Você está na página 1de 3

ANG LOBO AT ANG KAMBING

Isang kambing ang nasa dulo ng bangin at

kasalukuyang kumakain ng damo roon.
Namataan siya ng lobo at nais sana siyang kainin,
ngunit hindi nito magawang sunggaban siya sa
takot na baka pareho silang bumulusok sa matarik
na bangin.
"Ano't nagtitityaga ka sa maliit na damong
kinakain mo diyan?", ang sabi ng lobo. "Bakit hindi
ka dito sa baba kumain ng damo, kung saan mas
marami at mas luntian ang mga kulay,"
panghihihkayat nito.
Pero sa halip na matukso, ang kambing ay nanatili
sa kanyang kinatatayuan at sinabing, "Aanhin ko
ang luntiang damuhan, kung ito nama'y nakatanim
sa lupang kinatatayuan ng isang matakaw na
lobong tulad mo na walang ibang hangad kundi
ang ako ay lamunin?"
INA,INA,BAKIT MO AKO GINAWA?

Ina, ina, bakit mo ako ginawa?... Ito ang tanong ni Michael, isang
walong taong gulang na batang lalaking lansangan sa kanyang ina. Ina
bakit ninyo ako ginawa?

Ina bakit ninyo ako ginawa? Umiiyak-iyak si Michael nang aking

ininterbyu noong Miyerkules ng hapon tungkol sa kanyang buhay kung
bakit siya isang palaboy. Dapat sana ay nasa paaralan siya sa mga oras
na iyon.

Ina bakit ninyo ako ginawa? Bakit ninyo ako pinapabayaan? Hindi ninyo
ba ako mahal?
Nasaan na kayo ni itay?

Si Michael ay isang palaboy. Madalas siyang makikita sa labas ng MSU-

IIT na nakikipagtakbuhan sa mga kapwa palaboy at minsan sa mga
mag-aaral ng nasabing unibersidad sapagkat hinihipo-hipo niya ang
mga babaeng mag-aaral kapag hindi ito nagbigay ng pera. Akala mo'y
nakikipaglaro siya sa mga mag-aaral sapagkat may dalang tawa at ngiti
kapag siya'y hinahabol. Ikaw'y magtataka kung kilala ba ng mga babaing
ito ang batang si Michael. Minsan din ay kalaro niya ang mga kapwa
bata na tila'y walang problema sa buhay. Mga batang musmos na dapat
ay nasa paaralan nagbabasa at nag-aaral para sa kanilang
kinabukasan.

Iniwan si Michael ng kanyang ina at ang lola at lolo na lang ang nag-
aalaga sa kanya. Ang kanyang ina ay sinasabing nag-aabroad bilang
domestic helper ngunit hindi na ito nakabalik sa kanilang bahay. Ang
ama naman niya ay iniwan sila ng kanyang ina noong nalaman buntis ito
at hindi na nagpakita. Kaya tanong ni Michael, Ina bakit ninyo ako
ginawa?
Dito sa No. 20 Iba St., Sta. Mesa Heights, Quezon City ako unang natutong magbisikleta. Anim
na taon ako, tag-init, binilhan ako ng Nanay ng bagong bisikleta. ‘Yung matagal ko nang
inaawitan dahil naiinggit ako sa magarang bisikleta ng pinsan kong si Kuya Alvin. Maganda ang
pulang bisikleta ko – may busina at angkasan, at balancer para di ako sumemplang. 

Masarap ang halik ng hangin sa mukha. ‘Pag nagbibisikleta ako noon, pinagmamasdan ako ng
ibang mga bata. Sinasabi nila sa akin: “Paangkas naman, pahiram naman, bago ‘yan a, sige na
hindi naman namin sisirain.” Sasagutin ko naman sila ng: “Baka ma-flat ang gulong.” Tapos sabi
nung kababata kong si Jojie na talagang mapilit: “Hindi ko ‘yan mafa-flat, maingat naman ako,
at tsaka sabi nung Nanay ko dapat lang na pahiramin mo ako kasi inutang ng Nanay mo sa Dito
sa No. 20 Iba St., Sta. Mesa Heights, Quezon City ako unang natutong magbisikleta. Anim na
taon ako, tag-init, binilhan ako ng Nanay ng bagong bisikleta. ‘Yung matagal ko nang inaawitan
dahil naiinggit ako sa magarang bisikleta ng pinsan kong si Kuya Alvin. Maganda ang pulang
bisikleta ko – may busina at angkasan, at balancer para di ako sumemplang. 

Masarap ang halik ng hangin sa mukha. ‘Pag nagbibisikleta ako noon, pinagmamasdan ako ng
ibang mga bata. Sinasabi nila sa akin: “Paangkas naman, pahiram naman, bago ‘yan a, sige na
hindi naman namin sisirain.” Sasagutin ko naman sila ng: “Baka ma-flat ang gulong.” Tapos sabi
nung kababata kong si Jojie na talagang mapilit: “Hindi ko ‘yan mafa-flat, maingat naman ako,
at tsaka sabi nung Nanay ko dapat lang na pahiramin mo ako kasi inutang ng Nanay mo sa
Nanay ko ang pambili ng bisikleta mo.” 

Masarap ang pagsuklay ng hangin sa buhok. Parang daliri ng Nanay kapag pinapatulog ako. Iyon
bang pakiramdam na kumportable ka, parang walang mangyayaring masama sa ‘yo habang
natutulog ka dahil alam mong binabantayan ka. Iyon bang kampante kang may sasaklolo sa ‘yo
sakaling mahulog ka sa bisikleta. Minsan, nakaka-miss ang ganung pakirarmdam. 

Você também pode gostar