Escolar Documentos
Profissional Documentos
Cultura Documentos
Borador para sa Ika-6 Pambansang Kongreso, Mayo 2011 Ano ang ANAKBAYAN?
Ang Anakbayan ay Pambansa-Demokratikong komprehensibong pangmasang organisasyon ng mga kabataang Pilipino na naglalayong pukawin, organisahin at pakilusin ang mga kabataan para sa Pambansang Demokrasya na may Sosyalistang perspektiba. Pinagkakaisa nito ang mga kabataang manggagawa, magsasaka, maralita, estudyante, propesyunal, kababaihan, migrante, Moro at iba pang pambansang minorya upang makibahagi sa pagsusulong at pagtatagumpay ng Pambansa-Demokratikong pakikibaka ng mamamayang Pilipino. Kaalinsabay ng pakikibaka para sa mga kagyat at pangmatagalang kahilingan ng mga kabataan, matatag at mahigpit itong sumasanib sa lakas at pakikibaka ng masang anakpawis. Itinatag noong 30 Nobyembre 1998, araw ng kapanganakan ng dakilang rebolusyunaryong si Andres Bonifacio at araw ng pagkakatatag ng unang komprehensibong pangmasang organisasyon ng mga kabataan, tangan nito ang prinsipyo at tinatahak ang dakila at marangal na tradisyon ng Kabataang Makabayan (KM). Bilang pagpapatuloy ng simulain ng Katipunan at KM, matatag itong naninindigan, nagkakaisa at nagsusulong sa pakikibaka ng mamamayan para sa pambansang kalayaan at demokrasya laban sa sistemang malakolonyal at malapyudal na pinaghaharian ng imperyalismo, pyudalismo at burukrata-kapitalismo. Mula sa pagkakatatag nito, pinukaw, inorganisa at minobilisa ng Anakbayan ang libo-libong kabataan sa mga balangay nito sa buong bansa para sa pambansang demokrasya. Mahigpit nitong ipinagsanib ang pakikibaka ng sektor ng kabataan sa pakikibaka ng buong sambayanan.
sa pagkuwenta ng gastos sa punla, abono, pestisidyo, patubig at gamit sa produksyon. Binabarat nito ang sahod ng mga manggagawang bukid o sapitilan silang pinagtatrabaho. b. Malaking Burgesya Kumprador (MBK) Ang uring MBK ang may pinakamalaking nakakamal na kapital bilang prinsipal na ahente ng imperyalismong EU sa kalakalan at pinansya. Mahigpit nitong katuwang ang uring PML (o di kaya sila mismo ay PML) dahil ang pang-ekonomiyang interes nila ay nakasalalay sa produksyon ng murang hilaw na materyales. Ang yaman nila ay pangunahing kinukuha sa pag-eksport ng lokal na hilaw na materyales (asukal, niyog, troso, mineral, atbp.), pag-iimport ng mga yaring produkto at pambabarat sa sahod ng mga manggagawa. Ang nakararaming pinagsasamantalahan at inaaping uri Binubuo ang 99% ng ating populasyon ng mga manggagawa, magsasaka, mala-proletaryado, petiburgesya at pambansang burgesya. Sa kanilang lakas at talino naipundar ang malawak na agrikultura, pabrika, minahan, transportasyon at komunikasyon na bumubuhay sa lipunang Pilipino. Sila ay isang makapangyarihang pwersa sa pag-unlad. a. Pambansang Burgesya (PamBur) Binubuo ng mga negosyante sa siyudad at probinsya na interesado sa makabayang industriyalisasyon ang uring PamBur, sila ay 1-2% ng populasyon. Pang-ekonomiyang interes nila ang pagkakaroon ng maliit na pagawaan at maliitang manupaktura (Hal. alak, sapatos at balat, tabako, langis ng niyog, arina, tela, atbp.) at negosyo sa pagbebenta at transportasyon ng mga produktong nakaasa ng husto sa imported na hilaw na materyales. May ambisyon sila na maging malaking burgesya at magtayo ng estadong kapitalista ngunit pinagsasamantalahan dahil sa pagtatambak ng yaring produkto at pagmomonopolyo at pagmamanipula ng imperyalistang EU at MBK sa lokal na ekonomiya. b. Petiburgesya (Peti-B) Kabilang sa uring Peti-B ang malawak na mayorya ng intelihensya tulad ng mga guro, kabataangestudyante, propesyunal na maliit ang kita, mababang upisyal ng gubyerno, sanay na manggagawang mataas-taas ang sweldo atbp. na bumubuo sa 8% ng populasyon. Sila ang may pinakakaunting ari-arian sa hanay ng burgesya. Medyo nakasasapat lang sila sa kabuhayan na nagmumula sa pagmamay-ari ng kaunting kasangkapan sa produksyon o pagkakaroon ng ispesyal na treyning o kasanayan. Dumadausdos ang kanilang kabuhayan dahil bumababa ang tunay na halaga ng kanilang maliit na kita, nanganganib ang kasiguraduhan sa trabaho o di kayay hindi makahanap nito. c. Ang Uring Magsasaka Sila ang kalakhang puwersa ng pambansang ekonomiya na bumubuo sa 75% ng populasyon ng bansa. 