Você está na página 1de 71

NOLI ME TANGERE

KABANATA 1 –ANG PAGTITIPON

[Makikita si Tiya Isabel na nag-aabot ng sigarilyo at hitso sa mga dayuhang babae habang ang mga
babaing Pilipina naman ay kusang humahalik sa kamay ng matandang babae. Narinig ni Tiya Isabel na tila
may nabasag na pinggan at mabilis nyang nakapagsalita ng..]

TIYA ISABEL: Hesusmaryosep! Maghintay lang kayo mga bulagsak!

[Nag-uusap ang isang grupo ng kalalakihan]

P.DAMASO: Malaki ang pagkakaiba ng pamamahala dito sa Pilipinas kumpara sa Madrid. Makikita mo,
ilang buwan ka pa lamang dito, masasabi mong tama ako.

G.LARUJA: Ngunit..

P.DAMASO: (Malakas ang boses) Halimbawa’y ako. Ako na 23 taon na nagdildil ng kanin at saging dito,
ako lamang ang makakapagsalita ukol dyan. Huwag mo akong turuan ng retorika o teorya, kilala ko ang
mga Indio. Pagdating ko dito nadestino agad ako sa isang maliit na bayan ng mga magsasaka. Nang
malipat ako sa isang malaking bayan nang mamatay ang kurang Indio roon, nag-iyakan sila. Nahirapan
ako sa dami ng regalo at inihatid pa ako ng banda ng musiko.

G.LARUJA: Pero nagpapakita lamang yan ng…

P.DAMASO: Teka!Teka! Saglit lamang tumigil doon ang aking hinalinhan at alam mo ba nang umalis siya?
Mas maraming naghatid sa kanya, mas maraming nag-iyakan, mas maraming tugtog at isiping mas
madalas siyang mamalo at tinaasan pa niya ang bayad sa parokya.

G.LARUJA: Pahintulutan niyo ako…

P.DAMASO: Lalo sa bayan ng San Diego, 20 taon akong nagserbisyo roon at ilang buwan lang iniwan ko.
20 taon! Walang magsasabing hindi pa sapat ang panahon iyon para makilala ang isang bayan. Ginoo,
makikita niyo kung ano ang mga Indiong ito. Nang umalis ako’y inihatid lang ako ng iilang matandang
babae at ilang hermanos terceros!

G.LARUJA: Pero hindi ko makita kung ano ang koneksyon nito sa pag-aalis ng monopolyo ng tabako.

[Halos mabitiwan ni Damaso ang kopita sa pagkagitla at tinignan si Laruja mula ulo hanggang paa]

P.DAMASO: Ano? Paano yon? Posible bang hindi mo nakita ang singlinaw ng sikat ng araw? Hindi mo
nakita ang mga kabaliwan ng mga repormang mungkahi ng mga ministrong nasa Madrid?

[Lumalim ang kunot sa noo ni Tenyente Guevara at umiwas papalayo si Padre SIbyla]

P.DAMASO: Naniniwala ako tulad ng paniniwala ko sa mga ebanghelyo. Napakatamad ng mga Indio!
BINATA: Paumanhin sa inyo, Interesado akong mabuti sa sinabi ninyo. Talaga bang pagkasilang ay tamad
na ang mga katutubo? O tama ang sinasabi ng mga bumisita rito na ginagamit nating mga Espanyol ang
bintang na iyan upang itago ang sarili nating katamaran pati na ang kakulangan sa mabubuting
patakaran ng pagpapaunlad ng ating kolonya?

P.DAMASO: Bah! Inggit lamang iyan! Itanong niyo kay Laruja na kilala ang bayang ito tulad ko.

G.LARUJA: Totoo nga! Wala nang tatamad sa mga katutubo rito.

BINATA: Mga ginoo. Palagay ko’y nasa tahanan tayo ng isang katutubo.

P.DAMASO: Huwag kayong mabahala. Palagay ni Santiago’y hindi siya katutubo. Iilang buwan lamang
mag-iiba na ang inyong palagay kapag nakadalo na kayo sa maraming pista’t sayawan dito o nakatulog
na sa mga katre pagkakain ng maraming tinola.

BINATA: Ang sinasabi nyo bang tinola ay isang klase ng prutas tulad ng lotus na sanhi ng pagkalimot ng
mga lalaki?

[Tumawa si P.DAMASO]

P.DAMASO: Lotus o lotto! Wala kayong kaalam-alam. Ang tinola’y sabaw na may pinaghalong upo o
papaya at ginisang manok. Ilang araw pa lang kayo dito?

BINATA: Apat na araw.

P.DAMASO: Naparito ba kayo para maghanap ng trabaho?

BINATA: Hindi padre. Gumastos ako para makilalang mabuti ang bayang ito.

P.DAMASO: Pambihira talaga kayo Ginoo. Gumastos kayo para sa mga bagay na kalokohan. Nahihibang
kayo! Maraming librong nasulat sa paksang iyan at pinag-iisipan lamang ng kapiranggot.

P.SIBYLA: Sinasabi ng Reverencia na 20 taon ka sa San Diego bago mo iyon iniwan? Hindi kayo nanili
roon?

[Natigil ang kasiyahan ni P.DAMASO at pabagsak na sumandal sa malaking silya]

P.DAMASO: Hindi!

P.SIBYLA: Siguro’y nakasasama ng loob ang umalis pagkaraan ng 20 taon sa isang baying kilala mo tulad
ng iyong abito.Ako naman, malungkot nang iwan ko ang Kamiling gayong iilang buwan lamang ako roon.
Pero alam ng mga nakatataas sa akin kung ano ang mabuti sa Orden at siyempre, sa akin.

{Pinukpok ang kamay sa katangang-kamay ng upuan]

P.DAMASO: May relihiyon man tayo o wala, Malaya man tayo bilang amo o hindi ang bayang ito’y
napasa-demonyo o nasa demonyo na nga.
[Pinukpok ulit ang kamao. Tumingin ang bulwagan sa grupo. Tumingala si Padre Sibyla. Lumakad lakad
ang binata at G. Laruja]

G.LARUJA: (Pabulong) Nag-init ang kanyang ulo. Hindi niyo siya tinawag na inyong Reverencia.

P.SIBYLA: Anong ibig sabihin ng inyong Reverencia? Anong nangyari sa inyo?

P.DAMASO: (Pasigaw) Sinasabi ko na ang lahat ng kaguluhan dito ay bunga ng pagkampi ng pamahalaan
sa mga erehe na laban sa ministro ng Diyos.

T.GUEVARA: [Bahagyang Tumindig] Ano ang ibig niyong sabihin Padre?

P.DAMASO: [Pataas na tinig sabay titig kay T.Guevara na parang naghahamon] Ano ang ibig kong
sabihin? Seryoso ako at sinasabi ko ang gusto kong sabihin. Kapag iniutos ng kura na hukayin ang isang
bangkay sa libingan ng parokya, walang sino man, kahit ang Hari mismo, ang may karapatang makialam
o maglapat kaya ng parusa..lalo pa sa isang Heneralito, ang Heneralitong sakuna!

T.GUEVARA: [Patayo at sabay sigaw] Padre! Ang kanyang kamahalan, ang kapitan Heneral ang Vice Real
Patrono!

P.DAMASO: [Tumayo] May panahong kakaladkarin siya ng mga Orden pababa sa hagdanan ng palasyo
gaya ng di kumikilala sa Diyos na Gobernador Heneral Bustamante.

T.GUEVARA: Kailangang balaan ko kayo na hindi ako papaya sa ganyang paglapastangan. Kinakatawan
ng Kapitan Heneral ang kanyang kamahalan, ang mismong Hari…

P.DAMASO: Anong hari ni hari-harian. Walang ibang hari kundi ang tunay na Hari!

T.GUEVARA: Tumigil na kayo! Bawiin ninyo padre ang inyong sinabi o ipaaalam ko ito sa kanyang
kamahalan bukas na bukas din.

P.DAMASO: Bakit hindi pa ngayon mismo kayo lumakad? SIge na! Umalis ka na! Ipahiram ko pa sayo ang
aking karwahe.

P.SIBYLA: Mga ginoo! Hindi kayo dapat maguluhan o masaktan ang kalooban sa mga walang kwentang
bagay. Ibukod ninyo ang sinabi ni Padre Damaso bilang tao at ang sinabi niya bilang pari. Ang mga sinabi
niya bilang pari ay hindi dapat pagdudahan—iyon ay ganap na katotohanan. Ang mga sinabi niya bilang
tao ay dapat paghiwalayin din. Ang mga sinabi niya nang pagalit o mula sa bibig ay mga salita lamang at
hindi dapat ikagalit: ang mga sinabi lamang niya mula sa puso ang makakasakit ng kalooban sapagkat
may motibo.

T.GUEVARA: Sa ganang akin, di man sinadya o may sanhi man ang mga sinabi, alam ko ang motibo Padre
Sibyla. Batid ko ang mga motibo ngunit pakilinaw, Inyong Reberensya.

Noong wala si Padre Damaso sa bayang iyon, pinayagan ng kanyang koadhutor na malibing ang isang
napakamarangal na ginoo. Hindi nga nangungumpisal ang taong ito—ako ma’y hindi rin, ngunit ang
sabihing siya ay nagpatiwakal ay malaking kasinungalingan at pag-alipusta sa kanyang pagkatao.
[Tinalikuran si P.DAMASO]

Aba’t nang malaman ng paring ito ang nangyari sa pagbalik nito sa parokya, ininsulto muna ang
koahdutor, ipinag-utos na hukayin ang bangkay at inilibing kahit saan, huwag lamang sa sementeryong
iyon. Takot namang magreklamo ang taga San Diego, sa totoo’y ilan lamang ang nakaalam sa paghukay.
Walang kamag-anak ang yumao kundi ang kaisa-isang anak na nasa Europa. Nakarating sa Kapitan
Heneral ang bagay na iyon at hininging parusahan ang may kagagawan. Inilipat si Padre Damaso sa higit
na mayamang parokya.

[Umalis si T.GUEVARA]

P.SIBYLA: Paumanhin. Di ko sinasadyang nabuksan ko ang gayong kaselan na bagay. Sabagay, ano pa
man ang sabihin wari’y nakinabang ka naman sa paglilipat sa’yo.

P.DAMASO: Ano naman ang magiging pakinabang ko sa paglipat na iyon?

[Unti-unting tumiwasay ang pagtitipon. Dumating sina Don Tiburcio & Donya Victorina]

BINATA: Pakisabi nga, G.Laruja, ano ba ang hitsura ng may-ari ng bahay? Gusto ko siyang makilala.

G.LARUJA: Sabi nila’y umalis…hindi ko pa rin siya nakikita.

P.DAMASO: Hindi kailangan ang pagpapakilala sa bahay na ito. Si Santiago ay mabuting tao.

KABANATA 2—ANG BINATANG SI CRISOSTOMO

[Natigilan si Padre Damaso nang makita ang binatang kasama ni Kapitan Tiago papasok sa bulwagan.
Humalik si Tiago sa kamay ng 2 pari]

KAPITAN TIAGO: Magandang gabi po sa inyo, mga ginoo. Magandang gabi po, Padre.

[Tinanggal ni Padre Sibyla ang kanyang salamin. Namutla naman si Padre Damaso]

KAPITAN TIAGO: Ikinararanggal kong ipakilala sa inyo si Don Crisostomo Ibarra, anak ng yumao kong
kaibigan kararating palang sa Europa. Umalis ako kanina para salubungin siya.

IBARRA: Aba! Si Padre Damaso! Ang kura sa aming bayan, ang matalik na kaibigan ng aking ama.

[Iniabot ni Ibarra ang kamay kay Padre Damaso subalit hindi tuminag sa pagkakaupo ang pari]

IBARRA: Patawarin po ninyo ako, napagkamalan ko kayo.

P.DAMASO: Hindi ka nagkakamali. Pero hindi ko naging matalik na kaibigan kahit kalian ang iyong ama.

[Iniurong ang balak na makipagkamay ni Ibarra. Tumalikod ito at napaharap kay T.Guevara]

T.GUEVARA: Kayo po ba ang anak ni Don Rafael Ibarra?


[Yumuko si Ibarra tanda ng paggalang at pagsang-ayon habang hindi inaalis ni Padre Damaso ang
masamang tingin kay T. Guevara]

T.GUEVARA: Maligayang pagdating. Maging mas Masaya sana kayo kaysa inyong ama. Nakilala ko at
malimit kong makasama ang inyong ama at masasabi kong isa siya sa mga kagalang-galang at matapat
na mamamayan ng Pilipinas.

IBARRA: Ginoo. Pinawi ng mga papuri ninyo sa aking ama ang mga duda ko tungkol sa nangyari sa kanya,
gayong kayo ang kanyang anak ay walang kaalam-alam.

[Napuno ng luha si T.Guevara at umalis. Naiwang mag-isa si Ibarra at nagpasyang magpakilala ng kusa sa
mga binibining panay din ang sulyap sa kanya]

IBARRA: Ipagpaumanhin ninyo ang aking kapangahasan subalit hindi ko matiis na hindi magpakilala sa
magagandang dilag bunga ng aking kalungkutan sa loob ng pitong taon kong pamamalagi sa ibang
bansa.

[Wala ni isa man ang kumibo at nakadama ng bahagyang pagkapahiya si Ibarra. Nilapitan din nya ang
mga lalaking bisita sa pagtitipon]

IBARRA: Ipagpatawad po ninyo na gamitin ko ang kaugalian sa bansang Alemanya na magpakilala ng


sarili kung wala siyang kakilala sa isang pagtitipon. Ako po si Crisostomo Ibarra.

BOY 1: Ang marangal ko po bang kausap ay ang makatang nagpapanatili ng aking pagmamahal sa bayan?
Sabi nila, hindi na raw kayo nagsusulat. Ano po ba ang dahilan?

IBARRA: Dahil hindi dinadalaw ng inspirasyon ang isang hukom dahil tinula ang isang payak na
katotohanan. Kung sabagay, makata ang tawag nila sa akin, pero kailanman ay di nila ako matatawag na
baliw.

BOY 2: At maari po ba naming malaman kung ano ang payak na katotohanang iyon?

IBARRA: Sinabi niyang ang anak ng leon ay isang leon din. Kamuntik na siyang ipatapon.

[Lumapit si Kapitan Tinong kay Ibarra]

KAPITAN TINONG: G. Ibarra, nais kong ipakilala ang aking sarili sa inyo. Ako si Kapitan Tinong, taga-
Tondo, kaibigan ni Kapitan Tiago at ng iyong ama. Kung inyong mararapatin ay nais ko kayong imbitahin
sa pananghalian bukas.

IBARRA: Ikinagagalak ko kayong makilala ginoo. Maraming salamat at ipagpatawad ninyong hindi ko
magagawang tugunin ang inyong imbitasyon sapagkat uuwi ako ng San Diego bukas.

KAPITAN TINONG: Siguro naman ay hindi nyo ako bibiguin sa ibang pagkakataon.

[ Nilapitan sila ng isang utusan at sinabing handa na ang pagkain]


KABANATA 3- ANG HAPUNAN

[Nasisiyahan si P.Sibyla habang papalapit ito sa hapag. Si Padre Damaso naman ay kakikitaan ng
pagkayamot mula sa padaskol na kilos at natabig pa ng siko ang tinyenteng nakaupo ngunit walang
bakas na paghingi ng paumanhin. Nag-agawan muna sina P.Sibyla & Damaso sa kabiserong silya]

P.SIBYLA: Ikaw muna, Padre Damaso.

P.DAMASO: Ikaw na muna, Padre Sibyla.

P.SIBYLA: Pero matagal ka nang kaibigan ng panilyang ito, kompesor ng yumaong maybahay nito,
nakatatanda sa akin at nakakahigit sa awtoridad.

P.DAMASO: (Nakahawak sa silya) Hindi naman po katandaan. Ikaw nga ang kura ng distrito.

P.SIBYLA: Sumusunod lamang po ako kung inyong ipinag-uutos.

[Akmang uupo na si P.Sibyla nang magsalita si P.Damaso]

P.DAMASO: Hindi ko iniuutos. Hindi ko iniuutos.

[Ngunit hindi ito pinansin ni P.Sibyla at umakto na ito ng pag-upo. Nagtama ang paningin ni Padre Sibyla
at T.Guevara. Inialok ng Padre ang upuan ngunit hindi ito pinaunlakan ng tenyente. Nakita ng mga ito
ang pagdating ni Kapitan Tiago. Nang makita ito ni Ibarra, siya na mismo ang nag-anyaya sa kapitan.]

IBARRA: Aba, Don Santiago! Hindi ba kayo sasabay sa amin?

[Tatayo sana si Ibarra ngunit pinigilan ito ni Kapitan Tiago at hinawakan sa balikat]

KAPITAN TIAGO: Huwag kang tatayo. Ang totoo, isang pasasalamat ang hapunang ito dahil sa inyong
pagdating. Talagang nagpaluto ako ng tinola para sa inyo. Matagal na sigurong hindi nyo natitikman

[Ipinasok ng tagasilbi ang superang may lamang tinola.Nagsimula ng pagpasapasahan ang ulam. Sa
kasawiang palad tira-tirang bahagi ng manok ang naiwan kay P.Damaso. Labis ang kanyang pagkayamot
at bakas na bakas ito sa mukha ng pari. Humigop lamang siya ng sabaw at padarag na ibinagsak ang
kubyertos at itinabi ang kanyang pinggan]

G.LARUJA: Ilang taon kayong nawala sa inyong bayan?

IBARRA: Halos pitong taon.

G.LARUJA: Kung gayon, maaaring nakalimutan na ninyo itong Pilipinas.

IBARRA: Ako po ang mukhang nakalimutan dito, pero lagi ko pong iniisip ang aking bayan.

BINATA: Ano po ang ibig ninyong sabihin?


IBARRA: Gusto ko pong malaman ninyo na ako’y isang taon nang walang nababalitaan mula rito. Para
akong dayuhang walang nalalaman kung kalian at paano namatay ang aking ama.

DONYA VICTORINA: Nasaan kayo at hindi kayo tinelegramahan?

IBARRA: Senyora, nitong nakaraang dalawang taon nasa norte po ako ng Europa, nasa Alemanya at
Rusong Poland.

D.VICTORINA: Paano kayo nakisalamuha?

IBARRA: Ginagamit ko po,senyora,ang wika ng bayang pinupuntahan ko.

P.SIBYLA: Marunong din ba kayo ng Ingles?

IBARRA: Isang taon po ako sa Inglatera at wala pong salita roon kundi Ingles.

G.LARUJA: Kayo na tila nakapunta na sa mas maraming bansa—ano ang pinakaiibang bagay na nakita
ninyo?

IBARRA: Naiiba? Ano po ang batayan?

G.LARUJA: Halimbawa—tungkol sa pamumuhay,pulitika,relihiyon o katangian.

IBARRA: Bago po ako dumalaw sa isang bansa, sinikap ko munang pag-aralan ang kasaysayan kung kaya
naintindihan ko ang lahat. Nakita ko na ang proporsyon ng kasaganahan at kahirapan ng mamamayan ay
nasa kanilang mga kalayaan at problema. Sa makatuwid, nasa pagpaparaya o nasa yabang at
pagpapabaya ng kanilang mga ninuno.

P.DAMASO: At wala ba kayong nakitang iba pa kundi yan? Walang kwentang aksayahin ang pera sa
ganyang kaliit na bagay. Alam yan ng kahit sinong batang nag-aaral.

[Napatunganga si Ibarra at nagtinginan ang mga bisita]

IBARRA: Senyores, wag kayong magtaka sa aming dating kura. Ganyang-ganyan din ang pakikitungo sa
akin noong bata pa ako at mukhang hindi na siya nagbago. Salamat pa rin sa kanya dahil nagugunita ko
ang mga panahong ang kanyang Reverencia ay madalas dumalaw sa aming tahanan at nakakasalo sa
pagkain ang aking ama.

[Kapansin pansin ang panginginig ni P.Damaso sa tinuran ni Ibarra at napatingin si P.Sibyla dito]

IBARRA: Bayaan ninyo akong magpaalam, mga senyor. Kararating ko pa lamang at marami pang bagay
akong dapat asikasuhin bago ako umalis bukas. Tapos na ang pinakaimportanteng bahagi ng hapunang
ito. Sa kabila ng lahat, mga senyor, para ito sa Espanya at sa Pilipinas.

[Tinaas ang kopitang may alak at tinaas din ni Kapitan Tiago ang hawak nitong kopita.Umalis si Ibarra at
Kapitan Tiago]
P.DAMASO: Nakita na ninyo (sabay kumpas ng kutsilyo). Kayabangan! Hindi niya matanggap na
makagalitan ng kura. Akala’y kung sino siya. Iyan ang masamang resulta ng pagpapadala ng kabataan sa
Europa! Dapat ipagbawal yan ng gobyerno.

D.VICTORINA: At pati na ang tenyente! Buong gabi nakakunot noo. Buti na lang at umalis na siya.
Matanda na, tenyente pa rin.

KABANATA IV- EREHE AT PILIBUSTERO

[Si Ibarra’y lumalakad na di batid kung saan siya patututngo. Namasdan ang mabibilis na karwahe, ang
mababagal na kalesang paupahan at ang naglalakad na mga banyaga. Sa mahinang lakad ay narating
niya ang Liwasan ng Binundok. Nagpatuloy siya sa daang Sakristiya, naroon ang mga Intsik na nagtitinda
ng sorbets at mga babaing nagbibili ng punungkahoy]

IBARRA: (Sa sarili) Diyos ko, sa gabing ito’y parang pangarap lamang ang pitong taon ko sa Espanya.

[Naramdaman niya ang dantay ng isang magaang kamay sa kanyang balikat. Namalas niya ang
tinyenteng nakangiti]

T.GUEVARA: Binata, mag-iingat kayo. Ang nangyari sa inyong ama ay dapat maging isang aral sa inyo.

IBARRA: Ipagpatawad ninyo sa wari ko’y naging mahal sa inyo ang aking ama. Maaari po bang sabihin
ninyo ang kanyang kinahinatnan?

T.GUEVARA: Hindi pa ba ninyo alam?

IBARRA: Ako po ay pinangakuan ni Don Santiago na bukas niya sasabihin. Alam po ba ninyo?

T.GUEVARA: Katulad ng pagkakaalam ng buong daigdig. Namatay sa bilangguan.

[Napaurong si Ibarra at tinitigan ang matanda]

IBARRA; Sa bilangguan? Sino ang namatay sa bilangguan?

T.GUEVARA: Ang inyong ama!

IBARRA: Ano ang sabi ninyo? Ang ama ko’y…nabilanggo? Batid ba ninyo kung sino ang aking ama? Batid
ba ninyo? [Hinawakang ang bisig ng tenyente]

T.GUEVARA: Wala pong alinlangan, si Don Rafael Ibarra. Akala ko’y batid na ninyo, ngunit huwag kayong
mabahala. Dito po’y kailangang mabilanggo upang maging marangal. Bakit hindi kayo binalitaan ng
inyong mga kamag-anak?

IBARRA: Ipinagbilin niya sa huli niyang liham, may isang taon na ngayon, na huwag ko na siyang lihaman,
ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral..at saka binasbasan niya ako.

[Sa simula ay wala silang imikan. Hinimas ng matanda ang kanyang balbas, at waring naghahanap ng
pangungusap]
T.GUEVARA; Ang inyong ama’y pinakamayaman sa lalawigan. Marami ang gumagalang sa kanya, ngunit
may ilan ding naiinggit. Si Don Rafael ay maraming kagalit na mga Kastila at pari.

