Você está na página 1de 9

Anastasha Mukhang Pera By Zad McCraze

Kabanata 1: Sa Gitna ng Kalsada

Simula nang ipinanganak ni Talia si Anastasha, nagging malungkot na ang buhay niya. Naaalala pa ni Talia ang araw na ipinanganak niya si Anastasha. Naglalakad si Talia sa kalsada nang biglang dumating ang mga batang nagbabarilan gamit ang mga totoong baril. Tinamaan ang tiyan ni Talia. Sa mga oras na iyon, naramdaman ni Talia na manganganak na siya. Humingi siya ng tulong. Talia: Tulong! Tulungan niyo ako. Manganganak na ako. Sinubukan niyang humingi ng tulong sa mga batang nagbabarilan pero di siya pinapansin ng mga ito. Talia: Ano ba! Mas mahalaga pa ba iyang pakikipagbarilan niyo kaysa dito sa batang isisilang ko ? Sumagot ang isang batang nakikipag barilan. Bata: Oo, mas mahalaga ang pakikipagbarilan naming kaysa diyan sa batang isisilang mo. Talia: At bakit mo naman nasabi? Bata: Bakit, ano bang mapapala naming kapag tinilungang ka naming? Talia: Wala. Bata: Bakit ka pa namin tutulungan kung wala naman pala kaming mapapala? Dahil nga sa walang gusting tumulong kay Talia, doon na lamang siya nanganak sa gitna ng kalsada. Nanganganganak siya habang nagbabarilan ang mga batang pobre..Habang hirap na hirap siya sa panganganak may dumaan na matandang babae sa harap niya, sinubukan niyang humingi ng tulong. Talia: Ale, Ale tulungan niyo po ako. Nanganganak ako! Ale: Pero marami pa akong gagawin. Magpapa-rebond pa ako, magpapa-manicure pa ako, magpapa-facial massage pa ako, magpapa-body massage pa ako at magpapa-makeup pa ako. Talia: Tulungan niyo po muna ako. Siga na , maawa kayo sa akin. Nanganganak na po ako!

Tinulungan muna siya ng matandang babae bago siya pumunta ng parlor. Ale: Dalian mo! Ayan na, nakalabas na ang kamay ng anak mo. Talia: Ano! Bakit naunang lumabas yung kamay? Ale: Aba! Anong malay ko sayo? Anak mo yan, bakit sa akin mo tinatanong? Maya-maya lang, lumabas na rin ang bata. Ale: Ayan na! Lumabas na siya! Talia: Patingin nga ako. Tuwang-tuwa si Talia nang Makita niya ang anak niya. Nahihirapan siyang mag-isip ng pangalan para sa anak niya kaya humingi uli siya ng tulong sa matandang babae. Talia: Ale! Ano po bang magandang ipangalan sa anak ko? Ale: Alam ko na! ANASTASHA! Bagay na bagay sa kaniya.Kamukhang-kamukha niya yung kaibigan kong Anastasha rin ang pangalan. Talia: Sino po ba yung kaibigan niyong kapangalan niya, maganda ba siya? Ale: Ah! Oo naman, siya nga pala yung bakla doon sa parlor na pinapapa-ayusan ko. Nagalit si Talia nang malaman na isnunod ang pangalan ng anak niya sa isang baklang parlorista. Talia: Anong tingin mo sa anak ko? Bakla., Ale: Oo, kasi mukha kang bakla. Kanino pa ba magmamana yung anak mo? Edi sayo. Talia: Ano? Mukha akong bakla! Ale: Bakit, ngayon mo lang ba nalaman? Talia: Siga na nga, tanggap ko na. Di bale Ale, maraming salamat nga pala sa pagtulong mo sa akin. Tatanawin kong isang malaking utang na loob ito. Sa kabila ng panlalait ni Ale kay Talia, lubos pa rin siyang nagpapasalamat sa pagtulong niya.

Kabanata 2: Kapalit ng Pagtulong

Nagalit si Ale nang marinig ang pasasalamat ni Talia. Ayaw niya ng pasasalamat, gusto niya ng bayad.