7 sa 10 magsasaka ang walang sariling lupa at lalo pang inaagawan ng lupa dahilan upang sila ay magbayad ng upa sa lupang pinagmamay-arian ng PML katumbas ang higit pa sa kalahati ng kanilang ani. Nabibiktima sila ng husto sa pamamagitan ng mataas na interes sa usura, pandaraya ng PML sa pagkuwenta ng gastos sa produksyon at pambabarat sa presyo ng kanilang ani. Kadalasay obligado silang ibenta ng mura ang kanilang lakas-paggawa bilang manggagawang bukid o sakada at manggagawa sa konstruksyon atbp. d. Ang Uring Proletaryado o Manggagawa Ang uring walang pinagmamay-ariang anumang kasangkapan sa produksyon at obligado magbenta ng lakas-paggawa sa mga kapitalista. Binubuo nila ang 15% ng populasyon (Hal. manggagawa sa minahan, pabrika ng tela at gamot, planta ng pagkain at inumin, imprenta, manggagawang bukid sa asukarera at koprahan, atbp.). Mula sa kakarampot nilang sahod puwersahang nalilikha ang sobrang halaga o tubo
na kinakamal ng mga kapitalista. Ang kawalan o kakulangan sa trabaho ang nagpupuwersa sa kanilang pumasok sa mapagsamantalang mga kasunduan na nagpapanatiling mababa ang kanilang sahod at lugmok sila sa kahirapan. Bahagi ng uring ito ang mga malaproletaryado na walang ari-arian, di sapat ang sahod, di regular at kulang ang kinikita at walang katiyakan sa trabaho. Madalas silang matatagpuan sa mga maralitang komunidad: mga karpintero, taga-kumpuni, naglalako, may-ari ng maliit na tindahan, kargador sa pier at palengke, katulong sa tindahan o bahay, drayber ng traysikel o jeep atbp. Ang partikular na kalagayan ng mga kabataan Kabilang ang mayorya ng kabataan sa uring manggagawa at magsasaka. Gaya ng kanilang magulang na manggagawa, karaniwang mas maliit pa ang sahod ng mga kabataang trabahador bilang mga kaswal o kontraktwal na manggagawa. Malaking problema ng mga kabataang magsasaka ang kawalan o kakulangan ng lupang sakahan. Kadalasay puwersado silang magbigay ng libreng serbisyo bilang mga kasama o di kayay tumanggap ng napakaliit na sahod at magtrabaho sa ilalim ng mahihirap na kundisyon bilang mga manggagawang bukid. Karamihan ng mga kabataan sa hanay ng petiburgesya ay may napakaliit na pirmihang kita na hindi mapagkasya sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at binabarayang buwis, hindi makahanap ng trabaho o di kayay di angkop ang nahanap na trabaho sa kanilang tinapos. Tulad ng malawak na mamamayan, pinagkakaitan rin sila ng batayang serbisyong panlipunan. Hindi natatamasa ng kabataan ang karapatan sa edukasyon pagkat itoy pinatatakbo bilang mga negosyong pinagkakakitaan ng husto. Marami sa mga kabataan ang natigil sa pag-aaral at kinailangang maghanapbuhay na lamang dahil hindi makasabay sa taun-taong pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin. Maraming estudyante ang namamasukan bilang call center agents, klerk, katulong sa bahay, drayber, manggagawa sa pabrika atbp. upang kumita ng ikabubuhay at pangmatrikula. Kadalasay nagmumula sila sa pamilyang proletaryado at magsasaka na dahil sa papaliit na pondo ng gubyerno sa edukasyon ay limitado o kaya walang opurtunidad na makatungtong sa paaralan. Bunga rin ng kasalatan sa buhay at kawalan ng oportunidad sa hanapbuhay at edukasyon, may mga kabataang naaakit umanib sa pasistang armadong puwersa at suungin ang mapanganib na hanapbuhay bilang sundalo ng AFP, CAFGU o puwersang paramilitar. Sinisiil rin ang karapatang pampulitika at sibil ng mga kabataan at mamamayan. Kay rami ng mga demonstrasyong binuwag at di na rin mabilang ang mga kabataang biktima ng pagdakip, pagbilanggo, tortyur at pagpaslang ng pasistang estado.
