Você está na página 1de 19

“PANANAW NG MGA ESTUDYANTE SA PAGKAKAROON NG

HOMOSEKSWAL NA GURO SA UNIBERSIDAD NG SAN LUIS BAGUIO

CITY”

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO

A.Rasyunal

“Kung may isang bagay na hindi maaring ipagkait sa isang tao ito ay ang

karapatang magtaglay ng kaalaman na maaring maghubog sa kanyang

pagkatao.”

Likas na sa mga Pilipino ang pagbibigay halaga sa edukasyon. Ang

edukasyon ay isang paraan kung saan pinapaunlad ang kaalaman at pagkatao

ng isang indibidwal para maging handa sa kanyang kinabukasan. Ito ay hindi

ipinagkakait kahit kanino man, bata man o matanda, mahirap o mayaman, may

kapansanan o wala, at maging ang kasarian ay hindi pwedeng maging hadlang

sa karapatan at kagustuhan na makapagkamit ng edukasyon na maaring niyang

maipagmalaki. Ginawa ng diyos ang tao para alagaan ang mga nilikha niya,

sinasabing ang tao ang pinakamataas na uri ng hayop na nilikha ng diyos dahil

ginawa ito sa hugis at wangis niya. Gumawa siya ng dalawang kasarian: ang

babae at lalake, upang magparami, maalagaan at mahalin ang gawa ng Diyos.

Dumami ang mga tao at nakarating kahit sa pinakasulok na parte ng mundo.

Habang tumatagal ay lalong nagiging matalino at malikhain ang mga tao.

Nagawa nilang gumawa ng mga bagay gamit ang sariling mga kamay
at kakayahan, hanggang sa makagawa ng mga pambihirang imprastraktura.

Nagkaroon ng mga panibagong pakikitungo sa realidad ng buhay. Nariyan ang

siyensya na patuloy na humahanap ng mga makabagong solusyon sa mga

problema ng tao. Edukasyon na naglilinang lalo sa kaalaman ng tao sa mundong

kanyang tinitirahan at lalo na sa kaalaman ng tao sa diyos na lumikha sa kanila.

Ang homosekswalidad ay tinatangap na nga lipunan samantalang ang pananaw

ng isang indibidwal ay malaya naman dapat naipapahayag. Tila lumalabas ang

salitang limitasyon sa tuwing napag-uusapan ang isyung ito. Ano nga ba ang

dating sa publiko nang isang homosekswal na guro pagdating sa aspeto ng

pagtuturo?

B.Pagpapahayag ng Suliranin

1) Ano ang homosekswalidad?

2) Ano ang pananaw ng limampung estudyante sa Unibersidad ng Saint Louis

Baguio City sa pagkakaroon ng gurong homosekswal?

3) Ano ang mas ninanais ng isang estudyante na kasarian ng isang guro?

4) Anu-ano ang mabuti at masamang maidudulot ng isang homosekswal na guro

sa pagaaral ng isang estudyante?

C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga layunin ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:


Ang pagsasaliksik na ito ay para sa pagkompleto ng mga kinakailangan sa

kursong Filipino II. Layunin din ng mga mananaliksik ang malaman kung

papaano nakakaapekto sa mga mag-aaral at sa mata ng mga tao ang pagiging

homosekswal.

1) Upang malaman ang kahulugan ng homosekswalidad.

2) Upang malaman ang pananaw ng limampung estudyante sa Unibersidad ng

Saint Louis Baguio City sa pagkakaroon ng gurong homosekswal.

3) Upang malaman ang magandang maidudulot ng isang homosekswal na guro

sa pagaaral ng isang estudyante.

4) Upang malaman kung anong kasarian ng guro ang mas ninanais ng mga

estudyante.

