Você está na página 1de 29

a.

Pagkatapos mabasa ang Nobela Nalaman ko na ang Nobela na ito ay isang sosyoekonomiko, naglalarawan ito ng pagkabalisa ng mga karaniwang tao sa Maynila. Nakatuon ang kasaysayan ng nobelang ito sa paghihirap ng mga mamamayan sa gilid ng Canal de la Reina. Natuklasan ko rin na ang pinapakita ng nobela na ito ay ang ang matagal na pa lang panahong paghihirap ng ilan sa ating mga Pilipino sa kalagayan nila sa lipunan, lalo na ang mga walang trabahong pamilya . Napatunayan ko din na ang Canal de la Reina nga ay isang hindi kaaya-ayang tirahan at hindi makabubuti para sa mga tao na manirahan dito. Ang naging dahilan ng pagkasira ng lugar na ito ay dahil sa isang mapagsamantalang babae sa lugar niya at sa kanyang mga kapwa. Kaya, magtuturo ito sa atin ng mga aral na madadala natin sa ating paglalakbay sa buhay. III. Pagpapahalaga sa Tauhan

a. Salvador Delos Angeles - Ang haligi ng tahanan na si Salvador ay madalas na tahimik at minsan lamang kung magsalita. Palagi siyang sumasang-ayon sa mga tamang desisyon ng kanyang asawang si Caridad. b. Caridad Delos Angeles Siya ang ilaw ng tahanan ng pamilyang Delos Angeles. Isang mabuting maybahay at ulirang Ina, Siya rin ay may tibay at lakas ng loob na harapin ang kanilang mga problema. c. Leni Delos Angeles ang panganay ng pamilya, isang doktor na ang espesyalidad ay ang Pediatrics. Masasabing matalino si Leni dahil siya ang nangunguna sa board exam. d. Junior Delos Angeles ang bunso ng pamilya. Mahilig siya sa mga usaping pulitikal, kaya ninanais niya na maging isang abogado, ngunit ang kagustuhan niyang ito ay tinutulan ng kanyang magulang kaya ang pagiging arkitekto na lamang ang sinubok niya. e. Lolo Gorio Delos Angeles Ang butihing lolo ni Caridad. Mabait at mapagmahal na lolo. f. Nyora Tentay Marcial Si Nyora Tentay ang maituturing na pinaka mayaman sa Canal de la Reina. May katangian siyang mapagsamantala at napaka pakialamerang ina para sa kanyang mga anak. Tinututulan niya ang lahat ng kagustuhan ng kanyang mga anak.

g. Victor Marcial ang anak ni Nyora Tentay na palaging sumusunod sa kanya sa lahat ng sasabihin ng kanyang ina. Makikilala siya na walang sariling pagdedesisyon sa buhay ngunit mapagmahal na anak at asawa. h. Gracia Marcial Ang asawa ni Victor. Ngunit ang pag iibigan nilang ito ay tinututulan ni Nyora Tentay. i. Gerry Marcial Ang anak nila Gracia at Victor. May pagtingin siya sa anak nila Salvador at Caridad na si Leni. j. Tisya Asawa ni Osyong na enkargado ng lupa. k. Osyong Ang nag iisang enkargado ng lupang Canal de la Reina. l. Tiya Aning Ang tiyahin nila Leni at Junior. Kapatid ni Caridad. m. Ingga - Si Dominga Canlas ay alila ni Nyora Tentay na inaapi at ipinagduduldulang hampas-lupa. Nakabaon siya sa utang kay Nyora Tentay ngunit nang dahil sa pagbaha ay nagkaroon siya ng pagkakataong layasan ang matanda. Siya ang kumuha ng bayong ng kayamanan ni Nyora Tentay upang maghiganti. Ngunit pumayag pa rin siyang ibalik ang bayong ayon sa payo ng pamilyang de los Angeles na sumaklolo sa kanya. n. Paz - yumaong pasyente ni Leni mula sa Canal de la Reina. Siya ang nakaakit kay Leni na alamin ang tungkol sa buhay, na asawa ni Dado at kaibigan ni Gracia. IV. Buod Kabanata I-Panimula Mula ng pagkabata ni Caridad Delos Angeles, ngayon lamang niya muling nasulyapan ang lugar na kanyang sinilangan. Malayong-malayo na sa dating malinis at maayos na itsura sa maputik at madaming basura na nakikita niya ngayon. Ang sariwang hangin dati ay napalitan na ng mabaho at maitim na mga usok ng kapaligiran. Sinama ni Caridad ang kanyang pamilya upang puntahan ang lote nila. Ngunit si Junior Delos Angeles, ang bunsong anak ni Caridad at Salvador, na lamang ang nagnais na sumama sa kanyang ina sa pagtawid sa maduming ilog. Habang papunta sa kanilang lote, ikinuwento ni Caridad kay Junior na silay nasunugan ng bahay kaya sila nagpasya lumipat ng Lolo Gorio niya. Nang makarating sila sa kanilang lote na kinatitirikan ng bahay at tindahan, hinanap ni Caridad si Tisya. Ang babaeng nagbabantay ng tindahan. Si Tisya ay ang asawa ni Osyong na enkargado ng lupa nila. Ngunit sinabi ng babae na wala na si Tisya dito. Ipinaalam ni Caridad na

siya ang may-ari ng lupang tinatayuan ng kanilang tindahan. Nagulat ang bantay sa tindahan at tinawag ang kanyang amo, Nyora Tentay ang pangalan. Kabanata II- Alaala Nagkaroon ng kaunting pagsasagutan sa pagitan nila Nyora Tentay at Caridad. Pinakilala ni Caridad ang sarili bilang may-ari ng loteng kinatitirikan ng bahay at tindahan niya. Sagot naman ng matanda na may mga papeles siyang hawak para mapatunayan kay Caridad na sa kanya ang Lupa. Tinanong ni Caridad kung kilala niya si Precioso Santos o Osyong na asawa ni Tisya. Agad na ipinaliwanag ni Nyora Tentay na kay Osyong nga niya binili ang Lupa. Idinagdag pa niya, na walang nabanggit si Osyong na mayroong ibang nagmamayari ng loteng kinatatayuan ng kanilang bahay.Naalala muli ni Caridad ang mga nangyari nung kabataan niya kasama ang pamilya at ang araw kung bakit nila nilisan ang lugar. Nang makarating sina Caridad at Junior sa kanilang kotse, sinalubong sila ni Salvador. Kinamusta agad ni Salvador ang pagpunta nila sa minanang lote ni Caridad at isinalaysay ni Caridad ang nangyari at ang muntikang pagkasubo nila sa away. Pinagkatiwalaan ni Caridad si Osyong ngunit hindi niya inakala na lolokohin lang naman pala siya nito. Sinabi ni Salvador na kukuha nalang sila ng abogado para maayos ang problemang ito. Pagdating nila sa bahay, inilibas ni Caridad ang titulo ng lupa, pati na ang mga resibo.Hindi niya matatanggap na mawawala sa kanya ang kaisa-isang alaala ng kanyang mga magulang sa kanya Kabanata III- Linta Isang dyip ang tumigil sa harap ng tindahan ni Nyora Tentay. Labis na kaba ang naramdaman niya, dahil ng magsimulang dalawin siya ni Caridad. Sa kanilang pook, siya ang may pinakamalaking bahay. Siya din ang takbuhan at utangan ng kanyang mga kapitbahay kahit na ang maging tubo ay beinte porsyento. Nang bumaba na sa dyip ang isang lalaking mataas ngunit kita ang malaking tiyan ay nawala na ang kanyang bahala. Ito pala ay si Doro. Daladala ni Doro ang kwaderno na nagkakalaman ng listahan ng may mga utang kay Nyora Tentay. Natanong ni Nyora Tentay si Doro kung may malalapitan sila sa husgado kung saka-sakali at naikwento ni Nyora Tentay si Caridad Reynante de los Angeles. Kilala pala ni Doro si Caridad, at sinabing siya nga ang anak ng may-ari ng lupang kinatitirikan

