Você está na página 1de 1

#28 Medicielo, Janina Martine D.

Ika 4- ng Enero 2012

Gr. 9- St. Arnold Janssen Bb. Milane Cawaling

Kwento ng Angkan

Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa tabi mo. Ganyan ang senaryo sa bus, at ganyan din ang pag-ibig . Lalong di mo kontrolado kung kailan sya bababa. Hindi masasabihan ang puso kung sino ang mamahalin at kung sino ang hindi. Kaya sa mga pagkakataon magugulat ka na lang na ang taong pinaka ayaw mo ay naging pinaka halaga na tao sa buhay mo at ang tao na bagay sa iyo ay hindi mo kayang mahalin kahit ano pang pilit mo. Dahil kahit bagay kayo sa isat-isa hindi pa rin siya ang tama para sa iyo. Totoo nga ang kasabihan na Dont be the perfect one, be the right one.

ang lola ng aking inay na si Remedios Reyes Rodriquez ay isang dalagang mahusay na piyanista. Dahil dito may mga hapon na dumadalaw sa kanya upang pakinggan ang kanyang pagtugtug sa piano at namamangha sa taglay niyang galing. May mga pagkakataon na ipinatugtug sa kanya ang National Anthem sa Hapon. Hangang-hanga ang mga hapon sa kanya at natutuwa sa kanyang talento. Sa paglipas ng araw, may isang hapon ang nabighani ni Remedios at nangligaw sa kanya. Itong hapon na ito ay isang opisyal officer, edukado, may itsura at mabuti din naman ang pagtrato niya kay Remedios. Araw-araw binibigyan siya ng mga regalo, prutas at bulaklak. Pero sa kabutihan na ipinakita ng hapon si Remedios ay natakot dahil kahit anong pilit niya hindi niya kayang mahalin ang hapon. Kahit sa araw-araw na pagsuyo ng hapon, hindi pa rin nahuhulog ang loob ni Remedios. Natakot siya na baka siya ay saktan at mapalagay sa pahamak ang kanyang pamilya kung hindi niya sasagutin ang hapon. Kaya nagdesisyon silang umalis sa kanilang bahay at pumunta ng ibang lugar, dala-dala ang kanyang pinaka importanteng gamit; ang kanyang piano. Hindi naging madali ang kanilang paglakbay dahil sa himagsikan ng hapon at sa pagdala-dala ng bigat na piano. Ilang araw din ang kanilang paghihirap. Sa kanilang paglalakbay nakilala ni Remedios ang isang binata na si Florencio Rodriquez Espina Sr. Siya ay isang Pilipino na masipag at mabait. Naging kaibigan sila at sa araw-araw nilang pagsasama nagbunga ang kanilang pag-ibig. Naabot nila ang kanilang destinasyon sa katapusan ng kanilang lakbay, ngunit hindi nagtapos ang kanilang pag-iibigan. Ilang taon naglipas sila ay nagpakasal at nagkaroon ng isang babaeng anak na si Lydia Fernandez Espina.
Sa kapahunan ng ikalawang digmaan

Você também pode gostar