Ang imperyalismo ang monopolyong yugto ng kapitalismo. Binigyang-daan ng malayang pamilihan ang konsentrasyon ng produksyon at kapital sa kamay ng iilan. Lumitaw ito nang makontrol ng mga monopolyo kapitalista ang ekonomiya, pulitika at kultura sa mga pinakaabanteng kapitalistang bayan. Nangangahulugan rin ito ng gera para sa pagpapanatili at pag-agaw ng mga teritoryo dahil ito ang pamamaraan para pansamantalang malutas ang kanilang krisis sa sobrang produksyon. Kinakailangan nila ang mga kolonya at malakolonya gaya ng Pilipinas sapagkat sa tuwirang pamumuhunan, kolonyal na kalakalan at pagpapautang nagkakamal ng supertubo ang mga imperyalista. Ang pyudalismo ay ang sistema ng produksyon na ang pangunahing puwersa sa produksyon ay ang mga magsasaka at lupang kanilang binubungkal. Saligang katangian ng relasyon sa produksyon ang pagkikil ng iilang palamuning uring panginoong maylupa ng napakataas na upa sa lupa sa mga magsasaka dahil monopolyado nila ito. Biktima ang mga magsasaka ng mataas na interes sa usura, sapilitang pang-aalila, mababang pasahod sa mga magbubukid at pangangamkam ng lupa. Baseng panlipunan ng imperyalismo ang pyudalismo dahil sa pagpapanatili sa atrasado at maliitang pagsasaka nagkakamal sila ng sobrang ganansya sa pagsasamantala sa murang lakas paggawa at murang hilaw na materyales. Ang burukrata kapitalismo ay ang pagpapatakbo sa gubyerno nang parang negosyo. Ginagampanan ng mga tutang burukrata o opisyal ng reaksyunaryong gubyerno ang ispesyal na papel na pag-ugnayin ang interes ng mga imperyalista at lokal na mapagsamantala at supilin ang determinadong paglaban ng mga aping mamamayan. Sa pagpapanatili sa malakolonyal at malapyudal na kalakaran, nakakapagpayaman ang mga nakaupo sa kapangyarihan sa paggamit sa kanilang pusisyon upang makapangurakot at makapagpalawak ng pag-aaring lupa at negosyo. Ito ang batayang panlipunan ng pasismo. Malakolonyal at malapyudal ang lipunang Pilipino Ang malakolonyal na katangian ng lipunang Pilipino ay pangunahing itinatakda ng di-tuwirang paghahari ng imperyalismong US sa ekonomiya, pulitika at militar at kultura ng Pilipinas. Ang malapyudal na katangian naman ay pangunahing itinatakda ng pagpasok at pagpapailalim sa katutubong pyudalismo sa monopolyo kapitalismo ng US. Ang konkretong resulta ng pagsasanib ng dalawang naghihingalong pwersamonopolyo kapitalismong US at katutubong pyudalismoay ang pagka-agnas at pagkalusaw ng natural na ekonomiyang nakasasapat sa sarili na naging ekonomiyang pangkalakal. Ito ay nagbunga ng kawalan ng pagsulong sa ekonomiya, walangkapantay na krisis, kawalan ng batayang industriya, matinding depisito sa kalakalan, pagkakautang, kahirapan at kaapihan. Simula nang matali ang lokal na ekonomiya sa pandaigdigang sistemang monopolyo kapitalismo, hindi nagkaroon ng tunay na paglago ang lokal na ekonomiya. Pinanatili nito ang pyudal na pang-aalipin sa kanayunan upang lumikha ng dagat ng reserbang hukbo ng paggawa para sa mas murang presyo ng lakaspaggawa. Iniayon naman ang agrikultura sa produksyon ng mga produktong nakatuon sa pag-eeksport ng mga kailangan ng mga imperyalistang bayan. Nangamatay ang lokal na produksyon dahil sa pananalasa ng patakarang neoliberalisasyon o globalisasyon sa agrikultura, pagtanggal ng taripa at subsidyong nabibigay proteksyon rito at pagbaha ng murang inaangkat na produktong agrikultural. Dahil sa pagpigil ng imperyalismong US sa pag-unlad ng pambansang kapitalismo, walang naitayong batayang industriya sa bansa. Nasa palagiang krisis sa balance of trade ang bansa dahil sa pagiging export-oriented at import-dependent nito. Nalulugi ang pambansang ekonomiya sa pagluluwas ng murang hilaw na materyales at semi-processed na produkto at kalakal samantalang nag-aangkat ito ng napakamahal na esensyal na kalakal at yaring produkto gaya ng langis sa mga imperyalistang bayan.
