ng kanilang pananakop. Nang matapos nilang magapi ang Cebu dito sila nagtatag
ng kauna-unahang Pamayanang Kastila, dito rin ang naging pasimula na gawing Cristiano
ang mga Cebuano kapalit ng kanilang buhay. Noong 1572, si Legazpi ay inilipat ang
kaniyang himpilan sa Manila upang ganapin naman ang panimula ng magagandang pangako
at gawin tagasunod sa pamamahala ng Espanya.

18
Ang Kaharian ng Maynila

Dahil sa ang Maynila ay mayamang pook ng mga Muslim ang mga Kastila sa
pamumuno ni Martin de Goite (kanang kamay ni Legaspi) ay
iniwan ang Cebu kasama ang mga nagtaksil at naging Catolicong
mga Bisaya at naglakbay patungong Luzon, nadaanan nila ang
Panay at Mindoro. Sila ay
nakalapag sa Maynila
noong M ayo 8, 1570. at
nais na makipagkaibigan
kay Rajah Soliman.
Datapwat ang mga
katutubo ay nakita ang
masamang dahilan ng
pakikipagkaibigan at
nagsimula ang mainit na
digmaan laban sa mga
Muslim ng Maynila na
pinamumunuan ni Rajah
Soliman ( ang pinuno ng
mga Datu sa Luzon na ang
lahi ay nagmula sa Maharlikang pamilya ng Borneo).
Ipinagtanggol ni Rajah Soliman ang kanyang kaharian ng buong
tatag hanggang sa kahuli-hulihang hibla ng kanyang buhay na
nangyari sa Bangkusay (dalampasigan ng Tondo) at sa kabila
naman ng Ilog Pasig ngayon ay kinatatayuan ng Fort Santiago at Intramuros ( Kaanib ng
mga Moors ) ay si Rajah Matanda naman ay buong tatag ding nakipaglaban. Sa pagkatalo ni
Rajah Soliman, at ni Rajah Matanda ang mga
Kastila ay nagdulot ng lagim sa pulo ng Luzon,
pinatay nila ang mga lalake at babae, matanda
at bata. Ang mga Muslim sa mga karatig bayan
ay ipinagtanggol din ang kanilang pamayanan
hanggang sa kanilang huling hininga; itak at
palaso (pana) laban sa baril at kanyon ng mga
kastila. Ayon sa ibang salaysay si Rajah Soliman
ay namatay noong Hunyo 3, 1571 sa
pakikipaglaban sa Bangkusay. Bago nakalapag
si Ferdinand Magellan sa Pulo ng Limasawa
noong Marso 16, 1521, ang Filipinas ay isa nang
Pamayanang Muslim. Pinamamayanan din sa
kasaysayan na noong dumating si Legaspi, ang
Pamayanan ng mga Muslim ay naitatag na sa
Batangas, Pampanga, Mindoro, Panay,
Catanduanes, Cebu, Buhol, Samar, Maynila,
Palawan, hindi pa kasali ang pulidong mga pulo
sa Mindanao at Sulo. Sa Macabebe Pampanga
ay kinikila si Rajah Soliman bilang kanilang hari
at ang kaniyang imahen ay nakatayo bilang
pagkilala sa kaniyang pamumuno.

19
Ang Ekpedisyon ni Martin de Goiti
Nang dumating si Martin de Goiti sa Manila noong 1570 ay hindi ipinahintulot ni
Soliman si Goiti na lumapag, na ito’y nagpapahiwatig na hindi siya katanggap-tangap. Ang
kapayapaan na iniaalok ni Goiti para sa mga katutubong Muslim
ngunit hindi sang-ayon si Soliman. Una hindi sila katulad ng mga ‘
Pintado’1 ( ang tinutukoy ang ang mga Bisaya) na mga sunod-
sunuran sa mga Kastila. Ikalawa hindi niya tinatanggap ang alok ni
Goiti sila ay maglilingkod sa Hari ng Espanya o magpapasakop,
magbibigay ng mga buwis. Dahil sa hindi pagkakaunawaan at mga
bintangan sa isa’t-isa, ang mga Kastila na higit ang kakayanan sa
mga makabagong sandata ay sinugod ang kaharian ni Soliman at
sinunog ang mga tahanan nila. Mahigit 100 mandirigma ni Soliman
ang napatay sa Manila at marami pa rin ang napatay sa ilog Pasig
nang sila ay tumakas . Mga 80 pa ang nabihag ng mga Kastila.
Maraming nakurakot ang mga Kastila. Ang mga pintados ( Visaya )
na sumama sa mga Kastila na naging Catoliko ay kasama sa hatian
ng mga kayamanan ng taga-Maynila. Nang malaman ito ni Legaspi,
siya ay sumang-ayon at hindi sinisisi si Goiti sapagkat anya ito ang pinaka mabisang paraan
upang sila ay sumang-ayon sa
kagustuhan ng Kastila. Noong Junio 6,
ay inangkin ni Goiti ang Manila at mga
karatig pook nito sa ngalan ng Espanya.
Nang si Legaspi ay nakipagpulong kay
Rajah Matanda, sila ay nagkasundo
dahil sa matatamis na pangako ng mga
Kastila at napagkasunduan din na akitin
din si Soliman. Gayon din ay inangkin ni
Legaspi ang buong Maynila bilang
Adelantado, binigyan niya ito ng
bagong pangalan, El Nuevo Reinode de
Castilia ( Ang Bagong Kaharian ng
Kastila). Napilitan ding sumuko ang
malalapit na pook na baranggay, ngunit
ang iba ay hindi sumang-ayon.
Bagamat’ sa kanilang pakikipagkasundo
ay naganap, nagkaroon pa ng ilang ulit
na himagsikan. Hanggang tuluyan nang
magapi ang Kaharian ng Maynila. Sa
katapusan ng buhay ni Soliman,
ipinagpatuloy ng mga Dayuhang Kastila
ang ang pananakop sa iba’t-ibnag
karatig barangay at Bayan. Katulong o
kasama nila ang mga ibang tagalog at
mga bisaya na pumasok sa pagiging
Catoliko upang mabigyan ng proteksyon at kabilang sa hatian ng anomang kayaman na
kanilang makukuha sa pagsakop sa iba’t-ibnag lalawigan.

1
Ayon kay Antonio Pigafetta, ang tagasulat ng Cronica ni Magellan ng sila’y lumapag sa
kapuluan ng Bisaya, higit sa lahat ang Zugbu o Cebu ay iniulat niya na ang mga
mamamayan dito ay puno ng tattoo sa katawan at natatakpan ng Bahagui ang masilang
bahagi ng katawan at turban na yari sa seda.