Kahalagahan ng Pag-aaral:

Ang pananaliksik na ito ay may malaking maiaambag sa mga estudyante

dahil ito ay naglalayon na ipabatid sa kanila ang kakahayan ng mga

homosekswal na guro at ang respeto na dapat nilang matamo. Malaki rin ang

maitutulong nito sa mga kapwa guro at sa administrasyon sapagkat maari itong

maging instrumento upang mabuksan ang kanilang isipan sa kahusayan at sa

maari maibahagi ng mga homosekswal na guro sa institusyong kinabibilangan

nila. Higait sa lahat malaki ang magiging epekto nito sa lipunan sapagkay maari

itong maging paraan upag lubusang matanggap, respetuhin at magkaroon ng


pantay-pantay na pag-tingin sa pagkatao ng mga homosekswal. Ang

pananaliksik na tulad nito ay tumutugon sa lipunan hindi dahil sa interesado ang

mga mananaliksik sa mga bading at tomboy kundi para ipaalam sa ibang tao na

hindi ibig sabihin na kapag bading o tomboy ang isang tao ay masama na ito.

Gayundin ang mga positibong naidudulot ng mga bading sa lipunan ay mahalaga

sa pananaliksik na ito.

D. Batayang Konseptwal

Ang pag-aaral ng pananaw ng mga estudyante sa pagkakaroon ng homosekswal

na guro sa Unibersidad ng San Luis sa Lungsod ng Baguio ay naglalayong

malaman ang pananaw ng isang daan na estudyante ukol sa pagkakaroon ng

homosekswal na guro at upang malaman ang maaaring maidulot ng

pagkakaroon ng gurong homosekswal at ito ay inaasahang magbigay ng

solusyon sa mga usaping pang-lipunan.

Paradaym

Figure 1. Makikita sa paradaym ang mga salik na maaring maidulot ng


homosekswal na guro sa mga mag-aaral.

E.Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pangongolekta ng mga datos sa pananaliksik na ito ay inililimita

lamang sa loob ng Unibersidad ng Saint Louis Baguio City sa loob ng dalawang

araw at ang pananaliksik na ito ay inaasahang matapos sa loob ng limang araw

para sa pagpresenta at pag-analisa ng mga datos.


F. Pagbibigay-Kahulugan sa mga Katawagan o Terminolohiya

1) Edukasyon- isang paraan kung saan pinapalawak at pinapaunlad ang

kaalaman at pagkatao ng isang indibidwalpara maging handa sa kanyang

kinabukasan.

2) Homosekswalidad-ito ay inilalarawan bilang isang kondisyong saykosekswal

na immaturidad na may katangiang pagkakaroon ng mas malakas na atraksyong

sekswal sa isang taong mula sa kaparehong kasarian.

3) Kasarian- bayolohikal na klasipikasyon ng isang indibidwal. Ito ay ang lalake o

babae.

4) Pananaw- opinyon o pagtingin sa isang bagay o indibidwal.

TSAPTER II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

A.Literatura sa Ibang Bansa

Ayon sa pananaw ni Jean-Paul Sartre(1948) malimit mapansin ang sekswalidad

sa Pilipinong komunidad. Ilang sentenaryo nang nakararaan, ang hindi

pagkakapantay ng kalalakihan at kababaihan ang pinagtatalunan. Marami ng

hakbang ang kinuha upang solusyunan ang diskriminasyon na pinatutungkulan

ng isyu ng seksismo at ngayon, unti-unti na itong tinutugunan sa bansa. Subalit

sa kasalukuyan, hindi pa man nabibigyan ng lubos na kasagutan ang mga

suliranin sa pagitan ng mga lalaki at mga babae, dumungaw sa eksena ang mga
bakla at tomboy o lalong mas kilala bilang homosekswal. Sa isang bansang

umakma sa buhay ng iba’t ibang kultura lalo na sa konserbatibong turo na

nagmula sa mga Kastila at sa liberal na pamamalakad ng mga Amerikano, isang

matinding suliranin ang paghahanap ng “ikatlong” kasarian ng lugar sa lipunan.

