Escolar Documentos
Profissional Documentos
Cultura Documentos
sa inyong mga baga ay nagiging masikip. Kasabay ng pagsikip ng daanan ng hangin ang paglabas ng malagkit na plema na nakadaragdag pa sa pagsikip ng daluyan ng hangin. Dahil sa pagsikip ng daluyan ng hangin kaya nahihirapan ang taong may asthma na huminga.
Mga Uri at Sanhi ng Hika y Ekstrinsik na Hika o Uri ng Hika na kadalasan na nangyayari sa mga BATA. o Kadalasang nangyayari dahil sa mga tinatawag na
ALLERGENS, tulad ng POLUSYON SA KAPALIGIRAN, USOK NG SIGARILYO O BAGAY NA NASUSUNOG, at iba pa. o Kadalasang nangyayari sa mga mga batang 2-6 na taon, maaaring mawala sa paglipas ng ilang taon, at MAARING bumalik PAGTANDA y Intrinsik na Hika o Uri ng Hika na kadalasan na nangyayari sa mga taong may edad 30 PATAAS. o Kadalasang nangyayari HINDI dahil sa MALAMIG NA
PANGKARANIWANG
AMOY,
Sino-sino ang mga pwedeng magkaron ng Hika? y May Lahi ng Hika sa Pamilya y Mga taong palaging nagkakasakit y Mga taong palaging nakaekspose sa polusyon sa hangin y Mga taong palaging naiistress
Mga Palatandaan na magkakaroon ang tao ng Hika y Pag-ubo ng madalas y Kahirapan sa paghinga y Umaagahas o maingay na paghinga y Pakiramdam ng paninikip ng dibdib y Mabilis na tibok ng puso y Pagpabira ng ulo y Pangangati, pagkagasgas o pagkasakit ng lalamunan y Pagkapagod Tawagan agad ang inyong doktor or pumunta sa pinakamalapit na health center kung: y Kayo ay may ubo, umaagahas ang paghinga o nahihirapang huminga. y Sa pakiramdam ninyo ay kailangan ninyo ng maraming gamot na higit sa ibinilin ng inyong doktor. y Kayo ay may temperatura na higit sa gradong (degrees) 100.5 F o gradong (degrees) 38 C. y Kayo ay may uhog na hindi puti o malinaw, o masyadong makapal
na uhog para mailabas sa pag-ubo. y Kayo ay may mga problemang sanhi ng inyong mga gamot kagaya ng panginginig, pagkalito, pagkanerbiyoso, masakit ang tiyan o masamang panlasa. y Hindi ninyo kayang gawin ang mga karaniwang gawain o ehersisyo. Upang Mapigilan ang mga Pag-atake ng Hika y Dalhin ang inyong mga gamot sa hika sa lahat ng oras. Inumin ang mga nakatakdang gamot kahit mawala ang mga palatandaan ninyo. y Iwasan ang sigarilyo, usok ng kwako o tabako. y Umiwas sa mga pagkain, mga gamot o mga bagay na nagdudulot ng mga sintomas ninyo ng hika. Ang tawag sa mga ito ay triggers (o mga nagdudulot ng hika). y Iwasang lumapit sa mga taong may sipon o trangkaso. y Magpahinga at uminom ng maraming likido sa unang palatandaan ng sipon. y Huminga nang may takip na bandana o anumang pantakip ng bibig at ilong kapag malamig ang panahon. y Kausapin ang inyong doktor tungkol sa ehersisyo upang palakasin ang inyong mga baga. y Bawasan ang matinding pagod. Mga gagawin kapag umaatake ang Hika y Umalis sa lugar na nag-dulot ng Hika. y Huminga ng malalim at turuan ang sarili na huminahon.
y Umupo ng nauuna ang katawan na naka-pahinga ang mga braso sa lamesa o hita. Wag humiga dahil mas mapapahirap ang paghinga. y Maaring mag-bigay ang doktor ng gamot para sa pag papabuti sa daloy ng hangin sa baga. Ito ay dapat sundin ng mabuti. y Gamitin ang inhaler na reseta ng doctor tuwing magsisimula ang Hika.