Você está na página 1de 13

ANG PAGLALAKBAY NG MAGKAKAIBIGANG PIDO, FIFI AT POPO:

Paghahanap sa nawawalang Gintong Kwintas


ni: Olrea M. Sayson

Isang araw sa kaharian ng mga pusa, nagtipon-tipon ang tatlong

magkaibigang mahilig maglakbay. Kung saan-saan na sila nakarating sa kanilang

paglalakbay. Bawat isa sa kanila ay may iba’t ibang katangiang taglay na nagging

dahilan para silang tatlo ay nagging magkasangga. Si Pido ay mataba, kulay dilaw at

mabalahibo. Siya ang nagtatanggol sa kanyang dalawang kaibigang pusa. Pangalawa

naman ay si popo, siya naman ang pinakamaliit at pinakamakulit sa kanilang tatlo. Siya

ay kulay itim. Minsan siya ang dahilan kung bakit sila napapasubo sa gulo sa kanilang

paglalakbay. At ang pangatlo naman ay si Fifi. Siya ay kulay puti. Siya ang tanging

babaeng pusa sa kanilang tatlo at ang pinakamatalino sa lahat.

“Napakasaya talaga ng paglalakbay na iyon, meow” sabi ni Fifi sabay tawa.

“Oo nga! Meow”, sagot naman ni Popo. Inalala nila ang kanilang mga paglalakbay at

pinagtawanan nila ito hanggang sa naalala nila ang pinakamatindi nilang paglalakbay. Ito

ay ang paghahanap nila sa gintong kwintas ng kanilang prinsesang pusa na si prinsesa

Balbina. Sila ang napili ng hari na maghanap sa nawawalang kwintas. Hindi nila iyon

nakalimutan.

Nung araw na nawala ang kwintas ay nagkagulo sa kaharian nga mga

pusa. Ninakaw ito ng gabing mahimbing na natutulog ang lahat ng pusa. Agad na

ipinatawag ng hari ang tatlong manlalakbay na si Pido, Popo at Fifi.


“Kailangan ko ang tulong ninyo, meow”, sabi nga Haring pusa. “Kailangan nyong ibalik

ang nawawalalng kwintas sapagkat yon ay napaka importante sa aming pamilya” utos ng

hari. “Kapag naibalik niyo ang kwintas ay makakatanggap kayo nga gantimpala, meow”,

pagsusumamo ng hari.

“sige kamahalan gagawin po naming ang lahat para mahanap ang kwintas, meow”,

paggagarantiya ni Pido.

“Kayang-kaya po naming yan kamahalan!...basta ba maganda ang gantimpala,

hmm, meow”, sabi ni Popo sabay tawa ng mahina. Binatukan naman siya ni Fifi at sabay

sabi,

“huwag ka ngang ganyan”, “pasensya na po kayo kamahalan, huwag po kayong mag-

aalala, maibabalik po namin ang kwintas sa inyong anak, meow”, sabi niya sabay kindat.

“Meron po ba kayong ideya kung sinu-sino ang mga posibleng salarin?, meow”, tanong

ni Fifi. “Wala talaga kaming alam sapagkat ngayon lang ito nangyari sa kaharian ng

pusa, meow”, sagot ng hari.

“Sige po kamahalan, susubukan po naming alamin, bigyan nyo lang po kami ng sapat na

panahon upang hanapin ang kwintas, meow”, sabi ni Pido.

“Bukas po naming sisimulan ang paglalakbay sapagkat kailangan pa naming maghanda

n gaming gagamitin para sa paglalakbay” sabi naman ni Fifi. “Kamahalan, paano po

naming malalaman na iyon na ang gintong kwintas ng kaharian?” pahabol na tanong ni

Fifi.

“Malalaman mong yun na ang kwintas dahil liliwanag ito kung hahawakan ng isang

pusang may malinis na puso at bukal sa loob na tumulong, meow”, sagot nga hari.
Nagsimula na nga ang kanilang unang araw sa paglalakbay at pinabaunan

sila ng hari ng kanilang mga gagamitin sa paglalakbay. Lilibotin nila ang napakalaking

kaharian ng pusa. Siguro ay aabutin sila ng mahigit isang buwan sa paglalakbay.

Naglakad silang tatlo hanggang marating nila ang lugar ng mga puma. “anong ginagawa

ninyo sa aming lugar?”, mabangis na tanong ng puma. Natakot sila nab aka dumating

ang iba kaya sinagot nila ito ng mahinahon.