ng bahay na iyon. Muling nanumbalik ang nerbyos ng matanda at sinabing may hawak siyang papel, titulo ng kanilang lupa. Mayroong kilala si Doro sa registry of deeds kaya madali na yon. At sinabing pagbumalik dito ang Reynanteng iyon, pakibanggit na lang ang pangalan ni Doro, anak ng Tonyang Bulutong. Siguradong maaalala ni Caridad si Doro dahil dati lamang silang magkapitbahay. At pagkaalis ni Doro, may naghihintay na babae sa labas kasama ni Asyang. Napansin ni Nyora Tentay na mukhang malaki ang pangangailangan nito. Tinanong kung kukuha ba ang babaeng tinawag ni Asyang na Nenita. May dala ang babae na telebisyon at sinabing may mahigpit siyang kompromiso at iniabot na ang pera sa babae pagkatapos ay umalis. Nang mga sandaling iyon ay hindi na naiisip ni Nyora Tentay si Caridad Reynante de los Angeles. Kabanata IV- Salu-Salo Kaarawan ni Leni sa araw na iyon at ang lahat ay nagkakasiyahan at nagdidiwang at ngunit sa bakas ng mukha ni Leni masasabing ayaw nitong magdiwang ng kanyang kaarawan ngunit pinilit siya ni Caridad na magkaroon ng munting salusalo. Sa araw ding iyon ay kasama na ni Salvador ang abogadong hahawak ng kaso sa lupa ni Caridad. Sinabi ni Caridad na kung matatayuan sana iyong lupa na iyon ng apartment, siguradong kikita sila roon. Positibo namang sinabe ni Salvador na malakas ang laban nila sa kaso. Maaari na daw silang magharap ng petisyon sa korte at sinabi ng abogadong palsipikado ang titulong hawak ni Nyora Tentay. Ipinaalam din ni Atty. Agulto na may pinapunta na siyang tao doon para magtanung-tanong at makasagap ng kaunting balita na makakatulong sa kanilang kaso tungkol sa lupa na pag-aari ni Caridad. Dumating na din si Junior kasama ang kanyang mga kabarkada. Kasama niya sina Ben, Doddy, Dante at ang kaisaisang babae na si Betty. Inalok ni Caridad na kumain muna sila ngunit tumanggi sila Junior. Napaisip si Caridad sa kasamang babae ni Junior at pumasok pa sila sa kwarto. Nagkaroon ng ibang pag-iisip si Caridad at ayaw niyang makasama ni Junior ang pangkat na nasa silid ng kanyang anak, lalo na ang babae. Sinabi na lang ni Junior na mananaog sila kapag gutom na sila. Kabanata V- Makabago Tila hindi mawala sa isip ni Caridad kung ganoon na nga ba ang henerasyon ngayon at kung ganoon na rin ba ang mga

babae ngayon. Hindi siya mapakali hanggang sa nanaog na sila ngunit patuloy pa rin ang pagusisa niya sa babaeng kasama ng barkada ni Junior. Nang makaalis na ang mga bisita ni Junior ay hindi na nakatiis ang kanyang ina at Ate Leni sa pagtatanong tungkol sa babaeng iyon. Naisip din kasi ni Caridad na baka mabuntis ni Junior ang kasama nilang babae. Nagalit din si Caridad dahil hindi man lang marunong gumalang ang kanyang mga kaibigan. Paliwanag naman ni Junior na ang babaeng kanilang tinutukoy ay ang girlfriend ng kanyang kabarkada at hindi din niya type ang ganung klaseng babae. Patuloy pa rin ito pagmamalaki sa kanyang mga kabarkada na wala silang communication gap pati na ang generation gap. Hinayaan na lamang siya ni Caridad dahil baka maisipan pa nitong gumawa ng di kanais nais na bagay. Si Nyora Tentay ay galit na galit kay Maring na namomroblema dahil iniwan siya ni Duardo. Nalaman kasi nito na ginagamit lamang siya ni Maring upang makakuha ng pera para sa pagsusugal. Ang natira lamang kay Maring ay ang relos niyang brelyante na binigay ni Duardo sa kanya. Nasabi na rin niya na hindi na siya mangungupahan dahil gusto niyang ilayo sa lugar na iyon ang kanyang anak. Isinanla niya na ang kanyang relos upang makapagbayad sa kanyang utang na upa ng bahay. Habang nag-uusap si Maring at Nyora Tentay, mayroong kotse na pumarada sa harapan ng tindahan ni Nyora Tentay. Lumabas siya ng tindahan dahil siyay hinahanap ng agrimensor na nagtatrabaho para sa gobyerno. Naparoon sila upang magsukat ng lupa at naghahanap ng mga muhon dahil sa kakulangan ng estero sa kanilang lugar at kinabahan si Nyora Tentay at naalala niya si Caridad Reynante Delos Angeles nang maitanong sa kanya kung ilan tao na siyang nangungupahan sa lupang iyon. Kabanata VI- Pakikipagtunggali Naglabas si Nyora Tentay ng isang malaking bote ng wiski, isang malaking boteng panghalo ng inumin, isang malaking sisidlan ng yelo na hugis-bariles at sinamahan pa ng isang malaking lata ng sitsarong baboy laman ngunit hindi pa nakuntento si Nyora Tentay sa kanyang mga inihanda dahil binalutan pa niya ito ng tig-isang sigarilyong blue seal. Tinanong ni Nyora Tentay kung bakit kinakailangang ngayon sukatin ang lupa at ang matugon na sagot ng mga ito ay dahil masyadong malalaki ang lupain na nasasakop ng Canal De La Reina na nagiging dahilan ng pagkawala ng tubig roon at ang pagtakip sa mga lagusan ng tubig. At tumuloy na ang kanyang mga bisita na pinabitbitan pa ng pagkain kang Ingga. Lumabas si Nyora Tentay

sa tindahan at natanaw si Lucing at nagalit dito dahil hindi na binayaran ni Lucing ang hiniram niya kay Nyora Tetay na sa akala ni Lucing ay isang tulong para sa pagpapagamot ng kanyang anak. Ang inaakalang mabuting kalooban sa pagtulong sa kaniyang anak ay isa palang utang na napatungan na ng mataas na tubo. Nagulat si Leni sa kanyang nakita na halos naghihingalo na ang pasyente ng ipatawag siya sa Emergency Room ng charity ward. Isang babaeng wala ng kulay ang mga labi, malalim na ang nakalapat na mga mata at namumutla na ang mga pinsgi. Pilit niyang isinasalba ang babae ngunit hindi na matanggap ng katawan nito ang injection at hindi na rin masalinan pa ng dugo. Kanyang pinirmahan ang papeles at nagulat siyang makitang nakatira ito sa Canal de la Reina. Kabanata VII- Daigdig na Pagdarahop Si Leni ay baguhan pa lamang sa larangang iyon kung kayat hindi pa siya sanay makakita ng mga taong nababawian ng buhay. Kanyang nagunita nang nabanggit ng kanyang ina na siyay maging isang General Practitioner noong hindi pa siya nagdodoktor ngunit nirespeto pa rin ni Caridad ang kagustuhan ni Leni. Sa kalagayan ni Paz Cruz nakita niya kung gaano kahirap ang buhay dahil may mga taong hindi makapagpagamot dahil sa kawalan ng pera at sa pang aabuso na din ng mga tao. Nabalitaan na nga ni Nyora Tentay na namatay na si Paz na ang tawag ng mga taga roon ay Pacing. Kanyang naisip na kikita nanaman siya dahil doon. Maraming makikiramay sa pamilya nito kahit na wala ang katawan roon ni Pacing ngunit mapapansing hindi sila naparoon upang dalawin ang bangkay nito at paniguradong sa kanya sila bibili ng mga maiialok sa mga nakikiramay. Pinuntahan ni Nyora Tentay si Dado na asawa ni Pacing at nakiramay sa kanya ngunit hindi pa rin nakalimutan ni Nyora Tentay ang mga utang ni Dado sa kanya. Kabanata VIII-Pagkapit sa Patalim Patuloy pa rin ang pagiyak ni Dado dahil sa kanyang pangungulila sa kanyang asawa at sa bagong silang nitong anak. Pumayag si Dado sa nais ni Nyora Tentay sa dagdag nitong interes sa ibabayad niya. Sinisisi ni Dado ang kanyang sarili sa pagkamatay ng kanyang asawa dahil napabayaan niya ito at hindi naitakbo agad sa ospital nang may tumawag sa kanya. Ito pala ay si Gracia na asawa dati ni Victor na anak naman ni Nyora

Tentay. Kanyang nabalitaan na pumanaw na nga ang asawa ni Dado kung kayat itoy nakiramay sa kanya. Naalala pa ni Dado na ang damit na pinasuot niya kay Pacing ay ang damit na matagal nang nabigay ni Gracia sa kanya. Sinabi naman ni Atty. Agulto na hindi basta-bastang kalaban si Nyora Tentay, dahil itoy maituturing na makapangyarihan at mapera. Pinalabas na binenta ito ni Caridad kay Osyong at pumirma gamit ang tatak ng kanyang kanang hinlalaki at sinabing may malubha siyang karamdaman sa mga oras na iyon kaya hindi niya siya nakapirma ng maayos. Habang silay naguusap ay tumunog ang telepono na kanya namang agad na sinagot. Siyay nagulat sa kanyang narinig na ang tumawag sa kanya ay si Ingga na katulong ni Nyora Tentay. Kabanata IX- Inisasyon 1 Humihingi si Ingga ng kaunting tulong mula kay Caridad dahil gusto na nitong tumakas sa kalupitan ni Nyora Tentay. Ngunit, sa kasamaang palad ay naabutan ni Nyora Tentay itong gumagamit ng telepono at pinagbantaang baon ito sa utang at hindi makakaalis sa kanyang bahay. Dumalaw si Junior sa Canal dela Reina at hindi siya nagpaalam sa kaniyang mga magulang na gagabihin siya sa araw na iyon. May isang bata ang lumapit sa kaniya, si Bindoy dahil napansin nito na sinusundan siya ni Junior. Kinakabahan naman si Junior dahil hindi niya alam kung saan sila pupunta. Akala ni Bindoy ay naghahanap ng yosi si Junior ngunit ang laman nito ay droga. Siyay dinala ni bindoy sa isang lugar kung saan ay maraming taong mga nakatayo at inabutan siya ng isang serbesa at sinubo sa kanya ang isang kapsula at biglang nag-iba ang kaniyang pakiramdam. Patuloy ang paghingi ng tulong ni Junior sa Panginoon dahil hindi niya na makayanan ang kaniyang nararamdaman. Ang gusto lamang niya ay ang makalayo sa lugar na iyon at mailigtas ang sarili sa kapahamakan. Kabanata X- Inisasyon 2 Namamanhid halos ng buong katawan ni Junior ngunit pinipilit pa rin niyang makapaglakad palayo sa lugar na iyon at patuloy pa rin niyang tinatatagan ang kanyang loob. Sobrang nag-aalala na sina Caridad at Salvador dahil hindi pa nakakauwi si Junior at dis oras na ng gabi. Alam nilang