Ale: Anong salamat? May bayad lahat ng bagay na itinulong ko sayo. Talia: Anong bayad, kailangan ba talaga may bayad kapag tumutulong? Ale: Oo, lahat ng bagay sa mundo may bayad. Wala nang libre-libre sa panahon ngayon. Talia: Bakit, sinabi ko bang tulungan mo ako? Di ko naman sinabing tulungan mo ako ah! Ale: Anong hindi? Sabi mo tulungan kita, sinabi ko pa nga na magpapa-parlor pa ako pero nagmakaawa ka sa akin? Talia: Di ka ba naaawa sa akin? Kakapanganak ko lang tapos sinisingil mo agad ako. Di ka ba naaawa sa akin? Ale: Hindi ako naaawa sayo dahil di ka mukhang kaawaawa. Talia: Ano bang gusto mong gawin ko para di mo na ako singilin? Ale: Gusto mong di na kita singilin? Talia: Oo, gagawin ko lahat ng iuutos mo. Ale: Simple lang! magbayad ka para din a kita singilin. Nawalan na ng pag-asa si Talia. Talia: Magkano ba kasi ang kailangan kong bayaran? Ale: Mura lang ! limang libo lang. Talia: Ano? Ang mahal naman. Wala ka namang ginawa sa akin , sanabihan mo lamg ako na umire tapos limang lobo agad. Ale: ganon talaga ang buhay. Talia: Ayoko! Ale: Ano ba, magbabayad ka ba o tatawag akop ng pulis? Talia: Edi tumawag ka ng pulis, wala ka naming cellphone eh! Ale: Anong wala? Meron akong cellphone, nasa bulsa ko pa nga eh! Tiningnan ni Ale ang bulsa niya at nagulat siya nang malaman na nawawala ang cellphone niya. Ale: Nwawala ang cellphone ko. Siguro ninakaw mo yung cellphone ko. Talia: Hoy! Hwag kang magpanggap na may cellphone ka kahit wala naman. Ale: Paano mo naman nasabi na wala akong cellphone?

Talia: Mukha mo pa lang wala ka nang pera. Mukha kang pulubi. Ale: Ang sama ng ugali mo, di mo na nga ako binayaran tapos nilalait mo pa ako. Ang kapal ng mukha mo. Talia: Mas makapal ang mukha mo, puro kalyo yung mukha mo. Ale: Kung makapagsalita ka, akala mo ang ganda mo. Mukha ka naming bakla. Bakla, bakla, bakla! Talia: Wala kang pakialam sa mukha ko dahil maganda ako! Biglang nagsuka si Ale sa sinabi ni Talia Ale: Kadiri ka! Nasuka tuloy ako sa sinabi mo. Papasukahin din kita. Sobrang ganda ko! Nagsuka din si Talia. Talia: Nakakadiri ka! Sobrang panget mo. Papasukahin uli kita. Sexy ako! Nagsuka nanaman si Ale. Ipnagpatuloy nila ang pagpupuri sa mga sarili nila para tuloytuloy na mapasuka ang isat-isa. Ale: Mas sexy ako! Nagsuka si Talia. Talia: Binibining Pilipinas ako! Nagsuka si Ale. Ale: Ms Universe ako! Nagsuka si Talia. Nagpatuloy ang pagsusuka nila hanggang sa naging matindi na ang labanan nila. Talia: Kamukha ko si Katy Perry! Nagsuka si Ale. Napasobra ang pagsuka niya dahil di niya kinaya ang sinabi ni Talia kaya naman nagsuka na siya ng dugo. Ale: Kamukha ko si Keri Hilson! Di nagsuka si Talia. Talia: Kamukha ko si J.Lo! Nagsuka ng dugo si Ale. Ale: Kamukha ko si Nicki Minaj!

Talia: Mabuti at alam mo! Ale: Animal ka! Papasukain kita ng bonggang-bongga. Kamukha ko si Megan Fox! Nakaganti naman si Ale dahil nagawa niya ring pasukain ng dugo si Talia. Natakot si Talia nab aka mamatay siya sa kakasuka ng paulit-ulit kaya naman itinodo niya na ang pamumuri sa sarili para mapasuka ng sobra si Ale at para matapos na rin ang lahat-lahat. Talia: Kamukha ko sila Selena Gomez, Jessie j, Angelina Jolie, Rihanna, Taylor Swift, Britney Spears, Miley Cyrus at mukha akong diyosa! Di na kinaya ni Ale ang mga sinabi ni Talia kaya nasuka siya ng sobrang daming dugo. Halos maubos na ang dugo niya sa kakasuka hanggang sa di niya na nakayanan at nawalan na siya ng malay. Sinamantala na ni Talia ang pagkakataong makatakas habang walang malay si Ale. Binitbit niya si Anastasha at tumakbo papalayo kay Ale.