[Sandaling itinigil ang pagsasalaysay]

Ilang buwan pa lamang kayo nakaaalis ay nagkasira si Padre Damaso at ang inyong ama. Binintangan
siyang hindi nangungumpisal gayong ito’y malaon na niyang batid. Sa pulpito ay pinasasaringan siya ni
Padre Damaso kahit na di binabanggit ang kanyang pangalan. Inakala kong magwawakas sa masama ang
salitan.

Nang panahong yaon ay may isang manininggil ng buwis ng mga sasakyan. Siya ay dating artilyero at
kaya naalis ay dahil sa kalupitan at kamangmangan. Nahalata ng mga indiyo na ang artilyero ay hindi
marunong bumasa ni sumulat. Ang pagkutya sa artilyero ay naging sanhi ng pagdaragdag ng kanyang
kalupitan. Isang araw, ang artilyero ay pinagtawanan ng mga bata dahil sa pabaglitad na pagbasa ng
liham na iniabot sa kanya ng isang tindahan. Hinabol niya ang mga bata at nang hindi abutan ay pinukol
ng kanyang baston.

Ang nalugmok na batang tinamaan sa ulo ay pinagsisipa ng artilyero. Ang inyong ama ay nagdaraan
noon. Hinawakan niya sa bisig ang artilyero at saka minura. Umakmang susuntok ang artilyero. Walang
makapagsabi kung ano ang tunay na nangyari. Nakita na lamang na ang artilyero ay napasuray sa
malayu-layo at ang ulo’y bumagsak sa bato. Ang bata ay pinangko ng inyong ama at dinala sa tribunal.
Ang artilyero ay sumuka ng dugo at tuluyang namatay.

Nabilanggo ang inyong ama. Ang mga lihim niyang kaaway ay nagsilabas at siya’y pinaratangang
pilbustero at erehe. Dapat sana siyang makalaya sapagka’t pinatunayan ng manggagamot na ang
ikinamatay ng artilyero ay pamumuo ng dugo sa ulo. Ang kayamanan at karangalan ng inyong ama ang
naging hadlang sa kanyang paglaya. Ako ay lumapit sa Kapitan Heneral at nagsabing hindi magiging
pilibustero ang isang taong mapagkawanggawa at pinalalaytayan ng dugong Kastila. Inilaan ko ang aking
buhay at karangalan sa pananagot sa kanya nguni’t pinalayas ako at tinawag pang suplado.

Nang siya ay malapit nang lumaya, ang kanyang katawang nahirapan sa pagkakapiit at isipang
pinasakitan ng maraming walang utang na loob ay naging sanhi ng kanyang pagkakasakit na ang tanging
lunas ay kamatayan. Tanging ako ang naging saksi ng huling sandal ng kanyang buhay.

[Sila ay nasa tapat na ng kuwartel. Ang matanda ay huminto at iniabot niya ang kanyang kamay kay
Ibarra]

T.GUEVARA: Binata, si Kapitan Tiago nap o ang bahalang magsabi sa inyo ng iba pang pangyayari.
Magandang gabi po sa inyo.

[Ang matanda ay nasok sa kuwartel at si Ibarra ay sumakay sa kalesa at nagpahatid sa Fonda de Lala]
KABANATA 7- SUYUAN SA ASOTEA

MARIA CLARA: Nais ko pong umuwi na tiya.

[Matapos bumulong at nagkurus ay nagtindig na si Tiya Isabel]

MARIA CLARA: Aba! Ako’y patatawarin ng Diyos na higit na nakakaunawa sa puso ng kadalagahan ng
higit sa inyo, Tiya.

[Matapos ang agahan ay ipinagpatuloy ni Maria Clara ang pananahi. Ang tiya ay nagwawalis. Si Kapitan
Tiago panay buklat ng papeles. Sumisilip si Maria Clara sa tuwing may magdaraang sasakyan sa tapat ng
kanilang bahay]

KAPITAN TIAGO: Mas makabubuti nga sigurong magbakasyon ka muna para makalanghap ng sariwang
hangin. Saan mo gusto magbakasyon, sa Malabon o San Diego? Ang mabuti pa siguro’y bumalik na kayo
ng Tiya Isabel mo sa Beateryo at kunin na ang lahat ng iyong damit. Hindi ka na babalik doon kaya
magpaalam ka nang tuluyan sa mga kaibigan mo.

Sa loob ng apat o limang araw patutungo tayo sa Malabon—ang iyong inaama’y wala na sa San Diego.
Ang kurang nakita mo rito kagabi yaong pareng bata pa ay siyang bagong kura natin dito. Siya ay isang
banal.

TIYA ISABEL: Pinsan, sa San Diego na lamang dahil mas malaki ang bahay doon at isa pa’y malapit na ang
pista.

[Narinig niyang may isang sasakyang tumigil sa tapat at dahil dito, siya’y namutla]

KAPITAN TIAGO: Ikaw pala, Don Crisostomo!

[Nalaglag sa mga kamay ni Maria Clara ang kanyang tahiin.Tinangka niyang kumilos ngunit hindi
nangyari. Mga yabag sa hagdanan ang narinig niya at tinig ng isang lalaki. Tumakbo si Maria Clara sa silid
kung saan ang mga santo. Tumawa sina Kapitan Tiago at Tiya Isabel. Humihingal na kinuyom ng dalaga
ang kanyang dibdib upang making]

IBARRA: (mahiyang tanong) Kumusta na po si Maria Clara?

[Natuwa si Maria Clara ng marinig na nagtatanong ukol sa kanya si Ibarra at hinagkan ang santong
pinakamalapit. Pagkatapos ay humanap ng isang butas, nakita ang susian at dito’y sumilip upang makita
si Ibarra at mapagmasdan. Napangiti si Maria at nang abalahin ng Tiya sa paninilip si Maria ay
naglambitin ito sa leeg ng matanda at pinupog ng halik]

TIYA ISABEL: Lukang bata ito, ano ang nangyari sa’yo?

[Kasabay ang pagpahid sa isang patak ng luha kay Maria Clara. Napahiya ito at tinakpan ang mukha ng
kanyang bilugang bisig]

TIYA ISABEL: Hala! Mag-ayos ka na at halika! Habang siya’y nakikipag-usap sa iyong ama tungkol sa iyo—
halika na’t huwag magpahintay ng maluwat.
[Ang dalaga ay napaakay na parang bata at nagkulong sila sa kanyang silid. Masiglang nag-uusap sa
Kapitan Tiago at Ibarra ng lumabas ang Tiya Isabel na halos kinakaladkad si Maria Clara. Di matignan ni
Maria Clara si Ibarra]

[Nagtinginan sina Maria Clara at Ibarra. Lumabas sa asotea ang dalawa upang maiwasan ang alikabok na
winawalis niya]

TIYA ISABEL: Mabuti ngang dumiyan kayo sa nakikita ng mga kapitbahay.

MARIA CLARA; Lagi mo ba akong naalala? O sadyang naging makakalimutin ka na dahil sa mga
magagandang dilag na nakilala mo sa iyong paglalakbay.

IBARRA: Paano kita malilimutangayong ang tinig mo’y naririnig ko maging sa gubat ng Alemanya? Inusal-
usal ko ang iyong pangalan kahit saang dako ako mapadpad. Walang lugar na hindi kita kapiling.

[Napangiti si Ibarra, binuksan ang kanyang kalupi at inilabas ang isang munting balot na papel na ang
lamanay ilang dahong nangingitim, tuyo at mabango]

IBARRA: Hayaan ang iyong mga dahon ng sambong! Iyan lamang ang ibinigay mo sa akin.

[Si Maria Clara naman ay maliksing dumukot sa kanyang bulsa ng isang munti’t puting lukbutang sulat]

MARIA CLARA: Tse! (Kasabay ng isang tapik sa kamay ng binata) Bawal ang humipo iya’yisang sulat na
namamaalam.

IBARRA: Iyan ba ang sulat ko sa inyo noong ako’y paalis.

MARIA CLARA: Ako po ba ay nasulutan pa ninyo ng iba, aking ginoo?

IBARRA: At ano ang sinasabi ko sa iyo noon?

MARIA CLARA: Madaming kasinungalingan, mga pagdadahilang walang kabulunan! (Nakangiti) Huwag
kang magalaw! Babasahin ko sa iyo ngunit lalaktawan ko ang iyong mga paunlak upang huwag kita
pasakitan.

[Itinaas ang papel hanggang sa matakpan ang mga mata upang di makita ang binata ang kanyang
mukha]

MARIA CLARA: Aking--- hindi ko babasahin ang susunod, pagka’t isang kabulaanan.

[Babasahin ang sulat. Namutla si Ibarra]

MARIA CLARA: Bakit? Ano ang nangyari sa iyo?

IBARRA: Ikaw ay nakapagpalimot sa akin na ako’y may mga tungkulinkailangang matupad. Dapat akong
magtungo ngayon sa aking bayan. Bukas ay araw ng mga patay.

[Hindi na kumibo si Maria Clara. Tinitigan ang binata at pumitas ng ilang bulaklak]

MARIA CLARA: Yumao ka na, di na kita pinipigil, sa loob ng ilang araw tayo’y magkikitang muli. Ialay mo
ang bulaklak na ito sa libingan ng iyong mga magulang.
[Umalis ang binata, pumasok si Maria sa kanyang silid. Dinatnan ni Kapitan tiago umiiyak si Maria Clara
sa piling ng isang larawan ng birhen]

KAPITAN TIAGO: Hala! Magtulos ka ng dalawang kandilang mangahati, isa para sa Poong San Roque at
isa naman sa kay San Rafael, pinatakas ng mga manlalakbay.

KABANATA 9- MGA BAGAY BAGAY TUNGKOL SA BAYAN

PADRE DAMASO: Saan kayo pupunta?

[Habang pasakay sina Maria Clara & Tiya Isabel sa karwahe. Tatapikin si Maria Clara]

MARIA CLARA: Sa beateryo po para kunin ang mga gamit ko.

P.DAMASO: (pabulong) Tingnan natin kung sino ang higit na makapangyarihan, tingnan natin.

[Papasok si P.Damaso sa bahay]

TIYA ISABEL: Baka may sermon pinag-aaralan. Bilisan mo Maria at baka mahuli tayo.

P.DAMASO: Santiago mag-usap tayo nang masinsinan.

[KATOK!]

MATANDANG PARI: PASOK.

P.SIBYLA: Biyayaan sana kayo ng Panginoon ng mabuting kalusugan.

MATANDANG PARI: Ooperahan daw ako Hernando, operasyon sa tanda kong ito?

P.SIBYLA: Ano po naging desisyon ninyo?

MP: Ang mamatay. Totoong dumadanas ako ng maraming paghihirap subalitmarami rin naman akong
pinapaghirap. Nagbabayad lamang ako ng mga utang. At ikaw, kumusta ka? May maibabalita ka ba?

P.SIBYLA: Naparito po ako, Reberendo upang ibalita sa inyo ang kinalabasan ng misyong ipinatrabaho
ninyo sa akin. Panay kasinungalingan ang pinagsasabi nila. Hindi totoong masamang tao si Ibarra. Isang
mabuti at may paninindigang binata siya.

Bukod pa sa kamuntikang hidwaan sa pagitan ni Ibarra at Padre Damaso, papakasalan din ng binata si
Maria Clara, ang dalagang anak ni Kapitan Tiago.

MP: Sa pagkamasunurin sa kanyang mapapangasawa at bibiyenanin, nakasisiguro tayong katawan at


kaluluwa natin siyang maaangkin. At kung sumablay man, higit na makabubuti rin namang ideklara
niyang kaaway natin siya.

Para lalong mapabuti ang banal na korporasyon natin, higit kong gugustuhin ang mga atake kaysa sa
mga walang katotohanang papuri ng mga kaibigan.
P.SIBYLA: Iyan po ba ang paniniwala ninyo, Reberendo?

MP: Tandaan mo ito. Malakas lang tayo at makapangyarihan habang pinaniniwalaan ng bayan. Kapag
kinalaban na tayo, sasabihin ng gobyernong kinakalaban tayo sapagkat nagiging sagabal sa kalayaan ng
bayan.

P.SIBYLA: Pero kung magising ang gobyerno natin at magkainteres sa maraming bagay na nakukuha
natin, hindi malayong may isang Pilipinong maging lubhang mapangahas na imbestigahan ang mga
biyayang napupunta sa atin.

MP: Kung may magkamaling isa man, kahabag-habag ang mangyayari sa kanya. Bukod dyan, ginigising
tayo ng mga atake at kritisismo. Nakapapandaya ang mga eksaheradong papuri, nakapagpapahimbing
ito sa atin. Sa labas ay kinukutya tayo at kapag dumating na ang panahong maging kapuna-puna na ang
ating mga kahinaan, lalagpak tayo na katulad ng paglagpak natin sa Europa. Darating ang panahon wala
nang papasok na salapi sa simbahan. At sa pagdating na maghirap tayo, hindi na medaling mapaniwala
natin ang lahat.

P.SIBYLA: Subalit ating-atin pa rin po ang marami nating lupain sampu ng mga bahay paupahan natin.

MP: Lahat ay maaaring mawala tulad ng pagkawala ng mga ari-arian natin sa Europa. Naging masakim
tayo sa pagpapataas ng buwis sa lahat ng lupain natin. Nag-iisip at natututo na ang mga Indio. Hindi pa
siguro huli ang lahat, kailangang maghugas tayo ng ating mga kamay. Darating din tayo sa oras ng
pagharap a panginoon. Di na natin dapat pa dagdagan ang mga naipunla nating kasamaan. Nagigising na
ang bayan!

P.DAMASO: Pinagsabihan na kita Santiago, ayoko nang maulit pang muli ang ganitong kabalbalan. Hindi
sana nangyari ang lahat kung naging madalas ang paghingi ng payo ng iyong anak sa kanyang ninong.

[Paikot ikot si Tiago at napahinto ng may naalala. Dali dali itong pumasok sa silid dasalan at
pinagpapatay ang mga kandilang pinasindihan nya]

KAPITAN TIAGO: (sa sarili) May panahon pa. Napakahaba pa ng lalakbayin niya.

KABANATA 12- TODOS LOS SANTOS

[Sa sementeryo may dalawang lalaking naghuhukay.]

LALAKI1: OY (Naninigarilyo). Sa ibang lugar na tayo maghukay…bagung-bago pa yan.

LALAKI2: Pare-parehon bagong libing ang mga yan.

LALAKI1: Ayoko na… May dugo pa ang mga buto! At ang buhok.

LALAKI2: Masyado ka naman maselan…kung ikaw pa ang humukay ng ginawa mo…isang bangkay na 20
araw pa lang nailililibing. Madilim ang gabi noon, umuulan…namatay pa ang aking ilawan.

LALAKI1: (Nangilabot) Nakakakilabot naman ang sinabi mo.


LALAKI2: Natanggal ang mga pako sa ataul kaya’t lumabas ang kalahating katawan ng bangkay saksakan
ng baho ang bangkay at binuhat ko pa iyon sa gitna ng malakas na malakas na ulan.

LALAKI1: (Hindi makapaniwala) Bakit mo ginawa iyon? Bakit mo hinukay ang bangkay? Sinong nag-utos
sayo?

LALAKI2: Sino pa kundi ang kurang malaki.

LALAKI1: Anong ginawa mo sa bangkay?

LALAKI2: Para kang guwardyang sibil kung magtanong. Ang utos sakin ang kurang malaki, ilibing ko sa
libingan ng mga intsik ang bangkay na hukayin ko. Hindi ko nagawa dahil malakas ang ulan saka malayo
ang libingan ng mga intsik.

LALAKI1: (Umahon sa hukay at nangilabot pa lalo) Ayoko nang maghukay,,,nataman kong isang bungo,
nabiyak! hindi ako makatutulog mamayang gabi.

LALAKI2: (Napahalakhak at tinanaw ang umalis) (Unti-unti nang dumarami ang mga nagluluksang tao sa
sementeryo)

KABANATA 13- ANG BADYA NG UNOS

[Bumaba ang karwahe si Crisostomo Ibarra sa tapat mismo g sementeryo at kasama ang kanyang utusan
na nagtungo sa loob]
UTUSAN: Hindi ko po masyadong nadalaw ang libing ng inyong ama dahil sa aking pagkakasakit. Ang sabi
po ni kapitan Tiyago ay ipinagpagawa niya ito ng isang nitso-natamnan ko ng bulaklaking halaman ang
libing ng inyong ama at nilagyan ko rin ng krus na ako mismo ang gumawa.

Dito nga, tanda ko pa, may isang bato sa tabi, maikli ang hukay… ginawa ng ilang magsasaka may sakit
kasi ang sepulturero…tatanungin natin siya ano ang ginawa sa krus.

(Nilapitan nila ang lalaking nakatingin sa kanila. Nag-alis ng salakot ang sepulturero)

UTUSAN: Pakisabi po kung aling hukay ang may tandang krus.

SEPULTURERO: Isang malaking krus?

UTUSAN: Opo, malaki (natutuwang sagot at saka bumaling kay Ibarra na bahagyang natutuwa rin.)

SEPULTURERO: Isang krus na may dibuho’t may taling uway.

UTUSAN: iyon nga! iyon nga!

SEPULTURERO: sinunog ko ang krus


IBARRA & UTUSAN: Sinunog?

SEPULTURERO: utos po ang kurang malaki. Ang kurang namamalo, si padre garote.

IBARRA: Nasaan na po ang puntod ng aking ama. Bagamat wala na itong krus ay nasisiguro kong
natatandaan ninyo kung saan ito?

SEPULTURERO: Pero wala na rin po ang bangkay.

UTUSAN: wala pang isang taon mula nang nalilibing diyan ang hinahanap naming, bakit ninyo
huhukayin?

SEPULTURERO: may isang babae na po akong inilibing diyan, halos isang linggo lamang ang nakalipas,
ipinahukay sa akin ng kurang malaki ang bangkay na hinahanap ninyo para sa libingan ng
mga intsik, pero umuulan nang gabing iyon at dahil mabigat ang katawan…(din a
nakapagpatuloy)

IBARRA: Ginawa mo iyon? (galit)

SEPULTURERO: Huwag po kayong magalit. Hindi po siya kasama ng mga tsino. Doon ko po inihulog sa
ilog. (namutla at nanginginig)

IBARRA: (Matagal na tinitigan ng matalim ang sepulturero) Isa ka lang kapuspalad! (dali-daliang umalis)

[Palubog na ang araw. Makulimlim ang langit. Sa matandang tahanan]


Ibarra: (Sumugod at padaklot na sinunggaban ang kura sa balikat) Anong ginawa mo sa aking ama?

PADRE SALVI: (Namutla’t nangatal. Parang nakakakita ng multo) Nagkakamali kayo…wala akong ginawa
sa iyong ama!
IBARRA: Anong wala? (Ipatuloy na idiniin ang kanyang kamay hanggang sa mapaluhod ang kura)

PADRE SALVI: Wala. Nakatitiyak ako ang pinalitan ko, si Padre Damaso…

[Tumalikod si Ibarra at mabilis na tinungo ang kanilang bahay. Tinulungan ng utusan na makatayo ang
prayle]
KABANATA 14-SI TASYO, PILOSOPO O BALIW?

Scene 1: Sa may simbahan nakatagpo ni pilosopong Tasyo sa may simbahan ang isang lalaking naka
Amerikana ng alpaca, may dalang isang taling mga kandila at nakabastong may borlas na sagisag ng
awtoridad.

KAPITAN: Mukhang Masaya kayo?

PILOSOPONG TASYO: Talaga po, Kapitan. Natutuwa ako dahil ako’y may inaasahan.

KAPITAN: At ano naman ‘yon?


PILOSOPONG TASYO: Ang bagyo!

KAPITAN: Gusto yata ninyong maligo?

PILOSOPONG TASYO: Maligo? Hindi masama. Yan ang kailangan nating lahat. Pero higit pa diyan ang
aking hinihintay.

KAPITAN: Ano ‘yon?

PILOSOPONG TASYO: Mga kidlat!

KAPITAN: Bakit di pa ninyo hilingin na magunaw ang mundo?

PILOSOPONG TASYO: Nararapat ‘yan sa inyo at sa akin…..sa ating lahat! May sampung taon na akong
nakikiusap sa bawat bagong kapitan na bumili ng aparatong panghuli ng kidlat.
Pinagtawanan ako’t ang binili ay mga paputok at kwitis, at nagbayad sa mga
repeke ng kampana. Pati kayo’y pinakiusapan ko rin, pero nagpagawa lang kayo
ng kuliling na alay ninyo kay Santa Barbara. Pero napatunayan sa pag-aaral na
mapanganib magpatugtog ng kampana kung may unos. Hindi ba’t tinamaan ng
kidlat ang kampanaryo si Binyang, kaya nag-iba ang altar at relo roon? May
nagawa ba ang kuliling ni Santa Barbara?

KAPITAN: [gumuhit noon ang isang kidlat sa langit. Namutla ang gobernadorsilyo at
naibulong:]

Hesusmaryosep! Mahal na Sta. Barbara!

[humalakhak si Tasyo.]

[nagtatayo ang mga sacristan ng tumba. Pinagpatong na dalawang malalaking


mesang napalilibutan ng kandila sa mga kandelabrang kahoy. Natatakpan iyon
ng maitim na telang may puting liston at may pintang mga bungo sa magkabila.]

PILOSOPONG TASYO: Para ba ‘yan sa mga kaluluwa o sa mga kandila?

[ Hindi na hinintay ang sagot nang Makita ang dalawang bata roon: Ang isa’y
may 10 tang gulang at ang isa pa’y magpipito.]

PILOSOPONG TASYO: Sasabay na ba kayong umuwi sa akin? May masarap na hapunang inihanda ang
inyong nanay.

BATA 1: Kakalembangin ko muna po ang kampana sa alas diyes, inaantay ko rin po ang
sweldo ko para ibigay ko kay nanay.

PILOSOPONG TASYO: Mag-iingat kayo sakampanaryo. Huwag kayong lalapit sa kampana kapag
bumagyo. [Nahahabag na minasdan ang dalawang batang patungo sa hagdanan
ng koro. Paalis ng simbahan, tinanaw niya ang langit.] Sana’y huwag kumidlat.
[Nag-iisip na pagawi sa labas ng bayan ang matanda nang may mag-anyaya sa
kanyang isang binatang nagbabasa ng libro sa may bintana ng bahay.]

PILOSOPONG TASYO: Ano po ba ang inyong binabasa?

BINATA: Isang librong popular ngayon: las Penas Que Sufren las Benditas Animas del
Purgatorio! [habang nakangiti]

PILOSOPONG TASYO: Totoong matalas ang isip ng kumatha n’yan [habang pumapanhik sa bahay]

[Mainit na tinanggap si Pilosopo Tasyo ni Don Filipo at ng asawa nitong si Donya Teodora Vina. ]

PILOSOPONG TASYO: Nakita ba ninyo sa sementeryo ang anak ni Don Rafael?

DON FILIPO: Nakita ko siya nang bumababa sa karwahe.

PILOSOPONG TASYO: Nangilabot siya siguro nang malaman kung saan napunta ang mga labi ng
kanyang yumaong ama! Tandaan po ninyong isa ako sa anim na nakipaglibing sa
yumao. Ako rin po ang humarap sa Kapitan Heneral nang walang nagsalita, pati
awtoridad sa pagtampalasang ginawa sa isang bangkay. Gayong sa paniwala ko,
higit na dapat pahalagahan ang isang mabuting tao kung buhay siya kaysa kung
patay na.

