Você está na página 1de 19

ANG RITO NG KASALAN

ANG PASIMULA

Gabay: Isang magandang umaga/hapon sa iyong lahat


mga kapatid. Tayo ngayon ay nagkakatipon bilang
isang sambayanan upang makiisa sa pagdiriwang ng
Banal na Eukaristiya at masaksihan ang Pag iisang
dibdib nila (Khate) at (Richard).
Tayo ay magsitayo at ating tanggapin ang ikakasal.
Pari: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu
Santo.
Bayan: Amen.
Pari: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo,
ang pag ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng
Espiritu Santo nawa'y sumainyong lahat.
Bayan: At sumaiyo rin.
Pari: Mga minamahal kong kapatid, tayo ay natitipon

upang ipagdiwang ang Banal na


EukaristiyaatmasaksihanangSakramentong Pag
iisang dibdib nila Khate at Richard. Bilang isang
Sambayanang Kristiyano, ipinapaalala natin sa kanilang
dalawa ang tawag sa kabanalan at katapatan bilang
mag asawa. Magalak tayo na kasama nila at hilingin sa
Diyos ang kanyang pagpapala sa kanila at sa mga
magiging anak nila.
Pagsisisi sa Kasalanan
Pari: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga

kasalanan upang tayo'y maging marapat gumanap sa


banal na pagdiriwang.
Lahat: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa
inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala sa isip,

sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang. Kaya


isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng
mga anghel at mga banal at sa inyo mga kapatid, na
ako'y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
Pari: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,

patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan


tayo sa buhay na walang hanggan.
Bayan: Amen.
Pari:Panginoon, kaawaan mo kami.
Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.
Pari:Kristo, kaawaan mo kami.
Bayan: Kristo, kaawaan mo kami.
Pari: Panginoon, kaawaan mo kami.
Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.
Pambungad na Panalangin
Pari: Ama naming makapangyarihan, iyong itinalaga na

ang pag iisang dibdib ay maging sagisag ng pag ibig


ni Kristo sa kanyang banal na S ambayanan. Sa
pinagdurugtong na buhay nila (Khate) at (Richard) na
ngayo'y umaako sa banal na tipan ng kasal nawa'y
mangibabaw ang ipinahayag nilang pagmamahalan sa
pamamagitanniHesukristo
kasamangEspirituSantomagpasawalanghanggan.
Bayan: Amen.(Magsiupo lahat)
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
Unang Pagbasa (Genesis (2:18 24)
Tagahayag: Pagbasa mula sa Aklat ng Genesis

Sinabi ng Panginoon, "Hindi mainam na mag isa ang

tao; bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong.


" Kaya, lumikha siya ng mga hayop sa parang at ibon
sahimpapawid,inilapit sa tao, at ipinaubayad ito ang
pagbibigay ng pangalan ng mga iyon. Kung ano ang
kanyang itawag, iyo nang magiging pangalan nila.Ang
tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon at
mga hayop, making maamo o mailap. Nguni't wala isa
man sa mga ito ang angkop na kasama at katulong
niya. Kaya pinatulog ng Panginoon ang tao.
Samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang
tadyang nito at pinahilom ang laman sa tapat niyon.
Ang tadyang na iyo'y ginawa niyang isang babae, at
inilapit sa lalaki. Sinabi ng lalaki: " Sa wakas, narito ang
isang tulad ko, laman ng aking laman, buto ng aking
buto; babae ang siyang itatawag sa kanya sapagka't sa
lalaki nag mula siya." Ito ang dahilan kaya iniiwan ng
lalaki ang kanyang ama at ina upang sumama sa
kanyang asawa sapagka't sila'y nagiging iisa.
Tagahayag: Ang Salita ng Diyos.
Bayan: Salamat sa Diyos.
Salmong Tugunan
(Salmo 128)
Tagahayag: Mapalad ang sumusunod na taong may
takot sa Diyos.
Bayan: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa
Diyos.
Tagahayag: Mapalad ang bawat taong sa Panginoo'y
may takot, Ang Mapalad na adhika'y sumusunod sa
kanyang utos. Hindi siya magkukulang sa anumang
kailangan,Ang buhay ay maligaya't uunlad ang kanyang
buhay.