Bagamat sa kasalukuyan ay marami na sa ating mga kababayan at maging sa

ibang bansa, ang tanggap na at may bukas na patingin hinggil sa mga

homosekswal, hindi maikakaila na tampulan pa rin sila ng diskriminasyon at

pagkutya. Lalo na sa mga gawaing sa tingin ng lipunan ay panglalaki o

pangmacho, o di kaya’y pangbabae lamang. Mapatunayan man nila ang kanilang

husay sa larangan na kanilang pinasukan, hindi maitatanggi na kalakip ng leybel

na “bakla” o “tomboy” ang mababang pagtingin ng ilan.

Bakla at Tomboy sa Banyagang pananaw

Sa ibang bansa lalo na sa kanluran, ang homosekswalidad ay

mailalarawan bilang kondisyon na saykosekswal na immaturidad na may

katangian na mas malakas ang erotikong atraksyon para sa kaparehong

kasarian bilang preferensyang sekswal. Ang isang kabataan ay hindi produkto ng

likas at bayolohikal na pangangailangan subalit bunga siya ng makasaysayang

kondisyon ng mga pangyayari sa pamilya at iba pang impluwensuyang sosyal na

nagbibigay daan sa sekswal na posibilidad na umiral sa mga bata. Maaaring

sabihin na kapag binago ang istruktura ng pamilya, ang ideya ng kamusmusan o

ang papel ng magulang magkakaroon ng malalim ng epekto sa konstruksyon ng

indibidwal na heterosekswal, homosekswal man, o iba pang kategoryang


pangsekswal. Ipinapakita dito na malaki ang papel ng karanasan ng bata sa

paghubog ng kanyang sekswalidad. Kapag nagkaroon ng pagbabago sa kahit

ano pa mang aspekto sa kanyang kinalakihan, magkakaroon pa rin ito ng epekto

sa bata.

Batas laban sa homosekswalidad

Ilang sentenaryo na rin ang nakakaraan, makikita na ang mariing na

pagtutol ng mga pinuno at ng lipunan sa mga “hindi natural” na relasyon lalo’t

higit sa pagtatalik. Noong 1553, gumawa ang hari ng Inglatera ng kautusan na

kaugnay sa eklesyastikal na kasulatan na nagsasaad na kung sino man ang

magkakaroon ng relasyong sekswal na lalaki sa lalaki, babae sa babae, o tao sa

hayop ay may kaparusahang kamatayan. Ito ay tinatawag na “buggery.” Jeffrey

Weeks, Sex, Politics & Society: the regeneration of sexuality since 1800

(London:Longman, 1989).