tumatawag naman ito kung siya ay gagabihin. Nakausap ni Caridad si Dodi at sinabing ligtas siya at nasa bahay nila si Junior ngunit inakala nila Caridad at Salvador na lasing ito. Patuloy ang paghingi ng patawad ni Junior sa kaniyang nagawang kasalanan. Nasabi ng ama ni Dodi na siya ay nakainom ng isang droga at ang nagpasama pa rito ay sinamahan pa ito ng serbesa. Kaagad silang bumili ng gamot para bumuti ang pakiramdam ni Junior. Sinabi ni Caridad na ang lupa ang susi ng lahat. Dahil konektado ang nangyari kay Junior sa lupa. Hinala din nila na ang may pakana ng nangyari kay Junior ay si Nyora Tentay upang sila ay matakot sa kayang gawin ng matanda. Kabanata XI- Pagkamulat Masakit pa rin ang ulo ni junior ngunit pakiramdam niya ay nakabawi na siya sa tulog. Sinabi ng kanyang Ate Leni na uminom siya ng maraming tubig upang mahimasmasan siya. Pinipilit niyang buhayin ang kanyang isip at sarili., Binabalikan din niya ang mga naganap bago siya tuluyang manghina at tinananong niya ang kanyang ina kung may napansin siyang aso sa bahay nila Nyora Tentay. Sinabi ni Bidoy na sadyang napakalaki ng asong iyon.Si Nyora Tentay daw mismo ang nagpapaligo at nagpapakain dahil walang makalapit sa aso dahil sa sobrang katapangan nito. Naging malinaw sa isipan ni Junior ang katauhan ni Nyora Tentay. Sinabihan siya ng tsuper na wag nang babalik doon. Sinabi rin ng tsuper na isang pulis ang naghatid sa kanya kaya masasabing guwardiyado ang lugar na iyon. Simula elementarya ay nag-aaral na siya sa isang eksklusibong kolehiyong panlalaki na pinamamahalaan ng mga pari. Marami siyang naging kamag-aral na mayayaman at mayroon ding nasa panggitnang antas ng kabuhayan. Sumali sila Junior at Elmo nang magkaroon ng demostrasyon ang mga kabataan at estudyante sa harap ng kongreso upang ipakita sa pangulo ang damdamin ng bayan. Tumulong sila sa paghahanda ng itim na kabaong na inihagis sa sasakyan ng pangulo at gumawa rin sila ng isang malaking paper-mache na buwaya na kinabitan ng pangalang Marcos. Maraming nasaktanat mga nasugatan. Walang patawad ang mga pulis sa mga gingawa nila. Binawian ng buhay si Elmo dahil inabutan siya ng mga pulis. Inilipat si Junior nang eskwelahan. Marami ang nag-iba sa kanyang buhay. Napalitan ng arkitektura ang kanyang hangaring mag-aral ng batas at nagbago rin ang kanyang mga kasama.

Dumating si Leni at si Vic sa bahay nila Caridad. Nag-usap sila sa teresa. Hindi natapos ni Vic ang kanyang kinakain dahil nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan kaya mas minabuti na lamang niya na umalis . Kabanata XII- Banta ng Sigwa Tumawag si Nyora Tentay kila Caridad, at si Inyang ang nakasagot. Gusto nito makausap si Caridad ngunit hindi siya kinausap nito at nagbilin na tatawag ulit tungkol sa usaping lupa. Nagbigay ng lagay si Salvador sa sheriff dahil parang naging routine na iyon. Nagulat si Caridad noong sinabi ni Salvador iyon dahil ngayon lamang ginawa ni Salvador ang magbigay ng lagay. Kaya nga hindi nagtagal si Salvador sa trabaho niya sa gobyerno dahil ayaw na ayaw niya sa mga suhulan. Tinanong ni Caridad kung magkano at bakit kailangang magpalagay at sinabi naman ni Salvador na maliit lang ang binigay niya at bahala na raw si Attorney. Mabuti nga raw na nauna sila kay Nyora Tentay na maglagay dahil baka lalong maapektuhan ang kanilang apila tungkol sa lupa. Nabalisa si Nyora Tentay sa sinabi ng kanyang anak na kailangan niyang humarap sa piskalya. Naghahanap si Nyora Tentay ng isang magaling na abogado at naisip ni Victor ang kanyang biyenan ngunit umayaw si Nyora Tentay at pinagpipilitan ang congressman niyang kaibigan na abogado rin. Ngunit ayaw iyon ni Victor dahil maaari silang matalo sa kaso dahil iyon ay kabilang sa gobyerno at maaring mabahiran ng usaping pulitika. Kabanata XIII- Unang Senyal Si Attorney Pea ang kinasundo ni Nyora Tentay na humawak ng kanyang kaso na noong una ay tutol ito sa pagtanggap sa kaso pero noong binigyan na siya ng sobre agadagad siyang nagbago ng isip at tinanggap ito. Pinag-usapan nila ang mangyayari sa unang hearing. Agad nadama ni Nyora Tentay na siya ay hindi maipagtatanggol ni Attorney Pea kaya nanghinayang siya sa pera na ibinigay dito. .Noong araw ng unang hearing. Buo ang mag-anak ni Caridad na nagtungo sa piskalya. Unang isinalang si Caridad at sinimulan siyang tanungin ng abogado ni Nyora Tentay ukol sa lupa. Sinabi ni Caridad na galing pa sa kanyang ninuno ang lupang iyon. Nagkasagutan ang dalawang kampo at

ipinapatawag ulit sila para sa pangalawang hearing dahil sa pagwawala ni Nyora Tentay. Tinawag ni Leni ang kanyang ina at sinabi na may naghahanap sa kanya na ang pangalan ay Gracia Montes. Kabanata XIV- Ikalawang Senyal Lumabas sina Caridad at Leni sa bulwagan upang kausapin si Gracia Montes. Pinabayaan na nila si Atty. Agulto na makipagtalo dahil alam na nito ang pasya ni Caridad na hindi sila tatanggap ng anumang uri ng pakikipag-ayos maliban kung ibabalik sa kanila ang lupa. Nang makita na nila si Gracia sa kanyang Volkswagen, linapitan nila ito at sinabi sa kanila na sa telepono na lamang sila mag-usap. Iniabot ni Gracia ang isang tarhetang may nakalagay na numero ng kanyang telepono, at sa ilalim ng kanyang pangalan ay ang maliliit na titik na Piano teacher at Plaridel Village. Ibinigay naman ni Caridad ang numero ng kanyang telepono kay Gracia. Tatawagan daw ni Gracia si Caridad pag dating nito sa kanyang bahay. Pagbalik nila sa piskalya ay tapos na ang hearing. Binalitaan na lamang sila na pinapaghaharap ang panig nila Nyora Tentay ng sagot sa loob ng 10 araw. Ayon kay Atty. Agulto, maganda ang tinatakbo ng kanilang kaso, at nahanap na rin niya kung saan naroroon si Tisya. Inihatid na nilang mag-anak si Leni sa pagamutan dahil 2 araw nalang ay magsisimula na ang pag-kuha ni Leni ng board exams, ang una sa isang buwang pagsusulit, tuwing araw ng Linggo. Sa bahay ni Geronimo M. Marcial nakatira si Gracia. Si Geronimo ay ang anak ni Gracia at Victor. Siya ay isang practitioner na doktor ng pediatrics. Sa sandaling iyon ay nasa kanyang sariling silid si Gracia, nasa harapan niya ang telepono at kinakabahan na tinawagan si Caridad. Kinuwento niya kay Caridad ang kanyang buhay nang nakalipas na dalawamput pitong taon. Dati siyang manugang ni Nyora Tentay at asawa ni Victor. Alam niyang pinagtatawanan ni Nyora Tentay ang kanyang propesyon, kung kayat noon pa man ay naramdaman niyang hindi sila maaaring magkasundo, maliban na lamang kung magsasarili sila ni Victor na ayaw naman nito. Inamin niyang minahal niya dati si Victor, ngunit ngayoy wala na siyang paggalang sa kanya at hindi na niya ito mahal. Dati ay umasa daw si Victor na babalik siya sa kanya dahil sa kanilang anak, ngunit hindi alam ni Victor na ayaw niyang mamulatan ang kanyang anak sa ugali nila Victor at Nyora Tentay kaya tuluyan