20
Una ay sinakop nila ang nayon ng Butas, na nasa kabilang panig ng ilog Pasig9 Ang
Butas ng ilog, ito ngayon ay naging Navotas). Kinasangkapan ng mga Kastila ang mga
Pinatdos sa Visaya dahil sa panagkong bibigyan sila ng mnakurakot sa digmaan ( spoils of
battle). Napatay nila ang marami sa mga taga-Butas ( Navotas). Hinakot ng mga Kastila at
traydor na mga kababayan natin. Ang mga nahuli ay kinaladkad patungong Manila, silang
lahat ay umaabot na 300 katao, bininyagan at
ginawang alipin. Dahilan sa ganitong
pamamaraan ni Legaspi, maraming sumama at
kumampi mula sa Bisaya at ibang panig ng
Luzon. Nagtamasa sila ng kayaman sa bawat
pananako ng mga Kastila. Nauso at lumaganap
na rin ang sumbungan o pag-espiya sa mga
katutubo upang magkamit ng pabuya.
Datapwat bago maging kakampi kailangan
nilang mag-Catolico.
Dahil dito ang iba ay naakit, may mga
katutubo sa Pampanga ( Capangpanga) na
tinatawag ngayon na Pampanga ay sumama at
nag-sumbong sa mga Kastiala. Sumama sila sa
labanan kaya nagapi ang ibang mga katutubo
roon. Pinagbayad sila ng buwis na ginto,
nagbigay ng pagkain at iba pang ari-arian.
Dito naman sa Caynta ( ngayon ay Cainta Rizal), dahilan din sa mga traydor na taga-
Caynta, napasok ng mga kastila ang kampo ng mga naninirahan doon. Tatlo ang napatay
na kawal na Kastial, dahil dito ang mga sundalong Kastila ay nag-juramentado at pinatay
ang mga taga-Caynta, kasama sa mga napatay
bagaman ito ay musmos pa, bata, babae at lalake ay
isinama rin. Dahil dito sumuko na rin ang lahat ng
mga barangay sa paligid ng lawa ( Laguna de Bay).
Ang Camarines Sur ay hinangad nilang
masakop dahil sa minahan ng ginto, hindi nila ito
agad na nasakop dahil sa ang mga Muslim na
namumuno roon ay alam ang kanilang hangad at
pakay.
Dahil dito ay bumalik si Goiti sa malaking ilog
sa hilaga ng Manila, na tinatawag na Capangpanga,
upang ipagpatuloy ang naantalang pagsakop. Kasama
ang mga kawal na Kastila at mga mandirigmang
Bisaya at tagalog. Nilusob nila ang bayan ng Vites (
Bites). Dinuros ng mga Kastila at traydor na
kababayan natin ang pook na ito dahil sa makakamit
na gantimpala. Sunod-sunod na ring sumuko ang iba
pang mga barangay sa ilog ng Pampanga.
Nang maganap na ang paglupig sa
pinakayamang bahagi ng Luzon, Maynila at Tondo, sinama na rin nilang sakupin ang
lalawigan ng Bulacan, buong Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac at bahagi ng bataan; Morong (
Rizal) Cavitwe, Laguna at Hilagang batangas. Noong 1572 ay hindi pa nalupig ang pook ng
Ibalon ( Ngayon ay Bicol) , ang mga look nsa Ilocos ( Yloquio) ang pook ng Zambal (
Zambales) at Pangasinan. Kasma rin dito ang lalawigan ng Tayabas, Isabela, at Cagayan.
Ngunit sa mahabang panahon silang lahat ay kasama na at naglilingkod sa pamahalaang
Espanya.

21
Sa pook ng mga Igorot at mga bundok
ng Sirra Madre at ang mga palibot-libot nito ay
nanatiling payapa at malaya, dahil mahirap na
akyatin ang mga bundok niyaon. Bukod dito
ang mga traydor na pumanig sa mga Kastila ay
ayaw sumama doon. Bukod dito ang Cordillera
ay hindi kailanmna nasakop, dahil ayaw nilang
maging Catolico at ang mga tao doon ayon sa
mga Kastila at mga kakampi nitong traydor ay
mababangis sila.
Noong Mayo 18, 1571 ay inilipat ni
Legaspi ang kaniyang sentro ng pamamahala sa
Manila at upang makasama niya si Goiti. Dito
niya itinayo ang tinatawag na Intramuros,
noong 1571. Noong Agosto 20, 1572 habang
pinapalitan ang bakod na kahoy ng batong
pader ay namatay si Legaspi at inilibing sa
Simbahan ng San Agustin sa Intramuros.

Nang mamatay si Legaspi sa gulang


na 67, ay tahimik na pumalit si Lavezaris, ang
kasama ni Ruy Lopez Villalobos. Siya ay
nanungkulan bilang Gobernador at
ipinagpatuloy ang pananako sa kapuluan na
pinasimulan ni Legaspi. Inutusan ni Lavezaris
si Juan Salcedo na sakupin ang Yvalon at ang
mina ng ginto sa Paracale. Kasama ng mga
Kastila ang mga katutubong sunod-sunuran
sa mga Kastila. Nasakop nila buong paligid ng
ilog Vocor ( Camarines Norte at Sur at Albay), nasakop din ang pulo ng Catanduanes.
Marami silang nasamsam na ginto at iba pang kayamanan. Inatasan muli ni Lavezaris si
Zalsedo na lubusang sakupin ang ang tinatawag na Ylocos, sa tabi ng ilog-Vigan ( mula sa
Biga-an, isang pook na maraming biga, isang uri ng halamang gabi). Nasakop nila ito ng
mapayapa, na nagyon ay Vigan.
Noong 1573 ,dahil sa matagumpay na pananakop at sapilitang pagyakap sa Catolico
ng mga katutubo sa buong Luzon at ilang bahagi ng Visaya, ay iniulat ni Kapitan Diego de
Artieda, sugo ni Haring Felipe II na ang Pilipinas ay bahagi na Kaharian ng Espanya. Ang
Manila ay binigyan ng titulong “ Insigne y Siempre Leal Ciudad de Espana ( Ang Katangi-
tanging at Matapat na Bayan ng Espana).
Itinatag ng mga Kastila na pangunahing lugar ang Maynila at nagplano sila na
sakupin ang buong Kabisayaan. Sa maikling panahon ay nalupig nila ang Visayas at ang
mga Muslim na hindi namatay sa digmaan at ang mahihina ay napilitang talikdan ang Islam
at tanggapin ang Kristianismo kapalit ng kanilang buhay, ngunit ang matatag sa paniniwala
at bayani ay niluob pa nilang mamatay na lumalaban kaysa talikdan ang pananampalataya
at Islam. Nang ang Luzon at Visaya at nasakop, pinatawan na sila ng mga buwis at

22
sapilitang pagtratrabaho at pagbibenta ng mga ani mula ng lupa sa pamahalaang Kastila.
Ipinatupad nila ang patakarang
Hindi huminto ang mga Kastila
sa pagsakop sa Luzon at Visayas. Hindi
pa sila nasiyahan, pinangarap pa
nilang masakop ang mayamang lupain
ng Mindanao; ngunit ang mga
katutubong Maranaw, Tausog,Yakan,
Samal, Maguindanao, at Sangil na mga
tribu ng Muslim ay magiting na
lumaban at pinigilan ang paulit-ulit na
pananakop at pamimilit ng mga
Kastila. At duon nagsimula ang
matanyag na digmaan ng mga Muslim
at Kastila., at ito ay tinawag na
digmaang Moro ( Moro Wars).