B. Literatura sa Pilipinas

Bakla at Tomboy sa Perspektibong Pilipino

Sa modernong panahon masasabing mas bukas na ang mga Pilipino sa

ideya ng homosekswalidad o ng kabaklaan. Isang patunay nito ang

nagsulputang mga parlor sa iba’t ibang sulok ng bansa na halos dinodomina ng

mga bakla. Ayon nga sa isang artikulo sa magasin, sinasabi nito na ang isang

baryo o barangay sa Pilipinas ay di mawawalan ng kahit isang baklang

manikurista, taga-ayos ng buhok o di kaya’y mananahi. May ilan pang mga


personalidad sa lipunan ang tinitingala at nirerespeto dahil sa mga angking

galing at kontribusyon nila sa lipunan sa kabila ng kanilang sekswal na

preperensya. Subalit di maikakailang sa kabila nito, mas nakararami ang mga

taong bagamat tinotolera ang pagkakaroon ng homosekswal o bakla sa lipunan,

ay hindi maalis ang mababang pagtingin at kung minsan pa nga’y pag-alipusta

sa mga homosekswal. Ayon pa sa pag-aaral ni Neil Garcia sa kanyang aklat

tungkol sa Philippine Gay Culture, kung ang pag-uusapan ay ang pagtanggap ng

homosekswalidad sa lipunang Pilipino, mas mailalarawan ito kung gagamitin

ang salitang pagtotolera. Sapagkat para sa mga Pilipino, ayos lang ang

magkaroon ng isang kaibigan, katrabaho, o kakilalang bakla o homosekswal

subalit kung mangyaring kasapi na ito ng pamilya, kamag-anak, asawa, o anak,

iba na ang usapan. Ang sabi nga, “ang ilang mga magulang ay mas pipiliin pang

maging babaero at nananakit ng asawa ang kanilang anak na lalaki kaysa

maging isang bakla”. Ito ang umiiral na pananaw ng karamihan sa mga Pilipino

tungkol sa kabaklaan dahil sa kabila ng pagiging modernisado ng panahon, di

maiaalis na malaki ang epekto sa ganitong pagtingin ng pagiging Kristyano o di

Muslim. Ang relihiyon at ang malakas na pananampalataya ng mga Pilipino sa

Maykapal ang syang nagdidikta sa tao kung paano ba dapat kumilos upang

maging katanggap-tanggap sa paningin ng Diyos at ng lipunan. Ito ang

nagtatakda kung paano dapat kumilos at makitungo, ano ang tama at maling

asal, ano ang dapat at ano ang hindi dapat gawin. Ayon nga kay R. Charles

Aniceta, isang sikolohista, masasabing likas sa mga Pilipino ang maniwala sa

isang pananampalataya. Aniya ito ay maaring makita na bago pa pumasok ang


Islam at Katolisismo sa bansa sa pamumuno ng mga babaylan ng Cebu at

katalonan ng Katagalugan. Karaniwan na sa atin ang marinig ang mga katagang,

“magpakababae ka!” o di kaya’y “para kang hindi lalaki”. Kung babae ka

nakalakip ang konsepto ng pagiging mahinhin, pino at matiisin. Samantalang ang

pagiging lalaki ay ang pagiging malakas, matapang at mahinahon. Sa ganitong

pananaw, ang maiiwang katanungan ay: paano ang mga homosekswal o mga

taong nabibilang sa ikatlong sekswalidad? Saan at paano ba sila dapat

iklasipikang lipunan? Konserbatibo ang pagtingin ng mga Pilipino sa kasarian

kung kaya’t hindi masisisi kung may di pantay na pagtingin ang mga Pilipino sa

kasalukuyan sa isyu ng homosekswalidad.

C.Pag-aaral sa Ibang Bansa

Pagsusuri sa Homosekswalidad sa pamamagitan ng Etika ng

Eksistensyalismo ni Jean-Paul Sartre

Umuugat ang etika ng Eksistensyalismo ni Jean-Paul Sartre sa dalawang

mahahalagang konsepto—ang absolute na kalayaan at ang kaakibat nitong

responsibilidad. Marahil malilito ang ilan sa gawi ng pamimilosopo ni Satre sa

ilaw ng etika. Ito ay maaring magmula sa tila taliwas na konsepto niya sa

dalawang ideyang nabanggit na maoobserbahan sa kanyang mga akda. Nililinaw

ng mga may akda na ang kontekstwal na kahulugan na gagamitin sa papel na ito

ay nagmula sa sinasabing “unang Sartre,” ang pilosopiyang wala pang bahid ng

Marxismo. Sa liwanag nito susuriin ng papel na ito ang homosekwalidad.


