Você está na página 1de 8

A Love Recaptured Dawn Igloria I. Mga tauhan Shaira- Medical Technology makapagtapos ng medisina.

graduate at pangarap niyang

Dex- Engineering graduate. Siya ang matiisin, mapagmahal at tapat na kasintahan ni Shaira na handing maghintay ng kahit na gaano katagal para sa babaeng pinakamamahal. Gigi- Matalik na kaibigan ni Shaira. Siyay materialistic at handa niyang isakripisiyo ang pag-ibig para sa buhay na kanyang pinapangarap. Morris- Probinsiyanong ex-boyfriend ni Gigi. Malapit siya sa kanilang pamilya at siya ang gusto nilang mapangasawa niya. Santi- Pinalit ni Gigi kay Morris. Siya ay Manileno at siya ang inakala ni Gigi na tutupad sa pangarap niyang buhay. Martin- Kababata ni Gigi na nakatuluyan niya sa huli. Tomas at Zenaida- Mapagmahal ngunit istrikto na magulang ni Shaira Kano at Clarita- Mga magulang ni Dex. Ang tatay niya ay kilala sa larangang kinabibilangan- ang pulitika. Rene at maybahay nito- Mababait at mauunawaing magulang ni Gigi. Galo- Kapatid ni Gigi Florie- Asawa ni Galo. Gibo- Walong taong gulang na pamangkin ni Gigi. Siya ay malapit kay Morris. Macky- Anak ni Gigi na itinuring ng papa ni Shaira na parang sariling apo. Manong Imo- kasama ni Gibo sa pagpupulot ng mga nalaglag na bunga ng kasoy.

II. Panahon at Pook Ang mga pangyayari ay naganap sa bayan ng San Marcelino sa Zambales pagkatapos ng Graduation nila Gigi at Shaira, summer Vacation.

III. Uri ng panitikan Ang uri ng panitikang aking binasa at ibinuod ay isang nobela.

IV. Teoryang Pampanitikan Romantisismo- Sa kabuuan ng nobela ay mararamdaman ang wagas na pagmamahalan nila Shaira at Dex. Hindi man nila maipakita at maipaalam sa iba ang kanilang relasyon ay natitiyak naman nilang walang makapaghihiwalay sa kanila. Hanggat nagmamahalan sila ay wala silang hindi kakayanin. Haharapin nila ang bawat pagsubok ng magkasama.

Realismo- Maraming mga pangyayari sa kuwento ang nangyayari sa tunay ng buhay. Isa na dito ay ang paghihigpit ng mga magulang sa kanilang anak lalo nat babae ito. Dahil sa paghihigpit na ito ay napipilitang maglihim ang kanilang anak para sa inaakala niyang ikabubuti ng lahat. Ang tanging hangad lamang ng mga magulang ay ang ikabubuti ng kanilang anak ngunit minsan ay kailangan mo ding ipaglaban ang alam mong magbibigay sa iyo ng walang kapantay na kaligayahan.

Idealismo- Dumarating ang oras o araw na aabot ka na sa hangganan at hindi mo na kakayaning tiisin ang mga pandidiktang ginagawa ng mga magulang mo. Ang madalas na resulta kapag nasasakal ka na ay ang pagrerebelde subalit naging mahusay ang mga pagpapasyang ginawa ni Shaira sa kuwento. Naglihim man siya sa kanyang mga magulang ay ginawa pa rin niya ang lahat para hindi sila mabigo. Nagtapos siya sa pagka-medisina sa kabila ng bigat na dala-dala niya sa dibdib. Hindi niya hinayaang ang pagkabigo niya sa pag-ibig ang maging dahilan para hindi matupad ang inaasam na pangarap.

Moralismo- Ang kagandahan sa isang anak na lumaking may disiplina ng magulang ay makikita sa kagandahang asal nito. Si Shaira ay nakapag-aral at naging matagumpay dahil sa mga magagandang katangian na taglay niya na nahubog ng kanyang mga magulang gaya ng pagkamatiisin, pagkamaunawain, pagkamasunurin at pagkakaroon ng paninindigan.

Naturalismo- Sa nobela ay pinapakita din ang mga kaugalian ng mga Pilipino gaya ng paggalang sa mga nakatatanda at magandang pagsasamahan ng pamilya.

V.

