Escolar Documentos
Profissional Documentos
Cultura Documentos
Privileged spits
BY TOTO CAUSING
Dahil sa Gates of Hell na pagtawag sa Maynila ng sikat na taga-akda na si Dan Brown (sumikat sa kanyang nobela na Da Vinci Code), naalaala ko tuloy si Manuel L. Quezon na nagsabi noon: I RATHER WANT A COUNTY RUN LIKE HELL BY FILIPINOS THAN ONE RUN LIKE HEAVEN BY FOREIG-NERS. Ayon, matapos ang Pilipinas ay magkaroon ng mga matitinong presidente gaya ni Quezon, Sergio Osmea, Manuel Roxas, Elpidio Quirino, Ramon Mag-saysay, Carlos Garcia at Diosdado Macapagal (si Dadong at hindi yung pekeng anak nya na si Gloria na ang opinyon ng may akda nito ay ayon sa katotohanan na wala kang makikita na pandak sa kanyang mga anak maliban kay Glorya), PINATAKBO ANG PILIPINAS NA PARANG IMPIERNO. Mukhang tama si Dan Brown sa kanyang bagong nobela na Inferno.
Sinimulan ni Marcos ang mahabang kasaysayan na nakawan. Naibsan ng konti nang dumating si Cory sa pamamagitan ng lakas ng EDSA 1. At malaki ang nabawas sa panahon nga-yon ni PNoy kahit pa totoo na marami syang mga iniluklok sa pwesto na mga nangangawat. Pinauso naman ni Ka Fidel ang win-win situation na kung saan ang lahat ng mga kawatan na negosyante at pulitiko ay maligaya kasama na ang mga nagpasasa sa mga kontrata, ang iba nito ay ang mga sumusunod: (1) INDEPENDENT POWER PRODUCERS CONTRACTS na syang dahilan ng kalbaryo sa taas ng presyo ng kuryente na binabayaran ng mga mamamayan; (2) PEA-AMARI SCANDAL sa pagtatambak ng lupa sa Manila Bay na kung saan ay makikita mo ngayon na
isang napaka-unlad na lugar na pina-ngungunahan ng SM Mall of Asia; (3) P10-BILLION EXPO FILIPINO PROJECT SA PAMPANGA NA HINDI GUMAGANANGAYON; (4) PAGBEBENTA NG FORT BONIFACIO PARA KUNO PAMBILI SA MODERNISASYON NG SANDATA NG AFP, NA HINDI NAMAN NANGYARI; at (5) PANLALANSI NI REGHIS ROMERO NG R-II BUILDERS NA NANALO KUNO SA P3-BILLION SMOKEY MOUNTAIN PROJECT DAHIL DAW SAPAT ANG KANYANG PERA PARA MAIPATUPAD ANG KONTRATA PERO LUMABAS NA UUTANG LANG PALA SA SSS, GSIS AT PAG-IBIG NG P3 BILLION PARA LUTUIN SA SARILING MANTIKA ANG GOBYERNO, NA HINDI RIN TINAPOS ANG KONTRATA AT HINDI PA BINAYARAN ANG SSS, GSIS AT PAG-IBIG. Pinatuloy ni Erap sa unang araw ng pag-upo
Perfecto Jun Yasay bilang SEC chairman at binulgar ang panggigipit ni Erap para pilitin ang pamunuan ng SSS at GSIS na bumili ng shares of stocks mula sa BW Resources. Di nagtagal ay bumagsak ang presyo ng shares ng BW Resources at maraming mga negosyante ang umiyak ng dugo nang naglaho na parang bula ang kanilang mga milyones na pinaghirapan na ginamit pambili sa mga shares of stocks, dahil ang dating mahigit P100 na presyo ng kada sipi ng BW Resources ay bumagsak sa P10 o mas mababa pa: SWINDLING NA ANG LAKI AY ECONOMIC SABOTAGE. Si Bubby Dacer noon ay may hawak ng mga dokumento ng BW Resources dahil sa siya noon ay inupahan ni Dante Tan na magiging PR Crisis Manager. Matapos ilang araw, dinukot si Dacer at ang kanyang driver na si PAGE 7
R EM AN
HOSPITAL M EDICAL and LABORATORYDEPOT