Você está na página 1de 21

Proyekto

sa
Filipino V
Ipinasa ni: Angel Jeanna M. Jogno
Ipinasa kay: G. Romil John Lapeceros

Nobela
Pusong Walang Pag-Ibig
ni Roman G. Reyes

Sa baryo ng Pulong-gubat, nais ni Matandang Tikong na maikasal na ang anak niyang


siyang si Loleng. Nararamdaman ng matanda na malapit na siyang mamatay at mapapalagay
lamang siya kung mayroong lalaking makakasama ang kanyang anak habangbuhay. Napili ni
Tandang Tikong si Ikeng na dating tenyente at ngayon ay wala pang trabaho. Wala namang
magawa si Loleng dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang ama. Bagamat napupusuan niya si
Tone na lagi niyang nakakaulayaw ay may nasisintahan nang iba. Dumating isang gabi si Ikeng
at nakipagkasundo na nga kay Matandang Tikong at nangakong babalik para matupad ang
pangako ngunit naisip ni Ikeng na tila napasubo na naman siya sa hindi niya gusto dahil may
mga dalaga pa siyang sinusuyo tulad nina Isiang, Beheng at Gunday. Nagkausap-usap ang mga
binata ng Pulong-gubat at kung bakit daw nila hinahayaan na ang isang dayo ang siya pang
manliligaw sa dalagang katutubo sa kanilang nayon? Dahil dito ay kinausap ni Aling Buro si
Loleng at kung bakit sa isang dayo pa siya magpapakasal. Sinabi naman ni Loleng na wala
siyang magagawa dahil ama niya naman talaga ang nasusunod. Nabigo si Ikeng sa panunuyo kay
Isiang, Gunday at Beheng. Idinemanda pa siya ni Kabesang Tiago dahil sa pagtangay sa kanyang
anak na si Isiang matapos tangkaing itanan ni Ikeng sa tulong ni Tomas. Pati si Tomas ay
nadamay sa demandahan at kung hindi kadikit ni Ikeng ang direktor ay malamang na ikinulong
sila. Ngunit hindi sumusuko si Kabesang Tiago dahil kung walang magagawa ang kinauukulan
ay siya mismo ang gagawa ng hakbang para maparusahan si Ikeng. Para makaiwas sa gulo ay
naisipan nina Mang Simon at ni Aling Tolang na suyuin sa tulong ni Tenyente Pedro ang magamang taga-Pulong-gubat para ikasal na sina Ikeng at Loleng. Pumayag si Ikeng sa mungkahing
iyon dahil wala na talagang ibang paraan bagamat dalawang buwan na ang lumipas. Natuloy
ang kasal at nangako si Ikeng kay Loleng na hindi mauubos ang kanyang pag-ibig. Naging
maganda sa umpisa ang pagsasama ng bagong kasal ngunit hindi nagtagal ay nagbalik na naman
si Ikeng sa dati niyang gawi. Namatay na nagsisisi si Matandang Tikong kung bakit si Enrique
ang napili niya para sa anak ngunit hindi ni Loleng sinisi ang kanyang ama. Naging palasugal na
ngayon si Ikeng hanngang sa manganak si Loleng na wala siya sa kaniyang tabi. Babae ang
naging anak nila at pinangalanang Elisa, at Nene ang naging palayaw. Unti-unting naubos
ang pamana ni Matandang Tikong para kay Loleng dahil sa pagsusugal ni Ikeng. Kahit damit ay
hindi ni Loleng maibili si Nene at minsan ay wala man lang bigas na maisasaing kaya naging
kaawaawa ang mag-ina. Pinayuhan ni Aling Buro si Loleng na huwag nang hayaan si Ikeng sa

