Você está na página 1de 9

Ayon kay Henry Gleason

Ang wika ay masistemang balangkas ng isinasalitang tunog


na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Universal o Panlahat na Katangian ng Wika


1. Ang wika ay masistemang balangkas anumang wika sa daigdig ay
sitematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas.

Ang lahat ng wika ay nakabatay sa tunog.


Ponema ( makahulugang tunog)

Morpema (pagsasama-sama ng mga tunog


hal. salitang-ugat, panlapi at kataga)

Sintaksis / Palaugnayan ( pagsasama-sama ng mga


salita --- pangungusap)

2. Ang wika ay sinasalitang tunog. Ang anumang tunog na may kahulugan ay


maituturing na wika.
16 na katinig + 5 patinig = 21 na Ponema

3. Ang wika pinipili at isinasaayos. Hindi maaaring ipagpilitan ang paggamit ng


isang wika kapag hindi mauunawaan ng kausap.

4. Ang wika ay arbitraryo. Ang bawat lipunan ay nakabubuo ng mga sariling


pagkakakilanlan sa paggamit ng wika na ikinaiiba nila sa iba pang lipunan,
gayundin ang bawat tao sapagkat may sarili itong katangian, kakayahan, at
kaalamang hindi maaaring katulad ng sa iba.
Wud?
Jejejeje..

Eow
Poh..jajaja..

5. Ang wika ay ginagamit. Kasangkapan ng komunikasyon kaya kailangang


patuloy na ginagamit.

JEJEMONS

JEJEBUSTER
S

6. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Nagkakaiba-iba ang mga wika sa daigdig


dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura sa mundo.
English
Glacier
Icebergs
Frozt
hailstorm

Filipino
Yelo o Nyebe

Filipino

English

Bigas
Palay
Kanin

Rice

MGA

eorya ng

inagmulan ng

ika

Teoryang Bow-wow. Ang wika raw ay mula sa panggagaya

1.

ng tunog sa mga tunog ng kalikasan.


Hal.

Aso
- aw-aw
Pusa - miyaw-miyaw
Tuko - tuko

Teoryang Pooh-pooh. Di sinasadyang napabulalas ang

2.

mga tao at nakakalikha ng mga tunog bunga ng masisidhing


damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot,
pagkabigla, atbp.
Hal.

Aray

- sakit

Teoryang Yo-he-ho. Ang tao ay natututong magsalita bunga

3.

diumano ng kanyang pwersang pisikal.


Hal.

Aargh o Ahhh - nagbubuhat ng mabibigat na bagay


Ya!
- sumusuntok o nangangarate.

Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay. Ang wika raw ay nag-ugat

4.

sa mga tunog na nalilikha ng tao sa mga ritwal (pakikidigma,


pagtatanim, pag-aani..atbp) na kalaunan ay nagpapabagubago at nilapatan ng ibat ibang kahulugan.

Teoryang Ta-ta. Ang kumpas o galaw raw ng kamay ng tao na

5.

kanyang ginagawa sa bawat okasyon ay ginaya ng dila at naging


sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalaunan ay
magsalita.
Hal.

Ta-ta (French) - paalam o goodbye

6. Teoryang Ding-dong. Magkahawig sa teoryang bow-wow ngunit hindi limitado sa


tunog ng kalikasan lamang kundi sa lahat bagay-bagay sa paligid.
Hal.

Ding-dong
Tsu-tsu Tsug-tsug

- kampana
- tren

Tik-tak

- relo

TUNGKULIN NG WIKA
(Eplorations in the Functions of Language ni M.A.K. Halliday, 1973)

HALIMBAWA
KATANGIAN NG TUNGKULIN
NG WIKA
Pasalita
Nakapagpapanatili /
nakapagpapatatag ng realsyong
sosyal.
Tumutugon sa mga
pangangailangan.

Pangungumusta
Pagpapalitan Kurukuro o Biro

Liham-pangkaibigan

Pakikiusap
Pag-utos

Liham-pangangalakal

Kumukontrol / gumagabay sa kilos Pagbibigay ng


/ asal ng iba.
Direkdyon
Paalala o Babala
Nakapagpapahayag ng sariling
damdamin o opinyon.

Pasulat

Panuto

Pormal / Di-pormal
na Talakayan

Liham sa Patnugot

Nakapagpapahayag ng
imahinasyon sa malikhaing
paraan.

Pagsasalaysay
Paglalarawan

Akdang Pampanitikan

Naghahanap ng mga
impormasyon / datos.

Pagtatanong
Pakikipanayam

Survey
Pananaliksik

Pag-uulat
Pagtuturo

Ulat
Pamanahong Papel

Nagbibigay ng impormasyon /
datos.

KAHALAGAHAN NG WIKA
1.

Instrumento ng Komunikasyon

2.

Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman

3.

Nagbubuklod ng Bansa

4.

Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip

ANTAS NG WIKA
A. PORMAL
1. Pambansa. Mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika ,
pambalarila sa paaralan, wikang ginagamit ng pamahalaan, at itinuturo sa
mga paaralan.
Hal. Kapatid, ina , ama at bahay
2. Pampanitikan o Panretorika. Mga salitang gamitin ng mga manunulat sa
kanilang akdang pampanitikan, at karaniwang matatayog, malalim,
makulay at masining.
Hal.