a. Absolute na kalayaan

Ang kalayaan ng tao, ayon kay Sartre, ay makikita sa paghubog ng

kaniyang kakaniyahan gamit ang gawain ng kamalayan ng isang indibidwal. Ang

pag-iral ng tao ay binubuo ng gawain ng kamalayan tulad ng sa paraan nito nang

pagsang-ayon, agkukulang, o pagtanggi upang makabuo ng isang bagay o

gawain. Gayundin, sa parehong paraan nabubuo ang sarili na binubuo naman ng

ideal na estado o gawa. Sa ganitong salita, mapapansin na ang salitang ideal

ang isa sa mahahalagang salita na nagsasaad ng pagiging subhektibo ng paraan

sa paghubog ng sarili. Ito ay sa kadahilanan na ang pagiging ideal ay

sumasangayon

sa persepyon ng bawat indibidwal. Dahil dito, nagiging personal ang pagtingin ng

mga tao sa mga bagay-bagay. Sa pagbibigay ng pansin sa pakikitungo ng ilang

komunidad sa mga taong nabibilang sa ”ikatlong kasarian,” makikita na hindi

nawawala ang pagtuligsa sa mga gawi ng mga bakla at tomboy. Dahil dito,

namamarkahan silang deviant o mga taong tumataliwas sa nakagawian at

naitakda ng lipunan. Sa madaling salita, ang homosekwalidad ay hindi ideal sa

ilang lipunan lalo na sa mga konserbatibong lipunan. Samantala, kung ang bawat

tao ay may ideal na pananaw, ano naman kaya ang ideal sa mga homosekswal?

Mahirap masagot ang katanungang ito sapagkat iba-iba rin ang pananaw kahit

ng mga bakla at tomboy. Sinasabi ng

ilan na ang homosekswalidad ay maaari ring ipakita sa pagsusuot ng mga damit

na nakasanayan nang isuot ng kaibang kasarian (opposite sex). Samantala, ang


ilan naman ay nagsasabi na hanggang kilos lang nila gusting ipahiwatig ang

kanilang piniling kasarian. Gayunpaman, isa lang ang patutunguhan ng kanilang

isipan: ”may konsepto ng homosekswalidad at sakop ako nito.” Napapakita nito

na may pagtanggap sa ideya ng pagka-bakla o pagka-tomboy. Hindi man

malinaw na naipapakita, mababanaag naman ang pagsagi ng homosekwalidad

sa ideal na konsepto ng mga taong nabibilang sa ”ikatlong kasarian. ” Isa ring

kaisipan na nakukuha sa pamimilosopo ni Sartre ay ang pagtanggi niya sa

kaligiran ng tao o human nature. Dahil dito, maaari nang magawan ng katwiran

ang homosekswalidad. Ang kaligiran ng tao ang pinagbabasehan ng

argumentong tumututol sa homosekswalidad. Kung ang bagay na ito ay

tatanggalin sa kaisipan ng mga tao, mawawalan na ng pag-uugatan ang

problema ng sekswalidad. Marahil ang ganitong pag-iisip ng eksistensyalismo ay

umaayon sa penomenolohiya ni Husserl. Ang pilosopiya niya ay nagsasabi na

ang “tunay

na pilosopiya ay nararapat na umusbong at umayon sa tao, lalo’t higit sa

perseptibong pag-iral ng mga bagay. Sa ganitong pananaw, maaari ngang

maging kapani-paniwala ang konsepto ng kalayaan ng paghubog sa sarili ni

Sartre.

b. Responsibilidad

Ang kalayaan ay isang kapangyarihan na humihingi ng nararapat na

pagmamasid, ang responsibilidad. Dahil ang tao ang humuhubog sa kanyang

kakaniyahan, nasa kanya ang responsibilidad upang magbigay ng depinisyon sa


pagiging tao niya. Ayon kay Sartre, “ang sarili ay ang kabuuan lamang ng estado

at gawain ng isang tao.” Kung kaya, nakasalalay talaga sa kanyang kamay ang

kabuuan ng kanyang sarili. Kung susundan ang lohikang ito, mabibigyan ng

katwiran ang pagiging homosekswal. Kung ang tao ay aayon sa pag-iisip ni

Sartre sa bagay na ito, marahil hindi na magiging isyu ang pagiging bakla o

tomboy. Marahil magiging katanggap-tanggap na ang homosekswalidad sa mga

kategorya ng kasarian.