Bayan: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa


Diyos.
Tagahayag: Sa tahanan, ang asawa'y parang ubasan na
mabunga, bagong tanim na olibo sa may dulang ang
anak n'ya. Ang sinuman Kung Panginoon ay kusang
susundin, Buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.
Bayan:Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa
Diyos.
Tagahayag: Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay
tanggapin, at makita habang buhay, Pag unlad ng
Herusalem;Ang magiging iyong apo, nawa ikaw ay
abutin, Nawa'y maging mapayapa itong Bayan ng
Israel!
Bayan:Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa
Diyos.
(Magsitayo lahat)

Pagbubunyi sa Ebanghelyo
Bayan: Alleluya, Alleluya. (Kailangan
kantahin)Tagahayag:
Ang Diyos ay pag ibig; magmahalan tayo katulad ng
pagmamahal niya sa atin.
Bayan: Alleluya, Alleluya. (Kailangan kantahin)
Ebanghelyo
(Ilagay ang napiling Ebanghelyo dito)
Halimbawa: (Mateo 19:3 6)
Pari: Sumainyo ang Panginoon.
Bayan: At sumainyo rin.
Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San

Mateo.
Bayan: Papuri sa iyo! Panginoon.
Pari: Noong panahong iyon, may mga Pariseong

lumapit Kay Hesus at tinangkang siluin siya sa


pamamagitan ng tanong Ito: "Naaayon ba sa kautusan
na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit
anong kadahilanan?" Sumagot si Hesus: "Hindi pa ba
ninyo nababasa sa Kasulatan na sa pasimula'y nilalang
sila ng Maykapal, lalaki at babae? At sinabi, 'Dahil dito,
iiwan ng lalaki ang kanyang ama't Ina at magsasama
sila ng kanyang asawa; at sila'y magiging isa.' Kaya
Hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng
Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao."
Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Bayan: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.
(Magsiupo lahat)Pangaral (Ito ay inihahanda ng Pari)
RITO NG KASAL
Gabay: Manatili kayong nakaupo habang ang mga
ikinakasal at tatayo sa pagsisimula ng Rito ng Kasal.
Hinihiling ko rin sa mga ninong at ninang ng mga
ikinakasal na tumayo.

Paghihimok sa mga ikakasal at Paghingi ng


Panalangin.
Pari: Minamahal kong Khate at Richard, naririto kayo

ngayon upang pagtibayin ang inyong pagmamahal an


sa harap ng Sambayanang Kristiyano sa nagtitipon
ngayon. Umasa kayo na kami ay inyong kapiling na
maglalakbay sa buhay na haharapin ninyo bilang mag
asawa sa pamamagitan ng Paghingi sa Diyos ng
Panalangin ng kanyang biyaya at pagpapala. At kayo
naman ( patungkol sa mga nagkakatipon) , mga

kapatid, Hinihiling ko sa inyo na tulungan ninyo sila sa


pamamagitan ng Panalangin at tanggapin sa ating
Sambayanang Kristiyano bilang mag asawa.

Pagsusuri
Pari: Hinihiling ko ngayon na Buong katapatan ninyong
ipahayag ang inyong damdamin sa isa't isa.

