Você está na página 1de 4

Unibersidad ng Pilipinas Diliman Kolehiyo ng Edukasyon Kagawaran ng Araling Panlipunan Guro: Susan Anne A.

. Quirante Antas: 6 Petsa: Bilang ng Sesyon: 1

Ang Ugnayan ng Mga Sangay sa Pagpapasa ng Batas I. Layunin A. Panlahat Magtataglay ang mga mag-aaral ng kamalayan at pagpapahalaga sa checks and balances ng mga sangay ng pamahalaan. B. Tiyak Pagkatapos ng aralin ang mag-aaral ay inaasahan na:

1. Maipaliliwanag ang prinsipyo ng checks and balances ng mga sangay ng


pamahalaan

2. Maipaliliwanag ang konsepto ng veto power 3. Maipaliliwanag ang mga kapangyarihan ng hudikatura na limitahan o pigilan ang
pang-aabuso sa kapangyarihan ng sangay ehekutibo at lehislatibo.

4. Maipaliliwanag ang mga kapangyarihan ng sangay lehislatibo na limitahan o


pigilan ang pang-aabuso sa kapangyarihan ng sangay ehekutibo at hudikatura

5. Maisasagawa ang isang mock plenary session sa pagpapasa ng isang batas, mock
veto, at mock hearing ng Kataastaasang Hukuman II. Nilalaman

A. Paksa: Pagpapasa ng batas at ang batayang prinsipyo ng checks and balances


B. Konsepto checks and balances veto power C. Balangkas plenary session prosesong lehislatibo

1. 2. 3.

Prinsipyo ng checks and balances Ang proseso ng pagpapasa ng panukalang batas Mock plenary session a. Pagpasa ng batas b. Veto power c. Mock hearing ng Kataastaasang Hukuman

III. Mga Kagamitan sa Pagtuturo


A. Sanggunian 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo VI , VII, at VIII

Coronel, S. & Chua, Y. (2003). The PCIJ Guide to Government. QC: PCIJ. De Leon, H.S. (1994). Textbook on the Philippine Constitution. QC: Rex Printing Company, Inc. House Rules, congress.gov.ph B. Mga Kagamitan gabay sa pangkatang gawain dayagram ng checks at balances ng mga sangay sa pagpapasa ng batas dayagram ng prosesong lehislatibo kopya ng RH Bill kopya ng Anti-Epal Bill kopya ng Freedom of Information Bill

IV. Pamaraan
A. Panimulang Gawain

1. Balik-Aral (5 minuto) a.
Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang batayang prinsipyo ng checks at balances at kung paano ito naipakita sa isinagawang halalan sa nakaraang miting.

b.

Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang tungkuling ginagampanan ng lehislatura at sa anong paraan nalilimitahan ng sangay ehekutibo at hudisyal ang pagmamalabis sa kapangyarihan nito.

B. Pagtatalakay (12 minuto) a.


Ipakita at talakayin ang dayagram ng checks at balances ng mga sangay sa pagpapasa ng batas.

b.

Ituon ang pansin sa prosesong lehislatibo at isa-isahin ang mga hakbang mula sa paghahain ng panukala sa Batasang Pambansa hanggang sa paglalagda ng Pangulo. Gamitin ang dayagram. *Ipamahagi ang mga hand-out sa puntong ito.

c.

Magpakita ng mga artikulo mula sa balita ukol sa mga panukalang napapanahon (RH Bill, Anti-Epal Bill, Freedom of Information Bill) at ipasuri sa mga mag-aaral kung saang bahagi ng prosesong lehislatibo kasalukuyang matatagpuan ang mga panukala gamit ang mga salitang ginamit sa mga balita bilang palatandaan.

d.

