Você está na página 1de 3

ANG PILYONG HIPON

Bawat nilalang ay may kani-kaniyang katangian at kapintasan. Sinasabing walang


perpektong nilikha na namamalagi sa mundo. Subalit kung minsan ay mas napagtutuunan natin
ng pansin ang kapintasan kaysa sa mga katangian. Ito ay hindi lamang nagyayari sa iilan kundi
sa mas nakararami.
Si Mon ay mahilig magbiro sa kapansanan ng iba at ito kanyang nakasanayan at mahirap
nang mabago.
Sa dagat kung saan makikita ang maraming nilalang na naninirahan ay matatagpuan din
ang tinaguriang pilyon Hipon.
Maraming batang hipon ang umiiwas makipaglaro sa kanya sapagkat alam nila na sila ay
ditto ay walang nais makipaglaro sa kanya kaya nakikisalamuha na lamang siya sa ibang lamang-
dagat.
Minsan habang naglalangoy ay nakita ni Mon si Kit Pusit at siya ay nakipagkaibigan.
Natuwa naman ito at sumama sa kanya.
Napansinni Mon na tila may kalabuan ang mata ng kanyang bagong kalaro at katulad ng
dati ay nakaisip siya ng kapilyuhang gagawin dito.
Naglaro sila ng taguan at sa una ay maayos ang kanilang paglalaro, ngunit ang sumunod
ay iba na ang nangyari. Si Mon ay nagtago sa loob ng mga sanga-sangang korales. Mayroon
siyang balak kay Kit kung kayat ditto niya naisipang pumunta.
Hinahanap siya ng hinanap ni Kit ngunit hindi siya Makita.
“Mon nasaan ka, hindi kita Makita at nahihirapan akong hanapin ka”. Ang wika ni Kit.
“Nandito lamang ako sa mga korales ngunit hindi ako lalabas hanggat hindi mo ako
nakikita”, ang tugon ni Mon.
Nagtungo si Kit sa loob ng mga korales at si Mon ay wala na roon. Lingid sa kanya ay
umaliskaagad si Mon bago pa lamang siya pumunta.
Hindi nakita ni Kit si Mon kung kayat lumabas na siya ngunit dahil sa kalabuan ng mata
ay nasabit and kaniyang mga galamay sa sanga ng mga korales.
“Araaay, nasabit ang mga galamay ko, Mon nasaan ka at tulungan mo ako”, ang daing ni
Kit.
Alam ni Mon ang mga nangyayari at sa halip na tulungan ay pinagtawanan pa niya si Kit.
“Ha, ha, ha, ha, ang labo kasi ng iyong mata kayat magdusa ka” ang wila sa sarili ni Mon
at umuwi na siya ng bahay.
Ang kawawang posit ay naiwang nakasabit sa sanga ang mga korales. Mabuti na lamang
at may isang nagmagandang loob na tumulong sa kanya.
Mula noon ay umiwas na si Kit Pusit na makipaglaro sa kanya at si Mon ay naghanap na
lamang ng ibang kalaro.
Nang sumunod na raw ay nakita naman ni Mon si Peles Dilis at ito ay kinaibigan din niya
tulad ng iba.
“Halika Peles at kita’y maglaro, magbilad tayo sa araw upang ang kutis ay pumula at
kuminis”, ang amuki ni Mon.
At dahil sa narinig ay naniwala kaagad si Peles Dilis, Sila ay pumunta sa gilid ng dagat
kung saan sila ay naupo sa may batuhan.
Dahil sa tindi ng sikat ng araw ay madaling namula si Mon Hipon, gaya ng kanyang
sinabi ay gumanda ang kanyang kutis.
“nakita mo na peles, di ba kay ganda ng aking kutis”, abg pagmamalaki ni Mon.
Subalit hindi ganoon ang nangyari kay Peles. Ang kanyang balat ay natuyo at napaso.
Sapagkat siya ay hindi marunong magbilad sa araw.
“Aray, ang hapdi ng balat ko hindi ko na kaya ang magtagal pa rit”, ang daing ni Peles.
Bumalik si Peles sa kanyang bahay at hinagod ang nalapnos na balat.
Tuwang-tuwa si Mon sa nakita sa kalaro. Alam ni Mon na ganito ang mangyayari
sapagkat ang mga dilis ay lubhang maninipis ang balat at hindi maaring magbilat.
“Kundangan k aba naman, alam mo na sa kabilugan ng buwan kayo lumulutang ay bakit