Dahil sa pagkalugi sa di-pantay na kalakalan at kawalan ng batayang industriya na nakatungtong sa maunlad na agrikultura, naibabaon ang Pilipinas sa utang sa imperyalistang US at oligarkiya sa pinansya. Higit pang de-industriyalisasyon ang dulot ng tuwirang dayuhang pamumuhunan sa bansa. Ang paglalagak ng kapital ng US at iba pang imperyalistang bayan sa bansa ay hindi para sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya at paglikha ng trabaho para sa mga manggagawa. Layunin nito ang kumita ng gahiganteng tubo mula sa murang hilaw na materyales at murang lakas-paggawa. Susi ang ginagampanang papel ng neokolonyal na estado ng Pilipinas sa pagtataguyod at pagpapatupad ng mga patakarang ayon sa interes ng mga dayuhang imperyalista at lokal na naghaharing uring nagpapakasasa sa yaman ng bansa. Ang makauring diktadura ng imperyalistang US at ahente nitong malaking burgesya komprador at alyadong panginoong maylupa ang nagtityak na mapoprotektahan at maitataguyod ang kanilang interes sa sistema ng produksyon at superistrukturang malakolonyal at malapyudal na lipunan.
Sa larangan ng pulitka, militar at ugnayang panlabas Pagtatayo ng demokratikong gubyernong bayan na pinamumunuan ng uring manggagawa at nakabatay sa malawak na alyansa ng uring manggagawa, magsasaka, petiburgesya at pambansang burgesya Pagpapairal sa isang hukbong sandatahan na mayroong makabansa at makamasang oryentasyon, mangangalaga sa pambansang teritoryo at lalaban sa pananalakay ng dayuhan Pagtataguyod at pagtatanggol sa mga demokratikong karaparanpampulitika at sibilng mga mamamayan Pagpapatupad at paggalang sa karapatang magpasya sa sarili ng mamamayang Moro at iba pang pambansang minorya Pagsusulong sa lahatang-panig na pagpapalaya sa kababaihan Pagpapatupad ng independyenteng patakarang panlabasanti-imperyalista, nagsasarili at palakaibigan Sa larangan ng kultura Pagsusulong sa makamasa, siyentipiko at makabayang kultura laban sa kolonyal, pyudal at anti-popular na kultura Pagdedemokratisa sa sistema ng edukasyon, gagawin itong libre mula pinakamababa hanggang pinakamataas na antas, Sosyalista ang perspektiba ng ating pambansa-demokratikong pakikibaka. Ang sosyalismo ay isang sistemang panlipunan kung saan ang kapangyarihang pang-estado ay nasa kamay ng uring manggagawa at ang mga kagamitan sa produksyon ay pag-aaring publiko. Pinapalitan nito ang anarkistang sistema ng produksyon para sa tubo ng sistemang kapitalista ng planadong produksyon para sa paggamit. Papairalin sa sistemang ito ang alituntuning mula sa kakayahan ng bawat isa, tungo sa paggawa ng bawat isa. Kagyat na sinisimulan ang sosyalisatang rebolusyon at konstruksyon sa tagumpay ng pambansademokratikong pakikibaka ng mamamayankapag naibagsak na ang imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo at naagaw na ng mamamayan ang kapangyarihang pampulitika sa buong bayan.
