Você está na página 1de 3

EL FILIBUSTERISMO Ang nobelang El filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng Kasakiman[1] ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang

bayani ng Pilipinas na si Jos Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora.[2] Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at,[3] tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba. Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.[kailangan ng sanggunian] Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.[kailangan ng sanggunian] Mga tauhan Ito ang mga tauhan sa El filibusterismo ni Jose Rizal. Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway. Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino. Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli. Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle. Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo. Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal. Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan. Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan. Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari. Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan. Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego. Padre Florentino - ang amain ni Isagani Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan. Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita. Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez. Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas. Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio. Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra. Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli. Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya. Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio.
[4]

Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo. Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni Camaroncocido. Gertrude - mang-aawit sa palabas. Paciano Gomez - kapatid ni Paulita. Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina. Mga Kilalang Pilipino sa Sining at Panitikan May malaking kahalagahan ang sinig at kultura sa buhay ng bawat Pilipino. Kinagigiliwan nilang umawit, sumayaw, tumugtog, sumulat, at gumuhit. Dahil dito, marami silang mga bantayog na mang-aawit, manunulat, manunugtog, kompositor, at pintor. Kilala si Julian Felipe sa kanyang tugtugin o kompositiong "Himno Nacional Filipino." Ipinalikha sa kanya ni Heneral Emilio Aguinaldo ang makabayang musikang ito para sa kalayaan ng bansa. Unang ipinarinig ang tugtuging ito noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite. Iyan ang pinagbatayan ng kasalukuyang pambansang awit. Bukod sa pagiging kompositor, si Julian Felipe ay tumutugtog din ng organ sa simbahan ng Cavite. Isa pang kilalang Pilipino sa larangan ng musika si Nicanor Abelardo. Magaling siyang tumugtog ng mga instrumento gaya ng guitara, biyulin, cello, at piyano. Isa rin siyang kompositor tulad ni Julian Felipe. "Nasaan Ka, Irog?" ang isa sa kanyang tanyag na mga komposisyon. Ang iba pang mga kinatha niya ay ang mga sumusunod: My Native Land," "Motherland," "Bituing Marikit," at "National Heroes Day." Mayroon din kilalang biyulinista. Siya si Gilopez Kabayao. Natutuo siya ng biyulin mula sa kanyang ama nang siya ay pitong taong gulang pa lamang. Marami na siyang pinagwagihang paligsanhan sa pagtugtog ng biyulin sa ibang bansa. Nagbibigay pa siya ng walang bayad na konsiyerto para sa mga batang mag-aaral. Si Cecile Licad naman ay isang tanyag na piyanista sa buong mundo. Maaga siyang natutong tumugtog ng piyano. Isa siya sa magagaling na Pilipinong iskolar sa musika na pinag-aral sa Estados Unidos. Nanalo na siya sa ilang paligsahang pandaigdig sa pagtugtog ng piyano. Hindi lamang sa Pilipinas tanyag ang mga awitin ni Freddie Aguilar at Apo Hiking Society. Kilala rin sila sa ibang bansa. Kanilang itinaguyod at pinaunlad ang mga musikang Pilipino sa pamamagitan ng pag-awit sa mga konsiyerto sa ibang bansa. Nanalo na rin sila sa mga paligsahang pang-internasyonal sa musika. Sila ang tinatawag na makabansang mangaawit. Matapang din silang sumanib sa mapayapang rebolusyon sa EDSA noong Pebrero, 1986.

Sa larangan naman ng sayaw, si Francisca Reyes Aquino na isang guro ang nangunguna sa paksang ito. Malawak ang ginawa niyang pag-aaral sa mmga katutubong sayaw. Masusi niyang pinag-aralan ang mga katutubong sayaw. Masusi niyang pinag-aralan ang mga katutubong sayaw ng iba't ibang lugar ng bansa nang may dalang kamera at tape recorderupang magsaliksik ng mga sayaw. Sinulat niya ang lahat ng hakbang ng sayaw na kanyang namamasid na hindi niya binago ang orihinal na galaw nito. Tiyaga dedikasyon ang kinailangan niya sa kanyang gawain. Natapos niyang sulatin ang kanyang mga aklat sa sayaw kasama ang musika at kaukulang hakbang nito. Dapat siyang maipagmalaki. Natatangi ang mga ginawa niya. May iba pang mga tanyag na Pilipino sa sining. Si Fernando Amorsolo ang isa sa kanila. Mahilig siyang gumuhit ng larawan noong bata pa siya na ginagamit lamang ang lapis at papel. Karamihan sa mga iginuhit niyang larawan ay nagpapakita ng mga pangyayari sa kasaysayan ng bansa, mga tanawin, at larawan ng mga tao. Ipinahayag siyang kauna-unahang National Artist o Pambansang Alagad ng Sining. Tinaguriang isa sa magagaling na eskultor ng bansa si Guillermo Tolentino. Kilala ang mga ginawa niyang sagisag ng Republika ng Pilipinas tulad ng monumento ni Andres Bonifacio sa Grace Park, Kalookan, ang