DONYA TEODORA VINA: [Iniba ang paksa ng usapan] Ipinagpamisa niyo ba ang namatay niyong asawa,
gaya ng nasabi ko kahapon?

[pangiting umiling si tasyo]

Sayang! May kasabihang hanggang alas diyes ng umaga bukas makatitigil ang
kaluluwa sa mundo, naghihintay ng dalangin ng mga buhay para mahango sila sa
Purgatoryo; o gaya ng sinabi ng kura: na ang isang misa ngayon ay katumbas ng
lima o anim na misa sa mga ibang araw ng taon.Aba’y samantalahin natin ang
ganyang pagkakataon.

KABANATA 15- ANG MGA SAKRISTAN

[Sa kampanaryo at may hawak na dulo ng lubid ang bawat isa]

BASILIO: Hilahin mo ang lubid mo, Crispin!

[Mahinang tunog ng kampana tapos isang dagundong ng kulog]

CRISPIN: Kung nasa bahay sana tayo..kasama si Nanay hindi ako matatakot. Doo’y walang magsasabing
ako’y magnanakaw. Hindi papayag si Nanay kapag nalaman niyang pinapalo ako dito.

[Gigil na kinagat ang dulo ng lubid at bigla itong hinatak. Narinig ang tunog ng kampana]
CRISPIN: Ganito na lang ba tayo, Kuya? Gusto ko sanang magkasakit bukas…matagal para alagaan ako ni
Nanay. Di na nya ako pababalikin sa kumbento…di na ako tatawaging magnanakaw, di na ako papaluin.
Ikaw man, Kuya.. magkasakit ka rin para magkasama tayo.

BASILIO: Wag Crispin! Mamamatay tayo sa gutom..mamamatay sa lungkot si Nanay.

CRISPIN: Magkano ang ibabayad sa’yo ngayong buwan?

BASILIO: Dalawang piso. Tatlong beses akong pinagmulta.

CRISPIN: Bayaran mo na ang sabi nilang ninakaw ko para di nila tayo tawaging magnanakaw. Bayaran mo
na Kuya!

BASILIO: Naloloko ka na ba Crispin? Walang makakain si Nanay. Dalawang onsa raw ang ninakaw mo,
sabi ng sakristan mayor. Tatlumpu’t dalawang piso yon! Tatlumput dalawang kamay.

CRISPIN: Naku! Ang dami..di maaaring bilangin sa tatlong araw. Ngunit maaaring makabili ng tsinelas,
sumbrero, paying, pagkain at damit para sa’yo at Nanay. Sayang..hindi pa ako nakapagnakaw.

BASILIO: (pasigaw na galit) CRISPIN!

CRISPIN: Wag kang magalit Kuya. Sabin g kura, papatayin niya ako kapag di ko nailabas ang pera. Kung
ninakaw ko yun, mailalabas ko. Mabuti pa’y ninakaw ko na lang. May damit sana kayo ni Nanay kahit
namatay ako.

BASILIO: (nagbuntung-hininga) Hindi ka naman mamamatay. Inaalala ko, magagalit si Nanay pag
nalaman niya.

CRISPIN: Naniniwala ka ba? Ipapakita ko ang aking mga latay, ang butas kong bulsa. Wala akong naging
pera kundi isang cuarto..pamasko sa akin iyon. Kinuha pa sa akin ng kura kahapon. (IIYAK) Umuwi kang
mag-isa mo. Sabihin mo kay Nanay maysakit ako. Ayaw kong umuwi.

BASILIO: Wag kang umiyak, Crispin. Maniniwala sa atin si Nanay. Sabin g matandang Tasyo, may
inihandang masarap na hapunan si Nanay.

CRISPIN: Masarap na hapunan! Di pa ako nanananghalian. Ayaw nila akong pakainin hangga’t di ko
inilalabas ang dalawang onsa. Sinungaling silang lahat! Sinasabi pa nilang masama ang tatay natin.

[Aakyat ang Sakristan Mayor]

SAKRISTAN MAYOR: Minumultahan kita ng 2 real, Basilio..wala sa kumpas ang pagkalembang mo sa


kampana. At ikaw, Crispin..dumito ka sa kumbento ngayong gabi hangga’t hindi mo inilalabas ang
ninakaw mo.

[Titingin si Crispin kay Basilio na parang nagmamakaawa]

BASILIO: Pero may pahintulot na po kami. Inaantay po kami ni Nanay ng alas otso.
SAKRISTAN MAYOR: Hindi alas otso ang uwi mo, alas-diyes!

BASILIO: Bawal pong maglakad pagdating ng alas nuwebe. Malayo pa po an gaming bahay.

SAKRISTAN MAYOR: Gusto mo ikaw ang masunod?

[Hahawakan ang braso ni Crispin at kakaladkarin]

CRISPIN: Wag mo akong pabayaan. Papatayin nila ako.

[Kinaladkad ng tuluyan si Crispin at nawala ang mga ito sa dilim. Naiwan si Basilio na hindi nakapagsalita
at nakasuntok ang mga kamao. Maririnig ang sigaw ni Crispin “Nanay, Kuya”. Maririnig ang dalawang
putok]

KABANATA 16: SI SISA

[Sa bahay]

Sisa: Gusto ko sanang ipasok bilang sacristan ng simbahan si Basilio.

Asawa: Magkano naman ang bayad diyan? [taray effect habang hinihimas ang manok panlaban.]

[Nanahimik si Sisa at nalungkot nagsasaing at nag-iihaw ng tatlong tuyong tawilis si Sisa. Masaya habang
nagluluto]

Sisa:[nagsasalita ng mag-isa habang nag-iihaw.] Siguradong matutuwa nito si Crispin. Siguradong


mapapalunok sa tawilis, at magugustuhang pigain ang sariwang kamatis pangsawsawan
ni Crispin. Buti na lang nakahingi ako kay Pilosopong Tasyo ng tapang baboy ramo at
isang hita ng patong bundok. Tiyak na maglalaway si Basilio kapag nakita ito sa hapag-
kainan.

[biglang dumating ang asawa nito. At kinain ang pagkain na para sa mga bata.]

Asawa: Ang sarap ng hapunan ninyo ah. Pahingi naman oh.

Sisa: Para sa mga bata sana yung hapunan eh.

Asawa: Hayaan mo sila. Akin na ang kanila.

[pagkatapos kumain]

Sisa: Aalis ka na ba? Nais mo bang makita ang mga anak mo?

Asawa: ipatabi mo na lang ang pansugal ko; aalis na ako. [harsh]

Sisa: [malungkot pero pilit na pinapasaya ang sarili.]

[mag-isang nagsasalita] Paano na ‘to. Tig isa’t kalahati na lang ang dalawang bata dito sa
natirang tawilis. Siguradong gutom na guton na sila.
[ipinatong niya ang mga isda sa ibabaw ng mainit na kanin habang naghihintay, umawit ng kundiman]

[napansin niyang may itim na asong balisang-balisa naaalialigid sa labas ng bahay, nagdasal siya sa dahil
sa takot]

Sisa: Mahal VIRHEN, protektahan niyo sana ang aking mga anak sa anumang kapahamakan,
lalo na si Crispin. [naghintay sa pagdating ng mga anak].

Basilio: Nanay!! Buksan ninyo ang pinto! Madali inay!

[binuksan ang pinto]

KABANATA 17: Si Basiliio

Sisa: Anong nangyari anak?! [panic mode]

Basilio: Nadaplisan po ito ng bala nang barilin ng guwardiya sibil. [naghihingalo]

Huwag kayong mag-aalala nanay, gagaling din po ito. Si Crispin nga po pala, naiwan sa
simbahan!

Sisa: Naiwan?! [niyapos ni Sisa si Basilio at hinagkan ang duguang noo.]

Iniwan mo si crispin sa simbahan at duguan ang iyong noo. Sabihin mo kung ano ang
talagang nangyari, anak.

Basilio: Pinaiwan po ng sacristan mayor si Crispin. Hindi raw po ako makaalis hanggang alas dyis.
Tumakas po ako, kasi gabing-gabi na. Baka ako hulihin ng mga gwardya sibil. Pagdaraan
ko nga sa may kampo, sinigawan po ako ng mga sundalo ng quien vive. Tumakbo po ako.
Pinaputukan. Dumaplis po ang bala sa noo ko. Inisip ko pong baka hulihin din ako tulad
ni Pablo na nagkasakit sa matagal na palo at hambalos na ipinarusa sa kaniya sa
kulungan.

Sisa: Naku po ang anak ko (luhaan). Isang hibla na lamang at maaaring nawala ka na sa buhay
ko. Mga walang pusong sundalo. Hindi man lang sila nakaalalang may mga inang
naghihintay sa mga batang paslit na katulad mo?

(Ginamot ni Sisa ang noo ni Basilio)

Sisa: Kumain ka na anak. May mainit na kanin at pritong tawalis akong inihanda para sa inyo.

Basilio: Hindi po ako gutom, inay. Nauuhaw lang po ako.

Sisa: Alam kong ayaw mo ng tawilis anak. Naghanda ako ng masarap na pagkain para sa inyo
pero dumating ang tatay ninyo.
Basilio: Dumating po ang tatay? (parang galit ang tono kaya nalunkot si Sisa)

(dali-daling idinagdag ni Sisa:)

Sisa: Oo, dumating siya. Alam mo bang itinanong kayo ng ama ninyo? Gustong-gusto niya
kayong makita. Gutum na gutum siya kaya hinayaan kong ipakain sa kaniya ang inihanda
ko para sa inyo. Sabi niya, kung lagi raw kayong magiging mabuting bata, kamukha noon,
titiyakin daw niyang magsasama-sama tayong muli.

Basilio: Pero hindi po kaya mabuti kung tayong tatlo na lamang ni Crispin ang magsama-sama?
Umiiyak po kayo, inay, hindi ko po sinasadya.

(Nagdasal sila at pagkatapos humiga si Basilio sa tabi ng ina. Ginising ni Sisa si Basilio dahil umuungol
siya)

Basilio: Napaniginipan ko na may isang batang pinaparusahan ng kura.

(Napaisip si Basilio)

Basilio: Inay, Hindi na siguro ako magtratrabaho sa kura. Magprisinta nalang ako sa anak ni Don
Rafael na kasimbuti din daw ng ama. At si Crispin naman ay matuturuan bumasa kay
Tandang Tacio.

Basilio: Pag galling ko, lalapit ako sa anak ni Don Rafael at magmamakaawang maging pastol ng
mga baka’t kalabaw niya. Hindi na po ako magsisilbi sa kura. Wala po naman akong
kinikita roon, kaltas sa maliit na suweldo namin. Kung maayos po ang pagpapastol ko,
maaari pa aakong gumatas doon. Magugustuhan po ni Crispin ang sariwang gatas. Saka
kung magaling akong magtrabaho, baka mabigyan ako ng anak ni Don Rafael ng isang
baka. Patatabain po natin ang baka, gaya ng ginagawa natin sa ating inahing manok.
Mamimitas din po ako ng mga prutas sa gubat na maaaring ipagbili sa bayan kasama ng
mga gulay na aanihin natin sa likod ng bahay. Maaaring manghuli pa ako ng kambing-
gubat. Mangingisda rin ako at mangangaso. Ipangangahoy ko rin sina Don Rafael. Tiyak
na katutuwaan po ako ng anak ni Don Rafael. Paglaki-laki ko, hindi niya ako lupa na
matatamnan ng tubo o mais. Makakakain na tayo nang masarap at makapagbibihis nang
magara. Magiging Masaya tayo.

KABANATA 18 : MGA KALULUWANG NAGHIHINAGPIS

[Dumating si Sisa na may sunong na bilaong puno ng mga gulay, tumuloy sa kusina. Bugnutin ang
kusinerong dinatnan at mga iba pang katulong.]

Kusinero: May sakit ang kura. Si Crispin na nagnakaw ng maraming bagay ay wala at sumunod kay
Basilio. Ingatan mo ang mga anak mo na siguradong susunod sa yapak ng walang
kwentang ama. Kaninang umaga, pinapunta ako ng Kura sa konstabularyo. Baka nasa
inyo na ang mga sundalo. Kailangang managot ang mga anak ninyo.
[Di nakapagsalita si Sisa. Nanginginig ang buong katawan, napaupo sa upuan malapit sa mesa. Itinakip
ang mukha at di alam ang gagawin. umiiyak si Sisa.]

Kusinero: Umalis ka na dito, maistorbo mo pa ang may sakit na Kura.

KABANATA 19- MGA SULIRANIN NG GURO

[Kapwa nakaharap sa lawa ang guro & si Ibarra]

GURO: Sa lawang iyan itinapon ang bangkay ng inyong ama. Sinabi iyon sa amin ni Tinyente Guevara.

IBARRA: Maraming salamat po ginoo.

GURO: Wala kayong dapat ipagpasalamat. Ako ang higit na may utang na loob sa inyong ama gayong ang
nagawa ko lamang sa kanya ay ang makipaglibing.

IBARRA: Sinabi ninyong tumutulong ang aking ama sa pagpapaaral sa mga bata?

GURO: Opo ginoong Crisostomo. Napakabait na tao ni Don Rafael. Noong dumating ako rito’y walang
nakakakilala sa akin ni isa man. Wala akong dalang rekomendasyon at ni wala rin akong baong salapi.
Gumawa ng paraan ang inyong ama upang magkaroon dito ng paaralan. Sa kanya umasa ang mga
batang mahihirap na nagnanais makapag-aral.

IBARRA: Kung ganoon ay nais kong ipagpatuloy ang ginawang pagtulong ng aking ama sa halip na
hanapin ko ang katarungan sa kanyang sinapit. Marahil ay higit niyang ikalulugod iyon.

GURO: Nawawalan sila ng interes sa pag-aaral dahil kulang sila sa panghihikayat mula sa kanilang mga
magulang. At kung may mga bata namang may interes sa pag-aaral ay nagiging sagabal naman sa kanila
ang kahirapan. Isa pa’y kailangang maiwasto at maisaayos ang pagtuturo.

IBARRA: Bakit hindi ninyo nagawang lutasin ang suliraning iyan noon pa?

GURO: Pinipilit ko po. Subalit dala ng maraming kakulangan ay hindi ito medaling nagawan ng solusyon.

IBARRA: Ano ba ang higit na makakatulong sa kanila?

GURO: Naniniwala po ako na makakatulong kung ang mga batang nagsisipag-aral ay magkakaroon ng
isang gusali ng paaralan. Kadalasang ginaganap ang kanilang klase sa silong ng kumbento o sa tapat ng
karwahe ng kura. Naiistorbo ang kura kaya’t madalas kaming nabubulyawan. Isa pa’y sinubukan ko
silang turuan ng wikang Kastila at sila nama’y nangatuto ngunit ako’y ipinatawag ni Padre Damaso at
ako’y kanyang hinamak.

Mula noon ay higit kong pinagbuti ang pag-aaral ng wikang Kastila para patunayan sa kanya na ako’y
may karapatan at may kakayahang matuto ng wikang ito. Nais kong ipamukha kay Padre Damaso ang
aking katuwiran ngunit ako’y naawat ng sakristang mayor. Tunay na makapangyarihan si Padre Damaso
sapagkat siya’y maraming salapi at nakasandal sa malalaking korporasyon, bukod pa siya’y pinakikinggan
ng iba pang may kapangyarihan dito sa San Diego. Ano ang magiging laban ko sa kanya gayong siya ang
tagapirma upang makuha ko ang aking kakarampot na suweldo?

IBARRA: Ngunit sa kabila po ng lahat ay nasisiyahan kayong may mga natuturuan kayong mag-aaral?

GURO: Opo. At higit ang aking kasiyahan nang mailipat si Padre Damaso ng ibang lugar at nagkaroon ako
ng kalayaang gumawa ng ilang pagbabago sa pagtuturo. Nagturo ako ng kasaysayan at pagtatanim
subalit muli akong ipinatawag ng kura dahil ang nais niya’y pawing mga katesismo lamang ang aking
ituturo.

IBARRA: Hindi kayo dapat mawalan ng pag-asa. Inimbitahan ako sa pulong ng tribunal. Ito marahil ang
magagandang pagkakataon upang ihain sa kanila ang inyong mga suliranin.

KABANATA 20- PULONG SA TRIBUNAL

[Nahahati ang mesa, isang lugar para sa mga matatanda (CONSERVADO) at mga batang lider (PARTIDO
LIBERAL)]

DON FILIPO: Tila nakakawalang tiwala at nakakapagduda ang ikinikilos n gating kapitan. Hindi maaaring
ipagpaliban ang usapin tungkol sa gastusin at baka tayo guluhin ng oras. Ilang araw na lamang ang
nalalabi bago sumapit ang kapistahan.

TAO 1: Ang kapitan ay nagpaiwan sa kumbento para kausapin ang kura.

TAO 2: Walang problema iyon kung ang mananalo ay pawang mga kagustuhan ng matatanda.

DON FILIPO: Kaya nga naisip kong ako ang magharap ng kahilingan ng mga matatanda. Nakausap ko si
Pilosopo Tasyo at siya ang nagbigay sa akin ng dapat nating gawin upang mapagtagumpayan an gating
pinaplano at hindi manaig ang kagustuhan ng matatanda. Naniniwala si Pilosopong Tasyo na kakalabanin
ng matatanda anuman ang ating imungkahi kaya’t ang ibibigay nating mga plano ay ang bagay na hindi
natin gusting mangyari. Tiyak na ipapatalo nila tayo para mapahiya sa nakararami anuman ang planong
ihain natin. Wala silang kamalay-malay na ang planong ipapanalo nila ay siyang tunay nating balak.

[Pumasok si Ibarra at ang guro, sa likuran naman nila’y paparating na ang kapitan]

KAPITAN BASILIO: Bagamat ako ang unang magsasalita, hindi naman nangangahulugan na ang
pinakahuli’y walang kwenta ang magiging pahayag.

[Tumayo si Don Filipo ngunit agad itong tinutulan ng matatandang conservador na sinang-ayunan ng isa]

DON FILIPO: Sana’y makinig muna kayo sa aking imumungkahi bago kayo tumutol. Dahil tiyak na inyong
maiibigan ang mungkahi ng mga kabataan.

[Pagkatapos ng pag-uusap]

TAO 3: Ngunit ang kura ay may planong iba. Hindi natin siya maaaring salungatin sapagkat maaari tayong
ipabilanggo sa alkalde mayor.
TAO 4: Bakit hindi nyo agad sinabi? Ano ang kabuluhan ng pagpupulong na ito?

TAO 5: Bawiin na lamang natin ang aming mga ibinigay na donasyon.

KAPITAN BASILIO: Hindi na maaari sapagkat ang lahat ng donasyon at abuloy ay naipagkaloob na.

DON FILIPO: Nagsasakripisyo kami para sa isang mabuting bagay. Nagsasakripisyo na rin lang naman
kayo para sa masama. Mangyayari ang inyong sinasabi alang-alang sa isang layunin bagama’t nawalan
kayo ng karangalan sa pagtataguyod ng isang bagay na masama.

KABANATA 21- KASAYSAYAN NG ISANG INA

[Palakad lakad si Sisa. Natigilan siya dahil natanaw niya sa hindi kalayuan ang 2 guwardiya sibil na tangay
ang kanyang inahing manok]

GS 1: Nasanan ang iyong mga anak? Ikaw ba ang ina ng mga magnanakaw?

[Tututukan ni GS 2 ng baril si Sisa]

GS 2: Wag kang magsisinungaling. Nasaan ang mga anak mo? Sa oras na magsinungaling ka ay itatali ka
naming sa punong kahoy at saka babarilin.

SISA: Hindi ko po alam kung nasaan sila. Matagal ko na pong hindi nakikita ang bunso kong si Crispin.

GS 1: Ibigay mo sa amin ang salapi na galling sa mga anak mo kung ayaw mong ikaw ang aming
dadamputin.

SISA: Mga ginoo, hindi magnanakaw ang aking mga anak. Si Basilio’y walang naibigay sa akin ni isang
kusing. Halughugin niyo man ang buong bahay ay wala kayong makikita sapagkat kami’y mahirap
lamang. Maaari niyong gawin ang anumang maibigan ninyo subalit hindi lahat ng mahihirap ay
magnanakaw.

GS 1: Kung gayon ay ikaw ang dadamputin naming at dadalhin sa kwartel.

[Ibinilanggo si Sisa sa loob ng kwartel]

ALPERES: Ang kura ang may kagagawan niyan. Kung nais maibalik ang sinasabi niyang perang ninakaw ng
mga anak na ito, hingin niya kay San Antonio.

[Nakauwi si Sisa, natagpuan niya ang isang pilas ng damit ni Basilio na nakasabit sa dingding. Nag-aalala
at patakbong bumalik sa kalye..umiiyak habang sinasambit]

SISA: Mga anak ko, nasaan na kayo? Basilio, Crispin! Mga anak ko!
KABANATA 22: LIWANAG AT DILIM

Setting: Ang mga tao ay naghahanda para sa pista at nag-usap usap.

Tao 1: Madalas siyang natitigilan kapag nagmimisa at hindi na rin nakikipag-usap pagkatapos
ng misa. Kapansin-pansin rin ang kanyang pangangayat. (emotion: nagtataka)

Tao 2: Ang talagang nakakapagtaka ay ang pagliliwanag ng kumbento sa tuwing bibisita siya sa
bahay nina Maria Clara.

Setting: Labas ng bahay ni maria Clara.

Pagkaraan ng 3 araw, dumating si Crisostomo Ibarra. Bumaba siya sa karwahe at nagkasalubong sila ni
Padre Salvi na papunta rin sa bahay nina Maria Clara.

Setting: Sa loob ng Bahay.. sa bintanang nakaharap sa lawa at napapaligiran ng puno ng suha at bulaklak
ng ilang-ilang.

-nagtagpo ang magkasintahan sa bintana parte.

Ibarra: Ipapahanda ko ang lahat ng kailangan bago magbukangliwayway

Maria Clara: Ayokong makasama ang kura.

Ibarra: bakit? (nagtataka)

Maria Clara: Pakiwari ko’y binabantayan niya ang lahat ng kilos ko. Natatakot ako sa kanyang mga
tingin. Kinikilabutan ako sa tinig niya na waring napakahiwaga. Madalas ay hindi ko
maunawaan ang kanyang mga sinasabi. Itinatanong niya sa akin kung hindi ko raw ba
napapaniginipanang sulat at ang aking ina. Maging sina Sinang at Andeng ay
nakababalitang hindi raw masyadong kumakain ang kura at tila napapabayaan ang sarili.
(takot)

Ibarra: Ngunit hindi maaaring hindi natin siya kumbidahin. May kaugalian tayo dito. At isa pa’y
narito na siya.

(Papunta si Padre Salvi kina Crisostomo Ibarra at Maria Clara. Napipilitan ang ngiti nito.)

Padre Salvi: Malamig ang hangin dito sa labas, baka kayo magkasakit. Hindi ba kayo natatakot
magkasakit o magkasipon? (Nginig ang tinig ng kura at hindi siya makatingin ng diretso
sa dalawa)

Ibarra: Maganda ang gabi, Padre. Napakasarap lumanghap ng sariwang hangin.

-Inimbita ni Ibarra ang kura sa kasiyahan.