niyang hiniwalayan si Victor. Ikinwento rin niya na naroon pa siya nang bilhin nila Nyora Tentay ang lupa sa Canal dela Reina. Marami raw milagro sa bilihang iyon, kaya handa raw siyang tumestigo kung kailangan nila ang tulong niya. Pagkatapos ng kanilang paguusap, dumating ang anak ni Gracia sa kanilang tahanan. Kabanata XV- Unos Ikinwento ni Gracia kay Geronimo na iniimbitahan sila ni Caridad sa kanilang bahay sa Makati, at binanggit rin niya ang anak na babae ni Caridad. Parang ipinapares niya ito kay Geronimo, ngunit hindi alam ng kanyang ina na ayaw niyang maranasang umibig. Ayaw niyang masaktan dahil alam niyang magkakahiwalay lamang sila ng magiging kahati niya sa buhay pagkalipas ng panahon, katulad ng nangyari sa kanyang mga magulang. Binanggit rin ni Gracia sa kanyang anak ang tungkol sa lupain nila Caridad, at kung paano siya handang tumestigo kung kinakailangan, ngunit sinabi ni Geronimo na ayaw niyang mapasama pa si Gracia roon kahit sa anong paraan. Ang totooy ayaw na niyang maugnay sa kahit na anong paraan ang kanyang ina kay Victor. Ayaw na nga niya itong makita. Noon ngay nung kasusulit ni Geronimo sa pagka-manggagamot, nakasama siya sa unang sampung nanguna. Nailathala sa pahayagan ang kanyang larawan, kayat malamang ay nakita ito ni Victor at pumunta sa kanyang pagamutan. Nagpakilala siya, ngunit malamig ang pagtanggap ni Geronimo sa kanya. Sa dami ng mga narinig niya sa kanyang ina kung bakit sila nakahiwalay sa kanyang ama, hindi siya nakadama ng pananabik sa kanilang pagkikita. May tinangkang iabot si Victor sa kanya galing sa bulsa nito, ngunit itinigas ni Geronimo ang kanyang palad kaya nalaglag ang ibinigay sa kanya. Hindi siya lumingon kahit narinig niya ang mahinang tinig ni Victor. Ito ang gunitang naalala niya sa kanyang diwa nang mabanggit ni Gracia ang usapin sa lupa. Sinundo na nila Caridad si Leni, at ikinuwento sa kaniya ang nangyari sa husgado. Nagbitiw ng hindi magandang salita si Nyora Tentay nang siya ay tanungin ni Atty. Agulto. Dahil ditoy nabahala siya. Kaya daw galit na galit si Nyora Tentay dahil dumating si Gracia, ngunit hindi niya kasama si Geronimo. Nang marinig ni Leni ang pangalan ni Geronimo, naalala niya ang mga naging pagkikita nila. Una ay nang anyayahan ni Caridad ang mag-ina sa isang hapunan sa kanilang bahay. Nang pagkakataong iyon, nagunita rin niya si Vic, hindi dahil magkapangalan sila ng ama ni Vic, kundi malimit na

kinukuwento nito ang nasisirang oras ng usapan bunga ng mga kaabalahan sa pagamutan. Hindi mauunawaan iyon ng isang hindi katulad ang propesyon. Pangalawa, nagtungo si Geronimo sa pinaglilingkuran niyang pagamutan dahil may sinamahan siyang batang pasyente na ipinasok sa Pediatrics, kaya naisip niyang hanapin si Leni. Pangatlo, dinalaw ni Geronimo ang pasyente niyon at pinuntahan siya sa kanyang department. Pang-apat, kasama si Geronimo nang ilabas ang bata. Dumaan uli sa kanyang kinaroroonan. Sa mga pagkakataong iyon, nagugunita niya si Vic. Isa sa malimit na masabi niya kay Vic ay ang ukol kay Geronimo, ngunit ayaw ni Vic na pagusapan siya at sinabi pa nga niya na hindi niya gusto ang doktor na iyon. Kabanata XVI- Baha Napakalakas na nang ulan. Lubog na sa Maynila, kaya nag-alala ng husto si Caridad para kay Leni dahil madaling lumubog sa pook ng pagamutan. Nagbukas sila ng radyo at narinig nila sa balita na ang pagamutan ng lungsod ay binaha na ng husto, labis na kaba ang naramdaman ni Caridad para sa anak. Sinimulan nang ilikas ang mga pasyenteng nasa unang palapag ng gusali dahil naabot na ito ng tubig. Hindi na makapasok ang ambulansya sa loob ng pagamutan. Nag-alala pa lalo si Caridad para kay Leni. Ayon rin sa balita, nagsisimulang magpakita ng palatandaan na maaaring sumabog ang isang malaking dike sa Pampanga. Dahil dito, maaaring lumubog ang buong lalawigan, at madamay pati ang mga karatig na lalawigan ng Bulacan, Bataan, Tarlac, at maaaring ang buong Gitnang Luzon. Naisip ni Caridad ang kanilang palayan sa Bulacan, at lalo na kung ano na ang nangyayari sa kanyang Ate Anita. At sa hindi inaasahang pangyayari bigla na lamang nawalan ng kuryente, dahil sa lakas ng hangin. Samantala, pumasok na ang tubig sa bahay ni Nyora Tentay. Sila lamang ni Ingga ang nasa bahay dahil bihira nang umuwi si Victor mula nang kumalat sa kanilang pook ang balita ng usapin niya na iniharap ni Caridad. Lumapit noon si Victor kay Gracia, ngunit hindi man lamang siya hinarap nito. Dahil ditoy pinagalitan siya ni Nyora Tentay dahil ayaw niyang lumalapit ito kay Gracia. Mula noon ay hindi na ito nag-uuwi, at natuklasan ni Nyora Tentay na may inuupahang apartment si Victor. Ibang-iba na si Victor. Hindi na ito ang dating palasunod sa lahat ng sinasabi ni Nyora Tentay. Natuto na itong sumagot sa kanya. Ngayon ay kailangan niya si Victor dahil bumabaha na sa kanilang bahay. Bigla na lamang may mga taong kumatok sa

kanyang pinto at nagsisigaw, nagmamakaawang patuluyin sila dahil baha na sa kanilang bahay, at siya lamang ang may mataas na bahay sa Canal dela Reina. Pinagkaitan niya sila. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang bayong na naglalaman ng mga alahas, pera, pilak at mahahalagang papeles kasama na ang titulo ng kanyang lupa. Tinawag niya ang pangalan ng panginoon upang humingi ng tulong dahil natatakot siya sa mga taong kumakatok sa kanyang pinto. Matagal na rin niyang hindi natatawag ang pangalan ng panginoon. Winasak na ng mga tao ang pintuan ng kanyang bahay upang makapasok sila, kaya wala na siyang nagawa. Naramdaman niyang nawalan na lamang siya bigla ng lakas at siyay tuluyan ng natangay ng rumaragasang tubig. Marahil ito ay isa na ring karma sa pagiging makasarili niya sa buhay. Kabanata XVII- Ama at Anak Nang siya ay magkamalay hindi niya makilala ang mga tao sa kanyang paligid. Tila hindi niya mamukhaan kung nasaan siya. Bigla niyang nagunita ang kanyang mga suot na brilyantes pati ang mga papel na pera sa kanyang bulsa ay wala na rin. Siyay tumili ng maramdaman niyang may sumakit sa kanyang ulo at nasalat niyang mayroon siyang sugat na nakuha niya sa pagkakatangay ng malakas na agos ng tubig. Hinahanap niya ang utusan niyang si Ingga ngunit wala. May lumapit sa kanya na dalaga na gustong tumulong sa kanya ngunit tumatangi siya at patuloy na hinanap si Ingga. Tinanong si Nyora Tentay kung mayroon man lamang siyang kamaganak at sinabi niya na may anak siya na ang pangalan ay Victor. Sa tahanan ng mga Caridad ay nawalan na ng tuluyan ang kuryente ngunit hindi naman naputol ang linya nang kanilang telepono. Hindi pa umuuwi si Leni dahil sa trabaho niya,marami ang nangailangan ng tulong dahil sa bagyo. Nagkaroon pa ng pagtatalo si Junior at ang kanyang magulang. Una dahil gusto tumulong ni Junior sa mga "rescue operations" at ayaw pumayag ng kanyang magulang dahil alam nilang delikado ang nais ni Junior. Pangalawa sinisi nila ang gobyerno, sabi ni junior na wala naman daw natutulong ang gobyerno kapag walang pera na kasama. Ang henerasyon daw ng kanyang magulang ay walang ginagawa masyado sila mahinhin na hindi sila nagrerebelde. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-ama. Kabanata VIII- Pagkikilala