pagsusugal kung ayaw nilang mamatay sa gutom. Nagkaroon ng mga usap-usap tungkol sa isang
himagsikan at umabot iyon sa Pulong-gubat. Maraming lalaki ang nais sumali sa Rebolusyon
kaya sila ay pumunta sa bundok. Isa si Ikeng sa mga sumanib ngunit hindi naman talaga iyon ang
kanyang layon kundi ang maiwan ang kanyang asawat anak. Natapos ang himagsikan at tinalo
ng mga Amerikano ang mga Kastila. Sa halip na magsarili na ang Pilipinas ay inako lamang na
mga Amerikano sa Kastila ang kapangyarihan. Isang kaguluhan ang nangyari at nagtakbuhan ang
mga tao. Nahiwalay si Loleng kay Nene kayat siyay muntikan nang mabaliw sa kakahanap
samantalang inagaw pala ni Ikeng si Beheng mula sa kanyang ama na si Kabesang Bino at
itinago sa Tarlac. Masalimuot ang naging kalagayan ni Loleng habang hinahanap si Nene sa
Maynila. Hindi inakala ni Loleng na may magnanakaw na pumasok sa kaniyang tahanan habang
abala sa paghahanap. Mabuti na lamang dahil pinabaunan siya ng pera ni Aling Buro dahil baka
sa kalye siya matulog. Maging si Nene ay hinahanap na rin ang kanyang ina. Habang tila
maloloka na sa kakahanap ay napagtanungan ni Loleng si G. Ricardo sa daang Villalobos.
Napagkamalan nga ng ginoo na si Loleng ay matanda na dahil sa itsura nito. Nalaman ni Loleng
na kinupkop ni G. Ricardo at ng kaniyang asawang si Aling Nitang ang anak niyang si Neneng.
Sa wakas ay nagkita na muli ang mag-ina! Hindi ibang tao ang turing nina G.Ricardo at Aling
Nitang sa mag-ina. Ibig ni Loleng na makapag-aral si Nene dahil iba na ang panahon. Pumayag
pa nga sila na mag-aral si Nene at binigyan ng puhunan si Loleng para makapagbenta ng
bibingka. Unti-unting guminhawa ang buhay ng mag-ina. Biglaang sumulpot si Ikeng sa
barberya ni Tomas dahil magpapagupit. Nakilala ni Tomas at Ikeng ang isat isa. Nalaman ni
Tomas na nakulong ng apat na taon si Ikeng dahil sa pagtatanan kay Beheng. Nais ni Ikeng na
makita ang mag-ina ngunit hindi nito alam kung saan sila hahanapin. Siya namang itinuro ni
Tomas ang lugar nina Loleng at Nene ngunit sa kasamaang palad ay nabangga ng isang
humaharurot na awtomobil si Ikeng at isinugod sa Hospital San Pablo. Naghihingalo na si Ikeng
ngunit nagawa pa rin niyang humingi ng kapatawaran at inamin na napakalaki ng pagkukulang
niya sa kaniyang mag-ina. Oras na talaga ni Ikeng at siyay tuluyan nang namatay. Dito
nagtatapos ang kuwento ni Ikeng, ang pusong walang pag-ibig.

Alamat

Alamat ng Langgam

Sa isang malayong bayan ay may isang mag-anak na kabalitaan sa sobrang sipag. Mula
ama hanggang sa ina at mga anak ay makikitang nagtatrabaho na sila pagsikat pa alng ng araw sa
silangan.
Marami ang naiinggit sa samahan ng pamilya dahil bihira ang mga mag-anak na lahat ay
nagtutulungan.
Ang kasipagan ng lahat ng miyembro ang dahilang kung kaya naman kapansin-pansin
ang tuwina ay masagana nilang ani. Sa kabila ng maalwang buhay ay hindi kinakitaan ng pagod
ang mag-anak. Habang gumaganda ang kanilang kabuhayan ay lalo silang sumisipag.
"Sila ang gayahin ninyo para kayo umunlad," madalas ay payo ng matatanda sa iba.
Nagkaroon ng taggutom sa nasabing bayan. Pininsala ng labis na baha ang mga pananim.
Karamihan sa mga tagaroon ay hindi nakapag-ipon ng makakain dahil nakuntento na lagi silang
makapagtatanim. Mabuti na lang at mabuti ang loob ng masisipag na mag-anak. Inihati nila sa
mga kababayan ang mga pagkaing inipon nila.
"Walang masama na maging handa tayo sa mga panahong hindi inaasahan," anang ama
ng pamilya. "Maging aral sana sa lahat ang pangyayaring ito."
"Napakayabang mo naman," wika ng isang lalaki na minasama ang narinig.
"Nakapagbigay ka lang ng kaunti ay ang dami mong sinabi."
"Wala naman akong intensyong masama. Ibig ko lang pare-pareho tayong maging handa
sa panahon ng pagsubok,"
"Ang sabihin mo ay mayabang ka dahil kailangan naming umasa sa inyo!" diin ng lalaki.
Natigil lamang ang diskusyon nang mamagitan ang isang matanda. Sinabi nito na mas
kailangan nila ang magkasundo kaysa mag-away.
Hindi inakala ng lahat na magbubunga iyon ng trahedya. Nainsulto ang lalaki na dahil
makitid ang isip ay binalak gumanti. Isang gabi ay sinunog nito ang bahay ng pamilya na
humantong sa kamatayan ng mag-anak.
Nagluksa ang buong bayan. Nanghinayang sila sa pagkawala ng ideyal na pamilyang
nagbukas sa isip nila sa halaga ng kasipagan. Ilang buwan maraang malibing ang mag-anak,
dalawang matanda ang dumalaw sa nasunog na bahay. Agad ay napansin nilang ang isang grupo
ng maliliit na insektong namamahay sa isang bahagi ng bakuran. Nakalinya ang mga ito at bawat
isa ay may dalang butil na iniipon sa tirahan nila.
Nagkatinginan ang dalawang matanda. Alam nilang ang mga insek-tong iyon ay ang
masisipag na mag-anak. Tinawag nila itong mga langgam.