Ang Mindanao at Sulu


Habang ang Islam ay lumalakas sa Mindanao at Sulu, ang Visaya’ at Luzon ay
nagapi at napilitang maging Catolico. Ang paglaganap ng Catolico sa kapuluan ay
pinangunahan ng Frayleng Augustinian na si Andres Urdaneta, kaagapay niya ang
dalawang pinuno ng pananakop na sina Miguel Lopez de Legaspi at ang kaniyang kanang
kamay na si Martin de Goiti. Pagkatapos na ang mga katutubo ay pumasok sa Catolico, dito
na nagdatingan ang mga Fransciscan, Dominican, Jesuit at iba pang Augustianian na mga
Pari. Nagtatag sila ng mga simbahan, konbento at mga paaralan.
Noong 1578, ang unang pagtatangka ng mga Kastila na durugin ang mga Muslim sa
Mindanao at Sulu nang isinagawa ng mga Kastila kasama ang mga Indio at mga Pintados na
sakupin ito. Bago maganap ang pagsalakay, ang Kastilang General na si Francisco de Sande
ay nagpadala ng liham sa Sultan ng Brunei,
Ang pinakamahalaga sa sulat ay ang
pagbabawal ng magpadala ng mga
mangangaral sa Kabisayaan at Luzon.
Isinagawa nila ang pagsalakay sa Sulu at
Hilagang Borneo upang maputol ang
pagpapadala nila ang mga mangangaral na

23
Muslim na pumunta sa kabisayaan at Luzon, sakupin
ito at mapasailalim ng Kaharian ng Espanya at gayon
din upang maputol ang pakikipag-ugnayan ng Sultan sa
Sulu.

300 taon, na ang mga kolonyal na administrador at


prayleng Kastila ang naghahari sa mga kolonisadong
mamamayan, nagpapataw ng buwis sa mga ito,
pangunahi'y sa porma ng pagpapatrabaho, upa sa lupa,
tributo sa simbahan at tubong-komersyal mula sa
kalakalang Maynila-Acapulco na tumagal noong mga
unang taon ng ika-19 na siglo at sa bandang huli'y tubo
mula sa pakikipagkalakalan sa mga bayang kapitalistang
industriyal
noong
malaking
bahagi ng ika-19 na siglo.
Sa kolonyal at pyudal na lipunan, ang mga
panginoong maylupa ang bumubuo ng
pinakamataas na uri sa mga katutubo. Inaabuso
nila ang mga magsasaka, na mga 90 porsyento ng
populasyon. Minorya ang mga artisano at
manggagawa sa manupaktura. Lalong kakaunti
ang mga katutubong pari, propesyunal at klerk na
administratibo hanggang matapos ang kolonyal na
paghahari ng mga Kastila.
Ang nangingibabaw na pwersang pangkultura sa
kolonyal at pyudal na lipunan ay ang Katolisismo
na pinalaganap ng mga ordeng relihiyoso na
napapailalim sa kaharian ng Espanya. Ang mga
paring Kastila ay nagpasasa ng kapangyarihang
panlipunan, pampulitika, pangkultura at moral
mula sa mga kolonisadong mamamayan. Ginamit
nila ang katesismo, pulpito, kumpisalan at mga
seremonyas para kontrolin ang mga mamamayan at gawing lehitimo ang sistemang kolonyal at
pyudal. Sa katunayan, epektibo silang kahati sa kapangyarihan ng mga di relihiyosong kolonyal
na administrador ng isang estadong totoo ngang teokratiko.

Ang Mindanao ay hindi kabilang sa Pilipinas


Sa panahon ni Villalobos, itinuring na kasama sa kapuluan ng Maluku ang mga pulo ng
Mindanao. Mindanao, isang kataga na kumakapit sa lupain ng Mindanao, Basilan, Sulu, Tawi-
Tawi at Palawa, ito rin ay tinaguriang sa tawag na Morolandia o Bangsa Moro. Ang isang
mananalaysay na Taga Pransiya na si D’Avitaya, ay sumulat sa kanyang aklat na Histoire de

24
L’asie, noong ika -16 na siglo na ang Mindanao
ay hindi kabilang sa kapuluang Pilipinas. Sa
kaniyang pag-uutos kay Miguel Lopez de
Legaspi noong 1570, si Felipe II ay sumang-ayon
na “ ang mga pulo ng Mindanao ay kalapit sa
mga distrito ng Filipinas,” sa kahulugan nito ang
maraming pulo sa Visayas ay nasa ilalim na
pamamahala ng Kastila. Sa karagdagan pa, ang
Kastilang Heswitang pari na si Juan Francisco
Combes ( 1620-1665) ay sumulat : “ Ang
ikalawang bansa ayon sa pagsapantaha ay ang
Mindanao, kabilang dito ang Kaharian ng
Buhayen; dahil sa mga naunag panahon sila’y
iisang bansa, at gayon din ngayon, bagaman
bagaman may iba’t-ibnag namumuno sa kanila,
sila’y iisa sa kultura at wika. Silay isang bansa ng
mga magigiting, at ang kanilang alituntunin ay
nasa ilalim ng mga hari ay kinikilala ng mga taga ibang bayan, na kanilang kaisa sa ilalim ng
iisang pang-politikal na pamamahala upang makamit ang kanilang malaking mithiin.” ( Historia
de Las Islas Mindanao, Jolo ‘y Adjacentes [ Madrid, 1667] )

Tagumpay ng mga Mananakop


Sa kanilang
matagumpay na pagsakop
sa Luzon at sa Brunei ay
hinarap naman nila ang
Sultan ng Sulu at
Maguidanao na nais nilang
maging alipin. Datapwat
ang mga Muslim sa
kapuluang ito ay matapang
na tumutol at lumaban.
Maraming ulit na sinubok
ng mga Kastila na
masakop at gawing alipin
at binyagan ang mga
Muslim ngunit nangabigo
silang lahat. Dahil sa
kalagayang ito, ang mga
Kastila ay kinasangkapan
ang mga Bisaya at Tagalog
at ibang karatig pook na
sumama at makipag-digmaan sa mga Muslim. Maraming napinsala ang mga dayuhan na
nais lamang makamit ang Karangalan, nasira nila ang maraming buhay, ari-arian. Ang mga
katutubo na pumayag na maging Catolico ay kinasangkapan na labanan ang kanilang mga
kalahi na ipinagtanggol ang kanilang relihiyong Islam. Ang mga Kastila ay tuso sa kanilang
pakikipagpulong ng kapayapaan; kung inaakala na nilang kaya na nilang magapi ang mga
Muslim, nilalabag nila ang kasunduang pagkapayapaan. Maraming ulit ang ganitong