“Paumanhin pos a aming mapangahas na pagpasok sa inyong teritoryo, kami po ay mga

manlalakbay at nautusang maghanap sa nawawalang gintong kwintas ni prinsesanga

Balbina”, nanginginig na sumagot si Popo.

“Bakit dito ninyo hinahanap? Kami ba ang nagnakaw? Roaarrrr!”, galit nag alit ang puma.

Dahil sa lakas ng kanyang boses, dumating ang iba niyang kasamahan. Hahampasin na

sana si Pido nga galit na puma nang inawat ito ng iba nilang dumating na kasamahan.

“Tama na Uta! Hindi mo kailangan manakit para protektahan ang lahi natin!’’, isang

babaeng puma ang nakiusap sa kanya. “Humihingi ako ng paumanhin sa inyo, hindi

naming gustong manakit ng kapwa”, paliwanag ng babaeng puma. Siya ang asawa ni

Uta. Siya si Sepa. Sila ang mga pinuno sa mga puma sa kaharian ng mga pusa. Sila ang

may kakayahang mag-utos sa lahat nga mga puma. “Bakit nga ba kayo napadaan ditto?”

tanong ni Sepa.

“Kasi po, ito lang po ang alam naming daan patungo sa mahiwagang kweba. Wala po

kaming intensiyon na mang-gulo sa inyo.” Sagot ni Fifi.


“Oo nga po sa katunayan nga, inutusan po kami nga mahal na hari na hanapin ang

gintong kwentas”. Dugtong na sagot ni Pido. Halatang nakumbinse si Sepa sa mga

sinabi nila.

“Alam kong nagsasabi kayo ng totoo. Hali kayo tuloy kayo sa aming kaharian”, wika ni

Sepa.

“Maraming salamat po, meow”. Sabay-sabay na sagot ng tatlo nang nakangiti. Nang

pumasok na sila ay pinakain sila ng napakarami. Sari-saring pagkain ang inihahanda ng

mga puma araw-araw gaya ng isda, gatas, at iba pang masasarap na pagkain.

Napakalaking karangalan sa mga puma na magkaroon ng bisita, galling sa ibang lahi.

Tuwang-tuwa sa kanila si Sepa. Hindi sila makapaniwala na mababait din pala ang mga

puma.

“Busog na busog na ako, meow”, wika ni Pido. “ Lagi ka namang busog eh! Meow” sabat

ni Fifi. Nagtawanan ang tatlo hanggang sa tumahik. Nakatingin sa kanila si Sepa at

parang nadismaya. Pero bigla itong humalakhak nga napakalakas. “ wahahahaha!” at

nagtawanan sila ng nagtawanan. Hanggang sa ma-alala ni Fifi ang gintong kwintas.

“Naku, patay!”, “Bakit Fifi?”, tanong ni Popo. “Nakalimutan na natin ang utos ng mahal

na hari sa atin” sagot ni Fifi.

“Oo nga!, meow!...”, sumang-ayon naman si Popo. “Kailangan na nating umalis at

simulan na ang paghahanap”. Wika ni Pido.

Nagpa-alam sila kay Sepa at sa lahat ng mga Puma. Malaki ang pasasalamat nila ditto.

“alis na po kami, maraming salamat po” paalam ni Fifi.


“Maraming salamat din, mag-iingat kayo ha”. Nakangiting sinabi ni Sepa sa tatlong pusa.

“Maraming salamat po ulit, paalam!!!”, sabay sabi ng tatlo. Bakas ang kasiyahan sa mga

mukha ng tatlo.

Sinimulan na nila ulit ang kanilang paglalakbay. Pinabaunan sila ni Sepa ng

maraming pagkain kaya hindi sila takot magutom. Malayo-layo na ang kanilang nalakbay,

nang biglang may tumunog na parang oso.

“Naririnig nyo ba yon? Parang oso”. Nanginginig na sabi ni Fifi. “Natatakot ako, meow”,

sabi naman ni Popo.

“Huwag kayong mag-alala, ako ang bahala diyan! Wala ba kayong bilib sa akin?!”,

pagmamayabang ni Pido. Tama nga, biglang tumambad sa kanilang harapan ang

napakalaking oso at galit nag alit ang mukha. Nanlaki ang kanilang mga mata, at sabay-

sabay na sumigaw sa napakalakas na tinig.

“Waaaaaaaaaaaaahh!”, Sa kanilang takot, tumakbo sila ng napakabilis. Hindi nila alam

na may bangin pala at nahulog si Popo. “Fifi, teka muna. Nasaan si Popo?” tanong ni

Pido.

“Aaaaaahhh!....aray! Tulong! Meow…Pido?Fifi? tulongan nyo ko!”

nanginginig na sigaw ni Popo.