Kabanata 3: Ang Kondoktor

Tumakbo si Talia papunta sa bahay niya. Pumara siya ng bus, umupo siya at nagdasal. Talia: Sana hwag akong singilin ng kondoktor. Sana makalimutan niya, sana magkaamnisiya siya para makalimutan niya akong singilin. Nagulat si Talia nang biglang pumunta ang kondoktor sa harap niya. Kondoktor: Manang! Bayad niyo po. Talia: A-a-anong bayad? Nagbayad na ako. Kondoktor: Talaga po, patingin na lang po ako ng ticket niyo manang! Talia: A-anong ticket, ano ba ito? Sine! Kondoktor: Manang! Ngayon lang po ba kayo nakasakay ng bus? Talia: Ah! Oo, ngayon lang ako nakasakay ng bus. Kondoktor: Ano ba manang! Patingin nga ako ng ticket mo! Talia: A-ah! Kasi dip o kasi ako binigyan ng ticket ng kondoktor na naningil sa akin. Kondoktor: Anong hindi! Sinisiraan mo ba ang mga kondoktor ditto? Sinong kondoktor? Talia: A-ah! Di ko kilala eh!

Kondoktor: Malamang di mo kilala. Ibig kong sabihin, anong hitsura ng kondoktor na naningil sayo? Talia: A-ano, yung panget na negro na mukhang daga. Kondoktor: Ah ganon ba. Ako ba pinaglololoko mo? Talia: Hindi po manong. Totoo po talaga ang mga sinasabi ko. Mukha po talaga siyang daga. Kondoktor: Hwag mo na akong lokohin manang. Di ako maniniwala na may ibang kondoktor na naningil sayo. Talia: Bakit! Ikaw lang ba ang nag-iisang kondoktor dito? Kondoktor: Oo! Ako lang ang nag-iisang kondoktor dito kaya hwag mo na akong pinagloloko. Talia: Ah ganon ba? Naalala ko na. ikaw nga yon, ikaw nga yung naningil sa akin. Kondoktor: Anong ibig mong sabihin? Mukha akong daga! Niloolko mo talaga ako. Ikaw pa lang an pasaherong siningil ko kaya alam kong di ka pa nagbabayad. Talia: Anong ako pa lang? sa dinami-dami ng mga pasahero ditto sasabihin mo na ako pa lang ang sinisingil mo. Kondoktor: Oo, sigurado ako dahil ikaw pa lang ang kauna-unahang pasahero naming ditto. Talia: Ano! Nababaliw ka na ba? Ang dami-daming pasahero tapos sasabihin mo sa akin na ako pa lang ang kauna-unahang pasahero niyo. Kondoktor: Di sila pasahero ditto manang! Talia: Di sila pasahero? Eh ano sila mga inspektor? Kondoktor: Oo manang! Mga inspektor nga sila. Paano mo nalaman? Talia: Ano? Inspektor silang lahat! Ang dami naman nila. Halos inubos na nila ang mga upuan ditto. Anong klaseng bus ba ito? Kondoktor: Ganon talaga kami manang. Mga segurista kami ditto kaya kung ako sayo magbabayad na ako bago pa ako kuyugin ng mga inspector. Talia: Sige na manong! Inaamin ko na na di nga talaga ako nagbayad. Pero manong, kakapanganak ko lang poat wala po akong pera. Di po ba kayo naaawa sa akin? Kondoktor: Ah Ganon ba manang! Bait di mo agad sinabi para din a kita kinulit. Kawawa ka naman manang. Pasensiya na manang. Sige ayos lang sa akin kahit di ka na magbayad. Tulong ko na lang asyo yan.

Kahit gaano pa man kahaba ang pagtatalo nila Talia at ng kondoktor. Sa bandang huli nagpasiya ang kondoktor na hwag na lamang pagbayarin si Talia dahil naawa siya nang ikuwento niya ang tungkol sa anak niya at naawa din ang kondoktor nang mabanggit ni Talia na kakapanganak niya lang at wala siyang kapera-pera.