Alamat ng Marinduque

Noong unang panahon, maraming taon na ang nakalilipas, ang mga lalawigan ng
Camarines, Mindoro at Timog Kanlurang bahagi ng Laguna ay nasasakop ng barangay ng
Batangas. Ang namumuno sa barangay na ito ay si Datu Batumbakal. Ang Datu ay may
napakagandang anak na dalaga, si Mutya Maria. Si Mutya Maria ay itinuturing na Reyna ng
Katagalugan, sapagka't taglay niya ang mga katangian ng isang reyna.
Maraming manliligaw si Mutya Maria. Kabilang na rito ang mayamang Datu ng
Mindoro, Laguna at Camarines. Nguni't sinuman sa tatlong ito ay walang damdamin si Mutya.
Ang kanyang napupusuan ay isang hamak na lalaki, si Garduke na kilala sa tawag na Duke. Si
Duke ay mahilig umawit at kumatha ng mga tula. Isa siyang mangingisda.
Ang tatlong datu ay malayang nakakadalaw kay Mutya samantalang si Duke ay
maraming ulit na pinagbawalan ni Datu Batumbakal. Minsang nakita ng Datu si Duke sa
palasyo, ito ay kanyang kinagalitan at ipinagtabuyang palabas. Kahit pa sinabi niyang
kagustuhan ng Mutya ang kanyang pagtuntong sa palasyo upang makinig ng kanyang mga tula
ay hindi pa rin siya pinahintulutan ni Datu Batumbakal.
Magmula noon ay hindi na nakita si Duke. Labis na nalungkot at nangulila si Mutya
Maria. Naglalakad-lakad siya sa bukirin sa pag-asang baka makita niya doon si Duke. At sa dulot
ng tadhana, ang dalawa ay nagkita sa baybayin ng ilog Pansipit.
"Kung sadyang ako'y mahal mo, ipaglalaban mo ito sa anumang paraan." Hamon ni
Mutya kay Duke. Bago naghiwalay ay napagkasunduan sa dalawa na magkita sa hardin ng
palasyo sa pagsapit ng dilim.
Hindi nalingid kay Datu Batumbakal ang pagtatagpo ng dalawa. Kinagalitan niya ang
anak at pinagbawalang makipagkita kay Duke. Isang kautusan ng kanilang barangay na ang mga
dugong maharlika ay nababagay lamang sa kapwa dugong maharlika. Ang kautusang ito ay
nilabag nina Maria at Duke.
Ipinahuli ni Datu Batumbakal si Duke at ito ay pinapugutan ng ulo. Labis itong
ikinalungkot ni Mutya Maria. Ang pag-iibigan nina Maria at Duke ay naging bukambibig sa
buong barangay at dito rin hinango ang pangalan ng isang lugar na ngayon ay kilala sa tawag na
lalawigan ng Maringduque.