Kapusod, ilaw ng tahanan, haligi ng tahanan at tahanan

B. IMPORMAL
1. Lalawiganin. Mga salitang gamitin sa mga tanging pook o lalawigan
lamang.
Hal. bangko, lamesa, kawatan, kwarta at buang
2. Kolokyal. Mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga
pagkakataong impormal. Karaniwang may kagaspangan nang kaunti at
pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita.
Hal. piyesta pista
nandoon nandun

kailan - kelan
mayroon - meron

3. Balbal (slang). Mababang antas na wika na karaniwang nagmumula sa


pangkat-pangkat na naglalayong magkaroon ng sariling codes o kodigo .
Hal. ihi jingle
Sigarilyo yosi

pulis parak/lespu
probinsyano - promdi

KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA SA


PILIPINAS
...dumating na ang panahon sa atin upang magkaroon ng isang
pambansang wika...hanggat hindi nagkakaroon niyon, tayoy
hindi magiging isang bayan.

Manuel L. Quezon
Ama ng Wikang Pambansa

Wikang Pambansa
- Wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan na ginagamit nito sa
pamamahala at pakikipag-uganayan sa mga taong sakop nito.

Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Wikang Pambansa


1.
2.
3.
4.
5.

Bigkis ng pagkakaisa.
Sagisag ng pambansang pagkakakilanlan.
Kasangkapan sa pambansang pagpapaunlad.
Ugat ng nasyonalismo.
Kaluluwa ng bayan.

Apat na Hakbang sa Pagpapalanong Pangwika


1. Pagpili ng wikang saligan.
Batayan sa Pagpili ng Batayang Wika:

a.
b.
c.
d.

Higit na maunlad na istrukutura.


May mekanismo.
Mabisang nagagamit sa panitikan.
Tinatanggap at ginagamit ng nakararaming Pilipino.

2. Kodipikasyon ng porma o anyo ng napiling wikang saligan.


(paglalahad ng deskripsyon ng kayarian, tuntunin ng wastong pagpapahayag,
paghahanda ng diksyunaryo)

3. Pagpapaunlad at pagpapalaganap ng tungkulin ng wika upang ito ay


matanggap at magamit ng taong bayan.

Mahahalagang Batas, Kautusan, Proklama at Tanggapang


Pampamahalaan na may kinalaman sa kaunlaran ng ating
wikang pambansa.

Saligang-Batas ng Biyak-na-Bato (1896) Ang Wikang Tagalog ang magiging


opisyal na wika ng Pilipinas.

Saligang-Batas ng 1935 ( Seksyon 3, Artikulo XIV) Ang Kongreso ay


gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang
hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy ng
gagamiting mga wikang opisyal.

Nobyembre 13,1936 Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas


Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L.
Quezon na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa.
Surian ng Wikang Pambansa
Pangunahing Layunin: piliin ang katutubong wika na gagamiting
batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa
ng Pilipinas.
Mga Nahirang na Kagawad:
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

Jaime C. Veyra
Cecilio Lopez
Santiago Fonacier
Filemon Sotto
Felix S. Salas Rodriguez
Casimiro Perfecto
Hadji Butu

- (Visayang Samar) Tagapangulo


- (Tagalog) Kalihim at Punong Tagapagganap
- (Ilokano), Kagawad
- (Visayang Cebu), Kagawad
- (Hiligaynon), Kagawad
- (Bikol), Kagawad
- (Muslim), Kagawad

Disyembre 30, 1937, iprinoklama ng Pangulong Quezon na ang wikang Tagalog


ang magiging batayan ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong
ito dalawang taon matapos itong mapagtibay.

Disyembre 13, 1939 nakapagpalimbag ng kauna-unahang Balarilang Pilipino


si Lope K. Santos (Ama ng Balarilang Pilipino).

Hunyo 19, 1940 -- sinimulan ang pagtuturo ng Wikang pambansa sa lahat ng


pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Hunyo 4, 1946 -- nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama na


ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang
wikang opisyal.

Agosto 13, 1959 -- ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang


Kautusang Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay
tatawagin nang Pilipino upang mailagan na ang mahabang katawagang
Wikang pambansang Pilipino o Wikang Pambansa Batay sa Tagalog.

Saligang-Batas ng 1973 Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga


hakbang tungo sa paglinang at pormal na adopsyon ng isang panlahat na wikang
pambansa na tatawaging Filipino.

Saligang-Batas ng 1987 ( Artikulo XIV, Sek 6-9) ang Wikang Pambansa ng


Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, itoy dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga
wika.

Enero taong 1987 -- batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117


ng Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga
Wika ng Pilipinas

Agosto 14, 1991 -- nalikha sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104 ang Komisyon
sa Wikang Filipino. May atas ang Komisyon na magsagawa, mag-ugnay at
magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at
preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.

Mga Sanggunian:

Bernales, Garcia, Abesamis, et al. 2002. Komunikasyon sa Makabagong


Panahon. Valenzuela City: Mega-Jesta Prints, Inc.

http://wika.pbworks.com/Tungkol+sa+KWF

Você também pode gostar