Kabanata 4: Ang Paglalakad ni Talia

Umiyak si Talia matapos siyang kuyugin ng mga inspector at palayasin sa bus. Lalo pa siyang nalungkot nang maalala niya na lalo pa pala siyang napalayo sa bahay niya. Talia: Ano ba yan! Bakit ba sumakay pa ako ng bus? Ang lapit-lapit lang naman ng bahay ko doon sa kalsadang pinag-iwanan ko kay Ale. Kailangan lang lakarin. Nakaka-inis talaga! Kahit sobra-sobra na ang pagod at sakit ng katawan ni Talia,wala pa rin siyang ibang magagawa kundi ang maglakad kaya naman sinimulan niya na ang mahaba niyang paglalakad. Malapit pa lamang ang nalalakad niya pero di niya na kaya ang sobrang gutomkaya naman siya ay natukso na magnakaw ng makakain. Talia: Kailangang makapagnakaw ako para makakain na ako. Nakita niya ang isang tindero ng fish ball na umalis muna at iniwan sandal ang mga tinitinda niya. Di na binalak ni Talia na nakawan ang lalaking nagbebenta ng fish ball. Talia: Hay naku, di ako ganon kahirap para magnakaw ng fish ball. Magnanakaw na nga lang ako fish ball pa, kung magnanakaw ako yung bonggang pagkain na! Umalis siya doon at naglakad-lakad. Habang siya ay naglalakad, nakakita siya ng isang maliit na grocery. Pumasok siya. Naghanap siya ng pagkaing mananakaw niya. Talia: kung magnanakaw ako yung bongga na kaya hahanap ako ng mamahaling pagkain. Naghahanap siya ng mamahaling pagkain hangngang sa maya-maya lamang nakakita siya ng isang mamahaling tsokolate. Kinausap niya ang isang trabahador. Talia: Hoy! Nasaan ang iba pang mga mamahaling tsokolate natin dito?

Trabahador: Ah maam, di niyo po ba nakikita? Yan pos a harap niyo. Talia: Ito lang ba ang mga mamahaling tsokolate natin ditto? Trabahador: Ayan lang po talaga maam. Talia: o! ano pa ang tinitingin-tingin mo diyan? Ikuha mo ako ng isa! Trabahador: Opo! Naiinis na ang trabahador kay Talia dahil daig pa niya ang reyna kung makapag-utos. Kumuha na lamang siya ng isang piraso ng tsokolate at ibinigay kay Talia. Pero nang ibinigay niya ang tsokolate kay Talia biglang umiyak si Anastasha at nagalit naman si Talia. Talia: Ano bay an anak ko? Hwag ka ngang umiyak dito sa grocery ko, nakakahiya naman sa mga costumer ko! Ano pang ginagawa mo diyan hampas-lupang trabahador, kumuha ka na ng gatas! Habang kumukuha ng gatas ang trabahador, ibinubulsa na ni Talia ang tsokolate. Naiinis na talaga ang trabahador kay Talia ngunit nagtitimpi lamang siya dahil baka kung ano pa ang magawa niya. Pumunta siya at ibinigay kay Talia ang gatas. Talia: Ay naku! Ano yon? Ahhhhhhhhhh!!! Napatingin ang trabahador. Trabahador: Ano po yon maam? Talia: Ah! Wala lang. ang akala ko kasi ay may halimaw. Ano pa! lumayas ka na nga sa harapan ko bago pa kita sisantihin. Nang umalis ang trabahador sa harap niya, bigla siyang tumakbo papalayo sa maliit na grocery. Maya-maya lang Kinuha niya ang tsokolate sa bulsa niya at unti-unti niya itong kinain. Talia: Ang sarap naman nito. Kaya lang di ako nakakuha ng sawsawan, sigurado ako na mas masarap ito kung may sawsawan. Nagulat siya nang biglang may batang nanghihingi sa kanya. Bata: Ale! Pahingi po ako ng tsokolate niyo. Maawa na po kayo sa akin. Ilang minute na po akong di kumakain. Sige na Ale! Bigyan niyo nap o ako kahit kaunti lamang, kahit isang kahon na tsokolate lang ay ayos na sa akin. Talia: Ayoko nga! Mamatay ka sa inggit sa tsokolate kong ubod ng sarap.

Nainis angh bata sa kanya at tinawag ang mga tropa niya. Bata: Mga tropa! Gulpihin natin itong madamot na ito! Pinaligiran siya ng mga tropa ng bata at itinali siya. Siya ay dinala sa kuta nila. Itinali siya sa poste samantala inilagay naman sa palanggana si Anastasha at pinaliguan nila ng gasoline. Kumuha sila ng baseball bat at pinagpapalo nila si Talia. Nagsisisigaw naman si Talia. Talia: Aaahhhhhhh!!! Tulungan niyo ako! Pinagpapapalo nila ako ng baseball bat! Aahhhhhh! Nairita sila sa boses ni Talia kaya kumuha sila ng isang maruming basahan at isinubo nila sa kanya. Bata: Ayan! Tumahimik din siya. Tara na mga tropa! Umalis na tayo ditto. Umalis na sila st bumalik uli sa kalsada. Habang wala sila, sinusubukan naman ni Taliang makawala. Pilit niyang tinatanggal ang tali sa kamay niya hanggang sa ito ay lumuwag nang lumuwag at makawala siya. Kinuha niya agad Abangan niyo pa ang mga susunod na mga kabanata (: Zad McCraze

Você também pode gostar