Você está na página 1de 3

DeAnne Rochelle L.

Abdao

III-Potassium

Ikalawa ng Agosto, 2012


Ilegal na Aborsyon
Ano ang aborsyon? Ang aborsyon ay ang sapilitang pagtanggal ng fetus sa
sinapupunan ng isang babae. Ito ay maaring gawin sa pamamaraang surgical sa
mga ospital ng mga bansa kung saan ang aborsyon ay legal. Mayroon din namang
mga ibang nagpapalaglag sa pamamagitan ng hilot kung saan hinihilot ng madiin
ang tiyan ng babaeng nagpapalaglag upang madurog ang fetus. Ang iba naman ay
gumagamit o umiinom ng mga matatapang na gamot upang patayin ang batang
nasa sinapupunan ng ina.
Sa Pilipinas, ang mga babaeng nagpa-abort at ang sinumang tumulong sa
aborsyon ay maaring makulong ng anim na taon.

Maaring kumpiskahin ang

lisensya ng mga duktor na tutulong sa proseso ng aborsyon.


Kahit na ilegal ang aborsyon sa Pilipinas ay marami pa ring mga kababaihang
nagpapa-abort.

Ayon sa Pro-Life Philippines, isang grupong di sang-ayon sa

aborsyon, isa sa apat na pagbubuntis sa Pilipinas ay nauuwi sa aborsyon. Ayon sa


World Health Organization, pitumput porsyento ng mga di-inaasahang pagbubuntis
sa Pilipinas ay nagtatapos sa aborsyon.

Ayon naman sa Department of Health,

humigit kumulang isang daang libong kababaihan ang itinatakbo sa ospital dahil sa
mga masasamang epekto ng aborsyon.
Para sa akin, hindi talaga dapat gawing legal ang aborsyon sa Pilipinas dahil
nakakasama ito hindi lamang sa kalusugan ng sanggol o fetus, kundi pati na rin sa
kalusugan ng inang nagpa-abort.
Isa sa mga buhay na halibawa ng masasamang epekto ng aborsyon ay ang
kuwento ni Remy, 44 taong gulang, may asawa at pitong anak at hindi na kaya
pang tustusan ang isa pang anak. Pumunta siya sa isang hilot, si Aling Minda at
binayaran niya ang matanda ng isang daan at limampung piso para ilaglag ang
bata.

Dinugo si Remy nang isang lingo ngunit tumanggi siyang magpadala sa

ospital dahil hindi nila kayang magbayad. Ayon kay Remy ay mas masakit pa raw

ang aborsyon kaysa sa panganganak. Nakunsensya raw siya sa kanyang ginawa at


humingi nalang daw siya ng tawad sa panginoon.
Si Cielo, 16 taong gulang, nagahasa at nabuntis.

Takot na takot siyang

sabihin sa magulang niya ang nangyari at naisip na ipalaglag na lamang ang bata
sa pamamagitan ng hilot at pag-inom ng matatapang na gamot.

Dahil dito ay

dinugo siya nang isang buwan na muntik na maging dulot ng kanyang pagkamatay.
Si Dr. Jody, isang batang duktor, ay ginahasa ng nagpa-aral sa kanya.
Binugbog siya, pinilit na magpalaglag at namatay nang dahil sa isang illegal na
aborsyon.
Isang dalaga, nabuntis ng kanyang nobyo. Nang sinabi niya sa kanyang ina
na buntis siya ay pinilit siya nitong ipalaglag ang bata. Sumunod siya kahit na itoy
labag sa kanyang kalooban.

Ilang taon ang makalipas ay nabuntis ulit siya ng

parehong lalaki ngunit hindi ito natuloy dahil nakunan naman siya.

Napagtanto

niyang dahil ito sa aborsyon niya noon na nakasira sa kanyang fallopian tubes.
Nang umabot siya sa 18 taong gulang, nagkaroon naman siya ng cervical cancer at
kinailangan niya nanaman ng operasyon para dito.

Ayon sa kanya, pinagsisisihan

niya na sinunod niya ang nanay niya na ipalaglag ang bata.


Nakalulungkot isiping maraming buhay na ang nasira dahil sa aborsyon.
Hindi lamang nito pinapatay ang mga batang walang muwang, kundi nilalagay rin
nito sa piligro ang buhay ng nanay.

Pero, bakit marami pa ring kababaihan ang

sumusubok nito sa kabila ng mga pahamak? Bakit marami ang nagtitiis sa mga
sakit na dulot nito? Bakit sila nagsasagawa ng mga aborsyon? Ito ba talaga ang
solusyon? Ito ba ay makapagtatakip sa mga maling nagawa? Ito ba ay para sa
ikabubuti ng lahat?
Ano nga ba ang dahilan kung bakit marami ang nagpapa-abort? Malamang,
ito ay dahil sa hindi inaasahang pagbubuntis, panggagahasa, at marami pang iba.
Ang mga kababaihang nagpalaglag, kadalasan ay humarap sa isang nakalilitong
sitwasyon noong panahon na itinuloy nila ang pagpapalaglag. Sa una, sinubukan
nilang kumbinsihin ang sarili na tama ang kanilang ginawa pero kalaunan ay
kabaliktaran nito ang laman ng kanilang puso.

Sa mga istorya ng mga kababaihang ito na nabasa ko tungkol sa aborsyon,


napasin kong lahat sila (ang mga nabuhay) ay nagsisi sa kanilang ginawa.
Karamihan sa kanila ay napahamak lamang dahil sa aborsyon at paulit-ulit nilang
sinasabi na habambuhay silang nakukunsensya sa kanilang ginawa.
Ang mga testimonya ng kababaihang ito ay nagsasabi lamang na sana ay
huwag nang gayahin pa ng ibang mga babae ang nagawa nilang pagkakamali.
Dahil sa mga ito, naniniwala akong hindi aborsyon ang solusyon upang matakpan
ang mga pagkakamali natin sa nakaraan.

Huwag tayong

magdiyos-diyosan at

kunin ang buhay ng walang muwang. Huwag nating sirain ang buhay ng kapwa
nating tao. Tulungan natin sila upang maka-ahong muli.

Você também pode gostar