Você está na página 1de 5

jacMD @ HIGHLY OPINIONATED FORUM

Warning: usapang-SEX {PG 18}


Header Title:"Alingawngaw Para Kay p'Noy!"
Sub Title: “I am Anti-Reproductive Health Bill”

Mahigit minsan kong isiniwalat ang aking mariing pagtutol sa RH Bill:

“ay nakikiisa sa pagtutol ng pagpapatupad ng "RH BILL" ,


mananatiling tumututol, alinsunod sa aking moral at ispiritwal na
panuntunan sa buhay, bilang BABAE ng lipunan, bilang INA, bilang
mamamayang naniniwala sa kahalagahan ng ISANG PAMILYA, ISANG
BUHAY, KARAPATAN NG ISANG MAY-BUHAY AT RESPONSABLENG
PANSEKSWAL NA TUNGKULIN NG BAWAT ISA!” -[March 25,
2011@11:33pm/FB/Bee positive]

“Should we go for reproductive health bill?? Why I discourage


this...discussion on Notes will follow! Why isn't it instead of
patronizing this reproductive health bill, should the Filipinos know
better the RESPONSIBLE PARENTHOOD?” –[April 7,
2011@11:21AM/FB/Bee positive]

Kaytagal kong ninais magsulat tungkol sa USAPIN na ito. Napakahirap


hanapin ang mga salitang magbibigay ng depinido at kumbinsidong sagot
upang tutulan ang Reproductive Health Bill. Kung bakit nagkaganuon ay
naririto sa mga sumusunod na pananalita ang aking pansariling pananaw.
Lumaki ako't nagkaisip sa isang Catholic Parochial School. Natatandaan ko
pa nuon nung nasa ika-apat na baitang ako ng elementarya, kasama sa
itinuturo sa amin ang "Sex Education" o edukasyong pansekswal. Maaaring
naiba lamang ang pangalan nito ngayon dahil sa karugtong na salitang SEX o
seks. Kung tutuusin, natapos ko ang mataas na antas ng pag-aaral,
nakarating ng kolehiyo, nag-graduate, nagtrabaho, nag post-graduate,
natutong gumapang, lumakad, tumakbo, tumalon, sumampa sa pole,
sumayaw, sumirko, tumuwad, na maaaring ang di ko lang kayang gawin ay
sumakay sa Helicopter(LOL!), subali’t nanatili itong itinuturo sa mga
eskuwelahan mapapampubliko o pampribado magpahanggang sa ngayon.

Ngayon sinasabi nilang ang Simbahang Katoliko ay tutol sa pagpapalaganap


ng Edukasyong Pansekswal. Tila kaya mali ang kanilang pagkakaintindi??? O
maaari kayang ako ang mali?!

Ano ang kaibahan ng bagong Bill na nais ipatupad ng gobyerno? Nasaliksik


mo na ba ito? OO, ikaw nga, ikaw na nagbabasa ng ma-sekswal na blog na
ito ang tinatanong ko. Alamin mo ayon sa iyong pagnanais na maunawaan. O
nais mo lamang hayaang mangyari kung mangyayari, tumihaya habang
naghihintay sa magaganap, tumunganga ng walang ginagawa, at ayaw mag-
isip sa maaring kahinatnan nito kung maipatutupad?

Mariin ang kanilang pagpapalaganap ng isyu na nais nilang magkaroon ng


pangkalahatang kaalaman ang publiko, bawa’t isa, bata man o matanda,
ukol sa usaping sekswal, o sa kolokyal na pananalita ay usaping may libog.
Isama sa curriculum ng estudyante na matagal nang ginawa.

Eto ang malupit na katanungan, may kaibahan ba kaysa dati ang sa ngayon
ay curriculum na iyan? Naisip ko lang, baka kasi kung yung dati (nung aking
kasibulan) ay simpleng theoretical ika nga, di kaya nais nila ngayon ay
lagyan ng practical application?... (syett!). Kaya ba pupuhunanan ng
gobyerno ang mga contraceptive pills, condom at mga kasama pa nito??????

Wahhh! Eto naman ay bunga lang ng malikot na pag-iisip ng inyong lingkod,


hahahah!
Napansin mo ba na noong unang beses pa lang na isinusulong ito ng ating
“Kapita-pitagang Pangulo”, ang kaniyang idinahilan upang ipatupad ito ay
for POPULATION CONTROL; a campaign against poverty. Diyata’t ano pa ba
ang kaakibat na nosyon nito? O alam mo ba? Naisip mo ba? Maaaring hindi!

Sa Tsina, Korea, mga ilang bansa sa Amerika ay nagpapatupad ng


kahalintulad nito. Ang aborsyon ay legal at katanggap-tanggap para sa
kanila. Sa ibang lugar kinakain ang fetus na in-abort.

Ang Aborsyon ay sensitibong elementong nakalakip sa Bill na ito.