25
nagaganap. Noong taong Marso 1609, ang mga
kastila ay muling nakipagkasundo at ito’y tumagal ng
25 taon. Ngunit dahil, pagmamalupit na kanilang
ginawa kay Datu Ache, na isang sugo patungong
Manila, kaya si Rajah Bungsu ay muling nagpasimula
ng digmaan sa sentro ng Visayas at Camarines Sur ,
Samar, Leyte at Bohol noong 1627.
Sa Maguindanao , si Sultan Kudarat ( Qudarat)
at ang mga pinuno ng Buayan at Sangil. Nakipagkaisa
siya sa Sultan ng Sulu at naging kabiyak ng kaniyang
puso ang anak ni Rajah Bangsu noong taong 1632 at
ito ang pagkakaroon ng kasunduan ang Mindanao at
Sulu. Ang mga Kastila sa kanilang pakikipagdigma sa
Muslim ay malupit sa mga nahuhuli nila at
pinupugutan ng ulo. Bagamat maraming nasalantang
ari-arian at buhay sa magkabilang panig, ang mga
Muslim ay patuloy na lumalaban upang hindi tuluyan
nang masakop ang Sulu at Mindanao. Halos nasira ng
mga Kastila ang pamunuan ng Maguindanao, ngunit
ang mga Iranun at Maranao ay napagtipon ng kanilang
pamunuan at patuloy na lumalaban. Ang isa sa
pakikipagdigma ng mga Maranao ay ang pinamunuan
ni Datu Amai Pakpak sa kaniyang pagtatangol sa
Sultan Kudarat
Marawi noong taong 1891 at 1895. Sa pangkalahatan, ang pananatili ng Kaharian sa
Maguindanao at Sulu ay dahilan sa pagtaguyog ng lahat ng mga iba’t-ibang tribo ng Muslim
sa laban sa mga mananakop.
Ang pagsakop ng mga Kastila sa mga Pulong ito ng Silangan ay nagpasimula ng
pormal na maitatag ni Legaspi ang Pamayananag Espanya sa Cebu taong 1565 at nagwakas
ng ipahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng Filipinas noong June 12,1898 sa
kanyang tahanan sa Kawit, Cavite. Tatlong-daan at tatllumpo't tatlong taon (333 yrs.) na
sinubukan ng mga Kastila na sakupin, ang mga Muslim ay nagtagumpay na naipagtanggol
ang Islam sa Mindanao at Sulo.

Bakit tinawag na Moro ?

Moro, ayon sa Merriam-Webter's Collegiate Dictionary 10th edisyon pahina 757 ay


sinasabi na : Moro pl. Moros [ Sp. Lit., from L. Maurus] 1. kabilang sa alinman mga
mamamayan ng Muslim sa Hilagang panig ng Pilipinas. 2. alinman sa Austronesian
na wika ng mga Moros. Ang salitang Moro ay ikinapit ng mga Kastila mula sa
salitanfg " Mauritania" o kaya'y Moors" ang mga katutubong naninirahan sa bansa
ng Timog Kanluran (NW) ng Afrika sa hangganan ng Timog Atlantiko ng Ilog
Senegal. Ito'y ibinansag ng mga kastila sa mga katutubong mamamayan sa bayan
na tinatawag ngayong Pilipinas na ang pananampalataya ay katulad ng kanilang
kaaway na Mauri sa Timog ng Afrika at ang mga Muslims na Namamahala sa
Espanya ( o kaya'y Andalus) sa loob ng mahigit pitong siglo. Nang lumipas ang
panahon, ito'y tanging ikinapit na lamang sa mga Muslim na naninirahan sa
Mindanaw na lumaban sa mga mananakop bilang pagtatangol sa
pananampalatayang Islam, bansa at kalayaan.Ito'y nagging taguri sa pagtutol mula
sa mga banyagang nang-aalipin at mang-uusig. Salungat sa taguring Pilipino, ito'y

26
ikinapit bilang pangalan bunga ng pangbu busabos ng dayuhan. Sa ngayon, ay may
13 pangkat ng mga Muslims sa Hilaga na kinikilala bilang Muslim at tinatawag
silang bilang Moros, katulad ng mga Maguindanaw, Maranaw, Tausog, Iranon,
Yakan, Sama, Jama Mapun, Palawanun, Molbog, Kalagan, Kalibugan, Sangil at
Badjao. Ang salitang Mro ay ginamit ng mga katutubo ng Muslim sa Mindanaw
upang ipakilala ang pagkakaiba ang kanilang mga mamamayan mula sa mga
nasakop na naging Cristiano, na tinatawag na Bangsa Indio o Pilipinas. Ang 13
pangkat ng Moros o kaya'y Muslim ay may iba't-ibang wika ang ginagamit, ngunit
ang salitang ito ay kabilang sa Malayo-Polynesia ( o kaya'y Austronesian ), ang
wikang pinanggalingan at kaya nga tinatawag nila ang kanilang sarili na Bangsa
Moro, na ang kahulugan ay Bansa ng mga Moro mula sa salitang Malay na " Bangsa
" na ang titik na ginamit sa salitang tagalog ay Bansa.

Nabaon sa Limot ang Kabayanihan

Nakakahiya man ito, subalit ang katotohanan ay


tunay na nakaririmarim. Tila totoo na natatabunan
ng paglipas ng panahon ang mga kasalanan ng
nakalipas, ang mga pangyayari ng nakaraan at ang
mga alaala ng sinaunang panahon. Nangyari na
nga na ang mga bayaning Muslim ay nabaon na sa
limot tulad nina Andres, Jose, Melchora at Emilio,
na dinaraanan natin sa mga pampublikong
bantayog at plasa, hindi pinapansin at tila walang
nais umalala sa kanilang kabayanihan. Sabi nila,
madaling makalimot daw ang mga Pilipino.

Noong dumating ang mga Kastila sa ating bansa,


dumaong sila sa ating bansa dala ang alindog ng
relihiyon, sa likod ng bangis ng baril. Subalit, bukas
kamay pa rin natin silang tinanggap. Nilapastangan
ang ating kalayaan, kinamkam ang ating likas
yaman, binastardo ang ating kasaysayan at kinaumbabawan ang ating lahi't
pagkakakilanlan, pero lubos pa rin nating niyakap ang kanilang pananamantala.
May mangilan-ngilang nangahas na lumaban, pero kapwa Pilipino rin ang pumuksa
dito. Ginamit lamang ng mga Kastila ang pagkakawatak-watak ng ating salita laban
sa ating kapwa mga api.

Maraming magigiting na Kayumangi mula sa Mindanao, Bisaya at Luzon

Sultan Kudarat sa Maguindanao

Ang Maguidanao ang pinakamalaking tribo sa Mindanao. Nakilala si Sultan Kudarat, kilala
siya ng mga Kastila bilang Corralat at ang mga Dutch bilang Guserat. Dahil sa kanyang
kagitingan sa pamumuno ng Maguindanao noong 1619 hangang 1671. Naging
makapangyarihan ang kaharian ng mga Maguidanao, umabot mula Davao hanggang

27
Dapitan, sa hilagang dalampasigan ng Zamboanga. Dahil
sa katapangan, nanatiling malaya ang mga Pilipinong
Muslim sa kamay ng mga Kastila noong taong 1619-1671.
Dito ay napag-isa ni Sultan Kudarat ang watak-watak na
pangkat ng liping Maguindanao.Pinangasiwaan din niya
pati na ang mga Iranun at mga Maranao. Napangasawa
niya si Putri Tunoma, prinsesa sa Cotabato, at doon niya
itinayo ang kaniyang kaharian sa mga nakararaming
Maguidanao. Importante sa kanya ang pagkakaisa.
Hinimok niya ang mga kababayan niya na mahirap silang
talunin ng kanilang mga kalaban kung sila ay tulong-
tulong at sama-sama. Sa loob ng tatlong siglo, lumaban
ang mga Pilpinong Muslim sa mga kastila at hindi sila
pumayag na basta na lamang sila magapi ng mga ito.
Gamit ang talino at tapang ni Sultan Kudarat, hindi sila
napasuko ng mga Kastila. Ginapi at napalayas nila ang Sultan Kudarat
mga Kastila sa Zamboanga at sa buong Mindanao noong
1663, ito ay dahilan sa pamumuno ni Sultan Kudarat. Ang
pagtatanggol sa kanyang lahi ay kanyang tagumpay. Namatay si Sultan Kudarat na labis na
hinangaan ng kanyang mga kababayan.