Pagkatapos ng matinding pagsasagutan ng mag-ama ay napag-isipan ni Salvador na may punto din naman ang kanyang anak na si Junior kaya pinagbigyan niya si Junior na pumunta sa rescue operation basta lamang daw ay mahanap niya ang utusan ni Nyora Tentay. Mabilis siyang umalis ng bahay kasama si Dodi, ang kanyang kaibigan. Bago sila nakarating sa mismong rescue operation napadaan sila sa ospital na pinapasukan ni Leni at kinamusta siya ni Junior. Pagkatapos ay napunta na siya sa rescue center na Sampaguita Health Center. Sa awa ng Diyos ay nakita niya agad ang katulong ni Nyora Tentay na si Ingga. Siya ay tuwang tuwa dahil may pag-asa na dumating sa kaniya. Itinanong niya kung siya ba ang anak ni Caridad at bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan. Tinanong niya kay Junior kung maaari ba siyang sumama rito at sinabi naman ni Junior na magintay lamang ito ng kaunting oras dahil silay tutulong pa sa mga nasugatan sa center. Kabanata XIX- Langit at Lupa Halu-halong emosyon ang naramdaman ni Caridad nang makita niya si Ingga na kasama ni Junior. Tuwang-tuwa naman si Ingga nang makarating siya sa bahay ni Caridad. Para siyang nakawala sa isang napakasikip at madilim na lugar. Ipinakita naman ni Ingga ang isang bayong na puno ng mga brilyantes na mga alahas, mga salaping papel at ang titulo ng lupa sa Canal de la Reina. Nagulat sila Caridad sa nakita nila. Umamin si Ingga na hindi niya iyon napulot kung hindi ay inagaw niya ito kay Nyora Tentay upang maging kabayaran sa mga ginawa nito sa kanya. Nagaalala sila Caridad at hindi nila alam kung ano ang dapat gawin dahil hindi pa sila nakakasigurado kung buhay pa o patay na si Nyora Tentay. Kabanata XX- Sagandaan Dumating na si Salvador sa kanilang bahay na putikan at halatang pagod na pagod. Masaya siya dahil walang nasaktan sa kanilang opisina. Si Junior naman ay bumisita sa Ate Leni niya na tumulong din sa mga naging biktima ng baha. Ipinakita ni Caridad kay Salvador ang laman ng bayong at nagulat rin ito sa kanyang mga nakita. Ayaw nang ibalik ni Ingga ang bayong dahil gusto niya maghinganti kay Nyora Tentay. Kinumbinse naman ni Salvador at Caridad na ibalik ang bayong dahil masamang maghiganti lalo na kung walang katiyakan kung nasaan na si Nyora Tentay.

Si Nyora Tentay naman ay walang bukang bibig kung hindi ang bayong na nawalay sa kanya. Dumating si Victor upang hanapin ang kanyang ina. Natagpuan niya iyon sa Lakandula rescue center. Nanibago siya sa itsura nito at ng nilapitan niya ay hindi siya pinansin nito dahil sa pagiging abala mahanap lamang ang kanyang bayong. Ang tanging sinasabi nito ay ang pagkawala ng kanyang bayong. Dumating ang mga manggagamot at sinabi na kailangan siya dalhin sa mas pribadong ospital upang matutukan ang kanyang kundisyon ngunit wala silang mahanap kung hindi ang Mental Hospital. Dumating na ang mga taga-medical team at mga relief workers at sinamahan sila papuntang Mental Hospital. Doon niya nakita ang kanyang anak na si Geronimo papunta sa isang emergency room kasama ang mga medical team dahil may babaeng manganganak. Nang dumaan sila sa harap nito ay hindi pinansin ni Geronimo ang kanyang ama. Kabanata XXI- Maliit ang Daigdig Nakapanganak ng maayos ang nasabing babae. Magkahalong tuwat lungkot ang nararamdaman ng babae dahil hindi man lamang naabutan ng kanyang asawa ang kanilang anak dahil ito ay namatay dahil sa mabilis na ragasa ng baha. Inaasahan na ni Gerry na kasama sa mga nasalanta ang kanyang lola na si Nyora Tentay. Nagtama ang kanilang mata kung kayat wala na siyang nagawa kung hindi lapitan ito. Ayon sa kanya ay mukhang nagkaroon lamang ito ng nervous breakdown. Nang may biglang lumapit kay Gerry na humihingi ng tulong dahil malubha na ang lagay ng kanyang anak. Agad na tinawag ni Gerry si Leni upang tumulong sa pagsalba ng bata at kinailangan na itong itakbo sa ospital upang malapatan ng lunas. Habang nasa biyahe sila papunta sa ospital ay naikuwento ni Gerry na nakita niya doon ang kanyang ama at ang kanyang lola na talagang ikinakahiya niya. Ipinakita naman ni Leni na wala iyon sa kanya dahil andun sila upang tumulong ng mga taong may karamdaman. Umiyak ng malakas ang kargang bata ng inang humihingi ng tulong sa kanila kung kayat naputol ang kanilang usapan at nagmamadali ng malapatan ng lunas ang bata. Kabanata XXII- Pasiya Umuwi muna si Gerry mula sa ospital para tignan ang mga pasyente sa kanyang klinika. Napagusapan nila ni Leni ang

kahalagahan ng kanilang trabaho lalung-lalo na dahil hindi sila binayaran sa kanilang serbisyo. Naisip tuloy ni Leni na maging General Practitioner kaysa sa magespesyalista sa larangan ng Pediatrics. Simula ng dumating sa buhay ni Gerry si Leni ay gumaan ang loob nito at nabubuo ang espesyal na pagtingin kay Leni. Sinabi ni Geronimo ang nangyari kay Nyora Tentay at sinabi ni Gracia na isa iyong aral kay Nyora Tentay upang malaman niya na hindi kanya ang mundo. Patuloy pa rin ang pagkumbinse ni Caridad at Salvador kay Ingga na isauli ang bayong. Sabi ni Ingga na ayaw niyang isauli ang bayong dahil ayaw na niyang makita pa ulit si Nyora Tentay dahil ayaw na niya bumalik doon. Nagboluntaryo naman si Junior na siya na lamang ang magaabot ng bayong sa pamilya ni Nyora Tentay dahil siguradong hindi siya pagiisipan ng masama nito dahil isa siya sa mga volunteers. Kanya na lamang daw papalabasin na napulot niya ito kung saan man. Kabanata XXIII- Nilikha ukol sa iba Si Junior ang nakapilit kay Ingga upang maibalik kay Nyora Tentay ang bayong nito. Ngunit mas gusto pa rin ni Ingga na huwag na itong isauli pa kay Nyora Tentay dahil gusto niya talagang makaganti rito ngunit sinabi sa kanya ni Caridad na para na rin siyang nakaganti kay Nyora Tentay sa kung ano mang nangyari sa matanda. Iniayos na ni Caridad ang mga gamit na nasa loob ng bayong. Kanilang pinatuyo ang mga basang perang papel pati na rin ang mga mahahalagang papeles na laman nito. Nilagay nila sa supot bago ilagay sa paper bag. Nang paalis na si Junior at si Salvador nasabi bigla ni Junior na siya ay natatakot at sinabi naman ni Salvador na normal lamang iyon dahil alam niya kung ano talaga ang laman ng bayong. Nang makaalis sila Salvador at Junior ay may taong dumating at nagpakilalang siya ay si Tisya. Inilahad ni Tisya ang totoong nangyari sa pagbili ni Nyora Tentay nang kanilang lupa sa Canal de la Reina. Kanyang sinabi na pinilit lamang ni Nyora Tentay si Osyong na ibenta ang lupa para mawala na ang utang nito kay Nyora Tentay. Kaya dahil doon nalinawagan si Caridad at Salvador sa kung paano napunta ang lupa kay Nyora Tentay. Hindi napigilan ni Ingga na hindi sumabat sa pinaguusapan nila dahil alam na alam ni Ingga ang ganung sistema na ginagawa ni Nyora Tentay sa lahat ng tao na may utang sa kanya. Mas lalong naging sakitin si Nyora Tentay dahil lalo siyang namumutla sa bawat araw na lumilipas kakahanap niya sa

