Você está na página 1de 5

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

PAKSA: ANG BAYANING THIRD WORLD


ISANG PELIKULA

I. LAYUNIN:

1. Nasuri ang pelikula batay sa pamagat nitong Ang Bayaning Third World
2. Nabigyan ng kahalagahan ang kahulugan at ipinapahiwatig ng pamagat ng pelikula na
Ang Bayaning Third World
3. Nakabuo ng sariling hinuha batay sa pagkilala sa katauhan ni Dr. Jose P. Rizal

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa: Ang Bayaning Third World
B. Uri ng teksto: Pelikula
C. Kagamitan : Manila paper, panulat, cartolina, Larawan ni Rizal

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala sa mga lumiban sa klase
4. Balik-aral
Bago tayo dumako sa panibagong paksang ating tatalakahin, atin munang balikan ang ating
nakaraang tinalakay.
Panuto: Humatak ng isang katanungan sa pisara at lapatan ng kasagutan. Ito ay pinamagatang

1. Huhugutin ko, at sasagutan ko ito!

A. Tungkol saan ang huli nating tinalakay?

Sagot: Tungkol sa Sanaysay ni Dr. Jose Rizal na Ang Katamaran ng mga Pilipino

B. Ano ang mensahe ng sanaysay na ito batay sa mensahe ni Dr. Jose Rizal na

Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang kalayaan ay siyang araw, ng sangkatauhan. Kung
walang edukasyon at walang kalayaan, walang pagbabagong maisasagawa, walang
hakbang na makapagdudulot ng bungang ninanais.


Sagot: Ang taong hindi magpupunyagi sa buhay kailanman ay di matatamasa ang
inaasam na pag-unlad sa buhay.


B. Pagganyak:

Gawaing Guro

a. Pagpapakita ng larawan ni Dr. Jose P. Rizal

Mga katanungan

1. Sino ang nasalarawan?
2. Sa paanong paraan mo nakilala ang nasa larawan?

Gawaing Mag-aaral
Mga kasagutan
1. Si Dr. Jose Rizal
2. Siya ang kinikilalang pambansang bayani ng ating bansa.



b. TALASALITAAN: (topic Unlocking)

Panuto: Pagpapalawak ng bokabolaryo sa pamamagitan ng pagpapakahulugan sa Ang Bayaning
Third World.






ANG BAYANI THIRD WORLD






BAYANING THIRD WORLD


Mga kataungan.

1. Ayon sa inyong sariling pananaw, ano ang ibig sabihin ng salitang BAYANI?
2. Ayon sa inyong sariling pananaw, ano ang ibig sabihin ng salitang THIRD WORLD?
3. Sa makatuwid, ang ibig sabihin ng Ang Bayaning Third World ay ________________________.

Mga Kasagutan
1. Magiting, matapang, Dakila, Dr. Jose Rizal
2. Marupok, mahina, nasakop, Pilipinas
3. Tumutukoy sa isang bayaning hindi nanindigan sa kanyang mga nasimulan at tinalukaran ang
lahat ng kanyang pinaglilingkuran para sa pansariling kaligayan. Isang bayaning mahina,
sapagkat nasakop ang buong pagkatao ng mga dayuhan tulad ng pagkubkob sa sarili nitong
lupaing kinalakhan. Isang bayaning marupok. Si Jose Rizal.

Guro:
Tunay nga bang kilala na natin siya? O marami pa tayong hindi nalalaman tungkol sa
kanya? Bakit bayaning Karapat dapat nga ba siya sa taguring pambansang bayani? Bakit
Bayaning Third World ang titulo ng pelikulang ito? Malalaman natin.

c. Pagtalakay sa Paksa

Pagpili ng guro ng mga mag-aaral na magsasagawa ng isang tablu upang ilarawan ang pelikulang
Ang Bayaning Third World bilang paksang tatalakahin. Ikukuwento ang paksa sa buong klase sa
tulong ng isang mag-aaral na siyang magkukuwento nito.

Mga gabay na katanungan.