Ibarra: Isang kasiyahan sa bukid ang inihanda naming ang aking mga kaibigan. Maaari po ba
kayong dumalo?
Padre Salvi: Saan magaganap ang kasiyahan?

Ibarra: Sa may batis po sa gubat idaraos, malapit sa puno ng balite. Iyo po ang napiling lugar ng
mga dalaga.

Padre Salvi: Para patunayan na ako’y walang sama ng loob sa iyo dahil sa nangyari, malugod kong
tinatanggap ang iyong paanyaya.

-Nagpaalam na si Ibarra kay Maria Clara

Ibarra: Maria Clara, aalis na ako. Magkita nalang tayo bukas. Padre Salvi mauna na po ako sa
inyo.

Setting: Madilim na kalye

-Isang lalaki ang sumalubong kay Ibarra habang siya’y naglalakad.

Lalaki: hindi po ninyo ako nakikilala, ginoong Crisostomo. Subalit may dalawang araw ko ng
hinihintay ang iyong pagdating ditto sa bayan ng San Diego.

Ibarra: May kailangan kayo sa akin?

Lalaki: Tinatawag nila akong tulisan kaya’t wala isa mang nagnanais tumulong sa akin.
Nawawala po ang aking mga anak at nabaliw ang aking asawa.

Ibarra: Anong kailangan ninyo sa akin, ginoo?

Lalaki: Nais ko pong humingi ng tulong sa inyo.

Ibarra: Sumabay kayo sa akin sa paglalakad at saka ninyo sabihin ang inyong pakay.

-Naglakad na ang 2 hanggang sa tuluyang nawala.

KABANATA 23: ANG PANGINGISDA

Setting: Patungong Lawa (madaling araw)

-naglalakad na patungo sa lawa ang magkakaibigan, kadalagahang kasama ang kanilang mga ina at mga
tiyahin. Kasama ang mga katulong na babae na may dalang baong pagkain at kagamitan para sa piknik.

-Sinaway sila ni Tiya Isabel.

Tiya Isabel: Baka nakakabulabog ang ingay ninyo sa mga natutulog pa. huwag Kayong maingay.
Hindi ganyan ang dalagang pilipina noon kapanahunan namin.

-natanawan nila ang paparating ng mga kalalakihan at ang isa’y tumugtog pa ng gitara. (naglalakad na rin
ang mga lalaki)

Sinang: Tila may ibig mamalimos (pahiro)


- nagbigay galang ang mga binata samntalang naging pino na ang kilos ng mga dalaga ng nasa harapan
na nila ang mga ito.

Ina1: Hindi kaya umuulan (nagaalala)

Albino: Huwag kayong mag-alala dahil marunong po akong lumangoy.

[dumating si C. Ibarra at nakihalubilo]

[sasakay na ng Bangka/sa bangka]

[sumakay na sila sa Bangka(2bangka meron: isa sa mga babae at isa sa mga lalaki)]

Tiya Isabel: Magsipagdasal tayo.

-samantala, ay kinausap ni albino ang katabing binata.

Albino: Takpan mo ang tapal sa tapat sa tabi ng paa mo at may butas. Delikadong mapasukan ng tubig.

-nagsigawan ang mga babae nang malaman na may butas ang Bangka nila lumipat ang ilang mga lalaki
sa Bangka ng mga babae. Si C. Ibarra ay tumala kay M. Clara. Si albino lumapit kay Victoria. Naging
pares-pares ang magkakatala sa Bangka.

-ang bangkero ay tahimik lang na nagsasagwan. papunta sila sa baklad ni kapitang tiago. Dumating na
siila sa isa sa mga baklad

Tiya Isabel: Ihanda na ang paasim sa sabaw, kailangang maihulog na ang mahuhuling isda sa
kumukulong sabaw.

[Si Andeng ang sumunod sa utos. Nilagyan niya ng paasim na kanyas at kamatis ang sabaw.]

[Si Iday ang tumugtog ng alpa. Hiniling niya si Victoria na awitin ang kundiman ng pinag-iisang dibdib.]

Iday: Victoria, maaari mo bang awitin ang kundiman ng pinag-iisang dibdib?

Victoria: Paumanhin, pero ayaw ko.

Iday at mga kasamahan: Sige na Victoria…… [kinukulit]

Victoria: [tumatanggi]

Sinang: Si Maria Clara na lang. Maria Clara, maaari ka bang umawit?

Lahat: Oo nga. Sige na. [pinipilit]

Maria Clara: Malulungkot ang aking mga awit.

Lahat: Ok lang yan.. Pumayag ka na.. sige na..!


[napapayag nila si Maria Clara. Kumanta na siya. Tahimik na nakinig ang lahat. Walang pumalakpak.
Natulala ang mga nakatingin. Nagulantang sila ni albinodahil sa pag-ihip nito na ubod ng lakas sa
tambuli. Nagbalik ang tawanan ng mga tao.]

Andeng: kumukulo na ang sabaw!

[isang mangingisda ang nagsalok ng isda sa baklad. Wala siyang nahuli ni isang isda kahit paulit-ulit na
siyang nagsasalok. Nagulat ang mga tao.]

Mangingisda: Nakapagtataka, bago pa mag-undas huling pinandaw ito.

[si leon tumulong sa pagsalok ngunit nagulat siya dahil ang tumambad sa kanya ay isang buwaya.]

Leon: Buwaya? May buwaya sa baklad na ito?

[ang bangkero ay kumuha ng lubid at tumalon sa tubig. Nagsigawan at natakot ang mga nanduon.]

2 kasamahan: sino ang binatang iyon?

[saglit na lumitaw ang ulo ng bangkero na hatak ang dulo ng lubid. Nagpalakpakan ang lahat. Naiahon ng
bangkero ang buwaya sa baklad pero habang tinatalian na ang bunganga, nantalaban o nagpapasag ito
kaya nahulog sa tubig ang buwaya kasama ang bangkero. Nagsigawan ang lahat.]

[tumalon si Crisostomo na may hawak na patalim. Nagulat ang lahat]

[pumula ang tubig… pagkatapos, tumalon na rin ang ilang mga lalaki para tulungan ang dalawa pero
bago pa man sila makalapit sa dalawa, napatay na rin sa wakas ang buwaya. (laslas ang lalamunan at
tiyan ng buwaya)]

[si Maria Clara ay hindi halos makahinga dahil sa ginawa no Ibarra.]

[ang lahat ay natuwa sa pagkaligtas ng dalawa – ang iba’y nagtawanan, ang iba naman napaiyak.]

Bangkero: utang ko sa inyo ang aking buhay.

Ibarra: hindi kayo dapat nagging mapusok. Hindi ninyo dapat biruin ang ganoon na lamang ang
kamatayan.. (mababa ang tinig).

Maria Clara: paano kung ikaw ang napahamak?!

Ibarra: Kung napahamak ako at sinundan…. (natigilan si Ibarra dahil bigla niyang naalala ang
amang itinapon ang bangkay sa ilog.)…

Nasa piling na ako ng aking pamilya.


KABANATA 24 SA GUBAT

*simbahan *

[pagkatapos ng misa ay nagbabasa si padre salvi ng mga natanggap na sulat sa kumbento at tila lalo pa
siyang nalungkot at nanamlay at hindi nakakain. ]

Padre salvi: Ihanda na ang karwahe. Pumunta tayo ng gubat kung saan may nagaganap na kasiyahan ng
mga kadalagahan at kabinataan.

*GUBAT*

[pagdating ni padre salvi sa gubat ay pinabalik na ang sasakyan at nagtuloy ng nag-iisa sa gubat ]

Padre salvi: umalis ka na at iwan mo na ako ( sabi nya sa kutsero )

[ naglakad sa gubat na madilim si padre salvi at bigla siyang nahinto pagkarinig ng masayang halakhakan
at sariwang mga tinig ]

Maria clara: titingnan ko kung ako'y makakatagpo ng pugad ng gansa. Ibig ko siyang tingnan nang di niya
ako makikita, ibig ko siyang masundan sa lahat ng dako.

[si padre salvi ay nagtago sa isang malaking punong kahoy at nakinig]

Sinang: ibig mo bang sabihin ay nais mong gawin sa kanya ang sa iyo'y ginagawa ngayon ng kura na
nagmamanman sa iyo sa lahat ng gawi? Mag-ingat ka't ang paninibugho ay nakapamamayat at
nakapanlalalim ng mata!

[nakita ng padre salvi mula sa kanyang kinatatayuan sina maria clara, victoria, at sinang na magsisipag sa
ilug-ilugan. Nagbabasa sila ng tubig hanggang tuhod ]

[lumabas na si padre salvi sa kanyang taytan. Gustong sundan ng padre salvi ang mga dalaga ngunit
siya'y napahinto at hinanap ang ibang mga kasamahang pangkat]

[nagtagpo sila ng alperes]

Alperes : saan kayo nangaling padre salvi?. Nahulog ba kayo?

[puno ng galos ang mukha ni padre salvi]

Padre Salvi: hindi, ako'y naligaw.

[dumating si maria clara at ng unang ngiti niya'y inukol kay ibarra, alperes, padre salvi at ilan pang
gobernadorsilyo, don filipo]

Padre Salvi : hanggang ngayon ay nakaratay pa rin si padre damaso. Nakilala na ba ninyo ang taong
gumawa nun?
Alperes: sino ba ang taong iyon padre salvi?

Praile: sino pa po, kundi ang bumugbog sa daan kamakalawa ng hapon kay padre damaso?

Mga tao: binugbog ba si padre damaso?

Padre salvi: oo, kaya't si padre damaso ay nahihiga ngayon! Sinasabing ang taong yaon ay siya ring
magtapon sa inyo sa labak, ginoong alperes.

[dumating si sisa na marusing ang pananamit]

Ibarra: pakainin ang babaeng iyan.

Don Filipo: siya si sisa na may apat na araw nang nasisiraan ng isip dahil sa pagkatakot at dinaranas na
mga kahirapan.

[di nasunod ang utos ng ibarra, pagkat pagkakita ni sisa sa alperes ay kumarimot ng takbo at nawala sa
kagubatan.]

Ibarra: hanapin ang babaing iyan.[ utos niya sa mga alila]. Naipangako kong ipahahanap ang
kinaroroonan ng kanyang mga anak.

Alperes: ayon sa nasabi sa akin ng don filipo ay nawawala ang dalawang anak ng sira. Nawawala po ba
ang mga sakristan ninyo padre salvi?

Padre salvi: [hindi sumagot, ngunit tumango sa alperes.]

Alperes: nakapagtataka po iyan padre salvi[nangungutyang sabi]. Nawalan ang inyong reverencia ng
ilang piso, at sa gayo'y ipinagising ninyong maaga ang aking sarhento upang ipahanap ang kwaltang
nawala. Ngayon, dalawang sakristan ang inyog reverencia ang mawawala at kayo'y di naliligalig---(di
natapos ang sasabihin at humalakhak)

Padre Salvi: [natahimik ng ilang saglit]. . . Ngunit ako po ang nanagot sa salapi.

Alperes: mabuti pong sagot iyan, tagapagpala ng mga kaluluwa! (puno ang bibig). Mabuti pong sagot
iyan, banal na tao!.

[namagitan si ibarra]

Ibarra: mga ginoo, maaalala ko pala, nais kong isangguni sa inyo ang isang balak. Ipagkakatiwala at
ipagagamot ko sa isang mediko ang nabaliw na babae at sa pamamagitan ng iyong tulong at mga payo,
ay ipinahanap ko ang kanyang mga anak.

[bumalik ang mga alilang inutusan ng ibarra upang hanapin si sisa]

Utusan: hindi po namin natagpuan ang masusing na babae ginoong ibarra.

[matapos ang pananghalian]


[may ilang grupo na naglalaro ng baraha, chess at gulong ng kapalaran]

[si idang may hawak ng karitong kinalilimbagan ng apat na put walong tanong sa gulong ng kapalaran,
habang si claim naman ang nag-iingat ng aklat ng mga sagot.]

Sinang: kasinungalingan iyan, hindi ba? kasinungalingan! (nagluluhang pasigaw na sabi)

Maria clara: ano ang nangyari sa iyo?

Sinang: tingnan mo, narito ang tanong ko: kailan ako magkakaisip?. Inihagis ko ang mga dais at noo'y
binasa sa aklat ni albino ang sumusunod: pag nag kabalahibo ang palaka!, totoo ba iyan?!! (nginiwian ni
sinang si albino)

[lumapit si ibarra sa mga naglalaro]

Ibarra: sino sa inyo ang nagkamit ng pinakamagandang sagot?

Sinang: si maria clara! Si maria clara!. . . Ang ipinatanong sa kanya ay: tapat ba at di nagbabago ang
kanyang pag-ibig? At ang sagot ng aklat ay---.

[tinakpan ni maria clara ang bibig ng sinang at namumutla]

Ibarra: kung gayon ibigay ninyo sa akin ang gulong (ibinigay sa kanya). Narito naman ang aking taong:
magtatagumpay kaya ako sa aking binabalak?

Sinang: walang saysay na tanong!

[inihagis ng ibarra ang mga dais at hinarap pagkatapos ang pahina at takbucog kinababasahan ng
sagot---]

Albino: ang panaginip ay panaginip lamang.

[dinukot ng ibarra sa bulsa ang pahatid-kawad at nanginginig na binuksan]

Ibarra: ngayo'y nagsisinungaling ang inyong aklat, basahin ninyo ito: BALAK PAARALAN PINAGTIBAY,
USAPIN NINYO PINASIYAHANG PANALO.

Mga tao: ano ang ibig sabihin niyan?

Ibarra: di ba ang inyong pinagkaisaha'y alayan ng isang handog ang nagtamo ng pinakamabuting
kasagutan? (nanginginig na boses dahil sa pananabik)

[maingat na hinahati ang pahatid-kawad sa dalawang bahagi]

Albino: oo nga! Oo nga!


Ibarra: kung gayo'y narito ang aking alaala. (iniabot niya kay maria clara ang kalahati ng papel)
Magpapatayo ako sa bayan ng isang bahay-paaralan para sa mga batang lalaki at babae. Ang paaralang
ito'y siya kong magiging handog! (sabi niya kay maria clara).

Albino: Eh, aanhin naman ninyo ang kalahating natitirang iyan?

Ibarra: Ito'y ihahandog ko sa nakatapat ng pinakamasamang sagot.

Sinang: Kung gayo'y sa akin iyan, ako ang nagtamo ng masamang sagot. (pagkabigay kay sinang ng papel,
si ibarra'y lumayo na) [ipinagpatuloy ang laro ngunit lumapit si padre salvi at nahinto ang tawanan at
salitaan.]

Padre Salvi: ano ito? (kinuha ang aklat na kanyang tinunghan-tunghan)

Leon: iyan po'y gulong ng kapalaran.

Padre salvi: hindi ba ninyo nalalamang kasalanan ang maniwala sa mga bagay-bagay na nasusulat sa
aklat na ito? [galit na pinagpunit-punit niya ang aklat]

Albino: lalo pong mabigat na kasalanan ang mangahas ng di kanya at laban sa kalooban ng may-ari. [di
pinansin ni padre salvi ang nagsalita at walang kibong umalis. Sumakay ito sa karwahe papuntang
bayan.] [dumating ang apat na sibil na may baril at pinamumunuan ng isang sarhento.]

Sarhento: walang kikilos sa inyong lahat! Babarilin ang kumilos!

Ibarra: (tumayo at lumapit sa sarhento) ano ang inyong kailangan?

Sarhento: ibigay sa amin ang salaring nagngangalang elias, na siyang naging piloto ninyo kanina umaga.

Ibarra: isang salarin--ang piloto?! Baka kayo nagkakamali!!

Sarhento: hindi po, ginoo. Ang piloto o ang elias na iya'y naparatangang muli ngayon ng pagbuhat ng
kamay sa isang padre--

Ibarra: a, at iyan ba ang piloto?

Sarhento: iyan nga po, ayon sa sumbong sa amin, tinanggap niyo sa inyong pagpipista ang masamang
tao, ginoong ibarra. [tinitigang walang-kurap ni ibarra ang sarhento at sinagot ang buong pagkasuklam.]

Ibarra: wala akong tungkuling ipagbigay-alam sa inyo ang aking mga gawain! Sa mga kasayahang
idinaraos namin ay tinatanggap ang lahat at kung kayo'y napaaga lamang ay naanyayahan din namin
kayong makasalo sa amin gaya ng inyong alperes na dalawang oras ng nakaalis. [at tinalikuran ni ibarra
ang mga sibil] [ipinahanap ng sarhento sa kanyang mga kawal ang piloto sa lahat ng dako, ngunit di nila
natagpuan.]

Sarhento: hanapin ninyo ang piloto sa lahat ng dako.

Kawal: masusunod po. . .


Tao1: kung gayon, ang piloto bang iyon ay ang elias na sinasabing naghulog sa alperes sa labak?

Mga tao: walang iba! Wala nang iba! [at natapos na ang kasiyahan at umalis na sa gubat)

KABANATA 25. SA TAHANAN NG PANTAS

SCENE 1. (MALAWAK NA LUPAIN, BAHAY NI PILOSOPONG TASYO) HABANG NAGLALAKAD SA LUPAIN,


NAPAGDISISYUNAN NYANG PUNTAHAN ANG BAHAY NI PILOSOPONG TASYO.

PILOSOPONG TASYO: ''Nariyan pala kayo, ginoo!''

CRISOSTOMO IBARRA: ''Naabala ko po ata kayo.''

PILOSOPONG TASYO: ''May maipaglilingkod ba ako sayo?''

CRISOSTOMO IBARRA: ''May nais lamang po akong isangguni sa inyo..'' (hangang-hanga habang
tinitingnan ang isinusulat ni Pilosopong Tasyo ''Bakit po kayo nagsusulat ng isang heroglipiko?''

PILOSOPONG TASYO: ''Dahil hindi ako sumusulat sa aking panahon kundi nagsusulat ako para sa
hinaharap. Ha! Sa panahon ngayon na mababasa ang aking mga sinusulat, hay, tiyak na hindi ito
pahahalagahan at susunugin pa ito. Ngunit ang susunod na salinlahi'y higit na matatalino at kung ito'y
kanilang mababasa ay sasabihin nilang hindi pala lahat ay natutulog sa panahon ng kanilang mga
ninuno..''

CRISOSTOMO IBARRA: ''Anong wika po kayo sumusulat?''

PILOSOPONG TASYO: ''Sa sariling wika natin na tagalog.''

CRISOSTOMO IBARRA: ''Maari po bang gamitan ng heroglipiko ang wikang tagalog?''

PILOSOPONG TASYO: ''Maari. Higit na mabuti ang alpabetong tagalog kaysa wikang Latin. Nga pala,
natatandaan mo ba yung pagkapatay sa buwaya? Opinyon ko lang naman, subalit, tingin ko'y sinadya
niyang gambalain ang inyong kasiyahan sapagkat hindi siya imbitado at dumating pang lasing ang
kanyang asawa.''

CRISOSTOMO IBARRA: (NAPANGITI) ''Nais ko po sanang humingi ng payo sa inyo gaya ng ginagawa ng
aking ama noong siya'y nabubuhay pa. Nais ko pong magpatayo ng isang paaralan at bilang pag-alala na
rin ito sa aking kasintahan.''

PILOSOPONG TASYO: (NAPANGITI) '' Ah, matagal ko nang pinangarap iyan. Pangarap ng isang baliw. At
iisipin din ng mga tao baliw kayo dahil humihingi kayo ng payo sa isang taong napagkakamalan nilang
baliw. Ha! Para sa kanila, ang matatalino'y mga kapitan kahit walang pinag-aralan at walang ginawa
kundi maging sunud-sunuran sa kura.'' ''Bakit hindi kayo humingi ng payo sa kura, o sa kapitan o sa iba
pang may tungkulin? Maari nyo silang sundin, maari rin hindi.''
CRISOSTOMO IBARRA: ''Naniniwala ako na mangyayari ang aking plano na walang sagabal.''

PILOSOPONG TASYO: ''Matutuloy ang plano ninyo kung kayo'y makikipagtulungan sa mga taong sinasabi
ko.''

CRISOSTOMO IBARRA: ''Totoong makapangyarihan ang kura subalit hindi ako lubusang naniniwala sa
mga mapang-abusong lakas at kapangyarihan. Ang taong bayan ay maniniwala sa katuwiran at
pamahalaang may mabuting hangarin.''

PILOSOPONG TASYO: ''Ang pamahalaan ay walang ibang pinakikinggan kundi ang kura. Sumusunod
lamang ang kamay sa idinidikta ng isip.''

CRISOSTOMO IBARRA: ''Parang isang pagmamalabis ang inyong pahayag. Sa katunayan ay wala pa pong
bayang dumaraing.''

PILOSOPONG TASYO: ''Pipi ang bayan kaya hindi dumaraing. Ngunit hindi magtatagal ay darating din ang
panahong iyon. Malalaman ninyo ang kanilang mga pagtitiis.''

CRISOSTOMO IBARRA: ''Nauunawaan ko ang inyong ibig sabihin. Ngunit dapat ninyong malaman na ang
mga nanggagaling sa utos sa itaas ay hindi ipinatutupad pagdating na sa ibaba. Ang nanunungkulan ay
mapang-abuso. Dalawa lamang ang maaari ninyong gawin, ang yumukod sa mga makapangyarihan o
hindi yumukod na kapalit ay kapahamakan.''

CRISOSTOMO IBARRA: ''Hindi ko ba maaaring mahalin ng sabay ang Espanya at ang aking bayan? Bakit
ako yuyukod kung hindi kailangan?''

PILOSOPONG TASYO: ''Sapagkat ang lupang iyong tinatakpan ay nasa kapangyarihan ng mga taong
nagpapahalik ng kanilang mga kamay.''

CRISOSTOMO IBARRA: ''Nagpapahalik ng kamay? Nalimutan po ba ninyong sila ang may kagagawan ng
pagkamatay ng aking ama? Hindi ko nais ipaghiganti ang aking ama alang-alang sa kapakanan ng
relihiyon.''

PILOSOPONG TASYO: ''Hay, iho. Huwag muna ninyong gawin ang inyong plano hangga't hindi ninyo
lubusang natatanggap ang kasawian ng inyong ama.''

CRISOSTOMO IBARRA: ''Matutulungan kaya nila ako at paniwalaang ang paaralang ipatatayo ko ang
magiging tulay upang lumaya sa kamangmangan ang bayang ito at matuklasan nila ang pangangamkam
ng kumbento?''

PILOSOPONG TASYO: ''Mabigo man kayo, nakakatuwang ginawa ninyo ang nararapat ninyong gawin.''

CRISOSTOMO IBARRA: ''Naniniwala na ako sa inyong sinasabi. Ngayon din ay pupuntahan ko ang kura at
sana'y hindi siya katulad ni Padre Damaso.. Salamat po ginoo. Ako'y papatungo na.

MAGKAMAYAN.
KABANATA 26.BISPERAS NG PISTA.

NOL JUAN: ''Ito'y isang malaking paaralan na nahahati sa dalawang bahagi, ang isa'y para sa mga mag-
aaral na lalaki at ang isa'y para sa mga mag-aaral na babae. Ang paaralang ito'y kahalintulad ng isang
paaralan sa alemanya na ang gumawa'y ang arkitektong si Ginoong R. Sa pinakagitna ng gusali ay
magkakaroon ng daluyan ng tubig na tila magiging ulan. Marami ang tumutulong kay Ginoong
Crisostomo. Magiging padrino ang kura na humiling ding siya na ang magbabasbas sa paglalagay ng
unang bato sa mismong araw ng kapistahan.''