kanyang nawawalang bayong. Walang magawa ang mga nurse sa ospital kung hindi ay turukan nang pampatulog si Nyora Tentay dahil hindi nila ito mapakalma at hindi rin ito makatulog. Dumating naman si Junior kung nasaan si Nyora Tentay at siya ay hinarap ni Victor. Kabanata XXIV- Sumbat Ipinakita ni Junior ang laman ng bayong na dala niya. Nakita ni Victor na ito ang bayong na matagal ng hinahanap ni Nyora Tentay. Tuwang-tuwa si Victor na naibalik na ang bayong ng kanyang ina na maaring makapagpagaling sa matanda. Inabutan ni Victor si Junior ng anim na lilimampung salaping papel ngunit itoy tinanggihan ni Junior. Siyay paalis na at naalalang kunin ni Victor ang pangalan ng taong nagbalik ng bayong at sinabi ni Junior na siya ay si Salvador de los Angeles Jr. Dahil sa ginawa ni Junior ay napaisip si Victor na naturuan sila ng leksyon dahil doon. Sa kabila ng pagkakagalit ng kanilang pamilya dahil sa lupa ay nagmagandang loob pa rin ang mga De los Angeles sa kanila. Pumunta si Junior sa ospital na pinapasukan ni Leni at ibinalita niyang hindi niya tinanggap ang binibigay nitong salapi na katumbas sa kabutihang loob na ginawa niya. Kasama niya doon si Leni at si Gerry na apo ni Nyora Tentay. At nakibalita si Leni kay Junior tungkol sa kanilang mga magulang. Ayaw na ayaw ni Leni na nagtatanim ng galit si Gerry sa kanyang lola at ama. Silay nagusap at mukhang nahimasmasan si Gerry na balak na niyang makipagusap sa kanyang ama ngunit pinipigil siya ng kanyang loob na maaring hindi pa ito matanggap ng kanyang ina. Kabanata XXV- Saan sa Kahapon Iniabot ni Junior sa kanyang ina ang isang kapirasong papel na nilagdaan ni Victor bilang patunay na natanggap na nila ang bayong. Ilang beses inuulit ni Caridad na mas gugustuhin niyang gumaling si Nyora Tentay dahil mas magiging kaparusahan sa kanya kung titino ang kanyang isip at malalaman nito ang mga nangyayari sa kanyang paligid lalo na ang pagbawi ng mga De Los Angeles sa kanilang lupa. Sa kabilang banda naman ay ipinakita ni Victor sa doktor ng kanyang ina na nasa kanila na uli ang bayong at maaari itong makatulong sa mabilis na paggaling ng kanyang ina ngunit hindi na ito maalala pa ni Nyora Tentay.

May klinik noon si Gerry ng biglang bumisita ang kanyang ina upang ayain ito na kumain sa labas. Hindi inaasahan ni Gerry na dadating ang kanyang ama upang humigi ng tulong. Kabanata XXVI: Masikip sa tatlo ang Mundo Hindi malaman ni Gerry kung anong gagawin dahil nasa klinika rin niya ang kayang ina. Humingi ng tulong si Victor kay Gerry kung mayroon ba ito mairerekomendang doktor para sa kanyang lola dahil alam ni Victor na mas madaming kilalang eksperto si Gerry at maaari pa nila itong bigyan ng presyong kaibigan. Nagrekomenda naman ng doktor si Gerry bilang tulong at nabanggit ng kanyang ama na kung puwede ba nitong maimbita kumain ng hapunan kasama ang kanyang ina, nang biglang lumabas si Gracia sa resting room ni Gerry sa klinika at biglang nagkatitigan ang dalawa at hindi inaasahan ni Victor na makikita niya ulit si Gracia sa unang pagkakataon mula ng sila ay maghiwalay at tumuloy na nga si Victor. Naghapunan na sa labas ang mag-ina at napagusapan ni Gerry na mukhang humihingi na ng tawad ang kanyang ama rito ngunit hinayaan lang ito ng kanyang ina. Napagusapan din ni Gerry ang pagpapahiwatig niya sa kanyang ina na gusto nang pakasalan ni Gerry si Leni. Kabanata XXVII- Sa Pintuan Kumain sa labas ang mag-ina. Talagang tinanggal na ni Gracia sa buhay niya si Victor dahil sa mga nagawa ni Nyora Tentay at Victor sa kaniya. Sinabi rin ni Geronimo na iniimbita sila ni Victor mananghalian o maghapunan ngunit ang sagot ni Gracia ay hindi pa rin nagbabago si Victor dahil hindi pa rin siya makatayo sa sarili niyang mga paa. Noong binanggit ni Gracia si Leni sa kanilang pag-uuspan nakita ni Gracia ang kaligayahang nakaguhit sa mukha ng kanyang anak. Tintanong ni Doktor Jalandoni si Nyora Tentay na kung ang bayong daw ba ay sa kanya at sinagot ng malakas ni Nyora Tentay sa kanya iyon ngunit hindi lang niya maalala kaya ang ginawa ay pinatulog siya nito ng ilang sandali para maalala niya ang mga nakalimutan niya noong nakaraan na bagyo. Pagising ni Nyora Tentay ay naalala nga niya na nagkaroon nga ng bagyo ngunit yun lamang ang naalala niya at pumikit muli siya at hinayaan na ni Victor at ng doktor. Inuwi ni Victor si Nyora Tentay sa bahay. May konting pagababago na sa kalagayan niya. Nakakapag-salita na siya. Dahil bilin ni Doktor Jalandoni na

palagi dapat siyang kakausapin ukol sa bayong niya upang matulun9gan siyang makrecover. Pagkatapos ay nakipagkita na si Victor sa kaniyang anak na si Gernomio, una sa Gernoimo ang ang gusto magbayad sa kahera pero pumilit si Victor na siya na lamang ngunit hindi pa din pumayag si Geronimo kaya pinabayaan na lamang ni Victor. Nasaktan si Victor. Pumunta si Victor sa tahanan ni Gracia ngunit hindi kaagd siya pinatuloy doon. Kabanata XVIII- Pagsuko Inakala ni Gracia na ang kanyang ama ang kanyang bisita, ngunit si Victor pala ito. Noon pa daw sana bibisita si Victor pagkatapos nilang magkita sa klinika ni Gerry. Pinatuloy ni Gracia si Victor sa bahay dahil ibig niyang makita nito ang layaw na tinatamasa ni Geronimo nang wala si Victor at hindi tinutulungan nito. Hiniling ni Victor na makasama si Gracia sa kanila ni Gerry kung kumakain sila sa labas. Ikinwento rin niya na malinaw na ang isip ni Nyora Tentay dahil sa doktor na inirekomenda ni Gerry. Sinabi rin niya na hindi na nila ilalaban ang kaso. Bahala na daw ang abogado at ang husgado. Sinabi na rin ni Victor ang tunay na pakay niya kay Gracia at ito ay ang pag-usapan ang plano nila Leni at Geronimo, ngunit ang sinabi lamang ni Gracia ay magagawa nila ang kanilang gusto nang hindi na kailangan ang permiso ng mga magulang. Ibig niyang ipamukha kay Victor ang mga ginawa ni Nyora Tentay na pumagitan sa kanila hanggang tuluyang mawasak ang kanilang pagsasama. Nang aalis na si Victor, nag kamay sila at nang mag dikit ang kanilang mga palad ay gumapang sa kanyang kabuuan ang damdamin mula sa mga daliri nito. Hindi matanggap ni Victor na ibalik si Nyora tentay sa dati nilang tirahan sa Canal de la Reina, kahit iyon ang payo ng doktor. Muli niyang dinalaw ang pook na sinalanta ng baha. Habang naglalakad ay nakasalubong niya si Delang, ang asawa ni Doro. Ibinalita niya na namatay na si Doro. Maraming kwentang hawak si Doro, at nang matapos ang baha, hindi niya naisipang hanapin ang mga taong alam niyang may utang kay Nyora Tentay. Ibinalita rin niya na bawal nang magpatayo ng bahay sa Canal de la Reina, kung hindiy paaalisin ng gobyerno. Ibinalita rin niya na namatay na rin si Dado, ang asawa ni Pacing. Nakasalubong rin niya si Justo, ang laging ipinatatawag ni Nyora Tentay tuwing may ipapaayos sa bahay. Alam niyang lagi nitong

tinutukso si Tisya. Tinanong nito kay Victor kung may balita na kay Tisya na matagal nang nawawala. Maraming tao ang namatay dahil sa baha. Pati nga si King Kong ay nawawala pa rin, ngunit sapat na kay Victor ang walang nag-uusisa tungkol kay Nyora Tentay, gayong alam niyang pinaguusapan ng buong pook ang wariy pagkabaliw nito. Sa sandaling iyon, natiyak ni Victor na iiwan na nila ang Canal de la Reina, sa gusto o ayaw ni Nyora Tentay. Kabanata XXIX- Papalapit na Wakas Bumalik si Victor sa kanyang tirahan para makita ang ina. Ibinalita nito kay Nyora Tentay na ang kanyang tirahan sa Canal De la Reina ay tuluyan ng nasira ng nagdaang bagyo. Nagising si Nyora Tentay at nagtanong tungkol kay Ingga. Sinisisi niya ito sa pagkawala ng mga alahas nito. Ipinagtapat rin ni Victor na gusto na niyang magsarili at magkaroon ng sariling bahay. Ngunit alam na nilang panalo na sila Caridad kahit na hindi pa nadedesisyunan ng korte kung sino ang panalo o hindi. Binitiwan na ng abogado ni Nyora Tentay ang kaso ngunit nagpumilit pa rin si Nyora Tentay hanggang malitis ang kaso. Ang hatol ay ang lupa sa Canal Dela Reina ay orihinal na pagmamayari ni Caridad. Marami ng tumatawag sa bahay ni Caridad upang batiin ang pagpasa ni Leni sa board exam. Si Leni naman ay tuwang tuwa dahil mamanhikan si Gerry sa kanyang pamilya kasama ang kanyang ama, si Vic. Kabanata XXX- Dito Babangon Hindi inaasahan ni Vic na siya ay buong pusong pa ring tatanggapin sa tahanan nila Caridad at Salvador. Binati naman agad ni Vic si Leni sa pagpasa ng board exam at sa pagiging opisyal na doktora. Habang naguusap sila sa may sala at naanigan ni Vic si Ingga sa salamin at tinawag niya ito na nagbigay takot naman kay Ingga. Inamin na ni Caridad kay Vic na si Ingga talaga ang nakakuha sa bayong ni Nyora Tentay. Gustong bawiin ni Vic si Ingga upang ipaalam sa kanyang ina na ang nakakuha ng bayong nito ay si Ingga ngunit ayaw na ni Ingga na bumalik pa ulit kila Nyora Tentay at itoy luluwas na ng probinsya sa araw din na iyon.