Nahahati ang mga kabataan sa dalawang magkasalungat na panig ng kasaysayan na nagsisikap na impluwensiyahan sila: sa pagitan ng dayuhan at lokal na naghaharing uri na nagpapalaganap ng kulturang humuhubog sa burges na paraan sa kaisipan at pag-uugali ng kabataan upang mapanatili ang pananamantala at puwersa ng rebolusyon na kinakatuwang ang kabataan sa pagsusulong ng mas maunlad at makatarungang lipunan. Ang kabataan ang pinakamahusay na edad para sa pakikipaglaban. Bukas ang mga ito sa rebolusyunaryong mga ideya, sensitibo sa kawalan ng hustisya, nasa kalakasan ng katawan at handang gawin ang kinakailangan hindi lamang para sa kabataan kundi para sa buong sambayanan. Taglay nito ang katatagan, walang takot na dedikasyon, militansiya at di mapipigil na lakas. Ngunit para mabaka ang peti-burges na tendensiya at kaisipang kaya nitong baguhin ang lipunan batay lamang sa kanilang sariling lakas o ng hiwalay sa ibang puwersang panlipunan dapat nitong iugnay ang sarili sa pakikibaka ng uring anakpawis. Mulat itong nakakapagpanibagong hubog sa pagsisilbi sa masa at pakikilahok sa kanilang pakikibaka. Pumipintig sa mga puso at isipan ng kabataan ang kagustuhan para sa pundamental na pagbabago. Ultimong layunin ng pakikibaka nito ang pagkamit sa pambansang demokrasya upang wasakin ang sistemang malakolonyal at malapyudal at ibagsak ang imperyalismong US, pyudalismo at burukrata-kapitalismo. Tanging sa militanteng pakikibaka lamang lilitaw ang pinakamahusay sa kabataan. Tanging sa pakikibaka lamang patuloy na mapapanariwa ang panlabang pwersa ng walang hanggang pagdaloy ng bagong dugo ng rebolusyon. Ano ang tungkulin ng Anakbayan? Ang komprehensibong organisasyon ng mga kabataan gaya ng Anakbayan ay kinakailangang batayang puwersa para sa tagumpay ng pambasa-demokratikong kilusan. Mangangahulugan ng pagtanda at kamatayan ng rebolusyunaryong kilusan ang kawalan ng komprehensibong organisasyon ng kabataang Pilipino. Tungkulin ng Anakbayan na: 1. Pukawain, organisahin at mobilisahin ang pinakamalawak na bilang ng kabataan upang sumanib sa pambansa-demokratikong pakikibaka ng uring anakpawis laban sa imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo; 2. Buuin ang mahigpit na pagkakaisa ng kabataang Pilipino; mga kabataang manggagawa, magsasaka, maralitang lungsod, estudyante, propesyunal, kababaihan, migrante, Moro at iba pang pambansang minorya saan mang lokalidad o lugar at konsentrahan ng mga kabataan; 3. Paigtingin at palawakin ang mga pakikibakang masa; Ipaglaban ang mga makaratungan at kagyat na kahilingan at interes ng kabataan para sa trabaho, lupa, edukasyon, karapatang pampulitika at sibil at serbisyong panlipinan (TLEKS) at mahigpit itong ikawing sa pambansa-demokratikong pakikibaka ng mamamayan; 4. Pataasin ang pampulitika at pambansa-demokratikong kamalayan ng mga kasapi at kabataan; pagaralan at ipalaganap ang linya, programa at pambansa-demokratikong pag-susuri sa hanay ng kabataan at mamamayan; 5. Mulat at sistematikong ipatupad ang gawaing masa at integrasyon ng mga kabataan sa hanay ng masang manggagawa at magsasaka sa piketlayn at kanayunan at aktibong lumahok sa kanilang pakikibaka;
6. Maging mahigpit na katuwang ng uring anakpawis at magsanay ng mga lider-balangay at kabataang kadre para sa pambansa demokratikong kilusan; 7. Makipag-ugnayan at makipagtulungan sa iba pang organisasyon at grupo ng kabataan para sa mga konkretong kahilingan at pakikibaka; 8. Mahigpit na makipagkaisa sa mga organisasyon ng mga kabataan sa ibayong dagat at buuin ang malapad na anti-imperyalistang prente ng mga kabataan; bumuo ng mga balangay ng Anakbayan sa hanay ng mga kabataang Pilipino sa ibayong dagat.