Khate, Bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito


upang makaisang dibdib si Richard na iyong
pakamamahalin at paglilingkuran habambuhay?
Khate: Opo, Padre.
Pari: Richard, Bukal ba sa iyong loob ang iyong
pagparito upang makaisang dib dib si Khate na iyong
pakamamahalin at paglilingkuran habambuhay?
Richard: Opo, Padre.
Pari: Kayo ba ay handang arugain at palakihin ang mga
anak na ibibigay sa inyo ng Diyos bilang Mabuting
Kristiyano?Khate at Richard: Opo, Padre.
Pagtitipan
Pari: (Khate) at (Richard) gayong kayo ay nagnanais na

mag isang dibdib, sa harap ng Diyos at ng kanyang


Sambayanan, pagdaupin ninyo ang inyong mga Palad
at ipahayag ninyo ang mithiing mag tipan sa Banal na
Sakramento ng Kasal.
(Khate), sumasang ayon ka ba na maging asawa si
(Richard) na narito ngayon, alinsunod sa batas at mga
alituntunin ng ating Banal na Simbahan?
Babae: Opo, Padre.
Pari: Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa kanya ng

iyong sarili bilang kanyang may bahay?


Babae: Opo, Padre.
Pari: Buong puso mo ba siyang tinatanggap bilang

asawa?
Babae: Opo,Padre.
Pari: Richard, Sumasang ayon ka ba na maging asawa

si Khate na narito ngayon alinsunod sa batas at


alituntunin ng ating Banal na Simbahan?
Lalaki: Opo, Padre.
Pari: Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa kanya ng

iyong sarili bilang kanyang asawa?


Lalaki: Opo, Padre.
Pari: Buong puso mo ba siyang tinatanggap bilang may
bahay?
Lalaki: Opo, Padre.
Pari: Ngayon ay Hinihiling ko na sabay ninyong dasalin
ang panalanging Ito:
Babae at Lalaki: O Panginoon, kami po ay inyong
loobing magkaisa ng kalooba't damdamin mula ngayon
sa kaginhawahan at kahirapan, sa karamdaman at
kalusugan sa lahat ng araw ng aming buhay.

Pagpapatibay ng Tipan sa Kasal


Pari: Bilang tagapagpatunay ng Simbahan, pinagtitibay

ko't binabasbasan ang pagtataling puso na inyong


pinagtipan, sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng
Espiritu Santo.
Bayan: Amen.

Pagbabasbas ng mga Singsing at Aras

Pari: Khate at Richard, ngayon ay hihilingin natin sa

Diyos ang kanyang pagbabasbas sa inyong mga


Singsing at Aras. Ang Panginoon ang pinagmumulan
ng aming tulong.
Bayan: Na siyang may gawa ng Langit at lupa.
Pari: Manalangin tayo. Basbasan mo, o Panginoon,

itong mga Singsing, at marapatin mo sila N(babae) at


N(lalaki) na magsusuot nito na maging kawangis mo sa
iyong wagas na pag ibig at walang maliw na
katapatan. Iniluluhog namin Ito sa pamamagitan ni H
esukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.
Bayan: Amen.
Pari: Manalangin tayo. Basbasan mo, O Panginoon, ang

iyong nga lingkod na sina Khate at Richard at


pagkalooban mo sila ng sapat na kabuhayan na
sinasagisag ng mga Aras na ito sa ikapagkakamit ng
buhay na walang hanggan. Iniluluhog namin Ito sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng EspirituSanto
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
( Babasbasan ng Pari ang mga Singsing at Aras ng agua
Bendita)
Pari: Isuot ninyo ngayon itong mga Singsing.( Isusuot

ng lalaki sa kinauukulang daliri ng babae ang Singsing


habang kanyang sinasabi:)
Lalaki: Khate, Isuot mo ang Singsing na Ito bilang
tanda ng aking pag ibig at katapatan. Sa ngalan ng
Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.Amen.(Isusuot
ng babae sa kinauukulang daliri ng lalaki ang Singsing
habang kanyang sinasabi:)