[Nagpalakpakan at nakipagkamayan kay Ibarra]

CRISOSTOMO IBARRA ( KINAKAUSAP SI PILOSOPONG TASYO) : ''Ginoo, nawa'y huwag na kayong mag-
alala.''

KABANATA 27- SA PAGSAPIT NG TAKIPSILIM

[Naglalakad sina Maria Clara, Sinang, Victoria, Iday, Ibarra at Tiya Isabel hanggang sa naabot ang
kumbento]

SINANG: Nakapagtataka, nakasindi ang mga lumang lampara ngayon.

M.CLARA: Sa pagkakaalam ko’y ayaw pasindihan ang mga iyan ni Padre Salvi upang tayo’y makapagtipid.

SINANG: Malungkat nga ang kura sapagkat iniisip ang gastos sa papakain ng maraming panauhin ngunit
babawiin nito ang gastos sa mga katulong.

TIYA ISABEL: Ito namang bahay ay walang ilaw. Bakit naman kaya?

SINANG: Ah! Ito ang bahay ng alperes. Kung ako ang arsobispo, ipapakasal ko ang asawa ng alperes kay
Padre Salvi at ..

[Napansin ang ketongin. Napahinto at napansin na rin ng iba. Binaba ng ketongin ang dalang basket at
lumayo. Naglagay ang mga babae ng prutas, isda atbp]

M.CLARA: Kaawa awa naman siya.

IDAY: Ang alam ko, ang lalaking iyan ay isang ketongin. Sinasabi ng iba na dahil ito sa pag-aalaga sa
kanyang ina. Maaaring dahil rin sa matagal na pagdudusa sa bilangguan at napilitang matulog sa
mamasa-masang sahig ng bilangguan. Mayroon isang pagkakataon na may isang batang nahulog sa
lubak, tinulungan niya ito ngunit sa halip na magpasalamat ay binugbog pa ito ng ama ng bata.

[Lumapit si Maria Clara sa basket at inilagay ang agnos. Pumunta si Sisa sa ketongin at hinawakan ang
bisig]

SISA: Halika at magdasal tayo. Ngayon ay araw ng mga patay. Ipagdasal natin ang aking mga anak.

TAO 1: (pasigaw) Ilayo ang baliw at baka siya ay mahawa.


[Lumayo ang mga tao]

SISA: (sa ketongin) Nakikita mo ba ang ilaw sa kampanaryo? Iyan ang aking mga anak na si Basilio na
bumababa sa lubid. At ang sa kumbento—yan si Crispin. Hindi ko sila madalaw dahil may sakit ang kura
at nawawala ang kanyang mga ginto. Dinalhan ko ng gulay ang kura. Ako’y may halamanang may mga
bulaklak.

[Biglang kinaladkad ng isang guwardiya sibil si Sisa. Inilalayo si Sisa sa ketongin habang sinasabi “Wag
kang magulo baliw”]

M.CLARA: Mas mabuti siguro tayo’y umuwi na. Hindi lahat ay masaya.

KABANATA 29- KINAUMAGAHAN

[Maririnig ang tugtog ng banda. Makikitang bumibili ng kandila ang mga tao]

T.MAYOR: Masaya ang kapistahan dito sa San Diego. Kailangan rin naman natin ito paminsan-minsan sa
isang taon.

P.TASYO: Nagtatapon lamang ng salapi ang mga tao. Ngayon ang panahon ng paghihikahos at
pangangailangan. Ngunit marahil kailangan ngang magpakasaya upang malunod ang pagdurusa.

P.SALVI: Sa ngalan ng ama, ng anak, ng Espirito Santo, Amen!

[Prusisyon. Nakadungaw sina Kapitan Tiago, Maria Clara at Ibarra.]

KABANATA 31- SA SIMBAHAN

P.TASYO: Napakalaki namang halaga ng misang ito. Hindi na nalalayo sa mga ibinabayad sa comedia na
tatlong araw na itinanghal. Pagkayaman-yaman pala ng San Diego.

MAESTRO NG KAPATIRAN: Teka, teka. Mukhang may lumalabas na pagkukumpara sa comedia at sa


misa. Para sa akin, ang kaluluwa ng nanonood sa comedia ay napupunta sa impyerno samantalang ang
mga kaluluwa ng nakikinig sa sermon ay napupunta sa langit.

TAO 1: Tama kayo. Tama kayo. Para nga sa akin, higit na nakakaaliw ang sermon kaysa sa comedia lalo’t
si Padre Damaso ang bibigkas ng sermon.

TAO 2: Para sa akin, walang kaaliwan akong makukuha sa misa man o comedia.

P.TASYO: Nakasisiguro po ako dahil mukhang hindi kayo nakakaiintindi ng kahulugan ng comedia at ng
misa.

[Tumalikod si P.TASYO. Napatahimik ang lahat at tumayo sabay pag-awit sa koro at muling pagtugtog ng
kampana]

P.DAMASO: At ipinagkaloob mo sa kanila ang iyong mabuting espiritu upang sila’y turuan at hindi mo
inalis sa kanilang bibig ang iyong tinig at binigyan mo sila ng tubig upang mapawi ang kanilang uhaw.
Kagalang galang na Alkalde, mga banal na alagad ng Diyos, mga kapatid kay Hesukristo. Ang mga salita
ng Diyos ay dapat intindihin ng inyong mga isip, unawain ng inyong mga puso, damhin ng inyong mga
kaluluwa.

Totoo yan, Senyor Alperes, sa pamamagitan lamang ng krus na kahoy, nagapi ng Panginoon ang mga
tulisan ng kadiliman. Hindi siya gumamit ng baril o anumang sandata.

Dati rati kapag nakakasalubong ng Indio ang sinumang pari sa daan, nakatitiyak kang yuyuko ito sa
paggalang. Kapag nangangabayo kapwa ang Indio at ang pare sa daan nakatitiyak kang hihinto ang Indio
na nangangabayo at sasalubungin ang naglalakad na pari, bababa sa kabayo bilang respeto. Pero ibang
iba na ang panahon. Dumarami ang mga walang galang na Indio. May mga nakapag-aral lang sa Europa
nang magbalik sa Pilipinas ay parang kung sino na. Sa halip na humalik ng kamay ng mga banal na pari ay
nakikipagkamay na lang sila. Mga bastos! Mga walang respeto! Mga anak ng erehe!

[Pagkatapos ng misa, lumipat si Elias kay Ibarra at bumulong]

ELIAS: Sa seremonya ng pagbasbas bukas, mag-ingat kayo. Huwag kayong lalapit sa pandayong bato.
Nakasalalay sa pag-iingat ang kaligtasan niyo.

KABANATA 32- ANG PANGHUGOS

[Nasa paligid ang mga malalaking tao tulad kura, alkalde at kapitan. Nasa paligid din ang mga mason at
karpintero. Ipinapaliwanag ng lalaking madilaw kay Ñol Juan kung paano napapagalaw ang kanyang
naimbentong makinarya. Napadaan si Pilosopo Tasyo]

P.TASYO: (sarili) Darating ang panahon na ang gusaling ito ay manghihina dahil sa katandaan at tuluyang
gigibain ng isang mapangwasak na lindol o kamay ng tao. Matutuklasan ito ng susunod na panahon at
isang dalubhasang guro ang magpapaliwanag tungkol sa kamangmangan ng kanilang ninuno at upang
malutas ang suliranin ay kinailangan pang sumangguni sa kung saang lupalop ng daigdig.

[Dumating ang banda na sinalubong ng mga bata at matanda. Matamang pinagmamasdan ni Elias ang
kilos ng madilaw na tao. Magkasamang dumating ang alkalde at pari maliban kay Padre Damaso]

ALKALDE: (kay Ibarra) Handa akong tumulong sa isang magandang layunin, Ginoong Crisostomo.
Tutulungan kita upang magtagumpay sa proyektong ito.

[Isinuot na ni Padre Salvi ang kanyang abito bilang paghahanda sa pagsisimula ng pagbabasbas. Hindi
kumukurap si Elias sa pagkatitig sa taong madilaw na may hawak ng lubid.

ALKALDE: Nais po ba ninyo na kayo ang maglagay ng tubo sa pundasyon?

IBARRA: Hayaan na lang po natin ang eskribano sa kanyang tungkulin.

[Bumaba na ang eskribano sa hukay at inilagay ang tubo. Nagbabaan na rin ang mga tao para
magpalitada]
ALKALDE: Mga mamamayan ng San Diego! Isang malaking karangalan ang pangunahan ang pagdiriwang
ito. Isang paaralan ang itatayo at ang paaralang ito ang magiging pundasyon ng lipunan. Ang paaralan
ang naglalaman ng kinabukasan ng isang bayan. Purihin natin ang mga pari, ang pamahalaang Espanya!
Mabuhay ang Espanya! Mabuhay ang Hari! Mabuhay ang relihiyong katoliko!

[Nagsigawan ang madla ng MABUHAY!. Bumaba na ang alkalde para magpalitada. Nagsunuran na rin
ang mga kura at panghuli si Kapitan Tiago]

ALKALDE: Hindi po ba kayo magpapalitada Ginoong Ibarra?

[Napilitan ding bumaba si Ibarra dala ang isang mas malaking kutsarang bakal. Nakatingin sa kanya ang
lalaking madilaw habang si Elias ay patuloy na nagmamanman. Hustong nakababa na si Ibarra ng biglang
humalagpos ang lubid. Nagtakbuhan ang mga tao at tanging sina Padre Salvi at Maria Clara lamang ang
hindi natinag sa kinatatayuan. Ligtas si Ibarra samantalang isang bangkay ang natabunan ang bigla, ang
lalaking madilaw]

IBARRA: Tulungan ninyo akong iahon ang bangkay ng sawingpalad na lalaki.

[Nawalan ng malay tao si Ibarra sa bisig ni Maria Clara. Umalis na si Ibarra]

P.TASYO: Isang masamang simula!

KABANATA 33-MALAYANG KAISIPAN

ELIAS: Wala kayong dapat ipagpasalamat sa akin dahil kayo ang nagligtas ng buhay ko. May nais lamang
akong ipakiusap at ihingi ng utang na loob. Kung maari sana’y ipaglihim niyo ang aking sinabi sa loob ng
simbahan.

IBARRA: Wala kayong dapat ipag-alala. Alam kong kayo’y pinag-uusig pero wala akong planong
magsuplong.

ELIAS: Hindi po ito para sa aking kapakanan lamang. Inaakala ko lamang ang inyong kalagayan.

IBARRA: Ano ang inyong ibig sabihin?

ELIAS: Gagawin ko pong malinaw ang aking pahayag. Upang hindi kayo mapahamak, kailangang hindi
malaman ng inyong kaaway na kayo’y handa. Mas mabuti kung makikita ng inyong kaaway na kayo’y
hindi nag-iingat at kayo’y nagtitiwala sa lahat.

IBARRA: Mayroon ba akong kaaway?

ELIAS: Lahat po tayo ay may kaaway, Ginoo. Mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa taong may pag-
iisip. Mula sa pinakadukha hanggang sa pinakamayaman at makapangyarihan. Ito po ang batas ng
buhay.

IBARRA: Maaari po ba ninyong sabihin kung sino ang aking kaaway?


ELIAS: Isa lamang po ang masasabi ko, ang lalaking namatay ay narinig kong nagbabanta kagabi. Sinabi
niya sa mga taong kausap na hindi kayo kakainin ng mga isda gaya ng inyong ama. Napansin kong ilang
araw na siyang nakikipag-usap kay Ñol Juan upang pangasiwain ng gawaing ukol sa panghugos. Ipinakita
niya ang kanyang pagiging bihasa subalit hindi naman siya humihingi ng mataas na sahod. Naghinala ako
sa kanyang ikinikilos kaya’t binigyan ko kayo ng babala.

IBARRA: Sino po ba kayong talaga?

ELIAS: Nawalan ako ng tiwala sa tao, kaya’t naging lubusan na ang pananalig ko sa Diyos. Walang
katarungan ang tao kung humatol.

KABANATA 34-PANANGHALIAN

[Makikitang nag-uusap sa hapag kainan sina Tiago,Ibarra,Clara,alkalde,alperes at iba pang kawani.


Dumating si Padre Damaso at natahimik ang lahat]

P.DAMASO: Bakit hindi ninyo ipagpatuloy ang inyong pag-uusap?

ALKALDE: Nabanggit lamang sa akin ni Crisostomo ang mga taong nakatulong sa kanya gaya ng arkitekto
at ng reverencia.

P.DAMASO: Nakatatawa ang mga taong kumukuha ng serbisyo ng isang arkitekto. Nagpapakita lamang
ng kamangmangan ng isang Indio na nagdudunung-dunungan! Ako lamang ang gumuhit ng plano ng
simbahang iyan.

ALKALDE: Subalit ang ipinapatayong gusali ni G. Ibarra ay nangangailangan ng eksperto.

P.DAMASO: Eksperto? Ang isang paaralan ay binubuo lamang ng apat na pader at isang bubong na
sawali.

ALKALDE: Sandali lamang Padre Damaso.

P.DAMASO: Magbabayad ang lahat! Ngayon pa lamang ay pinarurusahan na ang ama ng isang ulupong!
Nangangamatay sa loob ng bilangguan at ni walang mahigaang…

[Hinawakan ni Ibarra ang leeg ng pari upang hindi ito makakilos at saka iniamba ang matalim na kutsilyo]

IBARRA: Ako naman ang pakinggan ninyo sa aking mga sasabihin. Pinakaiwas-iwasan ko ang taong ito
subalit dinala siya sa akin ng Diyos para ako ang humatol. Mabuting tao ang aking ama. Siya ay
naglingkod ng tapat sa bayan. Nagtiis ng kalungkutan para sa isang anak. At ang paring ito ay pinatuloy
at pinakain sa loob ng aming tahanan. Ngunit ano ang kanyang iginanti? Ipinausig niya ang aking ama at
ipinabilanggo. Hindi pa iyo naging sapat sa kanya. Pati ang libingan ng aking ama ay kanyang hinamak.
Ngayon ay patuloy pa rin ang kanyang panghahamak at pang-aalipusta. Kayong mga makapangyarihang
tao ng lipunan, hindi ba’t karapat-dapat lamang siyang mamatay?

[Iniangat ni Crisostomo ang braso at aktong uundayan ng saksak si Padre Damaso sa dibdib]
MARIA CLARA: Crisostomo, huwag!

[Nanghihinang binitiwan niya ang kutsilyo pati na rin si Padre Damaso. Mabilis siyang lumayo at nawala]

CHAPTER 35 ANG BALI-BALITA

VENUE:
>maliit na bahay sa labas ng kabayanan.
ALKALDE:Hindi madaling ituro kung sino ang tama o mali.Pero sana ay nakapagpigil si Senor Ibarra,kung
hindi man naging marahan sa pagsasalita si Padre Damaso.

D.FILIPO:Paano pong makapagpigil si Senor Ibarra.para pong latigong lumalatay ang mga salita ni Padre
Damaso.Sana hindi naman pinabayaan ang lahat si Senor Ibarra.Napakalaki ang naitulong sa bayan ng
mga magulang nito.At ang personal na plano niyang makapagtayo ng paaralan ay isang magandang
layunin para sa kagalingan ng komunidad

ALKALDE:Pero mga kasama,ano naman ang maitutulong natin at ng bayan?Ang mga prayle ng lagi nang
nasa katwiran.

D.F:Nasa katwiran sila sapagka’t tayo’y lagi nang napadadaig.

ALKALDE:Ang mga prayle ay masalapi at nagkakaisa. Tayo’y dukha at watak-watak.

D.F:Tama kayo alkalde. (mamula-mula ang mga mata nang tumindig)…Iyan ang mangyayari habang
naghahari sa ating kalooban ang pagkakatakot at pagpapaumanhin.

NARRATOR:Ang mga babae ay kani-kaniya ring palagay.


CHARAC:
>Kaptana Maria
>Kaptana Tinay
>Ermana Rufa

K.T: Talagang ganyan ang mga kabataan.(pabuntong-hiningang pagsabi)..Kung ako ang ina ng binatang
iyan,baka namatay ako sa kalungkutan at kahihiyan.
K.M: Aba.dapat pa ngang magsaya at magdiwang sapagkat ipinagtanggol ng isang anak ang namatay na
amang sinisiraan ang pangalan.
E.R: Wag nating kalilimutang malaking kasalanang saktan ang sinumang taong banal tulad ni Padre
Damaso.
K.M: Ngunit walang karapatan ang sinuman,maging si Padre Damaso,na dungisan ang magandang
pangalan ni Don Rafael Ibarra.
E.R: Anuman ng sabihin niyo,ang kura ang aking papanigan.Mahalaga sa lahat ang pagliligtas ko sa aking
kaluluwa.Hindi ba,Kapitana Tinay?
K.T: Wala akong sukat masabi sapagkat kayo’y kapwa may katwiran.Ako’y isang mangmang kaya’t hindi
makapagpasya.

CHAPTER 36 ANG UNANG SULIRANIN

T.ISABEL: Wag ka ng umiyak,anak.Tiyak na babawiin rin ang parusa ng simbahan kay Ibarra.Nawalan
lang ng malay si Padre Damaso at hindi namatay.

ANDENG: Siya nga naman,wag ka ng umiyak.Natitiyak ko na patatawarin sya ng kura.

(dumating si kapt.Tiyago galing sa kumbento,nakayuko ang ulo,basing – basa sa pawis,nanlalambot ang


buong katawan,takot na takot at nag aalala).

A.I:Bakit Santiago??Bakit ka ipinatawag? (may halong pag-aalinlangan)

K.T: (nagbuntong-hininga kasabay ng isang patak ng luha)

A.I: Diyos ko!Magsalita ka naman.Ano nga ba ang nangyari?

K.T: ka…Kailangan daw putulin sa lalong madaling panahon ang relasyon nina Ibarra at Maria Clara.Kung
hindi ay parurusahan daw ako ni Padre Damaso.Ay,Poong San Antonio!
(lalong napaluha si M.Clara)

K.T: hu,,,hawag ka ng umiyak iha.Kailangang magpakatatag ka.May maganda akong balita.Dumating na


raw ang binatang pinsan ni Padre Damaso mula sa Espanya.Siya raw ang nararapat na maging
kasintahan mo.(nagimbal si Maria sa sinabi ng ama)

A.I: Nauulol ka ba Santiago. (pasigaw) Hindi parang pagpapalit ng damit ang pagpapalit ng kasintahan!
Nahihibang kanaba??

K.T: Pero ano, Isabel ang magagawa ko,mapapasanganib ang kaluluwa ko,naiintindihan mo ba?

A.I: bakit di mo sulatan ang kaibigan mong arsobispo??

K.T: Tandaan mo,pare rin ang arsobispo.Anuman ang sabihin padre Damaso ay pakikinggan nito.
(inakbayab ni Tiyago si Maria)…darating ang Kapt-heneral iha,ayokong namumugto ang mga mata mo sa
pagharap sa kanya.Tandaan mo ang pagpapalayo ko sa iyo Ibarra ay may magandang ibubunga.

[Daling pumasok sa silid si maria,kaagad na lumuhod sa harap ng Birhen at lumuha nang lumuha.]
M.C: mahal na Birhen,paaano ko po malilimot ang kababata kong minahal nang higit sa aking sarili??
Paano ko po malilimot ang masasayang araw na nagpatibok n gaming mga puso?Paano po mahal na
Birhen?Paano po?(napalingon nang bumukas ang pinto)

A.I: Darating na raw ang Kapt-heneral iha.(masayang pagsabi)

M.C: Sabihin niyong may sakit ako.(malungkot na pagsabi)..Tiyak na patutugtugin at pakakantahin na


namn ako ng kapt-heneral.

A.I: Nangako ang ama mo.Tiyak na mapapahiya ito kung hindi ka tutugtug ng piano.

(si maria ay tumindig at nagsimulang mag ayos.)

CHAPTER 37 ANG KAPITAN-HENERAL

HENERAL:Gusto kong makausap si Crisostomo Ibarra .

ALKALDE:Ipinasundo ko na po kamahalan.
(sa labas ng tanggapan,ang mga pari’y iritang irita na sa kakahintay)

P.SIBYLA: Hoy!Isang pag aasaya ko ng panahon.Wala naman akong mahalagang sasabihin sa kanya.

AGUSTINO:Tayo nang umalis,ako’y wala ring sasabihin.

P.SALVI:Teka,teka,wag tayong pabigla-bigla.Lalong mabuti ang maghintay na tayo at nang sa gayo’y


mataman natin ang kanyang kuru-kuro.(lumabas ang kagawad galling sa pinto)

KAGAWAD:Makapapasok na po kayo.
(unang pumasok si P.Sibyla ,sumunod si P.Salvi at P.Martin)

K.Heneral: Sino?Sino sa inyo si Padre Damaso? (nanginginig tinig na sigaw)

P.SIBYLA: Si Padre Damaso po ay may karamdaman.Ipagpaumanhin ninyo,kamahalan,ang hindi niya


pagpunta dito.

K.HENERAL: Magsiupo kayo..(sa tinig na may kababaan)


(napatingin ang lahat nang pumasok si K.Tiago kasama si Maria.Kabado si maria,magalang itong
yumukod,kasabay ng ama)

K.HENERAL: Anak ba ninyo ang magandang dalagang ito??

K.Tyago: Opo,kamahalan.
K.HENERAL: Kahanga – hanga ang ginawa mo kanina,iha.Kailangan gantimpalaan ka.

M.CLARA: Pero kamahalan,nakakahiya naman pong…….(nanginginig ang tinig)

K.HENERAL:Alam kong ginawa mo ang lahat para sa kababayan mo.Pero wag mong ipagkait sa akin ang
karapatang hikayatin ang mahal na Haring pahalagahan ka.

KAGAWAD: Nasa labas na po si Don Ibarra at naghihintay,kamahalan.(nakangiting sabi)


(nagkatinginan ang mga pari)(Balisa si Maria sa kinaupuan)

K.HENERAL: Nagpapasalamat ako sa iyo,iha,sa pagdalaw mo.Titiyakin kong makausap kita bago ako
umalis sa bayan ninyo.

P.SALVI: Gusto po naming malaman ninyo,kamahalan, na ekskominikado si Don Ibarra.

K.HENERAL:At dapat ninyong isipin ay ang madaling paggaling ni Padre Damaso.Nawa’y patnubayan
kayo ng Diyos.
(Dali-daling nagbigay galang ang mga pari at sabay na nagpaalam)(Nakasalubong nila si Ibarra,hindi sila
nangagbatian,ngunit nagtapunan ng makahulugang tingin.)(nang malayo na ang mga prayle,binati ng
alkalde si Ibarra at kinamayan saka hinanap ng kagawad at pumasok sa pinto.nasalubong ni Ibarra si
Maria,sila’y nagtinginan,waring nagpahayag ng damdaming puspos ng paggiliw)(namangha si Ibarra sa
pagbati ng heneral)

K.HENERAL:nasisiyahan ako.(habang mahigpit na kinamayan ang binata)..dapat kayong hangaan sa


pagpapatayo ng paaralan.

Ibarra:Nagpapasalamat po ako sa mga awtoridad ng aming lalawigan.

K.HENERAL:Nakarating sa akin ang hindi ninyo pagkakaunawaan ni Padre Damaso.Ipinapangako ko sa


inyong hinding-hindi kayo maaagrabyado habang ako ang kapt-heneral.Kayo po Senor Crisostomo,may
mapaglilingkod po ba ako sa inyo?