Buod Pagkatapos ng Graduation nila Shaira ay inaya siya ng kanyang matalik na kaibigan na magbakasyon sa kanilang lugar sa Zambales. Hindi pa man siya pinapayagan ng kanyang mga magulang ay nagplano na ang dalawa tungkol sa mga pagkakaabalahan nila dun. Nabigyan ito ng katuparan dahil pinayagan naman siya. Malapit din kasi ang mga magulang ni Shaira sa pamilya ni Gigi kung kayat hinatid pa mismo nila ang magkaibigan. May lupa din kasing ipinagbibili sa malapit sa bahay nila Gigi at ito ay bibilhin nila. Si Shaira ay NBSB o No Boyfriend Since Birth dahil hindi pa siya naiinlove ngunit nang makilala niya si Dex ay nagbago ang lahat.Si Dex ay inhinyerong kaibigan ni Gigi. Siya ang kauna-unahang nagparamdam sa kanya ng pagmamahal at maging si Dex din naman ay parehas ng nararamdaman. Walang matagal na ligawang nangyari dahil sa mga tingin palang nila ay alam na nilang gusto nila ang isat isa. Naging sila bago pa man bumalik si Shaira sa Manila para sa unang taon niya ng pagmemedisina. Naging lihim ang kanilang relasyon dahil sa kasunduan nila Shaira at ng Papa niya na siya ay hindi muna makikipagboyfriend habang nagaaral. Dapat ay walang kahit sinuman ang makaistorbo sa pag-aaral nito kung kayat limang taon ang kailangan nilang hintayin bago masabi sa lahat na sila ay magkarelasyon. Ang nagsilbing komunikasyon lang nila ay telepono at internet. Naging ganito ang kanilang set-up at sa unang taon ay napagtagumpayan naman nila

ito. Naging mas matatag ang relasyon nila at sa katunayan ay umuwi si Shaira sa Zambales at una siyang nakipagkita kay Dex bago ang kanyang pamilya. May binigay si Dex sa kanya na purse na may limang makikinis na bato. Ito daw ay simbolo ng limang taong paghihintay nito sa kanya at dahil nalampasan na nila ang isang taon ay nagtapon si Shaira ng isa. Sa kabila ng kasiyahang namamayani sa kanila ay may nakakita pala sa kanila at nakarating ito sa kanyang Papa. Napilitan siyang magsinungaling at ipinagkaila niyang may namamagitan sa kanila ni Dex. Ang mga sumunod na taon ay naging mas mahirap para sa kanilang dalawa dahil pareho silang naging busy sa kani-kanilang gawain. Si Dex sa trabaho niya at si Shaira sa pag-aaral lalo nat di biro ang kanyang kurso.Gayunpaman ay nasosolusyunan naman nila ito, ang nagpapahirap lang sa kanila ay ang selos. Selos na di kalaunay naging hudyat ng kanilang paghihiwalay. Ayaw sana ni Dex na makipagkalas pero gusto niyang mapag isip-isip ni Shaira na walang halaga ang isang relasyon kung walang pagtitiwala. Isa pa, ay para din to sa ikabubuti niya dahil hindi na niya kailangang maglihim sa kanyang mga magulang tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Ipinagpatuloy nila ang kani-kanilang mga buhay ng wala ang isat isa. Ang kanilang hiwalayan ang bumasag sa dalawang pusong nagmamahalan. Lumipas ang ilang taon at si Shaira ay naging isang ganap na doktor na. Sinubukan niyang mag move-on at sinagot niya ang kanyang manliligaw ngunit hindi rin sila nagtagal.Si Dex naman ay nagbago. Hindi niya kinalimutan si Shaira pero may galit sa kanyang puso sa pag-aakalang nakuha siyang palitan ni Shaira ng ganun kadali samantalang siya ay hirap na hirap pa din ang kalooban niya. Nagtayo ng Clinic si Shaira sa lupang binili ng kanyang mga magulang. Ibig sabihin nito ay palagi na silang magkikita ni Dex. Hindi niya alam kung paano siya nito mapapatawad.Natatakot siyang sa muli nilang pagkikita ay munghing-munghi ito sa kanya at ganito nga ang nangyari. Hindi lang sa una kundi sa tuwing magkakausap sila. Malaman at masakit ang bawat salitang binibitiwan ni Dex na ikinasasama ng loob ni Shaira. Ngunit hindi pa din nawawala ang pag-asa sa kanyang muli silang babalik sa dati. Isang araw ay nasugatan si Dex habang inaayos ang ipinapatayong bahay sa tabi ng Clinic niya kung kayat kahit hindi sila bati ay ginamot niya ito. Ilang man sila sa sitwasyon pero natapos naman