Atasan ang mga mag-aaral na paghambingin ang dalawang panukala upang tuklasin ang mga pagkakahalintulad ng mga ito. Tanungin ang mga magaaral kung ano marahil ang mga bahagi ng isang panukala. Ilista ang mga ito sa pisara. C. Panlinang na Gawain

1. Mock Plenary Session (20 minuto) a.


Tanungin ang mga mag-aaral kung ano sa tingin nila ang mga mahahalagang isyung panlipunan na kailangang bigyang lunas. Iugnay ang mga isyung ito sa paggawa ng batas. b. Atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng mga grupo na may limang miyembro. Dapat may isang miyembro na nahalal bilang kinatawan. Gagawa ang mga grupo ng panukala. (8 minuto)

c.

Bumuo ng Senado at Batasang Pambansa. Gagawa ang Kapulungan ng mga standing committees batay sa mga isyung nabanggit ng mga mag-aaral.

d.

Magpapasa ng isang panukala ang kahit na sinong miyembrong may kagustuhang gawin ito. Ipapasa ang nagawang panukala sa kalihim. e. Ang kalihim ang siyang maghuhusga kung aling panukala ang unang tatalakayin.

f.

Magkakaroon ng plenary sessions ayon sa prosesong lehislatibo. Pangangasiwaan ng Tagapagsalita ng Batasang Pambansa ang talakayan, mga susog, at botohan. g. Kung pabor ang botohan, ipapadala ito sa Senado at ang parehong proseso ay magaganap.

h. i.

Ipadadala sa Opisina ng Pangulo ang panukala upang lagdaan. Pagdedesisyunan ng Pangulo. Maaari siyang kumonsulta sa kaniyang gabinete. Magpupulong ang Kataastaasang Hukuman at magdedesisyon kung konstitusyunal o di-konstitusyunal ang napasang panukalang batas.

D. Pangwakas na Gawain (3 minuto) 1. Pagbubuod: Sa isang pangungusap, ano ang natutunan mo sa gawain ngayong araw? 2. Pagpapahalaga: Sa iyong pananaw, mahalaga ba ang checks at balances ng mga
sangay ng pamahalaan? Ano ang kabutihang dulot nito? Ano ang masamang dulot nito? Ipaliwanag.

V. Pagtataya a. Maikling Pagsusulit

1. Magbigay ng isang pamamaraan kung saan nalilimitahan ng sangay lehislatibo


ang kapangyarihan ng sangay ehekutibo. (4 puntos)

2. Ano ang tawag sa kapangyarihan ng Pangulo na tutulan ang pagpapasa ng isang


batas? (1 puntos) b. Rubrics sa Pagpapasa ng Batas

Kraytirya Daloy

5 Maayos na nasunod ang tamang pagkakasunud-sunod ng prosesong lehislatibo. Naipasa ang panukalang batas sa takdang oras. Organisado at may katuturan ang panukalang batas na naipasa. Natutugunan nito ang isyung binibigyang lunas. Lubos na gumanap ang mga opisyal sa kanilang tungkulin at demokratiko ang pamumuno nila sa grupo. Maayos at may paggalang ang pakikitungo ng mga kasapi sa isat isa.

3 May kaunting paglihis subalit naitama ang pagkakasunud-sunod ng prosesong lehislatibo. Naipasa ang panukalang batas sa takdang oras. May tangkang mapalalim ang pagtugon sa isyung binibigyang lunas subalit may kakulangan sa pagbuo ng mga ideya. Lubos na gumanap ang mga opisyal sa kanilang tungkulin at demokratiko ang pamumuno nila sa grupo subalit magulo at walang galang ang pakikitungo ng mga kasapi sa isat isa.

Hindi nasunod ang prosesong lehislatibo at sumobra sa nakalaang oras.

Nilalaman ng Panukala

Mababaw at hindi angkop ang mga probisyon ng panukala sa tinutugon na isyu.

Asal ng mga Kasapi

Nagkulang ang mga opisyal sa pagganap ng tungkulin. Naging magulo ang pakikitungo ng mga kasapi sa isat isa.

Você também pode gostar