Ang sumusunod ang mga tungkulin ng balangay ng Anakbayan: a) palaganapin ang linya, programa at patakaran ng ANAKBAYAN; b) buuin ang istruktura para sa demokratikong partisipasyon ng kasapian; k) magrekluta ng bagong kasapi, mangolekta ng butaw, magbuo ng mga bagong balangay; d) maglunsad ng mga pag-aaral sa hanay ng kasapian; e) regular na maglunsad ng mga integrasyon sa batayang masa -- piketlayn, sakahan at komunidad; f) pag-aralan at siyasatin ang pangangailangan, kalagayan at interes ng kabataan; g) magsagawa ng mga aktibidad na titipon at magpapakilos sa kasapian; h) magsulong ng mga pakikibaka para sa interes at kapakanan ng kabataan at mamamayan; i) mamahagi ng mga publikasyon at babasahin ng ANAKBAYAN. Pangkalahatang Asembliya Ang Pangkalahatang Asembliya o General Assembly (GA) ng balangay ang pinakamataas na nagpapasya para sa mga gawain ng balangay. Nagpapasya ang GA alinsunod sa mga kaisahan ng Pambansang Kongreso, Pambansang Konseho at ng Pambansang Komiteng Tagapagpagganap at mga organong kagyat na nakakataas. Ang GA ay binubuo ng lahat ng kasapi ng balangay. Idinaraos ito minsan isang buwan upang magtasa at magbalangkas ng planot resolusyon ang balangay para sa isang takdang panahon. Komiteng Tagapagpagganap (KT) Ang pamumuno ng balangay sa pang-araw-araw na mga tungkulin nito ay nakasalalay sa Komiteng Tagapagpagganap (KT) ng balangay. Maghahalal ang bawat balangay ng Tagapangulo, Pangalawang Tagapangulo, Pangkalahatang Kalihim at Opisyal sa Edukasyon at Integrasyon at Opisyal sa Pinansya. Maaaring palawakin ang KT sa paghahalal din ng ilang opisyal batay sa mga aktwal na pangangailangan at kakayahan ng balangay (hiwalay na Opisyal sa Integrasyong Masa, Opisyal sa Gawaing Pangkultura, atbp). AOM Teams Binubuo ang AOM Teams (pangkat pampropaganda at pang-organisa) sa loob ng mga balangay ng Anakbayan upang matiyak ang pagpapatupad ng mga kasapi sa batayang tungkulin ng bawat isa na magpukaw, mag-organisa at magpakilos sa masa. Layunin nitong mapakilos ang paparaming bilang ng masang kasapi sa gawain ng direktang pag-AOM sa masa at tiyakin ang mabilis at sistematikong pag-unlad ng bawat kasapi bilang masang aktibista ng pambansademokratikong kilusan. Kinokolektibisa ang tatlong (3) kasapi pataas sa mga teams na may karaniwang Team Leader at mga Vice Team Leader para sa Organisasyon at Edukasyon. Sa Pangkalahatang Asembliya binabalangkas ng balangay ang pangkalahatang plano, tungkulin at diin nitong gawain. Dito nakatungtong ang partikular na plano ng AOM Teams. Mga komite ng balangay Sa paglaki ng bilang ng mga kasapi ng balangay buhat ng paglalarga ng maramihang propaganda-ahitasyon at mabilis na pagrerekluta ng AOM Teams, maaari at dapat nang buuin ang mga komite ng balangay. Sa paglawak ng trabaho ng balangay, mainam na may mga komite na nag-iispesyalisa at nagtitiyak sa mga mahahalagang
gawain gaya ng kampanya at pakikibakang masa, edukasyon, organisasyon, integrasyong masa, pinansiya, atbp. Habang ang mga AOM Team ang araw-araw at direktang nagpo-propaganda at nagrerekluta sa masa, ang mga komite ang nagtitiyak ng mga partikular na linya ng gawain sa balangay at tumutulong sa pagdidireksyon ng larga ng AOM Teams at ng balangay.