Babae: Richard, IsuotmoangSingsingnaItobilang

tandangakingpag ibig at katapatan. Sa ngalan ng


Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
( Ilalagak ng lalaki ang mga Aras upang ipagkatiwala sa
babae habang kanyang sinasabi:)
Lalaki: Khate, Inilalagak ko sa iyo itong mga Aras na
tanda ng aking pagpapahalaga at pagkalinga sa
kapakanan mo. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng
Espiritu Santo. Amen.
Babae: Tinatanggap ko ang mga Ito at nangangako
akong magiging iyong katuwang sa wastong paggamit
at pangangasiwa ng ating kabuhayan..(Ilalagay ng
babae ang mga Aras sa lalagyang nakalapat para dito)

Panalangin ng Bayan
Pari: Mga minamahal kong kapatid, tayo'y Manalangin

para sa Simbahan at sa mga Bagong Kasal na sa


pamamagitan ng kanilang pag iisang dibdib ay
lumalarawan ang pagkikipag isa ni K risto at ng
Simbahan. Sa bawa't Panalangin ay ating itutugon:
Panginoon, dinggin mo ang aming Panalangin.
Tagahayag: Ipanalangin natin ang Simbahan upang ka
tulad na tapat na esposa ni Kristo ay manatiling itong
tagapagpahayag ng Mabuting Balita para sa kaligtasan
at pag ibig ni Kristo para sa atin. Manalangin tayo sa
Panginoon.
Bayan: Panginoon, dinggin mo ang aming Panalangin.
Tagahayag: Ipinalangin natin ang mga naglilingkod sa
pamahalaan, nawa'y maging Daan sila ng Diyos upang
mapangalagaan ang mga pamilya at ang buhay sa lahat
ng paraan. Manalangin tayo sa Panginoon.
Bayan: P anginoon, dinggin mo ang aming Panalangin.

Tagahayag: Ipanalangin natin ang lahat ng


pangangailangan ng ating mga kapatid, higit sa lahat
iyong mga may sakit , mga may kapansanan, mga nasa
kulungan at mga pinabayaan
ngkanilangmgamagulangatkamag
Anak.Nawa'ymaliwanagansila
upangmabuksanangatingpusosapagtugon
sakanilangpangangailangan. Manalangin tayo sa
Panginoon.
Bayan: Panginoon, dinggin mo ang aming Panalangin.
Tagahayag: Ipanalangin natin sina Khate at Richard

nangayon ay ipinag iisang pag ibig ng Diyos. Nawa'y


maging masigasig sila sa pag aaruga at tapat na
mangalaga ng kanilang magiging mga Anak.
Manalangin tayo sa Panginoon.
Bayan: Panginoon, dinggin mo ang aming Panalangin.
Tagahayag: Ipanalangin natin ang mga kabataan na
tutugon sa tawag ng pag aasawa. Nawa'y makita nila
ang kagandahan ng buhay may asawa sa
pamamagitan ng Halimbawa at karanasan ng iba na
Buong pusong namumuhay bilang may asawa.
Manalangin tayo sa Panginoon.
Bayan: Panginoon, dinggin mo ang aming Panalangin.
Pari: Ama naming Diyos, kalugdan mo ang inyong nga

lingkod at gawaran mo sila ng biyaya na mananatiling


tapat sa iyo at sa isa't isa. Sa pag lipas nila sa buhay na
ito nawa'y magkamit sila ng gantimpalang walang
hanggang kaligayahan sa iyong kaharian, kasama ng
kanilang mga Anak at lahat na sa kanila ay
nagmamahal. Hinihiling namin Ito sa pamamagitan ni
Kristo na aming Panginoon.

Bayan: Amen.
(Magsiupo lahat)
LITURHIYA NG EUKARISTIYA
Ang Rito ng Pagsindi ng Kandila at Paglalagay ng Belo
at Kurdon
Gabay: (Tatawagin
angmganakatalagangabayparasaPagsindingmgaKandila
, Paglalagay ng belo at ang Kurdon)
Sisindihan na ng mga nakatalagang abay ang mga
Kandila at isusunod ang belo at Kurdon na Ilalagay sa
mga ikinakasal.

