Você está na página 1de 20

ANG PAG-AGAPAY

NG MGA DUMAGAT
SA MODERNONG
PAMUMUHAY
Bundok Balabag
Sitio Karahume (Rizal, Norzagaray at
San Jose del Monte Bulacan)
Sino nga ba ang mga Dumagat?
ANG MGA DUMAGAT AY:
 Ang mga Dumagat ay isa sa mga katutubo o
etnikong pangkat sa Pilipinas.
 Ang Dumagat ay isa sa mahalagang pangkat
upang pagtuunan ng pag-aaral ng lahing
kayumanggi.
 Ang salitang “Dumagat” ay nagsimula sa
salitang “rumakat” /”lumakat” o lumakad.
 Ang Dumagat ay pinagsamang Negrito, Hindu
at Kayumanggi bunga ng pagdagsa ng ibat-
ibang lahi sa paglipas ng panahon.
Iba pang Katutubo sa Pilipinas:
Ano ang Modernong pamumuhay?
 Ang Modernong
pamumuhay ay
pagbabagong nagaganap
sa ating kapaligiran dulot
ng pag-unlad ng aspetong
pang-teknolohiya at
lubusang pagtuklas ng
kaalaman na mapapadali
ang buhay ng tao at
kaakibat nito ang pag-
unlad ng estadong pang-
ekonomiya.
Kahulugan ng pag-aagapay
 AGAPAY
 Category: Tagalog-English
Dictionary/English
Translation of Tagalog
Word
 agapáy (rare) parallel
agapay support, reinforce
kaagapay hand in hand
Kaagapay kita. You are with
me in this endeavor.
inaagapayan supporting
(someone) Agapay is also a
common surname in ...
Bakit napili ang paksa:
 Napili namin ito sapagkat isa ito sa
pinakamaganda at interesanteng paksa.
 Gusto naming matuklasan ang buhay na meron
sa kabundukan.
 Maranasan at makita ang katutubong
pamumuhay.
 Namamangha kami sa kagandahan ng
kabundukan.
 Nais naming iparating sa iba ang tunay na
kahalagahan ng mga katutubong Dumagat.
Naka-aagapay ba ang mga Dumagat
sa Modernong Pamumuhay?
Topograpiya at Kapaligirang Pisikal
 Matatagpuan ang Sitio Karahume sa paanan ng
bulubunduking Sierra Madre. Ito ay tinaguriang
patag o lowland bilang sonang pang-ekolohikal.
Malapit ito sa ilog at may ipinagmamalaking talon
na tinatawag nilang Three Falls. Ang mga bahay
ay karaniwang yari sa kahoy at semento o semi-
concrete at karaniwang matatagpuan ang mga ito
malapit sa ilog. Karaniwang nanggagaling sa
bukal ang tubig-inumin ng mga taga karahume.
Hindi lahat ng bahay ay may suplay ng kuryente.
May 25 porsyento lamang ang mayroong kuryente
sa kabuuang bilang ng pamilya. ng Sitio ay may
kabuuang sukat na 1817 na ektarya.
Panlipunang Katangian
 Populasyon: 200 pamilya at humigit kumulang na
2000 katao.
 Bilang ng mga Bahay: 184
 Transportasyon at Pamasahe: Halos mag -iisang
oras ang biyahe ng dyip mula colegio hanggang
Tungko, mula tungko may sakayan duon na dyip
Licaolicao mga 30 minutos din ang biyahe. Sa
pagbaba ng sa sasakyan makakauha ng traysikel
papuntang Sitio Karahume. Mahigit 20 piso ang
pamasahe sa dyipTungko hanganga sa licaolicao.
Ang nasabing biyahe palabas at papuntang ay
tuwing 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng tanghali
araw-araw.
 Kabuhayan: Pagsasaka ng palay (nakikisaka),Pagtatanim
tulad ng luya, gabi, ube at kamote, Pagpasok na
Constuction Worker, Pag-uuling, Pagbebenta ng mga
seedlings tulad ng narra at Pagtatraysikel.
 Mga Huwarang Pangkultura sa Komunidad: Kapistahan:
Pebrero 13-14
 Rekreasyon/Libangan: Pakikinig sa radio, Panonood ng
telebisyon, Paglalaro ng baraha at bingo, Paglalaro ng
basketball, at pagbibiseklete.
 Pananamit: kagaya na ng pananamit ng mga taagalog o
abyang.
 Organisasyon at Institusyong Pangkomunidad :
Sangguniang Barangay, Sanguniang Kabataan, Tribunal
Hall, Samahan ng mga Kababaihan, Sitio Karahume
Elementary School, Health Center
Mga suliranin:
 Pagkasira ng bundok na nagdudulot ng dagliang
pagbaha.
 Kawalan ng palikuran ang ilang mga bahay.
 Marami sa mga magsasaka ang nakikisaka lamang
sistemang hatian ng ani na tersyohan o 25% ng
kabuoang ani ang matitira sa nakikisaka at 75% ang
pumupunta sa may-ari ng lupa
 Malayo sa ospital (20 kilometro mula sa barangay)
 Suliranin ang hanapbuhay na makakapagbigay
ng sapat na kita upang mabuhay ng marangal
 Madalas wala ang kabataan sa nasabing lugar
sanhi ng pandarayuhan sa ibang lugar gaya ng
mga siyudad upang maghanapbuhay
 Mga lubak na daan
 Problemang kinakaharap hinggil sa pagmamay-
ari ng lupa
 Illegal na pagtotroso
 Pagkagutom ng mga Dumagat.
 Kakulangan sa gamot.
 Kakulangan sa trabaho.
KONGKLUSYON