1. Tungkol saan ang inyong napanood/napakinggan?
2. Paano ipinakilala si Dr. Jose P. Rizal sa pelikulang napanood/napakinggan?
3. Kung ikaw si Rizal, tatalikuran mo rin ba ang pagtuligsang iyong ginawa sa iyong pamahalaan
at simbahan para lamang maikasal kayo ng iyong minamahal? Bakit?
4. Sa inyong pananaw, sang ayon ka bang isiwalat ang mga kahinaan ni Rizal bilang
pambansang bayani? Pangatwiranan.
5. Bilang mga mag-aaral, matapos ninyong mapanood pelikulang Ang Bayaning Third World,
nagbago ba ang pagkilala niyo sa ating pambansang bayani? Bakit?

Mga Kasagutan

1. Tungkol sa pelikulang Ang Bayaning Third World
2. Isang bayaning marupok, dahil sa bandang huli, ay tinalikuran niya ang himagsikan, nagsulat at
lumagda ng isang retraktasyon para lamang maikasal kay Josephine Bracken.
3. Hindi, sapagkat ang pagtalikod sa lahat ng bagay na nasimulan ay tulad na ng pagtalikod sa
pangarap na kinamulatan. Kung tatalikuran ang samahan dahil lamang dito, ito ay tanda na rin
ng pagiging makasarili.
4. Opo, dahil bilang pambansang bayaning kinikilala ng lahat, hindi dapat itago sa publiko ang mga
kahinaan ni Dr. Jose Rizal. Bawat tao ay may kanya-kanyang kahinaan. Karapatan ng bawat isa
na malaman ang lahat-lahat tungkol sa kanya, nang sa gayon, maging mulat ang lahat sa lubos
na pagkilala sa kinikilalang pambansang bayani ng lahat.
5. Hindi. Dahil hindi naman talaga napatunayan na siya ay gumawa ng isang kasulatan ukol sa
retraktasyon at lumagda. Napakaraming katanungan ang di na nabigyan ng kasagutan. Ngunit
magkagayun man, ang naging adhika ni Dr. Jose Rizal ukol sa kalayaan ay natamasa na nating
lahat sa kasalukuyan.

d. Paglalapat

Pangkatang-Gawain

Pangkat 1: Paghambingin ang Pelikulang Rizal sa Pelikulang Ang Bayaning Third Word. Maaaring
gamitin ang matrix kung kinakailangan. Ipaliwanag sa klase ang paghahambing.

Pangkat 2: Gumawa ng isang awitin ukol sa mga kahinaan ni Rizal na inilahad sa pelikulang
tinalakay.

Pangkat 3: Gumawa ng isang islogan na nagbibigay kahulugan sa salitang KABAYANIHAN.

Pangkat 4: Kung kayo ang director ng pelikulang gagawin ukol sa buhay ni Rizal, ano ang titulo
nito? Gumawa ng isang iskit na nagpapakita ng hindi pagsang-ayon o pagsang-ayon pagbuo ng
titulo ng pelikula.


Pamantayan sa pangkatang Gawain.

Kasapatan ng nilalaman 20
Kahusayan ng presentasyon 15
Kaisahan ng grupo 10
Nag-iiwan ng hamon 5

Kabuuan 50


IV. EBALWASYON

Ang pagtalikod sa kanyang paninindigan ay pagtalikod din sa bayang kanyang niyayapakan

Ipaliwanag ang quotation na ito.

Kasagutan:
Halos lahat ng Pilipino ay walang ibang hinangad kundi ang mapaangat ang kalagayang
panlipuan ng bawat isa sa atin. Ang sinumang bumuo ng isang pangarap para sa kanyang
bayang pinaglilingkuran ay dapat lamang tapusin hanggang sa huli. Kung ang lahat ng
pangarap na ito ay hindi pinannindigan hanggang huli, ito ay walang pinagkaiba sa krimeng
pagtalikod sa baying kinamulatan.

V. Gumawa ng isang tula ukol sa pagwawaksi ng karupukan ng isang tao. Gawing malayang
taludturan ang tula na may apat na saknong at apat na taludtod. Isulat sa isang short bond
paper.

Você também pode gostar