Prinsesa Purmassuri

Sa kabila ng pagiging isang babae, si Prinsesa Purmassuri


ng Sulu ay nakilala dahil sa kanyang natatanging
katapangan. Matagumpay niyang nailigaw ang mga
kalabang dayuhan. Naitaboy niya ang mga ito papalayo
ng Sulu upang hindi tuluyang maalipin ang lahi.
Tinulungan niyang imulat ang kapwa niya taga-Sulu na
huwag matakot ipaglaban ang karapatan. Ang tao ay
hindi nabubuhay sa mundong ibabaw na walang
anumang kakayahan. Lahat, sa pananaw niya, ay
biniyayaan. Ito ang ipinamulat niyang kaisipan sa
kanyang mga tauhan.

Magat Salamat

Si Magat Salamat ay anak ni Rahaj Soliman ng Maynila.


Isa siyang matapang na pinuno. Lumaban siya sa mga
Kastila dahil sa hindi sumunod ang mga ito sa
kasunduan ng mga Pilipino. Nahirapan ang mga Kastila
na siya ay talunin. Kinainisan siya ng mga ito kaya siya
ay tinuligsa at kalauna'y binitay ng mga ito. Kanyang
ipinagtangol ang Pilipinong Muslim upang masugpo ang
pagmamalabis ng mga dayuhan. Labis niyang tinutulan
ang pagmamalupit sa kanyang mga kalahi sa Mindano.

28
Reyna Sima

Dinakila si Reyna Sima dahil binigyang-pansin niya ang pagrespeto sa batas at


katarungan para sa bawat Pilipino. Tubo siya ng Cotabato at naging lider ng
kapuluan noong 1637.

Buong puso niyang pinaglingkuran at ipinagtanggol ang kanyang mga tauhan.


--

Napakaimportante sa kanya ang maayos na pag-uugali at itinuro niyang ang


katapangan ay kailangang laging nasa lugar. Ang bawat hakbangin, ayon sa kanya,
ay dapat pinag-iisipan ng mabuti. Hindi nakakalimutan ni Reyna Sima ang
pagbibigay at pagtulong sa kapwa kaya naman siya ay minahal ng kanyang mga
kalahi.

Mga Natatanging Pinuno ng Mindanao

Sultan Pangiran Siya ang pinuno ng mga Tausog na nagtanggol sa mga pook ng
Zamboanga at Sulu. Datu Sirungan at Kapatid na si Datu Ubal ng Maguindanao
kasama si Datu Buisan ng Lanao ay nagsagawa ng pagpapalayas sa mga dayuhan
sa pook ng Visayas. Datu Tagal ng Cotabato ay naglunsad ng pakikipagdigma sa
mga Kastila. Si Sultan
Bungsu ng Zamboanga
ay lumaban ng buong
tapang laban sa mga
mananakop at
napalaya ang buong
Jolo noong taon 1645
CE. Sina Sultan
Jamaluddin at Sultan
Badruddin III,
ipinagpatuloy ang
pagkikipaglaban at
pagtatanggol hanggang
sa panahon ng
pananakop ng Britanya.
Si Datu Udtog ng
Cotabato, dahil sa
pagtatanggol ay
napaslang niya ang
Gobernador Emilio
Torrero; Si Datu Ali ng
Balo-I, at ang iba pang
mga Maranao ay
nakipagdigma dahilan
sa pagpapalayas sa
mga mananakop.

29
Bakit Madaling Nasakop ng Mga Kastila ang Luzon at Bisaya ?

Bagaman marami
ang mga katutubo, at
maliit lamang ang bilang
ng mga Kastila para
sakupin ang Pilipinas
nagawang magapi pa rin
ng mga banyaga ang
kapuluan ng Luzon at
Bisaya. Bakit at ano ang
dahilan? Maraming
dahilan ang maaaring
makapagpapaliwanag.
Una ang mga Katutubo
ay hindi nagkakaisa at
walang tinatawag na
pang-sentrong
pamamahala. Bagamat
ang mga barangay ay
may kanya-kanyan nang
pamamaraan ng
pamamahala, ang bawat
isa ay gumakalaw na
magkakahiwalay sa
bawat-isa. Bagama’t may mga Datu na namamahala, sila lamang ay gumagalaw ayon sa
sarili nilang nasasakupan.Walang pinakamataas na pamumuno para pag-isahin ang mga
bayan at Barangay at ang mga dayuhang Kastila ay sinamantala ang pagkakataong ito ng
pagsakop sa pamamagitan ng paunti-unting paraan. Sa ikalawa, ang mga mamamayan ng
kapuluan Pilipinas Muslim at di Muslim ay napilitang maging Catolico dahilan sa kaligtasan
ng kanilang buhay. Ang iba ay nalasing sa bahagi ng kayamanan na natanggap mula sa
mga bayan na sinakop kung sila ay magka-Catolico at sumamang labanan ang ayaw
magpasakop sa Kastila. Sa ibang salita pagtataksil sa lupang tinubuan , kababayan at
relihiyon. Ang pagpasok noon sa relihiyong Catolico ay hindi dahil ito ang dalisay na
pananampalataya kundi isang malaking pakinabang. Ang ibang mga Datu at Rajah ay
naaakit sa mga matatamis na pangako na bibigyan sila ng karangalan, kayaman at
kapangyarihan kung sasama sa pakikidigma at magiging Catolico.

Ang Pananakop ng mga Amerikano ( 1899-1902)

Mula noong digmaang Espanyol-Amerikano sa pagtatapos ng ika-19 na siglo, minataan na ng


United States ang Pilipinas bilang
malaking isda na mainam bingwitin
at gawing kolonya dahil sa marami
nitong likas na kayamanan at sa
estratehikong lugar nito sa
imperyalistang pakana ng U.S. na
gawing lawang Amerikano ang
Pasipiko para sa malalaking negosyo

30
nito at para makakuha ng parte sa
dambuhalang pamilihang Tsino.
Noong 1898, ang Estados
Unidos ay nakipagdigmaan sa
Espanya. Pagkatapos na magapi
ang espanya sa Cuba at sa
Pilipinas, ang Estados Unidos ay
binili ang Filipinas, Cuba at ang
iba pang mga kapuluan mula sa
Espanya. Bagaman si Aguinaldo
at ang mga nag-aklas laban sa
Kastila ay pakiwari na ito na ang
magiging takdang panahon
upang makalaya sa pamamahala ng Espanya ay hindi nagyari, sa halip ang mga Amerikano
ay ipinagpatuloy ang pananakop sa Filipinas. Lumagda ang Espanya at Estados Unidos ng
Kasunduang Pangkapayapaan
at nilisan ng mga Kastila ang
Filipinas kapalit ng halagang
dalampong milyon dolyar ng
America bilang kabayaran ng
Filipinas.
Mula sa panahon ng
pananakop ng mga Espanyol,
Amerikano at gayon din sa
panahon ng pananakop ng
Hapon (Japan), ang mga
Muslim sa Mindanao ay buong
tapang at tatag na
nakipaglaban upang
ipagtanggol ang relihiyon at upang hindi masakop ng mga dayuhan.

