Você está na página 1de 4

INTRODUKSYON

Ang Aborsyon ay nagiging bahagi na ng kultura ng maraming bansa sa buong mundo. Ito ay tinuturing na tradisyon sa mga tribo sa ibat ibang bansa. Dalawang daang taon na ang nakakalipas, nagdesisyon ang maraming mga bansa na gawing legal ang aborsyon sa kanilang mga lugar bilang maging bahagi n ang kanilang kultura, ito ay upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan ng mga kababaihan at isang paraan na rin upang maiwasan nag paglobo ng populasyon. Ang pagpapalaglag, pagpapaagas o aborsyon ay ang sinadyang pagtatanggal ng embryo o fetus sa loob ng matris, na nagsasanhi ng kamatayan nito. Pwede itong mangyari ng biglaan tulad ng kapag ang babae ay nakunan, o ng artipisyal sa pamamagitan ng kemikal, pagtistis at iba pa. Sa pangkalahatan, ang "pagpapalaglag" o abortion sa Ingles ay tinutukoy sa inuudyokang pagpapalaglag sa panahon ng pagbubuntis; sa medikal na pagtawag, tinatawag na nakunan ang babae kung ang pagpapalaglag ay nangyari bago ang ika-dalawampung linggo ng pagbubuntis, kung saan ito ay tinuturing na hindi pa buhay. Maraming mga paraan para umudyok ng paglaglag sa buong kasaysayan natin. Ang mga legal at moral na mga batayan nito ay usapin sa mga pagtatalo sa maraming mga bahagi ng mundo. Layunin ng pananaliksik na ito na malaman at maunawaang mabuti ng lahat ang mga masamang dulot ng aborsyon pisikal man, emosyonal ispiritual at sosyal na aspeto sa buhay.

_____________________________________________________________________________________________________________________________________
1

Ganatra, Bela. 2006. Unsafe abortion in South and South-East Asia: A review of evidence, in Warriner, I.K. & Shah, I.H. (eds.). Preventing Unsafe Abortion and Its Consequences: Priorities for Research and Action. New York & Washington: Guttmacher Institute. pp. 151-186. Warakamin S.; Boonthai, N.; Tangcharoensathien, V. 2004. Induced abortion in Thailand: Current situation in public hospitals and legal perspectives. Reproductive Health Matters (RHM). Vol. 12, No. 24 (suplemento). pp. 147-56.

Mga Kaugnay na Pag-aaral Tahanan ang Asia-Pacific ng higit isang bilyong tao na edad 1024, pero ang datos sa grupong ito sa sinadyang aborsyon ay madalang, di-kumakatawan sa lahat at di-kumpleto, lalo na sa mga dalaga. Sa Asia, mula sa kabataan ang 115% ng lahat ng aborsyon. Ito ang tantya gamit ang mga datos ng buo o bahagi ng bansa1, na tataas pa kung sa maliliit na pag-aaral ibabatay. Samantala, maliban sa Australia at New Zealand, walang datos sa Pacific. Sa kalakhan ng Asia-Pacific, walang asawa ang karamihan sa mga kabataang gustong magpalaglag. Pero sa South Asia, kung saan may asawa na ang 32% ng mga 1519 at halos lahat ng kababaihan ay may asawa na pagsapit ng 24,5 nagaganap ang karamihan ng di-gustong pagbubuntis dahil nais ipagpaliban ang unang panganganak o agwatan ang susunod. Pero kahit sa rehiyong ito, pataas pa rin ang dalas ng pagbubuntis ng mga tinedyer na walang asawa, lalo na sa kalunsuran. Katiting lang ang nagkokontraseptibo sa mga kabataang dalaga na nakikipagseks na. At kahit sa mga may asawa na edad 1519, mas kaunti ang nagkokontraseptibo kaysa sa mga babaeng nakatatanda.5 Kabilang sa sanhi nito ang kakulangan ng wastong kaalaman sa kontrasepsyon; pahirapang pagkuha ng serbisyo (lalo na sa mga dalaga); hindi pantay na katayuan ng babaet lalaki; pagbale-wala sa pangangailangan ng mga bagong kasal at mga dalaga; at pagdalas ng pinilit na pagtatalik. 1