“Si Popo! Nandoon, nahulog sa bangin. Halika Pido! Naghanap sila ng

lubid, para maligtas si Popo nga biglang…

”Anong ginagawa nyo rito? Grrrrrr…” tanong ng osong galit ang mukha.

Nahimatay si Fifi nang Makita niya ang napakalaking oso.


“Maawa po kayo sa amin. Wala po kaming ginagawang masama. Gusto

lang po naming hanapin ang gintong kwintas” pagmamakaawang sabi ni Pido.

“Hahahaha!” biglang tumawa ang malaking oso. “Nakakatawang tingnan ang

isang pusang katulad mo na napakataba at umiiyak. Hahaha”, tawa nang tawa ang oso.

“Hindi ako umiiyak noh!”, kunyari ay ayaw pang umamin, agad pinahid ang

mga luha. “Akala kasi naming kakainin mo kami”, sagot ni Pido.

“Bakit ko naman kayo kakainin at ano naman ba kasi ang ginagawa ninyo

dito sa gitna ng kagubatan?” tanong ng oso.

“Hinahanap po kasi naming ang gintong kwintas. Ito lang kasi ang alam

naming daan patungo sa mahiwagang kweba”, sagot ni Pido. “Naku! Si Popo at Fifi.

Tulungan niyo po ako!”

“Pido?” nagising si Fifi. “Fifi, buti at nagising ka!”, wika ni Pido. “Ano ba ang

maitutulong ko sa inyo?”, tanong ng oso.

“Mamang oso, huwag nyo po kaming sasaktan” takot na pagmamakaawa ni

Fifi. “Hindi nya tayo sasaktan Fifi.

Tutulungan nya tayo. Hali na kayo!” sabi ni Pido. Nagtulungan sila sa

paghila kay Popo. Malaki ang pasasalamat nila sa oso kahit ito ang dahilan kung bakit

nahulog si Popo sa bangin.

“Maraming salamat po, mamang oso”, wika ni Popo.

“Huwag nyo na akong tawaging oso, tawagin nyo akong Otep“, sabi ni

Otep.
“Kung hindi po dahil sa inyo, hindi po namin maliligtas si Popo”, wika ni Fifi.

“Maraming salamat po uli, Otep”, wika ni Popo. “Maraming salamat po talaga, alis nap o

kami”, paalam ni Pido.

“maraming salamat din, mag-iingat kayo sa inyong paglalakbay”, wika nga

oso.

Mag-gagabi na ngunit malayo pa rin sila sa kanilang pupuntahan. Huminto

muna sila at nagpahinga. Kinain nila ang kanilang baon na pagkain. Dahil sa pagod,

nakatulong sila ng mahimbing. Wala silang ka malay-malay na pinalilibutan nap ala sila

ng mga lobo. Hindi lang dalawa kundi napakarami nila. Nanlaki ang mga mata ni Fifi sa

kanyang nakita. Takot na takot siya kaya hindi siya nakagalaw ng maayos. Ginising niya

sina Pido at Popo sa pamamagitan nga mahinang boses.

“Popo, Pido gumising kayo” bulong ni Fifi. “Bakit ba? Inaantok pa ako”

pagmamatigas ni Popo. Sa pag dilat nga mga mata ni Popo bigla siyang napasigaw sa

kanyang nakita.

“Aaaah…!”. Nagising si Pido at sabay sabay silang sumigaw nang

napakalakas.

“titigil kayo sa kasisigaw o kakainin naming kayo” sabi nga isang lobo. “Itali

sila!”, sigaw ng kanilang pinunong lobo. Itinali sila nang pabaliktad.

“Ano po ang gagawin nyo sa amin?” tanong ni Popo. “Kakainin naming

kayo, kapag nagutom na kami” wika ng lobo.


“huh? Huwag po!, maawa po kayo sa amin mga mabubuting pusa po kami”,

sabi ni Fifi.

“Eh bakit kayo nandito sa aming lugar, alam kong may masama kayong

balak, siguro nga espiya kayo noh?” tanong ng lobo.

“Hindi po, gusto lang po naming hanapin ang gintong kwintas. Kami po ang

naatasan ng mahal na hari na maghanap” sagot ni Pido.

“Pumunta kayo dito sa kagubatan ng wala man lang dalang kahit anong

sandata?!’’ nagtawanan ang lahat ng lobo.

“Bakit? May nakakaawa basa sinabi ko?”tanong ni Pido. “sa liit nyong yan?