Kaya mga kapatid


naming Filipino na hindi pa
nagbabalik -loob sa nag-iisang
Tunay na Diyos-Ang Allah,
nawa ay buksan muli natin ang
ating kaisipan at damdamin
para ang ganap na gabay at
liwanag tungo sa Kanya ay
makamtan. Balikan natin ang
relihiyon ng ating mga ninuno
na walang iba kundi ang Islam
at ating kakamting muli ang
kapayapaan at kapanatagan
ng buhay.
Nawa'y gabayan tayong
lahat ng Allah para makamit natin ang kaligtasan at kaligayahan tungo sa Buhay Na Walang
Hanggan.

Sa isang aklat na Swish and the Kris ay ganito ang sinabi ng sumulat ukol sa pamamaraan
ng mga Muslims sa kanilang pangangaral “ Ang mga naunang Mohamadans (sic) ay

31
napakaraming kalakasan. Sila ay
nagmula sa mga hindi hinog na mga
bansa na walang sasakyang pandagat
o kaya’y mga kawal o pamahalaan
upang magtaguyod sa kanila. Sila’y
maibibilang sa mga pinakamatapat na
alagad na lumitaw sa pang-relihiyong
pananampalataya. Wala silang
hinangad maliban panumbalikin ang
mga hindi mananamapalataya.Hindi
nila hangad ang ginto. Ang daanan ng
kanilang pangangalakal ay hindi ang
kanilang tunay na paghahanap. Sila’y
naglakbay na magisa sa gitna ng isa
sa mga mapanganib na bansa sa
buong mundo, na nagsasanga ng
matayog na pananampalataya na tanging nagbibigay kalasag sa kanila… Sila ang pinaka
dalisay na manganagral sa sandaigdigan. Ibinubuka nila ang kanilang bibig na walang pag-
aalinlangan na kinasihan ng pagtitiwala sa nagbabantang karamihan. Ang mga pari ni

Mohammad ay kabilang sa mga pinaka makapangyarihan tagapagpalaganap sa kabihasnan


sa kasaysayahn ng tao. Ang kanilang relihiyon ay hindi nagpabagsak at sinira at nagwasak
na katulad ng mga naunang Cristiano. Ang mga pari ni Mohammad ay nagdala ng kultura at
paraan ng pagsulat at kasanayan, at idinagdag nila ito sa mga kultura na kanilang na mga
pook na kanilang natagpuan. Hindi sila maninira, datapwat isang kasiyahan sa kanila na
mapalago ang lumang kultura… Ang kalakasan ng Koran ay dumating upang palakasin.
( Chapter 4, Swish of the kris, Filipiniana Reprint Series 1985 Cacho Hermanos Inc.)

Ganyan din ang nangyari noong ang mga Amerikano naman ang ating mga nakasagupa. Sa
pamamagitan ng pangako na tutulungan tayo laban sa mga Kastila, naniwala tayo silang aakay sa

32
atin tungo sa matimyas na kalayaan. Sa una'y binigyan pa tayo ng armas para panlaban sa mga
Kastila. Huli na ng malaman natin ang kanilang panlilinlang at ang usapan sa pagitan ng
dalawang konkistedor.
Manifest Destiny ang
isinagot nila sa ating
hangaring busilak tungo
sa ganap na kalayaan.
Iniatas nila sa kanilang
sarili na ililigtas daw tayo
sa kamangmangan at
bibigyan daw tayo ng
sibilisasyon. Kailangan
daw nila tayong "i-
Christianize", ito ay kahit
tayo ang isa sa
pinakamalaking bansang
Katoliko sa Asya. Dahas
at edukasyon ang naging paraan nila para makuha tayo madagit muli sa kuko ng pagka-alipin.

Dahil dito, nagbuhat na naman ng armas ang Pilipino.


Subalit, hindi ito sinuportahan ng mga ilustrado. Nakipagkasundo at tumanggap ng posisyon sa
pamahalaang itinatag ng mga bagong
manunupil. At nang mahuli si Emilio
Aguinaldo, sumuko siya at sumumpa ng
katapatan sa bansang Amerika. Sa
kalaunan, unti-unti na ring sumuko ang
ating mga kababayan na lumaban, at
tahimik na tinanggap na lamang ang
pamumuno sa kanila ng mga
Amerikano.

33
Pumayag tayong magpasailalim sa mga Amerikano. At dahil tayo ay isang kolonya ng bansang
Estados Unidos, sinugod tayo ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Buong
giting na lumaban ang sundalong Pilipino at Amerikano.
Naging banyag ang mga lugar na Bataan at Corregidor
bilang bantayog ng kalayaan sa Asya. At ng matapos ang
giyerang wala naman tayong kinalaman, halos kalahating
milyon ang namatay, at milyon-milyon pa ang naghirap
dahil sa kaganapan. Ang Maynila ang pangalawang
pinaka-nasirang Capital City pagkatapos ng Warsaw,
Poland. At ang ating bayan ay bumalik muli sa umpisa ng
kawalan.
Sa hinaba-haba ng aking isinulat, isa lamang ang aking
katanungan... "Naalala mo ba ang mga kaganapang
ito???"
Kung hindi mo na ito naalala, maari nga ito sapagkat
medyo matagal tagal na rin ang mga kaganapang ito. Kung ikaw ay hindi rin nakapagtapos ng
pag-aaral, o kaya man ay
walang hilig sa pagbabasa
tungkol sa kasaysayan ng
ating bansa noong ikaw ay
nasa paaralan pa. Malamang
ay katuwiran mo lagi ay
hindi ka pa naman
pinanganganak noong
nangyari iyan, at patay na rin
naman ang mga taong
nababanggit, kung kaya't ano
pa ang silbi na pag-aralan
natin sila.
Pero ang malapit na
nakaraan, nakalimutan mo na
rin kaya? O gusto mo na
lamang talagang limutin?
Naalala mo pa ba ang Giyera
sa Korea at Vietnam? Ang
ekonomikal at pulitikal na
krisis noong 1970's? Ang
Sigwa sa Unang Kwarto?
Ang libu-libong taong nasa
lansangan?Ang

34
Pambobomba sa Plaza Miranda? Ang Batas Militar? Naalala mo pa ba ang mga ito? O pilit
nalang nating kinakalimutan?Sa panahong iyan nabuhay siNinoy - ang lalaking naalala na

lamang natin ngayon bilang "nakahalumbaba sa P500" at "Ama ni Kris".