Marami pa ring katutubong dumagat ang hirap
makasabay sa Modernong Pamumuhay na sinasabing
mas madaling uri ng pag-unlad ng isang komunidad.
 Dahil sa kahirapan ng buhay ng mga katutubo mismo
sila ay kasangkot na sa mga illegal na gawain tulad ng
pagtotroso upang magkaroon ng pera at maipambili ng
pagkain.
 Nalaman namin na ang mga katutubong dumagat ay
unti unti ng nawawala at nauubos sa kalagayang
pagtalikod na sa kanilang uri ng pamumuhay, kultura
at mga paniniwala dulot ng impluwensiya ng mga
dayuhan, kapitalista at mga kapatid nating Tagalog.
 Hindi gaanong nakakaabot ang tulong ng Gobyerno sa
kabundukan.
 Ang paglimot sa kanila at di pagbibigay ng
prayoridad upang sila ay matulungang
maiangat ang pamumuhay.
 Ang lubos na pagkasira ng kalikasan dahil
narin sa kagagawan ng mga taong gahaman sa
salapi at kapangyarihan.
 Na magpahanggang ngayon ay walang
katiyakan ang mga katutubo upang lubusan na
nilang maari ang katutubong lupa.
 Nalaman namin na lubos na pinahahalagahan
ng mga katutubo ang edukasyon. Dahil
karamihan sa kanila ay salat sa kaalaman, di
marunong sumulat at magbasa.
REKOMENDASYON
 Iminumungkahi namin sa ating Gobyerno na gawing
tagabantay, tagamasid at katiwala ang mga Dumagat
para sa kabundukan. Imbis na mga forester mga
katutubo nalang dahil mas pamilyar sila sa
pamumuhay sa kabundukan, maglaan ng sapat na
pondo para sa pampasuweldo.
 Pagbibigay ng Gobyerno ng prayoridad sa mga
katutubong Dumagat hinggil sa Edukasyon.
Pagpapatayo ng Mataas na paaralan sa Sitio
Karahume.
 Huwag balewalain ang mga pagbabagong nagaganap sa
ating kalikasan, bagkus tayo ay tumulong at makiisa sa
pamamagitan ng pagtatanim ng puno, di pagkakalat at
iba pang makakalikasang gawi.
 Ang madaliang pagsasabatas ng pagiging legal ng
pagmamay-ari ng mga katutubo sa kanilang manang
lupa.
 Magsagawa ng mga livelihood program na
makakatulong sa mga dumagat at kalikasan.
 Sagipin ang pagkawala ng kanilang katutubong kultura
sa pamamagitan ng pagtatala sa kasaysayan at
pagbabahagi ng impormasyon sa iba.
 Bilang estudyante tulad natin amkilahok sa mga
samahang may pakialam at pinapahalagahan ang
kalikasan.
 Ibigay na sa mg katutubo ang kanilang sariling lupa.
Isang presentasyon ang
inihahandog namin sa
inyo!!!
MABUHAY TAYONG
LAHAT!

MARAMING
SALAMAT PO!!!

Você também pode gostar