c. Homosekswalidad sa ilaw ng responsibilidad at kalayaan ayon kay Sartre

Maaaring ikonsider na eksistensyalismo ang umiiral sa kaisipan ng mga

homosekswal. Ito ay maaring masabi dahil sa patuloy nilang pagtuligsa sa

kaisipan at gawaing itinakda ng lipunan. Nais nilang humiwalay sa mga

nakagawian ng tao na may kinalaman sa sekswalidad. Kung aayon ang mga

tumitingin sa mga homosekswal sa pilosopiya ni Sartre, walang makikitang

pagkakamali sa mga sekswalidad mapalalaki, mapababae, mapabakla, o

mapatomboy man. Ito ay dahil wala ng magtatakda sa kaligiran ng isang tao

kundi ang kanyang sarili lamang. Isa rin sa mga sinabi ni Sartre bilang pagtuligsa

sa saradong pag-iisip ng mga konserbatibo ay ang kanyang pahayag na

nagsasabi na ang “ang tao ay tila mahilig kumiling sa bato na akala nila ay

matatag kung kaya’t kahit may bagong bato silang makikita, kahit mas matatag

ito sa nauna, mananatili pa rin sila sa kanilang inaakala.

D.Pag-aaral sa Pilipinas
Carlo Vergara sa paglikha ng Zsazsa Zaturnnah

Si Carlo Vergara ay isang graphic designer ay nagtapos ng Marketing sa

De La Salle University noong 1990. Siya ay nagtrabaho sa isang corporate

communication at public realations. Ilang taon din siyang nagpakitang gilas sa

teatro at pagtuturo ng web design sa isang pamantasan. Sa ngayon fultaym na

nagtatrabaho sa isang malaking publikasyon ng magazine dito sa Pilipinas. Sa

edad na tatlumput apat at pagiging homosekswal ay nabigyang katuparan ang

kanyang pangarap na maisalibro ang kanyang grafiksyon. Sa kanyang mga

panayam, sinabi niyang ang paggawa ng isang superhero ay nanggaling sa

ideya ni Darna. Pareho ni Ada na lumulunok ng bato si Narda, gayun lamang ay

isang pagkalaki-laki at magaspang na bato ang kay Ada. Pareho rin ang

pakikipaglaban sa mga nagnanais lupigin ang sangkatauhan. Si Darna,pareho ni

Zsazsa, ngunit labis na pagkakaiba, bakla siya. Pinili ni Carlo na isulat sa Filipino

ang akda dahil sa pagiging walang buhay ng mga pananalita kung ito ay

isasabuhay sa wikang Ingles. Tinalakay niya na ang pagiging bakla ay pagiging

tao rin. Sa Pilipinas, marahil itinuturing daw na ang mga bakla ay malambot sa

pisikal, emosyonal at gayundin mahina. Pinansin niya ang stereotype na

pagganap ng pagiging bakla sa industriya ng mass entertainment kung saan ay

di kakikitaan ng mas malalaim na pagganap ang mga bakla dahil ito lang ang

pangkalahatang pagkilala sa

pagiging bakla. Nang tanangin kung gaano ang pagiging Carlo Vergara sa

katauhan ni Zsazsa, sinagot niya ito na wala kay Zsazsa ang Carlo kundi na sa

aklat. Zsazsa at ang kagilas-gilas na katauhan: Ada versus Zsazsa “Tulad ko.
Ilang taon ko nang iniisip kung bakit ako ganito. Kung bakit malambot ang galaw

ko. Kung bakit matinis ang aking boses. Kung bakit hindi ako…normal. Balde-

baldeng luha na ang aking naiiyak

dahil dito. Nguni’t sa dulo, tinanggap ko na… BAKLA AKO.” Tulad ng isang

tipikal na bakla at tombo sa tipikal na pamilya, sa tipikal na lugar, sa tipikal na

panahon, sila ay may mga kakayahan din upang magturo. Marami na rin ang

mga Pilipinong may taglay na husay sa iba’t- ibang aspeto lalo na sa edukasyon.

Karaniwan na sa mga bakla at tomboyang makaramdam ng ganitong pangitain.

