Você está na página 1de 3

ANG PAMANA Ni: Jose Corazon De Jesus

Minsan ang ina koy nakita kong namamanglaw, naglilinis ng marumit mga lumang kasangkapan. Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan, Nakita ko ang maraming taon noong kahirapan Sa guhit ng kanyang pisnging lumalalim araw-araw, Nakita kong ang ina kong tila mandin namamanglaw At ang sabi itong piyanoy sayo ko ibibigay Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan Mga silyat aparador sa kay Tikong ibibigay Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman. Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha. Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa Subalit sa king mga matay may namuong mga luha Ni hindi ko mapigilan at hindi ko masansala Naisip ko ang ina ko, ang ina kong kaawa-awa Tila kami ay iiwan nat may yari ng huling nasa. Na sa halip na magalak sa pamanang mapapala

Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita Napaiyak akong tila isang kawawang batat Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika. Ang ibig ko sana Nanay, ikay aking makapiling at Huwag ko nang makitang ikay nalulungkot mandin Oh ina ko, ano ba at naisipang pagahtiin ang mga kayamanag maiiwan mo sa amin? Wala naman yaong sagot, baka ako ay tawagin, ni Bathala nag mabuti malaman mo ang habilin itong piyano mga silya at salamin, pamana ko na sa inyo mga bunsong ginigiliw. Ngunit Inang ang sagot ko, ang lahat ng kayamanan at kasangkapan ay hindi ko kailangan. Aaanhin ko ang piyano kapag ikay namatay ni hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay. Ang ibig koy ikaw inang at mabuhay ka na lamang ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman ni hindi ka maaaring pantayan ng daigdigan, ng lahat ng ginto rito, pagkat ikaw o ina ko, ikay wala pang kapantay.

Você também pode gostar