Escolar Documentos
Profissional Documentos
Cultura Documentos
Hindi na naghintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang isang
punong saging at tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang kanyang
kasalanan. Ang tanging nasa isp niya ay kung paano niya maipagtatanggol ang
sarili sa asawang galit na galit. Dumampot siya ng isang dakot na buhangin at
inihagis sa nukha ng buwan at dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng batik ang
mukha ng buwan. Hinabol ng buwan ang araw upang makaganti sa ginawa nito sa
kanya at hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ng buwan ang araw.
Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang
mahuli kahit na isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging
pangit na rin ang karagatan na dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon
at napagpasyahan nilang humingi ng tawad sa diwatang nangangalaga sa
karagatan. Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda ng karagatan at
gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang makasisira
sa kalikasan.
Pagod na pagod siya pagbalik sa bahay. Minabuti niyang maligo muna at sumisid sa
ilog Amburayan. Kaginsa-ginsa, umapaw ang ilog sa kapal ng putik at dugo na
nahugas mula sa kanyang katawan. Lahat ng isda sa ilog ay namatay. Pati ang mga
palaka at iba pang hayop na umahon mula sa tubig ay namatay lahat sa pampang.
Pagsapit ng takdang araw, dumumog ang lahat ng tao sa nayon, pati na sa mga
kalapit sa paligid, upang saksihan ang pagsisid ni Lam-Ang sa gintong kabibi sa
ilalim ng dagat. Subalit bahagya pa lamang nakalubog si Lam-Ang nang biglang
umahon si Berkakan, ang dambuhalang halimaw na pating, at sinakmal ang bayani.
Sa bahay, nakita ni Ines lahat ng pahiwatig na isiniwalat ni Lam-Ang. Bumagsak ang
kalan, umuga ang hagdan, at nanginig ang kanilang anak na lalaki. Napahagulhol si
Ines: Patay na si Lam-Ang.
Tatlong araw lumuha si Ines bago siya nagkalakas na lumabas at sundin ang mga
habilin ng mga diyos. Inipon niya ang mga buto ni Lam-Ang na inanod ng dagat sa
pampang, at inuwi sa bahay. Sunod sa isiniwalat ni Lam-Ang, binalot niya ang mga
buto sa pulang sutla, tumalikod at nagdasal nang nagdasal. Habang ibinubulong ni
Ines ang mga panalangin, naririnig niyang unti-unting nabubuo uli ang kalansay at
katawan. Pagkaraan ng ilang sandali lamang, lumitaw si Lam-Ang na buhay na muli.
Dahil dito at iba pang giting na ginawa ni Lam-Ang, silang mag-asawa at ang
kanilang anak ay pinatawan ng mga diyos ng walang katapusang buhay. At sila ay
namuhay sa sagana ng mga bukid ng palay habang panahon.