Oblation sa Pamantasan ng Pilipinas, at ang estatwa ni Bonifacio sa Liwasang Bonifacio. Ilang Pangunahing Manunulat na Pilipino Dr. Jose Rizal Isang magaling at matalinong manunulat si Rizal. Sumulat siya ng dalawang nobela tungkol sa lipunang Pilipino noong Panahon ng Kastila. Ang mga nobelang ito ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sumulat din siya ng mga tula. Tungkol sa kanyang ina, mga kapatid, at kaibigna ang paksa ng mga ito. Sumulat siya ng isang tula nang siya'y walong taong gulang pa lamang na napabantog sa buong bansa. Ito ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika. Ang tulang ito ay may pamagat na "Sa Aking mga Kabata." Francisco Baltazar Isang tanyag na makata at mandudula si Francisco Balagtas. Florante at Laura ang tanyag na nobelang patulang kanyang isinulat. Isa ring awitin ito. Maraming dakilang Pilipino, kabilang na si Rizal, ang naimpluwensyahan ng nasabing tula. Kinikilalang Ama ng Panulaang Tagalog si Balagtas. Graciano Lopez Jaena Si Graciano Lopez Jaena ang nagtatag ng pahayagang La Solidaridad noong 1889 at siya ang naging unang patnugot nito. Bukod sa pagiging patnugot ay nagsulat siya ng mga lathalaing mapanuligsa sa nasabing pahayagan. Sa pahayagang ito nagsulat ang mga propagandistang Pilipino para sa mga reporma sa Pilipinas. Isa sa mga kilalang sinulat niya ay ang sanaysay na "Fray Botod" na nangangahulugang bundat na prayle. Marcelo H. del Pilar Si Del Pilar, na nakilala sa tawag na Plaridel, ang natatag ng Diariong Tagalog noong 1882. Isa itong pahayagang makabayan. Siya ang pumalit kay Lopez Jaena sa pagiging patnugot at may ari ng La Solidaridad. Si Del Pilar ang awtor ng "Dasalan at Tocsohan," isang tulang tumutuligsa sa mga maling ginagawa ng mga prayle. Jose Palma Isang makatang kawal si Jose Palma. Siya ang sumulat ng tula sa Espaol na may titulong "Filipinas" bilang mga titik ng "Himno Nacional Filipino" na nilikha ni Julian Felipe. Ang kasalukuyang mga titik sa Pilipino ng ating pambansang awit ay batay sa tula ni Palma. Dito siya nakilala bilang isang manunulat. Lope K. Santos Hindi lamang isang magaling na makata at nobelista si Lope K. Santos. Maituturing siyang isang dalubwika dahil sa kanyang mga naiambag na akda hinggil sa balarila ng wikang pambansa. Dahil dito, tinagurian siyang Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa. Jose Corazon de Jesus Isa pang pangalan ni Jose Corazon de Jesus ay Huseng Batute. Tulad nina Balagtas at Rizal, marami siyang sinulat na mga tula. Naging isang kolumnista siya sa pang-araw-araw na pahayagang Taliba. Nasa anyong patula ang kanyang kolum. Dalawa sa kanyang mga kilalang tula ang "Manok Kong Bulik" at "Isang Punongkahoy." Amando V. Hernandez Si Amado V. Hernandez ang makata ng mga mangagawa. Siya ay naging patnugot ng pahayagang Pakakaisa at Mabuhay. Sumulat din siya ng mga nobela, kuwento, at dula. Siya ang kauna-unahang manunulat sa wikang pambansa na kinilalang National Artist. Kabilang sa kanyang mga popular na tula ang "Isang Dipang Langit," "Bayani," at "Bayang Malay." Severino Reyes Isinulat ni Severino Reyes ang "Mga Kuwento ni Lola Basyang" sa magasing Liwayway. Kinilala rin siyang Ama ng Dulang Pilipino. Pinakakilalal sa kanyang mga dula ang sarsuwelang "Walang Sugat" ma pumapaksa sa kagitingan ng mga Katipunero.