Napagtanto mo ba? Walang matibay na census sa buong bansa ng mga
kababaihang nagpapalaglag. Walang sumasaliksik kung ilan ang
Spontaneous Abortion (kusang pagka-abort), at kung ilan ang buong-luob na
nagpapa-abort.

Kung ang batas ay naglalayong gawin ang aborsyon na Krimen, at ang mga
aborsyonista ay kriminal, di sana’y may mga report dito. Subali’t anupa’t
tatangkilikin natin ang Aborsyon (tagong bahaging kalakip ng RH Bill) bilang
pagsugpo sa pagdami ng populasyon?!

Naisip mo bang kung magiging legal ang batas na ito, ang mananaig ay
batas na gawa ng tao, at kapag di sinasadyang sa isang sitwasyon ay
nakabuo ka ng isang bata o nilalang, lehitimo man o hindi, ay maaari nang
ipalaglag dahil sa legal ang aborsyon at katanggap-tanggap sa mata ng tao?!

O kaya’y ilagay natin ang sitwasyon sa usapin ng mahihirap. Ang magkaanak


ng higit sa tatlo sa isang pamilya ay mabigat na para sa kanila, at upang
mapagaan ito ay papayag sa aborsyon.

Naisip mo ba ang mga anak mo o ang susunod na henerasyon ng mga anak


mo ay lunod sa kaalamang pansekswal, matalino sa kaisipang may libog,
dahil sa murang kaisipan pa lamang ay bukas ang isipan sa mga pagnanasa,
usaping maselan sa kama, maalam sa kabuktutan dala ng init ng katawan?
WALANG LIMITASYON DAHIL MAY PROTEKSIYON…iyon ba ang nais mo?

Wala akong pagtutol sa paggamit ng kontrasepsyon. Para sa yong kaalaman,


ang mga gamit sa kontrasepsyon ay nilikha ng tao, hindi lamang bilang
proteksyon upang makabuntis, kundi gamot din para sa mga problema sa
matres, at kung hindi mo alam na ang mga Pornong panuorin ay di naisip
gawin ng tao upang maging makasalanan ang tao, ito’y ginagawa hindi
lamang sa ngalan ng art, bagkus ay gamot din sa mga taong Frigid, mga
hindi tinatayuan o mga walang libog, sa mga problemang pang-mag-asawa
at hindi sa inaasawa. Hindi ko tinututulan ang kontrasepsyon, subali’t ang
maluwag na pagsangayon sa kabataang gumamit nito ay nakapanlulumo.

Naalaala ko pa, nung nasa sekondariya ako, ang tema ng aking SPEECH
battle ay nakatuon sa karamihan ng mga Pilipinong nagnanais maging
Americanized or Westernized. Ngayon, ay tatangkilik tayo ng batas hango sa
batas ng ibang bansa.

Maging ang Simbahan o anu pa mang relihiyon ay may pagbabago, mula sa


mga konserbatibong usapin ay handa sa maseselang isyu. Kung ang
Gobyerno ay Hiwalay sa Simbahan at ang Mambabatas ay Labas sa Batas ng
Diyos ang ipatutupad…Anong klaseng nasyon pa ang nais mong
makamulatan ng susunod mong henerasyon?

Kung ang bawa’t tao’y hindi magpapasakop sa isang nakamulatan o maging


ng nakilalang relihiyon, anong makataong desisyon ang maaaring magawa
ng isang makamundong tao? Ang isang relihiyon, maging Katoliko o
Kristiyano (iba pang uri), budismo, muslim/islam, sikh, hinduismo, pagano, at
iba pa, ay may kaakibat na sosyolohikal na aspeto at prinsipyong makatao.

Bilib ka ba kay p’Noy sa tapang ng mukhang ipagsigawang hindi siya takot


maekskomunikado? Saludo ka ba sa mangmang na pagsang-ayon na
tangkilikin ang baluktot na Batas, na tao ang may gawa at salat sa maka-
Diyos na pananaw? Para ipaalam ko sa iyo, ang Relihiyon ay hindi nakatuon
sa usaping Pang-Diyos lamang, malaking bahagi sa isang Relihiyon ang
arukin ang Konsensiya ng isang Tao, upang makagawa ng makataong
desisyon sa mundong ito.

Wag mong sabihing walang Politika o Relihiyon ang dapat magdikta sa atin
bilang tao. Habang buhay ang isang tao at namumuhay sa lupa, ang Batas
na naipatupad ng Mambabatas ay nararapat lamang sundin ng bawa’t isa,
maging ng mga Maka-Diyos o ng mga Walang Diyos. Kaya’t kung di mo
susuriing mabuti sang-ayon sa Moral, Lohikal at di lamang sa Praktikal na
Pananaw, ang Batas ay mananatiling Batas na magdidikta sa bawa’t galaw
mo habang nandirito ka sa Lupa, Kapatid!

Huwag kang Hangal!!!!

jacMD’s tsikabloglines

5-18-2011@1216H

Você também pode gostar