ang panggagamot ng maayos. Ang hindi lang naging maganda ay ang kinahantunagn ng kanilang pag-uusap. Inilabas ni Dex lahat ng sama ng loob niya dito at si Shaira ay walang magawa kundi tanggapin na lamang ang mga salitang binibitawan niya at ng magisa na lamang siya ay naalala niya ang mga batong ibinigay nito sa kanya. Hindi pa niya naitatapon ang lahat ng bato at pakiwari ba niyay habang nababawasan ang bato ay mas lumalayo ang loob nila sa isat isa. Pagkatapos ng pag-uusap nila ay iniwasan na siya nito kung kayat ang akala niya ay wala na talagang pag-asa. Nagpasya na din siyang itapon na ang lahat ng bato ngunit pinalitan niya ng ibang bato. Pinuno niya ang purse ng mga bato simbolo ng unung- puno na pagasang babalik pa ang lahat sa dati. Isang araw, isang pangyayari ang hindi niya inaasahan. Pag-uwi niya sa kanilang bahay ay nadatnan niya si Dex at ang kanyang Papa na nag-uusap ng masinsinan. Umalis ang kanyang papa ng makita niyang dumating na siya. Sobrang nagulat si Shaira dahil akala niya ay galit sa kanya ang lalaki. Halos magwala siya sa tuwa ng walang anu-anoy tranungin siya ni Dex ng Will you marry me?.Umiyak siya sa sobrang tuwa ngunit sa pagkakataong ito, hindi na dahil sa puot at kalungkutan na nararamdaman niya kundi sa lubos at di maipaliwanag na kaligayahan. Ipinagtapat din ni Dex sa pagkakataong ito na ang bahay sa tabi ng Clinic niya ay bahay na plinano niya para sa pamilyang bubuuin nila. Kahit pala sa mga pagkakataong magkagalit sila ay walang nagbago sa plano nitong pakasalan siya at bumuo ng pamilya kasama niya.

VI.

Bisa Damdamin Habang binabasa ko ang nobelang ito ay halu-halong emosyon ang naramdaman ko ( awa,inis, kilig, saya at pagkainip).Naawa ako dahil hindi ko alam kung gaano kahirap para sa dalawang nagmamahalan ang ilihim ang kanilang relasyon sa iba. Nainis ako kasi kailangan nilang mahirapan at masaktan sa loob ng limang taong paghihintay gayong parehas na silang may kursong natapos at nasa tamang edad na. Kilig at saya dahil kahit malayo sila sa isat isa ay ginawa pa rin nila ang lahat para magkaroon ng komunikasyon.

Nangingibabaw pa rin ang pagmamahal na nararamdaman nila para sa isat isa.At ang panghuli ay pagkainip. Hindi ko mawari pero pakiramdam ko ay para akong nasa eksena at nag-aabang sa susunod na mangyayari sa bawat taon na lilipas ay aking pinakaaabangan. Napakatagal ng bawat taon pero masasabi kong, Its worth the wait.

Kaisipan Pagkatapos kong basahin ang nobelang ito ay hindi ko maiwasang mapaisip. Bilang naglaro sa isip ko kung paano nga kaya kapag ako na mismo ang nasa sitwasyon ni Shaira? Magiging kasing tapang niya kaya ako sa bawat pagdedesisyon? Hindi ko alam kung gaano kahirap ang mapasuong sa ganoong sitwasyon kaya hangang-hanga ako sa kanya. Nakarelate ako dahil masasabi kong istrikto din ang mga magulang ko, mas lalo na ang aking Papa at maging hanggang ngayon ay ako pa rin ang little princess niya. Mahirap talagang sumuway sa mga magulang lalo nat kung ang lahat naman ng kailangan mong materyal at di-materyal na bagay ay binibigay nila at ang tanging hinihiling lang ay mag-aral kang mabuti. Sobrang nakakapressure dahil sa bawat hakbang na gagawin mo kahit sa pinakasimple man lang ay iisipin mo muna sila, kung mabibigo mo ba sila sa gagawin mo. Subalit paano nga kaya kapag kailangan mong mamili sa pagitan ng mga magulang mo at ng lalaking pinakamamahal mo? Sa sitwasyon ni Shaira ay wala siyang pinili dahil wala siyang gustong saktan ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay mas marami siyang nasaktan. Sa patuloy niyang paglilihim sa relasyon nila ni Dex ay patuloy niya ring binabale wala ang kanyang mga magulang.Hindi ko rin naman masisisi si Shaira na hindi niya pinakawalan si Dex dahil minsan lang dumarating sa ating buhay ang ating one true love at iyon ay nakita niya sa katauhan ni Dex. Tunay ngang Love will always find its way. Kung ano man siguro ang napagtibay ng pagbabasa ng nobelang ito sa aking kaisipan iyon ay ang pagiging matapat sa mga magulang. Oo, kailangan mong maglihim sa una kung may pagkakamali ka mang nagawa ngunit hindi mo ito kailangang patagalin ng ilang taon. Mga magulang sila kaya mamahalin at iintindihin ka pa din nila kahit anong mangyari. Maaaring sa patuloy mong paglilihim ay malawa pareho ang mga bagay na pinahahalagahan no- pamilya at minamahal. At ang