IBARRA: Pangarap ko kamahalan,na magkaroon ng repormang pampamahalaan upang bumuti ang


buhay ng lahat.

K.HENERAL:Sa bansang ito,ikaw sa palagay ko ang kauna-unahang lalakeng may paninindigan.

IBARRA:Salamat po,hindi ko po makakalimutan ang kagandahang loob ninyo habang nabubuhay


ako,kapt-heneral.
K.HENERAL:Maalala ko pala.Gaano ka katotoo Senor Ibarra na ikakasal na kayo sa magandang dalaga na
nakausap kp kanina.Kung totoo ang balita,hindi makatarungang magtagal kayo ditto.(hindi sumagot ang
binata,kinamayan si heneral at nagpaalam na.)

(maya-maya’y tinawag na ng heneral ang kagawad)

K.HENERAL: Tawagin mo ang alkalde.(ang inutusan ay madali namang sumunod)..G.Alkalde,si G.Ibarra ay


mahigpit kong inihahabilin sa inyo.Tulungan ninyo si G.Ibarra sa pagbubunsod ng kanyang mabuting
layunin at wag syang gambalain ninuman.

(Alkalde ay magalang na yumuko)

[Hinanap ni Ibarra ang kasintahan bago managhalian.Sa isang silid ng gusali,naulinigan nyang maraming
tinig ng kababaihan na nagkwekwentuhan.Marahang kumatok si Ibarra]

M.CLARA:Sino yan?

IBARRA:Si Crisostomo(humina ang mga kwentuhan.)…maaari bang pumasok?(pakiusap ng binata habang


patuloy ito sa pagkatok)..Si Crisostomo ito..si Crisostomo..
(maya-maya’y napakinggan ng binata ang marahang mga yabag na papalapit sa pintuan.Sa butas ng
susian ng pinto ay may bumulong)

SINANG:Crisostomo,si Sinang ito,pupunta kami sa teatro mamaya.Isulat mo at ibigay sa akin ang


anumang gusto mong iparating kay maria clara.
(mabilis na lumayo ang mga yabag)

KABANATA 39: SI DONYA CONSOLACION


[Maririnig na umaawit si Sisa kaya’t ipinatawag ito ni Donya Consolacion upang pakantahin. Hindi ito
nakapagbigay galang kaya’t agad na kinuha ni donya ang nakasabit na latigo.]

D. Consolacion: Vamos magcantar icau! Bantay! Sabihin mo sa babaeng ito na kumanta siya sa tagalog!
Hindi niya ako maintindihan! Hindi siya marunong magkastila!

[Kumanta ng kundiman si Maria Clara na siyang nagpalungkot sa Donya]

D. Consolacion: Tigil na! Wag ka nang kumanta! Wag kang kumanta! Nakahahapis sakin ang tulang iyan!

[Pinaalis ng Donya ang bantay. Lumalakad na payaot padito sa silid na hinuhutok ng kamay ang latigo;
huminto sa harap ng baliw]

D. Consolacion: Bayla—baila, baila!

[Nag-iindak upang ganyakin ang baliw na siya ay gayahin. Minamasdan ni Sisa ang donya na nakangiti at
natutuwa sa ginagawa ng donya. Napahiya ang donya at itinaas ang hawak nitong latigo]
D.Consolacion: Ngayo’y ikaw naman ang sumayaw-----sayaw! [PALO] Sasayaw ka, o hinde, india? [Tuloy
tuloy na palo] Baila, baila, condenada, salbahe!

[Dumating ang alperes na walang kibo]

D.Consolacion: Ano ang nangyayari sa iyo? Hindi ka man lamang ngbigay ng magandang gabi.

Alperes: [Tinawag ang bantay] Dalhin mo ang baliw na ito. Sabihin mo kay Marta na bigyan niya ng ibang
baro at gamutin. Pakainin mo siya ng maigi, bigyan ng mabuting higaan----mag-ingat kayo at huwag
siyang lapastanganin. Bukas ay ihahatid siya sa bahay ni ginoong C. Ibarra.

KABANATA 40: KARAPATAN AT LAKAS


[Dumating sina Maria Clara at mga kaibigan nito sa dula na siyang inasikaso naman ni Don Filipo.
Tumitingin ang lahat sa palabas ngunit si Padre Salvi ay tumitingin kay Maria Clara. Dumating si Ibarra.
Ngbulung-bulyngan ang mga tao at ang lahat ng paningin ay napako sa kanya at sa kura. Di ito pinansin
ni Ibarra. Bumati siya kay Maria Clara at sa mga dalaga at naupo sa kanilang piling. Tumindig si Padre
Salvi at lumapit kay Don Filipo. Hiniling ito na paalisin si Ibarra]

Don Filipo: Dinaramdam ko pong di kayo mapaunlakan. Si Ginoong Ibarra ay isa sa mga umabuloy ng
malaking halaga at may karapatang lumagi rito samantalang di siya nanggugulo.

Padre Salvi: Datapwat hindi ba panggulo ang basag-uluhin ang mabubuting kristiyano? Walang iniwan
iyan sa magpawala ang lobo sa gitna ng mga tupa. Mananagot kayo sa bagay na ito sa harap ng Diyos at
sa mga may makapangyarihan.

Don Filipo: Kailanma’y pinanagutan ko po ang mga bagay na nagagawa ko sa sariling kapasyahan, Padre.
Hindi naman po namimilit si G. Crisostomo na makipagusap kaninuman kaya’t maari siyang layuan ng
mga taong may ayaw sa kanya.

Padre Salvi: Ngunit, iya’y pagbibigay-daan sa panganib, at ang umiibig sa panganib ay sa panganib din
namamatay.

Don Filipo: Wala po akong nakikitang panganib, Padre. Ang alkalde at ang kapitan heneral na aking mga
puno ay nakipagusap kay G. Ibarra buong maghapon at di ako ang makakapagbigay-aral sa kanila.

Padre Salvi: Kung di ninyo siya palalayasin ay kami ang aalis.

Don Filipo: Labis ko pong ikalulungkot ang gayon, ngunit hingi ko maaring palayasin dito ang sinuman.

[Kinawayan ni Padre Salvi ang kanyang kasama at nagtindig at silang dalawa’y lumabas na. Nagbulung-
bulungan. Ilang katao ang lumalapit kay Ibarra]

Extra 1: Kami’y kaayon ninyo; huwag niyo silang pansinin.

Ibarra: Sino pong “SILA” yan?

Extra 2: Ang mga nagsialis upang di kayo makalapit nila.


Ibarra: Upang huwag akong makalapit? Huwag akong makalapit?

Extra 3: Opo! Pagkat ang sabi nila ay excomulgado kayo.

[Tumngin sa paligid si Ibarra at nakita si Maria Clara nakukubli ang mukha sa kanyang abaniko.]

Ibarra: Ngunit, totoo kaya? Nasa panahon pa ba tayo ng tinatawag na edad media? Kung gayon pala’y..
(Lumapit sa mga dalaga at iniba ang tinig) Ipagpaumanhin ninyo ako. Nakalimot ako sa isang tipanan;
babalik akong muli upang masamahan kayo rito.

Sinang: Wag kang umalis! Sasayaw si yeyeng ng La Calandria. Napakainam sumayaw!

Ibarra: Hindi maari kaibigan, ngunit babalik ako.

[Umalis si Ibarra at muling nagbulung-bulungan. Dumating ang dalawang gwardiya sibil at lumapit kay
Don Filipo at ipinatitigil ang palabas]

Don Filipo: DF: At bakit?

GS: Sapagkat nagagalit po ang alperes at ang kanyang asawa at di sila makatulog.

Don Filipo: Sabihin ninyo sa alperes na kami’y binigyan ng pahintulot ng alkalde, at sinuman sa bayan, ni
ang kapitan na aking tanging puno ay walang karapatang makapagbawal sa amin.

GS: Ngunit kailangan pong pigilin ang palabas.

[Tinalikuran ni Don Filipo ang nagsisialis na gwardiya sibil. Lumabas si Prinsipe Villardo subalit nagkagulo
sa entablado. Ipinaghagisan ng mga musikero ang kanilang instrumento sa entablado at
nagsipagtakbuhan ang mga artista. Lalong nagkagulo sapagkat nagsigawan ang mga manonood na
babae at nag-iyakan ang mga bata dahil sa pagdidilim gawa ng pagpatay ng ilaw sa entablado. Ang 2 GS
ang humagad sa mga musikero upang pigilin ang palabas. Hinuli sila ng mga kuwadrilyero.]

Don Filipo: Ihatid sila sa tribunal. At ingatan ninyo silang mabuti upang di makatakas.

[Dumating si Ibarra at nagsikapit ang mga dalaga sa binata habang si tiya Isabel ay nagdarasal ng letania
sa latin. Ang mga sibil na inihatid ng mga kuwadriyero sa tribunal ay pinagbabato ng mga tao. May isang
pangkat ng kalalakihan na nagbabalak ng masama sa mga sibil ngunit agad silang pinakiusapan ni Don
Filipo na huwag nang palalain pa ang nangyayari]

KABANATA 41: DALAWANG DALAW


[Si Ibarra ay hindi nakatulog. Ang ginawa niya’y naghanda ng gamot sa kayan kabinete. Inumaga siya
halos sa paghahalo ng gamot. Ang utusan ay pumasok at sinabing may tagabukid siyang panauhin]

Elias: Ako ay pagpaumanhinan ninyo sa aking pang-aabala. Ako ay naparito upang itanong sa inyo kung
kayo may ihahabilin sa pagtungo ko sa batangas. Ang isa pa’y ibig kong ipabatid sa inyo ang isang
masamang balita. Si Maria Clara ay may karamdaman ngunit hindi malubha. Siya’y nilalagnat, at ngayon,
kung wala kayong ipagbibilin…
Ibarra: Salamat sa inyo. Nawa’y makarating kayo nang walang sakuna. Ngunit nais kong magtanong sa
inyo, at kung ayaw ninyong sagutin ay kayo ang masusunod. Papano ninyo napigil nag gulo kagabi?

Elias: Madali po. Ang dalawang nangunguna sa gulo ay minsang nailigtas ko sa kamay ng mga pumaslang
sa kanilang ama, kaya’t kapwa sila kumilala ng utang na loob sa akin. Sila ang pinakiusapan ko kaya’t
pati kasamahan nila ay napapayapa.

[Si Elias ay nagpaalam na nang makitang si Ibarra ay hindi kumikibo. Pagkaalis ni Elias ay muling
dumalaw sa kanya ang kalungkutan. Nagbihis siya agad at nanaog. Sa daan ay magalang siyang binati ng
isang lalaking nakaluksa at may pilat sa kaliwan pisngi]

Lucas: Ginoong Ibarra, ako po si Lucas, ang kapatid ng lalaking namatay kahapon. Gusto ko po sanang
malaman kung magkano ang ibabayad ninyo sa akin para sa pagkamatay ng aking kapatid.

Ibarra: Ako’y nagmamadali ngayon, kaya’t mamayang hapon ay magbabalik kayo upang tayo’y
magkausap.

Lucas: Sabihin ninyo kung magkano ang inyong ibabayad [Namimilit].

Ibarra: Hindi nyo ba lubusang nauunawaan ang aking sinabi? Wala akong oras na pag-usapan iyan
ngayon sapagkat may dadalawin akong maysakit kaya’t bumalik na lamang kayo mamayang hapon.

Lucas: May oras kayo para sa maysakit ngunit sa isang patay ay wala? Dahil ba sa kami’y mahirap lamang
kaya ganito ang inyong pakikitungo sa amin?

Ibarra: Huwag ninyong piliting ako’y mayamot!

[Tinalikuran ni Ibarra si Lucas. Sinundan ito ng masamang tingin ni Lucas sabay bulong sa sarili]

Lucas: Apo ka ngang talaga ng lalaking nagpabilad sa init sa aking ama. Ang dugo niya ay nananalaytay
pa rin sa mga ugat mo. Ngunit kapag malaki ang iyong ibabayad… magiging magkakaibigan tayo.

KABANATA 42: ANG MAG-ASAWANG DE ESPADAÑA


[Patakbong nanaog si Kapitang Tiyago at Tiya Isabel nang marinig ang pagtigil ng sasakyan sa harap ng
bahay. Ang dumating ay si Dr. Tiburcio de Espadaña, ang asawa nito na si Doktora Donya Victorina de los
Reyes de Espadaña, at Linares]

Donya Victorina: Ipinakikilala ko sa inyo si Don Alfonso Linares de Espadaña, Siya’y inaanak ng kamag-
anak ni Padre damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro.

[Magalang na yumuko ang binata. Ang mga maleta ay dinala sa itaas at sinamahan ni Kapitang Tiyago
ang mga panauhin sa kani-kanilang silid. Samantalang sila’y nagmiminindal ay dumating si Padre Salvi at
si Linares ay ipinakilala na kakabit ang lahat ng titulo]

Donya Victorina: Naparito ang Kapitang Heneral? KASINUNGALINGAN!!!

K. Tiago: Maniwala kayo at diyan umupo.


Donya Victorina: Sayang! Kung Maaga-aga sana ang pagkakasakit ni Clarita! Narinig mo ba, pinsan?
Hindi karaniwang tahanan ang iyong pinanhik. Sinasabi ko sa iyo, Don Santiago, na ang aming pinsang ito
ay kaibigan ng mga duke at ministro sa Madrid at malimit kumain sa bahay ng Conde del Campanario.

Don Tiburcio: Ng Duque de la Torre.

Linares: Saan ko po kaya matatagpuan si Padre Damaso? May liham po akong dala para sa kanya. Siya
sana’y sasadyain ko kundi dahil pagkakataong ito na ako’y naparito.

Salvi: Nasa Bayang ito siya ngayon at mamaya’y parito.

Donya Victorina: De Espadaña, Tingnan natin si Clarita. Alang-alang lamang sa inyo ang asawa ko’y hindi
gumagamot kundi sa matataas na tao noong siya’y masa Madrid pa.

[Si Maria Clara ay nakahiga sa isang kamang kamagong at natatabingan ng kurtinang husi at pinya. Ang
ulo ay may taling panyo na basa ng agua colonia, at nakakumot na puti. Nasa tabi niya ang dalawang
kaibigang dalaga at si Andeng, na may hawak na asusena. Pinulsuhan si Maria Clara. Tinignan ang dila at
saka nagtanong ng ilan, kasabay ang pag-iling ng ulo.]

Don Tiburcio: Ma…may sakit, ngunit mapagagaling. Sa umaga ay Liquen at gatas, jarabe de altea at
dalawang pildoras de Cinaglos.

Donya Victorina: Gagaling ka, Clarita. Lakasan mo ang iyong loob. Ang sadya naming ay gamutin ka.
Ipakikilala kita sa aming pinsan.

[Si Linares ay napatigagal sa pagtingin sa mga matang iyon na waring may hinahanap, kaya’t di marinig
ang tawag ni Donya Victorina.]

Padre Salvi: G. Linares, narito si Padre Damaso.

KABANATA 43: MGA BALAK


[Si Padre Damaso ay Tuluy-Tuloy sa katre ng maysakit at saka hinahawakan ang kamay ng dalaga]

Padre Damaso: MARIA!!! Maria, anak ko, hindi ka mamamatay [Bulong Na Lumuluha ].

[Namangha si Maria Clara nang idilat ang kanyang mga mata dahil sa namalas niyang anyo ni Padre
Damaso. Siya’y lumabas, at sa silong ng balag na nasa balkon ni Maria Clara ay ibinulalas niya ang
kanyang damdamin. Si Donya Victorina ay lumapit kay Padre Damaso nang ito’y matiwasay na at
ipinakilala si Linares. Iniabot ng binata ang liham, ngunit sisya’y minasdan ni Padre Damaso mula ulo
hanggang paa. Ang liham ay binasa na tila hindi naunawaan]

Padre Damaso: A…….! Ikaw ang inaanak ni Carlicos. (Niyakap ni Damaso Si Linares) May liham siya sa
akin ukol sa iyo, ngunit hindi kita nakilala. Dangan kasi’y hindi ka pa isinisilang nang ako’y umalis sa
Espanya. [Hinigpitang lalo ang pagkakayakap kay Linares. Nakalimutan ang kalungkutan)

Damaso: A….! sinasabing ihanap kita ng mapapasukan at asawa. Um!. Sa mapapasukan ay madali.
Marunong ka bang magbasa at sumulat?
Linares: Ako po ay nag-aaral ng pagkamanananggol sa Universidad ng Central.

Damaso: Diyaske! Hindi ko akalain. Para kang mahinhing babae… A!!! bibigyan kita ng isang babae. Oo,
isang babae.

Linares: Hindi po naman ako nagmamadali, Padre.

[Si Padre Damaso ay lumakad na bumubulong “isang babae” at wala na ang kanyang kalungkutan.
Hinatak si Linares]

Damaso: Halika at kausapin natin si Santiago.

[Si Linares ay namutla ngunit sumunod din. Si Padre Salvi naman ang humaliling paroo’t parito na nag
iisip. Nakarinig siya ng isang tinig, at nang itaas niya ang kanyang mukha ay nakita si Lucas na magalang
na bumati]

Salvi: Anong gusto mo?

Lucas: Padre, ako po ang kapatid ng nasawi noong pista. Ako po ay nagtungo sa bahay ni G. Ibarra
kamakalawa. Ako’y sinipa niya at sinabing hindi siya magbabayad sapagkat dahil sa kapatid ko’y
kamuntik na siyang mamatay. Ako po ay nagbalik kahapon. Ngunit siya’y nakaluwas na. Nag-iwan po siya
ng limang daang piso para sa akin at ipinagbiling ako’y huwag nang babalik. A!... limang daang piso,
Padre, limang daang piso.

Salvi: Ikaw ay umuwi na. Magpasalamat ka’t hindi ka ipinakulong ni G. Ibarra. Sulong!

Lucas: Akala ko’y isa kang pari!

Salvi: Lumayas ka na dito! [Sigaw]

Lucas: Ibig ko pong makausap si Padre Damaso…

Salvi: Wala siyang panahon… Lumayas ka na!

Lucas: Kung sino ang magbabayad ng malaki ay ang aking paglilingkuran. [BULONG]

[Si Padre Damaso, si Kapitang Tiyago at si Linares ay nagsidalo dahil sa narinig na mga sigaw. Tinanong ni
Padre Damaso kung bakit ito galit at sumisigaw]

Salvi: Isang hampaslupang nanghingi ng limos at ayaw magbanat ng buto.

KABANATA 44: ANG PAG-UUSIG NG BUDHI


[Tagpuan 4: sa hapagkainan ng bahay ni Kapitan Tiago]

Linares: Saan po ba lilipat si Padre Damaso?

Padre Salvi: Sa lalawigan ng Tayabas.


K.Tiago: Tiyak na magdaramdam si Maria Clara sa pag-alis ni Padre Damaso sapagkat parang tunay na
ama ang turing niya dito.

[Tinapunan ni Padre Salvi ng makahulugang tingin si Kapitan Tiago]

K.Tiago: Ang pagkakasakit ni Maria Clara ay bunga ng mga pangyayari noong pista..

Padre Salvi: Mabuti nga ang hindi mo pagbibigay ng pahintulot na makausap ni Maria Clara si
Crisostomo. Baka lalo pang lumubha ang kalagayan niya kung nangyari iyon.

D.Victorina: Mahusay ang aking asawa. Kung hindi sa kanya’y baka nasa langit na si Clarita. Pasalamat
kayo’t wala siyang ibang pasyente na higit na marangal sa inyo kundi’y mapipilitan kayong tumawag ng
ibang doktor.

Padre Salvi: Malaki ang aking paniniwala na malaki ang kinalaman ng pangungumpisal ni Maria Clara sa
kanyang dagliang paggaling. Hindi sa tinatawaran ko ang kakayahan ng isang doktor subalit ayon sa
Banal na Aklat maramng napagaling ang mabuting pangungumpisal.

D.Victorina: Ipagpatawad ninyo ang aking sasabihin, ngunit bakit hindi ninyo gamitin sa asawa ng alperes
ang pangungumpisal upang siya’y gumaling.

Padre Salvi: Ginang, ang sugat ay walang kaugnayan sa sakit ng budhi. Ang kumpisal ay makapagliligtas
ng isang makasalanan gaya ng alperes. Kung nakapangumpisal siya’y nakaligtas sana siya sa
pambubugbog ng asawa.

D.Victorina: Mabuti nga sapagkat walang hiya ang babaeng iyon!!

Padre Salvi: Ibig kong mangungumpisal muli si Maria Clara para tuluyang gumaling. Bibigyan ko siya ng
viatico.

[Napag-isa sina Sinang at Maria Clara sa loob ng silid ng dalaga. Isang pildoras ang ibinigay niya para
inumin ni Maria Clara.]

Maria Clara: Hindi pa ba akong sinulatang muli?

Sinang: Marahil ay abala si Crisostomo upang mabigyan ng kapatawaran ng arsobispo sa kanyang


excomunion.

Maria Clara: Nais ko siyang sulatan para sabihing limutin na niya ako..

Kabanata 45: ANG MGA PINAG-UUSIG

[Naglalakad ng banayad ang isang lalaki sa loob ng kagubatan sa tanglaw ng malamlam na buwan]

Rebelde: Sino ka? (sabay kasa ng rebolber)

Elias: Nariyan po ba si Kapitan Pablo? Pakisabing hinahanap siya ni Elias.


Rebelde: Ikaw si Elias? (ibinaba ng lalaki ang rebolber) Sumama ka sa akin.

[Nagtungo sila sa isang tila yungib ng kuta sa kagubatan ng mga rebelde. Naroon ang labindalawa
hanggang labinlimang rebelde na ang mga armas ay tabak at itak. Isang matanda ang nakita ni Elias. Ang
ulo’y may bendang may bahid pa ng dugo]

Elias: Labinlimang araw na mula ng mabalitaan kong kayo’y nasawi. Hinanap ko kayo sa iba’t ibang
bundok. Ginalugad ko ang dalawang lalawigan para matagpuan kayo.

Kap.Pablo: Pinilit kong tumakas kaysa dumanak ng dugo. Pinainan nila ako ng mga taong walang
kasalanan.

Elias: Ako’y nagpunta rito upang sabihin sa inyo ang isang bagay. Nais ko kayong ipagsama sa lupain ng
mga di-binyagan upang doon na manirahan ng mapayapa kahit malayo sa sibilisasyon. Maari po ba
kayong sumama sa akin? Maaari tayong magturingan na mag-ama sapagkat kapwa tayo mga ulila na.

Kap.Pablo: Elias, matanda na ako. Ginawa ko ang lahat upang makapamuhay nang mapayapa. Ngayon
ako’y pinag-uusig dahil sa isang buhong na lumapastangan sa aking anak na babae. Pinag-usig siya ng
aking dalawang anak na lalaki. Ang salarin ay walang iba kundi ang kura. At dahil siya ay
makapangyarihan at mas pinakikinggan, nagawa niyang baliktarin ang lahat. Pinagbintangan ang aking
mga anak na magnanakaw ng malaking halaga sa kumbento dahilan para sila ay dakpin. Nakatakas ang
isa kong anak na lalaki ngunit ang isa’y ibinitin at pinagpapalo. Narinig ko ang kanyang mga daing subalit
wala akong nagawa..Sapagkat ako’y duwag! Duwag!