Pabula
Ang Pagong at Ang Kalabaw
Isang araw ay nagkita ang kalabaw at ang pagong. Nais ng pagong na makipagkaibigan
sa kalabaw. Tumawa lang nang malakas ang kalabaw at pakutyang sinabi na, "Hindi ang isang

tulad mo ang nais kong kaibigan. Ang gusto ko ay iyong kasinlaki at kasinlakas ko, hindi tulad
mong lampa na't maliit ay sobra pa ang kupad kumilos."
Ang pagong ay napahiya sa tinuran ng palalong kalabaw. "Sobra kang mapang-api.
Minamaliit mo ang aking kakayahan dapata mong malaman na ang maliit ay nakakapuwing.
Napika si kalabaw. Hinamon niya ng karera si pagong upang mapatunayan nito ang kanyang
sinasabi. Tinanggap naman ni pagong ang hamon ni kalabaw. "Kapag ako ay tinalo mo sa
labanang ito ay pagsisilbihan kita sa habang panahon."
"Matibay ka talaga, ha. Pwes, kailan mo gustong umpisahan ang karera?" pakutyang
sambit ng kalabaw.
"Bukas ng umaga, sa ding ito," ang daling sagot ng pagong.
Tuwang-tuwa si kalabaw dahil sigurado na niyang talo si pagong sa karera. Malaki siya at
mabilis tumakbo. Subalit si pagong ay matalino, Kinausap niya ang apat na kaibigang pagong.
Pinapuwesto niya ang mga ito sa tuktok bawat bundok hanggang sa ikalimang bundok.
Kinabukasan, maagang dumating si kalabaw. Tulad ng inaasahan, wala pa ang
makakalaban niya sa karera" O, paano, dipa man ay nahuhuli ka na. Ano bang kondisyon ng
ating karera?" tanong ng kaiabaw.
"Okay, ganito ang gagawin natin. Ang maunang makarating sa ikalimang tuktok ng
bundok na iyon ay siyang panalo," sabi ng pagong.
Tulad ng dapat asahan, natabunan ng alikabok si pagong. Naunang sinapit ng kalabaw
ang unang bundok ngunit laking gulat niya ay naroon na ang pagong na ang akala niya ay ang
kanyang kalaban. Nagpatuloy sa pagtakbo si kalabaw hanggang sa ikalawang bundok. Ganon din
ang kanyang dinatnan. Mayroon nanamang isang pagong doon. Galit na galit na nagpatuloy sa
pagtakbo ang kalabaw hanggang sa ikatlong bundok." Muli ay may isang pagong na naman
doon, ganoon din sa ikaapat at ikalimang bundok.
Dahilan sa matinding kahihiyan at galit sa kanyang pagkatalo kay pagong tinadyakan
niya ng malakas ang pagong. Matigas ang likod nang pagong kaya hindi ito nasaktan sa halip ay.
ang kalabaw ang umatungal ng iyak dahil sa sakit na dulot ng nabiyak ng kuko sa pagsipa sa
mahina at maliit na pagong.

Ang Agila at Ang Maya

Isang araw ay nakasalubong ni Maya ang mayabang na Agila habang ipinagmamalaki


nito ang bilis di umano nito sa paglipad, dahil nayabangan si Maya, naisip niyang yayaing
makipagdwelo sa Agila.
Makulimlim ang kalangitan at tiyak niyang uulan mamaya-maya kung kayat nakaisip ng
magandang ideya ang Maya.
Agila, akin kitang hinahamon sa pabilisang lumipad.
Niloloko mo ba munting Maya? Ako? Ang Agila? Ay hinahamon sa isang dwelo?
anang Agila na sinundan ng mapanglait na tawa.
Oo, magaling na Agila. Tama ka. Hinahamon kita. Paunahang makarating sa bundok na
iyon! Ngunit lilipad tayong may bitbit, mamili ka, asin o bulak?
May bitbit? Napaisip ang Agila, kung ang bulak ang dadalhin niya ay tiyak na
mananalo siya dahil itoy magaan hindi gaya ng asin na ubod ng bigat.
Akin ang bulak! bulalas ng Agila. Lihim na napangiti ang Maya sa desisyon ng Agila.
Magaling, Bulak ang iyo, Asin ang akin. Tayo nang mag-umpisa!
Sa pag-uumpisa ng karera ay talaga namang hirap na hirap ang munting Maya sa
paglipad lalo na at kay bigat nang dala niyang asin. Tuwang-tuwa naman ang Agila dahil alam
nyang siya na ang mananalo.
Ano ba naman kasi ang nasa isip ng Maya na iyon? Nagawa pa kong hamunin e alam
naman ng lahat na mabilis talaga akong lumipad. Kaawa-awang Maya. Ako na naman ang
mananalo!
Sa kalagitnaan ng karera ay nag-umpisa nang bumuhos ang ulan, sa pagpatak nito ay siya
namang tuwa ng Maya. Unti-unting gumaan ang dalahin ng Maya dahil unti-unting natunaw ang
Asin na dala-dala niya. Kabaligtaran naman nang kay Agila na mas bumigat ang dalahing bulak
dahil nabasa ito ng tubig. Dahil sa paggaan ng dala ni Maya ay unti-unti siyang nakabawi sa
karera at kalaunan ay nanguna sa dwelo. Lumong-lumo ang Agila ng makarating sa bundok,
mabigat man sa loob ay tinanggap niya ang kanyang pagkatalo.