Kawalan ng pagtanggap, takot upang ipagpatuloy ang nais.Sa mga karaniwang

pagganap ng isang bakla at tomboy ay may makikitang pagtimpi at limitasyon

ang ganitong tagpo. May takot parin ang mga Pilipino sa pagpapakita ng tunay

na kulay ng isang bakla at tomboy marahil sa pagsunod sa canon ng paglikha.

Ang idealismo na bumabalot sa bawat tumatangkilik, sa panulat man o pelikula

ay di maiaalis sa bawat Pilipino. Taliwas ang mga akda na tulad ng ating

tinatalakay at ang pelikulang `Broke Back Mountain’ ni Ang Lee at ang sariling

atin na pelikulang nagtamo ng iba’t ibang parangal na `Maximo Oliveros’ kung

saan ipinapakita ang tunay na pangyayari at personalidad ng isang tomboy o

bakla. May mga lathalain narin na tulad ng `Ladlad’ ni Danton Remoto at isang

maikling kuwento na tulad ng `Geyluv’. Kailan kaya matatanggap ng masang

Pilipino ang tulad nila? Marami din naman silang tinataglay na kakayahan kung

saan hindi kaya ng iba. Anuman ang pagtingin ng lipunan at relihiyon sa mga

homosexual ay siya namang kasalungat ng aking pagtingin. Hindi kasi ako

namimili ng aking magiging kaibigan. Ang mahalaga ay wala silang ginagawang


masama sa akin at sa iba. Ang ganito kong pagtingin sa mga homosexual ay

positibong umunlad mula ng maging kasapi ako ng pambansa demokratikong

organisasyon ng kabataang estudyante sa kampus. Sa loob ng organisasyon ay

komprehensibong pinag-aaralan kung paanong pinagsasamantalahan ng

kasalukuyang sistemang panlipunan ang mga demokratikong uri, kabilang na

ang mga homosexual. May mga naging kakolektibo din ako na

magkakarelasyong pares ng gay at lesbian. Sa loob ng rebolusyonaryong

kilusan, hindi lang tanggap kundi lubusang kinikilala nito ang karapatan ng bawat

homosexual, yung tinatawag na sexual preference. Kinikilala din ng kilusan ang

mahalagang bahagi ng mga homosexual sa pangkabuuang pagpapalaya ng

lipunan mula sa kahon ng pang-aapi at pagsasamantala. Itinuturing din ng

kilusan ang mga homosexual na may pantay na karapatan sa mga babae at

lalake.

TSAPTER III

METODOLOHIYA

A.Pagkuha ng mga Kasangkot sa Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng “Purposive Random Sampling” kung

saan sila ay may makakasalubong silang estudyante sa loob ng Unibersidad ay

maaari nilang pasagutin gamit ang talatanungan kung nanaisin nila.

B.Pamamaraan sa Pananaliksik
Upang mas mapanindigan at mapatibay ang pagsasaliksik, ang mga

mananaliksik ay magsasaad ng sarbey gamit ang talatanungan hindi direkta sa

mga homosekswal na guro kundi sa mga mag-aaral at isasagawa ito sa loob

lamang ng Unibersidad ng San Luis Lungsod ng Baguio. Mga piling mag-aaral

na binubuo ng limampu (50) mula sa iba’t-ibang kolehiyo ang mga tatanungin.

C.Pangongolekta ng Datos

Upang lubusang maintindihan ng mga tagasagot ang konsepto ng

pananaliksik na ito, sa itaas ng talatanungan ay may ilalagay na kaunting

introduksyon. Ang mga napiling taga-sagot ay bibigyang tutok sa tanong tungkol

sa kanilang pananaw tungo sa pagkakaroon ng homosekswal na guro.

Pagkatapos ay itatala ang mga datos mula sa kanilang sagot sa mga tanong.

