Você está na página 1de 3

Ang Pamumuhay ng mga Kalinga

Mga pananim at Industriya:


 

 

Silay nagtatanim at umaani ng palay makalawa sa isang taon dahil mataba ang kanilang lupa. Babae ang nagtatrabaho sa bukid at ang lalaki ang naiiwan sa bahay. Sa panahon ng pag-aani ay sama-sama sila sa bukid. Ipinagbibili nila ang kanilang alagang Kalabaw at gumagawa din sila ng palayok at basket. Gumagawa din sila ng mga kasangkapang gawa sa metal, tulad ng palakol, gulok at sibat. Nagkakaroon sila ng bakal kapag silay nakipagpalitan ng paninda sa mga Ilocano. Silay mahusay mangaso. Ang kanilang hinuhuli ay ang mga usa, baboy-ramo at maiilap na kalabaw.

Pananampalataya:
 Ang kanilang kataas-taasang diyus-diyosan ay si Kabunyan o Kadaklan, Ang pinakamakapangyarihan. Ang ibig sabihin ng kabunyan ay Ang pag-aalay ay ginawa para sa kanya. Kidul diyos ng kulog Kidlat diyos ng kidlat Dumanig makapangyarihang nag-uutos sa buwan o bolan na awayin ang asawang araw o ageo. Itinuturing na diyos ng mga Kalinga ang araw at ang buwan.

   

Mga uga-ugali mga pamahiin


Pag-aasawa:
     Nagkakasundo ang mga magulang para ipakasal ang kanilang anak sa kapwa nito may-kaya o maharlika. Halos lahat ng batang Kalinga, kahit sanggol pa ay nakatakdang mag-asawa sa takdang panahon. Dapat mas matanda ang lalaki kaysa sa babae kahit isang araw man lang. Nagaganap ang kasunduan ng mga magiging mag-balae habang ipinagbubuntis pa lang ang mga ipapakasal. Mapapawalang-bisa lamang ang kasunduan kung: - Mas naunang ipanganak ang babae

- Parehas ang kasarian ng ipinagkasundo - Tatanggihan ng mga magulang ng babae sa dahilang baka hindi mabutihin ng kanilang anak ang kasunduan. Sa pagkakasundo ng dalawang pamilya, nagbibigayan sila ng mga regalo tulad ng karne, gulay, minatamis at diket o kalamay. Ang kasunduan ng pag-aasawa ay depende sa antas ng pamumuhay, ang mayaman ay sa mayaman at ang mahirap ay sa mahirap. Kapag ang babae o lalaki ay sampung taong gulang na ay nahihiya na tong matulog sa kanilang tahanan kapiling ang magulang kaya may isang bahay na tinatawag na obog na magsisilbing dormitoryo nila. Kapag naagaw ng ibang lalaki ang pag-ibig ng babae, ang may kasalanan ay ang ipinagkasundong lalaki at hindi ang umagaw dahil hindi nito ipinaglaban o binawi ang pagtingin sa kanya ng babae. Ang magiging dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa ay kung di ito mag-kaanak at kapag nagpakita sila ng masamang ugali sa isat isa, sa mga kamag-anak at panauhin. Kapag naghiwalay ang mag-asawa at mayroon itong anak ay nasa puder ito ng ina hanggang sumapit sila sa edad na walo o siyam kung saan pwede sila manirahan sa piling ng kanilang ama.

Pangangalaga sa mga Bata:


 Tuwing hapon, Ang isang bahay na may sanggol ay sinasabuyan ng abo lalo na sa tapat nito para lumayo ang masamang espiritu. Dapat din daw pahiran ang sanggol ng abo sa noo para pumangit ito at di pag-interesan ng masamang espiritu dahil kapag pinaginteresan ng masamang espiritu ang sanggol ay mamamatay daw ito.

Gabbok: Ang pagbibinyag ng Kalinga


  Gabbok ang tawag nila sa seremonya ng pagbibinyag sa mga panganay o unang anak, babae man ito o lalaki. Mahalaga ito sapagakatito daw umano ang magdadala sa sanggol sa masayang pamumuhay, Ito din ay simbolo ng pagiging mapalad at maligaya ng susunod nitong kapatid. Sa seremonyang ito pinapakilala ang sanggol sa mga espiritung naninirahan sa kalikasan. Dahil ito daw ay makakabuti. Sa mismong araw ng seremonya, ang apat na sulok ng bahay ay tatalian ng yantok at makabubuo ito ng titik E. Ibig sabihin daw nito ay paghahangad maraming anak. Naglalagay din ng putong patopat na katumbas ng suman sa tagalog sa mga basket sa apat na haligi ng bahay. Ang paglalagay ng putong iyon ay simbolo na maraming pagkain para sa buong pamilya.

Você também pode gostar