Maikling
Kwento
Bangkang Papel
ni: Genoveva-Edroza Matute

Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw
mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyoy nagpatuloy sa loob ng
tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang
walang tigil ang pag-ulan.
Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkal papel, nariyang tinatangay ng
tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak.
Sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang
batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya
napalutang sa tubig kailanman...
Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat.
Sa loob ng ilang saglit, ang akala niyay Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na
ugong ang natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang
saglit, nagunita niyang noon ay wala nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan.
Sa karimlat pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa
isang makitid na silahis. Hindi niya malaman kung alin ang dagundong ng biglang pumuno sa
bahay ang biglang pagliliwanag. Gulilat siyang nagbalikwas at hinanap nang paningin ang
kanyang ina.
Nagsunud-sunod ang tila malalaking batong gumugulong sa kanilang bubungan. Ang
paggulong ng mga iyoy sinasaliwan ng pagliliwanag at pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag na
muli. Samantalay patuloy ang pagbuhos ng ulan sa kanilang bubungan, sa kanilang paligid, sa
lahat ng dako.
Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinatalagos sa karimlan.
Inay, umuulan, ano?
Oo, anak, kangina, anang tinig mula sa dulo ng hihigan.
Inay, ang ulit niya sa karimlan, dumating na ba ang Tatay?
Sumagot ang tinig ngunit hindi niya maunawaan. Kayat itinaas niya nang bahagya ang
likod at humilig sa kaliwang bisig. Sa kanyang tabiy naroon ang kapatid na si Miling. Sa tabi
nitoy nabanaagan niya ang katawan ng ina, at sa kabila naman nitoy nakita niya ang banig na
walang tao.
Ibinaba niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman niya ang sigis ng lamig
ng kanyang buto. Mula sa nababalot na katawan ni Miling ay hinila niya ang kumot at itoy
itinakip sa sariling katawan. Bahagyang gumalaw ang kapatid, pagkatapos ay nagpatuloy sa
hindi pagkilos. Naaawa siya kay Miling kayat ang kalahati ng kumot ay ibinalot sa katawan
niyon at siyay namaluktot sa nalabing kalahati.

Naramdaman niya ang panunuot ng lamig sa kanyang likod. Inilabas niya ang kanag
kamay sa kumot at kinapa ang banig hanggang sa maabot niya ang sahig.
Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang kanang kamay ay dali-daling ipinasok muli
sa kumot.
Inay, ang tawag niyang muli, bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba?
Ewan ko, ang sagot ng kanyang ina. Matulog ka na, anak, at bukas ay magpapalutang
ka ng mga bangkang ginawa mo.
Natuwa ang bata sa kanyang narinig.
Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang akiy malalakit matitibay...hindi masisira
ng tubig.
Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at ng
kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina.
Naramdaman niya ang bahagyang pag-aangay ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay
nooy ipinatong sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita:
Siya, matulog ka na.
Ngunit ang batay hindi natulog. Mula sa malayoy naririnig niya ang hagibis ng malakas
na hangin. At ang ulang tangay-tangay noon.
Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi, ang kanyang nasabi. Naalala niyang
may mga gabing hindi umuuwi ang kanyang ama.
Saan natutulog ang Tatay kung hindi siya umuuwi rito? ang tanong niya sa kanyang ina.
Ngunit itoy hindi sumagot.
Sinipat niya ang mukha upang alamin kung nakapikit na ang kanyang ina. Ngunit sa
karimlan ay hindi niya makita.
Bago siya tuluyang nakalimot, ang kahuli-hulihang larawan sa kanyang balintataw ay ito.
Tatlong malalaking bangkang yari sa papel na inaanod ng baha sa kanilang tapat...
At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan ang kahuli-hulihang pangrap ng batang yaon,
ang panahon ay patuloy sa pagmamasungit. Ang munting bahay na pawid ay patuloy sa
pagliliwanag at pagdidilim, sa pananahimik at pag-uumugong, sa pagbabata ng walang awing
hampas ng hangin at ulan...
Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at pagpapaanod ng mga bangkang papel ay
dumating... Ngunit kakaibang kinabukasan.
Pagdilat ng inaantok pang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa siya sa hihigan. Naroon
ang kumot at unan ni Miling at ng kanyang ina.
Pupungas siyang bumangon.

Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang
yaoy si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay.
Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa.
Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang ulirat.
Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Alng Ading, si Feli, at
si Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao.
Nahihintakutang mga batang humanap kay kay Miling at sa ina. Sa isang sulok, doon
nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sa kanyang kandungan ay
nakasubsob si Miling. At ang buhok nito ay walang tigil na hinahaplus-haplos ng kanyang ina.
Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti kaysa rati. Ngunit ang mga
mata nooy hindi pumupikit, nakatingin sa wala.
Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang kanyang pagtatanong. Bakit, Inay, ano
ang nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit maraming tao rito?
Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata nooy patuloy sa hindi pagsikap.
Ang kamay nooy patuloy sa paghaplos sa buhok ni Miling.
Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang pag-uusap nilay
biglang natigil nang siyay makita.
Wala siyang narinig kundi... Labinlimang lahat ang nangapatay...
Hindi niya maunawaan ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. Ang anasan. Ang
ayos ng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay makita.
Sa pagitan ng mga hikbi, siyay patuloy sa pagtatanong...
Bakit po? Ano po iyon?
Walang sumasagot sa kanya. Lahat ng lapitan niyay nanatiling pinid ang labi. Ipinatong
ang kamay sa kanyang balikat o kayay hinahaplos ang kanyang buhok at wala na.
Hindi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan pang mga tao.
Handa na ba kayo? anang isang malakas ang tinig. Ngayon din ay magsialis na kayo.
Kayoy ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas. Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog
ang araw silay papasok dito... Kayat walang maaaring maiwan.
Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nagyari.
Silay palabas na sa bayan, silang mag-iiba, ang lahat ng kanilang kapitbahay, ang
maraming-maraming tao, at ang kani-kanilang balutan.
Sa paulit-ulit na salitaan, sa sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid niya ang ilang bagay.

Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa labas ng bayan...sa


sagupaan ng mga kawal at taong-bayan.
Nag-aalinlangan, ang batang lalakiy lumapit sa kanyang ina na mabibigat ang mga paa sa
paghakbang.
Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?
Ang mga bata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na lumapit sa kanyang
mukha. Pagkatapos, sa isang tinig na marahang-marahan ay nagsalita.
Iyon din ang nais kong malaman anak, iyon din ang nais kong malaman.
Samantala...
Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahanan ay
nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan.
Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ng mga
bangkang papel ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal.
Ang araw na humaliliy tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon.
Kaya nga bat sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita
ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na
hindi niya napalutang kailanman...

Banyaga
ni: Liwayway Arceo

Mula nang dumating si Fely kanina ay hindi miminsang narinig ang tanong na iyon na
tila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang uli isang taon: kung Araw ng
mga Patay at kung Pasko. O, napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga
sandaling ito na wala nang kumikibo at tumitingin sa kanya ay iyon din ang katunayang wari ay
nababasa niya sa bawat matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap.
At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran.
Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok. Hindi
ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya.
Serbesa ba kamo bata ka, ha?
Ngumiti siya, kasabay ang mahinang tango. At nang Makita niyang nangunot ang noo
nito, idinugtong niya ang paliwanag. Hindi naman masama ang amoy, Nana.
Ngayon sa kanyang pagtindig ay hindi maikaila sa kanya ang pagtuon ng tingin nito sa
kanyang suot sa leeg ang kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyang balikat
at tila nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib. Sa kanyang
baywang na lalong pinalaktik ng lapat na lapat na saya. Sa laylayan nito na may gilit upang
makahakbang siya. Ibang-iba na ngayong ang lahat! at naunlinigan ang buntunghininga na
kumawala sa dibdib ng matanda niyang lola.
Napangiti siya. Alam niyang iyon din ang sasabihin ng kanyang ama na sa pagkakaalam
niya ay hindi naging maligoy minsan man sa pagsasalita. Iyon din ang narinig niyang sabi ng
kanyang Ate Sedes. At ng kanyang Insong Edong, ang balo ng kanyang Kuya Mente. At ang
kanyang apat na pamangkin ay halos hindi nakahuma nang Makita siyang nakatoreador ng itim
at kamisadentrong rosas. Pinagmasdan siya ng kanyang mga kanayon, mula sa ulong may taling
banda, sa kanyang salaaming may kulaym hanggang sa kanyang mga kukong mapula sa paa, na
nakasungaw sa step-in na bukas ang nguso.
Sino kayang magmamana sa mga pamangkin mo matalino.
Sinabi ko naman sa Inso Ibigay na sa akin papag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisa
naman ako. Ang hirap sa kanila ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto ni
Inang noon kung natakot ako sa iyakan Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyang hindi
maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib.
E oo nga walang anu-anoy ni Nana Ibang. Tigas nga naming iyakan nang
lumwuas ka
Noon pa man, alam kong nasa Maynila ang aking pagkakataon. Sasali bako sa timpalak
na yon kung hindi ako nakkasigurong kaya ko ang eksamen?