D.Pag-aanalisa sa mga Datos

Ang mga datos na makakalap mula sa mga kasagutan sa mga

talatanungan ay itatala muna ayon sa Socio-Demographic Character, pangalawa

ay itatala ang kanilang mga sagot sa pangalawang bahagi ng talatanungan at

kukunin ang resulta gamit ang pagkuha ng porsyento upang mailagay sa isang

pie grap.

TSAPTER IV

PAGLALAHAD NG RESULTA

Socio-Demographic Character
Kasarian

Sa kabuuang limampu (50) na tagasagot, karamihan sa kanila ay babae.

May tatlumpu’t anim (36) na babae na nagrerepresenta ng pitompu’t dalawang

porsyento (72%), samantalang labing apat (14) o dalampu’t walong porsyento

(28%) ang mga lalakeng tagasagot. Ito ay inilalarawan sa Table 1.

Table 1. Klasipikasyon ng Kasarian ng mga tagasagot.

Kasarian Bilang Porsyento


Lalake 14 28%
Babae 36 72%
Kabuuan 50 100

Pananaw ng limampung estudyante sa pagkakaroon ng homosekswal na guro

sa Unibersidad ng San Luis Baguio City.

Bilang ng mga nagnanais at hindi nagnanais na magkaroon ng homosekswal na

guro

Inilalarawan sa Figure 2 na karamihan ay nagnanais na magkaroon ng

homosekswal na guro. Pitompu’t anim na porsyento (76%) ng mga tagasagot

ang nagnanais na magkaroon ng homosekswal na guro at ang natitirang

dalawampu’t walong porsyento (28%) ay para sa mga estudyanteng hindi

nagnanais na muling magkaroon ng homosekswal na guro.

Figure 1Porsyente ng mga estudyante na nagnanais na muling magkaroon ng


homosekswal na guro
TSAPTER V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

A.Lagom

Ang pananaliksik ay isinagawa upangmalaman ang pananaw ng mga

estudyante sa pagkakaroon ng homosekswal na guro. Ito aynaglalayon na

malaman kung papaano nakakaapekto sa mga mag-aaral at sa mata ng mga tao

ang pagiging homosekswal. Layunin din ng mga mananaliksik na malaman kung

anong kasarian ng guro ang mas ninanais ng mga estudyante. Natuklasan na

apat na pu’t anim (46) na porsyento ng mga mag-aaral ang nagnanais sa

homosekswal na gulo dahil masayahin sila magturo. Tatlumpu’t anim (36) na

porsyento naman sa kadahilanang sila ay kawili-wili, sampung (10) porsyento ng

mga tagasagot ang nagsasabing sila ay mas magagalitin at walong (8) porsyento

naman ang nagsasabing sila ay mas seryoso sa pag-tuturo.

B.Konklusyon

Base sa mga resultang inilahad, ang mga mananaliksik ay dumating sa

konklusyon na:

Nais ng mga estudyante na magkaroon ng gurong homosekswal dahil sila

ay mas masayahin. Madami silang naitutulong at nagagawa para sa mag-aaral.

Dito ay nakikita ng isang estudyante ang isang motibasyon at nahihikayat siyang

mag-aral ng mabuti. Hindi talaga maiiwasang may mga taong manlalait at


magbabato ng kritisimo sa mga homosekswal na guro. Pero kung titignan sila sa

ibang pananaw, nagpapakita sila ng pagiging matatag.

C.Rekomendasyon

Base sa sa mga resultang inilahad, inirerekomenda ng mga mananaliksik ang

sumusunod:

1.Ang mga homosekswal ay hindi mga salot, hindi sila iba, iba lang ang idinidikta

ng lipunan. Dapat din natin silang tignan sa magandang pananaw, hindi puro

kritisimo.

2.Ang mga homosekswal na guro ay may kakayahan at abilidad din sa pagturo,

karamihan nga sa ganitong kasarian ay mga matatalino at talentado kaya’t

inirerekomenda namin na sa tuwing may mga homosekswal na guro na nais

magturo ay bigyan silang pansin at tyansa upang maipakita ang kanilang

kakayahan.

Você também pode gostar