Nick Joaquin Mandudula rin si Nick Joaquin. Ngunit higit siyang kilala bilang kuwentista at nobelista. Ang The Woman Who Had Two Navels ang kanyang pinakamahalagang nobelang nagtatampok sa mga gawi at pag-uugali ng mga Pilipino. Ang isa pang tanyag na isinulat niya ay ang Portrait of the Artist as Filipino. Jose Garcia Villa Si Jose Garcia Villa ay isang makata at kuwentista sa Ingles na nagkamit ng Republic Cultural Heritage Award at National Artist Award. Kinilala ang kanyang koleksyon ng mga tula na pinamagatang Doveglion at Jose Garcia Villa's Many Voices. N.V.M. Gonzales Isa ring nobelista sa Ingles is N.V.M. Gonzales tulad ni Nick Joaquin. Ang The Bamboo Dancers ang pangunahing nobelang kanyang isinulat. Kinikilalang kabilang siya sa may pinakamaraming naisulat na maiikling kuwento sa bansa at sa pinakamagagaling sa panitikan sa bansa. Mga Natatanging Pilipino sa Palakasan Lydia de Vega-Mercado Kilalang atleta sa track and field sa buong Asya si Lydia de Vega. Marami na siyang natamong mga medalyang ginto sa pabilisan ng pagtakbo. Sinanay siya ng kanyang ama na maging isang magaling na atleta. Masunuring anak at disiplinado si De Vega. Akiko Thomson Isa naman si Akiko Thomson sa mga natatanging manlalaro sa paglangoy. Marami na siyang nakuhang medalyang ginto sa larangang ito. kabilang sa mga medalyang ito ang napanalunan niya sa Asian Games na ginanap sa Pilipinas noong 1991. Felix Barrientos Sa larong t ennis, si Felix Barrientos ang isa sa nangungunang manlalaro sa Asya. Sa isa sa nakaraang SEA Games, nagawad sa kanya ang tatlong medalayang ginto. Rafael "Paeng" Nepomuceno Isang tanyag na manlalaro ng bowling sa Pilipinas at ibang bansa si Paeng Nepomuceno. Marami na siyang napanalunang World Cup. Ang disiplinado niyang pagsasanay ay nagbubunga ng pagwawagi niya sa Pilipinas at sa ibang bansa. Naging isa sa mga Ten Outstanding Young Men (TOYM) si Paeng nang siya'y 20 taong gulang pa lamang. Siya ang pinakabatang binigyan ng ganitong karangalan. Pinarangalan din siya noong 1976 at 1980 bilang Sportsman of the Year. Gabriel "Flash" Elorde Isa sa mga batikang boksingero ng Pilipinas si Flash Elorde. Marami siyang napanalunang medalya sa larangan ng boksing na internasyonal. Matulungin tao siya. Nagpatayo siya sa isang gusali sa Paraaque na pinagdarausan ng mga paligsahan sa boksing sa kasalukuyan. Tinatawag itong Elorde Sports Compex. Eugene Torre Hindi lamang sa boksing, track and field, at bowling kilala ang mga Pilipino kundi pato na sa paglalaro ng chess. Si Eugene Torre ang magaling na Pilipinong manlalaro sa chess. Kilala siya sa ibang bansa tulad nina Nepomuceno, Elorde, at De Vega. Robert Jaworski at Ramon Fernandez Sina Jaworski at Fernandez ang mga tanyag at magagaling na manlalaro sa basketbol. Marami na silang nasalihang mga kompetisyong internasyonal. Mga Pilipino sa Olympics Games May mga Pilipino ring nanalo sa Olympic Games sa Seoul, Korea noong 1988. Ito'y sina Leopoldo Serrantes sa boksing at Arianne Cerdea sa bowling. Nagbigay sila ng karanganlan sa Pilipinas na dapat ipagmalaki ng mga Pilipino.

Você também pode gostar