Ang lalakas nga loob nyong pumunta dito”, sabi ng lobo.

“Kaya nga kami ang pinili ng hari upang maghanap sa nawawalang gintong

kwintas. Dahil matapang kami”, wika ni Popo ng may pagmamayabang. Lalong

nagtawanan ang mga lobo.

Nagtaka ang mga pusa dahil sa pagkakaalam nila, ang mga lobo ay

mababangis at hindi mahilig tumawa, at sila ang nakagawang magpatawa sa mga ito.

Tumawa rin ang mga pusa nang napakalakas.

Huminto sa pagtawa ang mga lobo. “at ano ang tinatawatawa nyo dyan?”

wika ng lobo.

“ngayon lang po kasi kami nakakita nga mga lobong tumatawa. Sa

pagkaka-alam po kasi naming, mababangis kayo. Hindi lang po talaga kami


makapaniwala sa aming nakita na ang isang lobong katulad nyo ay marunong ding

tumawa”, sabi ni Fifi. Nagtawanan ulit silang tatlo.

“Alam nyo, ngayon lang kami tumawa nga ganito kalakas at ngayon lang

kami nakakita nga mga katulad ninyo”, wika nga lobo. “at dahil napatawa nyo kami, hindi

na naming kayo kakainin”.

“Talaga?...maraming salamat po!” Sabay sabi nga tatlo.

“Pasensya na kaya sa ginagawa namin, simula ngayon magkaibigan na

tayo”. Ani ng lobo.

“Salamat po, itutuloy na naming ang paglalakbay”, wika ni Fifi. “Maraming

salamat din. Hindi naming kayo makakalimutan”, wika ng lobo. “Paalam pos a inyo!!!” at

umalis na ang tatlo.

Sinimulan na nila ang ikalawang araw ng kanilang paglalakbay. Habang

naglalakad silang tatlo, may narinig silang umiiyak. Isang usa na napilayan. “Naku? Ano

po ang nangyari sa inyong paa?”, tanong ni Popo.

“Sumabit kasi ako doon sa kahoy. Maaari nyo ba akong tulungan?’’tanonng

ng usa. “Siyempre naman po, gagamutin naming ang inyong pilay”, sabi ni Pido.

“Mabuti na lang at dumaan kayo kung hindi wala akong mahihingan ng

tulong”, sabi nga usa.

“Ayan! Tapos na!, ”wika ni Popo. “ Saan po ang bahay nyo at ihahatid na

naming kayo tanong ni Fifi.


“Doon sa bundok sa bundok na iyon”, sagot ng usa. Inihatid nila ang

napilay na usa sa pagmamalasakit ng mga pusa, kaya pinakain niya ang mga ito. Umalis

na sila at nagpasalamat sa usa.

Itinuloy na nila ang kanilang paglalakba. Naramdaman nilang malapit na

silang makarating sa mahiwagang kweba. “wala bang mapagtatanungan ditto?”, tanong

ni Popo. “Ayon! Tanungin natin si ibon” aniya. “ahmm…pwede po bang magtanong?”,

tanong ni Fifi.

“pwede, pero sa may kondisyon”, sagot ng ibon.”nawawala po kasi ang isa

kong anak na ibon, hanapin nyo naman siya”, pagsusumamo ng inang ibon.

“sige po, sisimulan naming ang paghahanap”, wika ni Popo. Hinahanap nila

ang mawawalang ibon. Sa kanilang paglalakad, nakasalubong sila ng isang koneho na

nahihirapan sa pagdadala ng napakaraming karot.

“kaibigan mukhang hindi mu kayang dalhin yan. tulungan ka na nga namin”,

wika ni Fifi. “sige, maraming salamat po sa pagtulong”, sabi ng koneho. “May itatanong

sana kami sa inyo koneho, May nakita ka bang batang ibon?” tanong ni Pido.

“Oo, nakasalubong ko kanina”, sagot ng koneho. “saan?”,tanong ni Fifi.

''hindi ko talaga alam kung saan patungo basta't nakita ko lang”, sagot ng

koneho.

“Sige, salamat koneho. Kailangan kasi naming mahapay ang ibon na yon”,

wika ni Popo. Binigyan sila nga pagkain ng koneho. Sinundan nila ang dianaanan ng

nawawalang ibon. Nakakita sila nga ahas. “Ahas, may nakita ka bang batang ibon?”
tanong ni Fifi. “ Oo. Ayun siya oh! Kumain ng mga hinog na prutas”, sagot ng ahas.

Nagpasalamat sila sa ahas at inihatid na nila ang bataang ibon sa kanyang ina.