Hindi napatunayan na nagnakaw ang aking anak at napatunayang pakana lamang ito ng kura. Ang
tanging ipinarusa sa kanya ay ang ilipat ng lugar. Napalaya ang aking anak subalit baldado na siya at
hindi nagtagal ay binawian din ng buhay. Ang isa ko pang anak ay nagtangkang maghiganti subalit nahuli
siya ng mga guwardiya sibil at siya’y pinarusahan. Sa labis na pagpapahirap sa kanya sa loob ng
bilangguan, siya’y nagpatiwakal.

Dapat akong sumpain sapagkat ako ang pumatay sa kanila! Kung hindi ko sana sila pinigilang patayin ang
kura, disinsana’y buhay pa sila. Maaaring sila’y pinag-uusig pero buhay pa sana sila. Kaya ako nawalan ng
anak. At sa pamamagitan ng apoy, dugo at kamatayan ay maghihiganti ako.

Elias: Ako po’y may natulungan na isang binatang mayaman na nagmamahal sa bayan. Anak siya ng
isang taong marangal na hinamak ng prayle. Kaibigan siya ng Kapitan Heneral. Sa aking palagay ay
maaari natin siyang pagkatiwalaan upang tayo’y makapaghatid ng ating mga hinaing. Naniniwala akong
mayroon pa ring mga taong makatuwiran. At kung sakaling magpatuloy silang maging bingi, ibilang
ninyo ako sa inyong samahan.

Kap.Pablo: Batid kong marunong kang tumupad sa iyong pangako. Magtulungan tayo kung ganoon.
Kapwa natin ipaghiganti ang ating mga kasawian.

Elias: Pakaiwasan muna ninyo ang paglikha ng kaguluhan.


Kap.Pablo: Ipahayag mo ang hinaing ng bayan. Ikaw ang makakabatib niyan. Paano ko malalaman ang
sagot?

Elias: Magpapunta kayo ng tauhan sa may baybayin ng San Diego. Malalaman ninyo kung ano ang tugon
ng binatang inaasahan natin sa loob ng apat na araw. Kung papanig siya sa atin, tiyak na makakamit
natin ang katarungan. Kung hindi’y ako ang unang mamamatay!

Kap.Pablo: Hindi ka maaaring mamatay, Elias. Sapagkat ikaw ang mamumuno sa oras na mamatay ako
na sawing nasisiyahan sa kanyang paghihiganti.

KABANATA 46- ANG SABUNGAN

[Lumapit si Bruno kay Lucas]

BRUNO: Lucas, maari mo ba kaming pahiramin ng pera?

LUCAS: Napakadaling pahiramin ko kayo, lalo’t iisiping malulusog ang mga pangangatawan ninyo. Hindi
ba’t kayo si Tarsilo at Bruno na anak ng lalaking namatay sa isang daang palong ipinarusa ng mga
guwardia sibil? Kayo ang mga anak na hindi man lang inisip maghiganti?

TARSILO: Huwag ninyong pakialaman ang buhay naming. May kapatid kaming babae na
pinangangalagaan kaya hindi naming makuhang lumaban at maghiganti.

LUCAS: Hindi makuhang lumaban? Hindi talaga lumalaban ang mga duwag, ang mga walang pera, ang
mga walang kaya. Napakalapit ng bundok para sa mga matatapang.

BRUNO: Kaya nga kami humihingi ng tulong sa iyo. Pakiusap, pahiramin mo na kami.

LUCAS: Ang perang hawak ko ay ipinahawak lamang sakin ni Don Crisostomo Ibarra. At ito ay paunang
bayad niya sa sinumang gustong magsilbi sakanya.

TARSILO: Bruno, sumang-ayon na tayo sa mungkahi ni Lucas. Bagamat pareho nating iniisip ang
kapakanan ng ating kapatid, kailangan natin ng salapi. Kailangan nating may maipusta. Kailangan nating
may maisugal.

BRUNO: Sa tingin ko ay tama ka Tarsilo.

[Nilapitan si Lucas]

BRUNO: Magkano ba ang iyong mapapahiram na pera?

LUCAS: Tatlumpung piso. At kung makakahanap pa kayo ng mga taong sasalakay sa kwartel, ay bibigyan
natin sila ng ti sasampung piso. At kapag magtatagumpay kayo sa pagsalakay, magbibigay si Don
Crisostomo Ibarra ng tig-iisang daang piso para sa kanila, at tig dadalawang daang piso para sa inyo.
Sa makalawa ng gabi, impunto alas ocho, magpunta kayo sa sementeryo at sasabihin ko sa inyo ang mga
hakbang na dapat isagawa. Mahaba-haba pa ang oras upang makahanap kayo ng mga kasamang
babayaran.

KABANATA 48-ANG TALINGHAGA

[Si Ibarra ay pumunta sa bahay ni Kapitan Tiyago. Binuksan ni Tiya Isabel an pintuan at nakita si Ibarra]

Ibarra: Tiya Isabel!

Tiya Isabel: O Ibarra!(Masaya) [Nagyakapan ang dalawa] Kamusta ka na? Buti naman at napadalaw ka.

Ibarra: Ayos lang po tiya, eh ikaw po? Teka andito po ba si Kapitan TIyago?

T. Isabel: Buti naman kung ganun, maayos lang din ako. Siya nga pala wala ang kapatid ko dito, may
pinuntahan siya, bakit mo nga pla hinahanap siya?

Ibarra: Ah, ganun po ba,ibabalita ko po sana sa kanya na hindi na ako escomulgado. Dala dala ko ang
isang liham para sa kura.

Tiya Isabel: Talaga? Salamat naman at hindi kana escomulgado Ibarra...O siya pasok ka muna sa loob
Ibarra.

Ibarra: Salamat po tiya.

Tiya Isabel: (Habang naglalakad pa loob sa bahay, malakas ang pagkasabi): Maria Clara!, Maria Clara,
andito si Ibarra, hindi na siya escomulgado.

[Napalingon si Maria Clara kay Tiya Isabel habang nilalaro niya ang tagang abaniko. Nakatayo sa may
bintana at nagkukumpol ng rosas at sampaga si Linares. Napaudlot si Ibarra ng makita niya si Maria Clara
at ang dalaga naman ay namulta habang si Linares ay namutla. Ninais ni Maria Clara na tumindig ngunit
di niya iyo nagawa dahil sa kahinaan, ituloy na lamang ni ang paglaro at binayaang malaglag ito sa sahig.]

Ibarra: Ngayon lang ako dumarating at una kung ninais ay ikaw.... Mabuti ka na pala kaysa rati.

[Hindi kumibo si Maria Clara at tinignan mula ulo hanggang paa si Linares]

Ibarra: Ipagpatawad mo ang pagdating ko nang walang pakisabi. Sa ibang araw ko na ipapaliwanang sa
iyo lahat...magkikita pa rin tayo Maria Clara.

[Di nakaimik si Maria Clara at nakatitig lamang kay Ibarra na malungkot]

Ibarra: Maari ba akong dumalaw bukas?

Maria Clara: Ikalulugod ko ang iyong pagdalawa ( Mahinang pagkasabi)

[Nagpaalam kay Tiya Isabel si Ibarra at umalis ng may pagkaalinglangan.... Nakarating na siya sa
ginagawang paaralan nang hindi niya namalayan]
Ibarra: Ibinabalita ko sa inyo na akoy hindi na escomulgado sapagkat pinatawad na ako ng arsobispo....
Ngayoy mapanatag na kayong makagagawa.

Nyol Julian: Di po naming pinapansin na ang excomunion sapagkat kaming lahat po ay escomulgado na.

[Ngumiti lamang si Ibarra pagkatapos ay nakita si Elias na kasama ng mga mangagawa. Yumukod si Elias
at ipinahiwatig sa tingin na may sasabihin siya kay Ibarra]

Ibarra: Nyol Julian, pakikuha ng talaan ng mga magagawa.(pagkatapos ay lumapit kay Elias na nagiisang
naglululan ng bato sa kariton)

Elias: ibig ko po sana kayo’y makausap ng ilang oras, maari po bang tayoy mamangka sa baybay ng lawa
mamayang hapon upang mapagusapan natin ang isang napakahalagang bagay?

[Tumango na lang si Ibarra ng makitang dumarating si Nyol Julian at lumayo na din si Elias. Siniyasat ang
talaan at nakitang wala ang pangalan ni Elias]

KABANATA 49- ANG TINIG NG MGA INUUSIG


[Papalubog na ang araw nang dumating si Crisostomo Ibarra sa dalampasigan. Nakita niya kaagad si Elias
na naghihintay sa nakatigil na Bangka. Nagkamay sila at naupong magkaharap. Nagsimulang sumagwan
si Elias]

ELIAS: Ikinalulungkot kong sa gitna ng dagat tayo mag-usap. Tahimik dito at walang makakarinig.
Maibabalik ko kayo sa pampang sa loob ng isang oras.

IBARRA: A...ano ang sasabihin mo at nagyaya kang mag-usap tayo ngayon?

ELIAS: Ako po ang napakiusapang magdala ng mga hinaing ng mga api. Nakausap ko po ang pinakapuno
nila. Humihingi sila ng reporma sa military, sa simbahan upang ipatupad ang hustisya.

IBARRA: Mga reporma? Sa paanong paraan? Kailangang linawin nila.

ELIAS: Malinaw po ang hinaing nila. Gusto nila ang respeto sa dignidad ng tao, seguridad sa bawat isa,
pang-unawa ng military at pagbawi sa mga pribilehiyo ng mga samahang karaniwang umaabuso.

IBARRA: Hindi kita nakikilala pero nararamdaman kong hindi ka ordinaryong mamamayan. Kakaiba ang
takbo ng yong isipan. Totoo ngang maraming depekto ang ating paligid pero higit na lalaki ang depekto
kung babaguhin nating lahat ito. Totoo na maaari kong kausapin ang mga kaibigan ko sa Madrid upang
gumawa ng talumpati. Maaari ko ring kausapin ang Kapitan Heneral pero wala siyang awtoridad upang
ipakilala man lamang ang mga repormang binabanggit mo. Totoong may mga depekto ang pamahalaan
pero gumagamit ng kasamaan ang pamahalaan sapagkat kailangan nitong magtagumpay.

ELIAS: Naniniwala rin kayo sa pangangailangan ng kasamaan?

IBARRA: Ang bansa ay may malalang sakit. Upang malunasan, kailangan ang isang nakakapasong gamot.

ELIAS: Ang nakakapasong gamot ay pansamantalang medikasyon lamang sa pinakaugat ng sakit. Ang
hirap, marami pong takot na alamin kung ano talaga ang pinagmumulan ng pagkakaramdam. Kailangan
pong maranasan ng mga taongbayan ang paggalang sa sarili. Hindi karahasan na naglalayo sa respetong
personal. Kailangan pong palakasin ang nagkakaramdam ng bahagi ng katawan at bawas-bawasan ang
sobrang pamamalo sa katawan at pagpapakulong sa piitan na tiyakang mga medikasyon lamang sa
sintomas ng karamdaman.

IBARRA: Kapag hininaan mo ang mga military ng bawat bayan, pipilayin mo ang seguridad ng mga
taongbayan.

ELIAS: Labinlimang taong prinoprotektahan ng militar ang bayan pero nakikita ninyo ang mga
problemang panlipunan: mga krimeng hindi naman naiimbestigahan. Bukod diyan, magtanong po kayo
sa matatapat na mamamayan. Tiyak na sasabihin nilang abusado ang military. Bukod sa mga
pagkukulang at mga kasamaang iyan, marami pong krimen ang hindi nalulutas ng militar. Kampante po
ang mga gwardiya sibil sapagkat bundat na bundat sila sa kwarter.

Wala rin pong respeto ang mga militar na ito sa pag-aari ng iba. Kung ano ang maibigan nila, tiyak na
gagawin nila. Wala silang pakialam kung ikaw man ay mawalan ng karapatan.

IBARRA: Maaaring hindi modelo sa kagandahang asal ang mga militar pero isang katotohanang dahilan
sa pagkatakot, ang bilang ng mga kriminal ay nababawasan.

ELIAS: Hindi po ako sumasang-ayon dyan. Lalo pong dumarami ang mga kriminal sa sobrang pananakot
ng mga militar. Sa munting kasalanan, mabubulok ka sa bilangguan. Kaya ang nangyayari, tumatakbo
ang mga kriminal sa bundok at nagsasama-sama. Nakatutuwa ang ginawa ng dating Heneral de la Torre.
Nagbigay siya ng amnestiya sa mga namundok na kriminal na nagbalik sa pinaggalingang lipunan. Dapat
nating isiping ang mga namumundok ay mga tao ring may puso at kaluluwa. Kailangan silang unawain.
Kailangan silang damhin.

IBARRA: Sa tono ng pagsasalita mo, hindi ko na malaman kung isip o puso ang susundin ko. Mabuti at
may sarili akong paniniwala na hindi kaagad maiguguho. Pero sino ba ang humihingi ng mga repormang
ito? Sila na mga kriminal o malapit na maging kriminal at hindi ang nakararami sa mga mamamayan?

ELIAS: Hindi po sila kriminal noon. Naging kriminal po sia sapagkat pilit na inagaw sa kanila ng mga
makapangyarihan ang kanilang kapayapaan. Sa dahilang hindi sila maprotektahan ng mga awtoridad,
nag-isip-isip sila. Nanindigan silang, sila mismo ang magbibigay ng proteksyon para sa kanilang sariling
kapakanan.

IBARRA: Ang makabayang organisasyon sa Espanya ay tumutulong mismo sa Espanya.

ELIAS: Huwag po ninyong ikumpara ang Espanya sa Pilipinas. Kakaunti po ang mga nadidismaya sa
bansang iyan di tulad ditto na isang bansang puno ng alitan, nakawan at patayan.

IBARRA: Kailangang pag-aralang mabuti ang mga daing at hinihinging reporma ng mga hindi kuntento.
Kapag napatunayan kong hindi nabibigyan ng hustisya ang maraming mamamayan, titiyakin ko sa iyong
susulatan ko ang aking mga kaibigan sa Madrid. Nakalulungkot na wala tayong kinatawan kahit isa man
lamang sa Parliyamentaryo. Kailangang-kailangan ang isang grupo ng mga kilalang Pilipino na
pakikinggan ng pamahalaang Espanya.
ELIAS: Maganda po ang naiisip ninyo. Kailangan po ang pagpili sa isang grupo ng mga Pilipinong may
obhektibong pananaw sa mga isyung panlipunan. Dapat pong mapili ang mga Pilipinong may wagas na
pagmamahal sa bayan. Dapat piliin ang nagpapahalaga sa katarungan at sa kagalingang panlipunan.
Kung ang mapipili ay mga buwayang matatakaw, parang humahanap ang bayan ng batong ipupukpok sa
kaniyang bumbunan.

IBARRA: Anu-ano pa ang hinihingi nilang reporma?

ELIAS: Ang reporma pos a simbahan. Humihingi po ng proteksiyon ang mga api sa kawalang katarungan
ng maraming pari sa simbahan. Hindi po, hindi po dapat buwagin ang mga samahan ng pari ditto.
Kailangang baguhin lang nila ang mga istilo ng kanilang pamumuhay na malayo sa karangyaan.

IBARRA: Mahal ko ang ating bayan Elias, tulad ng pagmamahal mo sa kanya. Kahanga hanga ang
paninindigan mo. Pero sa tingin ko, mukhang napapatangay ka sa agos ng damdamin. Hindi ako
naniniwalang kailangang magkaroon ng reporma.

ELIAS: Hindi kayo naniniwalang dapat magkaroon ng reporma? Kayo na mula sa isang pamilyang
nagdusa? Ang inyong ama, ang inyong ninuno, mga biktima sila ng kawalan ng hustisya..at ka..kayo
nakadanas na rin kayo ng sobrang kahihiyan.

IBARRA: Hindi ko iniisip ang kalungkutang sinapit ng pamilya ko. Higit na mahalaga sa akin ang seguridad
ng Pilipinas at interes ng Espanya. Dapat lang na magkaroon ng ugnayan ang dalawang bansa. Ang
nasabing ugnayan ay lalong magiging matagumpay sa tulong ng simbahan.

ELIAS: Naniniwala ba kayong kakalingain ng Espanya ang Pilipinas dahilan sa simbahan?

IBARRA: Ganyan kalalakas ang mga prayle.

ELIAS: Nalulungkot ako sa mababa ninyong pagtingin sa pamahalaan at sa mga taongbayan.

IBARRA: Hindi natin kailangang malaman kung sino ang tama o kung sino ang mali.

ELIAS: ikinalulungkot kong hindi ako magaling sa pagsasalita. Bagamat nakapag-aral ako nang kaunti, isa
lang po akong katutubo na maaaring pagdudahan sa anumang sasabihin. Katutubo lang ako, mababa,
walang dangal. Di tulad ng mga Kastila na tinitingala.

Kung kayo mismo edukado ay yumayakap sa kakaiba ninyong opinyon, ako na ordinaryong mamamayan
lamang ay nagdadalawang loob ngayon sa aking paninindigan. Dapat sigurong balikan ko ang mga
sawimpalad at ipaggiitang baka mali rin ang paniniwala nila.Kailangan sigurong sabihin ko sa kanila na sa
halip na magtiwala sa sarili, kailangang magtiwala sila sa Diyos.

IBARRA: Masakit kang magsalita. Dumuduro sa puso, sumusugat sa damdamin. Mukhang


nagdadalawang isip ako ngayon kung tama o mali ang paninindigan ko. Parang magnetong humihigop
ang bawa salita mo. Hindi ako nakipamuhay sa mga kababayan natin kaya baka hindi ko alam ang tunay
na mga pangangailangan nila. Ang mga opinyon ko at mga pananaw ay hango sa mga aklat at hindi sa
karanasan. Mahal ko ang Pilipinas tulad ng pagmamahal mo, kundi dahilan sa siya ang pinanggagalingan
ng kaligayahan ko sa buhay.
ELIAS: Kaligayahan? Sa kaniya naman po nanggaling ang aking kalungkutan. Hayaan po ninyong isalaysay
kong buung-buo ang pinagdadaanan kong buhay.

KABANATA 54- WALANG LIHIM NA HINDI MABUBUNYAG

[Padre Salvi nagmamadaling tumungo sa tahanan ng alperes]

P.SALVI: Ngayon ninyo mapapatunayan ang kahalagahan ng mga prayle. Isang babae ang nangumpisal
na ngayong gabi, ganap na ikawalo ay sasalakayin ang kwartel, papasukin ang kumbento at papatayin
ang mga Kastila. Magkakaroon ng isang malaking pag-aalsa.

ALPERES: [kinuha ang rebolber] Sino ang taong huhulihin ko?

P.SALVI: Huminahon kayo. Ang dapat ay paghandaan ninyo ang pagsalakay nila. Padalhan ninyo ako ng
apat na guwardiya sibil at pasabihan din ang mga bantay sa mga daungan. Kailangang maging maingat
kayo upang sila’y mahuli. Tungkulin ninyo iyan at sapagkat kayo ang tatanggap ng medalya sakaling
magtagumpay kayo, sana’y hindi ninyo malimutang banggitin ang aking ginawa.

[Dali dali namang pumunta si Elias sa bahay ni Ibarra]

ELIAS: Natuklasan na magkakaroon ng isang malaking pag-aalsa at kayo ang nakatakdang mapahamak
sapagkat isisigaw ang inyong pangalan ng mga manghihimagsik na bayaran. Huwag na kayong mag-
alinlangan pa, Ginoo. Anumang oras ay maaaring sumiklab ang pag-aalsa! Kailangan na ninyong umalis.

IBARRA: Saan ako pupunta? May naghihintay sa akin?

ELIAS: Kahit saang lugar..sa Maynila o sa bahay ng isang makapangyarihan upang hindi nila masabing
totoong may kinalaman kayo dito.

IBARRA: Paano kung ako ang magsuplong ng pag-aalsa?

ELIAS: Iisipin nila kayo’y taksil at ipinain sila para mahuli. Sunugin ang mga kasulatan, tumakas at
maghintay kung ano ang mangyayari yan ang dapat mong gawin.

IBARRA: Si Maria Clara? Hindi..mabuti pang mamatay na lang. Tulungan mo ako Ginoo. Diyan nakatago
ang kasulatan n gaming pamilya. Ibukod ninyo ang sulat ng aking ama na lalong magpapahamak sa akin.

[Kumilos sina Elias at Ibarra. Pinunit ang ilang kasulatan at itinago ang iba]

ELIAS: Nakikilala po ba ninyo si Don Pedro Eibarramendia?

IBARRA: Siya ang lolo ko sa tuhod.

ELIAS: Siya ang dahilan ng kasawian ng aming angkan. Kayo ang itinuro sa akin ng Diyos para
makapaghiganti. [Niyugyog ang balikat ni Ibarra] Tingnan ninyo akong mabuti! Tingnan ninyo ang
mukhang ito na punung-puno ng pagtitiis! Samantalang kayo’y nabubuhay..umiibig…may kayamanan…
kinikilala…nabubuhay! Nabubuhay!
[Nakita ni Elias ang iba’t ibang armas at bumunot siya ng dalawang balaraw. Pagkasabi ni Elias ng “anong
gagawin ko?” ay nagtakbong bumaba ng bahay ito at iniwan si Ibarra]

KABANATA 55- ANG KAGULUHAN

[Oras ng hapunan at magkakasalo sina K.TIAGO, T.ISABEL, at LINARES ngunit nagdahilan si Maria na wala
siyang ganang kumain kaya niyaya niya ang kaibigang si Sinang sa piyano. Nasa bulwagan at hindi
mapakali si P.SALVI.]

[Tumugtog ang orasan at sumapit na ang ganap na ikawalo ng gabi. Nangangatpg na napaupo sa isang
sulok ang Pari. Pumasok ng bahay si Ibarra na nakasuot pangluksa at bakas ang matinding kalungkutan.
Tinangkan lapitan ni Maria Clara ang kasintahan ngunit narinig ang magkakasunod ng putok ng baril.
Naglabasan mula sa komedor sina K.TIAGO,T.ISABEL & LINARES. Nagyakapan sina Maria Clara & Sinang
habang panay ang usal ng dasal ni Tiya Isabel.]

ALPERES: Padre kura, manaog kayo! Wala ng panganib.

[Pinapasok ni T.Isabel ang mga dalaga sa kwarto. Napilitang manaog si Padre Salvi. Nanaog din si Ibarra
kahit na pinigilan ni T.Isabel. Nagmadali sa paglalakad si Ibarra hanggang sa nakarating sa kanyang
bahay]

IBARRA: Ihanda ang aking pinakamabilis na kabayo at pagkatapos ay matulog na kayo.

GS: Sa ngalan ng Hari ng España, buksan ninyo ang pinto.

[Sumilip sa bintana si Ibarra at nagkasa ng baril. Saglit pa ay pinagbuksan niya ng pinto ang mga ito]

GS: Hinuhuli namin kayo sa ngalan ng hari!

Ibarra: Bakit?

GS: Sa kwartel na kayo magtanong. Kung nangangako kayong hindi kayo tatakas ay hindi naming kayo
igagapos. Ito’y kaluwagang ibinibigay sa inyo ng alperes.