Paghahanda ng mga Alay


Kapuri puri ka, Diyos Amang lumikha ng
sanlibutan. Sa iyong kagandahang loob, narito ang
aming maiialay. Mula sa lupa at bunga ng aming pag
gawa ang Tinapay na Ito para maging pagkaing
nagbibigay buhay.
Pari:

Bayan: Kapuri puri ang Poong Maykapal ngayon at


kailan man.

Kapuri piru ka, Diyos Amang lumikha ng


sanlibutan. Sa iyong kagandahang loob, narito ang
aming maiaalay. Mula sa katas ng ubas at bunga ng
aming paggawa ang alak na Ito para maging inuming
nagbibigay ng iyong Espiritu.
Pari:

Bayan: Kapuri puri ang Poong Maykapal ngayon at


kailan man.

Pari: Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang

paghahain natin ay
makapangyarihan.

kalugdan

ng

Diyos

Amang

Bayan: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain


sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan at sa Buong sambayanan
niyang banal.
( Magsitayo ang lahat)

Panalangin sa mga Handog


Pari: Panginoon, tanggapin mo itong mga Handog sa

iyo ngayon pinagpalang araw na Ito. Sa iyong maka


Amang pagmamahal ay Masdan mo at kupkupin sina
Khate at Richard na iyong pinagka isa sa Kasal.
Hinihiling namin Ito sa pamamagitan ni Kristong aming
Panginoon.
Bayan: Amen.
Pari: SumainyoangPanginoon.
Bayan: At sumaiyo rin.
Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at Diwa.
Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.
Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
Bayan: Marapat na siya ay Pasalamatan.
Pari: Ama naming makapangyarihan, tunay ng ang

marapat na ikaw ay aming Pasalamatan sa


pamamagitan ni Hesukristo na aming. Panginoon . Sa
kanyang pagkamatay at mulling pagkabuhay ang
inyong Bagong tipan sa iyong sambayanan ay
naghahain sa Amin ng iyong buhay at pakikipag
ugnayan bilang mga kasalo sa iyong kadakilaang

walang hanggan. Sa dakilang pag ibig na Hain ng


iyong Anak, pinagbubuklod mo ang mga magsing
ibig upang sa pagsasama habang panaho'y mailahad
ang iyong katapatan at pagmamalasakit. Kaya Kaia's ng
mga anghel na nagsisiawit ng Papuri sa Iyo nang
walang humpay sa kalangitan, kami'y nagbubunyi sa
iyong kadakilaan.
Santo
Lahat:Santo,santo santo Panginoon Diyos ng mga
hukbo,napupuno ang Langit at lupa ng kaluwalhatian
mo. Osana sa Kaitaasan. Pinagpala ang naparirito sa
ngalan ng Panginoon. Osana sa kaitaasan.
Konsakrasyon
(Magsiluhod lahat)
Pari: Ama naming banal, ikaw ang Bukal ng tan ang

kabanalan. Kaya't sa pamamagitan ng iyong Espiritu


Gawin mong banal ang kaloob na Ito upang para sa
ami'y maging Katawan at Dugo ng aming Panginoong
Hesukristo.Bago niya pinagtiisang kusang loob na
maging Handog, hinawakan niya ang Tinapay,
pinasalamatan ka niya, pinaghati hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi: Tanggapin
ninyong lahat Ito at Kanin, Ito ang aking katawan na
ihahandog para sa inyo.
Gayun din naman, Noong matapos ang hapunan ,
hinawakan niya ang Kalis, muli ka niyang
pinasalamatan, iniabot niya ang Kalis sa kanyang mga
alagad at sinabi:
Tanggapin ninyong lahat Ito at inumin: Ito ang Kalis ng
aking Dugo ng bago at walang hanggang lipan.
Ang aking Dugo na ibubuhos para sa inyo at para sa