Sa sanaysay na isinulat ni Jose Rizal sa La Solidaridad, kanyang sinabi "La muerte del Justo
santificó su obra é hizo su doctrina incontrovertible." Ang pagkamatay ni Ninoy ang naglunsad
sa libu-libong tao na magprotesta laban sa kalabisan ng rehimeng Marcos. Ang kanyang
pagbubuwis ng buhay ang nagbigay lakas sa kanyang mga
hangarin. Hindi natakot ang taong mamatay, sapagkat
kasama nila si Ninoy.
Pero hindi ba mas mahalaga na maging batayan ang
talambuhay ng isang di kilalang Katipunero, ng isang
mamamayan na nagpahayag ng kanyang kalooban sa
lansangan, ng isang taong nag-aaral tungkol sa kalagayan
ng lipunan, at ng sama-samang namulat ang taong bayan sa
kanilang angking kakayahan ng ipagbago ang ating bansa.
Kung hindi mo na naaalala ang mga pangyayaring iyan, o
kaya ang mga nagawa ni Ninoy, kawawa naman siya. Pero
sana ay huwag natin kalimutan ang dahilan kung bakit
kinikilala natin ngayon si Ninoy. Ngunit, tila mas mahalaga na tunguhin natin ang isang
mayamang kalipunan ng karanasan ng karaniwang mamamayan.

Ang ating mga Naunang Magulang


ay mga Muslim
Naglahad o nagbukas kami ng ilang
mga pagbabalik tanaw tungkol sa tunay na
kasaysayan ng ating bansa at maaaring ang
iyong mga naunang magulang o ninuno ay
mga Muslim at kung bakit nila niyakap ang
pagiging Cristiano ay dahilan sa
pagkakasakop at pamimilit ng mga dayuhang

35
kastila na yakapin ang relihiyong Cristianismo.

Ang Maling Paratang


Ang sinomang ay hindi maaaring pilitin kung ano ang kanyang dapat paniwalaan o
sampalatayanan, ngunit isang kahihiyan din naman sa isang may sapat nang kaisipan kung
hindi niya ginagawang magsaliksik at hanapin ang katotohanang ipinangaral ng mga
Propeta..

Sinabi ng Qur'an ( Ang Banal Na Kasulatan ng Islam )


ang ganito :

Kahulugan sa Pilipino:" Sabihin: O kayong mga


taong binigyan
ng Kasulatan ( Mga Hudyo at Cristiano),
halina kayo at mag-usap tayo,
Na sumamba tayo tanging kay Allah lamang,
Na tayo ay huwag magkakaroon na iba pang
dapat sambahin maliban sa Kanya lamang,
Na tayo ay huwag magtatatag sa ating
mga sarili ng mga panginoon at
Kahaliling sinasamba maliban sa Allah.
At kung sila ay magbalik - loob, sabihin ninyo :
" Magpatotoo na tayo ay Mga Muslim
( isang tao na tumutupad sa mga kalooban ng Diyos)."
Si Abraham ay hindi isang Hudyo o naging Cristiano;
Datapwat siya'y isang matapat na Muslim.
( Qur'an 3:64 )

Sa ating bansa ang pagkakakilala ng ating mga


kababayang Pilipino kapag sinabing Muslim ay kakaiba, may
nagsasabing hindi binyagan, matatapang o mamamatay -tao,
rebelde, tulisan o pirata at marami pang ibang masasamang
salita na ikinakapit. Sa
bahaging ito, hindi ko
bibigyan pansin o
mahabang paliwanag
ang mga maling paratang na ito. Ang isang tunay na
Muslim ay hindi maaaring ikapit ang masasamang
bagay na ito sapagkat salungat ito sa itinuturo ng
relihiyong Islam at hindi matatawag na tunay na
Muslim ang isang tao kung ang mga masasamang
gawaing ito ay kanyang ginagawa ( Allah lamang
ang tunay na nakakaalam). Narito ang sinabi ng
isang dalubhasang mananalaysay na si na Gregorio
F. Zaide at Sonia Zaide Pritchard, sa kanilang aklat
na History of the Republic of the Philippines mga
pahina 124,125 ay sinabi ang ganito: " Salungat sa
popular na maling pananaw, ang mga Muslim na Pilipino ay hindi masasamang pirata ang
mabangis na juramentado. Sila ay mapagkaibigan, mapagkupkop, matulungin, matapang at

36
makabayan katulad ng kanilang mga kapatid na Kristiano.
Upang maunawaan at maintindihan ang mga Muslim na
Pilipino, kinakailangan nating malaman ang kanilang
relihiyon at mga kaugalian. Ang kanilang relihiyon ay
tinatawag na Islam, na ang ibig sabihin ay pagpapasakop
sa kalooban ng Dios. Ang kanilang Dios ay tinatawag na
Allah, at si Muhammad ay Kaniyang Sugo. Isang kamalian
na tawagin ang Islamikong relihiyon na Mohammedanism
sapagkat si Muhammad ay hindi nag-angkin na siya ay
nagtayo ng isang bagong relihiyon. "

Ano ang Islam?


Ang Islam ay isang kompletang pamantayan sa buhay ng isang tao. Ang sinomang
tao na kusang isinunuko ang kanyang sarili at sinusunod ang kaloooban ng Dios ay
tinatawag na Muslim. Ang
Muslim ay yaong taong tunay
na nagpapasakop sa kalooban
ng Dios at hindi masamang
tao at ang kanyang relihiyon
ay tinatawag na Islam (
Pagsunod sa kalooban ng
Poong Maykapal.) Ang mga
Muslim ay lubos na naniniwala
na may Tangi at nag-iisang
Tunay na Poong Maykapal na
lumikha ng buong sanlibutan,
walang iba kundi ang Allah.
Dapat ding maniwala na ang
Allah ay lumikha ng mga
angel upang sumunod lamang sa Kanya, nagpahayag Siya ng mga Kasulatan sa Kanyang
mga Propeta at mga Sugo upang anyayahan ang mga tao na tanging sumamba lamang sa
Kanya, at hindi dapat na sumamba kanino man at sa mga nilikha. Pinaniniwalaan din ng
mga Muslim ang Kabilang buhay o sa araw ng paghuhuhkom. Sa panhuli, ang mga Muslim
ay naniniwala na ang Allah ay may itinakdang kapalaran sa lahat ng Kanyang nilikha.
Bukod pa rito ang Islam ay salitang Arabic at nanggaling sa ugat na salitang " Salaam " (sa
Hebreo ay Salem ) na ang ibig sabihin sa literal na kahulugan ay Kapayapaan. Ang
salitang ito ay nagpapakita na ang isang tao ay makakaranas ng kapayapaan sa kanyang
puso at kaluluwa sa pamamagitan ng pagsunod at pagpapasakop sa batas, o kalooban ng
Diyos. Maliban pa rito ang Biblia ( ang Kasulatan ng mga Cristiano) ay nagtuturo na ang
bawat tao ay dapat na pasakop sa Diyos ( Santiago 4:7 Ihambing sa Duet 10:12-13;6:4-
9; Joshua 24:22-24; Matthew 7:21; John 4:34;5:30; Matthew 12:50;Matthew 19:16-19).
Sa karagdagan ang Banal Na Qur'an ay nagsabi pa rin:
Kahulugan sa Pilipino:" Kung sila ay magnais ng ibang relihiyon maliban sa Islam,ito
ay hindi Niya tatanggapin at sa kabilang buhay siyaay mabibilang doon sa mga
nakahanay na talunan. "[ 3:83,85]

Sino ang Allah ?


