Você está na página 1de 1

Si Agapito G. Flores ay isang Pilipinong imbentor na inakalang bumuo ng imbudo ng fluorescent light tube.

Siya ay ipinanganak sa Guiguinto, Bulacan noong Setyembre 28, 1897. Siya ay nagmula rin sa angkan ng mahihirap. Dahil sa kahirapan, hindi natapos ni Flores ang kanyang pag-aaral sa mataas na paaralan. Namasukan siya sa isang talyer, kahit na mahirap lamang siya ay may mataas na pangarap. Nagtungo siya sa siyudad at nanirahan sa Tundo, , Maynila. Nag-aral siya ng elektrisyan sa isang paaralang pambokasyonal. Makalipas ang isang buwan, siya ay namasukan. Siya ay nagsagawa ng eksperimento tungkol sa ilaw na karaniwang gamit lalo na sa gabi. Nais niyang makatuklas ng ilaw na ang liwanag na dulot nito ay katumbas ng liwanag sa araw. Ang kanyang pagsisikap ay di nagtagal at nagbunga na siyang kilala ngayon at ginagamit lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa buong daigdig. Ang imbensyon na ito ay pinakilala niya kay Pangulong Manuel L. Quezon. Nagulat ang presidente sa natuklasan ni Flores. Hindi siya makapaniwala na ang isang tubo na yari sa bote ay magagamit at makakalikha ng liwanag. Pero sa panahong ito, inilabas na sa publiko ng General Electric sa Estados Unidos ang flourescent light. Si Agapito Flores ay namatay noong 1943.

Você também pode gostar