Di-ligtas na Pagpapalaglag na mga Kabataan. Tinataya ni Shah at Ahman6 na sa mga babaeng 1519 nangyayari ang 9% ng mga di-ligtas na aborsyon sa Asia, at sa mga babaeng 20 24 ang 23%. Mas mababa ito kaysa sa Africa o Latin-America; pero dahil sa laki ng populasyon ng Asia, tinatayang nasa rehiyong ito ang mababa lang sa kalahati (45.7%) ng 7.2 milyong diligtas na aborsyon taun-taon ng mga babaeng 1524 sa mga umuunlad na bansa. Sa Pacific, kakaunti ang impormasyon at opisyal na datos sa anumang aspeto ng aborsyon. Pero ayon sa panayam sa mga nakakaalam at sa maliliit na pag-aaral, sa kabataang babae mas nagaganap ang aborsyon at pagpa-ospital para magamot ang komplikasyon, o pagluwas sa ibang bansa para magpalaglag (halimbawa, sa Australia). Matibay na pinapakita ng maliliit na pag-aaral at datos ng ospital na mas mataas ang pagkamatay mula sa komplikasyon ng aborsyon sa hanay ng mga nagdadalaga, lalo na sa mga walang asawa. Ito ang pangunahing mga sanhi: (1) mas malamang na sila ang nagpapalaglag sa ikalawang trimester, na kahit sa pinakaligtas na kalakaran ay mas malaki ang panganib kaysa sa maagang aborsyon; (2) mas malamang na sila ang gagamit ng taong hindi bihasa sa aborsyon, o gagawin iyon sa sarili; at (3) mas malamang na hindi sila magpapagamot agad kung may kumplikasyon. 2 Mga Legal na Hadlang. Halos walang di-ligtas na aborsyon sa mga lugar na liberal ang batas at maluwag na nakukuha ang serbisyo, tulad sa East Asia. Sa mga lugar naman gaya ng India na limitado ang serbisyo kahit di-gaanong mahigpit ang batas o doon sa mga napakahigpit, mas mga bata, mahirap at dalaga ang tinatamaan. Kahit mga liberal na batas ay maaaring may kalabuan sa karapatan ng mga dalaga, may paghihigpit batay sa edad, o dapat may pahintulot mula sa magulang o tagapag-alaga. Kahit wala sa batas, maaaring igiit ng mga ospital na dapat may
_____________________________________________________________________________________________________________________________________
1

Ganatra, Bela. 2006. Unsafe abortion in South and South-East Asia: A review of evidence, in Warriner, I.K. & Shah, I.H. (eds.). Preventing Unsafe Abortion and Its Consequences: Priorities for Research and Action. New York & Washington: Guttmacher Institute. pp. 151-186. Warakamin S.; Boonthai, N.; Tangcharoensathien, V. 2004. Induced abortion in Thailand: Current situation in public hospitals and legal perspectives. Reproductive Health Matters (RHM). Vol. 12, No. 24 (suplemento). pp. 147-56.

magulang habang ginagawa ang aborsyon. Maaaring hingin ang pirma ng asawa bilang bahagi ng ng batas (hal., sa South Korea) o ng kalakaran. 3

Ang aborsyon ay isa sa mga mahahalagang isyu na dapat bigyang pansin. Dapat ba ito o hindi? Isa ako sa mga taong hindi sumasang-ayon sa aborsyon. Hindi ko ito sinang-ayunan dahil para sa akin ito ay isang hindi mabuting gawaain, at lalong-lalo ng hindi ito solusyon sa mga problema tulad ng populasyon at pagkalimot sa taong nakasama sa atin. Naniniwala ako na ang ating buhay ay bigay ng Diyos, at siya lamang ang may karapatang kumuha nito sa atin. Ang pagmamahal sa atin ng Diyos ay walang kapantay, kayat dapat ay ganun din ang ating gawin sa ating kapwa at hindi ang pagpatay sa batang inosente. Para sa mga nagdalangtao sa pamamagitan ng hindi magandang paraan ay hindi din dapat magpa-aborsyon dahil hindi natin alam ang plano ng Diyos sa atin, alam ng Diyos ang kanyang ginagawa. Ako ay hind sumasangayon sa aborsyon dahil isang uri ito ng pagpatay. Dahil sa aborsyon marami din na mga nanay ang namamatay dahil sa komplikasyon kapag silay nagpapaaborsyon. Mayroon namang iba nagkakaroon ng impeksyon at permanenteng sakit sa kanilang katawan. Ang aborsyon ay may sikolohikal din na epekto ayon sa pag-aaral ni David C. Reardon. Ang mga magulang na nagpaaborsyon ay nakadaramdam ng depresyon, ang iba naman ay binabangungot. Para sa iba, ang aborsyon ay dapat gawing legal, ngunit hindi nila naiisip na maaari nga itong maging legal dahil iyon ang gusto ng tao ngunit hindi nila naiintindihan na ito ay hindi nakabubuti o ligtas at sa
_____________________________________________________________________________________________________________________________________
1

Ganatra, Bela. 2006. Unsafe abortion in South and South-East Asia: A review of evidence, in Warriner, I.K. & Shah, I.H. (eds.). Preventing Unsafe Abortion and Its Consequences: Priorities for Research and Action. New York & Washington: Guttmacher Institute. pp. 151-186. Warakamin S.; Boonthai, N.; Tangcharoensathien, V. 2004. Induced abortion in Thailand: Current situation in public hospitals and legal perspectives. Reproductive Health Matters (RHM). Vol. 12, No. 24 (suplemento). pp. 147-56.

mata ng Diyos itoy isang uri ng pagpatay. Ang aborsyon ay hindi dapat gawin legal. Dapat itong itigil dahil sa mga masasamang epekto nito na naidudulot sa atin.

_____________________________________________________________________________________________________________________________________
1

Ganatra, Bela. 2006. Unsafe abortion in South and South-East Asia: A review of evidence, in Warriner, I.K. & Shah, I.H. (eds.). Preventing Unsafe Abortion and Its Consequences: Priorities for Research and Action. New York & Washington: Guttmacher Institute. pp. 151-186. Warakamin S.; Boonthai, N.; Tangcharoensathien, V. 2004. Induced abortion in Thailand: Current situation in public hospitals and legal perspectives. Reproductive Health Matters (RHM). Vol. 12, No. 24 (suplemento). pp. 147-56.

Você também pode gostar