Ang Allah ay ang personal na pangalan ng Pinakamakapangyarihang lumalanag ng
mga langit at lupa o ng buong sanlibutan. Siya ang nagpadala ng mga mensahero at sugo sa

37
mga tao upang mag-balik loob at siya lamang ang dapat na sasambahin. Ang Propeta ay
ipinakilala siya bilang nag-iisa ( walang ibat-ibang persona), at tanging Poong Maykapal, at
hindi nangangailangan ng kaniyang kasama at walang ibang kasama sa kanyang kalikasan
bilang Diyos. Ipinahayag Niya sa kanyang huling Propeta na si Muhammad ( ang
Kapayapaan at Pagpapalala ng Allah ay sumakanya) na ituro sa mga tao kung sino at ano
ang Allah. Sinabi sa Qur’an ang ganito :Kahulugan sa Pilipino:" Sabihin mo O! Muhammad
sa kanila :Siya ang Allah, Tangi at Nag-Iisa.Siya ang Allah na hindi
nangangailangan. Hindi Siya nanganganak,o kaya'y ipinanganak. At wala siyang
kapantay at walang anomanang maihahambing sa Kaniya” [Kapitulo AngKaisahan
112]

Sino si Muhammad?
Maaaring hindi ka naniniwla na may Diyos, o maaaring hindi mo alam na may Diyos,
maaari ding kabilang ka sa ibat-ibang sekta o dominasyon ng relihiyon. Maaaring ang iba ay
nagtitiwala sa ibang idelohiya katulad ng demokrasya, kumonismo, o malayang pamayanan
o simpleng tao lamang at walang pakialam sa kapaligiran. Ano man ang iyong paniniwala ,
kinakailangan mong makilala at malaman ang taong ito,
siya si Muhammad (Ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah
ay sumakanya ). Ipinanganak sa Arabia noong taong 570
CE, at nagpasimulang mangaral ng Katotohanan ng
relihiyong Islam sa gulang na 40. Sa loob ng 20 taong ng
kanyang pangangaral na iniatas sa kanya ng Poong
Maykapal, siya ay matagumpay sa kanyang misyon at
nagtagumpay siya na mabago ang Buong Pinensula ng
Arabia sa tulong ng Allah. Nagawa niyang baguhin ang
pananampalatayang Paganismo at pag-samba sa mga
diyos-diyosan upang sambahin lamang ang Tangi at Nag-
iisang Tunay na Diyos na ipinangaral ng mga naunang
Propeta. Nagawa niyang maging payapa at masunurin ang
mga patayan at pag-aaway ng ibat-iabang tribo ng Arabia
at naging isang bansa na nagkakaisa at matatag. Nagawa niyang baguhin ang kaugalian ng
talamak na paglalasing, patayan, pagbagsak ng moralidad patungo sa mataas na kaugalian
at moral. Siya ay nangaral ng panunumbalik sa Diyos ang Islam, nagtatag ng Estadong
Makadiyos at bansa, nagpatupad ng mga kautusang pagkakapantay-pantay sa lahat ng uri
ng tao. Kung pagbabatayan ang mga taong dalubhasa sa pagsulat ng kasaysayan, sinasabi
nila na siya pa lamang ang taong nakagawa ng pinakamataas na antas ng pagbabago sa
buhay ng mga tao. Ganito ang sinabi sa isang aklat na isinulat dalubhasa na kabilang sa
pananampalatayang Hindu :

“Hindi siya nag-aral ng pilosopiya sa paaralan ng Persia, Atheniya, Roma, India o


kaya'y Tsina, ngunit kaya niyang ipahayag ang pinakamataas na mga
katotohanang walang hanggan para sa lahat ng tao. Siya sa kanyang sarili ay hindi
nakapag-aral,ngunit magagawa niya na magsalita ng isang matatas na mga wika
at kaalaman na nakapapapakilos sa kalooban ng mga tao.Isang ulila nang
ipinangaank at walang kayamanan, siya ay minahal ng lahat ng mga tao. Siya ay
hindi nag-aral sa anomang akademya ng militar; ngunit nagagawa niyang
pagtipunin ang kanyang puwersa laban sa mga umuusig sa kanila at nagwagi sa
pakikipagdigma [Muhammad Prophet of Islam , Prof. K.S. Ramakrishna Rao pp.
17,18]

38
Paanyaya sa ating mga kababayan
Sa pananampalatayang Islam, itinuturo ng Banal na Qur'an na hindi dapat na ipilit
ang relihiyon sa isang tao, ngunit ito ay nagbibigay din ng babala na ang katotohanan ay
maliwanag at malinaw para maunawaaan ng isang tao, kahit na sa may simpleng kaisipan.
Higit pa nga sa isang tao kung siya ay may lubos na talino, ngunit walang panahon na
unawaain ang katotohanan lalo na ang Islam ay kahiya-hiya . Ang Islam ay dapat nating
saliksikin at pag-aralan, ito naunang pananampalataya ng mga ninuno natin bago pa
dumating ang mga Kastila
at ipinilit ang relihiyong
Cristianismo. Isang
kahihiyan sa atin na hindi
man lamang natin nasuri o
napag-aralan ang
pananampalatayang ito , na
ang ating mga ninuno ay
nagbuwis ng buhay dahil sa
pagtatangol sa ating mga
kababayan, kalayaan at
relihiyon.

Balik Islam
Ang mga Pilipinong Muslim ay nag-aanyaya sa inyo na balikan ang pananampalataya
ng ating mga ninuno sapagkat ang Islam ay ang likas na pananampalataya ng lahat ng mga
tao. Sinabi ng huling Propeta Muhammad ang ganito:
" Ang isang sanggol sa kanyang pagkapanganak ay Islam ang kanyang likas na
relihiyon. Ang kanyang mga magulang lamang ang gumawa sa kanya upang
maging Cristiano,Hudyo, o Pagano."
Walang sinoman ang maaaring pumilit sa isang tao, ngunit hindi siya makakaligtas sa
katotohanan, alamin man niya ito o hindi dapat tayong pumili ng ating pananampalataya
para sa kaligtasan sa darating na paghuhukom.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa pananampalataya ng Islam, malugod
naming kayong inaanyayahan na dumalo at makinig sa mga pagtitipon sa aming tanggapan.
Tumawag sa Telepono bilang (0974) 5359210. Nagbibigay din kami ng libreng babasahin
ukol sa Islam. Maligayang Pagbabalik sa Islam. Ang katotohanan at Kapayapaan ay
sumainyo nawang lahat.

39

Você também pode gostar