Sinabi na ni Gerry na magpapakasal na sila ni Leni ngunit parang kinakabahan pa siya sa mga mangyayari . Ipinaalam din ni Gerry ang mga plano nilang dalawa ni Leni lalo na ang pagpapatayo ng ospital sa loob ng kanilang bakuran na malapit rin sa kanilang bahay. Ang ospital na ito ay para lamang sa mga taong walang panggastos upang ipagamot ang kanilang mga anak. Araw na ng kasal ni Gerry at Leni ng lumambot na muli ang puso ni Gracia sa dati niyang asawa na si Victor. Naitanong ni Caridad kay Junior kung may naiisip na itong konsepto o plano sa balak na ospital ng kanyang kapatid dahil alam ni Caridad na gusto talaga ni Junior ang Architecture. Naisip ni Junior na ang magandang itayo roon ay ang isang simbolo ng pagtindig ng isang bagong pamayanan na malaya. Itoy kanyang naisip dahil kinakailangan nila ng pagbabago at kinakailangan rin magkaroon ng kahulugan ang lupang iyon hindi lamang bilang isang lupang sinilangan ng kanilang ina kung hindi simbolo ng pagbabago. V. Pagsusuri sa kabuuan ng Nobela a. Makatotohanan ba ang Nobelang Binasa?

Opo, dahil ang Nobelang ito ay nagpapakita ng mga pangyayaring makikita at maihahantulad natin sa mga kasalukuyang pangyayari. Tulad na lamang ng pang-aagaw ng lupa ni Nyora Tentay. Sa pangyayaring ito pa lamang masasabi na natin na ang Nobela nga ay sadyang makatotohanan, dahil kadalasan sa mga pangyayari ngayon kahit na ikaw ay may sariling lupa kung mayroong mas makapangyarihan kaysa sa iyo, matatalo ka pa rin sa laban. Marami ring mga taong mapang abuso, mapagsamantala at makasarili, tulad ng katangiang ipinakita ni Nyora Tentay sa Nobela. Hindi niya iniisip ang kapakanan ng kanyang kapwa, ang tanging isinasaalang-alang lamang niya ay ang kanyang sariling kalagayan. Wala siyang konsiderasyon sa nararamdaman ng kanyang kapwa, ang sa kanya lamang ay ang ikayayaman at ikabubuti niya.Ang sa kanya ay kanya at walang sinuman ang maaaring makialam sa pagmamay-ari niya, ito ang pananaw na pinaiiral niya. Parang sa panahon ngayon, maraming mga tao ang makasarili at mapagsamantala sa kakayahan ng kanyang kapwa, kapag alam nila na kaya nila ang isang tao ipagpapatuloy nila ang pananamantala nila sa kakayahan ng kanyang kapwa.

B. Paano nakatulong sa ikagaganda paglalahad ng mga sumusunod:

ng

Nobela

ang

a. Tagpuan Nakatulong ang tagpuan sa Nobela upang mas maging malinaw ang bawat pangyayari at upang mas mapaganda ito. Dahil magkaugnay ang bawat pangyayari sa tagpuan na pinagganapan. Kaya mas naging malinaw ang bawat pangyayari.

b. Mga tauhan Umakma ang mga karakter o pagkatao ng bawat tauhan sa papel na kanilang gagampanan sa Nobela. Dahil nakuha nila ang mga katangian na dapat nilang taglayin para sa gagampanan nilang karakter, kaya mas nagpadala ito sa kuwento.

c. Dayalogo Malinaw at naiintindihan ng maayos ang bawat dayalogo ng mga tauhan. Kahit na hindi nasasalita ng tauhan ang kanilang dayalogo, mararamdaman ng mga mambabasa ang kanilang damdamin sa isang eksena. May mga salita rin na mas nagbibigay ng kasiyahan o matinding damdamin para sa mga mambabasa kaya kahit buong oras ang ilaan mo sa pagbabasa nito hindi ka makakaramdam ng pagkabagot.

d. Simula ng Kuwento Sa simula pa lamang ng kuwento, binigyang pansin na talaga ang salitang Canal de la Reina kung saan sa pook na ito magaganap ang lahat ng mga kapanapanabik na mga pangyayari. Agad ding inilahad ang pina suliranin ng Nobela kaya mas maaaliw ka na ipagpatuloy ang pagbabasa.

e. Suliranin o Tunggalian Ang naging suliranin sa akda ay ang pang aagaw ng lupa ni Nyora Tentay kay Caridad. Maganda ang naging suliranin ng Nobela dahil ang suliranin na ito ay makatotohanan, dahil madalas itong nangyayari sa ngayon.

Papataas na aksyon Mas lalong naging kapanapanabik ang istorya ng dumating na sa punto na magkaroon ng malakas na bagyo lalo na sa Canal de la Reina dahil hindi malaman nila Caridad kung ano f. Kakalasan Naging magada pa rin ang daloy ng kuwento dahil hindi pa rin natatapos ang suliranin o problema sa kuwento. Kaya nanatili pa ring kapanapanabik ang bawat eksena sa kuwento.

g. Wakas Maayos na nagwakas ang kuwneto dahil ang suliranin o problema ay nabigyan ng solusyon at nagkaroon ito ng masayang pagtatapos dahil sa pagpapakasal ni Gerry at Leni. Dahil din ang naging wakas nito ay nagbigay ng aral sa mambabasa na maiuugnay nila sa kanilang paglalakbay sa buhay. VI. Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman a. Kalagayang Sosyal at Pangkabuhayan Ang makikita nating Kalagayang Sosyal at Pangkabuhayan sa kuwento ay ang pagiging maganda ng pamumuhay ng pamilyang Delos Angeles sa kabila ng hindi nila makuha ang pagmamay-aring lupa ni Caridad. Dahil nagkaroon sila ng kahirapan sa pagkuha at bawiin ng kanilang lupain sa kamay ng masamang taong si Nyora Tentay. Hindi ito naging madali para sa kanila, sapagkat sa makapangyarihan at mayaman si Nyora Tentay na may kapangyarihan siyang gawin ang lahat ng ninanais niya. Pinagkaitan din sila ng kapalaran na mamuhay sila ng maayos at mapayapa sa pook na sinilangan nila ang Canal de la Reina. Mapapansin din natin ang kahirapan sa pook ng Canal de la Reina sapagkat ang pook na ito ay mabaho at maburak na hindi nakabuti para sa mga tao na manirahan sa pook na iyon. Namuhay sila na may takot sa kanilang dibdib dahil bawat oras ay nangangamba at nag aalala sila kung kalian at paano nila mababawi ang pamanang lupa sa kanila. b. Kulturang Pilipino

Ang ipinakitang kulturang Pilipino sa Nobelang ito ay ang Pakikisama. Mapapatunayan ito sa eksena ng pagbabalik ni

Junior ng bayong ni Nyora Tentay. Nagkaroon pa rin siya ng pakikisama kay Nyora Tentay kahit na alam niya na may malaking kasalanan si Nyora Tentay sa kanyang pamilya dahil sa pang aagaw nito ng lupa. Maipapakita din dito ang Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak. Mabibigyan ito ng patunay sa mga pangyayari sa buhay ng pamilyang Delos Angeles, dahil kahit na may malaki silang problemang kinakaharap, hindi pa rin nawawala ang pagkakabuklodbuklod ng kanilang pamilya bagkus lalo itong tumibay at lalo silang nagmahalan at tumatag ang kanilang kalooban hindi tulad ng pamilyang Marcial na nagkaroon ng hindi maayos na pagkakaunwaan dahil sa hindi maayos na pagsasamahan.

c. Pilosopiyang Pilipino Masamang maghiganti lalo na kung hindi mo alam ang maaring maging kahihinatnan ng iyong paghhiganti. Ito ay sinabi ni Caridad kay Ingga ng ayaw ng ibalik ni Ingga ang bayong ni Nyora Tentay na naglalaman ng mga brilyante at pera niya. Masasabi kong ito ay isang pilosopiyang Pilipino dahil kadalasan ang mga Pilipino ay mapaghiganti kaya nararapat lamang na matutunan nila ang pilosopiyang ito. Dahil isang masamang Gawain ang paghihiganti, dahil sa halip na tayo ay gumanti, gumawa na lang tayo ng isang bagay na makakatulong sa kanila para sa kanilang ikabubuti at ng malaman nila ang mga nagawa nilang pagkakamali sa iyo . d. Simbolismong Pilipino y Latigo Binigyang pansin naman nito ay ang kalupitan ni Nyora Terntay. Kalupitan niya sa kanyang mga kapwa at ang binibigay niyang paghihirap sa mga ito lalo na kay Caridad Delos Angeles. Brilyante Nabigyang pansin naman nito ang buhay ni Nyora Tentay. Dahil mayroon siyang buhay na maituturing na marangya gaya ng isang brilyante. Dahil nagtatamasa siya ng kayamanan at isang magandang bahay at maraming pera. Matayog na puno Sumisimbolo ito sa matatag na samahan ng pamilyang Delos Angeles. matatag ang

kanilang pagsasama at ang kanilang mga kalooban sa gitna ng kanilang mga problema. Baha ito ang nagsilbing kaparusahan sa mga nagawa na hindi maganda ni Nyora Tentay sa kanyang kapwa. Ditto nawala lahat ng kanyang pera at ari-arian.