lahat sa ikapagpapatawad ng nga kasalanan. Gawin


ninyo Ito sa pag alala sa akin.
Pari: Ipagbunyi natin ang misteryo ng
pananampalataya.
Bayan:Si Kristo namatay,si Kristo'y nabuhay,si.Kristo'y
babalik sawakas ng panahon.
(Magsitayo lahat)
Pari: Ama, ginagawa namin ngayon ang pag alala sa

pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyongAnak


Kaya t iniaalay namin sa iyo ang Tinapay na
nagbibigay buhay at ang Kalis na nagkakaloob ng
kaligtasan. Kami'y nagpapasalamat dahil kami'y iyong
minarapat na tumayo sa harap mo para mag lingkod sa
iyo. Isinasamo naming kaming magsalu salo sa
katawan at Dugo ni Kristo ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.Ama, lingapin mo
ang iyong Simbahang laganap sa Buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag ibig Kaisa ni Fransisko na
aming Papa, at ni Reynaldo na aming Obispo at ng
tanang kaparian.Alalahanin mo rin ang mga kapatid
naming nahimlay nang may pag asang silay muling
mabubuhay Gayun din ang lahat ng mga
pumanaw.Kaawaan mo at paindapatin kaming lahat na
makasalo sa iyong buhay na walang wakas. Kaisa ng
Mahal na Birheng Maria Ina ng D iyos, Kaisa ng mga
Apostol at lahat ng mga banal na namuhay dito sa
daigdig nang kalugud lugod sa iyo, maipagdiwang
nawa namin ang pagpupuri sa ikararangal mo sa
pamamagitan ng iyong Anak na aming Panginoong
Hesukristo.Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at
sa kanya ang lahat ng parangal at Papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.
RITO NG PAKIKINABANG

(Ama Nanim)

Pari: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo

ni. Hesus na Panginoon natin at Diyos, ipahayag natin


nang lakas loob.
Lahat: Ama namin, sumasalangit ka, sambahin ang
ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo; sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa Langit.Bigyan mo kami ng
aming kakan in sa araw araw; At patawarin mo kami
sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa
Amin; At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,At
iadya mo kami sa lahat ng masama.
Ang Pag gawad ng Pagpapala sa Bagong Kasal
Pari: Mga minamahal kong mga kapatid, hihilingin

natin sa Diyos ang patuloy na pagpapala kina Khate at


Richard.
Ama naming banal, ikaw na may lalang ng sanlibutan,
lumikha sa tao na iyong kawangis at kalarawan, ikaw
na pinagmumulan ng lahat nga biyaya at pagpapala sa
buhay may asawa, idinadalangin namin sa iyo ang
babaeng Ito na ngayon ay nakaisa ang kanyang asawa
sa Sakramento ng Kasal. Ipagkaloob mong sa
pagsasama nila habang buhay kanilang mapagsaluhan
ang pag ibig mong bigay at sa isa't isa'y kanilang
maipamalas ang iyong pakikipisan sa pagkakaisa ng
damdamin at isipan. Bigyan mo rin sila ng matatag na
tahanan, at mga Anak na huhubugin sa Mabuting Balita
ng Anak mong mahal para maging maaasahang kaanib
ng iyong angkan. Panginoon, nawa'y papurihan ka nila

sa panahon ng kaginhawaan at lumapit sa iyo sa


panahon ng pagdurusa. Nawa'y patuloy Silang Magalak
sa iyong pagkakandili at pagtugon sa kanilang mga
pangangailangan. Nawa'y maki isa sila sa iyong
Sambayanan sa pagdulog saiyo,at maging iyong tapat
na saksi sa sanlibutan. Nawa'y umabot sila sa
katandaan na kapiling ang lahat nilang mahal sa
buhay, hanggang marating nila ang iyong kaharian sa
Langit.Hinihiling namin Ito sa pamamagitan ni Kristong
aming Panginoon.
Bayan: Amen.
Ang Pagbibigayan ng Kapayapaan
Pari: Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga

