Você está na página 1de 1

ALIBATA .

Ang alibata ay isang paraan ng pagsulat ng mga katutubo.


Ito ay binubuo ng labimpitong titikna may labing-apat na katinig at tatlong patinig.

ANG ALPABETONG FILIPINO

Bago dumating ang mga mananakop sa Pilipinas ang mga Filipino ay may sariling wika at panulat. Ang
larawan sa kanan ay unang panulat ng mga Filipino.

BAYBAYIN ang pangalan ng panulat na ito. Ito ay galing sa salitang baybay na ang ibig sabihin ay
"spell" sa English o kaya ay "bokstavera" sa Swedish.

Ayon kay David Direnger , kilalang eksperto sa mga matatandang panulat, ang BAYBAYIN ay
maaaring nanggaling sa matandang panulat na Kavi ng Java, Indonesia.

Ang isa pang pangalan ng BAYBAYIN ay ALIBATA. Ang katawagang ito ay inimbento ni Dean Paul
Versoza ng Pamantasan ng Maynila noong 1914. Ito ay galing sa ALIF, BA at TA, na unang titik ng
dialektong Arabo ng Maguindanao. Hindi niya ipinaliwanag kung bakit niya pinili ito.Ito ay walang
kaugnayan sa BAYBAYIN.

Ang BAYBAYIN o ALIBATA ay nakasulat sa mga dahon.


Kasaysayan ng Tagalog

Ang panulat na DOCTRINA CRISTIANA ay ang unang aklat na isinulat sa BAYBAYIN o ALIBATA. Ang
aklat na ito ay nasa pagtangkilik ng "Library of Congress" sa Wahington, DC.


ANG 20-Letrang Orihinal na ABAKADA

Aa Bb Kk Dd Ee Gg Hh Ii Ll Mm Nn NG ng Oo Pp Rr Ss Tt Uu Ww Yy

Ito ay ginagamit sa mga karaniwang salitang tinanggap o naasimila na sa bokabularyong o
talasalitaan ng wikang pambansa.


Ang Bagong Alpabetong Filipino

A B C D E F G H I J K L M N ? NG O P Q R S T U V W X Y Z

Ang idinagdag na walong titik ( C, F, J, ?, Q, V, X, Z ) ay ginagamit para sa mga sumusunod.

1. Pantanging pangalan ng tao, hayop, bagay o lunan.
Carlos Volter El Ni?o Jimenez Luzo

2. Mga katutubong salita mula sa mga dialekto ng bansa.
Hadji villa hacienda canao jihad

3. Mga salitang banyaga na walang katumbas sa Filipino.
Canvas jazz quorum fastfood visa xerox

Você também pode gostar