Hindi sumagot si Nana Ibang. Naramdaman niyang may dumamping panyolito sa


kanyang batok. Pinagpapawisan ka na, a. Ano bang oras sabi ni Duardo na susunduin ka?
Alas tres daw. Hanggang ngayon bay ganoon dito? At napangiti siya, Alas tres o alas
singko? Alas kuwatro na, a! Kung hindi lang ako magsasaya, di dinala ko na rito ang kotse ko.
Ako na ang magmamaneho. Sa Amerika
Naiinip ka na ba? agaw ni Nana Ibang sa kanyang sinasabi.
Hindi sa naiinip, e. Dapat ay nasa oras ng salitaan. Bakit ay gusto kong makabalik
ngayon sa Maynila.
Ano? K-kahit gabi?
Napatawa si Fely. Kung sa Amerika, nakapunta ako at nakabalik nang mag-isa, sa
Maynilap a? Ilang taon ba kong wala sa Pilipinas? Ang totoo
Biglang nauntol ang kanyang sasabihin nang marinig niya ang mahinang tatat ni Nana
Ibang. At nang tumingin siya dito ay nakita niya ang kulimlim na mukha nito. At biglangbiglang, dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo. Ang walang malamang gawing
pagsalubong sa kanya. At nang siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa kanyang pamangkin.
Ibinukod siya ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at malinis na kumot na ginawang
mantel. Hindi siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas siya ng kamay,
Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang pamangkin na sa pangalan at
larawan lalo niyang kilala sapagkat patuloy ang kanyang sustento rito buwan-buwan. Ito ang
may dalang platitong kinalalagyan ng isang sabong mabangong alam niyang ngayon lamang
binili. Nakasampay sa isang bisig nito ang isang tuwalyang amoy moras. At napansin niyang
nagkatinginan ang kanyang mga kaharap nang sabihin niyang magkakamay siya.
Ayan naman ang kubyertos pilak yan hiyang-hiyang sabi ng kanyang hipag. Yan
ang uwi mo noon hindi nga naming ginagamit Napatawa siya, Kinukutsara ba naman
ang alimasag?
Nagsisi siya pagkatapos sa kanyang sinabi, Napansin niyang lalong nahapis ang mukha ng
kanyang Nana Ibang. Abo tang paghingi nito ng paumanhin. Kung hindi k aba nagbagong-loob,
di sanay nalitson ang biik sa silong. Kasi sabi hindi ka raw darating
Wala na siyang balak dumalo sa parangal. Ngunit naisip niyang ngayon lamang gagawin
ang ganyon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High School, waring hindi
niya matatanggihan ang karangalang inuukol sa kanya ng Samahan ng mga Nagsipagtapos sa
kanilang paaralan. Waring naglalaro sa kanyang isipan ang mga titik ng liham ng pangulo ng
samahan. Parangal sa unang babaing hukom na nagtapos sa kanila.