Apostol: "Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang


Kapayapaan ang ibibigay ko sa inyo." Tunghayan mo
ang aming pananampalataya at huwag ang aming
pagkakasala. Pagkalooban mo kami ng Kapayapaan at
pagkakaisa ayon sa iyong kaloob an kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
Pari: Ang Kapayapaan ng Panginoon ay laging
sumainyo.
Bayan: At sumaiyo rin.
Pari: Magbigayan tayo ng Kapayapaan sa isa't isa.
Ang Kordero ng Diyos
Bayan:Korderong Diyosnanag
aalisngmgakasalananngsanlibutan: Maawa ka sa Amin.
Kordero ng Diyos na nag aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan: Maawa ka sa Amin.Kordero ng Diyos na
nag aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan: Ipagkaloob

mo sa Amin ang Kapayapaan.

(Magsiluhod lahat)

Pari: Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag aalis ng

mga kasalanan ng sanlibutan.


inaanyayahan sa kanyang piging.

Mapalad ang mga

Bayan: Panginoon! Hindi ako karapat dapat na


magpatuloy sa iyo nguni't sa isang salita mo lamang ay
gagaling na ako.
Ang Pakikinabang/Komunyon
(Pagkatapos ng Pakikinabang/Komunyon)
Gabay: (Tatawagin ang mga Abay para tanggalin ang
Kurdon at Belo; Maaari nang paupuin ang Bagong
Kasal)
Maaari nang tanggalin ng nga abay ang Kurdon at
susundin ang pagtanggal ng belo.
Panalangin Pagkatapos ng Pakikinabang
( Magsitayo lahat)
Pari: Manalangin tayo. Ama naming mapagmahal,

patibayin nawa ng paghahain naming ginaganap at


pinagsaluhan ang pag iisang dibdib nila Khate at
Richard. Ang bigkis ng pag ibig na iyong ibinigay ay
patuloy nawang humigpit at tumibay. Hinihiling namin
Ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Bayan: Amen.
ANG PANGWAWAKAS
Pagtatagubilin
Pari: Khate at Richard, ngayon na tinanggap ninyo ang

Banal na Sakramento ng Kasal, ang habilin ko ay


mamuhay kayo sa pag ibig at katapatan sa isa't isa.
Khate, pag ibig mo'y patunayan sa pagiging butihing

maybahay na may pananampalataya, kabanalan at


pag ibig sa Maykapal.
Richard, maybahay mo'y ibigin Gaya nang malasakit ni
Kristo sa Simbahan bilang pagsunod sa kalooban ng
Diyos Ama sa kalangitan.
Pagbabasbas
Pari: Sumainyo ang Panginoon.
Bayan: At sumaiyo rin.

Magsiyuko kayo habang iginagawad ang


pagbabasbas. Nawa'y si Hesus na naging panauhin sa
Kasalan sa Cana ay pag palain kayo, kasama ang lahat
ng inyong mga kamag Anak at kaibigan.
Pari:

Bayan: Amen.
Pari: Nawa'y si Hesus na nagmamahal sa kanyang

Sambayanan hanggang wakas ay punuin ang inyong


mga puso ng kanyang pag ibig.
Bayan: Amen.
Pari: Nawa'y Bigyan niya kayo ng matatag na pag asa

sa buhay na walang hanggan upang Masaya ninyong


antayin at nasain ang pagsapit nito sa buhay sa
hinaharap.
Bayan: Amen.
Pari: At pag palain kayo ng makapangyarihang Diyos

Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


Bayan: Amen.
Paghahayo
Pari: Humayo kayong mapayapa upang mahalin at

paglingkuran ang Panginoon.

Bayan: Salamat sa Diyos.


Pari: Bigyan natin ng madigabong palakpakan ang mga
Bagong Kasal.
-----Mabuhay ang bagong kasal-----

Você também pode gostar