pinakaimportante sa lahat ay patunayan mo sa kanila na nagkamali ka man minsan ay tutuparin mo pa rin ang pangarap nila para sa iyo dahil ito ang pinakamaliit na bagay na magagawa mo para masuklian ang mga sakripisiyo nila. Napakaraming araw, napakaraming pagkakataon ang ibinibigay sa atin ng ating Panginoon para itama ang kung anumang pagkakamaling nagawa natin sa buhay. Huwag natin itong sayangin dahil maaaring ito ang magdulot ng malaking pagbabago sa ating buhay.

Asal Walang perpektong tao, ito ang katotohanan ngunit hindi ibig sabihin nito na hindi na natin gagawin ang lahat para mapabuti ang ating sarili. Si Shaira ay masasabing may perpektong pamilya gayunpaman, nakagawa pa din siya ng pagkakamali. Gaya ko, nakagawa na din ako ng kasalanan na ikinasama ng loob ng aking mga magulang. Sa una ay mahirap umamin ngunit naituro nila sa akin ang pagiging matapat kaya pag malamig na ang ulo nilay humihingi ako ng tawad.Isa pa ay maliliit lang naman ang mga pagkakamaling iyon kung kaya siguro mas madali sa akin ang magtapat kompara sa pagkakamili ni Shaira. Ang napatunayan ko sa nobelang ito ay mas maganda pag sa una pa lang ay maging tapat ka na sa mga taong iniingatan mo. Maging masunurin ka ngunit kung darating ang araw na kailangan mong magsinungaling para sa ikabubuti ng lahat ay maging handa ka sa mga posibleng mangyari. Kailangan mong maging matapang at matatag sa mga pagsubok na dumarating sa buhay. Sa ngayon ay hindi ko pa nararanasan ang naranasan ni Shaira, masasabi ko din na pag nagmahal ka, kailangan mo itong ipaglaban. Kung hindi man puwede sa ngayon ay matutong maghintay sa tamang pagkakataon. Iwasan din ang selosan at kailangan ng pagtitiwala dahil ito ang nakakasira sa maraming relasyon sa kasalukuyan. Para sa akin, iwasang magpadalus-dalos sa mga bagay na ganyan at habang bata ka pa ay enjoy every split of second of being a single dahil sabi nga nila, Everything falls at its perfect place on its perfect time.

VII.

Implikasyon sa lipunan Sa aking palagay, sino mang makakabasa ng nobelang ito ay mapapaisip tungkol sa mga pagkakamaling nagawa nila at pagdurusang naranasan nila dahil ditto. Pagkakamaling hanggang ngayon ay p[inagsisisihan pa o di naman kaya ay nagdulot naman kahit papaano ng kabutihan. Kung nasaktan man natin ang mga mahal natin sa buhay dahil sa mga ito, kailangan nating tanggapin ang kung anumang masamang epekto nito. Kung hindi ka man nila mapatawad sa una ay huwag kang tumigil na pakita sa kanila na pinagsisisihan mo ang pagkakamaling ito. Mapapatawad ka din nila sa tamang panahon. At sa mga taong nasa isang relasyon ngayon, nararapat lang na pahalagahan nila ang mga nagmamahal sa kanila ngunit mas maganda pa din ang may basbas ng magulanng. Iwasan din ang selos na madalas ay nagiging sanhi ng hiwalayan. Nasasayang ang relasyong iniingatan daghil sa maling akala. Sa mundong ating ginagalawan ay hindi natin kontrolado ang mga bagay-bagay kung kayat kinakailangan ang ibayong pag-iingat sa bawat desisyong gagawin. Kung gusto mong maging Masaya, nasa sa iyo iyon at hindi nakadepende sa iba. Being happy is a matter of choice.

Você também pode gostar