Napakislot pa si Fely nang marinig ang busina ng isang tumigil na sasakyan sa harap ng
bahay. Alam na niya ang kahulugan niyon. Dumating na ang sundo upang ihatid siya sa bayan, sa
gusali ng paaralan. Hindi muna niya isinuot ang kanyang sapatos na mataas at payat ang taking.
Sa kotse na, ang sabi niya kay Nana Ibang. Ang hindi niya sinabi: Baka ako masilat
baka hindi ako makapanaog sa hagdang kawayan. Ngunit sa kanyang pagyuko upang damputin
ang kanyang sapatos ay naunahan siya ng matanda. Kasunod niya ito na bitbit ang kanyang
sapatos. Sa paligid ng kotse ay maraming mukhang nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay
hawak ng isang lalaking nang mapagsino niya ay bahagya siyang napatigil. Napakunot ang noo
niya.
Ako nga si Duardo!
Pinigil niya ang buntunghininga ibig kumawala sa kanyang dibdib. Nang makaupo na
siya ay iniabot ni Nana Ibang ang kanyang sapatos. Yumuko ito at dinampot naman ang tsinelas
na hinubad niya. Isinari ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper ito naupo. Bakit hindi
ka rito? tanong niya, Masasal ang kaba ng kanyang dibdib. May president ba ng samahan na
ganyan? A e Hindi kinakailangang Makita niyang nakaharap si Duardo. Napansin niya
sa pagsasalita nito ang panginginig ng mga labi. A alangan na ata
Tumigas ang mukha ni Fely. Nagtiim ang kanyang kalooban. Si Duardo ang tanging
lalaking naging malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang kanilang
pinagtapusan. At ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagsipagtapos.
Natutuwa kami at nagpaunlak ka Walang anu-ano;y sabi ni Duardo. Dalawamput
dalawang taon na
Huwag mo nang sasabihin ang taon! nagtatawang sabi ni Fely. Tumatanda ako
Hindi ka nagbabago, sabi ni Duardo. Parang mas mas bata ka ngayon. Sayang
hindi ka makikita ni Monang
Monang? napaangat ang likod ni Fely. Kaklase natin sa apat na grado, paliwanag
ni Duardo. Kami ang at napahagikhik ito. Kamakalawa lang niya isinilang ang aming
pang-anim Congratulations! Pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglang
naalinsanganan. Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan.
Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang mukha
sa binate ng sasakyan ay nakita niya ang mga matang nakamasid sa kanya. Isinuot niya ang
salaaming may kulay. Tila hindi na niya matagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga
sumasalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga, pagsungyaw. Aywan niya kung alin.At nang
buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makalabas siya ay lalong nagtining ang
kahungkagang nadarama niya kania pa. At may sumungaw na luha sa kanyang mga mata. Tila
hindi na niya nakikilala at hindi na siya makikilala pa ng pook na binalikan niya.

Tula
Kalikasan Saan Ka Patungo?
ni: Avon Adarna

Nakita ng buwan itong pagkasira,


Mundo't kalisakasan ngayoy giba-giba,
Ang puno putol na, nagbuwal at lanta,
Ang tubig marumi, lutang ang basura.
Nalungkot ang buwan sa nasasaksihan,
Lumuhang tahimik sa sulok ng damdam,
At nakipagluhaan sa poong Maylalang,
Pagkat ang tao rin ang may kasalanan.
Ang hanging sariwa, bilasa na ngayon,
Nasira ng usok na naglilimayon,
Malaking pabrika ng goma at gulong,
Sanhi na ginawa ng pagkakataon!
Ang dagat at lawa na nilalanguyan
Ng isda at pusit ay wala nang laman,
Namatay sa lason saka naglutangan,
Basurang maburak ang siyang dahilan!
Ang lupang mataba na bukid-sabana,
Saan ba napunta, nangaglayag na ba?
Ah hindi naroon mga mall na pala,
Ng ganid na tao sa yaman at pera.
Mga sapa at ilog sa Kamaynilaan,
Ginawa na ng tao na basurahan,
At kung dumating ang bagyo at ulan,
Hindi makakilos ang bahang punuan.
Ang tao rin itong lubos na dahilan,
Sa nasirang buti nitong kalikasan,
At darating bukas ang ganti ng buwan,
Uunat ang kamay ng Poong Lumalang!

Sa Aking Mga Kabata


Ni: Dr. Jose P. Rizal
Kapagka ang bayay sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagkat ang salitay isang kahatulan
Sa bayan, sa nayot mga kaharian,
At ang isang taoy katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita natiy huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawalay dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Você também pode gostar