VII. Terminolohiya a. b. c. d. e. f. g. h. Katuwas Kabaligtaran; kasalungat. Maburak Madumi; mabaho; mabato. Nakakawangki Nakakasaksi;nakakaalam;nakakakita Padarag Padabog; pagalit; pilit; labag sa kalooban Hubad-baro walang suot Samyo Pabango; halimuyak; amoy Lumangitngit umuungol; maingay. Manuskrito sulatin; sipi; aklat.

VIII. Teorya Sa Nobelang ito mayroong dalawang teoryang binigyang pansin, ang teoryang eksistensyalismo at ang teoryang realismo. Mas nakatulong ito sa mga mag-aaral, dahil mas magbibigay ito ng mas malinaw na paliwanag at kahulugan ukol sa isang teorya. at maaari ding maiugnay sa ating araw araw na paggalaw at pagkilos ang bawat salita na matututunan natin sa dalawang teoryang ito. Ipinaglalaban ng teoryang Realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa pagkaisang sosyo-pulitikal na kalayaan, at katarungan para sa mga naapi. Binigyang pansin ito sa nobela dahil halos lahat ng pangyayari o eksena na mababasa natin sa kuwento ay lahat ay nagpapakita ng isang makatotohanan. ang higit na nagpapatunay sa teoryang ito ay ang pang aagaw ng lupa ni Nyora Tentay sa pamilyang Delos Angeles. Sa utak at isip naman nakasentro ang teoryang Realismo dahil utak ang nagpapagana sa tao. Tao ang pangunahing nilikha sa mundo; siya lamang ang may kakayahang mag-isip at magdesisyon, hindi gaya ng hayop at ibang nilalang. Pesimismo ang pangunahing kakambal ng teoryang ito sapagkat sa napakalaking responsabilidad ng tao, iniisip niyang hindi niya ito

magagampanan at maisasaayos. Binigyang pansin din ang teoryang ito, mapapatunayan ito sa mga ikinilos at mga ginawang pagdedesisyon ni Nyora Tentay sa kanyang buhay. Pinili niya na mang agaw ng lupa kaya sa huli naging mabilis sa kanya ang karma. Nangangahulugan ito na walang sinuman ang nagsabi sa kanya na gawin ang bagay na iyon dahil nasa sarili niyang pagdedesisyon ang bagay na iyon. IX. Kabisaan ng Nobela A. Bisa sa isip Matututunan natin sa Nobelang ito ang pagiging palaban natin sa buhay. Dapat matututunan nating lumaban sa bawat problema na ihahain sa atin ng ating kapalaran. Dahil kapag tayo ay mabilis na sumuko, mabilis rin ang pagalis ng magandang tadhanang nagaantay sa atin. Kaya dapat anumang pagbagsak natin ay mabilis din dapat tayong makakabangon. Matututunan din natin na ang pananamantala sa kakayahan ng ating kapwa ay napaka maling Gawain. Dahil ang masamang karma ay nagaantay lamang sa mga taong may masasamang budhi. Tulad na lamang ng nangyari kay Nyora Tentay, na sa huli ay kinarma siya dahil sa pang aagaw niya ng lupa at dahil sa pang aapi at pagiging makasarili niya. B. Bisa sa Damdamin Habang binabasa ko ang Nobelang ito, nakakaramdam ako ng pagkamuhi. Pagkamuhi dahil sa mga inasal na pag uugali ni Nyora Tentay sa kanyang mga kapwa lalong lalo na sa pamilyang Delos Angeles. Nakakamuhi kasi yung mga taong katulad ni Nyora Tentay na mapagsamantala at mapangapi. Ngunit, nakaramdam din ako ng kasiyahan sa Nobela. Naramdaman ko ito sa pagiging matatag ng pamilyang Delos Angeles, dahil kahit anung problema ang dumating sa pamilya nila nananatili pa rin silang matatag at buo ang pamilya. Dahil ang mahalaga sa isang pamilya ay ang pagkakabuklod-buklod niyo lalo na sa oras na may problema kayo. Naging matatag din sila at hindi nawalan ng pagasa na muli nilang mababawi ang kanilang lupa mula sa kamay ni Nyora Tentay. C. Bisa sa kaasalan

Ang dapat nating tularang katangian sa nobela ay ang ipinakitang katangian ng pamilyang Delos Angeles. Sila ay may mga katangiang positibo tulad na lamang ng pagiging matatag at malakas ang loob. At ang pagkakaroon nila ng pakikisama kay Nyora Tentay, ipinakita ito ni Junior sa pamamagitan ng pagsasauli niya ng bayong ni Nyora Tentay na naglalaman lahat ng mga kayamanan niya, sa ginawa niyang ito ipinakita niya ang ugaling dapat taglayin ang pagiging matapat. Sa kabaligtaran naman, ang hindi natin dapat tularan ay ang pamilyang Marcial, lalong lalo na ang katangian ni Nyora Tentay na mapagsamantala, mapang api, mang aagaw at makasarili. Makikita ang malaking pagkakaiba ng katangian ng pamilyang Delos Angeles at Marcial. Alam naman natin na ang dapat nating tularan ay yaong mga mabubuting katangian at hindi ang mga katangian na makakasira ng pagkatao natin pati na n gating kapwa.

Repleksyon Ang damdaming nangingibabaw sa akin habang binabasa ko ang nobelang Canal de la Reina, nakaramdam ako ng pagkamuhi ngunit may halong pagkatuwa rin. Una, kaya pagkamuhi ang aking naramdaman dahil sa mga ipinakitang pag-uugali ni Nyora Tentay sa akda, siya ay may hindi magandang pag-uugali. Habang binabasa mo ang kuwentong ito, mangingibabaw ang pagkamuhi mo, dahil sa mga ginagawa ni Nyora Tentay sa kanyang kapwa at ang pagiging makasarili niya at mapagsamantala sa nakakababa sakanya. At ang pinakakinamuhian ko sa lahat ng mga ginawa niya sa akda ay ang pang aagaw niya ng lupa sa pamilyang Delos Angeles, kahit hindi niya pagmamayari ang lupaing iyon, minabuti pa rin niyang angkinin ito kahit na alam niya na may nagmamayari nito. Ngunit kahit na ganoon, nakaramdam pa rin ako ng kasiyahan dahil marami akong mga aral na natutunan sa pagbabasa at pagsusuri ng nobelang ito. Marami rin akong mga nalamang pangyayari na maaari kong maiugnay sa aking buhay. Marami akong mga bagay at aral na natutunan sa pagbasa ng akda. Una na rito ay ang ibinubunga sa isang tao ng pagkakaroon ng ugaling makasarili at mapanamantala, tulad na lamang ng kay Nyora Tentay, hindi siya nagkaroon ng isang magandang buhay at pagkakasama ang kanyang pamilya dahil sa pagkakaroon niya ng masamang ugali. Natutunan ko din na hindi dapat tayo basta-basta susuko sa isang problema o suliranin na kakaharapin natin, bagkus dapat na maging mas matatag tayo sa pagharap natin sa problema na ito. Maiuugnay ko ang kuwentong ito sa mga problema o suliranin na kinakaharap din ng mga kadalasang tao, ang pagaagawan ng lupa. Kadalasan nating kinakaharap ang ganitong mga uri ng suliranin at ang bawat pangyayari na nakapaloob dito ay makatotohanan, kaya ito ang mas nagpaganda sa akda. Dahil ang bawat detalye at pangyayari sa kuwentong ito ay makatotohanan at maiuugnay sa ating mga pang araw-araw na buhay. Dapat ang bawat aral at kaisipang

natutunan natin sa nobelang ito ay maikintal natin sa ating pusot isipan at hindi natin dapat ito malilimutan. Tagasuri: Shiara Dara Eloise C. Romero

Você também pode gostar