Você está na página 1de 11

Panitikan sa Panahon ng Hapon

Kapaligirang Pangkasaysayan ng bansang Hapon sa Panahon ng Panitikan


-Ang bansang Hapon ay malaki ang pagnanais na siyang maghari sa buong Asya. Lihim siyang pinalakas ng kanyang sandatahang panlakas, ang hukbong dagat,katihan, at panghimpapawid. Layunin ng bansang Hapon ang maitaboy ang mga bansang Kanlurang sumasakop sa ibang bansa sa Asya gaya ng Indonesia,Malaysia,Biyetnam at Pilipinas.

Ang Panitikang Filipino noong Pananakop ng mga Hapones 1941-1945 sinakop ng bansang Hapon ang Pilipinas Sa panahong ito nabalam ang umuunlad na panitikang Filipino. Ipinapinid ng mga Hapon ang mga pahayagan Ang lingguhang Liwayway lamang ng mga Roces ang nagbukas ngunit nasa ilalim ng pangangasiwa ng hapong si Kin-Ichi Ishikawa

Nagkaroon muli ng pagkakataong makapaglathala ng mga kuwento at tula sa pahayagang Liwayway Ipinagbawal ang mga pahayagan at magasing gaya ng Tribune at Free Press Sa panahong ito ang mga paksain sa mga kwento,dula,tula at iba pa ay ang buhay lalawigan Tumpak tawaging panahon ng pamumulaklak ng Panitikang Tagalog ang tinutukoy na panahon ng Hapon Tinawag din nila itong Gintong Panahon

Ang Maikling Katha sa Panahon ng mga Hapon

Ang mga maikling katha nakatanggap ng parangal ay ang sumusunod: Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes- unang gantimpala Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway A. Arceo-ikalawang gantimpala Lunsod, Ngayon at Dagat-Dagatang ni N.V.M. Gonzales-ikatlong gantimpala

Ipinalimbag ang aklat na 25 Pinakamahusay na Kathang Filipino may katangiang katulad ng mga sumusunod: 1.Ang mga paksa ay matimpi. 2.Ang mga pangyayariy madula ngunit di maligoy. 3. Ang mga kwento ay walang balangkas. 4.Ang mga paksa ay iba-iba, yaong nauukol sa karaniwang karanasan at buhay ng mga tao. 5. Ang mga paraang ginamit ay iba-iba.

6.Ang pagkakaroon ng mga malawak na paningin ng mga manunulat ay bakas na bakas sa kanilang mga sinulat. 7.Ang mga pangungusap na ginamit ay payak, isang bagay na nakapagpapaganda sa mga ito.
Dahil sa kakitiran ng mga paksain ng mga manunulat ay hindi nila maisiwalat nang matapat at malaya ang kanilang mga iniisip at dinaramdam na bunga ng karanasan ng mga tao nang panahong iyon.

Ang Dula
Ang dulang tagalog ay nagtangkang bumangon upang magbigay ng kaunting aliw sa mga mamamayan. Nangangailangan sila ng paglilibang upang malimutan ang mga pangamba,pag-aalala at ibat ibang emosyong sumasanib sa kanilang katauhan.

Você também pode gostar