''naku!maraming maraming salamat mga kaibigan, akala ko ay nawala

talaga siya”, sabi ng ibon na lumuluha-luha.

“Ano ba ang tanong niyo? “Sabi nga ibon “magtatanong lang po sana kami

kung saan ang mahiwagang kweba? Magpapatuloy lang po kami para makapunta doon”

sagot ni Fifi. “Oo alam ko kung saan, tutulungan ko kayo. Nakikita niyo ba ang bundok na

yon. Nandon ang mahiwagang kweba. Pagdating nyo doon, tanungin nyo lang ang mga

paniki ang sasagutin niya kahit ano”. Wika ng ibon.

Pagdating nila sa mahiwagang kweba ay hndi nila agad nakita ang mga

paniki dahil sa dilim nito. Pero nararamdaman nila na may gumagalaw. “Mabuti nalang at

nagdala ako ng posporo” tuwang sabi ni Fifi. Nang lumiwanag ang paligid, bigla nalang

nagliparan ang mga paniki at sila ay nasindak. Naubos na ang liwanag ng posporo at

tumahimik uli ang paligid.

Biglang may nagtanong sa kanila. “Anong kailangan ninyo sa aming

kweba?”, tanong ng isang paniki.

“may nakapagturo po sa amin na dito kami makakahanap ng sagot sa

isang bagay na aming hinahanap”, paliwanag ni Pido.

“ano ang inyong hinahanap?”, tanong ng paniki.

“hinahanap po namin ang nawawalang gintong kwintas ni Prinsesa Balbina,

may alam po ba kayo kung saan ito pwedent matagpuan?”, tanong ni Fifi.
“makikita ito sa isang liblib na lugar sa likod ng isang hardin”, sagot ng

paniki. “medyo malayo-layo pa ang inyong lalakbayin kaya dito sa likod ng kweba nalang

kayo dumaan para sa mas malapit na daan”, dagdag pa ng paniki.

''Maraming maraming salamat po!”, sabi ni Popo.

“ipagpaumanhin po ninyo ang pagbulabog namin sa inyong pagtulog, hindi

po namin sinasadya”, sabi ni Pido.

“walang anuman, dumiritso lang kayo hanggang sa marating ninyo ang

dulo ng kwebang ito”.

“aalis na po kami”, pagpapaalam ng tatlo.

Naglakad sila nang naglakad, mahigit tatlong oras na silang naglakad pero

madilim pa rin ang paligid. Maya maya ay medyo nabuhayan sila ng loob. May nakita

silang liwanag. Tumakbo sila papunta doon at nakita nila ang napakalaking lagusan.

Masayang masaya ang tatlo at lumulundag lundag sa tuwa. Nang narating nila ang

lagusan, nabigla sila sa kanilang nakita. Nasa likod sila ng palasyo ng kaharian ng mga

pusa. Akala nila ay linoloko sila ng mga paniki. Naglakad-lakad silang tatlo na dismayado

dahil hindi nila nakita ang gintong kwintas.

''ano na ang gagawin natin ngayon?meow”, tanong ni Fifi.

''sabihin nalang natin sa hari na hindi natin nagawa ang utos niya”, sagot

naman ni Pido. Biglang tumahimik ang lahat ng biglang tinawag ni Popo ang atensyon

nilang dalawa.
''mga kaibigan 'wag kayong mawalan ng pag-asa, nakikita nyo ba ang

hawak ko?andito ang kwintas, lumiliwanag pa!wohoo!”, tuwang tuwa si Popo.

''paano mo nakita yan?ang galing mo talaga Popo”, sabi ni Pido. “ibig

sabihin ikaw ay may ginintoang puso”, tumawa silang tatlo at nagyakapan sa tuwa.

Ibinigay nila sa hari ang gintong kwintas at nalaman nilang nahulog pala ito

ng naglalaro ang prinsesa sa hardin. Hindi niya namalayan ang pagkahulog nito.

Nagdiwang ang palasyo at binigyan sila ng gantimpala.

''grabe talaga ang paghahanap natin ng kwintas na iyon, nandoon lang pala

sa hardin”, sabi ni Popo.

''Oo nga eh! Pero nagkaroon naman tayo ng maraming kaibigan”, wika

naman ni Fifi.

“Ikinagagalak naming sabihin na meron kaming kaibigang kahit ubod ng

kulit ay may ginintoang puso din pala”, sabi ni Pido habang lumuluha-luha ang mata.

Nagyakapan ang magkakaibigan at nagpahiran ng luha at bigla nalang

nagtawanan.

-WAKAS-

Você também pode gostar