Você está na página 1de 1

At Ngayo'y Nagbangong Bagong Pilipino

Ruben Vega

Silang kung uyamin ay mga barbarong sa kalye'y naglisaw at wasi-wasiwas ang pulang bandilang tingkad ng digmaansila raw ang hentil na asar sa takbo ng kapamuhayan, mga pambulahaw sa mga ambisyon ng mga mayaman. Subalit alam bang sila ang kinuyom ng tanging mithiing hindi maipiglas ng mga ninuno sa pagkaalipin? Silaang larawan ng mga bayani sa pagkagupiling at ngayo'y nagbangong bagong Pilipino tigas na mulawin. Ninais pa nila ang pamumulubing may dangal ang bayan. kaysa mananghod pa sa sariling bansang hawak ng dayuhan. (Kung di magtutuos . sa katunra'i dugo di maiiwasan ang pambubusabos na kinamunuyan ng ating magulang) Di na magsisindi ang wakas ng isang upod nang kandila nasa pag-aalsa ng mga bayani ang pagkadakila! Di dapat idagta sa gapok na ugat ang dugong sariwa: nasa kabataan ang lakas at diwa ng isang bandila!

Você também pode gostar