ka naniwala sa araw ay makikinabang ka.”, ang bungisngis ni Mon.
Gaya ng iba hindi na muling nakipaglaro si Peles sa kanya. Wala nang kalaro si Mon
Hipon at siya ay nalulungkot. Siya ay paikot-ikot sa dagat at humahanap ng makakausap.
Hindi inaasahan at nakita niya si Dikya. Kinausap niya ito at niyayang maglaro.
“Kaibigan Dikya, tayo ay maglaro. Lubhang maganda nag panahon at masarap
maglangoy”, ang yaya ni Mon.
Pumayag kaagad si Dikya at sila ay naglangoy paikot-ikot sa dagat. Bago pa man mag-
isipng kapilyuhan si Mon ay naunahan na siya ni Dikya.
“Alam mo, ako ay sawa na sa ating paglalangoy mabuti pa ay iba na laamang an gating
laruin. Ako ay may naisip at iyong sundin”, ang wika ni Dikya.
“At ano naman ang ibang laro na iyong nalalaman?”, ang usisa ni Mon.
“Tayo ay sasakay sa loob ng lambat at ditto ay magduduyan”, ang wika ni Dikya.
Hindi alam ni Mon Hipon ang larong sinasabi ni Dikya at siya ay sumama. Pumasok sila
sa loob ng lambat at doonay dumuyan-duyan sila. Ilang sandal pa ay nagpaam si Dikya.
‘Aking kaibigan, maiwan ka sandali at ako ay may kukunin lamang”, ang wika ni Dikya.
At dahil si Mon ay nalilibang ay pumayag siya na maiwan ng kalaro. Naramdaman niya
na umaangat ang lambat at si Dikya ay hindi pa bumabalik.
Nagulat na lamang si Mon ng Makita na ang lambat pala ang ginagamit ng mga tao sa
panghuhuli ng lamang-dagat at siya sa mga nahuli nito.
Iyak ng iyak si Mon sapagkat alam niya na katapusan na ang kanyang buhay. Nagsisi siya
sa mga kapilyuhang ginawa sa kanyang mga kalaro at naisip niya na si Dikya ay nagbiro sa
kanya katulad ng ginagawa niya sa iba.
Ngunit ngayon ay buhay na niya ang nakataya sapagkat siya ay iluluto ng mga taong
nakahuli sa kanya.
Walang nagwa si Mon kundi ang umuiyak at magsisi. Takot na takot si Mon at siya ay
nagdasal na lamang at naghihintay sa mga susunod na mangyayari.
Ilang sandal pa ay narinig niya sa mga taong nag-uusap na siya ay pakawalan na lamang
sapagkat sa kaniyang kaliitan at wala man lamang silang makakasahan at paglaki na lamang saka
na siya babalikan.
Gaya ng narinig ay itinapon si Mon sa dagat. Tuwang-tuwa si Mon at siya ay nakabalik
sa kanyang tirahan. Siya ay lubusang nagpasalamat sapagkat nakaligtas siya sa kamatayan.
Kaagad niyang pinuntahan si Pusit at siya ay humingi ng tawad, nagtungo rin siya kay
Dilis at nagpaumanhin sa kanyang kasalanan. Nangako si Mon na magbabago na sa kanyang
kapilyuhan at magiging mabait na kalaro kaninoman.
At dahil mabait naman sina Dilis at Pusit ay pinatawad siya ng mga ito. Ganoon din ang
ginawa niya sa mga kalarong Hipon.
Bago pa man umuwi ng bahay ay nakasalubong niya si Dikya. At ito ay humingi rin ng
paumanhin sa kanya sapagkat biniro siya nito.
Pinatawad din niya si Dikya.
Nagpasalamat din si Mon sapagkat kung hindi pa nangyari sa kanya ang kapahamakan ay
hindi niya malalaman na mali pala ang kanyang ginagawang pagbibiro.
Nagging masaya si Mon ng mga sumunod na araw at gaya ng kanyang pangako siya ay
naing isang mabuting Hipon.

“Ang Lahat at maaring magbago habang hindi pa huli ang lahat, lagging tatandaan
ang ksabihan na kung ano ang ayaw mong mangyari sa iyo ay huwag mong gagawin sa
iyong kapwa”, ang palaging sinasabi ni Hipon bilat patotoo sa nangyari sa kanya.
Ang karanasan ni Mon ay Nagsilbing aral sa lahat at sila namuhay ng masaya sa ilalim ng
dagat.

Você também pode gostar