[Naisipan ni Elias na bumalik sa bahay ni Ibarra. Nalaman niya sa mga utusan ang nangyari sa kanilang
amo. Nagkunwari siyang umalis ngunit ang totoo ay umikot lamang at dumaan sa bakod. Umakyat si
Elias sa bintana at pumasok ng silid ni Ibarra. Kinuha niya ang baril at mahahalagang bagay at isinilid sa
sako at inihulog sa bintana. Kinuha din nito ang larawan ni MC. Kumuha siya ng papel at binuhusan ng
gas mula sa ilawan at sinilaban. Tumalon si Elias mula sa bintana. ]

CHAPTER 57- ANG MGA TALUNAN

Alperes: Ito ang buong tapang na nanlaban at nag-utos sa mga kasamahan na tumakas!
( iniharap ang anyong malunkot na si Tarsilo) Ano ang ipinangako sa inyo ni Crisostomo Ibarra para
salakayin ang kuwartel kagabi?
Tarsilo: Iginanti lang naming ang aming ama na pinatay ninyo sa palo. Hanapin ninyo ang inyong
dalawang kasama. Inuhulog namin sila sa bangin kahapon.. Doon sila mabubulok.! (Pasigaw na sinabi
nito kay Alperes)

Alperes: Sino ang inyong mga kasabwat? Dalhin yan sa mga bangkay! Kilala mo sila? (ipinakita kay tarsilo
ang bangkay nina lucas at kapatid na si bruno.)

[Hindi nagsalita si Tarsilo at sinimulan ang pagpalo sa kanya. Natatakot subalit nagkunwaring walang
nakikita si Padre Salvi]

Tarsilo: Patayin na ninyo ako kung totoo kayong kristiyano.

[Walang makuha na anumang impormasyon at hindi napaamin si Tarsilo kaya ito ay itinimba na sa
balong nakakasulasok ang amoy. Hindi natagalan ng lalaki ang pagpapahirap at kalupitan hanggang sa
napugto ang hininga nito]

KABANATA 58- ANG MGA ISINUMPA

[Inilabas ang mga bilanggo sa pangunguna ni Don Filipo Lino na nakuha pang batiin nang nakangiti ang
asawang si Doray. Napaiyak si Doray at aktong yayakapin ang asawa pero pinigilan ng guardia sibil. Ang
huling lumabas ay si Ibarra na walang gapos ngunit nasa pagitan ng dalawang guardia sibil. Kusang
nagpagapos si Ibarra]

KABANATA 60- ANG KASAL NI MARIA CLARA

[Nag-uusap sina Tiya Isabel at K.Tiago ng biglang dumating ang mga Espadañas]

Dona Victorina: Malaki talaga ang nagagawa ng isang may kamag-anak na nanunugkulan sa
pamahalaan.Di ba? Dahil diyan ay nakakapaglabas-masok sa loob ng palasyo ng kapitan heneral .Una ko
pa lamang nakita iyang si Ibarra ay naniwala na akong isa siyang Pilibustero.

Kapitan Tiago: Ano pala ang sabi ng Kapitan heneral sa kalagayan ni Crisostomo Ibarra?

Dona Victorina: Iminugkahi ng pinsan kong si Linares na Siya’s bitayin.(sabay tawa)

Linares; Hindi..(tututol pa sana siya, ngunit di siya binigyan ng pagkakataong magsalita ng donya)

Dona Victorina: Wag mo nag ipaglihim sa amin, pinsan. Ikaw ang tagapayo ng Kapitan at..”

(nakita ng donya na paparating si Ma. Clara)

: Clarita, iha. Ikaw talaga ang dinadalaw namin. Mabuti naman at nakita kita.

(humalik sa pagbati si Ma. Clara at bumati sa mga panauhin)

:Kaya kami nagpunta rito ay upang mapag-usapan na ang mga hindi natapos na pag-uusap noon.

Ma.Clara: Mawalang galang na po..babalik na po muna ako sa aking silid.


(Tiningnan lang siya ng Donya habang papasok siya sa silid)

Dona: O siya Tiago, dapat nang matuloy ang kasalan ni Ma. Clara at ng aking pinsan.

(Tumingin si kapitan tiago kay tiya Isabel)

Kapitan Tiago: Ipagsabi mong magdaraaos tayo ng isang piyesta.

(napangiti ang Donya sa narinig)

Dona: Maganda yan! O siya, mauuna na kami!

Kapitan tiago: Sige. Salamat sa pagdalaw.

Scene 2: Kinabukasan, ganap n ikawalo ng gabi ay napuno ng panauhin ang bulwagan ng bahay ni
Kapitan Tiago.Nangunguna sa mg bisita sina Pari Salvi, pari Sibyla. Kasali din si Tinyente
Guevarra.Nagpahuli ng dating sina Donya Victorina at Alfonso sa paniniwalang sila’y importanteng tao.

[Sa umpukan ng kalalakihan ang usapan ay tungkol sa paglipat ng kura sa Maynila]

Lalaki 1: Kura, bakit pop ala kayo napalipat sa Maynila?

Kura; Ako’y wala nang gagawin dito kayat minarapat kong maglagi sa Maynila.

Alperes: Ako man ay aalis na rin sa bayang ito upang pamunuan ang isang pangkat na magyayao’t parito
sa iba’t ibang lalawigan para puksain ang rebelyon at pag-aalsa.

Lalaki2: Ano nga po pala ang mangyayari sa pilibustero?

Alperes: Kung si Crisostomo Ibarra ang iyong tinutukoy, sa paniniwala ko’y dapat siyang bitayin gaya ng
mga salarin noong himagsikan sa tanong 1872.

Tinyente: Ang sa aki’y dapat siyang ipatapon. Masyado syang nanalig sa kanyang iniharap na kasulatan.
Kung ang mga tagausig ay hindi nagbigay ng ibang pakahulugan sa mga kasulatan at ebidensyang
iniharap niya, naniniwala ako na maaring mapawalang sala si G. Crisostomo.

Lalaki3: Ano ang nais ninyong ipakahulugan?

Tinyente: Sinabi ng manananggol na ayon sa salaysay ng mga tulisan na kailanman ay hindi nakipag-
unawaan sa kanila si G. Crisostomo manapa’y kaaway niya ang taong nagngangalang Lucas. Isang sulat
lamang ang naging batayan ng mga tagausig laban kay Crisostomo Ibarra. Kinilala niya na kanya ang sulat
na ito. Ang sulat ay ibinigay sa isang babae bago siya pumunta ng Europa. May malabong mga pahayag
at talata na ipinagpapalagay na ito’y naglalaman ng mga pagbabanta laban sa pamahalaan.

Padre Salvi: Paano nakarating ng sulat sa mga tagausig?

Lalaki1: Malamang ay natakot ang babaeng binigyan at kusang isinuko ang sulat sa mga tagausig.
Lalaki2: Marahil naman ay nalaman ng pamahalaan ang tungkol sa sulat at pinuntahan nila ang
napagkamalang binigyan.

[Biglang nilapitan ng tinyente ang papalapit na si Ma. Clara]

Tinyente: Mabuti ng ginawa niyang pagbibigay ng sulat. Nakatitiyak kayo ng magandang kapalaran.

[Napatingin ang mga lalaki sa dalaga. Biglang nakaramadam ng pagkahilo si Ma. Clara at nagpahatid sa
kanyang silid]

Ma.Clara: Mawalang galang na po.

[Patuloy na kumakatok si Kapitan Tiago sa pintuan ng silid ngunit ayaw itong pagbuksan ng dalaga.
Tumayo siya at pumunta sa asotea, nakita ang bangka malapit sa kanilang bahay at nagulat siya ng
makita ang isang lalaking papalapit sa kanya.]

Ma.Clara: Crisostomo

Ibarra: Ako nga. Sa bangkay ng aking ina ay nangako akong paliligayahin kita anuman ang aking maging
kapalaran. Nagpunta ako rito para tuparin ang pangakong iyon bagama’t ikaw ay hindi tumupad sa ating
sumpaan. Palalayain na kita.

Ma.Clara: Patawarin sana ako ng alaala ng aking ina sa sasabihin ko sayo. Natuklasan ko sa gitna ng aking
karamdaman ang aking tunay na pagkatao. Ang kinikilala kong ama ay hindi ko tunay na ama. Hindi ako
maaaring magpakasal sa iyo sapagkat ibubunyag ang lihim na iyan. Matutuklasan ang naging kataksilan
ng aking ina at masisira ang dangal ng kinikilala kong ama.

Ibarra: Kailangan mo ng katibayan.

Ma.Clara: Totoo ang lahat ng aking sinabi. May sulat na iniwan ang aking ina. Ibinigay sa akin ng taong
nakakabatid ng aking lihim ang sulat na ito kapalit ng sulat mo sa akin. Totoong pinagtaksilan kita.
Ngunit alang-alang sa alaala ng aking ina, napilitan akong ipagpalit ang sulat mo nang hindi ko nalalaman
kung saan nila iyon gagamitin.

Wala akong maaring gawin kundi ang magtiis upang patuloy na maitago ang lihim ng aking pagkatao.
Kailangan kong makipag-isang dibdib upang hindi maibunyag ang aking lihim. Ngayon, magagawa mo pa
kaya akong libakin?

Ibarra: Maria, isa kang anghel

Clara: Maligaya akong marinig na pinaniniwalaan mo na ako.

Ibarra: Ikakasal ka na.

Clara: Oo. Iyon ang gustong mangyari ng kinikilala kong ama. Minahal at inalagaan niya ako kahit hindi
niya tungkulin kaya’t bilang ganti ay kailangang sundin ko siya. Ngunit hindi ko malilimot ang naging
sumpaan natin.
Ibarra: Ano’ng ibig mong mangyari?

Clara: Madilim ang hinaharap. Ngunit gusto kong malaman mo na minsan lamang ako umibig at hindi na
ito maaangkin ninuman. Ano ang manyayari sa iyo?

Ibarra: Tumakas lang ako, Maria. Hindi magtatagal malalaman nila ito.

[Hinawakan ng dalaga ng dalawang palad ang ulo ng binata at masuyong hinagkan sa labi]

Clara: Paalam, Crisostomo.

[Ayaw niyang iwan ng kasintahan ngunit kailangan na niyang umalis. Nagbalik na siya sa bangka kung
saan naghihintay si Elias para itakas siya.]

KABANATA 61- ANG PANUNUGIS SA LAWA

[Mabilis na sumasagwan si Elias patungong San Gabriel]

Elias: dadalhin ko kayo sa bahay ng isa kong kaibigan sa Mandaluyong. Ihahatid ko doon ang salapi ninyo
na itinago ko. Magagamit ninyo iyon sa pangingibang bansa.

Ibarra: Mangingibang bansa?

Elias: Sa ibang bansa ay makakapamuhay kayo ng tahimik. Marami kayong kaibigan sa Espanya at
matutulungan kayo para kayo’y mapatawad.

Ibarra: Iniligtas mo ang buhay ko ng dalawang beses sa kabila ng kasawian ng iyong angkan sa aking
angkan. Marapat lamang na ibalik ko sa iyo ang inyong yamang nawala. Sumama kayo sa akin sa ibang
bansa at magturingan tayong magkapatid. Tayo’y kapwa sawimpalad sa sarili nating bayan.

Elias: Hindo ako magiging maligaya sa ibang lupain. Dito ko nais magtiis at mamatay.

Ibarra: Pero bakit pinaaalis n’yo ako?

Elias: Sa ibang bansa ay maari pa kayong magtagumpay. Kung daranasin ninyo ang ibayong hirap ay baka
dumating ang araw na itakwil ninyo ng sariling bayan.

Ibarra: Hindi totoo ‘yan! Wala akong ibang inisip kundi ang kapakanan ng bayan.

Elias: Hindi ninyo ko nauunawaan. Naniniwala ako na iniibig ninyo ang bayan sapagkat wala pa kayong
dinaranas na paghihirap. Ang pag-ibig sa bayan ay turo ng inyong ama sapagkat nasa inyo ang
kayamanan, kabataan at karunungan. Subalit isang araw na maranasan ninyo ang hirap, gutom at pag-
uusig, naniniwala akong itatakwil ninyo ang bayang ito. Patawarin ninyo ako sa aking masasakit na sinabi
pero iyan ang totoo. Humingi ako ng tulong sa inyo para sa mga sawimpalad, ngunit hindi ninyo ako
pinakinggan. Sila ang inyong pinanigan. Ngayon ay tinutugis na nila kayo at itinuturing na kaaway.

Ibarra: May katwiran ka, elias. Aaminin ko ang aking pagkakamali dahil ako’y taong umaayon sa takbo ng
panahon. Malinaw na sa akin ang lahat ngayon na ang ating bayan ay may nabubulok na sakit na
kailangan ng panlunas. Isang kanser ng lipunan na kailangang gamutin at sugpuin. Akong nagtatanggol sa
bayan ay isa na ngayong pilibustero. Tatlong daan taong silang nagpasasa sa atin habang tayo’y naging
sunud-sunuran sa kanilang pang-alipusta. Nagyaon ay halos nawawalan na tayo ng pagasa…nawawalan
na tayo ng pananalig sa Diyos. Wala nang natitira kundi hingin natin ang ating karapatan at lakas.

[Nakita nila sa harapan ng palasyo na nagkakagulo ang mga kawal.

Elias: Natuklasan na nila ang iyong pagtakas.

[Pinahiga ni Elias sa bangka si Crisostomo at tinakpan ng maraming damo..napadaan sila sa harap ng


polvorista, silay pinatigil ng bantay]

Bantay: Saan ka nanggaling?

Elias: Nirasyunan ko po ng damo ang kura at ang hukom sa maynila.

Bantay: Sige,maari ka nang magpatuloy. Huwag ka lamang magsasakay ng maski na sino sapagkat may
isang bilanggong nakatakas na ngayon ay pinghahanap. Kung siya’y iyong mahuhuli tiyak na
magagawaran ka ng gantimpala.

Elias: Pano ko siya makikilala?

Bantay: Nakalebita at mahusay magsalita ng wikang kastila. Kaya huwag kang pakakatiwala.

Elias: Sige po.Salamat

[Nagpatuloy na sa pagsasagwan si Elias at saka lumihis ng landas. Pumasok ang bangka sa may ilog
beata]

Elias: Liliwas tayo para mapagkamalan akong taga-penafrancia.

Ibarra: Marapat siguro na tayo’y maghimagsik.

Elias: Makinig kayo sa aking sasabihin. Mayaman kayo at maaari kayong makapagbayad ng iyong
makakasama. Ngunit baka ang maliliit na tao lamang ang masaktan. Gaya ng sinaba ko sa inyo noong
una, kaunting kalayaan at katarungan lamang ang hinihingi ng mga sawimpalad at hindi ang pagtatakwil
sa Espanya.

Ibarra: Kung ganoon ay gagawin ko itong mag-isa, Elias. Hindi ako papayag na matapos akong maging
matapat sa bayan at naghangad ng kagalingan ay ito ang igaganti sa akin. Kailangang mailantad ko sa
bayan ang kaapihang ito kung hindi’y walang kabuluhan ang paghahangad ng kalayaan. Maaari ba ninyo
akong ihatid sa bundok?

[Nagpatuloy sa pagsagwan si Elias]

Ibarra: Andito na po tayo sa Sta. Ana.


Elias: Ito ang lugar kung saan ginugol ko ang maraming masasayang araw. Madalas akong magpunta rito
noong nag-aaral pa ako para dalawin ang kapatid kong babae. Palagi niya akong binibigyan ng kanyang
mga gawang burda at may kasama siyang magagandang dalaga. Ang lahat ng alaalang iyon ay hindi na
maibabalik pa.

[Nakarating sila sa malapad na bato at magbubukang liwayway na nang marating nil ang lawa]

Elias: Iyan ang palwa. Humiga kayo at tatakpan ko kayo ng bayong.

[Nagpatuloy sila sa pamamangka hanggang sa marinig nila na may isang tinig na sumisigaw. Hinahabol
sila ng isang palwa. Nakita ni Elias ang isang bangka na papalapit sa kanila lulan ang mga guwardiya sibil]

Elias: Crisostomo, mahuhuli tayo. (Mas mabilis na ang pagbangka ni elias) Kayo na ang mamangka
sapagkat tatalon ako. Lulundag ako sa tubig para ako ang kanilang tugisin..ililigaw ko sila.

Ibarra: Huwag kang umalis. Lumaban na lang tayo.

Elias: Hindi tayo magtatagumpay..wala tayong sandata.

[Isang punglo ang humaging sa tubig. Sinundan pa iyon ng isa pang putok]

Elias: Magkita na lamang tayo sa Noche Buena, sa libingan ng inyong nuno.

[Pagkasabi niyon ay tumalon na sa tubig si elias. Nakita ng palwa at guwardiya sibil ang naglalangot na si
elias at kanilang tinugis. Sunod na putok ang pinakawalan ng mga ito kay Elias. Sumisid si Elias at di na
muli pang lumitaw. Makalipas ang ilang oras ay umalis na ang palwa at mga sibil. Nakita nilang may
bahid ng dugo sa tubig baybayin ng pampang.]

KABANATA 62- ANG PAG-AMIN NI PADRE DAMASO

[Nakatingin si Maria Clara sa pahayagan na nagbabalitang nalunod si Ibarra.Ang isip ay nasa kawalan ng
sandaling iyon. Dinatnan siya ni Padre Damaso sa ganoong kalagayan]

Padre Damaso: Natakot ka ano? Hindi mo inaasahan ang aking pagdating. Nandito ako para masaksihan
ang kasal mo. (Inabot ang kamay para hagkan ng dalaga) May sakit ka na naman ba, anak? Bakit
namumutla ka?

[Walang imik si Maria Clara]

Padre Damaso: Wala ka na bang tiwala sa akin na inaama mo? Sabihin mo sa akin kung ano ang
nangyayari sa’yo.

Maria Clara: Mahal pa ba ninyo ako? (lumuhod sa harap ni Padre Damaso) Tulungan ninyo ang aking
ama para di matuloy ang aking kasal! Noong buhay si Ibarra, gusto kung lumaban, umasa at manalig. Ibig
kong mabuhay para marining kahit paano ang mga bagay tungkol sa kanya pero ngayon patay na siya
bakit pa ako mabubuhay at magtitiis?
Padre Damaso: Hindi hamak na nakahihigit si Linares kay…

Maria clara: Maaari akong magpakasal kaninumang noong nabubuhay pa si Crisostomo. Wala namang
gusto ang ama ko kundi malalaking ugnayan sa mga nasa poder. Pero ngayong patay na siya, walang
sinumang tatawag sakin ng asawa. Kumbento o sementeryo lamang ang aking pagpipilian.

Padre Samaso: Anak ko patawad. Hindi ko sinasadya ang kalungkutan mong ito. Ibig ko lang mabigyan ka
ng mabuting kinabukasan, ng kaligayahan. Ito’y dahil mahal kita.

Maria Clara: Mahal mo palay ako’y wag mong hayaang ako’y malungkot hambangbuhay. Patay na siya.
Ibg ko na ring mamatay o maging madre.

Padre Damaso: Isang madre! Isang Madre! Hindi mo lamang alam, anak o, ang buhay na misteryong
nakakubli sa mga pader ng kumbento. Matanda na ako maria. Hindi na kita mapangngalagaan, pati ng
kaligayahan mo. Humiling ka ng iba pa. Mahalin ang binata kahit sino man sya.. wag lang ang kumbento..

Maria Clara: ang kumbento o ang kamatayan!

Padre damaso: Diyos ko! Diyos ko! Pinarurusahan mo ako. Pagpalain mo ang anak ko! (sigaw ni padre
damaso) Ayokong mamatay ka… magmamadre ka!

Diyos ko! Talagang narito ka nga nagpaparusa ka.( bulong ni padre damaso na malungkot na umalis)

KABANATA 63- NOCHE BUENA

Basilio: Gantihan po sana kayo ng Diyos sa inyong kabutihang loob. Ngayong Pasko po ay gusto ko
sanang umuwi para makita ang aking ina at kapatid.

Matanda: Hindi ka pa lubusang magaling at lubhang may kalayuan ang inyong bayan. Mahihirapan ka
pang makauwi sa inyo.

Basilio: Tiyak na naghihintay ang kalooban ng aking ina sa paghahanap sa akin. Kayo po ay maraming
anak subalit kami’y dadalawa lamang na magkapatid. Babalik po ako dito at ipagsasama ko ang aking
kapatid.

[Mabilis na umalis si Basilio bagama’t may tali sa paa at paika-ika kung maglakad]

[SAN DIEGO]

Kapitan Basilio: Maswerte kayo’t napawalang sala kayo. Ang pinsala ninyo’y ang sunugin lamang ang
inyong mga aklat samantalang ang iba nating kababayan ay higit ang tinamong pinsala.

[Nagulat ang lahat ng makita si Sisa]

Don Filipo: Hindi ba’t nasa bahay siya ng isang manggagamot? Magaling na ba siya?
Kapitan Basilio: Natatakot ang manggagamot na siya’y mapagbintangang kaibigan ni Crisostomo kaya
pinaalis sa kanyang bahay si Sisa. Sa gubat siya nakatira ngayon.

[Samantala ay nakauwi na sa bahay si Basilio at dinatnan iyong sira-sira at wala ang Ina. Paika-ikang
pinuntahan nito ang bahay ng alperes. Inutusan ng babaing nasa bintana ang GS na papahikin si Sisa
subalit kumaripas ito ng takbo nang makita ang mga bantay. Hinabol ni Basilio ang ina pero binato siya
ng isang babae sa daan. Tinamaan ng bato si Basilio pero hindi ito tumigil sa pagsunod sa ina]

Basilio: Nanay! Ako po si Basilio Nanay!

[Nagsuot sa gubat si Sisa at sumunod pa rin si Basilio hanggang doon. Makailang ulit na nadapa at
bumangon si Basilio pero hindi pa rin siya tumigil sa pagsunod sa ina. Narating nila ang libingan na nasa
tabi ng puno ng balite. May pintuan ito na pilit binubuksan ni Basilio. Anyong tatakas muli si Sisa subalit
nagpatihulog na si Basilio. Nagawa pang yakapin at halikan ni Basilio si Sisa. Tigmak ng dugo ang noo ni
Basilio at nawalan ng malay tao. Pinagmasdan ni Sisa ang mukha ng bata at natigilan siya nang makilala
ito. Napasigaw si Sisa at nagbalik ang alaala. Hinagkan at niyakap nang mahigpit ni Sisa ang anak
hanggang sa napalugmok na rin ito. Nagbalik ang ulirat ni Basilio at nakita ang inang pinanawan ng
malay. Kumuha ng tubig si Basilio at winisikan sa mukha ang ina. Idinikit niya ang tainga sa dibdib nito
hanggang sa sinakmal ng matinding pagkasindak si Basilio. Patay na si SISA. Niyakap ni Basilio ang
malamig na bangkay ng ina. Pag-angat ng ulo ni Basilio nakita niya si Elias]

Elias: Sino ang babaing iyan?

Basilio: Siya po ang aking ina.

Elias: Nasugatan ako at may dalawang araw na akong hindi kumakain o umiinom man lang. Hindi
magtatagal at mamamatay rin ako. Sunugin mo ang aming bangkay ng iyong ina. Kung walang darating
na sinuman, hukayin mo ang mga gintong ibinaon ko. Ariin mo iyo at gamitin mo sa pag-aaral. Mamatay
akong hindi ko man lamang nasilayan ang ningning ng bukang liwayway ng aking Inang bayan. Kayong
mapapalad na makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang mga nalugmok at nasawi sa dilim ng
gabi.

[Pagkatingala sa langit ay kumibot pa ang mga labi na tila nananalangin hanggang sa unti-unting
nabuwal sa lupa si Elias]

Você também pode gostar