Você está na página 1de 1

SELEBRASYON NG ACALITMUS – DINUMOG!

Noong ika-12 ng Agosto taong kasalukuyan ay ginanap sa


awditoryum ng Administration building ang taunang selebrasyon ng
AcaLitMus sa ating unibersidad. Ang naturang programa ay ang Dance
Exhibition na pinangunahan ng mga miyembro ng Dance Company sa
pamamagitan ng isang kagila-gilalas na opening performance. Ang
Dance exhibition na ito, na isang contest na sinalihan ng iba’t ibang
mga dance groups mula sa samu’t saring mga instityut, ay
naglalayong magbigay ng opurtunidad sa mga kabataan na maipakita
nila ang natatago nilang mga talento sa kabila ng puspusang pag-aaral
ng mga ito.

Ang event ay dinaluhan ng maraming istudyante na ikinapuno ng


awditoryum. May mga ilan din na nagpumilit pa rin pumasok sa kabila
ng kapunuan ng lugar para lamang masaksihan ang kagila-gilalas na
mga dance moves ng mga lumahok. Tilian at magarbong palakpakan
ang mga naani ng mga grupo matapos ang kanya-kanya nilang mga
performances. Sari-saring mga kasuotang moderno ang isinuot ng
mga grupo. Mayroong mga naka-pink ay naka-violet na sadyang
nakapupukaw ng paningin ng mga manunuod.

Ang mga taga Institute of Nursing ang naging pangwakas na


performance ng timpalak. At ang nanalo ay nabigyan ng tropeo at
Certificate of Recognition. Ang nagwagi sa nasabing Dance Exhibition
at umani ng paghanga ng mga tao ay ang grupong mula sa Institute of
Education.