Escolar Documentos
Profissional Documentos
Cultura Documentos
nila? Binuo kaya nila ito para maintindihan sila ng ibang tao dayo sa ibang dako ng daigdig? Binuo kaya nila ito para sa pakikipagugnayan nila sa mga dayuhan? Sa aking opinyon, binuo ang wikang Ingles, at ang mga libo-libong wika sa mundo, dahil nais ng mga tao (sa kani-kanilang mga sariling lugar) na magkaintindihan sa kanilang mga kasama at hindi para sa ikaaalam ng mga dayuhan. Kaya ang aking tayo sa gawaing ito ay hindi pagkakaintelektwalisado ng wikang Pilipino. Sa aking opinyon, ang wikang Pilipino ay isang napakagandang rosas na may tinik na nakakasakit, at ang pula ng dugo ng mga natutusok ay dumadaloy patungo sa kanyang ulo. Sa madaling salita, ang wikang Pilipino, sa kanyang sarili, ay repleksyon ng kasaysayan ng Inang Bayan. Ito ay isang kultural na salamin ng ating pagiging Pilipino na dinarama ang buhay ng mga bayaning ninuno. Upang mabigyang ebidensya ang aking mga sinusulat, ang mga sumusunod ay ilang mga halimbawa. Ang salitang pamilya ay umuugat sa salitang familia, galing sa wikang Kastila, kung di kayay galing din ito sa salitang family, galing sa wikang Ingles. Sa ating kasaysayan, makikita natin na ang Pilipinas ay sinakop ng parehong Espaol at mga Amerikano kaya bakit nating nais na baguhin pa ito? Kasama pa sa aking katayuan ay ang pagiging henyo ng mga Pilipino sa pagbago ng wika. Kung ating titignan, maraming mga salitang Pilipino ang ibinago upang sumunod sa mga panahon. Gawin nating halimbawa ang salitang tol. Nanggaling ito sa salitang utol, na galing sa salitang putol, na galing sa salitang kaputol. (alam ko mayroon pa yang isang pinanggalingan. Hindi ko lang maalala kung ano basta ang ibig-sabihin ay kaputol ng umbilical cord) At ngayon, ang salitang tol ay ginagamit para mapakita ang pagkakaibigan at kapatiran sa pagitan ng mga tao. Oo, itoy impormal, ngunit natutupad naman ng salita ang kanyang layunin. Kumbaga, ang wikang Pilipino ay nag-eebolb ng tuloy-tuloy mula sa simula ng kasaysayan natin. Upang tuluyan kong mapatunayan ang aking katayuan, magbibigay ako ng halimbawa na nagpapakita ng dalawang dahilan na akin nang nabanggit. Ating tignan ang salitang amputsa. Ito ay nanggaling sa salitang ampucha, na nanggaling sa grupo ng mga salitang anak ng puta, na kapag isinalin sa wikang Ingles ay son of a bitch. Ang mga Amerikano, ang nagdala ng wikang Ingles sa Pilipinas (isang yugto ng kasaysayan) at maaring narinig natin itong mura na ito (son of a bitch) at isinalin sa tagalong. Hindi lang yaan! Hinayaan pa nating mga Pilipino
na mag-ebolb itong mura na ito para hindi siya masyadong mahirap sabihin. Episyente, ika nga. Makasaysayan at tuluyang nagbabago ang wikang Pilipino pati na sa isang bagay tulad ng mura. Sa ika-iikli ng aking sinulat, ang pagbabago ng wikang Pilipino upang itoy maging intelektwal ay hindi dapat isinasadya. Hayaan na nating mahubog ang ating wika sa kanyang sariling bilis. Itoy dahil ang ating wika ay isang salamin ng ating pagiging Pilipino at ang sadyang pagbabago nito ay isang paraan ng paghampas sa ating kultura (eksahirado, oo, pero mali parin para sa akin)
REFERENCE:
http://ayokosaberde.xanga.com/496072980/ang-intelektwalisasyon-ngwikang-pilipino/
At magagawa lamang ito sa pamamagitan ng puspusang paggamit nito sa mga larangang intelektwal tulad ng pagtuturo sa antas tersiyaryo at eskwelahang gradwado, sa pagsulat ng mga akda sa pilosopiya, agham at teknolohiya. (Hornedo) Kung gayon, mahihinuhang may kakayahan ang wikang Pilipino na pumantay sa wikang Ingles pagdating sa larangan ng Agham at Teknolohiya, pati na rin Matematika, Pilosopiya, at lalong-lalo na sa Humanidades. Kinakailangan lamang, marahil, ng tuloy-tuloy na paggamit at pagsasanay dito upang higit pang yumaman ang kalipunan nito ng salita at kakayahang panggramatika. Hindi nga naman ito yayaman ng katulad sa wikang Ingles kung hindi gagamitin sa mga larangang intelektwal, sa nibel ng Diwang Malay (ang mga espesyal na sitwasyong binaggit ni Tinio), at hindi lamang sa antas ng Diwang Buhay (ang pangkaraniwang sitwasyon). REFERENCE: http://matanglawin02.tripod.com/isyu06/pitik_filipino.html